1. Home
  2. Stories
  3. Tol...Pa Kiss Naman
PSErotica

Tol...Pa Kiss Naman

By dzaqtv3 ·

"Magmadali ka lang kasi medyo ma-traffic sa EDSA. Paki-text mo rin si Julian kung anong oras sila pupunta" sabi ko sa tropa kong si Jet na nasa kabilang linya. "Sige 'tol sabihin ko sayo 'pag sumagot na si Julian" sabay baba sa telepono. Ako si Arnold, 20 years old, part time crew sa isang fastfood chain sa Mandaluyong. Graduating na ako next year sa course na BS Computer Science sa isang State University doon. The school is just a 10-minute walk from my apartment so going there isn't really tiring. Sa trabaho ko nakilala ang mga tropa kong sina Jet, 24 years old, tubong Balayan, Batangas; at si Julian, 22 years old galing naman sa Tiwi, Albay. Pare-pareho kami na halos mag-iisang taon palang dito sa Maynila pero nakasanayan na rin namin ang gawi ng mga Manileño. Naging malapit kami sa isa't-isa dahil marahil pare-pareho rin kaming mga bread winner ng aming mga pamilya. Sem-break na kaya medyo makakapag-pahinga ako kahit papano dahil sa night shift ako.

Bagyung-bagyo nung umaga na 'yon at malakas ang buhos ng ulan. Dalawang araw na lumipas nung mag-Birthday ako pero ngayon ko lang ise-celebrate dahil off ko naman. Sina Jet at Julian naman ay mga night shifters din tulad ko. Matapos ang usapan namin sa telepono ni Jet ay bumili lang ako ng konting maku-kutkot at inumin sa nearby convinience store. Nasabi kasi ni Jet na may maganda daw siyang movie na ipapakita sa akin kaya mas maganda na maghanda daw ako ng snacks. Sa taas kong 5'11", masasabi kong ok naman akong tignan physically. Ilang beses din akong naging escort ng aming University sa Baguio sa mga pageants nito. Di sa pagbubuhat ng bangko, may hitsura naman ako. Mahahaba ang pilik-mata ko at matangos ang aking ilong.

Binabagtas ko ang daan pabalik sa aking apartment ay malakas pa rin ang ulan. Maya-maya pa'y may nag-text. "Tol dito na ako sa labas. Dali wala akong payong." Halos magkanda dulas ako sa pagmamadali na bumalik sa apartment. Nang makarating ako'y pinasukob ko siya agad sa aking payong at tumuloy na kami sa aking apartment.

"Pare ang sungit naman ng landlady nyo. Ayaw akong papasukin. Ipapakagat daw ako sa aso. Intayin daw kitang dumating bago ako makapasok." sabi ni Jet na medyo nangangatal dahil sa lamig. "Di ka na nasanay kay Aling Martha. Alam mo naman na dahil di pa nagkaka-asawa o naliligawan man lang kaya yun ganun." At pareho kaming humagalpak sa tawa. Imbes na ang binili kong beer ay Kape muna ang ibinigay ko kay Jet. Binigyan ko rin siya ng binili kong Ensaymada at Nuts.

"Tol asan na yung CD? Panoorin na natin!" sabi ko na curious na sa movie na dala ni Jet. "Eto, punasan mo muna ang cover at medyo basa." Iniabot na niya sa akin ang CD. Walang anuman sa cover nito. Blankong white bond paper lang na medyo nabasa. Isinaksak ko na sa plug ang TV at ang CD player na dala ko pa galing sa Tito ko sa Laguna.

"Tol hindi na daw matutuloy si Julian. Pinapag-duty daw siya ngayong umaga." sabi ni Jet. "Ah ganun ba? Sayang naman. Oh sige kamo sabihin mo sa kanya ilibre na lang ako bukas!" sabay tawa ko. Bago ko pa man ilagay sa player ang CD ay natigilan ako ng makita kong nagtatanggal si Jet ng T-Shirt niya.

"Tol pasabit muna ha medyo basa eh." sabi ni Jet at sabay isinabit ang basang damit sa silya. Sa halos matagal naming pagkakakilala, di ko pa siya nakitang nakahubad o walang pang-itaas. Nagulat ako sa naramdaman ko. Iba. Mainit. Kumakabog ang dibdib ko. Maya-maya'y humiram sa akin ng tuwalya at ipinunas sa kanyang matipunong dibdib. Kawasa'y sanay at banat ang katawan sa trabahong bukid. Napansin kong may kaunti siyang chest hair at malalaki ang kanyang nipples na noong oras na 'yon ay fully erect. Nakakapanibago, ngayon ko lang naramdaman ito. Alam ko hindi ako bakla pero sa oras na yon, I admired Jet's body.

Napansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya nakangiting lumapit siya sa akin…

to be continued…