1. Home
  2. Stories
  3. Ang Mga Istorya Nang Kababalaghan - Ang Itim na Bathala
PSErotica

Ang Mga Istorya Nang Kababalaghan - Ang Itim na Bathala

By colonelalpha ·

Ang Pilipinas - tinaguriang lupain ng ginto't bulaklak, Perlas ng Silangan. Nagkalat ang mga walang katapusang isla na animo'y perlas na lumulutang sa malawak at bughaw na karagatan.Ngunit isa rin ito sa mga pinakamisteryoso at mahiwagang lugar sa buong daigdig. Ang totoo'y ito ang paraisong biyaya ng Poong Bathala sa sangkatauhan. Ito ay ang kanyang hardin - hardin na walang kapantay kahit saang sulok ng daigdig. Ngunit, lahat nang magandang bagay ay may kaakibat na kapangitan. Dahil sa samu't saring digmaan ng mga mortal sa iba't ibang sulok ng daigdig, ang Bathala ay nagalala ng husto sa kanyang mga nilikha. At dahil dito ay tuluyan nangnapabayaan ng Bathala ang kanyang nilikhang hardin. Samu't saring kalapastanganan ang lumusob at di nagtagal ay nanirahan na sa loob ng kanyang paraiso.

Nang matapos na ang mga digmaan ay naalalang muli ng Bathala ang kanyang hardin. Ngunit nagimbal ito sa kanyang nasaksihan. Ang mga kalapastanganang mga nilalang ay ginawang alipin ang kanyang mga magagandangnilikha. Ang mga ito ay pinamumunuan ng isang makapangyarihang anak ng kadiliman, isang napakamisteryosong anino - ang itim na Bathala. Sa galit ng Bathala sa mga pangyayari ay nililipol nya ang lahat ng kampon ng kadiliman mula sa kanyang hardin. Dahil dito, nagsimulang manumbalik ang katiwasayan at kagandahan sa buong Paraisong tinatawag na Pilipinas.

Ngunit hindi lahat ng kampon ng kadiliman at kalapastanganan ay nalipol. Ang misteryosong anino ay nakatakas mula sa paglipol ng makapangyarihang Bathala. Bagama't ito ay nanghinang lubos mula sa makapangyarihang enerhiya na ipinamalas ng Bathala upang malipol ang kadiliman,ito ay lihim na umiikot sa buong Pilipinas. Nagpapalakas ito, upang sa gayon ay makuha nitong muli ang Paraiso mula sa kamay ng Bathala at upang siya naman mismo ang maglipol sa Bathala.

Ayon sa alamat, ang enerhiya na muling magpapalakas samisteryosong aninoay nagmumula sa kaluluwa ng sakim namga mortal, ang sangkatauhan -pinakamamahal na nilikha ng Bathala. Ayon sa mga salamangkero at dalubhasa samisteryosong anino, nagpapakita ito sa mga taong may masidhing pagnanasa- ito ay ang mga biktima ng kasakiman ng tao. Bibigyan nitong isa o dalawang kahilingan ang biktima, ngunit ang kapalit ay ang kaluluwa nito. Ang kaluluwang iyon ay magsisilbing permanenteng bahagi ng misteryosong anino na di magtatagal ay magiging makapangyarihang sandata nito laban sa Bathala.

Ang mga misteryosong nilalang sa Pilipinas, na mas kilala bilang mga "engkanto"tulad ng kapre, aswang, manananggal, tiyanak, tikbalang at iba pa ay pawang mga biktima ng aninong ito ayon sa mga salamangkero. Ipinagpalit ang kanilang kaluluwa upang matupad ang kanilang kahilingan - lahat ng kanilang hiling ay bunga ng kasakimang ito. Ang mga susunod na kwento ay ang mga alamat kung paanong naging alipin ng kanilang kasakiman ang mga engkantong ito.