1. Home
  2. Stories
  3. Wet N Wild 29
Filipino Sex Stories

Wet N Wild 29

By lovesexwriter ·

"Congratulations, apat na linggo na pong buntis ang asawa n'yo." Banggit sa amin ng doktora.

Tangina, nabuntis ko s'ya n'ong birthday sex ko sa kanya. Effective ang limang putok.

Matapos n'yang maduwal kanina ay pinasya kong h'wag s'yang iwan. Nag-extend na lang ako sa hotel na tinutuluyan ko. Dumiretso kami sa Ob-Gyne para ipa-check up ko si Jacqi.

Kumapit si Jacqi sa braso ko na maganda ang ngiti sa doktora. "Salamat po, doc. Matagal na po namin hinihintay 'to ng asawa ko."

Napatingin naman ako kay Jacqi. Masyado n'yang kinarir ang pagtawag sa amin ni doktora na mag-asawa.

Tumayo na ako at nagpasalamat sa doktora. Hinawakan ko na ang kamay ni Jacqi para lumabas na kami sa clinic.

"Bakit parang hindi ka naman masaya na buntis ako?"

Huminto ako sa paglalakad at hinarap s'ya. Huminga ako nang malalim bago s'ya sagutin. "Masaya ako dahil matagal kong hinintay 'yan. Pero hindi ako masaya sa buhay ko dahil nanganganib ang buhay ko sa tatay mo."

Muli s'yang umangkla sa braso ko para maglakad na kami palabas sa ospital. "Hindi ka papatayin n'on, baka masuntok pa pero malabong patayin ka n'on. Hindi ka susuntukin n'on dahil lang sa nabuntis mo ako, susuntukin ka ni daddy dahil ginawa mo s'yang lolo agad."

Huminto kami sa may terminal ng taxi. Nakatulala pa rin ako sa daan. "Kaninong santo naman ako magdadasal? Para sa buhay ko?"

Tumawa naman si Jacqi. Masaya na s'ya ngayon dahil mananatili na ako sa tabi n'ya at excited na sa batang isisilang n'ya. Masaya rin ako dahil aalagaan ko na 'tong pamilyang bubuuin ko kay Jacqi.

"Kay St. Jake, ang patron ng mga nakabuntis ng baby girl at nasuntok din ng tatay ni Mama Inah dahil hindi rin matanggap ng huli na magkalapit lang sila ng edad ng nakadali sa anak n'ya."

Napasapo ako sa noo ko. "Bahala na. Ang mahalaga ay may anak na ako."

Hinawakan ko ulit ang kamay ni Jacqi at pumara ng taxi. Dumiretso kami sa bahay ni Jake para ipaalam ang kondisyon ni Jacqi at pormal na hingiin ang kamay ni Jacqi.

"Relaks," Hinaplos pa ni Jacqi ang kamay kong nakahawak sa kanyang kamay. "Bata ka ni daddy, hindi 100% magagalit sa'yo 'yon."

"Pa'no kung mabungi ako dahil sa suntok ng tatay mo, lalaplapin mo pa rin ba ako?"

Natawa s'ya sa tanong ko. Buti pa s'ya nakakatawa pa. Ako malapit nang kunin ni St. Peter habang palapit sa bahay nila Jake.

Huminto na ang taxi sa harap ng bahay ni Jake, ang huling hantungan ko. Napalunok ako sa laway ko habang naglalakad kami ni Jacqi papasok sa bahay nila.

Sumalubong naman ang mga kambal kay Jacqi. Nagpakarga rin sa akin si Akihiro at Irohaki kaya hinalikan ko sila sa mga pisngi nila. Hindi ko lang masabi na parating na rin ang makakalaro nila. Sana lumaki silang close sa anak ko.

"O, akala ko byaheng ibang bansa ka na?" Bungad sa akin ni Jake nang lumabas s'ya galing sa dining room nila.

Binaba ko naman 'yong kambal at tumakbo na ulit sila papunta sa sala para maglaro. Si Jacqi naman ay tumakbo paakyat sa hagdan.

"May emergency lang." Sagot ko naman kay Jake. "Pwede ba tayong mag-usap?"

Ngumiti naman si Jake sa akin. "Oo naman." Sabay tapik n'ya sa balikat ko.

Huminga ako ng malalim nang sumunod ako kay Jake papunta sa mini bar nila. Kumuha s'ya ng dalawang baso at sinalinan ng yelo at alak. Iniabot naman n'ya sa akin ang isang baso.

Sa magkabilang side kami ng counter ng mini bar nila naupo na magkaharap.

"Akala ko naman ay buo na ang loob mong umalis ng bansa." Pina-ikot pa n'ya ang yelo sa loob ng baso n'ya.

Napalunok ako sa laway ko. Kinakabahan ako. "Pare…"

Nakatingin naman sa akin si Jake na hinihintay ang sasabihin ko. Uminom pa s'ya sa baso n'ya kaya hinintay ko munang patapusin s'ya baka kasi madura n'ya sa akin 'yong iniinom n'ya. Gan'on kasi napapanood ko kaka-chill sa Netflix.

Binaba na n'ya ang baso sa counter ng mini bar nila.

"Jake, mahal ko si Jacqi…"

Napakurap si Jake matapos kong sabihin ang linya ko. Nagsalubong naman ang kilay ni Jake na hindi makapaniwala sa sinabi ko. Luminga-linga pa s'ya sa paligid.

"Nasa Wow Mali ba ako?"

Kinuha ko ang baso ko para uminom din ng alak para kumuha pa ng lakas ng loob. Muli kong binaba ang baso ko at huminga ulit ng malalim.

"Halos isang taon na ang relasyon naming dalawa."

Bumuka ang bibig ni Jake pero tila umurong ang gusto n'yang sabihin. Pumikit s'ya at nagtaas-baba ang balikat n'ya sa paghinga ng malalim. Muli s'yang dumilat at tinignan ako.

"Tangina Edward pinagkatiwala ko sa'yo ang anak ko."

Tumango ako at nanatiling nakatingin sa mga mata ni Jake. "Patawarin mo ako, pare. Hindi ko rin lubos maisip. Pero alam mo naman 'yong kwento ko. Noong una, linabanan ko ang nararamdaman ko sa kanya dahil sa respeto ko sa'yo. Noong mga panahon na wasak ako, si Jacqi ang nasa tabi ko. 'Yong mga kalinga at pagmamahal na hinahanap ko sa dati kong asawa ay kay Jacqi ko natagpuan. Sinubukan kong pigilan, kinailangan ko pang saktan ang damdamin n'ya para lumayo s'ya pero lagi ko rin s'yang hinahanap. S'ya 'yong babaeng…pinili ako. Kaya ngayon, humaharap ako sa'yo para ipaalam na aalagaan ko ang anak mo hanggang sa huling hininga ko. Papatunayan ko ang sarili ko."

Nakahawak lang ang dalawang kamay ko sa baso. Natahimik kami ni Jake. Nakatingin lang s'ya sa pader. Ako naman ay nakayuko lang.

"Ikaw pala 'yong lalakeng kinukwento ni Jacqi. Tangina, hindi ko napansin. Akala ko talaga ay sobrang close kayo dahil lumaki s'yang spoiled sa'yo."

Tumayo na si Jake mula sa kinauupuan niya at nakapameywang na tumingin muli sa akin. "Nakita ko kung pa'no mo minahal at tiniis ang dati mong asawa. Kaya naniniwala akong nasa mabuting kamay si Jacqi tutal ikaw din naman talaga ang nag-alaga sa kanya."

"S-salamat pare. Pero may sasabihin pa ako…" Ito na. Gusto ko na lang himatayin matapos kong sabihin sa kanya ang mabuting balita na lolo na s'ya.

"Ay tangina, Edward."

Lumapit si Jake sa akin kaya napatayo rin ako sa kinauupuan ko. Napaatras ako dahil susugurin na ako ni Jake. Kinuwelyuhan ako agad ni Jake.

"Hindi ko sinasadya, pare. Akala ko nga ay baog ako—"

"Tangina, hindi ka baog! May isa ka pang bayag! Sana pinag-pills mo ang anak ko!"

"Sorry na, daddy—"

"Ay gago! H'wag mo akong tawaging daddy! Walong taon lang ang tanda ko sa'yo!"

Umangat na ang kamao ni Jake para suntukin ako kaya napapikit ako para tanggapin ang galit n'ya.

"Jake, ano ba!"

Napadilat ako dahil sa nagsalita. Si Inah. Naka-angat pa rin ang kamao ni Jake pero nakatingin kaming dalawa sa asawa n'ya.

Lumapit sa amin si Inah at pinaghiwalay kaming dalawa.

"Binuntis n'ya si Jacqi!"

"Ano naman? Kapag sinuntok mo ba si Edward ay mawawala ang pinagbubuntis ni Jacqi?"

Bumaga nang hangin si Jake at minasahe ang noo bago muling tignan ang asawa n'ya. "Babe…ang bata pa ni Jacqi…"

"Baka nakakalimutan mo 'yong edad ko ng mabuntis mo rin ako." Bagsak ang balikat ni Jake na halatang talo s'ya kay Inah. Salamat Mama Inah! Hinila na s'ya ni Inah paupo ulit sa upuan. "Alam mo, imbes na awayin mo si Edward, bakit hindi mo na lang s'ya i-welcome sa club mo?"

"Ay wow, babe." Sagot ni Jake sa asawa n'ya. Si Inah naman ay nagpipigil ng tawa habang ako ay hindi sila naiintindihan.

Napatingin naman sa akin si Jake na bagsak ang dalawang balikat at napapakamot sa noo. "Well, I guess, welcome to Sugar Daddy Club."

Napakurap naman ako sa sinabi ni Jake habang si Inah ay tawang-tawa. Tangina, ngayon ko lang din naisip na magmumukha akong sugar daddy dahil sa layo ng edad namin ni Jacqi.

Muling tumayo si Jake at binato sa akin ang isang susi. Nasalo ko naman ang susi ng sasakyan n'ya. "Kunin mo na ang mga gamit mo at dalhin mo rito sa bahay. Magsama-sama na tayo rito sa bahay bilang isang pamilya."

Pamilya.

May pamilya na ulit ako.

Naglakad na si Jake paalis sa mini bar. Napangiti naman ako at nagpasalamat. "Salamat daddy!"

"Ulol!"

Okay na 'yong mura kesa bugbog.

^_^