1. Home
  2. Stories
  3. Mahal Kita (Pero Gusto Ko Siya) Part 1
Filipino Sex Stories

Mahal Kita (Pero Gusto Ko Siya) Part 1

By sexjedi ·

- All Fictional and All Rights Reserved for the Author/s -

Panimula…

"Beb gising na!May lakad ka today sa office right?" tanong ko sa live-in partner kong si Paul.

Matagal na din kaming magkarelasyon ni Paul na nag-ugat mula sa pagkakakilala ng dahil sa common friend.I never thought na tatagal kami ng ganito and magsasama pa sa iisang bubong.May pagkapilyo kasi itong si Paul noon nagsimula siyang ligawan ako.Alangan nga akong sagutin siya dahil mukhang hindi seryoso.Muntik ko pa kamo soplahin.Puro pahaging na kesyo cute yung ganitong document assistant sa office nila.. na kesyo naglunch sila ng isang office girl nila from Accounting Office etc etc.. KAIRITA!Feeling ko nagpapakapresko siya sa akin dati at tila pinagseselos ako.Well, nagseselos ako but why will I get jelous e hindi ko naman siya boyfriend that time.Ayun,buti nagtino at sineryoso ang pagporma sa akin.

Tipikal na probinsyana ako mula sa Central Luzon.That is why my demeanor sometimes is hindi masakyan ni Paul na isang Manila Boy,bagay na pinagtatalunan naming magnobyo.May pagkamahinhin kasi ako and mahiyain but not to the extent na I will not even say "Hi" or "Hello" sa mga peers ko na masasalubong or makikita sa office or saan man.I am 24 yrs of age pero medyo malaman ang pangangatawan.. sakto lang and not the slim sexy that most men prefer.. sabi nga ni Paul e "chubby sexy".Bihira ako maglalabas ng bahay noong nagaaral pa ako sa probinsiya.Kaya kahit hindi naka-aircondition ang aming bahay ay na-blessed ako ng fair white skin.Sometimes my collegues are even asking me..

"Nagpapa-derma ka?!" or will say things like "You are a rich kid!".Well,I am not.It just so happen na maalaga lang din ako sa katawan ko.And modesty aside I will tell you na crush ng bayan ako sa aming eskwelahan during my high school days.Kapal ko ano!Hahah.. assuming!

About Paul,he is a typical Manileo guy.Just like what I said iba sya umasta.He is not boastful pero alam mo yun.. pagdating sa babae e lahat halos gusto ipagmalaki!Kaya nga imbyerna ako noon una.Kapal ng mukha to tell me na "crush kita.. dont tell me di mo ako crush?!".I said right into his face na..

"Sir,you are not my type!"

Pero ewan ko ba,people change alam natin.It is either for good or for bad.Paul changed towards the good direction.Kaya I gave it a try.. I let him own my heart.He is proving it though that he really deserve it.

"Beb naman ang aga pa e.Alam mo naman di ba paano magsikilos mga tao doon sa office namin." ungot nito.

"I know pero magcocommute ka.Coding yung sasakyan so better fix yourself early than be late and sorry." paalala ko.

"Wala naman akong hinahabol na oras kasi.."

"Kahit na.. tara na bumangon ka na diyan."
"Oh ito ang tshirt and jeans mo.Bangon na ano ba.." pinililit kong bumangon si Paul hawak-hawak ito sa braso para bumangon na sa pagkakatihaya sa aming kama.

"Oo na.. ito na!Ito na!" sabay balikwas nito,tila inis.Padabog na lumabas ng kwarto at balabag na sinara ang pinto ng banyo.

Napailing na lang ako sa kanyang inasal.Ganun siya.. kapag ayaw niya ay ayaw niya.But I am just doing the right thing bilang partner niya.To remind him of this and that.. ang problema ay madalas namimisinterpret ni Paul iyon.It is not getting any better to me also.

"Bakit ka nagdadabog?" mahina kong tanong kay Paul sa paglabas nito sa banyo.

"Eh paano,inaantok pa ako.Pilit ka ng pilit na bumangon ako!"

"Nireremind lang kita Beb kasi I will go for work din right?Para maprepare ko yung things mo.Yun lang naman eh."

"Then go!Huwag mo ako gawing bata."

"Paul seryoso?Pagaawayan natin simpleng paggising ko sa iyo?"

"Fucking hate this!" galit na pagkakasabi ni Paul sabay labas ng kwarto at bumaba diretso sa aming sala.

"Paul!Beb… please wag mo naman yun masamain concern lang akkooo.." pagpapaliwanag ko habang sinusundan ko siya pababa ng hagdanan.

"Concern saan?Concern sa perang pumapasok sa banko natin para ipadala mo sa probinsya ninyo?!"

"Anoooo?" nagtataka kong tanong.

"Oh di ba tama naman?Sasabihin mo sa akin na.. Beb need nila Mama at Papa ng pera kasi yung lupa namin na nakasangla etc etc.. punyeta!"

"Eh Beb totoo naman yun e tsaka ilan beses lang naman yun nangyari.. Beb please wag naman natin ito pagtalunan.. ang babaw Paul sobra." pagsusumamo ko sa aking partner.

Pero sa kabila niyon ay tila bingi itong dumiretso palabas ng aming bahay.Walang paa-paalam maliban sa malakas na pagsara ng aming screen door.

Naluha ako after that.. he changed when he is courting me but after few years of being together.. he just switched back to his old self as quick as a snap of the finger.But not much I can do.. the show must go on ika nga.Pinagkatiwalaan ko e.. dapat pagtiyagaan ko.

Nagasikaso na din ako since I have a work to do rin.I am working sa isang BPO in Ortigas.Bago-bago pa lang ako sa work na ito.. yeah my first time to work as a call center agent.Matagal akong natambay sa bahay.. because of Paul.Pinahinto niya ako to manage some small food kiosk that we invested sa isang mall na malapit sa aming tinitirahan.As a good partner ay tumalima ako.I sacrificed yung goal ko to work agad so that I will have my own money to support my family back in the province.I managed it well and became profitable.. pero Paul have issues with money regarding sa akin.I cant blame him sa totoo lang din.. maraming beses na akong humingi sa kanya not for me.. but for my family.

Ewan ko.. Paul is not a worst partner but many times in our relationship that he is failing to remember that I am not his assistant or whatsoever.. I am his girlfriend.. his fiance.

I took a shower.. ate my breakfast then larga papunta sa office.I arrived almost late pero enough pa din para makapag-time in sa aming biometric computer.

Our team had a huddle.. tinawag kami ni TL Ryan.Some pointers lang regarding sa trabaho.Ano mga dapat iwasan.. ano ang need iimprove and syempre what to achive on that day.

After the team huddle ay balikan na kami sa aming mga designated station.Me instead of doing that,had my way into the pantry to fill my mug with water.Malaki ang pantry sa office namin.Dito din madalas tumatambay ang mga agents or workmates namin na naka-short break at syempre lunch break.Though I prefer the sleeping quarter to take a short nap kapag lunchbreak ko.

I am in the water station nang..

"Hey,Claire right?"

"Yes po." halos nabigla kong sagot sa taong nagtanong sa akin.

"Naku wag mo na akong i-po.I know I am older than you but hey.. di naman ganun kalaki gap ng age natin di ba?" nangingiti nitong sagot.. si TL Ryan pala.

"Ay sorry." sagot ko.

"Nah,it is okay.I am just joking.. buuuuuttt please try to avoid it.Hahahaha" natatawa nitong paalala.

"Okay!" masuyo kong sagot.

I went straight to my station.As I am making my way sumagi sa isip ko ang pagtatalo namin ng partner kong si Paul this morning.Sa kakaisip ay nagmisstep ako sa aking paglalakad.

"Ayyyyy!!" bulalas ko na gumawa ng eksena sa buong operation floor.

Mabuti at nandoon si TL Ryan na nakabuntot pala sa aking paglalakad papunta sa aking station.. madali niyang nahawakan ang aking braso that prevented me to really hitting hard the floor.. napaluhod na tila paupo ang inabot ko na posisyon.

"Shit.. ang sakit." bulong ko sa aking sarili.
"Salamat TL.. " nahihiya kong pagpapasalamat sa lalaking sumalo sa muntik kong pagkakasalampak sa sahig.

"Okay ka lang?" nagaalalang tanong nito.Nakangiti sa akin si TL sa kabila ng tila ay pagaalala niya.Maganda ang ngiti ni TL Ryan.Moreno ito at may kataasan.Matipuno ang pangangatawan na masasabi mong alaga at pinagbunuan ng oras sa gym.

Hawak pa din ako sa kamay ni TL Ryan.. inalalayan ako nito sa pagtayo.Naramdaman ko ang isang kamay niyang buong lapad na nakalapat sa aking kanang baywang.Pero di ko alintana yun,hindi ko din naman binigyan pa ng malisya.Inalalayan ako ni TL Ryan hangang sa marating ko ang aking station.Nang kami ay makarating..

"Ganito,wag ka muna mag-calls.Relax ka muna.Clear your mind and pakiramdaman mo yang katawan mo.If you feel hurting ay sabihan mo ako agad.. alright?"

"Sure ka TL kasi…" naudlot kong pagsasalita.

"Isa pa yan.Dont call me TL pag tayo lang.. masyadong formal e.Kapag dalawa lang tayo just call me Ryan.Ganun din sinabi ko sa teamates mo."

"Oh paano?Pahinga ka muna.After 15 minutes then you can proceed with the calls.And just what I said earlier..let me know if may masakit sa katawan mo para makapunta ka ng clinic natin."

"Salamat talaga.. Rryyyaaann" naaalangan kong bigkas.

"Hahaha hesistant ka sa pagbigkas ng pangalan ko ha.. masasanay ka din."
"Oh paano?Iwan muna kita dito may sasabihin daw sa akin si Director."

"Okay,thank you Ryan." pasasalamat ko.

"Wala yun." sagot ni Ryan at tuluyan na nga ako nitong iniwanan sa aking station.

"Kumusta na kaya yun.." imbes na isipin ko ang pananakit ng aking baywang mula sa pagkakadulas ay inisip ko si Paul.Dinukot ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa at nagtext kay Paul just to know if okay na ba siya or galit pa din siya sa akin.

"Beb,how are you.Sorry na.I love you." nilalaman ng text ko.

Binalik ko sa aking bulsa ang aking cellphone at nagsimula ng magtrabaho.

ITUTULOY…