1. Home
  2. Stories
  3. Extra Jump! Ang Mga Hari Ng Basketball (Ep. 7)
Filipino Sex Stories

Extra Jump! Ang Mga Hari Ng Basketball (Ep. 7)

By 9791cloud ·

Extra Jump! Ang mga Hari ng Basketball (ep. 7)
author: cloud9791

Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.

SPG content: This story posted in this page/website might include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the age of 18, or if such material offends you or if it is illegal to view such material in your community, please exit the page or stop reading now….

© 2021 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

------------------------------------------------------

Kay Torio…

Bukas na ang 1st practice game namin!! Excited na kong makalaro sa 1st basketball game ko! May hawak-hawak pa ako na bola sa kanang kamay habang pauwi. Kelangan pa mag-practice mag-dribble! Minsan nawawala pa sakin ang bola pagdribble-dribble. Sinukbit ko ang bag ko sa likod. NAg-dribble-dribble ako ng bola!

Between the legs, crossover. Mejo okay na! Sinubukan ko ang behind the back dribble, talsik sa may kanal na may tubig ang bola kong luma na may tahi-tahi! Bigay lang sakin to ng bestfriend kong si John. Dati syang naglalaro ng basketball nung mga gradeschool palang kami.

"Talagang tigas talaga ng mukha mo no!!" Ang malakas na boses ng isang lalakeng kalbo at mataba na hubad baro shorts lang ang suot.

Huh! Sino yun!? Ang tanong ko sa sarili ko.

"Talagang pasyal ka pa rin dito sa teritoryo namin ha!!"

SHIT!! Si DAGS yung ah! Yung kilalang siga sa kalyeng to!! Teka paano ba ako napunta dito!? Hindi naman dito papunta sa bahay namin ah!

Kelangan ko tumakbo!! Di ako dapat mabugbog ngayon! May laro kami bukas!! Ikot agad ako. May tatlong binata nakaharang sa dadaanan ko!

"Teka lang nagkamali lang po ako ng daan! Sorry na po!" Ang narinig ko nalang na sinabi ko.

"ULOL!! Dito ka magpaliwanag!"

WOG!! Isang malakas na sikmura ang tumama sa gitna ng katawan ko!

SHIT!! Napaluhod agad ako! Tangina hindi ako maka-hinga! Napaka-pathetic mo pa rin talaga Glenn! Isa ka pa ring mahinang nilalang! Kung hindi dahil kina Rudy at Ace… Sana maging kasing lakas din ko rin sila! Lumapat na naman sa malamig at magaspang na semento ng kalsada ang pisngi ko.

Kala ko ba Glenn hindi ka na magpapa-bully?? Bakit ganito ka pa rin!? ISa ka paring Lampa!!

Yung bola kong di-tahi na nabitawan ko. Gumulong dun papunta kay DAgs. Tatawa-tawa silang apat sakin na naka-luhod na naman dito sa pamilyar na kalsada.

"TANGINA! Tinatalo mo na kame Dags!?"

Ang narinig kong malakas na boses! Pagtingin ko isang magandang babae na may nakataling buhok sa likod. Suot-suot nya ay isang itim na t-shirt na may design sa likod! Naka-taas ang kanang paa nya sa isang astig na motor na itim.

"O bakit!!? Halika nga dito halikan mo ko! BWAHAHAHAH!" Ang tawa ni Dags.

Tangina biglang tumalon yung babae, ambiliss ng takbo! Isang kisapmata ko lang naka-suntok na ang kanang kamay ng babae sa ilong ni Dagz!! WOGGRAK!!! Kitang-kita ko pa talsik ang dugo sa ilong ni Kalbo!!

NAkita ko yung tatlong binata parang hindi na maka-kilos dun sa bilis ginawa ng babae!

"Pukpukin nyo mga putah!!" Ang sigaw ni Dagz pero takut na takot naman dun sa babae.

Yung mga binata na may hawak na mga kung anu-anong armas, hindi naman gumagalaw para kumilos laban dun sa babae. Mga mukhang sanay din sa gulo ang tatlo pero parang walang balak lumaban dun sa babae.

"PAgtulungan natin kaya yan!" Yung isa pero mukhang takot naman.

"Gago ka ba! Grandmaster ng Beta yan!! Si Alexa!!"

"Putah! Sya pala yun!!"

"Kaya yan!! Babae lang yan!"

Ang astig nung tayo nung babae. Sa kanang kamay nya yung suot nyang jacket naka-sampay sa may balikat. Sa kanang braso naka-taas ang manggas may tattoo dun na pagka-astig ng design. Nililipad ng hangin ang mahabang buhok pala ang buhok nya! Bagay na bagay sa maganda nyang mukha!

"Si ALEXA ANG BUANG!!"

"Aba't putang-inang to! Di ako buang mga gago!!"

Puporma palang yung mga kasama ni Dags… NAkita ko sa likod ni Alexa ang maraming mga binata at mga dalaga. Karamihan mga naka-uniporme pa ng highschool!

May matangkad na binata dun sa likod ni Alexa na nakapangloob nalang na puting tshirt at higschool pants.

"Sige subukan nyo, mamamatay na kayo dito…" Sabi nito.

Astig din ang lalakeng to! Naka-ahhit ang sa may kaliwang parte ng buhok nya. Parang may tattoo din doon! PArehas nung kay Alexa.

Nakakatawa nag-takbuhan sina DAgs at yung tatlong kasama nya. Pagtingin ko halos trenta o kwarenta ata tong mga ka-binataan at mga dalaga ata tong kasama ni Alexa. Andami!! Para lang ipagtanggol ako!? Lahat sila ngayon kung titingnan mga mukhang palaban!! Wohohoho para akong emosyonal sa pinagsamang tuwa at pagka-awa sa sarili.

Pero natingnan ko ng husto si Alexa… Gandang dalagang pinay! Nakaka-inlove sya!! Kung hindi lang dun sa parang astig nyang simangot na nakakasindak! Palapit na ito sakin.

"Taena itayo nyo nga to si Gago." Sabi nito ng may parang lalaki na halos na tono ng boses, pero ang mukha naman ay isang kaygandang dalaga!

Tinayo naman ako ng mga kasama ni Alexa. Dun ako nakaramdam ng pagkahilo. May pumukpok na naman ba sa ulo ko kanina!? Yung isang binata ata na kasama tumakbo ni Dags.

"AYoko na may nakikita na myembro namin na ganyan sa sunod ha! Umayos ka putah ka! Tatamaan ka sakin!"

"Ye-yess boss!!"Ang nasabi ko nalang. Ewan ko ba nasindak ako sa babaeng to na may lumalabas na kakaibang aura na nagsasabing ako ang pinakamalakas!!

Mas matangkad naman ako sa kanya, pero bakit ang nararamdaman ko sa kanya, sige pumalag! PAtay ka sakin!

Tumalikod na ang dalaga. Alalay-alalay ako ng binatang kasama ni Alexa.

"Ganyan lang talaga yan si Alexa. SIGA YAN pero mabait naman yan. Ako nga pala si Ryan." Ang lalaking astig na ito, mukha namang mabait.

NAkita ko yung mga binatang myembro rin ng Beta na kumausap sakin nung isang araw.

"Yan na ba yung sinasabi nyo sakin na lumaban dun sa marami nung isang araw?"

"Ye-yes Grandmaster!" Ang halos sabay-sabay na sagot nung dalawa.

Yung tingin nya sakin, bakit parang hindi naman makabasag ng pinggan tong ulol na to!?

"HOY! Ayaw ko nang papabugbog ka uli ha! Sabihin ng ibang grupo dyan mahina ang brotherhood natin! Pag nakita pa kitang nagpa-bugbog… BUBUGBUGIN TALAGA KITA ANIMAL KA!!" Ang sigaw nya sakin!

"Ye-YES MASTER!"

"GRANDMASTER!! TUKTUKAN KITA EH!"

"YE-YES GRANDMASTER!!"

Dun ko nakilala ang pinaka-sigang babaeng nakasalubong ko sa buong buhay ko!

© 2021 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

--------------------------------------------------------------------------

Kay Jenny…

Bihira dalawin ng isang sikat na team ang kaawa-awang school namin. MAaga akong nagpunta sa school ngayon para tumulong sa pag-aayos ng gym at paglilinis! Hindi na kaya ng budget ni Papa ang dagdag maintenance workers. Si Manong Pol kahit matanda na sya maaga sya nakita ko sa may harapan ng gym namin nagwawalis ng kalat. Kelangan makapag-ayos na rin ako dun sa loob. Nang marinig ko ang familyar na echo ng tunog ng basketball.

It's TORIO! Nagpa-practice na sya agad? Parang sya na nga ata ang isa sa mga pinaka-late na umuwi ung isang araw. Ngayon sya pa ang pinaka-maaga! Nagpapractice sya mag-dribble! Parang may naramdaman ako sa loob na emosyon. Seryoso ba silang tatlo nila Ace at Rudy sa sinabi at pangako nila sakin na tutulungan makabangon ang school or is it just drunk talk!?

TOG!! Nang tumama sa may baba nya ang bola nang mag-try sya mag-one hand-cross over! Ouch! That hurt!

" AYY Glenn!!" I shouted

Napatumba si Glenn sa hard court. Nakita ko naman dumating sina Ace at Rudy! Ang supladong gwapong-gwapo na si Ace at ang astiging si Rudy na mabait naman pala at nakangiti.

"OHHH! PRIII!! Anong nangyari sayo dyan!?" Si Rudy.

"Unggoy…" Ang narinig kong mahinang sambit ni Ace naman.

"Are you okay?" Nang tinulungan kong tumayo si Glenn.

NAkita ko may mga pasa at sugat sya sa mukha, braso at binti nya. May band-aid pa nga sya sa may sentido.

"What happened to you?"

Nung una parang gustong sabihin ni Glenn. PEro parang nag-dalawang isip sya at…

"No-nothing! Wala! Hehehe!" Si Glenn na parang may tinatago.

"Ang pangit naman talaga ng gym nyo Jenny. Walang-wala sa school namin. University ba talaga to o school sa probinsya? " Ang isang pamilyar na boses.

Si Marcus!! Player ng isang sikat na university at pang-mayaman.

"Sipain ko na kaya tong unggoy na to…" Si Ace nang marinig si Marcus.

"Sapukin ko pa yan sa ulo e!" Si Macario naman.

Ang dalawang pinaka-mainit ang ulo sa team namin! Si Rudy Macario at si Ace Mendoza!

"No-NO Stop! It's our first practice game! We're gonna play with them okay!" Ang pigil ko sa dalawa.

Pero ramdam na ramdam ko, nanggagaling sa kanilang dalawa ang malakas na kuryente ng galit!Huli na nang napansin ko nakahawak pala ako sa kamay ni Ace.

"Sorry…"

Hindi man lang ako pinansin ng Ace. Ang gwapong sobrang sungit!

"O sha-sha… Simulan na! Ano BOYS!? Tambakan na natin tong mga to para mag-backout na sa tournament hahaha!!" Ang pang-aasar pa lalo ni Marcus sa team namin.

Parang napapaiyak ako na ewan. Parang tutulo na ang luha!! But I stopped myself… You're not a child anymore Jenny!! And I need to be strong for my team! MAkikita nyo!! Magiging malakas din ang basketball team namin!!

"You look so much prettier today Jenny! I like how your uniform fits your body!" Ang may kakaibang tingin ng Marcus sa akin at sa katawan ko.

Napaka-bastos at manyak talaga ng lalaking to!! Tiningnan ko talaga sya sa pinakamasungit ko ng itsura! PEro lalo lang nangmanyak ang mukha nya! Hindi talaga bagay sa sweet kong mukha ang maggalit-galitan! Napatingala ako lalong lumapit si MArcus! Matigas at matangkad din siya. Gwapo at kahit sinong babae ay siguradong maiinlove! WEll solidly built pa ang katawan. Isang pointguard na may tangkad na 6'4!! Ang isa sa mga sikat na players sa division namin!

"Tumabi ka nga dyan…"Ang isang matapang na boses.

When I looked its Glenn!

"Teka sino ba tong…" Si Marcus…

NAng biglang tumalsik sya!!! Tinulak siya ni Glenn Torio!!

"TORIO!?" Ang tili ng isang boses sa hindi kalayuan.

SHIT!! IT's Bea and the rest of the basketball team of San Gabriel!!

"PUTANG!!" Ang nginig sa galit ni MArcus.

Susuntukin nya si Glenn!!! GLENNN!! Ang hiyaw ko sa isip!

"Tangina mo… Subukan mo unggoy…" Ang nakakatakot na boses ni Ace.

"Kung gusto mo mawala ang pagka-pretty boy ituloy mo yan!!" Ang isa pang mas nakakatakot na boses… si Rudy Macario!

Humarang sila sa may gitna ni Marcus at Glenn! Napatingala si Marcus sa dalawang binatang mas matangkad sa kanya. Sabay duro kay Glenn…

"Tandaan mo to ha! May araw ka rin sakin… May araw ka rin!"

"Oh may away oh! May away!" Ang naririnig kong huntahan sa may mga stands. May ilang estudyante na school namin ang nanunood.

PEro kakaunti… MAs marami pa ang mga fans ng Mariam university! Nakakalungkot pero ang sarili naming students… Walang ganang manuod sa basketball nila!

Kay Glenn…

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko! NAtatandaan ko nalang ng naitulak ko na si Marcus! O PUTAH!? Dun na ako nagsisi!! Mas malaki at mas matangkad sakin si Marcus. Nung makita ko ba si Jenny nilalapitan ng mayabang na yun!? Napatingala ako sa may pataas na parte ng stands. NAkita ko si Alexa ang Buang!! Ay hindi ang Grandmaster pala! Sa kanan at kaliwa ni Grandmaster may apat na lalaking mga mukhang astig din katulad ni Alexa! Tsaka si Ryan ang pangalawa ata sa Beta!!

Nakita ko nakatitig pa sakin ng matalim ang mga magagandang mata ni Alexa. Naalala ko ang sinabi nya… Sige subukan mong magpakawawa pa uli sa iba!! PAtay ka sakin!! Tangina tumayo ang mga balahibo ko sa katawan!!

Kumpara kay Alexa… Mas nakakatakot pa to ng milya-milya laban kay Marcus!! Pagtingin ko nalang uli. Naka-harang na pala sa harapan ko sina Rudy at Ace. Nakaprotekta ba sila sakin!? Ang parang nangingiyak ako na hindi malaman.

Maya-maya nagpuntahan na rin ang ibang members ng Mariam basketball team. Tatlo kami laban sa lahat ng myembro nila!! Halos lahat ng members ng Mariam matatangkad! Samin si Ace at Rudy lang ata ang matangkad!

Yung sentro ng Mariam na si Gilbert Cruz mas matangkad pa kaunti kay Rudy na pinakamatangkad na sa team namin!

Lalapit pa sana uli si MArcus sakin ng…

"Tama na yan Marcus!" Ang tigas na salita ng isang boses.

Pagtingin ko ang basketball team captain namin!! Si Zeb Jacinto! Mas matangkad sya kay Marcus! At ang katawan at built ni captain Zeb mas matigas tingnan kay Marcus! Siguro mga 6'7 o 6'8 to si Captain na may matigas na mga muscle!

Dun ko lang napansin, nagsipag-urungan din ang mga players ng Mariam university. PAti si Marcus! Di ko lang sigurado kung malaki ang paggalang nila kay Captain o takot sila!?

"Magsisimula na ang game… Tama na yan… Laro lang…" Ang mahinahong sabi ni Captain Zeb sa lahat.

"PAsalamat ka bhoi…" Ang pahabol pa rin ni Marcus sakin.

"MARIAM! MARIAM!!" Ang sigawan na galing sa kung saan.

PAgtingin ko ang maraming studyante na may ibang uniform. Kung samin simpleng blue pants at white polo. Ang mga dalaga at binata ng Mariam university ay parang may kaunting pang-amerikano. PArang yung napapanood ko sa TV na pang-mayaman.

NAgsimula na kami pumunta kina coach. Nakatayo na si Coach Dido sa may side namin ng court. Dun sa may side ng Mariam University maraming estudyante nila ang dumayo para supurtahan ang team nila. PEro dito sa side namin, parang kakaunti ang mga mag-chicheer para samin. Si Alexa at mga hindi ko pa kilalang mga binata na parang naka-bantay sa kanya. Nakakatakot ang mga to! PArang bang laging handang makipag-away! PEro mas iba ang si Alexa. Mas nakakatakot ang mga titit nya sakin!! Walang panama ang apat nyang kasamang binata sa kanya!!

Naka-cap sya ngayon at para lang syang one of the boys sa porma nya. Malaking t-shirt na nakarolyo ang sleeves sa may braso nya. PAra syang tomboy sa porma nya. Hindi ko pa rin makakalimutan ang ganda nya nung hindi sya naka-sombrero. ISa na sa pinakamagandang babaeng nakita ko! Ganda sana… PEro sa ayos nya ngayon para syang isang babaeng hindi naliligo!

Nawala saglit ang takot ko nang…

"Okay team… Ang First five…" Si Coach Dido.

PArang humaba ang mga tenga namin nila Rudy, Ako at si Allan Tristo para makinig sa mga sasabihin ni Coach. Napatingin ako sa magandang mukha ni Jenny. Parang umusok ang mga pisngi ko! Shit kinilig ako! Papakita ko ngayon kay Jenny ang mga natutunan ko!! Ang pagbangon ng San Gabriel! Hindi ko alam pero yung andito lang si Jenny para akong laging ginaganahan sobra!!

"Center… Sam Locsin…"

Uy bakit hindi ako! Ang sigaw ko sa isip ko. Tigil ka na nga!! Sempre uunahin muna ang sentro. Tiningnan ko si Sam Locin para syang isang Sumo wrestler sa taba. MGa 6'5 siguro sya.

"POwer Forward…"

"Ikaw na yan pre sigurado ikaw na yan!" Ang bulungan namin ni Rudy MAcario na parang tanga lang.

"…Jomard Santos…" Ang announce ni Coach.

Si Jomard SAntos payat na mga 6'4 siguro na resident power forward na ng team Kings.

"Coach! Bakit hindi ako!?" Ang halatang dismayadong kaibigan ko na si Rudy Macario.

Oo nga naman. Sa isip ko matatangkad ang mga MAriam University. Dapat si Rudy nalang kesa kay Jonard. Syempre bias din ako. Malapit na kaibigan ko na ngayon si Rudy eh. PEro parang naintindihan ko na rin si Coach. Siguro by seniority.

"Small forward… Ace Mendoza…"

Napanganga ako!! E bakit si Ace rookie din tulad namin!! Pinili ni Coach!?

"Shooting Guard… Seb Jacinto…"

Syempre si captain Seb na ang sshoo-in. Laki pala ni Captain din. Shooting guard na 6'7 to 6'8 ang tangkad!?

"At ang last ang point guard…"

Ako na to! AKO NA! Marunong na ko magdribble! NAgpractice ako ng husto!! Ang sabi ko sarili ko. Ang mukha ko para ng gago! Nahuli ko si Bea pinagtatawanan na pala ako!!

"Bong Alolor…" Ang huling announce ni Coach Dido.

Nanghinayang ako. Nakita ko si Rudy Macario malungkot din. Alam ko parehas kaming dalawang gustong-gusto nang makalaro! Si Tumingin ako kay Jenny. Gusto ko sanang magpa-siklab! E kaya lang bangko muna ako. NAlungkot ako, pero nang makita kong ngumiti si Jenny. PArang nawala lahat ng iniisip ko!

Okay lang yan Glenn! PAsasaan ba't bago matapos ang game, siguro naman mapapasok ka rin!

"It's okay Glenn… " Ang ngiti uli sakin ni Jenny.

Ang mukha nyang maamo at maputi. Yung pinkish na pisngi nya at pink lips nakakahalina! PAra akong matutunaw sa pagkakatayo! Nawala na agad ang pag-aalangan ko dahil sa kanya! Pero may nakita akong naka-simangot dun sa bandang taas. Si GM Alexa!! Bakit ba napatingin-tingin pa ako dun sa side nya. Tinitingnan ko lang naman ang nanunood samin, pero kalungkot unti pa rin. Buti pa dun sa side ng mga kalaban namin nagpuntahan ang mga estudyante nila.

PRRRRT!!! Ang pito ng isang referee!

GAME NA!! Ang mga players namin sina Bong Alolor PG 6'2 si Vice Captain, Zeb Jacinto SG 6'8 si Captain, Si Ace Mendoza ang small forward sa tangkad na 6'9, Si Jomard Santos ang aming 6'4 na power forward at ang sentro namin si Sam Locsin 6'5.

Napalunok ako ng makita ko ang sa kabilang players ng Mariam. Ang mayabang na point guard nila si Marcus Santos. Ang matangkad nilang sentro si Gilbert Cruz. MGa sikat na players to sa district!!

Malakas ang Mariam Univerity! Lagi sila nakakapasok sa NAtional meet! Ang mga players nila mga kilala! 6'4 poing guard MArcus Santos, 6'11 Gilbert Cruz Center, 6'7 Small forward Rex Cotas, 6'6 Shooting guard Vincent Del Rosario at William Sy Power forward 6'8!!

Kumpara sa team namin mas matatangkad ang mga to! Lahat kami mga players sa bench ng San Gabriel napa-buntonghininga ng magjujumpball na! Katabi ko si Rudy sa kaliwa. NAgulat ako katabi ko pala si Bea. Ang cute at maganda nyang mukha kitang-kita ko na para syang kinakabahan! Gustong-gusto nya sigurong manalo ang team namin!

Hinagis ng referee ang bola! Tumalon ang sentro namin si Sam. Tumalon din ang sentro ng MAriam… Ang taas!! Halos hindi man lang umabot sa kili-kili si Sam Locsin! Bukod sa mas matangkad si Gilbert Cruz… MAs mataas pa ito tumalon!

Nakuha kaagad ng Mariam ang bola. Napunta ang bola kay MArcus ang point guard nila… Ambilis! Andun na agad sya pa-drive na sa ring!!

"DEPENSA!" Sigaw ni Captain Zeb!

PA-layup na si MArcus! OH SHET! SA kanila ang 1st score! Nang makita ko sumabay si Vice Captain Bong Alolor kay MArcus! Mabilis ang defensive reaction nya! Ayus!!

Nang makita ko ngumisi si MArcus. Biglang nyang binehind the back pass ang bola… Nakuha ng sentro nilang si Gilbert Cruz. Isang semikalbo at mahabang player. PAgsapo ng dalawang kamay sa bola.

"ETONG SAINYO SAN GABRIEL FEEDERS!!" Ang hiyaw nito.

BOWVV!! Ang isang two-handed dunk agad ng MAriam University! Ambilis! Ganito pala maglaro ang mga team sa National level! Napatingin ako kay Bea… Seryosong-seryoso sya! Nung naka-dunk si Gilbert Cruz affected na affected sya.

Hiyawan ang mga student's ng MAriam University! Halos lahat ng studyante nila magaganda at ang ilang lalake ay gwapo! MGa mukhang maykaya ang mga itsura nila!

Sabi ko sa sarili ko okay lang yan. 2-0 palang naman. Kami naman ngayon! Dala na ni PG Bong Alolor ang bola. NA-excite uli ako. Eto na ang Vice Captain namin!

PIGISH!! STEAL!! Nang mai-steal ni MArcus ang bola kay Vice Captain!

"CAPTAIN!!" Ang hiyaw ni Bea!

"OFFF!" NArinig ko naman si Jenny nang ma-istealan ng bola si Vice Kap Bong. Katabi lang sya ni Rudy na katabi ko.

TOG TOG!! Saglit lang layup at tinap-ball pa ng mayabang na PG ang bola sa ring. 4-0 na!

"EEEEHHHH!!" Ang malakas na hiyawan ng mga babaeng fans ng Mariam University!

Parang mga mahihimatay na ang mga babae nila sa isang score palang ni MArcus. Gwapo rin kasi e at matangkad. Ang yabang ni Gago! NAkita ko tatawa-tawa pa ang mga players ng MAriam tuwing nakaka-score. PArehas yung mga players sa bench at mga players sa court. Talagang minamaliit nila ang team namin! NAawa ako kina Jenny at Bea. Ramdam ko na gustong-gusto nila manalo ang team namin. PEro parang malayo pa ang agwat ng lebel ng team namin sa mga national level teams!

"Relaks lang team. Don't panic. Umpisa palang." Si Captain Zeb JAcinto nang makuha nya ang bola.

Moreno at may solid na katawan etong si Captain Zeb. Sa mga players ng San Gabriel sya ang may pinaka-malaki at matigas na katawan! PAra sa isang shooting guard napakalaki nya sa 6'8! Bakit kaya hindi sya nag-sentro o forward? Napatingin naman lahat ng players namin kay Captain. Dun biglang na-kalma sina Sam Locsin, Bong Alolor, at Jomard Santos. Iba talaga ang respeto ng team kay Captain. Kahit ang maangas na si Ace parang sumusunod sa kanya!

Dun biglang nagseryoso na ang mga players ng MAriam. Mukhang kilala nila si Captain Zeb.

"Malakas yan si Captain Zeb. Score na natin to!" Si Bea nang makitang hawak na ni Captain ang bola.

Mula sa top of the key. Biglang drumive si Captain!! Pinilit syang pigilan ng SG ng kalaban yung Vincent. Pero pag-bangga nya kay Captain parang tumalsik sya kaunti sa lakas ng katawan ni Captain! Iiscore na kami! Ang hiyaw ko sa sarili ko.

PEro bago pa maka-porma si Captain. Humarang sa kanya ang sentro ng kalaban si Gilbert at ang small forward na si Rex Cotas!!

"Captain!!" Ang hiyaw ni Bea.

PEro nakita ko kay captain hindi naman sya nagpanic agad. Pinasa nya agad ang bola sa nalibreng si Sam Locsin!

PEEGSH!! Ang malakas na tunog ng makuha na naman ni MArcus ang bola para sa isang steal! STeal na naman!? Ang hiyaw ko sa sarili ko!

"Coach…" Si Bea.

NAkita ko si Coach kalmado pa rin pero parang mejo nag-aalala na. Si Marcus naman andun na agad malapit na sa ring nila.

"DEFENCE!!" Ang hiyaw ni Jenny.

Pero ang mga players namin nahuhuli sa paghabol sa mga players ng MAriam! Si Captain at Vice Captain lang ang mejo nakakabol… PEro ang MAriam andun na sila halos lahat sa offense!! AKala ko ilelayup na ni MArcus ang bola… Bigla nya tong ni bounce pass… Napunta kay Vincent Del Rosario ang bola… Parang anyayabang lang, yung parang sa Harlem globetrotters… Pinaikot ng Vincent ang bola sa likod at tsaka lamang ni layup… SWISSH!!

Pagtingin ko nalang uli aba… Ilang paroo't parito lang… 10-0 na!! Nanggigil ako na hindi mapakali sa bench! Tumingin ako kay Coach parang relax pa rin sya! Si Rudy halatang gitil na sa galit ang itsura nya. Si Allan Tristo… parang inaantok.

Pero ang nakakaawa ay si Bea at Jenny. Si JEnny cheer pa rin ng cheer ang pinakamabait na babaeng nakilala ko. Tsaka si Bea na araw-araw sumusupport sa amin imbes na mag-aral ay patuloy pa rin ang hiyaw!

"SAN GABRIEL! SAN GABRIEL!" Halos kami-kami lang din ang naghihiyaw para sa team namin at ang ilang manunood na San Gabriel students!

Pag nakapasok ako…. PAg nakapasok ako… Ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Ang mga kakampi kong mas senior sakin sina Sam Locsin at Jomard parang may kaba na sa kanilang mga mukha. Ang nakikita ko lang na rookie na seryoso na ngayon. Si Ace!!

Dala-dala ni Vice-Kap Bong ang bola. Nakita ko hinihingi ni Ace ang bola! NAkita ko si Vice Captain tumingin kay Captain Seb. Tumango lang ang si Captain. Ang mga players ng MAriam papunta na kay captain Seb. Mukhang ang gusto lang talaga nila bantayan si Captain lang!! Isang feint pass… Pinasa ni Vice captain Bong ang bola kay Ace sa may kanang behind the 3pt line!!

ACE!! Ang biglang tibok ng puso ko. Hawak na ni Ace ang bola dalawang kamay.

"Kaya ko na to!! Ako ng bahala sa rookie na to!!" Ang hiyaw ng smallforward ng Mariam na si Rex Cotas.

Biglang mabilis na drumive si Ace!! Ambilis!! Nagulat ang player ng Mariam!! Naiwan si tanga!! Pa-layup na si Ace namin!

Pero mabilis ang depensa ng MAriam U!! Andun na agad pasabay ang kanilang sentro si Gilbert kay Ace para sumapal! Muntik na ko mapatayo sa upuan ko ng binomba ni Ace ang bola pababa! Sabay layup uli!!

"WWAAHHHHH!!" Ang hiyawan namin sa bench ng maipasok ni Ace bola!

Kahit ang mga studyante ng San Gabriel sa may entrance ng gym na kanina ay nagdadalawang isip pumasok. Napa-palakpak sa shoot ni Ace!! Dun ko na nakita nagpasukan ang mga estudyante namin!!

© 2021 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

--------------------------------------------------------------------------