1. Home
  2. Stories
  3. Twinkle.
PSErotica

Twinkle.

By porche ·

Midterm's Season, ng una ko siyang mapansin. Isang lalaking nakaupo sa dulo ng bakal na upuan, sa may entrance, ng unviersity na aking pinapasukan. May dating sakin ang lalaki. Matangos ang ilong, katamtamang kapal ng labi, medyo kulot na buhok. Di ko sigurado anong eksaktong height, ngunit masasabi kong, sakto lang siya para sakin. Sa isip ko, binabatukan ko ang sarili ko, dahil kung ano ano na ang iniisip ko, eh di ko pa nga siya kilala.Pero sa oras na yon, alam ko, crush ko na siya.
Ako nga pala si Twinkle, 18, from the beautiful land of private pools and hotspring resorts, Pansol Laguna! Straight and shiny ang hanggang balikat na buhok, katamtamang kulay ng kutis, di maputi, di rin maitim. Sapat lang para makita sa dilim. Sabi nila, cute naman daw ako. Siguro dahil sa petite body frame ko. Yes guys, i only stand as 5 feet. Para di na ko mahirapan at kayo rin, 60 percent ng kakilala ko, ang sabi, kahawigan ko daw si maja salvador. Medyo dagdagan nniyo lang ng kaunti ang cup size.

Balik tayo kay crush, simula noong masilayan ko siya, palagi ko ng pinapanalangin na sana ay nakatambay siya sa pwestong iyon, sa tuwing papasok ako ng school. Para naman maganda ang simula ng araw ko. Minsan, dinidinig, minsan hindi. Hanggang sa isang beses, na lumakas yata ako sa diyosa ng Sex este, Pag ibig. Dahil hindi ko lang siya nakasabay sa jeep, nakatabi ko pa! Pinunasan ang pawis ko sa noo, at leeg. Pasimple ko din inamoyang aking sarili para alamin ko kung mabaho na ba ko. Buti, hindi naman.
"Bayad po." sinadya kong lakasan pero medyo pacute na boses. Nagtagumpay naman ako ng nilingon nya ko at abutin ang bente pesos. Saglit lang siya napabaling sa gawi ko, hindi man lang kami nagkatinginan. Pero ng ibalik na ni Manong driver ang sukli ko, swerteng inabot parin niya.
"miss, sukli mo". Sinadya kong magbingibingihan, para talagang kausapain niya ko.
"Ay, thank you kuya." at ngumiti ako ng pagkatamis tamis.
"Kuya ka diyan? Ate ako no?" natigilan ako sa kanya. Bagamat nakangiti naman siya, hindi mo padin sigurado kung joke ba yon, o may laman yung sinabi niya. Kinabahan tuloy ako ng kaunti, at medyo nalungkot. Sayang naman kung "bading" siya. Pero sinakyan ko na din para lang mapahaba ang usapan namin.

Din nagsimula ang aming pagiging close. Sa una, nagbabatian twing magkakasalubong, hanggang sa, nagkakasabay na kami kumain. Minsan pa nga, eh nililibre niya ko sa mcdo. Pati sa bahay namin, ay nakakapunta na siya ng malaya. Kilig na kilig ako tuwing magkasama kami, pero di nawala ang agam agam ko sa tunay niyang kasarian. Oo inaakbayan niya ko paminsan minsan, o kaya naka angkla ang kmay ko sa braso niya, pero hangggang doon lang. Wala siyang sinasabi. Doon ko napagdesisyunan na gumawa ng paraan. Aakitin ko siya, hanggang magustuhan niya ko, sa paraang gusto ko. Ke bading siya o hindi. Kelangan bumigay siya sa akin.

" San ba pupunta parents mo?" tanong niya, habang kumakain kami ng frenchfries.
" basta, may lalakarin. Tapos kasama nila si Therese. " inilapit ko sa kanya ang aking mukha, nakita kong napalunok siya. Good sign. Sabay pahid ng imaginary dumi sa sulok ng labi niya, gamit ang hinlalaki ko, "Dumi mo kumain." sabay dila ko sa daliri ko. Sinimot ko kunyari.
"basta, doon ka na sa bahay mag lunch ha. Agahan mo punta mo."

"ok lang ba sa parents mo, na sasamahan kita, tayong dalawa lang kamo,
Baka ano isipin nila?"

"Bakit? May gagawin ka ba tayong masama?"

"Nako, yang mga sinasabi mo, talaga." sabay sipsip niya ng softdrink.

" Kung meron ka man balak, di ako tatanggi." naghahamon kong sabi, at muntik na niyang maibuga yung iniinom niya.