1. Home
  2. Stories
  3. Binrotsa, Binarurot At Binaboy Ng Grab Food Rider - Part 3
Filipino Sex Stories

Binrotsa, Binarurot At Binaboy Ng Grab Food Rider - Part 3

By hotsluttygay ·

Melody's point of view

Ring!!! Ringg!!! Rinnggggg!!! Napabalikwas ako sa kama ng marinig ang alarm ng aking cellphone.

I immediately stopped the alarm and check the time, IT'S 7:15AM!! Shet! I am so freaking lateee!

Uraurada akong naligo at nagbihis. Halos fast forward ang kilos ko dahil sa pagmamadali.

Lintik kasi na Kevin ito! I was up all night stalking his facebook, tsaka ang kulit tawag ng tawag sa messenger kagabi at hindi ako pinatulog. Grrrrrrr!!!

Paglabas ko ng bahay ay patakbo akong naglakad papuntang labasan para mag abang ng masasakyan pero nagulat ako ng makita ang lalaking pumuyat sa akin kagabi. Nakasandal siya sa motor niya, walang helmet at nakangisi. He's wearing his green grab uniform.

"At anong ginagawa mo dito?!! Are you stalking me?" pagtataray ko kay Kevin ng lapitan ako nito habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep.

"Wow ha! May dineliver akong pagkain dito, grabe assuming ka. Bakit gusto mo ba na istalk kita?"

"No thanks!" suplada kong sagot at tinalikuran na siya.

"Ui babe, hatid na kita! Anong oras na oh? Ma-late ka na!"

"Tseeee!!!! Hindi ko kailangan ng tulong mo!"

"Sige ka, kapag na-late ka baka pagalitan ka ng boss mo. Sayang din baka hindi ka mapasama sa employee of the year" anito.

Para naman akong natauhan sa sinabi niya. Never pa akong na-late sa trabaho at tama siya dahil hindi na ako makakasama sa employee of the year kung ma-late ako ni isang beses. Yearly kasi I aim to be part of it kasi maganda sa credentials at malaki ang incentive na makukuha.

Napahinto ako at tiningnan si Kevin.

"Ano ihahatid na kita baby?" mapang-asar na ngiti nito na inirapan ko lang.

"Mukhang ayaw mo yata eh" dagdag nito.

"Dami mong alam Kevin ha, sige na ihatid mo na ako"

"Bakit walang please? Sabihin mo muna please!" pang-aasar nito.

Nagsalubong kilay ko at umiling.

"Please" malamig kong sambit.

"Ay walang feelings, dapat yung may feelings babe"

"Kevin ha, natakbo ang oras!!!"

"Mag-please ka kasi" anito.

Nagbuntong hininga ako.

"Kevin, hatid mo naman ako sa trabaho ko oh, please?" malambing kong pakiusap.

"Ang sweet sweet naman ng baby ko, halika na dito at isuot mo na ang helmet" lumapit ako sa kanya at sinuot niya ang helmet sa ulo ko.

"Yung totoo? May hinatid ka ba talagang pagkain dito?" natatawa kong tanong.

"Syempre wala. Ihahatid talaga kita ngayon, at asahan mo mamaya ay susunduin naman kita. Mag out ka agad ah, kasi idedate kita"

"Tigilan mo ako, kaya kong umuwi mag-isa" pagmamatigas ko.

Bumalik kami kung saan nakaparada ang motor niya at sumakay na. Tagilid ang aking pagkakaupo sa motor dahil hindi naman ako pwedeng bumukaka dahil sa uniporme ko.

"Wala ka ng magagawa, kasi susunduin na kita mamaya" hinawakan niya ang aking dalawang kamay at iniyakap sa kanya.

Sinubukan ko itong tanggalin pero pinigilan niya.

"Next time ako naman ang suotan mo ng helmet sa ulo. Yung sa baba ah" natawa ito at kinurot ko naman ang tyan niya. Kaso wala akong makurot dahil sa tigas ng abs nito.

"Masasarapan ka pramis, ipapalasap ko sayo ang langit" bulong nito at bago pa man ako makasagot ay umandar na ang motor.

Tinahak namin ang daan papunta sa trabaho ko at sa tuwing humihinto ang motor sa stoplight ay hinahawakan niya ang aking kamay. Hindi lang basta hawak, nakikipag holding hands ang mokong sa akin. Kung minsan naman ay idiin niya ang kamay ko sa kanyang tyan at ipapahimas ang kanyang abs.

Hindi na rin ako nagreklamo kasi unang una ay hinatid niya ako at pangalawa, I'll admit na kinikilig ako sa ginagawa niya. He's aggressiveness and persistence is turning me on.

Pagdating ng banko ay agad akong bumaba ng motor at tinanggal ang helmet.

"Thank you so much, Kevin!" ani ko.

"Mamaya ah, mag out ka ng maaga at idate kita"

"Pumayag na ba ako? Hindi porke't hinatid mo ako ay susunod na ako sa gusto mo"

"Wala kang magagawa. Sa ayaw at sa gusto mo ay ako ang masusunod dito at pag sinabi kong idedate kita ay idedate kita" serysong sambit nito.

Huminga ako ng malalim. Pero imbis na sumagot ay naglakad na ako papalayo.

"Teka Melody, may nakalimutan ka!" sigaw nito. Hinubad niya ang kanyang helmet at inayos ang kanyang buhok. Bumaba ito ng motor at hindi ko inaasahan ang ginawa niya.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin at biglang naglapat ang aming mga labi.

Hinalikan ako ni Kevin.

He just took my very first kiss.

Halo halo ang emosyong naglalaro sa puso ko ngayon at hindi ko alam paano magrereact sa ginawa niya.

"Sige na babe punta ka na sa loob, pasok ka na baka hindi ka umabot sa time in mo. Wag kalimutang ang date natin mamaya ah" kumindat ito at bumalik na sa motor.

Ako naman ay wala sa sariling pumasok sa banko hawak ang aking labi.

Saktong alas otso ay nakapag in ako.

---

---

---

"Sissy!"

"Melodyyy!"

"Hoi bakla ka!!! Kausapin mo akoo!"

Biglang bumalik ang ulirat ko ng sabunutan ako ni Kelly. Kasalukuyan kaming naglulunch ng sabay sa pantry dahil wala namang masyadong kliyente ngayong araw.

"Aray naman Sissy! Bakit nananakit?" ani ko.

"Ay talagang masasaktan ka!!! At bakit ka tulala? At bakit puro hawak ka diyan sa labi mo?"

Hindi ko namamalayan na napangiti na lang ako.

"Shutaaa ka ang landi landi mo?!! Nakipaglaplaplan ka noh? Yung totoo?" sigaw nito.

"Ang lakas ng boses mo! Tsaka gaga ka, hindi ako nakipaglaplapan, smack lang"

"Whhhhhaaaaattttt?!!!! Totoo ba yan?!! Sinoooo?" tili nito.

Ngumiti ako.

"Ke-kevin" tipid kong sagot.

"AAAAAAHHHHHHHHHHH!!!! Si papa kevin?!!! OMG!!!!" hinatak ko ang buhok nito at sinabunutan.

"Ang ingay ingay mo bakla ka!!! Isang sigaw mo pa ingungudngod ko yang mukha mo sa ulam mo" banta ko at tumahimik ito.

"Paanong nangyari? Magkwento ka bilis!!!"

"Hinatid niya ako kanina dito sa work then pagtanggal ko ng helmet ko ay nagnakaw siya ng halik"

"Sissssyyy!!! Congratulations!!!! Today ang halik, bukas ang dilig!!!!"

"Tseeeee!!!! Napaka laswa mo talagang babae ka!"

Pinagpatuloy namin ang pagkain.

"So ano ang meron sa inyo ngayon?" tanong nito.

"Wala! He insisted to have a date with me later pero hindi pa ako pumapayag. Like I said, wala akong interes mag boyfriend. Kevin is just wasting his time on me"

"Gaga ka!!! Andyan na ang manliligaw mo aarte ka pa?! Ganda ka ghorl?! Pagkatapos ng shift natin ay ako mismo ang kakaladkad sayo palabas at papunta kay Kevin!"

Hindi ako nakapagsalita. Taliwas kasi sa sinabi ko kanina ay parang may maliit na porsyento na gusto ko subukan makipag relasyon….. kay Kevin.

"Sissy, seryosong tanong. Sa tanda kong ito, tingin mo seseryosohin pa ako ng lalake? Baka paglaruan lang nila ako. Tsaka, ang layo ng agwat namin ni Kevin, parang nanay na niya ako" tanong ko.

"Sissy, age doesn't matter. What matters is this…." Tinapik niya ang puso ko.

"Ano ba ang sinasabi niyan? Besides, hanggang kailan ka matatakot mag mahal? Hindi lahat ng lalake ay katulad ng papa mo. Just give it a try. Just once" dagdag nito.

Ngumiti ako.

Tama ang sinabi ni Kelly, for the longest time I've been so afraid of love. Though hindi naman ako naiingit sa ibang mga couples but somehow, at the back my head, gusto ko maranasan at masubukan ang mahalin. I want to know the feeling.

"Okay, I'll try" bulong ko.

Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa trabaho.

Mabilis na tumakbo ang oras at pagkatapos ng shift ay lumabas na kami ng banko. Nakita ko si Kevin na nakangiting nagaantay sa labas, nakasuot ito ng longsleeves and maong pants, na talagang bagay na bagay sa kanya. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko upang sabayan siya sa pagsakay ng motor.

"Namiss kita baby ko" bulong nito at humalik sa pisngi ko.

"Kevin, nakakahiya" ani ko at tinapik ang kanyang dibdib.

Si Kelly ay hindi maipinta ang mukha at kilig na kilig.

"Ingatan mo yang bestfriend ko ah, kapag yan nasaktan o napahamak talagang sinasabi ko sayo, maghahalo ang balat sa tinalupan" banta ni Kelly.

"Sissy ano ba?! Nakakahiya!!!" ani ko.

"At ikaw Sissy, mag-enjoy ka ha! Landiin mo yang si Kevin, ipakita mo ang alindog ng isang Melody Carvajal" umirap ako sa tinuran niya.

Natawa naman si Kevin. Isinuot niya sa akin ang helmet at umangkas na ako sa motor.

"Ingat kayo ha, and enjooooyyy!!!! Feet in the air, Sissy! Galingan ang pagungol!" sigaw ni Kelly.

"Shuta ka!!!!!" sigaw ko pabalik at lahat kami ay nagtawanan.

Hinawakan ni Kevin ang kamay ko at iniyakap sa kanya. Ilang sandali pa ay pinaandar na niya ang motor.

Mahigit bente minuto kaming nasa byahe at dinala niya ako sa Tagaytay.

"Are you sure gusto mo dito kumain? Mahal dito Kevin" tanong ko.

"Syempre dapat memorable ang unang date natin. Tsaka madami akong booking sa grab food kaya may pambayad ako dito" sagot nito.

"Thank you! This place is beautiful"

"Mas maganda ka. Walang binatbat ang view dito o ang sinumang babae sa ganda mo" napangiti ako.

Bumaba na kami ng motor at inalalayan niya akong makapasok ng restaurant. Kinuha ko ang phone ko to take pictures at nagselfie na din sa magandang view ng taal. Hindi nagpatalo itong si Kevin, he also took pictures using his phone at nagselfie din kasama ako.

I ordered a meal good for two. Gusto sanang uminom ng alak ni Kevin kaso hindi ko pinayagan kasi magmamaneho pa siya.

Habang inaantay ang pagkain ay nagkwentuhan kami. I get to know him and ganun din siya sa akin. I learned na taga probinsya siya and his mother has cancer kaya kailangan niyang lumayo at magbanat ng buto dito sa Maynila. Kahit naman daw papaano ay nakakapag padala siya pero minsan hindi sapat ang kita niya. Nakaramdam ako ng guilt.

We finished dinner around 8pm and decided to go back home. Hinatid ako ni Kevin hanggang bahay.

"I love you baby, see you tomorrow" hinalikan niya ako sa pisngi at umalis na.

Itutuloy …

-
-
-

Author's Notes:

Muli ay salamat po sa pagbabasa nitong chapter.

Sa lahat po ng mga nagcocomment and nagmemessage ay super salamat po, talagang nakakainspire magsulat dahil sa inyo :)

By the way, next chapters will contain lines or dialogues na maaring very sensitive. May mga scenes na grabehan…. what I mean about grabe is, grabe talaga (for me). Kaya ayun po, warning po.hehe.

P.S. Baka po may grab food rider na nagbabasa, baka naman?!!!hahaha. Charoot! Happy evening everyone! :)