1. Home
  2. Stories
  3. Nakakasawing Pag-asa
PSErotica

Nakakasawing Pag-asa

By codeframe ·

“Alam mo na ba ang gagawin mo pagdating mo dun?”
Mahinang tanong ko sa kanya.

Papalapit na ng papalapit ang takdang oras, ilang taon ng maingat na pagpaplano, masusing pagaaral at pagkumpuni ng makinaryang gagamitin namin para itama ang lahat.

“Kailangang mahanap ko sya. Kailangang makilala ko s’ya. Siya lang ang maaring makatulong sa atin. Siya lang. Gagana ang plano natin, ‘di ba? Sabihin mo sakin. Ipangako mo sakin na tama ang ginagawa natin, na para din sa atin ito.”
May halong pagaalala nyang sagot sa akin. Ang maamo nyang mukha na ngayon ay bakas ang lubhang pagaalala. Ang babaeng minahal ko ng lubos. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat, lahat ng bagay na marapat lang nyang maranasan.

Oo, kailangang gumana ang plano namin, pigilan man kami ng lahat, wala mang kasiguruhan kung ano ang kahihinatnan ng aming plano pero kailangang magawa namin ito, kailangang gumana ito. Kailangang maitama namin ang lahat.

Magkahawak kamay kaming naglakad tungo sa gitna ng syudad, sa plaza. Ito ang araw na itinakda. Ito ang araw na hudyat ng pagbabago.

Maraming tumutol sa plano namin.

Para sa ilan kami ay martir. Para sa ilan kami ay hangal.

Para sa ilan kami ay mga henyo. Para sa ilan kami ay bayani.

Isang kahangalan ba ang maghangad na maibigay mo sa taong mahal mo ang lahat ng pinangarap nya?

Nahihirapan ako huminga sa isipin na ilang saglit nalang ay maari na kaming magkahiwalay habang buhay kapag pumalya ang plano namin.

“Sa ngalan ng Hari ng Imperyo ng Fahall, inuutos kong tumigil kayo!”
Sigaw ng Pangunahing Gwardya ng Hukbo ng Hari.

Nagulat man ay wala na kaming nagawa kundi tumakbo, kailangan naming maabot ang Plaza ng syudad.

*BCHZZZT!! BCHZZZZT!!*

Paunang pagputok ng armas ng mga sundalo sa pagtatangkang kami ay mapigil.
*PZZNKH! PZZNKH!*
Ganting putok ng Sniper ng aming hukbo, palitan ng putok papunta sa magkabilang panig.

Marami ang nagsasabing lumalaban kami ng hindi mananalong laban. Di hamak na mahina ang pwersa namin, mas maunti kung ikukumpara sa mga sundalo ng imperyo. Bawat liko na ginagawa namin bilang pagilag para hindi tamaan ng kalaban, pinagdarasal kong mabigyan kami ng aming mga kakampi ng sapat na oras para iopera ang makinarya sa plaza. Konti nalang, malapit na kami!

*TZZZCHK!*
“ARRRGGGH!!!!” Sigaw ko ng matamaan ako sa kanang hita ng isa sa mga sniper ng Imperyo. Napahiga ako kaagad, dahilan para matignan ko ng mabuti ang paligid ko.

Medyo may kalayuan pa ang plaza pero hindi ko na kayang tumayo. Wala na akong nakikitang suporta mula sa mga kasapi ko, malamang lahat sila ay mga namatay na sa kamay ng mga sundalo ng Imperyo. Lugi kami, sa armas, sa bilang, sa lugar.

Ang tanging nakakaprotekta nalang saamin ay ang mga sibilyan na nagtatakbuhan buhat ng kaguluhang nagawa namin, pero hindi parin garantisado dahil may sniper din ang kalaban.

“Annabel, kailangang dito na natin ito gawin, kumubli tayo sa pinakamalapit na establisyimento at ihanda mo na!”
Sigaw ko sa kanya. Agad nya akong inakay papasok sa isang maliit na tindahan ng mga sinaunang larawan na pininta at saka isinara ang pinto.

*BLAG! BLAG! BLAG! BLAG!*
Kalampag ng mga sundalo na pilit binubuksan ang pinto.

Agad nya ako inalalayan makaupo at saka nya inayos ang makinarya na nasa maletang dala namin. Kita ko sa mga mata nya ang kagustuhang mabuhay, ang makaalis sa sitwasyon nato. Sa mundong ito.

“Ano ang misyon mo?” maikling tanong ko sa kanya.

“Ang ipaalam at ipakita sa kanya ang konsepto ng pag-ibig, ng buhay.” maluha luha nyang sagot habang kinukumpuni ang makinarya.

*KWAZZZUP. . . . EEEEEEEEEEEEEEEENG*
Hudyat na buhay na ang makinarya.

“SUMUKO NA KAYO! ISANG KAHANGALAN ANG INYONG NAIISIP! PERPEKTO NA ANG MUNDONG ITO!”

*BLAG! BLAGAAAB!”

“Mahal na mahal kita! Kaya natin ito! Tama tayo, aayusin natin ito! Wala ng atrasan ito pag nasimulan natin ito ..magkikita paba tayo muli pagkatapos nito?” Umiiyak nyang tanong sakin.. Durog na durog ang puso kong makita sya sa ganitong kalagayan ..

“Pag nakita ko ang Diyos na gumawa ng mundong ito, nawa ay magkaron ako ng chansa na ipakita at iparamdam sa kanya ang konsepto ng pagmamahal ..ng sa gayon ay hindi ganito kalamig ang mundong ito!” Umiiyak niyang pangako saakin .. marami na ang dugong nawala mula sa butas sa aking hita na ginawa ng Laser Sniper Rifle.

Sana lang may sagot ako sa kanya. Sana lang may lakas pa ako para sagutin man lang o papaglubagin at pagaanin ang loob nya. Sino bang tao ang nakapaglakbay na sa Dagat ng Oras? Wala!

Ito ang unang pagtatangka namin at marami ang hindi sangayon. Sa mundong pinamumunuan ng sakim na Hari, mga mamayan na walang simpatya para sa isa’t isa. Aayusin namin ang mundong ito.

*TUGGSH KLAGGGG*
Nabuksan na ng mga sundalo ang pinto, kailangan ng magmadali ni Annabel .. kailangan kong bigyan sya ng oras sa pagpe-prepara ng makinarya.

"Sirain nyo ang time machine!" Sigaw ng isang sundalo.

*PSCHT PSCHT*

“Annabel bilisan mo..” sa aking natitirang lakas, ito nalang ang kaya kong sabihin at gawin para sa kanya.. pipilitin kong bigyan siya ng oras, haharangin ko ang mga kawal. Dadaan sila sa aking malamig na bangkay bago nila kami mapigilan sa pangarap namin!

Hindi ito ang pinlano namin, plano namin magkasamang maglalakbay pabalik sa oras at personal na tagpuin ang Diyos na gumawa ng mundong ito. Ngunit mukhang hindi na ako makakasama.

Ako: Mga hangal kayo para isipin na ito na ang perpektong mundo dahil kayo mismo ay nabubulok na ang mga kaluluwa nyo habang buhay palang kayo, kayo at ang inyong bulaang hari!!

Heneral: Tampalasan!

Ako: Sa oras na makaalis na si Annabel, sama sama tayong mamamatay dito! Magkita kita tayo sa impyerno!

Palitan kami ng putok, hindi ko na magawang umasinta ng tama pero ang gusto ko nalang ay mapatagal sila at mahadlangan ang kagustuhan nilang pigilin kami.

Heneral: ‘Wag na wag mong mamaliitin ang kakayahan ng Konseho ng Imperyo, kahit makatawid man kayo sa Dagat ng Oras, susundan namin kayo at ihahatid namin kayo sa impyerno!

Ako: Ulol! Impyerno na rin ito!

Nakita ko si Annabel na nagkukubli lang sa lamesa, tapos na ang preparasyon, humarap sya sandali sa direksyon ko may sampung metro ang layo.

“Ikaw lang ang mahal ko, ikaw lang ang mamahalin ko. Ikaw ang nagiisa at tunay kong mahal, sa mundong walang emosyon – sa mundong pilit na kinikilalang sakit at sumpa ang pagkakaroon ng emosyon, ikaw ang mahal ko.”

Sabay pindot sa buton ng Time Machine. Nagdilim ang paligid, umiikot ang lahat – napipilas ang liwanag at umiilaw ang kadiliman.

Nakakahilo. Ang mga bituin ay abot kamay lang ngunit napaka-layo. Nakikita ko simula. Nakikita ko ang katapusan. Nakikita ko ang sarili ko nung araw ng aking kapanganakan sa ospital. Ang aking burol nuong ako ay namatay.

Teka, nadito ako. Paano ako namatay? Paano ako ibinuburol. Unti unting gumuho ang lahat at natitipak.

Gumana ba ang aking imbensyon? Ang Time Machine!!

Annabel?! Nasan ka Annabel?!!?

Wala akong maramdaman! Nasan ang katawan ko!?

May malay ako pero wala akong maramdaman, wala akong makitang katawan ko kahit saan ko ibaling ang aking paningin!

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, wala akong makita.

Unti unti akong may nararamdaman. Mainit na haplos sa aking kamay ngunit wala talaga akong makita ..

Ako si Marco Thomsfiel, ang kasintahan ni Annabel. Wala akong naiintindihan kung nasaan ako at kung anong kalagayan ko ..hindi ko alam gaano na ako katagal sa lugar nato. Kung meron man sa inyong nakakarinig saakin, nakakita saakin, nakakabasa ng aking iniisip, nakakabasa ng istorya ko, tulungan nyo ako! Hindi ko alam kung nasa tamang pagiisip pa ako, hindi ko alam kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung isang kamalayan nalang ako, isang pagiisip paba ako, kung totoong may eksistensya pa ako o isang ala-ala nalang ako.

Nangungulila na ako kay Annabel.

Itutuloy :)

A/N: Inspired by my favorite Trilogy, Annabel Trilogy (meaning hindi purely saakin ang takbo/konsepto ng storya) – but I’ll try to add some of my own taste and style. Need ko po ng feedback/critism nyo about how I write, how I deliver, dun ko po ibabase ang pagtutuloy ng storya hehe. Salamat po :)