1. Home
  2. Stories
  3. Teacher Natasha'' Part 36
PSErotica

Teacher Natasha'' Part 36

By masamangtao ·

______________________________________

note: ang kwentong ito ay hindi saakin, nakita ko lang. post ko dito dahil narin maraming naghahanap

full credit sa author

__________________________________

Hindi ito dapat mangyari! Nasa sarili siyang pamamahay at baka kapamilya naman ang makakaiskor sa kaniya. Kinailangan ng matinding konsentrayon ng dlaga para bumitaw sa sarap na naipadarama ng mapagpalang kamay.

Bumalikwas siya at akman susunggab ng atake sa kung sinuman na nasa silid. Madilim ang paligid, malamig ang sioy ng air conditioner. Sarado nama nang mga bintana, na sinisilipan ng liwanag ng buwan, sa kabila ng pusikit na magdamag. Wala rin siyang narinig na yabag kung kaya't inisip niyang nasa silid pa ang lapastangan. Dahil kabisado naman niya ang silid niya ay mabilis siyang tumalon mula sa kama at gumulong palapit sa pintuan, binuksan ang ilaw at hawak niya agad ang night stick na dekorasyon roon.

Wala! Walang ibang tao sa silid ung hindi siya lamang. Marahil ay nanaginip siya kanina, o baka naman… si MyMaster na kaya iyon? May sa maligno kaya ang blackmailer niya?

Natapos rin naman ang pagbisita niya sa pamilya at panahon na muli para magpatuloy sa buhay, sa kabila ng panganib at panggugulo ni MyMaster. nakabalik naman siya nang walang insidente. Doon na rin naman siya sa bahay na ipinagawa ng Dad niya para sa kaniya. Hindi na siya tumanggi para naamn walang masabi ito. Baka mamaya ay magtalo na naman sila at sabihin nitong rebelde siyang anak.

Kagaya ng inaasahan, hindi nagparamdam si MyMaster sa simula ng pasukan. Umabot ang Hulyo nang walang panggugulong nagaganap. Pero sa sulok ng utak ng seksing guro, alam niyang nasa paligid lamang ito at naghihintay ng magandang pagkakataon. Kaya naman alerto at handang lumaban ang dalaga sakali mang magpakita ang hinayupak na blackmailer. Para saan pa ang mga napagdaanan at natutunan niyang self defense noon.

"Ma'am, ang sixy niyo talaga at ang ganda" text ito minsang abutan ni Natasha ang celphone niya na nakalapag sa mesa sa harap ng klase. Sumaglit siya noong lumabas para kausapin ang isang estudyanteng nagmula sa Korea - si Heeya. Napag-usapan nilang papasok ito bilang exchange student sa isa niyang klase at bahagyang late kaya may special permit ito mula sa dean. Pabalik nga niya sa klase ay sinalubong siya ng tunog ng cellphone niya at iyon ang mensahe.

Napakunot ang noo ng guro. "Wala namang nakakaalam sa klase ng number na ito", maang na bulong niya sa sarili. Ito ang numerong ibinigay ni MyMaster para dito raw siya nito kontakin.

Natapos ang maghapon na nagtatanong pa rin ang isipan ng dalaga pero ang tangi lamang na nakikita niyang posibilidad ay may nakialam sa cellphone niya kanina. Isa man sa apat na lalaki sa harapan ang may gawa nito.

Uwian na at halos gabihin na naman siya. Iniwasan niyang mapadaan roon sa kanto kung saan naganap ang insidente sa sekyu. Sinigurado rin niyang srado ang opisina. Dala ng traffic ay hindi na rin siya sumubok magtaxi pa. Para saan pa kung usad-pagong naman ang lahat. Sa bus siya sumakay, gawing harapan.

Pagbaba niya ay maglalakad pa siya ng kaunti at heto na siya sa tarangkahan ng tinitirhan. Tuwing ganitong darating siya sa bahay na walang nangyayari ay para siyang nabubunutan ng tinik sa dibdib. Lubhang mahirap ang palaging may inaalala o iniisip. Pero, hindi maiiwasan, sa dami ba naman ng mga nangyari na sa kaniya mula pa nang magsimulang manggulo ang damuhong mysterious blackmailer niya.

Kompleto ang gamit niya rito kahit na inayawan niya dati. May sofa, malaking TV, malaking ref, 4 burner stove, kamang sinlaki ng kama niya sa mansion ng ama, fully air-conditioned na lahat, may heater pa ang shower. Well, tinanggap na rin niya ang mga ito since benepisyo rin yan. Well-secured pa nga ang mga bintana at pintuan ng simpleng bahay na ito. Siguradong walang makapupuslit dito, kahit pa si MyMast….

Napatunganga si Natasha. Kanina ay hindi niya napansin pero may paperbag sa ibabaw ng mesa - at tarhetang doble sa laki ng dati.

"Welcome back"

Nang binuklat niya ang papel:

"Siguro naman ay nag-enjoy ka sa bakasyon mo. Mabuti naman at hindi mo nakalilimutan ang mga bilin ko sa iyo. Pansin ko lang na mas gusto mo na ngayon ang walang undies. Hindi ba't wala kang undies nang magswimming party kayo para sa kaarawan ng pinsan mo, ilang araw bago ka magbalik rito? At namasyal ka rin sa kabayana na walang undies?"

Sinagilahan ng matinding takot si Natasha. Paanong nalalaman ng taong ito ang mga nangyari doon. Nandoon nga kaya ito at nagmamasid sa buong panahon na iyon? Siya ba ang nangangapa sa katawan niya nang gabing manggaling siya sa resthouse ng ninong? At paano ito nakapasok ngayon sa bahay na ito?

Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa sa kabila ng mangiyak-ngiyak na siya sa pangamba at takot sa mga nangyayari.

"Heto naman ang mga magagamit mo para sa susunod mong mga misyon. Alam mo na ang gagawin"