1. Home
  2. Stories
  3. Carnal II
Filipino Sex Stories

Carnal II

By anino ·

Chapter IX: Paradise Breached!

Nagsimula ng mag decorate ang school namin para sa darating na JS Prom at 80's and 90's ang theme these year. "Excited ka na ba, Dave?" tanong ni Gilbert sa akin at nakatingini lang ako kay Helen.

Hoy!" tinulak niya ako ng mahina dahil hindi ko raw siya pinapansin "ha? Ah okay lang" sagot ko sa kanya. "Bakit hindi mo nalang kasi lapitan at kausapin" sabi niya "paano nga? Nandyan yung bantay niya" sabi ko.

"Madali lang yan, Billy!" tawag niya sa kaklase namin at nakita kong tumango ito "Helen!" tawag ni Billy at lumingonsi Helen pati ang yaya niya. "Hindi ba, bawal magdala ng hayop dito?" sabi niya at nakita kong nagreact ang yaya niya.

"ANO ANG SABI MO?!" galit niyang hinabol si Billy "oh, ayan, punta kana" nakangiting sabi ni Gilbert sa akin. "Thanks!" sabi ko at nagmamadali akong lumapit kay Helen at naririnig kong nagsisisigaw ang yaya niya sa malayo.

"Babe" tawag ko at parang balisa siyang nakatingin sa malayo "baka makita tayo ng yaya ko" pag-aalala niyang sabi. "Sandali lang naman eh, na miss na kasi kita" sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya at mabilis niya itong binawi.

"Lumayo kana please, ayaw kong mapagalitan ni mommy" sabi niya "nahihirapan na ako, isang kalabit nga lang ang layo natin sa klase pero, parang sobrang layo mo na sa akin" naluluha kong sabi sa kanya.

"Pasensya kana, Dave" sabi niya "sige na please, mag-usap naman tayo" pagmamakaawa ko sa kanya. "Sorry talaga, hala, nandyan na ang yaya ko" sabi niya at itinulak niya ako palayo sa kanya.

"Please..." sabi ko kaya hinawakan ko ang kamay niya pero pilit niya akong tinutulak palayo. "HOY!" narinig namin ang yaya niyang sumigaw sa malayo "umalis kana, Dave!" sabi niya at siya na mismo ang umalis at tumakbo papunta sa yaya niya.

"HELEN!" sigaw ko kaya nilapitan ako nina Billy at Gilbert at hinila nila ako palayo dahil papalapit na yung yaya ni Helen sa amin. "Dave, takbo na!" sabi ni Gilbert kaya napatakbo narin ako.

Tumambay kami sa classroom ni sir Pacomo dahil ito lang ang lugar na alam naming hindi kami gagalawin ng yaya ni Helen. "Sorry, Dave, hindi ko nailayo ng matagal ang yaya niya" sabi ni Billy.

"Okay lang yun, Billy, salamat ha" "walang problema yun, Gil?" lumingon siya kay Gilbert "oona" sabi ni Gilbert at binigay ang libro niya sa mathematics. "Nice!" sabi ni Billy at naupo sa silya at kinopya ang assignment ni Gilbert.

"Maaasahan ka talaga, Gilbert" sabi ko sa kanya "ako pa? Hehehe!" pagmamayabang niya "ano ang ginagawa niyo dito?" tanong ni sir Pacomo sa amin. Napangiti lang kami sa kanya at hinayaan lang kaming tumambay sa klase niya since me kalahating oras pa kaming free time.

"Billy, nakita kitang tumatakbo kanina" sabi ni sir sa kanya "hehehe, nag eexercise lang po, sir" sagot niya. "Ano nanaman ba ang kalokohang ginawa niyo?" tanong ni sir sa amin at hindi kami nagsalita.

"Bueno, dito na muna kayo habang wala pang oras" tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan. "Billy!" tawag nito "po?" "palalagpasin ko ang pangongopya mo ngayon" sabi niya at lumabas ng classroom "shit!" napa mura nalang si Billy.

Uwian na at sinundo na kami ni daddy, nakita kong sumakay si Helen sa kotse nila kasunod ang yaya niya. "Hindi parin ba kayo okay ni ate Helen, kuya?" tanong niya nung nasa kotse na kami "hindi pa nga eh" sagot ko.

"Son" "yes, dad?" "give it time" sabi niya kaya napangiti lang ako at pinaandar na niya ang kotse. Nadaanan namin ang kotse nina Helen at galit akong tiningnan ng yaya niya. "Natawa ako sa ginawa ng kaklase mo kanina, kuya" sabi ni Jenny.

"Anong ginawa niya, baby?" tanong ni daddy "hinabol ng yaya ni ate Helen yung kaklase ni kuya" natatawang kwento niya kaya natawa narin ako. "Ganun ba? Hindi naman nahirapan tumakbo, sa laki ba naman nun?" tanong ni daddy.

"Yun nga ang nakakatawa eh" sabi ni Jenny at nagtawanan sila ni daddy habang nakatingin lang ako sa labas at iniisip ang relasyon namin ni Helen.

One week later; dumating na ang gabi ng JS prom namin "ang pogi ng anak ko" sabi ni mommy nung sinuot ko na yung binili niyang suit. "Thanks, mom" pasalamat ko "looking sharp. kuya" sabay thumbs up ni Jenny.

"Thank you, baby" "ano? Ihatid na kita?" tanong ni daddy "dad, mom uhm… request ko lang po sana" "ano yun anak?" tanong ni daddy. "Pwede ho bang ako nalang ang magdrive sa sarili ko papunta sa school?" tanong ko sa kanila.

"No!" sagot agad ni mommy "babe" "no, babe! You are not driving yourself" sabi ni mommy at kinuha ang susi sa kwarto nila at binigay kay daddy. "You drop him off and pick him up later" sabi niya kay daddy.

Bumaba na kami sa parking lot after ng photo shoot at naglakad na kami papunta sa kotse ni daddy. "Tell you what" sabi niya "ano po?" tanong ko at binigay niya sa akin ang susi ng kotse.

"I'll let you drive on the way there" nakangiting sabi ni daddy kaya napangiti ako sa gesture niya.

Pagdating namin sa school pinaalala sa akin ni daddy na bawal uminom at bawal magbasag-ulo. "I promise, dad" pangako ko sa kanya at nagpaalam na akong pumasok sa loob.

"DAVE!" tawag sa akin ni Gilbert nung papasok na ako ng gym at nakita kong nandun narin ang mga kaklase at schoolmates namin. Tumingin-tingin ako sa paligid "wala pa" sabi ni Gilbert sa akin.

"Baka hindi ata aattend yun" sabi niya kaya nalungkot ako "darating yun!" sabi bigla ni Ednalyn "Edna!" nagulat kami pareho ni Gilbert. Classmate namin si Ednalyn simula pa 1st year at running valedictorian at kakompetensya ni Gilbert sa position na yun.

"Bakit mo nasabi?" tanong ko "kaibigan ko yun, at isa pa, last JS prom na natin kaya bakit hindi siya aattend?" sabi niya at napaisip kami ni Gilbert. "Gilbert, kunan mo ako ng maiinom" utos sa kanya ni Edna.

"Ha? Sino ka ba para utosan ako?" sarkastikong tanong niya "bakit? Angal ka? Hmp!" sabi niya kay Gilbert "oo na sus!" sagot ni Gilbert at umalis siya "yan!" natatawang sabi ni Ednalyn.

"Bakit palagi mong pinagtitripan si Gilbert?" tanong ko sa kanya "simula first year palang tayo, ganun na ang pakikitungo mo sa kanya" dagdag ko. "Wala lang" nakangiting sabi niya "hay naku, Edna" "bakit?" tanong niya.

"Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya ang totoo" sabi ko "ayaw ko nga!" sabi niya kaya napailing nalang ako. "Oh, heto!" na inis si Gilbert nung inabot ang maiinom ni Enda "walang ice? Ano ka ba naman, Gilbert?" sabi ni Edna.

"Putcha naman, ikaw na nga tong pinagbigyan" sabi ni Gilbert kaya natawa lang ako sa kanila. Me gusto kasi si Ednalyn kay Gilbert at ewan ko ba kung bakit hindi nakuha ng loko ang mga signals na pinapakita ni Edna sa kanya.

"Kunan mo ako ng bago" sabi ni Edna kaya tiningnan siya ni Gilbert sa mata at sabi "kumuha ka kung gusto mo!" sabi niya sabay hila sa akin palayo kay Edna. "Gil!" sabi ko dahil hinila niya kasi ang sleeve ng suit ko.

Naglibot-libot kami ni Gilbert sa buong gymnasium habang naghihintay mag-umpisa ang program nang biglang "Dave, Dave, ayun oh!" turo ni Gilbert sa me pinto. "Si Helen" sabi niya at napamangha ako sa kagandahan sa suot niyang gown.

"Teka, me kalaban" sabi niya nung sumulpot sa likod ang yaya ni Helen"shit naman" napamura nalang ako at na fufrustrate dahil hindi ko siya makakasama. Importanteng parte ito ng High School Life namin.

"Gil, tulong" sabi ko "i'm on it!" sabi niya at nagulat kami pareho dahil kasama pala ang mommy niya. "Shit, man, ibang level na ito" sabi ni Gilbert "takot kayo no?" biglang nagsalita sa likuran namin si Edna kaya napalingon kami sa kanya.

"Edna, kaibigan mo si Helen hindi ba?" tanong ko "hmp! Oo na, pero hindi ko alam kung malalayo ko siya ng matagal sa bantay niya" sabi niya sa akin. "Sige na, kahit ilang minutos lang" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Oo na! Gil, samahan mo ako" sabi ni Edna "ayaw ko!" sabi niy "sabi ng samahan mo ako eh!" "sige na, Gil" sabi ko at nagmamaktol siyang sumama kay Edna.

Naghintay lang ako sa tabi ng poste at hinihintay ang signal nila "Dave, what are you doing here?" tanong ni sir Pacomo. Napatingin siya sa direksyon ng tinitingnan ko "ah sir.. ano po.." nauutal kong sabi.

"Haayyy, say no more" sabi niya "hold my drink" sabi ni sir at umalis siya para pumunta kina Helen. Nakita kong kinausap ni sir Pacomo si tita Julia at tinitingnan naman siya ng masama ng yaya ni Helen.

Parang me pinaliwanag si sir Pacomo kay tita Julia at sa expression ng mukha niya parang nagustohan niya ang sinabi ni sir sa kanya. Nakita kong lumapit si Ednalyn kay Helen at niyaya siya nitong pumunta sa mga kaklase namin.

Nagpaalam sila at sumunod ang yaya niya at tingin ko wala talagang chance na makausap o makasama ko siya sa gabing ito. Nakita kong kausap parin ni sir Pacomo si tita Julia at paglingon ko muli kina Edna at Helen nawala na sa likuran nila ang yaya niya.

"What?" nagulat ako "anong..." tanong ko ng biglang tinawag ako ni Annette kaklase rin namin. Sumunod ako sa kanya at doon nakita ko si Helen nakatayo sa likuran ng stage "Helen" tawag ko kaya nagulat siya.

"Sorry, girl" sabi ni Edna sa kanya "five minutes, Dave" sabi ni Edna sa akin "salamat" sagot ko. "Ano ito?" tanong ni Helen sa akin "gusto talaga kitang makausap, tungkol sa atin" sabi ko "……. " hindi siya nagsalita.

"Alam kong mahirap ang sitwasyon natin ngayon and to be honest, i'm not giving up on us!" umpisa ko. "Babe, please don't give up on us, I love you so much at nasasaktan ako everyday na nakikita kitang iniignore mo ako pero, hindi ako susuko, hindi ako susuko" sabi ko sa kanya at nagsimula na siyang umiyak.

Hinawakan ko ang mga braso niya at hinila ko siya palapit sa akin pero nilagay niya ang mga kamay niya sa dibdib ko para pigilan ako. "I'm… i'm sorry…" sabi niya "it's okay, you don't have to worry about it, na iintindihan ko naman eh" sabi ko sa kanya.

"No… i'm really sorry, Dave" sabi niya kaya nagulat ako at naluha "don't tell me… please….. don't…." sabi ko sa kanya. "Please… tell me… please… huwag… hindi.. hindi ko kakayanin… huhuhu.. please..." sabi ko sa kanya at umiyak nalang ako.

Binabantayan kami nina Edna at Annette habang nag-uusap kaming dalawa "huhu.. please… mahal na mahal kita…" naiiyak kong sabi kaya hinawakan niya ang kamay ko at tumingin siya sa akin.

"Know.. that I love you so much..." sabi niya "no…." sabi ko "after.. huhu.. graduation… dadalhin na nila ako sa Canada" naiiyak niyang sabi. "Huhuhu… babe…" "bata pa daw tayo… para sa huhuhu.. relasyon na ito.." naiiyak niyang paliwanag sa akin.

"Dave" tawag sa akin ni Edna pero inignore ko lang siya "huwag… huwag mo akong iwan… huhuhu…" sabi ko kay Helen at humagolgol na ako ng iyak "….. I love you, babe…" sabi ni Helen sa akin at binawi ang kamay niya at tumakbo siya palayo.

"HELEN!… huhuhu… HELEN!!" naiiyak kong tawag sa kanya at pinigilan ako ni Edna "Dave, please…" pakiusap niya. Biglang sumulpot si Gilbert sa tabi namin "shit.. muntik na akong mabogbog ng baboy ramo" hinihingal niyang sabi.

"Anong nangyari?" tanong niya nung makita akong umiiyak "they.. broke up…" sabi ni Edna at inakbayan agad ako ni Gilbert "tol.." sabi niya. Lumabas kami ng gymnasium habang tinutogtog ang kanta ni April Boy Regino (Sanay Laging Magkapiling) at naupo kaming apat sa labas.

"Look at it this way" sabi ni Edna "at least alam mo na ang status niyo" sabi niya "Edna! Ano ka ba?" sabi ni Gilbert. "Bakit? Ano ba ang masama sa sinabi ko?" tanong niya "kita munang broken hearted ang kaibigan ko, napaka insinsitive mo talaga" sabi ni Gilbert.

"Bakit? Ikaw lang ba ang kaibigan niya Gilberto?" tanog ni Edna sa kanya "g uys, guys please… kita niyo ng me problema si Dave" sabi ni Annette. "Dave, if you need comfort nandito lang ako" sabi ni Annette sa akin.

"Please.." sabi ni Edna sa kanya "bakit?" tanong ni Annette sa kanya "matagal ka ng me crush kay Dave, girl aminin?" nakita naming nag blush si Annette. Nakita naming lumabas ng gym sina Helen, tita Julia at ang yaya niya.

"There she goes" sabi ni Edna at inakbayan ako ni Gilbert "okay lang yan, tol, charge to experience narin yan" sabi niya. "Be strong, Dave" sabi ni Annette at tumayo siya "Edna, mauna na ako sa loob, ha?" sabi niya.

"Sige, girl" sagot niya "dito muna ako" "alright, sige guys" paalam sa amin ni Annette at bumalik na siya sa loob. "Sorry, guys" sabi ko sa kanila "iwan niyo lang ako dito, ayaw kong masira ang gabi niyo" sabi ko sa kanila.

"Ano ka ba? Friends comes first, no matter the ocassion" sabi ni Gilbert kaya napangiti ako. "Gilbert, nauuhaw ako" sabi ni Edna "so?" tanong niya "kunan mo ako ng maiinom" utos ni Edna.

"Kumuha kang mag-isa dun" balik ni Gilbert at nag pout si Edna "please... " nanlambing siya "putcha naman oh!" sabi ni Gilbert kaya pumasok siya sa loob. "Hehehe… it works!" natatawang sabi ni Edna pati ako natawa narin.

"Alam mo.. (sniff) sabihin mo nalang na me gusto ka sa kanya" sabi ko "no, mas cute kung ganito eh" nakangiting sabi ni Edna. "Bahala ka, pag si Gilbert nakahanap ng babaeng liligawan.." "hindi mangyayari yun!" confident niyang sabi.

"Paano mo nasabi yan?" tanong ko "you'll see!" sabi niya sabay ngiti sa akin.

Natapos ang gabi nakatambay lang kaming tatlo sa labas habang nagkasiyahan ang mga kaklase at schoolmates namin sa loob ng gym. "More, please?" lambing ni Edna kay Gilbert at hindi nalang ito nagsalita at kumuha nalang siya ng maiinom sa loob.

"Cute talaga ng Gilbert ko" sabi ni Edna kaya siniko ko siya ng mahina "pero, alam mo, nagdadalawang isip rin ako sa gagong yun" kompisal niya. "Bakit naman?" tanong ko "naalala mo nung second year pa lang tayo?" tanong niya.

"Yeah, sasabihin mo na sana sa kanya ang nararamdaman mo" sabi ko "oo, pero, ang loko instead na sumipot dun sa pinag-usapan naming lugar nakipaglaro ng video game sayo" sabi ni Edna sabay suntok niya ng mahina sa braso ko.

"Malay ko bang me plano ka pala nung araw na yun" sabi ko "kilala mo namang number one torpe si Gilbert" natatawang sabi niya. "Oonga eh, pero, alam kong ma swerte si Gilbert sayo" sabi ko kay Edna. "Talaga? Thanks" sabi niya at bumalik na si Gilbert at nakasimangot itong inabot ang baso kay Edna.

Alas onse nung natapos ang party at isa-isa narin nagsiuwian ang mga studyante, yung iba sinundo ng mga parents nila habang yung iba nama nakisakay narin. "Ikaw, Dave?" tanong ni Gilbert sa akin.

"Tinawagan ko na si daddy, susundoin niya na ako" sabi ko "ako Gil, hindi mo ako tatanungin?" sabi ni Edna sa kanya. "Ang lapit lang kaya ng bahay niyo dito" sabi ni Gilbert sa kanya.

"Eh… malalim na ang gabi at isa pa, babae ako" sabi ni Edna kaya natawa kami pareho ni Gilbert. "Bakit?" takang tanong niya "Ednalyn Sumeryas, natatakot umuwi mag-isa? Hahaha" biro ni Gilbert sa kanya.

"Sige ka, pag ako gahasain sa daan, sisisihin kita" sabi ni Edna "ikaw? Limang lalake nga kaya mong bugbogin, isang rapist pa?" natatawang sabi ni Gilbert. Me listahan kasi kaming mga senyors tungkol sa mga disirable girls ng campus.

Merong sampung babae sa litsahan namin at yung top five nun puro mga senyors at sa limang yun dalawa ang nasa klase namin. Si Helen na number three, at si Ednalyn ang pangalawa, yung number one si Luisa.

Beauty and prom queen ng high school at nasa section 2 at lahat ng varsities at mga manyak naming teachers nagkakagusto sa kanya. "Tumigil nga kayo" nainis si Edna pero natatawa parin kami ni Gilbert sa kanya.

Black belter kasi sa karate si Edna kaya, isa ito sa dahilan bakit na lagay siya bilang number two sa listahan. Si Luisa sharpshooter, beauty queen at sobrang talino din pero hindi ito contender sa valedictorian position hindi gaya sa dalawang ito.

"Sige na nga" sabi ni Gilbert at agad humawak si Edna sa braso niya at ngumiti nung lumingon siya sa akin. "Baka magkatuloyan kayo niyan ha?" biro ko sa kanila "kami? Hahahaha" natawa lang si Gilbert at bigla itong napa aray.

"Huwag mong pisilin ang braso ko" sabi niya kay Edna "hmp!" nalang ito sa kanya "hi, Dave!" bati ni tita Mildred sa akin nung dumating siya. "Hindi ka ba sasabay sa amin?" tanong niya.

"Hindi po, tita susundoin po ako ng daddy" sabi ko sa kanya at sumakay na si Edna sa likod at si Gilbert sa harap. "Ingat nalang, Dave" sabi ni Gilbert at nakita kong napangiti lang si Edna "ingat kayo" sabi ko at nakita kong nakatingin parin sa akin si tita Mildred at umalis na sila.

Sinundo ako ni daddy at napansin niya ang namumugto kong mga mata "problem, son?" tanong niya sa akin nung nasa daan na kami. "Wala, dad, pagod lang" sagot ko sa kanya. Napansin niyang tahimik lang ako at hindi nagkukwento kaya dumiretso siya instead lumiko sa kalye papunta sa condo.

"Dad?" tanong ko "I know" sagot niya at pinarkang kotse sa harap ng coffee shop tatlong kanto lang ang layo sa condo namin. "I remember nung bata ka pa, the only way to make you talk is to buy you ice cream" sabi ni daddy sa akin.

Tahimik lang akong kumakain "now, me ice cream kana, what's wrong?" tanong niya kaya tumingin ako sa kanya. "We.. broke up" sabi ko at pansin kong tumigil siya sa pagkain ng ice cream at inakbayan ako.

Hindi siya nagsalita at sandaling na tahimik kami at doon bumigay na ako at umiyak kaya niyakap ko siya. "Dad… huhuhu…." hinayaan lang niya akong umiyak at tinuloy lang niya ang pagkain sa ice cream niya.

Makalipas ang isang oras umuwi na kami at nung nasa gate na kami ng building nakita naming nag-aayos ng uniform si mang Henry. "Mang Henry, magandang gabi po" bati ni daddy sa kanya.

"Magandang gabi rin, sir Dave!" bati nito sa amin "ano po ang bago?" tanong ni daddy sa kanya. "Dinalaw ako ng dalawa kong anak kahapon, sir" kwento niya. "Ganun ho ba? Tapos?" tanong ni daddy.

"Dinala nila ang mga apo ko, yung isa disisais at yung isa nuwebe" sagot niya "ang kukulit ng mga batang yun, kita mo, nasugatan ako sa mukha sa kakulitan nila" kwento ni mang Henry.

Naninibago ako sa kanya dahil ngayon ko lang ata narinig na nagkukwento itong si mang Henry. "Mag ingat po kayo sa susunod, mang Henry" sabi ni daddy "kayo din po, sir, lumalalim narin ang gabi" sabi niya.

"Maraming salamat po, mang Henry" sabi ni daddy at ngumiti siya at tinaas ang suot niyang guard hat at ngumiti sa amin. Pinasok na ni daddy ang kotse sa loob ng parking lot at pinarada niya ito malapit lang sa pintuan ng elevator.

Umakyat na kami sa taas at humalik ako sa mommy ko pagpasok namin sa loob "how's the prom?" tanong niya. "It was all right, mom" sagot ko "babe" tawag ni daddy kay mommy at tumango naman siya.

"I know" sagot niya kay daddy "son, pumasok kana sa kwarto mo at magpahinga kana" utos ni daddy. "Sige po, good night sa inyo" paalam ko sa kanila at narinig kong nag-uusap silang dalawa sa sala pero hindi ko nalang ito pinansin at pumasok na ako sa kwarto ko.

Nagpalit ako ng damit pantulog at nahiga sa kama, sinubokan kong tawagan si Helen pero out of reach na daw ang number niya. Naiyak nalang ako at hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Madaling araw nung maramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya tiningnan ko ito at nakita kong nagtext si tita Mildred. Ipinaalam sa akin na hinihintay niya akong mag online.

Inignore ko nalang ang text niya at natulog muli ako, makalipas siguro ang ilang sandali "Dave… Dave…" ginising ako ni daddy. "Ha?… Bakit dad?" antok kong tanong sa kanya "gumising ka… isuot mo ito" sabi niya at nilagay sa tabi ng kama ko ang dala niyang vest.

"Ano ito?" takang tanong ko sa kanya at nakita kong me suot rin siyang bulletproof vest "dad? What's wrong?" tanong ko sa kanya. "It is very important that you wear that" sabi niya sa akin.

Sinuot ko ito at nakita kong me bitbit siyang mahabang armas "dad, ano yan?" tanong ko sa kanya. "No time to explain" sabi niya at hinila ako patayo sa kama at hinila ako papunta sa pintuan.

"Sssshhhh" sabi niya at dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan "dad.." "be quiet!" mahinang sabi nito sa akin. Nakita ko sa kwarto ni Jenny si mommy at naka bullet proof vest narin siya at me dalang mahabang armas.

"Oh my God.. what's going on?!" gulat kong tanong "sshhhh shut the fuck up, Davideo!" mahinang sabi ni mommy sa akin. Hinila ako ni daddy palabas ng kwarto at ganun din si mommy kay Jenny at umatras kami habang nakatutok ang armas nila sa sala.

Narinig naming parang me kumakalikot sa doorknob ng main door namin "dad?" tawag ko kaya lumingon siya sa akin "i'm sorry, son, our security has been breached!" sabi niya sa akin.

Nakita naming me parang aninong naglakad sa sala kaya sininyasan ni daddy si mommy at pumasok muli sila sa loob ng kwarto. Tumango si mommy at hinila ako ni daddy papasok sa loob ng kwarto ko.

Sinuot ni daddy ang bluetooth niya at tinawagan si mommy "babe… yes… all right.." sabi niya at binigay sa akin ang armas niya. "Hold it" sabi niya at me kinuha sa bulsa niya at sinuot ito sa kamay niya "s tay right here and be quiet" sabi ni daddy sa akin.

Sumilip siya sa pinto na parang me hinintay, nagvibrate ang phone ko at nakita kong tinawagan ako ni mommy. "Use your bluetooth, Third" sabi ni daddy kaya kinuha ko yung bluetooth ko sinuot ito.

"Davideo" "yes, mom" mahinang sagot ko at naka conference pala kaming tatlo ni daddy at naririnig ko ang pinag-uusapan nila. "Babe" sabi ni mommy "there is one coming" sabi ni mommy.

"I got him" sagot ni daddy at biglang binuksan ni daddy ang pinto at mabilis niyang napatulog yung taong me dalang armas. Hinila niya ito papasok sa kwarto ko"tie him up" utos ni daddy kaya tinalian ko siya.

"Babe" tawag ni daddy kay mommy at nakita kong me dala siyang tablet "clear" sabi ni mommy kaya lumabas kami ng kwarto at umatras kami papunta ng gym. Pumwesto si daddy sa gitna ng hallway habang dinala kami ni mommy sa loob.

"Babe" tawag niya kay daddy "roger!" sagot ni daddy kaya umatras narin siya at pumasok sa loob at sinara niya ang pinto at tinalian niya ito. "Mommy.." tawag ni Jenny "don't worry, baby" sagot niya.

Inangat ni mommy ang isang floormat at nakita kong me hidden door ito sa ilalim "get in" mahinag sabi niya. Pumasok kami sa loob at tinawag niya si daddy "i'm coming" sagot ni daddy.

Nagmamadali siyang sumunod sa amin at sinara niya ang pinto at ni lock ito pagkatapos "what's going on?" tanong ko sa kanila. Me pinindot si mommy sa gilid ng hagdanan at bumukas ang ilaw, me mahabang corridor ito at me kabinet sa gilid.

"Over here" sabi ni mommy at binuksan niya ang kabinet at nanlaki ang mga mata ko dahil puno ito ng baril at mahahabang armas. "Oh my God.." nasabi ko nalang habang hikab lang ng hikab si Jenny.

Me monitor sa loob ng kabinet at nakita naming me apat na lalaking pumasok sa condo, tinuro nung isa ang kwarto nila mommy. Narinig nalang namin ang putok ng baril at nakita naming sunod nilang pinagbabaril ang higaan nina ni daddy.

"Oh God!" sabi ni mommy "we need to move!" sabi ni daddy sa amin kaya kumuha sila ng mga magazine at binigay sa akin ang isang bag. "Carry that" utos ni daddy at sumunod kami sa kanila sa dulo ng corridor.

Nagugulohan ako sa sitwasyon namin pero sumunod nalang ako sa kanila "dali, pumasok na kayo" sabi niya. At pumasok kami sa maliit na pinto at tila pamilyar sa akin ang hagdanang ito.

"Alam ko ito ah?" sabi ko sa kanila "what?" tanong ni daddy sa akin at binaliwala lang niya ito at pinaakyat niya kami sa taas. "Hold on" sabi ni mommy at dahan-dahan niyang binuksan ang maliit na pinto palabas ng rooftop.

Nung masigurong walang kalaban pinalabas na niya kami "mom… we are trap!" sabi ko sa kanya dahil dapat bumaba kami imbes umakyat sa rooftop. "It's alright, boy" sabi ni mommy "we need to go, now!" sabi ni daddy.

Kaya dinala nila kami sa loob ng toolshed at narining namin ang ingay ng paakyat na elevator. "Oh God, please!" sabi ko at naghahanda ang mga magulang kong depensahan kami nung tinutok nila ang mga armas nila sa pintuan ng toolshed.

Itutuloy…..