1. Home
  2. Stories
  3. Kabit: Ang Simula
PSErotica

Kabit: Ang Simula

By krystralkandy ·

Isa akong engineer sa isang kilalang construction firm dito sa bansa. Dahil na rin sa trabaho ko, lagi akong nadidestino sa iba't ibang lugar at may mga pagkakataong, hindi talaga mapigilan ang paglapit ng tukso.

Sampung taon na kaming kasal ng asawa ko. 18 pa lang sya, habang ako at 24 na nang magpakasal kami. Masasabing masaya ang pagsasama namin… mainit pa rin si misis, at seksing-seksi pa dahil wala pa kaming anak. Career muna sabi nya.

Ayaw ko namang maging unfaithful, pero sa linya ng trabaho ko, minsan inaabot ng 3-6 months bago ako makabalik sa Maynila. Malibog ako, aaminin ko. At kahit sobrang game si Bea (misis ko) sa mga sessions namin sa Skype, iba pa rin ang init ng tunay na laman.

Last February lang, nadestino ako sa Bacolod. May bagong building na itatayo ang isang university doon at isa ako sa mga engineers na naatasang mag-site visit. Doon ko nakilala si Grace.

Gusto ng project engineer namin na masigurong wala kaming matitibag na landmark sa campus, malaking penalty yun pag nagkataon. Inutusan nya akong icheck sa office ng campus architect kung meron ba silang listahan.

"Magandang hapon," bungad ko. "Andyan ba si Architect?"

"Di ko sure," sagot ng medyo may edad na guard sa'kin. "Check mo na lang sa loob."

Tumango ako at pumasok sa loob ng opisina. Mukhang walang tao.

"Tao po?"

"Yes sir?" Sagot ng boses mula sa likod ng cubicle, student assistant ata. Pagtayo nya, hindi agad ako nakapagsalita. Tangina, parang first time kong matameme sa ganda.

"Uhm. Sorry. Hinahanap ko si Architect. May itatanong sana akong plano."

Ngumiti ang dalaga, at tumingin sa planner na hawak nya. Doon ko sya napagmasdang mabuti.

Mahaba at medyo kulot ang buhok nya, brownish. Medyo namumula ang pisngi, na-sunburn ata. Tisay na tisay. May dimple din sya sa left cheek. At naka-braces. Weakness ko lahat. Tinigasan ako.

"Naku sir, umalis na kaninang 4PM. Bukas na po ng tanghali pa sya dadaan sa office. Ano po bang kailangan nyo?"

"Patay." Sinabi ko sa kanya ang kailangan ko. "Before lunch ko sana kailangan."

"Ah ganun ba," medyo nag-isip sya, "Sige sir, kung gusto nyo, daanan nyo na lang sa'kin bukas ng umaga. Itext ko na lang si Boss."

Laking pasasalamat ko sa kanya. Agad-agad kong kinuha ang number nya, at binigay ko na rin ang business card ko, para macontact nya ako.

"Salamat talaga Miss?"

"Grace po. Engineer pala kayo, sir. Big time!"

"Hindi naman, Grace. Nauutusan pa nga ng kung anu-ano eh."

Napatawa sya. Nagpaalam na ako at nagsabi naman sya na ititext nya na lang ako kinabukasan para iabot ang mga planong kailangan ko. Hindi na ako makapaghintay.