1. Home
  2. Stories
  3. Destiny: Chapter 4: Gifted Gabriel
Filipino Sex Stories

Destiny: Chapter 4: Gifted Gabriel

By beep108 ·

This work is a FICTION, Names, Places, Events and Incidents similar to the story are purely products of the writer's imagination; they bear no resemblance to anyone living or dead.

@beep108

I dedicate This Work sa lahat ng masisipag na mag comments sa mga stories na pino-post ko. Mga masisipag na nag bibigay encouragement at support sa akin mula ng mag umpisa ako magsulat from Sean:The Specialist hanggang ngayon. Ang dami niyo po na nag PPM sa akin and regular na nag co comment po.
thank you po sa inyo and alam niyo sa sarili niyo kung kayo ang tinutukoy ko. God bless us

*************************************

Nakita Kong magkayakap na umiiyak ang Mag amang Gabriel at si Tito Rolly, Dinig na dinig ko ang problemang kinahaharap ng pamilya kaya na antig ang puso ko sa kanilang sitwasyon kaya napa iyak na rin ako.

Gusto kong tawagan ang aking mga magulang o ang aking Daddy Lolo pero natakot ako dahil hindi nila alam ang mga lihim na tulong na binibigay ko kina Gabriel.

Natakot ako baka pagalitan ako sa mga pagkaing palihim kong itinatakas para maibigay kay Gabriel at sa mga magulang niya; hindi rin nila alam na yung ibang allowance ko kasama kay si Charlene ay pinambibili namin ng gamot ni Tita Geny.

"Tito, Wag na lang po kayo umalis para mabantayan niyo din po si Tita; Ako na lang po bahala sa bayarin dito sa hospital, eto po 3800 pesos na cash ko po, ibigay niyo na lang po muna eto kwintas at bracelet ko po kasama ng pera para po ma admit na si Tita".

pangungumbinse ko kay Tito Rolly

"Hmmm Lorna, nakakalimutan mo ata kami? hindi lang ikaw ang kaibigan ng crush kong si Gabriel so please, Don't act that you're the only superhero."

Mataray na sinabi ni Charlene pero nakangiti ito maymga luha din sa mga mata saka nilabas ang kanyang wallet.

"Ay, 2400 lang pala pera ko, Mam Rhea, Mam Bea,Mam Mi……"

dina niya natuloy ng sasabihin dahil pinatahimik na siya ni Mam Michelle. Diko man lang napansin na lahat pala kami'y lumuluha at nahahabag sa kaisa-isahang Hari sa aming limang prinsesa.

"We are all friends here, problema ng isa, Problema natin lahat right?"

Masayang tanong ni Mam Michelle nagpupunas ng Mata.

Inipon namin ang aming pera at umabot ito ng 18 200 pesos, nag bigay ng tig 4000 ang aming mga guro kaya tuwang tuwa kami ini abot kay Tito Rolly.

"Maraming salamat po sa inyo Mam at sa inyo Lorna,Charlene, nakakahiya man po pero tatanggapin ko po eto para sa mahal kong asawa si Geny ko."
Naiiyak na pasasalamat ni Tito Rolly.

"Maraming salamat po sa inyo lahat; Hayaan niyo, bukas ibabalik ko din ang mga pera niyo".
Umiiyak din sabi ni Gabriel kaya lahat kami'y napa iyak na rin

"Anak,balikan ko si Nanay mo, kakausapin ko na yung Doctor para mailipat na si Nanay mo,Maraming salamat uli sa inyo, iwanan ko muna kayo saglit."
paalam ni Tito Rolly sa amin.

"Gabriel, don't worry ok, nandito lang kami, hindi ka namin pababayaan promise,cross my heart".

masayang sabi kokay Gabriel. Gusto kong palubagin ang loob niya, kitang kita sa kanyang maamong mukha ang lungkot at pag aalala kaya nilapitan siya ni Mam Bea saka niyakap ng mahigpit saka tinapik tapik ang likod.

"Nandito lang kami, gagawin naming lahat para sa Nanay mo. Kahit sagutin ko na yung Kalbong manliligaw ko kahit diko gusto ma utangan ko lang para sa pagpapagamot ni Tita Geny, kaya wag kana malungkot Anak".

Opps Opps tama na yan please, Stop muna ang drama kasi puno na ng sipon eto panyo ko sa kaiiyak;
putol ni Mam Rhea sa aming lahat.

"Tara sa chapel, balikan na lang natin si Tita pag maayos na ang lahat,tapos Lorna,Charlene tayo na lang mag review, sayang ang pinag hirapan niyo pag re review kung hihinto na tayo na dipa tapos ang paligsahan".
Dagdag pa ng adviser.

Pagkagaling ng magka kaibigan sa chapel, pinuntahan na nila kung saan ang room ni Nanay Geny at ng nakita nilang sa ward sila nakatalaga,siksikan at masangsang ang amoy sa kuarto, agad nag paalam lumabas sina Charlene at Lorna saka naghanap ng Pawnshop saka nila isinanla ang kanilang kwintas at bracelet.

"Ate, magkano po ang bayad ng private room po sa isang araw, yung sarili po ang kuarto tapos Lorna sariling Banyo?"
Tanong ni Charlene sa Billing Section.

"Ay ang gaganda niyo namang bata mukha kayong mga artista, Ok, Bale 1500 ang isang araw sa unang sampung araw tapos 1000 kada araw sa mga susunod na mga araw na hanggang makalabas ang pasyente".
Paliwanag ng taga billing.

"Ok po, pa transfer po ng pasyente Si Mrs Geny Dela Cruz sa private room, eto po 25K para sa advance payment sa room tapos 15K po para sa Medicines, bale po mag de-deposit po kami ng 40K total plus yung 10K na naunang binigay ni Tito Rolly po para sa admission at room reservation".
Mahabang Paliwanag ni Lorna.

Nagulat man ang Billing Officer pero ginawa na lang niya ang gusto ng mga bata pagkatapos makumpirma and mga dalang pera. Agad niyang itinawag sa Hospital assistant para mailipat na ang pasyente at binigay ang resibo.

"Mam Geny Dela Cruz po, nasaan po si Mam Geny? Ililipat po namin kayo sa Private room po".

tanong ng Hospital staff kaya lumapit si Rolly saka nila nilipat ng kuarto si Geny
Nagtataka ang mga guro at ang mag ama pero masaya silang maililipat si Nanay Geny kaya nagkatinginan na lang ang tatlong guro nung mapansin wala ang dalawang kasamanag batang babae.

"Ok Gabriel, Uuwi na kami samahan namin si Lorna at Charlene mag review,para kahit matalo kayo atleast di na kami ma gui-guilty and Gabriel, don't push yourself to hard ok, we wanted you guys to enjoy the Quiz Bee, this is a very good opportunity to experience the Quiz show". ani Mam Rhea.

Bago lumabas ang tatlong guro, dumating naman sina Charlene at Lorna nakangiting magkahawak kamay at sakto nagka Malay si Nanay Geny.

"Rolly, ano nangyari bakit nandito ako, paano nila tayo tinanggap eh wala naman tayo pera?"
Tanong niya sa asawa pagkatapos niyaya niya si Gabriel para yumakap.

"Wag kang mag alala Geny ko, nandito pala mga kaibigan ng Anak natin.sina Madam at yung dalawang magagandang bata, sila nagbigay ng pambayad natin ditto,pinagpala tayo ng Dios kasi hindi niya tayo pinapabayaan, Gagawa at gagawa SIYA ng paraan para sa atin."

"Ay Mam Rhea,Mga Madam, nandito pala kayo,maraming salamat po sa tulong na binigay niyo,mmmm nandyan pala yung dalawang prinsesa; Hello Lorna, Charlene, thank you sa tulong ninyo lahat,diko man nakita pero alam kong kayo ang gumawa ng paraan para sa amin, Salamat din sa pag aalaga at pagmamahal na binibigay niyo kay Gabriel".

"Wala po anuman po yun, gagawin po namin lahat ang abot ng aming makakaya para po sa inyo at sa munting Hari naming si Gabriel, magpapa alam napo kami, pahinga po kayo Tita at magpagaling". Paalam ni Mam Rhea

**********

Anak napaka Palad natin sa mga kaibigan mo, iilan man sila pero alam kong sapat na sila sa buhay natin.

TOK TOK TOK TOK

tunog ng pagkatok sa pinto pagkatapos ay inuluwa ang naka unipormeng Doctor

"Sir, Maam nandito po ako para I discuss ang mga kinakailangan natin gawin; Kailangan po operahan si Maam sa baga, sira nap o yung isa so kinakailangan natin na tangalin yung isa para po di mapektuhan yung isa pa,
madali lang po yung operasyon pero malaking halaga po ang kailagan, pwede po bayaran muna yung kalahati bago lumabas tapos kalahati po pag lalabas na, kailangan po ninyo maghanda ng mga 100K to 120K po".

"Doc,gaano po katagal ang operasyon,pagkatapos po ng operasyon kailangan po ba magtagal kami ditto." tanong ng Ama sa doctor

"Sir, yung operation po saglit lang yun mga apat hanggang limang oras, ang recovery po mga apat hanggang anim na araw lang po, kailangan lang po maoperahan si Mam".

"Maraming salamat po Doctor, Sabihan ko po kayo kung naihanda nap o naming yung pera". tinapik na siya ng Doctor saka nagpa alam.

"Tatay, Wag po kayo mag alala, tutulong po ako para magamot na si Nanay, Dalangin ko na sana kami manalo sa paligsahan bukas kasi meron pong malaking premyo mahigit isandaang libo,paghahatian naming tatlo yun pag nanalo kami.

tapos Tatay,Nanay next week at mga susunod na araw di muna ako papasok sa school, subukan ko po maghanap ng party at mag pri- prisinta po akong kakanta kahit po sa simbahan,sa kasalan, sa mga birthdays o kahit sa lamayan.

atleast kahit ma miss ko yung klase ko, mahahasa naman ang galing ko sa pagkanta diba Nanay,Tatay."

Napaiyak ang mag asawa sa kasiyahan dahil sa narinig sa anak kaya nagyakapan silang mag anak. Hindi nila sukat akalain na ang musmos na bata kung mag isip ay parang sa matanda, napaka responsable.

"O siya Geny, Gabriel, magpahinga na tayo gabi na rin,saka anak magpahinga ka rin para may lakas ka bukas at di antukin."

"Tatay, Ok lang po ako, kailangan ko pa po magbasa kasi po makakalaban din po naming ang senior high school,lalong mas gusto kong manalo ngayon dahil kailangan natin ang pera".

"O sige anak, matulog ka na lang mamaya para dika mapuyat, matutulog na kami ni Nanay mo"

************************beep108**************

Madaling araw na ng makaramdam ako ng gutom,gigisingin ko sana si Rolly pero napansin kong nagbabasa pa si Gabriel;

"Gabriel, anak dikapa natutulog"

"Nanay,ok lang po ako, saglit na lang po matutulog na rin po ako,Nay bakit gising kayo?"

"Nagugutom kasi ako anak, di pa pala ako kumain kanina ng hapunan".

"Nanay,meron po prutas diyan saka mga tinapay, napansin ko dala nina Lorna at Charlene kanina"

"Naku yung mga kaibigan mo talagang mga yun, napaka bait, napaka swerte ng kanilang mga magulang at meron silang mga anak na kutalad nila"

"Nanay, eh ako?"

"Naku, mas maswerte ako, dahil hindi lang mabait ang anak ko, guapo,matalino,matulungin,masipag,responsable,magaling kumanta at lahat yan namana mo sa akin hahahaha"

"Hahahahaha Tama Nanay, buti tulog si Tatay walang aapila hahahaha".

"Opps, Sinong tulog Anak hahahaha,narinig ko yun sinabi ni Nanay mo, na guapo,matalino,matulungin,masipag,responsable,magaling kumanta at syempre ako yun hahahaha".

"Ayon, nagising si Tatay mo dahil nakarinig ng Guapo." masaya at tawanan namin ng mag ama ko habang inihananda ni Gabriel ang pagkain ko.

*********

Welcome to the 2nd day of our founding Anniversary and the highlight of our celebration is much awaited; The 1st Bietbien Quiz Bee and the Grand Champion will receive 150 000 Pesos cash prize; Who will be the First Quiz Bee champion of our School.

Gerzon:
Sa palagay mo Mam Ai, sinong mananalo sa tagisan ng talino eto

Mam Ai: Sa Palagay ko Sir Gerzon, mas lamang yung mga nasa higher School levels tulad ng mga Senior High natin; mas advantage sila sa stock knowledge plus ang layo ng gap sa grade 1 sa mathematics comparing sa grade 12; kumbaga, nag aaral pa lang magbilang sa grade 1 eh yung grade 12 hinahanap na nila yung dami ng chemicals kapag nagsunog ng isang bagay.

Sir Gerzon:
Tama ka dyan Mam Ai, hindi ata tama na ilaban ang elementary sa mga high school dahil walang pag asa manalo ang elementary sa mga mas matatandang high schools natin lalo na yung mga senior high, Matanong nga natin ang ating magaling na principal tungkol ditto,Please come on stage Sir Principal

PLAK PLAK PLAK

Principal:
Thank you Sir Gerzon, Agree din naman ako na malaki ang lamang ng senior high school natin against our grade school pero we are celebrating our foundation day together, from grade 1 to grade 12; so hindi lang mga grade school or hindi lang yung mga high school ang mag cecelebrate ng foundation day natin.

Saka di naming tinitingnan yung gap during planning kasi we wanted everybody enjoys our founding anniversary and besides wala naman involve na cash prize before until our Anonymous donors pledge yesterday, kaya pag nanalo kayo nasa senior high, baka naman pwede niyo balatuan yung mga elementary representatives.

Anyhow,let us all welcome our contestant from our grade 1 to grade 12 for the 1st Bietbien Quiz Bee.

CLAP CLAP CLAP CLAP, WOAAAHHHHHH WOAAAHHH

maingay na sigawan at palakpakan ng mga studyante at mga bisita naroroon

Gerzon:
Dear students, Teachers, Parents,Visitors let us give the loudest round of applause to our Contestants.

Mam Ai:
Everybody, let us all welcome participants from grade 1, coming next will be grade 2,3,4,5,6,7 to grade 12, Are you all ready?
Ok how about our Contestants, are you all ready?

Gerzon:
Before we proceed Miss AI, we need to explain the points system how our contestant scores.

We prepared tree sets of questions and these are divided into tree rounds;The first round will be Easy and contestants can get 1 point each for every correct answer, Next round is a moderate round that gives you 2 points and the last is hard round where you can get 3 points if your answer is correct; we are giving 10 questions each round.

Mam Ai:
After We Finish the 3 rounds,we will get their total scores and the top 3 highest scores will Battled the 1st Bietbien Quiz bee championships, in case we have a tie,

a tie breaker will be given but only 1 representative is allowed to answer,the battle will be Best of 3 so whoever gets 2 correct answer will be announce as the Winner; questions prepared are coming from science, history, Mathematics,General information.

Gerzon:
Now Ladies and gentlemen, if all are ready, then we proceed; first round, easy round, please pass the questionnaires our dear teachers.

mukhang masaya ang mga contestants natin, baka naman subrang dali ng mga tanong Mam AI kaya cool na cool ang mga Brainy students natin; Ok now we continue to the 2nd round, a moderate round with 2 points for every correct answers; kindly give our round 2 questions dear teachers.

Mam Ai:
Ladies and gentlemen, that ends our final round; We will just wait for the results who will get the highest scores; Thank you sir Gerzon our contestants finally can relax, Kanina lang Sir Gerzon,nakikita ko na tagaktak na ng butil butil na pawis ang mga contestants natin.

Gerzon:
Totoo yan mam AI, lalong lalo na yung mga grade 9,10,11 and 12; mas matindi yung pressure sa kanila, as we all know sila yung ini expect natin mananalo ng 150 000 pesos.

Mam Ai:
Yes Sir Gerzon, I am more confident na yung grade 12 ang mananalo kasi they have great advantages compared to the younger ones, tinitingnan ko yung mga elementary participants natin nilalaro na lang nila mga lapis nila tapos nagtatawanan lang sila, of course we are not expecting them to answer the questions dahil hindi nila naiintindihan.

Gerzon:
Hay Mam AI,napansin mo din pala yun hahahaha, anyway we would like to thanks the parents of these kids,nakaka proud po na nakasali ang mga anak niyo sa isang Quiz bee, saludo po kami sa inyong mga magulang.

Mam Ai:
Ok Sir Gerzon, We have the results na, a perfect score will get 60 points, I doubt kung meron makakakuha ng perfect score among them kasi mahihirap talaga yung mga tanong and honestly,kahit ako hindi ko alam yung mga sagot lalo sa last round dahil subrang hirap talaga.

Gerzon:
Ok Mam AI,yung pong tatawagin natin ay mga teams na eliminated hanggang apat na lang ang matira; ok, congratulations and thank you to our grade 1 students; Next will grade 4,thank you for joining grade 4; coming up is from grade 6, congratulations grade 6, better luck next time.

Mam Ai:
Whooaaahh, nakakatuwa Sir Gerzon, meron na lang tayong 4 na contestants and nakakapagtaka nandyan pa ang grade 2, I don't know if pang comedy lang eto; pero sino kaya sa kanilang apat o pwede natin sabihin sino sa tatlong team ang mananalo, yung grade 11 ba?O yung mga grade 10?Sino magsasabi na Grade 12 ang mananalo?

Gerzon:
Mam AI, ang daming fans yung grade 12 natin,mukhang yung grade 12 talaga ang mananalo;Ok wag na natin patagalin guys; we may call our Dear Principal to announce our Top 3, nasa kanya po yung results so Mr. Principal,please come up on stage sir.

Prinicipal:
Thank you Sir Gerzon,Mam AI
Whooaaa nakakakaba at nakaka excite ang mag announce ng winner natin lalo na ang laking halaga ang premyo ng mananalo; ok ladies and gentlemen babasahin ko na eto I announce ko na ang result; OOOWWWW sandali lang po, yung mga judges po natin, mga sir, mga mam tama ba eto result na hawak ko?

Gabriel POV

Dios ko sana kami ang manalo para may pang pa opera si Nanay,pero matatanda na mga kalaban namin tapos ako na lang sumasagot ng 2nd at 3rd round dahil sumasakit na daw ang ulo ni Lorna at Charlene di daw nila alam ang mga sagot.

Paano ko tatalunin ang mga kuyang mga yan. Pero sigurado ako sa mga sagot ko,salamat tumutulong ako sa library marami akong nabasang mga libro at marami akong natutunan sa computer.

Prinicipal:
And Now, here's the result,Our top 3 are; the contestant coming from grade 10 woaahhhhhh clap clap clap; sigawan ang mga tao;

Next is from Grade 12

CLAP CLAP CLAP as expected definitely grade 12 will come top of the list.

sabi ng Aming principal; kinakabahan na ako, dalawa na lang kami ng grade 11,nakita ko naglulundag na sa saya yung mga teachers ng grade 11 kasama mga studyante nila.

"Gabriel, cheer up, when you grow older alam ko walang makakatalo sayo,saka matatanda ang mga yun so wag kang panghinaan ng loob ok, Para sa amin nina Mam Rhea at Mam Michelle, sa puso namin, panalo na kayo."
pang aalo sa akin ni Mam Bea sa akin

"Yeah Gabriel, kung sa elementary lang ang labanan am sure kahit yung grade 6 tatalunin natin right Charlene?" sabi naman ni Lorna.

"Of Course, Saka ang hirap naman talaga ng tanong hindi kaya ng powers ko mga yun, baka kahit si mama di masagot yung mga tanong eh hehehehe ang hirap".
Si Charlene; kaya mas lalo ako nanlumo.

sayang kailangan ko pa naman ng pera para sa operasyon ni Nanay, nahihiya nako sabihin sa mga kaibigan ko binigay na nila lahat ng allowance nila, pati sina mam pambayad na nila sa apartment nila yun binigay nila sa hospital.

Principal:
And the Next who qualified for the final round is coming from………..
I never expect this, not at all that's why I asked the judges earlier but our final contestant is coming from grade 2.
Grade 2 really got 58 points along with grade 10 and grade 12

************************beep108***************

Parang nabingi at napipi ang lahat ng tao pagka announce ng Principal ang resulta. Naka tulala ang tatlong guro kaibigan ng mga bata at di makapagsalita. Dina narinig ni Gabriel ang announcement dahil sa kanyang panlulumo iniisip kung paano siya magkakapera para sa operasyon ng Mahal na Ina.

Gabriel, Gabriel Hahahaha Gabriel
Natutuwang niyakap ni Mam Rhea ang bata;

Gabriel, you made it, pasok kayo Hahahahaha pasok kayo sa final round.
napapaiyak sa tuwa wika si Mam Rhea at nakita ni Gabriel na naglulundag sina Charlene,Lorna,Mam Bea at Mam Michelle.

Gerzon:
Grade 2, where are you guys? Please come on stage; lets give a shout and a loud round of applause to our grade 2 Pupils, together we shout;

WOAAHHHHH; WOOOAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH

Malakas na sigawan kasunod na palakpakan ng tao

Woaaaahhhhh We Love you Gabriel, you really a genius or more than a genius woaaahhhhhhh

Yeeeyyyy Gabriel, I know you can do it woaahhhh, ang galling galling mooooooo;

BLAG BLAG BLAG BLAG WOAAHHHHH Gabriel, you are always be the pride of grade 2, we are glad we came to the same class, Hoorraayyyyyyy, Panalo ka na para sa amin woaahh

Gabriel, ang galling moooooo, marami na kaming na I inlove sayo,ang galling mo pang kumanta; pansinin mo naman kami Crush yeyyyyeeyyyy

Nakakabinging sigawan ng mga taong nanonood, lahat halos di makapaniwala sa pagpasok sa finals ang grupo ni Gabriel.Kahit ang mga judges ay di mapigilan tumayo at pumaplakpak sa tuwa ganun din ang anonymous donors na nanonood sa patinpalak sa di kalayuan.

Mam Ai:
OK guys let us all calm down please; we will now proceed to the final Questions for the Top 3;
may I call your team representative to come over please and please introduce and say something about yourself.

I am Ken Liverous from grade 12, I took my junior high in California states High school; I love to play basketball and hang out with friends, I do not have favorite subject for I excel to all, thank you

From Grade 10, I'm Caroline Bana, the only daughter or Judge Walter Bana and Doctor Rosely Bana; I love reading political laws and I excel in the field of medicine; I am going to buy the new Iphone edition iphone20 after winning this competition, thank you

Gabriel Dela Cruz from grade 2; I love to read, I wanted to read and read and read, thank you.

Gerzon:
HMM Gabriel, please tell us more, about your plans, what do you want and how do you survive, we know you are here in exclusive school because of your scholarship, so do ou coping up?

Gabriel:
I wanted the next generation to depend on me, I wanted every corner of the world use my signatures, I want to control the business world, I wanted to show to all mankind that humanity and Love are more important than Golds and Diamonds, I wanted to put bread in every table; I do not want sick people die without treatments, I do not want to see or hear people who are suffering and last, I do not want injustices.

Mam Ai:
Woahh What a dream kiddo, just a dream lang naman libre ang mangarap;

so now we proceed to the final round; we are giving you notepad where you can write your answer;we are giving you 5 seconds to write your answer and when the time is up, please raise your answer and show to everybody

1st question:General information; What is the first and most dangerous computer virus created and by whom?

Grade 12, grade 10 and grade 2 answers (I love you virus created by Mr. Onel De Guzman)

Gerzon:
So everybody got the correct answers;
Di na ako magtataka kung bakit sila ang pumasok sa final round.

Mam Ai:
Oo nga sir Gerzon, nakakabilib ang utak ng ating mga contestants pero mas humahanga ako ngayon sa kalahok natin galing sa grade 2,
ok we proceed for the next question, remember guys, this is a best of 3 so anyone who got the first 2 scores will be the winner

Question #2: Science;What is the first law of conservation of energy?

Grade 12,grade,10,grade 2 answers: Energy cannot be created or destroyed in an isolated system

Gerzon:
Ang gagaling ng mga contestants natin, saludo ako sa inyo, aminado ako kahit ako diko alam ang sagot ng tanong, ikaw Mam AI, Ano sa palagay mo sa sagot nila?

Mam Ai:
Sir Gerzon, kung ako lang ay diko rin alam,pero ang sagot ay nandito; Energy cannot be created or destroyed in an isolated system.

CLAP CLAP CLAP, Woaahhh ang tindi ang gagaling ng mga batang eto, tama lahat sila

Gerzon:
Naku Mam AI, Aabutin tayo ng maghapon ditto, wala ng mananalo lahat alam ang sagot; Gabriel baka naman may nagbubulong sayo ng sagot diyan o baka nag leak ang mga tanong kaya alam na alam ang sagot.

Sir Principal, can we request to our judges to ask the question directly, para sure po na walang aberya yung Quiz bee natin?

Ok Mam AI AND Sir Gerzon, our Judges agrees; let us pick numbers and the number picked will ask the question.

Mam Ai:
We continue, Judge Number 6; judge number 4 and judge number 9; please prepare your question and ask our finalist); take note guys; the team who get more correct answers will be the winner

Judge#6:
here is my question; If you are going home from dubai to Philippines,having a travel time of 9 hours,What time you arrive in MIA Terminal 2 if you left dubai at 5am?

Gerzon:
Ok mam Ai,pa assist po,paki kuha po yung mga sagot nila, thank you po

Judge # 4:
What is the name of the largest desert in the world and where to find?

Judge # 9:
my Question is; How far is the shortest distance between two points

Rolly POV

Maagang gumising ang anak ko para pumasok sa eskwela nila, buti diyan lang sa may papasok ditto ang school nila kaya di na siya mapapagod maglakad, halos dina natulog si Gabriel sa kababasa, gusto daw niyang manalo para makuha yung premyo pero makakalaban niya din mga senior high school.
Dios ko, gabayan mo ang anak namin,kayo na po bahala sa kanya,sana po manalo sila.

napansin ko nagising ang aking asawa.
"Geny ko good morning muaahhhh ang ganda ganda ng asawa ko ah kahit dipa nakakapag hilamos, kumusta na ang pakiramdam mo asawa ko?

"Medyo ok naman ako, nakapag pahinga kasi ako ng mahaba at maayos, ang bait ng mga kaibigan ng anak natin; ngayon pala yung Quiz Bee pinaghahandaan ni Gabriel, sana manalo sila".

"OO Nga, dinadasal ko lang kanina Geny ko, kaso makakalaban din nila ang grade 12, pero kahit ganun pa man,isang malaking karangalan nan a mapasali si Gabriel sa quiz bee na yun.

"Rolly, Paano ang operasyon ko? Kung ako lang ang masusunod, hayaan na lang natin, masaya ako kayo naging pamilya ko".

"Geny ko, alam ko gagawa ng paraan ang Panginoon, kahapon lang ayaw tayong papasukin pero kahapon din nandito na tayo sa private room pa na eto, Dios na ang bahala sa atin."
sabay ngiti ko sa asawa ko, pero sa totoo lang diko alam saan ko kukunin ang malaking halaga para sa operasyon

*********

Gerzon:
Ok ladies ang gentlemen, let us all check the answers of our 3 remaining finalist, from judge # 9, the shortest distance between two points is a STRAIGHT LINE, grade 10 got the correct answer, grade 12 is correct also and grade 2 answer straight line;

Mam Ai:
woaahh Sir Gerzon, nakakapagod din pala maging host no, maghapon na tayo ditto walang nananalo, but I ready admires our grade 2 student. Gabriel, Your parents are very proud of you.

Gerzon:
Oo nga Mam Ai,okay; we may call on the parents of our Finalist representatives please, we wanted to acknowledge you po; give them a loud CLAPS to the parents of Mr. Ken Liberous;

congratulations Mr & Mrs Liberous;
We call the parents of Miss Coroline Bana; Congratulations Mr & Mrs Bana; Thank you Mam,Sir

and please we may call on the parents of our little genius Mr Gabriel Dela Cruz; Mr & Mrs Dela Cruz, nasaan po kayo?

Ay bat ganun, bakit wala sila diba nila sinusupurtahan ang anak nila, ang talino ng anak nila bakit wala sila ditto.

Nakayuko lang si Gabriel at di makapag salita, biglang nalala niya ang kanyang mga magulang na nasa hospital, na kailangan maoperahan ang nanay niya sa lalong madaling panahon; kaya naisip niya, kailangan siya ang manalo para makuha ang premyo.

Tumakbo sina Mam Rhea, Mam Bea,Mam Michelle kasama sina Charlene at Lorna at niyakap si Gabriel.

Mam Rhea:
"Sir Gerzon please, please proceed, they are not coming so please continue"

Okay, from judge # 4; The largest desert in the world is the ANTARCTIC DESERT and obviously found in ANTARCTICA
Mam AI; Paano niyan lahat sila tama ang sagot hahahahaha

Mam Ai:
Oo Nga Sir Gerzon, ang haba na ng oras na Nagugol natin, pero Malamang meron ng mananalo sa susunod na tanong, nakikita ko na magkakaiba ang sagot nila kaya kung sino ang makakakuha ng tamang sagot ay siyang mananalo.

Gerzon:
Tama ka Mam AI, pero kung lahat sila ay mali, magkakaron ng panibagong tanong hanggang may manalo; So we Proceed ladies and gentlemen, eto na ang huhusga kung sino ang makakakuha ng tamang sagot ay siyang mananalo, Ang Tanong;

If you are going home from dubai to Philippines, having a travel time of 9 hours,What time you arrive in MIA Terminal 2 if you left dubai at 5am?

Mam AI, ano eto tanong na eto?Mathematics ba eto?Science o General information? Nakakaloka diko alam promise

Mam Ai:
Sir Gerzon, sa palagay ko ay mathematics kasi may mga numbers and time ang kinu-compute; ok lets review our contestants answers, can we ask the contestant to explain their answer; from Grade 10 Miss Bana

Caroline:
Ok, My answer is 14 hours;because the it just like 5+9 = 14 hours

Mam Ai:
Thank you Miss Bana; can we ask the board of judges. Sir, can we accept our contestant answer? kids may not understand what time is 14 hours?

Oh I'm sorry Miss Bana, our judges may accept your answer if you have written 1400 hrs, but we do not have a time 14hours, what our judge ask is What time so 14 hours is not a time.

Gerzon:
We are sorry Miss Bana, don't worry, if grade 12 and grade 2 will not get the correct answer,then another tie breaker question will be given ok, Lets proceed Miss AI; We call the Grade 12; please come forward Mr. Liberous

Ken:
Okay Mam,Sir my answer is 2pm since the travel time is 9 hours ; it is pretty obvious when you leave dubai at 5am,plus 7hours travel will give us 12pm, and we add remaining 2 hours travel will give us 2pm, so when you leave dubai at 5am, with 9hours travel time, you will arrive here by 2PM thank you

WOAAHH WOAAHH BLAG BLAG BLAG CLAP CLAP CLAP ang galing galing mo talaga Ken idol

maingay na sigawan, palakpakan ng mga sumusuporta sa grade 12

OK, very nice and clear explanation Mr. Liberous; but I wanted to check and hear also Mr. Gabriel from grade 2 answer, how about you Miss AI

Mam Ai:
Ok Sir Gerzon, our judges also wanted the same, tingnan mo naka thunbs up lahat sila at nakangiti at may pumapalakpak pa, mukhang may mananalo na; Ok Gabriel please explain your answer

Gabriel:
Okay, My answer is 6PM
sabay ngiting tumingin sa kanyang mga kaibigan, halata ang kanilang pagtataka sa sagot ni Gabriel na 6PM

"BOOOO BOOOO WALA YAN, alas singko ng umaga ang alis tapos siyam na oras lang ang byahe, paano aabot ng alas sais ang dating BoooBooooo."
biglang sigaw ng isang miron.

Mam Ai:
Ok Gabriel, please explain, kahit ako nalilito din katulad ni Sir Gerzon, siyam na oras nga lang naman ang byahe paano ang dating eh 6PM, bakit my traffic ba sa himpapawid tulad ng EDSA, kaloka hahahaha)

Gabriel:
Ok, I got my answer 6PM po kasi when you count the 9 hours travel starting from 5am, that will give you 2pm as counted 9 hours travel,but we need to consider po yung time zone; Philippines is 4 hours ahead from Dubai, so kapag 5am po nila sa dubai eh 9am na po ditto sa Pinas,kaya kung 9hours ang byahe, 9am plus 9 hours: we will get 6PM po

Gerzon:
Ay ganun ba, naku bakit nagtatawanan yung mga judges natin, Ano sa palagay niyo guys, bakit wala ng nag iingay Helloooooo; may I call our board of judges sir Justine Lic

Justine Lic:
Hello ladies ang gentlemen, we are very happy that we are part of this 50th Founding Anniversary especially to the 1st Bietbien Quiz Bee competition; we do admires all the participants dahil subrang gagaling nila, I wanted to congratulates the proud parents of our participants; saludo po kami sa inyong mga magulang.

Kanina lang yung sampung kasama ko ay nag ambag ng tig 7000 pesos at dinagdagan ko na rin ng 10 000 pesos totaling to 80K pesos Cash para lang po sa nakasagot ng tatlong sadyang mahirap na tanong galing sa mga judges, natutuwa kami at sadyang namangha sa katalinuhan ng ating winner sa 1st Bietbien Quiz Bee

The winner really deserves the cash Prize and the school must be proud for having a Gifted student, an extra ordinary student and I am very proud to announce the 1st Bietbien QUIZ BEE CHAMPION;

THE FISRT BIETBIEN QUIZ BEE CHAMPION IS, THE MIGHTHY GENIUS COMING FROM………..CONGRATULATIONS TO ALL PARTICIPANTS AND THANK YOU GUYS FOR WATCHING AND SUPPORTING OUR DEAR STUDENTS,THANK YOU FOR THEIR ADVISERS AND COACHES

THE FIRST BIETBIEN QUIZ BEE CHAMPION WHO WILL RECEIVE A TOTAL OF 230 000 PESOS IS COMING FROM GRADE TWO, OUR LITTLE GIFTED CHILD;

GABRIEL DELA CRUZ, He will get 80 000 pesos and the team will get 150 000 pesos, CONGRATULATIONS GRADE 2

Gabriel POV

Masayang masaya ako noong Makita ko ang mga sagot nila sa pangatlong tanong, alam na alam ko mali ang sagot ng mga kalaban namin kaya Agad akong nagpasalamat sa Panginoon, Mas lalo akong natuwa at nabigla noong sabihin magbibigay sila ng 80 000 pesos para sa nakasagot ng tatlong tamang sagot.

(AHHH Thank you God, sinagot mo agad ang dasal naming mag anak) pasasalamat ko sa panginoon)

THE FIRST BIETBIEN QUIZ BEE CHAMPION WHO WILL RECEIVE A TOTAL OF 180 000 PESOS IS COMING FROM GRADE TWO, OUR LITTLE GENIUS Gabriel Dela Cruz will get 80 000 pesos and the team will get 150 000 pesos, CONGRATULATIONS GRADE 2

Nakakabinging anunsiyo ng Board of Judges, alam ko na kami ang nanalo dahil sa mga sagot nila pero hindi ako maka pag react o makagalaw ng I announce na ang aming pagka panalo. Naramdaman ko na lang na binuhat ako nina Mam Rhea at Mam Bea

HAHAHAHA HAHAHAHA

Masayang halakhak ng aking mga kaibigan guro pati si Lorna at Charlene, tumatawa lahat sila umaagos ang mga luha. Patak ng luha puno ng kagalakan at walang bahid kalungkutan

Pagbaba nila sa akin, dun pa lang ako nakapag react. Napaluhod ako at nagpasalamat muli sa Panginoon Dios, isa itong himala tanging ang Panginoon ang May gawa para sa amin, diko na pinigilan pang bumuhos ang maraming luha ng kasiyahan.

Nanay,Nanay maipapagamot na kita

Umakyat ako sa stage saka ko tinanggap ang Cash prize para sa akin tapos ibinigay ko kay Lorna yung 150 000 pesos.

Binigyan nila ako ng pagkakataon para magsalita sa emtablado kaya pinasalamatan ko ang Panginoon, yung mga judges,yung anonymous sponsors at ang paaralan na nagbigay sa akin ng opportunity, taos puso ako nagpasalamat sa mga guro ko lalo na ang aking natatanging limang mga Kaibigan.

Mam Rhea, Mam Bea, Mam Michelle,Lorna and Charlene, maraming salamat sa tulong niyo, hindi mangyayaring mananalo tayo kung wala kayo; please excuse me po, Kailangan po ma operahan si Nanay Ngayon na bago pa po mahuli ang lahat

pasasalamat ko at paalam sa mga kaibigan saka ako nag mabilis na tumakbo papunta hospital, buti mahigit limang daan metro lang ang layo nito mula sa school namin.

TATAY, NANAY HAH HAH HAH

hingal ko pagpasok sa kuarto kung nasaan si Nanay

"Bakit Anak anong nangyayari sayo, lika ditto punasan mo ang pawis mo malamig pa naman ditto". tawag sa akin ni TATAY

"Gabriel, ANAK may problema ba bakit para kang binuhusan ng suka sa kamamadali mo." si Nanay

TATAY,NANAY, NANALO PO KAMI, NANAY, MAIPAPAGAMOT NA KITA HUHUHU

Masayang balita ko sa aking mga magulang kaya nag iyakan kami sa subrang tuwa.

*****************beep108*************
Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa sa mga stories ko.
honestly mas nahihirapan po ako sumulat ng ganito klase kwento dahil nadadala ako
sa kwento.

eto pong Destiny ang story ng pagkabata ni Sean:
Pwede naman na pong buuin ang kwento at pagdugtungin ang Destiny at Sean.
Gusto ko tapusin ang story na ito pero alam kong walang may interest ng ganito kwento dito dahil Erotic or sex stories po ang pinupuntahan ng mga tao dito sa FSS. sa Chapter 20 ng Sean: the specialist, putol po talaga dahil etong destiny ang karugtong pagka uwi ni Lorna

Maraming salamat po and Stay Safe po sa ating lahat. God bless us