1. Home
  2. Stories
  3. Taong Labas (32) Ang Sundalo
Filipino Sex Stories

Taong Labas (32) Ang Sundalo

By eroticprince27 ·

Kinabukasan ay inihatid na ni Zoila ang lalaki sa malapit sa boarding house nito, isang mariing halik pa ang iginawad sa kanya bago bumaba ng sasakyan.

Dumaan lang sa boarding house ni Amyah pero nang malamang wala ito duon ay tinungo na ang sariling kwarto para ipahinga ang pagod na katawan.

Sa text nalang niya nalaman na sinundo pala ni Ka Mando ang anak at baka ilang araw bago ito makabalik.

Pasukan ay naging busy na ulit siya dahil huling taon na niya sa kolehiyo, ilang beses pa siyang natungo sa Sitio nila ka Senyong at di nakakaligtas na hindi sila nakaka salisi ni Jane. Natawa pa siya dahil sa batis ay may mahabang upuan na sa lugar kung saan sila nagtalik ng babae.

Holiday kaya umakyat siya ng bundok, muli ay sumabak sila sa isang laban sa pagitan ng military. Nagkagulo na sila dahil ilan na ang nalagas sa kasamahan pero alam niyang mas marali ang nawala sa mga sundalo.

Nakita niya ang isang sundalo na tumatakbo at alam niya na sa tinatahak nito ay masasagupa ang mga kasamahang rebelde. Hindi na nagdalawang isip pa na hatakin ang lalaki patungo sa gilid ng bangin.

Sunod sunod ang ibinigay na suntok ng sundalo pero pilit lang niyang sinalag kahit na ang karamihan ay tumatama.

"Pare tama na, hindi ako kalaban!"

Natigilan ang lalaki, kahit hindi nagsalita ay nakita niya na nais nitong magtiwala.

"Rebelde ka?"

"Oo pero hindi. Ikaw sundalo?"

"Oo pero hindi din."

Hindi naman kasi talaga siya rebelde dahil hindi siya lubos na sumasang-ayon sa lahat ng ginagawa ng mga ito. Ang mga pagkakataon na gumawa siya ng isang bagay na alam niya ikakapahamak niya pagnalaman ng pinuno nila.

Nang bitiwan siya ng lalaki ay agad tumayo, handa siya kung sakaling aatake muli ito.

"Sa baba nito ay batis, maya maya lang ay maglalabasan na ang mga katutubo. Kung hindi kayo mapatay ng mga kasama ko ay siguradong yari kayo sa kanila." Mahabang paliwanag ng lalaki.

Itinatali niya ang lubid sa matibay na ugat ng puno.

"Sakto ang haba nito para sa lupa, sundan mo ang batis pakanan. Talintulin mo ang daang pantao."

"Bakit ako maniniwala sayo?"

"Dahil wala kang pagpipilian! Sa dulo ng landas ay makakakita ka ng mga bahay. Sa unang bahay sabihin mo na itinuro ka ni Isagani. Tutulungan ka nila."

"Bakit mo ako tinutulungan?"

"Dahil hindi ako lubos na sang-ayon sa naisin ng grupo at wala lang din akong magawa dahil sila lang ang meron ako."

"Bakit?"

"Wag nang maraming tanong, wala ka nang oras! Sana pag nagkita tayong muli at kinailangan ko ang tulong mo ay maka-asa ako."

"GANI PASIKAT NA ANG ARAW!" narinig nilang sigaw.

"Magtago ka muna para hindi ka marinig sa pagbaba mo."

Mabilis na tumakbo ang lalaki pero may ini-ipit itong larawan sa bulsa ng suot ng uniporme.

"Saan ka ba nagsuot?"

"May hinabol ako Ka Delfin na isang sundalo. Kaya lang nahulog ata sa bangin."

"Sige tayo na at baka may masabi na naman si Ka Mando sayo."

"Naku kahit naman tama gawin ko may masasabi pa din yun."

"Pag pasensyahan mo na! Tayo na. Asaan ang lubid mo."

"Ah eh naiwan ko nung hinabol ko yung sundalo."

"Ikaw talaga. Sige sabay na tayo at maya maya lang magigising na ang mga katutubo."

"Nasaan sila Enteng?"

"Nasa gawi duon, dun na tayo bumaba para nakalayo din sa mga sundalo."

Bago tuluyang lumayo ang dalawa ay tumingin pa siya sa sundalo at bahagyang sumaludo. Tumakbo na siya pasunod kay Ka Delfin.

Pagdating nila sa kuta nila ay kumain lang at nagpahinga dahil sa lakad nila kinabukasan sa bayan. Halos tatlong buwan na din buhat ng matulungan niya ang isang sundalo at patuloy ang takbo ng buhay bilang estudaynte at bilang rebelde.

Lingo ng gabi ng muling makatanggap ng tawag galing kay Mrs. Cheng si Gani, gusto sana niyang tumanggi muna dahil sa pagod sa bundok pero nahiya naman siya kaya sinabi nalang na pupuntahan matapos magpahinga ng ilang oras.

Sa isang hotel niya pinuntahan ni Mrs. Cheng, nagulat pa siya dahil hindi katulad ng dating halos hubad na ang ginang pag dinadatnan niya. Ngayun ay medyo pormal at walang galawang nagpapakita ng pagkasabik sa kanya.

"Kumain ka na ba?" habang nakaupo sa isang one seater na sopa.

"Oo, ikaw ba?"

"Tapos na din ako."

"May problema ka ba?"

"Wala naman, actually…"

Matagal bago sundan ang sasabihin sa kanya kaya naghihintay lang siya.

"Gani, ito na ang huling pagkikita natin, baka hindi na ako bumalik pa dito."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Makikipaghiwalay na ako sa asawa ko."

"Bakit naman?"

"Hindi ko na kaya at hindi na ako masaya. Kung pwede nga lang na ibahay na kita para ikaw nalang ang asawa ko kaya lang mas mahirap ang ganun."

"So, pano tayo."

"Wag kang mag-alala, yung atm mo nandun na pati pang second sem kaya wala ka ng proproblemahin
pa."

"Hindi lang naman yun, pero salamat pa din dahil isa ito sa dahilan kung bakit ako nandito kasama mo."

"Alam ko naman Gani. Wag kang mahiya, ako naman ang nag offer sayo dati pa. Natutuwa din ako dahil kahit papano nakatulong ako."

"Salamat."

"Yung feeling na nagkaroon ng silbi ang buhay ko."

Titig na titig ito sa kanya.

"Pwede mo ba akong yakapin?"

"Oo naman, tumayo ang binata at mahigpit na niyakap ang babae."

"Salamat Gani! Basta pag nasa Maynila ka na tawagan mo ako."

"Hmmm, ayaw mo ba ngayun?"

"Anong ayaw?"

"Hmmm sex, parang wala ka sa mood."

"Hindi pwede meron ako."

"Ahhh okay," nailing nalang ang binata.

"Sige, umuwi ka na. mag-iingat ka palagi. Bukas babalik na ako sa Maynila."

"Ayaw mo na siguro dito no?" sabay hubog ng burat.

"Loko, kung pwede lang di kanina ko pa sinakyan yan. Gusto mong duguan tayo pareho pagkatapos hahaha."

"Tama, ayoko ng dugo hahaha!"

Tumayo na ang ginang, isang halik sa pisngi ang ibinigay sa binata bago sinamahan palabas ng pinto.

Nanibago at nalungkot kahit papano ang binata sa pamama-alam ni Mrs. Cheng, kahit naman kasi puro sex lang ang nangyari sa kanila ay naging malapit na din siya sa babae.

Sa halip na umuwi ay nagtungo muna siya sa isang park, nahiga sa isang bench at nakatingin lang sa bituin sa langit.

"Kuya bili ka ng sampaguita."

Nilingon niya ang batang lalaki, payat at naka sando lang.

"Wala akong paglalagyan niyan."

"Sa Altar, pede ding ibigay sa jowa mo."

"Pano mo naman nasabing me jowa ako."

"Naku kuya itsura mo palang alam ko malibog ka!"

"Ay loko kang bata ka ay, ilang taon ka na ba at ganyan ka na amg isip."

"Naririnig ko lang dun sa mga sunog baga sa eskinita."

"Naku, wag na wag kang nagsasama sa mga ganun. Di ka ba ang aaral?"

"Hindi kuya," malungkot na sagot nito.

"Sige hanap ka muna ng nagtitinda ng balot saka ko yan bibilin."

"Sige. Iwan ko na to dito."

"Tamo to, ginawa pa akong tagabantay."

"Ikaw nga inutusan mo ko."

"O sige na. Bilisan mo bago magbago isip ko."

Takbo agad ang bata at wala pa atang limang minuto ay may kasama na itong isang lalaki din na nakabisekleta at may basket. Pero may batang babae din na hawak sa isang kamay.

"O sir ang bilis ha!"

"O sige kumuha na din kayo ng balot."

"Sabi ko sayo papakainin tayo eh."

"Nakakahiya kuya."

"Kapatid mo?"

"Oo, dun siya nagtitinda sa kabila. Sa pinto lang ng simbahan para hindi mawala."

"O sige kain na. Me chicharron ka?"

"Opo sir."

Tig dadalawa ang binigay niya sa mga bata at dalawang balot din ng chicharon. Pero pansin niya na tig-isa lang ang kinain.

"Bakit di nyo pa kainin yung balot."

"Okay na po kami sir, uwi namin kay nanay."

"Sige kainin nyo na yan tapos kuha nalang kayo para sa nanay nyo."

Matapos kumain ng balot ay binayaran na din niya ang sampaguita ng magkapatid at bumili pa ng ilang balot para i-uwi sa boarding house.

Kinabukasan ay pumasok na si Gani sa eskwelahan, kahit na tinatapos nalang naman ang ilang requirement dahil pa sem-break na din. Nagulat pa siya ng makita si Amyah sa building nila.

"Gani kanina ka pa hinihintay ni Enteng sa gate."

"Bakit daw?"

"Di ko alam eh."

"Sige, magkasama pa kami nung isang araw ah."

"Na miss ka siguro."

"Buti pa siya na miss ako, yung isang ale diyan matapos akong makuha di na ko namiss."

"Miss kaya kita, busy lang tayo pareho."

"Sige na, puntahan ko si Enteng baka kailangan ng pera."

"Punta ka din sa boarding house mamaya."

"Sige."

Iniwan na niya si Amyah para puntahan si Enteng, nagulat pa siya dahil kitang tensyonado ang kaibiganat humihitit ng sigarilyo. Agad siyang hinila ng kaibigan sa isang tagong pwesto.

"Tol kailangan mong magtago, halika na at baka dito ka pa abutan ng mga pulis."

"Huh bakit? Anong kasalan ko?"

"Sa daan nalang, mahabang usapan at ayokong dito tayo abutan."