1. Home
  2. Stories
  3. Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan [2] - Chapter 25 - Redemption
Filipino Sex Stories

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan [2] - Chapter 25 - Redemption

By van_themaster ·

Chapter 25

Isang pilit na ngiti ang nasa labi ni Mika ng magtama ang kanilang paningin ni Dan ng pumasok na ang binata sa loob ng bar. Dahil narito pang kasama nila ang kanilang manager at ang dahilan na iyon ang nagbibigay sa kanya ng isang pangamba.

Natatakot ang dalaga sa isiping sa gabing ito malalaman ni Dan ang lihim na itinatago niya. Na ang nasimulan nila ni Sir Arman sa motel ay hindi ganap na natapos kung hindi nagpatuloy at nasundan pa ng ilang ulit na pagkikita. At ngayon ay huli na para maitakas pa niya ang sarili sa suliraning haharapin niya sa pagitan nina Sir Arman at Dan.

Dahil nagbigay siya ng pangako sa dalawang lalakeng kapwa niya ninanais na maging kanya sa kabila ng katotohanan na isa lamang ang dapat na piliin niya.

Kay Dan na sinabi niyang hindi na niya muli pang hahayaan ang sarili na matukso sa iba.

"Mahal kita Dan, pero babae lang ako na mahina at may mga pangangailangan din na hindi mo kayang ibigay."

Kay Sir Arman na ngayong tinupad na nito ang sinabi nito sa kanya ay dapat din naman niyang tuparin ang pangakong binitawan niya dito.

"Hiwalay na sila Mika, maaaring mamaya o bukas ay narito na si Sir Arman. Nagbitaw ka ng salita, kaya panindigan mo, yun naman ang gusto mo diba!"

Nais sanang puntahan na agad ni Dan si Arcelle na alam niyang sabik na naghihintay sa kanya. Ngunit may kakaiba siyang nararamdaman sa nag-aalangang ekspresyon sa magandang mukha ni Mika. Nakangiti sa kanya si Mika ngunit parang wala doon ang sigla at tunay nitong saya. Kahapon pa niya napapansin ang parang pagbabago sa dalaga, na parang may nag-iba kay Mika.

Napahawak naman si Mika sa kanyang bulsa kung saan naroon ang kuwintas na dala habang nakatingin sa papalapit na binata. Nais niyang sisihin ang kanyang sarili sa pagiging marupok ngunit wala na siyang magagawa. Isang pangyayaring kaya naman niyang iwasan ng una ngunit hindi nakinig ang kanyang sariling katawan.

"Mika, okay ka lang ba?" ang tanong ni Dan habang nakatingin sa mga mata ng kaharap.

"Okay lang ako Dan." ang tugon naman ng dalaga na may kasamang tipid na ngiti habang hindi din inalis ang paningin sa kaharap.

"Kahapon ko pa kasi napapansin na parang may gumugulo sayo. Kung tungkol pa din ba yan kay Arman, andito lang kami ni Alex . Wala ka ng dapat na ikatakot o ipag-alala pa."

Hindi naman agad nakasagot ang dalaga. Dahil si Sir Arman ang dahilan ng suliraning gumugulo sa kanya. Lalo siyang nakaramdam ng takot, dahil sa gabing ito ay maaaring muling magharap ang dalawa. At maiipit siya sa sitwasyong kailangan niyang pumili ng isa upang makasama ngayong gabi sa ibabaw ng kama.

"Mika, sinabi ko na sayo dati. Kung may problema ka, kung may gumugulo sayo. Gusto kong magsabi ka, dahil hindi ka na iba sa akin. Parte ka na din ng buhay ko Mika, hindi na iyon magbabago kahit na anong mangyari. Gusto kong ako Mika ang unang naroon sa bawat sandaling kailangan mo ng kasama upang damayan at tulungan ka." ang banayad na sabi ni Dan.

Kiming ngumiti naman si Mika, kaysarap sa kanyang pandinig ang mga binitawang salita ng binata. Na kahit nangako na siyang hindi na muli pang maghahangad ng higit sa kayang ibigay sa kanya ni Dan ay naritong umaasam na naman ang kanyang puso ng isang bukas kung saan silang dalawa ang magkasama. Kayhirap talaga para sa kanya ang pag-ibig na pinapangarap niya.

"Salamat Dan, alam ko naman."

Naipangako na ni Dan ang susunod na araw at gabi kay Angela. Ngunit nakikita niyang kailangan din naman siya ni Mika.

"Gusto mo bang ako ang maghatid sayo mamaya Mika?"

Hindi agad nakasagot si Mika kahit na ang sinabi ni Dan ay pinanabikan din naman niya. Dahil maaaring mamaya ay darating din si Sir Arman dahil sa napag-usapan nilang dalawa.

Napatingin si Mika sa customer na palapit sa kaha.

"M-may palapit ng customer Dan, m-mamaya na lang ulit…" ang malungkot na sabi ng dalaga habang nakatingin sa binata.

Saglit na natigilan naman si Dan ngunit hindi na din hinintay pa ang sagot ni Mika.

"Sige Mika, palit na din muna ako at dadaan pa ako kay Mam. Mamaya na lang."

Minsan pang tiningnan ni Dan ang dalagang nakatingin lang sa kanya. At saka siya pumihit na patalikod at nagsimulang humakbang palayo.

Naiwang nakatingin lang si Mika sa paglayo ni Dan habang ang kaba ay lalong lumago sa kanyang dibdib. Papunta na ito kay Mam Arcelle, magsabi man ang kanilang manager kay Dan o hindi ng tungkol sa inamin niya kanina ay alam niyang darating din si Sir Arman anumang sandali upang bigyang katuparan ang matagal na nitong ninanais mula sa kanya. Gaya ng sabi ni Mam Arcelle ay malalaman din ni Dan ang katotohanan gaano man niya iyon pilit na pagtakpan.

"Mahal na mahal kita Dan, mawala man ako sayo…, hindi na yan magbabago."

Pagkatapos mag-usap nina Dan at Mika ay naglakad naman si Alex sa may direksyon ng Locker Room at doon hinintay ang kaibigan.

"Dan, usap muna tayo ng mabilis." ang seryosong sabi ni Alex at saka niya binuksan ang pinto at magkasabay na silang gumawi sa may direksyon ng Locker Room.

"Parang mabigat yan Alex ah…" ang sabi ni Dan habang naghuhubad ng kanyang damit.

"Tungkol kay Mika, ewan ko ba, parang kasing may kakaiba eh."

"Paano mo nasabi?" si Dan na ngayon ay isinusuot ang kanyang uniforme.

"Kagabi kasi, diba dapat ihahatid ko siya muna sa tinitirhan nila. Pero hindi na siya nagpahatid, kaya na daw niya. Kailan lang kasi yung nangyari sa kanila ng gagong si Arman. Kaya nagtataka ako na para bang hindi na siya natatakot na umuwing mag-isa."

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Dan habang tinatapos na isara ang mga butones ng kanyang suot na uniforme. Dahil ang nalaman niya mula kay Alex ay lalong nakadagdag sa kanyang isipin. Talagang may nagbago kay Mika, pagbabagong nagbibigay sa kanya ngayon ng isang masamang hinala.

"Ako ng bahala dito Alex, kakausapin ko si Mika tungkol sa sinabi mo."

Isinara ni Dan ang kanyang locker at tipid na ngumiti sa kaibigan.

"Daan muna ako kay Mam, obligasyon muna. Balik ka na sa loob, sunod na lang ako."

Napailing na lang si Alex habang nakangiti sa kaibigan.

"Pagkatapos mo kay Mam…, yung kay Mika naman mamaya."

"Makakaasa ka Alex, may punto ka naman eh. Kaya kakausapin ko ulit siya mamaya."

"Sige na Dan, balik na ako sa loob.." ang paalam na ni Alex. Hindi na lang niya sinabi kay Dan ang hinalang nasa kanyang isipan. Mali iyon para sa kanya dahil kilala din naman niya si Mika. Hindi siya naniniwalang magagawa iyon ng dalaga lalo't alam niya kung gaano nito kamahal si Dan.

Muling napabuntunghinga si Dan, dahil alam niya ang totoong nangyari kina Mika at Arman ng gabing iyon. May namagitan sa dalawa dahil nagpatangay si Mika sa kapusukan ni Arman.

At ngayong alam na ni Arman ang relasyon niya kay Arcelle ay maaari iyong gamitin nito laban sa kanya. Dapat niyang unahan si Arman upang sa kanya malaman ni Mika ang totoo.

Ngayong gabi, dapat ng matapos ang mga alalahanin niya kay Mika. Palalayain na niya ang katotohanan at naniniwala siyang matatanggap ito ni Mika. Nais din naman niyang maalis ang masamang hinala na bumabagag sa kanya na patungkol sa dalaga.

("tok" "tok")

Napatingin si Arcelle sa direksyon ng pinto at saka siya ngumiti. Tumango sa binatang nakatingin sa kanya na agad din namang pumasok sa loob ng kanyang opisina.

Itinigil ni Arcelle ang kanyang ginagawa sa lamesa at hinintay ang paglapit sa kanya ni Dan.

Isang huling sulyap ang ginawa ni Dan sa kanyang likuran upang tiyakin na walang makakakita sa kanila mula sa kwadradong salamin sa may pinto. Hinawakan ang sandalan ng upuan ni Arcelle at saka niya ibinaba ang kanyang mukha upang salubungin ang nakaawang na labi ng kanilang manager.

Pagkatapos lasapin ang labi ng binata ay muling ngumiti si Arcelle.

"I really can't get enough of it." ang sabi ni Arcelle na marahang hinaplos ang labi ni Dan na ngayon ay may marka ng pulang lipstick mula sa kanya.

Sapat na ang narinig upang muling paghinagin ni Dan ang kanilang kapwa mainit na labi. At ng maghiwalay ay mainit ang paghingang nakatitig lang sila sa isa't-isa.

"Dan, after ng finals ninyo this sem. You must give me that many nights na sinabi mo sa akin."

"Wala na kaming klase Arcelle pagkatapos ng dalawang Linggo. Kaya siguradong makakapaglaan ako ng mga gabi sayo."

"Kapag akong kasama mo Dan, I'll take very good care of you. I'll do everything . Wala kang ibang gagawin…, just this one thing lang. Let me always feel kung bakit napakasarap maging isang babae sa piling mo. Just that, okay?"

Napangiti naman si Dan. "Okay Arcelle, makakaasa ka, basta dapat matikman ko muna yung iba mo pang masasarap na luto."

"With pleasure." ang masayang sagot naman ni Arcelle. Kaya pa naman niyang magtiis hanggang sa dumating ang mga gabing kanya na naman si Dan.

"Balik na ako sa bar. Friday ngayon." si Dan na nakatayo pa din sa tabi ni Arcelle habang nagpapahid ng kanyang labi gamit ang tissue mula sa lamesa.

Saglit na nag-isip muna si Arcelle habang nakatingin sa binata.

"But I think we're not done yet, so have a seat."

Sinunod naman iyon ni Dan at naupo sa may harap ng lamesa.

"Something serious?" si Dan.

"Not to me, pero I'm not sure pagdating sayo."

"Lalo akong na-curious ngayon, sabihin mo na Arcelle?"

"Hm, you're supposed to tell me everything na hindi ko alam tungkol sa nangyari kay Mika ng gabing umalis siya sa bar, dahil somehow involved ako dito. Yun ang sinabi mo sa akin kahapon."

Si Dan naman ang natigilan at mabilis na bumalik sa kanyang alaala ang pag-uusap nila ni Arcelle sa loob ng opisinang ito.

"Pasensya ka na Arcelle, hindi ko na nasabi sayo. Nawala na din sa isip ko dahil sa nangyari kagabi."

Kiming ngumiti naman si Arcelle, alam na din naman niya ang totoo. Nais lang niyang marinig ang panig ni Dan tungkol sa mga sinabi sa kanya ni Mika.

"Like I said, it's not big deal to me Dan." Sumandal si Arcelle sa kanyang upuan. "But I do want to hear it now, from you…, everything."

Tiningnan ni Dan sa mga mata si Arcelle. Ngayong hiwalay na ang mag-asawa ay may pakiramdam siyang hindi na malaki ang epekto nito kay Arcelle. Ang inaalala lamang niya ay ang magiging kapakanan ni Mika.

"Hindi ko alam kung ano ang mararamdamam mo tungkol dito Arcelle, pero dapat mong malaman ang talagang nangyari ng gabing iyon."

"Don't worry about me Dan, go on."

"Nang gabing umalis si Mika sa bar…, si Arman ang kasama niya. Pinilit lang siya ni Arman, walang nagawa si Mika dahil sa takot. Alam namin ni Alex ang sitwasyon ni Mika, kaya kami pilit naming hinanap silang dalawa. Hindi ko alam kung tinulungan kami ng pagkakataon, dahil sa labas na ng isang hotel namin nakita si Mika, kasunod si Arman. Yan ang nangyari ng gabing iyon."

"Is that all you wanted to say?" si Arcelle na nilalaro sa lamesa ang hawak niyang panulat.

Marahang tumango naman si Dan. Hindi na niya nais pang sabihin ang saglit na pagkadarang ni Mika kay Arman.

Huminga ng malalim si Arcelle, at saka seryosong tiningnan ang kaharap na binata.

"Dan…, nandito kanina si Mika, she already told me everything. Even the part na itinatago mo sa akin tungkol sa inyong dalawa."

Ngayon ay nakatingin din si Dan sa mga mata ni Arcelle, habang nasa kanyang isipan na alam na ni Arcelle ang relasyon nila ni Mika.

"Okay, I'm sorry, kami ni Mika ang may relationship talaga."

"That's very clear to me now. Alex is just a prop."

"Ginamit lang namin si Alex dahil sa sitwasyon ni Mika kay Arman. Pero aware ka naman na hindi ka nag-iisa diba. May problema ba tayo pagdating sa bagay na ito Arcelle?"

Napailing naman si Arcelle, hindi naman iyon mahalaga sa kanya lalo't may pakiramdam siyang malapit ng malayo kay Dan ang kahati niya.

"Like I said, I don't have a problem with it. Just want to ask this. So siya ba Dan, si Mika ba ang babaeng pinapangarap mo? Because something tells me na that girl is not Mika."

Hindi naman sumagot si Dan, ayaw niyang magsalita ng tungkol sa dalagang siyang pinakamamahal niya. Sapat ng mabatid ni Arcelle na hindi sila ni Mika ang babaeng pangarap niyang makasama.

"So does it mean na katulad ko lang din si Mika?" ang mapaklang tanong ni Arcelle.

Dahil sa nakitang pananahimik ni Dan ay hindi na din nagpilit pa si Arcelle. Sapat na iyon upang mabatid niya na hindi si Mika ang tinutukoy ni Dan. Kung hindi isang babaeng ngayon ay nais niyang makilala. Gusto niyang makaharap kung sino man ang tunay na nagmamay-ari sa pag-ibig ng binata.

"Arcelle, mas mabuti sigurong bumalik na ako sa loob. Nasabi ko na din naman sayo ang pangyayaring alam mo na naman pala." ang malumanay na sabi ni Dan, dahil kung magpapatuloy pa ang pag-uusap nila ay alam niyang si Arcelle lang din ang makakaramdam ng hindi maganda.

Tumayo na si Dan at bahagyang ngumiti kay Arcelle.

"Sa bar na muna ako." at saka tumalikod si Dan at gumawi na sa may pinto.

"Dan, alam mo ba kung ano ang inililihim sayo ni Mika?" ang tanong ni Arcelle sa nakatalikod na binata. Kahit hindi si Mika ang babaeng tinutukoy ni Dan ay kahati pa din niya ito. Mas kaunti ang karibal niya ay mas mabuti para sa kanya.

Dahil sa kanyang narinig ay napatigil si Dan sa paglalakad at muling hinarap si Arcelle at tinitigan ito ng matiim.

Mainit ang pakiramdam ni Dan dahil sa hinalang kanina pa nasa kanyang isipan.

"Direktahin mo na ako Arcelle…"

"Nagkikita pa din sila ni Arman, Mika just admitted it to me. May relationship na din sila ni Arman. Ask Mika about it maging ang gold necklace na nakita kong suot niya na si Arman mismo ang nagbigay sa kanya."

"Gold necklace?" dito naalala ni Dan ang regalong kuwintas ni Arman kay Mika na ang alam niya naisauli na ng dalaga.

Ngayon pa lang ay nararamdaman na niya ang katotohanan ng sinabi ni Arcelle. Ito ang dahilan ng pagbabagong nakikita niya kay Mika. Ang mga alinlangan sa dalaga na kanyang napapansin ay si Arman ang dahilan.

Tumayo naman si Arcelle mula sa kanyang pagkakaupo. Kinuha ang kanyang shoulder bag at lumapit kay Dan.

"If you want to know more, si Mika mismo ang tanungin mo, okay?" at saka marahang hinalikan ni Arcelle sa pisngi ang katabing binata. "I'm going home early today. See you on Monday."

Marahang tumango na lang si Dan at magkasunod na silang lumabas.

Muling napadako ang paningin ni Mika sa may pinto papasok sa opisina ng bumukas iyon. At ang kabang namamahay sa kanyang dibdib ay lalong lumago ng makitang lumabas mula doon si Mam Arcelle na saglit lang siyang tiningnan, ngunit ang siyang dahilan ng kanyang matinding kaba ay ang tinging ibinigay sa kanya ni Dan.

"Maghanda ka na Mika, alam mo naman na mangyayari ito diba?"

Sa loob ng kanyang sasakyan ay isinandal ni Arcelle ang kanyang likuran sa may upuan pagkatapos niyang buhayin ang kanyang sasakyan.

"I'm not sorry Mika, one way or another ay alam mong malalaman din ni Dan ang totoo. Now, all you have to do is to be with Arman. Siya ang piliin mo ng matulungan ka niya, hanggang sa dumating ang araw na makahanap ulit siya ng ipapalit sayo."

*****

Nakahain sa magarang lamesa at ang iba't-ibang pagkain na sadyang ihinanda para kay Enrique. Ngunit ang kanyang mga mata ay malagkit na nakatingin sa dalagang nasa harapan niya. Ngayon pa lang ay kanya ng nararamdaman, na si Christine ang magiging pinakamasarap na putaheng kanyang matitikman.

"Is everything to your liking Mr. Galvez?" ang nakangititing tanong ni Amanda.

Ibinaling ni Enrique ang paningin sa ina ng dalaga.

"Amanda, please, just call me Enrique. Let's drop the formalities now shall we? After all, I have this feeling that this right here, is the start of the mutual warm appreciation between me and this family." ang nakangiting sagot ni Enrique.

"I'm quite confident about that Enrique, and with your support, I strongly believe that the company will surely get back where it truly belongs." si Miguel na hindi maitago ang kasiyahang nararamdaman. Dahil kasama nila ngayon sa hapag-kainan ang pag-asang akala niya ay tuluyan ng nawala sa kanila.

"I believe it will Miguel." at saka ibinalik ni Enrique ang paningin kay Christine.

"Don't you feel the same way Christine?"

Itinigil ni Christine ang pagkain at saka tiningnan ang matandang kanina pa malagkit na nakatingin sa kanya na para siyang hinuhubaran. Tipid na ngumiti si Christine, pilit na itinatago ang kanyang totoong nararamdaman para kay Enrique sa harap ng kanyang mga magulang.

"Business talks is not usually my strong point. But it is my wish to see that my father's company to do well."

"So you're not taking a business management course? For being the sole heir of your father, I'm a bit surprised." Si Enrique na hindi pa din inaalis ang paningin sa dalaga.

"Christine is in her third year of Civil Engineering course, although it's not a management course, that will be surely beneficial to her in some ways when she starts working in her father's company." ang nakangiting sabi ni Amanda na ngayon ay nakatingin din sa anak.

"Well, after she gained the experiences she needs in that field. It is my intention to slowly guide and teaches her the management sides of the company until she is ready. I will entrust it only to her, she is our daughter afterall."

Nakatingin ngayon si Christine sa ama at saka siya tipid na ngumiti. Ramdam niya ang buong tiwala nito sa kanya. Ngayon lang niya narinig na nagsalita ng ganito ang ama patungkol sa kanya at labis na saya ang ibinigay niyon sa kanyang dibdib.

"I will do my utmost best Papa to never disappoint you." Ang buong sinseridad na sabi ni Christine. Ngayon niya napagtanto ang responsibilidad na kinakaharap niya. Kailangang baguhin niya ang sarili upang maging handa sa kinabukasang nakatadhanang dumating sa kanya.

"I know you will Iha." Si Miguel na tipid na ngumiti sa anak.

Sa isipan naman ni Enrique ay naroon ang tagpong luluhod sa kanya ang pamilyang nasa kanyang harapan. Dahil ang inaasahang pag-angat ng mga ito ay hindi na kailanman matutupad. Dahil sa hindi magtatagal na panahon ay darating ang kaganapan ng kanilang plano ni Valentin. At pagkatapos niyon ay titiyakin niyang magiging kanya na si Christine.

"Miguel, Amanda, my firm offers an excellent internship. It will give Christine an early insight of different things, to broaden her horizon and see a lots different perspectives. I will be personally incharge of taking care of her duting this intership."

Pagkatapos sabihin ang mga ito ay saka muling tiningnan ni Enrique ang alam niyang natigilang dalaga.

"You'll learned a lot Christine under my care, it is the kind of opportunity na pinapangarap lang ng iba. Trust me, you'll never regret it." ang sabi ni Enrique na ngayon ay makahulugang nakatingin kay Christine.

"Hm…, I don't know what to say." si Christine na tumingin sa kanyang mga magulang.

"Just say yes Iha, Enrique is giving you a big favor kahit hindi mo naman ito requirements pa sa ngayon. He is a very successfull man, you'll surely learned a lot from him." ang sabi ni Amanda na tipid na ngumiti din sa anak.

"I believe that it will do you good Christine. I agree with your mother, just spend some time learning from Enrique. Dedicate yourself in learning how the business works during your semester break." ang pagsang-ayon din ni Miguel, dahil hindi naman lingid sa kanya na si Enrique ay tao ni Brandon na siyang ginagamit ng binata upang tulungan ang kanyang pamilya.

Isang pilit na kiming ngiti ang nasa labi ni Christine. Hindi niya maipakita ang kabang namamahay sa kanyang dibdib. Dahil sa bawat paghihinang nila ng paningin ni Enrique ay naroon ang isang pahiwatig na nais ipabatid sa kanya ng matanda.

"Can I think about it for some time, it will be our finals after the weekends, I want to solely focus my attention right now sa pagre-review."

"Don't pressure yourself about it Christine, just focus now in your upcoming exams. But my offer still stands and I fully expect you to be in my firm after this semester."

"Worry not about it Enrique, Christine is mature enough to know what's good for her future." ang nakangiting sabi ni Amanda.

Patuloy pang nag-usap ang kanyang mga magulang at si Enrique habang si Christine naman ay nawalan na ng ganang kumain at mabagal na inuubos lamang ang nasa kanyang plato. Alam niyang sinasamantala ni Enrique ang pagkakataon, simula pa ng magkasarilinan sila ay alam niyang may isang pakay ang matanda sa kanya. Ngunit ang ipinagtataka lamang niya ay bakit napakapangahas nito sa unang gabi pa lamang ng kanilang pagkikita. Na parang wala itong nararamdamang takot sa ipinaparamdam nito sa kanya.

Itinaas ni Christine ang kanyang paningin upang saglit sanang tingnan si Enrique. At muling nagtama ang kanilang mga mata.

"You can't escape your future with me Christine, no matter what you do. Sa akin ka pa din mapupunta, because you are born in this world to become my bitch Christine, that is your destiny that you can never escape."

*****

("tok" "tok)

"Angela." ang pagtawag ni Alice sa anak.

"Come in po Mom."

Binuksan ni Alice ang pinto at nabungarang naghahanda ng gamit para bukas si Angela gaya ng paalam nito sa kanila. Inilapag niya ang tray ng gatas na paboritong inumin ng anak sa gabi.

"Iha, Mom can prepare something for you to bring in Dan's place. Mayroon ka bang nasa isip na gusto mong iluto ko bukas ng umaga."

Nakangiting umiling na lang si Angela.

"Thanks po Mom, pero we already planned to have a date for the whole day. Sa hapon pa po kami pupunta sa place niya."

"So that's why you were bringing a camera with you." ang nakangiting sabi ni Alice na nakatingin sa camera malapit sa bag ni Angela.

Kinuha ni Angela mula sa sahig ang camera at hinawakan iyon ng dalawang kamay.

"I want to make a lots of memories with him Mom, yung mailalagay ko po sa isang album so that we can both look it up as the years goes by. Moments na we will treasure together, na lagi po magpapaalala sa amin kung gaano po namin ka-love ang isa't-isa. I want to spend the rest of my days with him, to grow old with him, till my last day, it is my wish po na si Dan po ang kasama ko."

At saka tiningnan ng nangingislap na mga mata ni Angela ang ina.

"Thank you Mom for giving us your support, I would have a very difficult time kung hindi po kayo naging supportive sa amin ni Dan."

Niyakap naman ni Alice ang anak at banayad na hinaplos ang mahaba at malambot nitong buhok.

"Mom, will you promise me na you'll always be there po para sa amin ni Dan. Na kahit na ano pong mangyari, you'll always support my love for him." ang pakiusap ni Angela habang nakayakap sa ina.

"It is a promise of a lifetime Iha, Mom will make sure na magiging maayos at happy ang pagsasama ninyo ni Dan."

"Thanks po Mom, I love you so much po." ang sabi ni Angela na lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang ina.

Kasabay ng pangakong iyon ni Alice ay ang sariling paninindigan. Na hindi niya kailanman bibiguin ang anak. Dahil ang pagiging maligaya ni Angela ay isang kaligayahan din naman niya.

Pagkatapos manggaling sa kwarto ng anak ay nagtungo na si Alice sa kwarto nilang mag-asawa.

Nagpupunas naman ng katawan si Anton na kalalabas lamang mula sa banyo. Nakangiting nilapitan ni Alice ang asawa at kinuha niya mula kay Anton ang hawak nitong tuwalya at siya na ang nagtuloy ng ginagawa nito.

"Tapos na bang mag-prepare ng gamit si Angela?" ang tanong ni Anton habang nakatingin sa asawang nag-aasikaso sa kanya.

Masayang gumiti naman si Alice.

"You know naman how Angela is always excited when it comes to Dan. She says na she will sleep early para full of energy siya sa maghapon nilang date bukas."

"I see, well as long as she is happy. Then I wouldn't complain about anything."

Hinarap ni Alice ang asawa at pinunasan ang matigas at mabalahibo nitong dibdib.

"Anton…" si Alice na ngayon ay nakatingin sa mukha ng asawa. "You must keep your word, never again na you will do something kay Dan or sa relationship nila."

Tipid na ngumiti naman si Anton at saka hinawakan ang kamay ni Alice na nasa kanyang dibdib.

"Never again Alice…, because if I lose you both…, then I can't go on. You and Angela are my only reasons for living. Alang-alang sa inyo ni Angela, nakahanda akong tanggapin si Dan."

"Thank you Anton."

At kusa ng naglapit ang labi nilang dalawa upang pagsaluhan ang isang masarap at mainit na halik.

"Lie down Hon…" ang malamyos na bulong ni Alice sa asawa.

Sinunod naman iyon ni Anton at humiga siya sa kama.

"Gaya ng sinabi ko sayo kaninang umaga, I'll give you a very good massage…, and much more." ang mainit na sabi ni Alice habang palapit siya sa kama.

Banayad na hinila ni Anton si Alice upang maupo ito sa gilid ng kama.

"I love you so much Alice, mula noon hanggang ngayon."

Hinaplos naman ni Alice ang makisig na mukha ni Anton.

"I love you too Anton, always."

At saka muling naglapit ang kanilang labi habang magkahawak-kamay sila. Naroon ang pag-ibig na hindi nawawalala sa kabila ng mapait na simula nilang dalawa. At ang kasunod niyon ay ang muli nilang pagsasalo sa isang mainit na magdamag.

*****

Pagkatapos likumin ang mga papel na kanina lamang ay kanilang pinag-uusapan ni Miguel ay ibinalik na iyon ni Enrique sa loob ng kanyang dalang case.

Sumandal si Enrique sa upuan at naka-dekwatrong tiningnan si Miguel habang umiinom ng alak.

"Although Brandon is in-charge, I am the one representing him in regards to everything. I have the power to influence him in any decision making for the benefit of the company."

"I do understand that Sir, Sir Brandon already explained to me in details the new setup of how I am going to manage the company." ang magalang na tugon ni Miguel.

"That's why you need to value more your daughter Miguel. It is only because of her that you still have everything you have now."

"Yes Sir, I'll never forget that."

"And one more thing Miguel, I'm serious about giving Christine the experiences she must need in order to be ready for everything. It will be beneficial for her future, especially after she becomes aware of the real situation."

"Please do so Sir Enrique, whatever you think is necessary."

"Just trust me on this Miguel, I will take care of your daughter and teach her well." ang sabi ni Enrique habang nasa kanyang isipan ang mga mainit na sandaling pagsasaluhan nila ni Christine. "And Brandon is quite specific that Christine must not learnt the truth, for now. I believed he has plan to get her back without any objection from his father, and I must see to it that he accomplish it."

"Thank you Sir, I'll leave the future of my family in your hands."

Malapad namang ngumiti si Enrique, hindi na magtatagal ay may pakiramdam siyang mangyayari na ang kanyang masarap na balak kasabay ng nais ni Valentin.

"Miguel, do you mind if I talk to your daughter alone?"

"Of course not Sir Enrique, I'll go now and send Christine here."

Marahang tumango naman si Enrique.

Tumayo na si Miguel at lumabas na ng kwarto.

("tok" "tok")

"Mr. Galvez?"

"Come in Christine."

Bumukas ang pinto at muling umalipin kay Enrique ang kakaibang damdaming kanina pa nasa kanya. Dahil nasa kanya na namang harapan ang nakakabighaning kariktan ni Christine at ngayon ay sila na lamang dalawa ang muling magkasama.

Lumapit naman si Christine sa kinaroroonan ng matanda ngunit dumistansya ng bahagya.

"Papa told me na you have something to talk with me Mr. Galvez."

Nagsalin ng alak sa isang bakanteng baso si Enrique. Kinuha niya iyon at saka naglakad ng malapit sa dalagang seryosong nakatingin sa kanya.

"You're being too formal Christine, just call me Rick, okay?" at saka niya inaabot sa dalaga ang isang baso ng alak.

Ngunit hindi iyon kinuha ni Christine, lalo't ramdam niya ang malagkit na tingin ng kaharap sa kanyang mukha at katawan.

"Are you sure you about this Christine? It is not everytime that I'm treating a lady like this." ang malamyos na sabi ni Enrique.

Napilitang abutin ni Christine ang baso habang hindi inaalis ang paningin sa kaharap na uminom sa harapan niya.

"Now, please tell me Mr. Galvez, what it is that you want to talk about?" ang may halong pagkairitang tanong ni Christine.

"I think you already know that Christine, what I really want so badly."

Matiim na tinitigan ni Christine si Enrique.

"Should I tell my parents about this?"

Ngumiti lang si Enrique.

"Be my guest, I'm not afraid of that Christine." at saka siya humakbang ng isa upang lalong mapalapit sa dalaga.

"You're a smart woman Christine, think hard on what's best for your family." at saka inilapit ni Enrique ang labi sa mukha ng dalaga.

Akmang iiwas si Christine ngunit hinawakan siya ni Enrique sa may braso.

"Don't, or you'll deeply regret it." ang madiin at may awtoridad na sabi ni Enrique.

Lumapat ang mainit na labi ni Enrique sa malambot na pisngi ni Christine.

At pagkatapos ay buong pagnanasang pinagmasdan ni Enrique ang hawak na dalaga sa napakaganda nitong mukha, sa napakalusog na dibdib hanggang sa parte ng kayamanan na nakatago sa kanyang paningin.

"I'll give your father what he want, in return, you must give me what I want."

Nakaramdam ng panliliit sa sarili si Christine. Pinalis niya ang butil ng luha na nasa kanyang mga mata. Kinalma niya ang sarili at huminga ng malalim. Wala siya sa posisyon para magmataas pa o magmamalaki.

Nagigipit siya sa sitwasyon at wala siyang matakbuhan.

"Fuck!"

"Please don't hate me for this desire Christine. It is my first time too, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang babae. You will loose nothing Christine, and instead, you'll be grateful for it." ang makahulugang sabi ni Enrique na pinunasan ng kanyang dalang mabangong panyo ang sulok ng mga mata ni Christine. At saka niya bahagyang nilaro ng dalawang daliri ang mapula at malambot na labi ng dalaga.

Hinawakan ni Christine ang kamay ni Enrique at inalis iyon mula sa pagkakahawak nito sa kanyang labi.

"How much you love and value your family is the question I'm going to leave with you."

At saka nagsimulang humakbang si Enrique habang himas ang kanyang labi gamit ang dalawang daliring nasa labi kanina ng dalaga.

"I'm going to see you again very soon Christine…, alone."

"Soon Christine, very soon."

*****

Kanina pa hindi mapalagay ang pakiramdam ni Mika, dahil simula ng bumalik si Dan sa loob ng bar ay hindi na siya nito kinausap pa. Isa lang ang dahilan na nasa isip ng dalaga. Alam na ni Dan ang totoo sa kanila ni Sir Arman.

"Mika, lampas alas nuebe na ah, hindi ka ba muna magbe-break?"

Tiningnan ni Mika ang orasan sa likuran niya at saka ibinaling ang paningin sa kapalitang si Ellaine.

"Sige Ellaine, dito ka muna, break lang muna ako."

Pumunta sa harap ng kaha si Ellaine at naglakad naman si Mika patungo sa lamesa kung saan naroong naglilinis si Dan.

"D-Dan…" ang kinakabahang pagtawag ni Mika.

Itinigil ni Dan ang kanyang ginagawa at walang ngiti sa labi na tiningnan ang katabing dalaga.

"Mauna ka na sa likod, antayin mo ako doon. Saglit na lang ako dito." ang malamig na sabi ni Dan.

"S-Sige Dan.."

Habang naglalakad papunta sa likurang parte ay natiyak ni Mika ang kanina pa nasa kanyang isipan. Alam na ni Dan ang lihim niyang relasyon kay Sir Arman.

Binuksan ni Mika ang pinto at ang malamig na hangin na sumalubong sa kanya ay hindi nagawang pawiin ang mainit niyang pakiramdam. Dahil sa lugar na ngayon ay kanyang kinatatayuan ay dalawang lalake ang yumakap sa kanya ng mahigpit habang nilalasap ang kanyang labi.

Mahigpit na hinawakan ni Dan ang seradura ng pinto. Nasa kabilang panig lang si Mika at naghihintay sa kanya. Hindi niya alam ang dapat niyang gawin sa kanilang paghaharap upang pag-usapan ang kanilang kapwa inililihim sa isa't-isa. Nagagalit siya dahil sa kanyang nalaman tungkol sa relasyon nina Arman at Mika ngunit may lihim din siyang relasyon kay Arcelle na hindi din naman nalalaman ni Mika.

Pinihit ni Dan ang seradura at binuksan ang pinto. Hindi na naghiwalay pa ang paningin nila sa isa't-isa hanggang sa makalapit si Dan kay Mika.

Malungkot na ngumiti si Mika sa binatang alam niyang ngayong ay may namamahay na galit sa dibdib para sa kanya.

"D-Dan…"

Pinagmasdan ni Dan ang dalagang parang maiiyak sa harap niya. Nais niyang haplusin ang buhok nito at ikulong sa kanyang mga bisig ngunit pinigilan niya ang sarili.

"Totoo ba Mika? Ang sa nalaman ko sa inyo ni Arman."

Marahang tumango naman si Mika, hindi na niya kailangan pang magkaila. Hindi din niya magawang sabihin na bagaman ilang ulit na nilang nalawalayan ang isa't-isa ay hindi pa din siya ganap na naaangkin ni Sir Arman. Wala din namang kaibhan dahil sa katotohanang muli na naman siyang nagkasala kay Dan.

"Bakit Mika?" ang madiin na tanong ni Dan habang nakahawak sa magkabilang balikat ng dalaga.

Napailing na lang si Mika na nagsimulang malaglagan ng mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

"H-Hindi ko alam Dan, siguro…, dahil marupok lang talaga ako. At may mga pangangailangan…" at saka siya patuloy na lumuha.

"Pangangailangan Mika? Bakit? Kulang na ba ako sayo Mika?" ang mga tanong ni Dan sa mababang tinig, hindi niya alam ngunit ngayong kaharap na niya si Mika ay hindi niya magawang magalit sa dalaga. Dahil alam niyang mas matimbang ang kanyang mga kahinaan at kasalanan kumpara sa inamin sa kanya ni Mika.

"Dan, mahal kita, mahal na mahal. Pero hindi pala ako kasing tatag ng akala ko. Nalaman ko iyon ng…, ng ipinagpatuloy ko ang relasyon ko sa kanya."

Napapikit na lang ng kanyang mga mata si Dan. Masakit din naman sa kanya ang ganap na pag-amin ni Mika.

Binitawan ni Dan ang pagkakahawak niya kay Mika.

Nais sanang itanong ni Dan kay Mika kung ilang ulit ng naibigay ng dalaga ang katawan nito kay Arman ngunit alam niyang sasaktan lamang niyang lalo ang sarili niyang damdamin.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Mika at pinalis ang mga luha nito sa mga mata. Nagkamali na naman si Mika at sinira nito ang pangako nito sa kanya. Ngunit sadyang hindi niya magawang muling magalit sa dalagang ang pagkakamali ay siya di namang ginagawa niya.

"Tahan na Mika…"

Nagtatakang napatingin lang si Mika dahil sa banayad na paghawak ni Dan sa kanya maging sa tinig nitong walang galit siyang nararamdaman.

"Mahal mo ba siya Mika?"

"H-Hindi ko alam Dan…, ang alam ko lang, kapag magkasama kaming dalawa. Parang akong nasa isang panaginip, nakakalimutan ko ang lahat."

"Nalilito na ako Dan, hindi ko na alam ang gagawin ko." at saka yumakap ng mahigpit si Mika kay Dan.

Sa sandaling ito hinaplos ni Dan ang mahabang buhok ni Mika.

"Dan…"

Nag-aalangan si Dan kung dapat ba niyang sabihin kay Mika ang totoo lalo't nasa estado si Mika ng alinlangan sa tunay nitong nararamdaman ngunit wala na siyang pagpipilian.

"Mika, may dapat ka ding malaman sa akin." at saka bahagyang inilayo ni Dan ang katawan ni Mula sa kanya.

"Sa amin ni Arcelle…"

Natigilan naman si Mika, hindi alam ang kanyang sasabihin sa narinig mula sa labi ng binata.

"May relasyon din kami ni Arcelle."

Dahil sa inamin sa kanya ngayon ni Dan ay dito nabatid ni Mika kung bakit hindi galit si Mam Arcelle sa kanya kanina. Kung bakit hindi siya nito pinigilan sa relasyon niya sa asawa nito. Dahil si Dan ang mas gustong makasama ni Arcelle ng higit kay Sir Arman.

"A-Alam ba ni Sir Arman?"

Bahagyang tumango si Dan, "Hiwalay na sila ngayon Mika, at ayaw kong malaman mo sa kanya ang tungkol sa amin ni Arcelle."

"Matagal na ba kayo ni Mam?"

"Simula ng magtrabaho ako sa bar. Lahat ng mga pabor na nakukuha ko, iyon ang dahilan Mika."

"M-Mahal mo din ba siya Dan?"

Umiling naman si Dan, "Magkaiba kayong dalawa Mika, kailangan lang namin ang isa't-isa, hanggang doon lang ang relasyon ko sa kanya."

"Wala naman akong karapatan magalit sayo Dan, dahil alam ko ang sitwasyon mo, ma-madagdag man si Mam, wala naman pagkakaiba." at saka malungkot na ngumiti si Mika, dahil sa katotohanang kanyang nalaman. Marami na silang naghihintay at umaasam sa pag-ibig ng binata.

Ngunit pagdating kay Sir Arman ay nag-iisa lamang siya. Ginawa na nito ang sinabi nito sa kanya, at ang mga kasunod ay ang pangako ng kaginhawaan at kaligayahang inaasam lang ng iba.

"Dan, kailan mo kaya matututunan?" at saka hinawakan ni Mika ang mukha ni Dan.

"Ang alin Mika?"

Marahan niyang kinabig ang binata upang matikman ang labi nitong alam niyang ang ariin ay isang pangarap na hindi niya kailanman maaabot.

Nang maghiwalay ang kanilang labi ay buong pag-ibig na tiningnan ni Mika si Dan, at sa muling pagpatak ng kanyang mga luha ay kanyang sinabi:

"Matalino ka Dan at hindi ka katulad namin ni Alex, pero bakit hindi mo ganap na nauunawaan ang isang bagay na dapat ay matagal mo ng alam." ang malungkot na sabi ni Mika.

At saka lumakad na si Mika sa may direksyon ng pinto habang nagpapahid ng mga luha sa kanyang mga mata. Nagkaroon na siya ng isang pagpapasya gaano man kahirap sa kanya. Mawala man siya kay Dan ay alam niyang hindi magkukulang sa pag-ibig ang binatang minamahal niya.

Narinig ni Dan ang pagsara ng pinto ngunit nanatili siya sa kanyang pagkakatayo. Alam naman niya ang ibig sabihin ni Mika ngunit sadyang hindi pa siya handang makawala sa masarap na kulungang ayaw niyang makalaya.

*****

Pagkatapos ni Arman sa banyo ay tiningnan niya ang orasang nasa dinding, malapit ng mag-alas dyis ng gabi. Habang nagbibihis ay napangiti siya sa harap ng salamin. Dahil na-i-book na niya sa dating hotel ang kwarto kung saan una niyang nakita ang kahubaran ni Mika. Dahil natitiyak niyang pagkatapos malaman ni Mika ang katotohanan sa relasyon nina Arcelle at Dan, maging ang paghihiwalay nilang mag-asawa ay sila na ni Mika ang magiging magkasama.

Ngayong gabi, ibabalik niyang muli si Mika sa lugar kung saan una nilang pinakawalan ang init na kanilang kapwa nararamdaman, at sa pagkakataong ito, hindi na niya hahayaang muling makatakas pa sa kanya ang ilang ulit na niyang nalawayan na batang katawan ng dalaga.

Muling bumalik sa kanya ang mainit na tagpong inabutan sa mismong kwarto nila ni Arcelle. At muli siyang nakaramdam ng galit sa kanyang dibdib.

"Hindi mo na muli pang matitikman si Mika pagkatapos ng gabing ito. Magiging akin lang si Mika at sayo na ang puta kong asawa."

Gumawi na siya sa may pinto ngunit tiningnan muna ang kama at ang kabuuan ng silid. Hindi na magtatagal ay kasama na niya si Mika sa silid na ito.

Nagtungo na siya sa may kusina at binuksan ang ref. Kumuha ng dalawang canned beer at saka lumabas na sa kanyang flat.

Pumunta siya sa kaharap na flat kung saan nakatigil naman si Edward. Hindi naman naka-lock ang pinto at diretso na siya sa may salas kung saan naroong nanonood sa tv ang kaibigan.

"Ed."

Kinuha naman ni Edward ang isang canned beer na inabot sa kanya ni Arman.

"Mukhang may laban ka mamaya ah." ang nakangising sabi ni Edward at saka binuksan ang hawak na lata ng serbesa.

Gumanti naman ngiti si Arman.

"Let's cheers to that."

"So wala na kayo ni Arcelle?"

Nawala ang ngiti sa labi ni Arman.

"We ended it Ed, last night."

"She just accepted it, just like that?" ang nagtatakang si Edward.

"May iba pang cirscumstances ang paghihiwalay namin Ed, hindi lang si Mika."

"Ah, wow! Another third party ba? Si Arcelle. Putang-ina Arman, share mo naman."

"Soon Ed, pero hindi ngayon. Pag-usapan natin sa susunod." at saka muling uminom si Arman.

"Fine, mas masarap pag-usapan yan habang may mga cold beer na kaharap. Just don't back out on me okay? Dahil eager talaga akong malaman kung ano yung circumstances na sinabi mo tungkol kay Arcelle."

Pilit na ngumiti ng tipid lang si Arman sa nakikitang excitement sa kaibigan. Talagang totoo ang noon pa niyang hinala, matagal ng libog si Edward kay Arcelle.

"Darating tayo dyan Ed." at saka inubos na ni Arman ang natitirang laman ng kanyang iniinom. "Labas na ako, Mika's waiting."

"Have fun tonight Pare, tang-ina, iniisip ko pa lang, lalabasan na ako." ang natatawang si Edward.

"Gago ka talaga, kumuha ka na lang ng babae para makaraos ka din."

"That I will do, pwede ba namang ikaw lang. Kung isinama mo lang dito si Liza, eh di malamang na nakagawa na ako ng mga milagro sa kanya."

"Loko, may asawa na yung tao."

"Who cares about that…, if the feeling is mutual."

"Una na nga ako. Sige na Ed."

"Okay, safe trip Pare."

Naiwang nakangiti sa sarili si Edward, hiwalay na ang mag-asawa at may pagkakataon na siya kay Arcelle. Pero talagang nakakabigla sa kanyang ang posibilidad na may ibang lalake din ang matagal na niyang pantasyang dating asawa ni Arman.

"Both Liza and Arcelle are there for the taking Arman. Hiwalay na kayo so just stay put at hayaan mo ako sa mga gusto kong gawin."

*****

Sa loob ng isang kilalang bar sa Maynila.

"So, did you see her?" ang tanong ni Lance pagkatapos salinan ang baso ni Brandon.

"You know that I have to."

"How is her family? From what I've heard, things are not looking good for them." at pagkasabi nito ay uminom na si Lance ng kaunti.

"They are going to be just fine Lance." si Brandon na ngumiti sa kaibigan.

At saka sila sabay na uminom.

"Tuloy na ba ang alis mo?" si Brandon.

"Yeah, hinihintay ko na lang na matapos ang semester. I need this Brandon, a fresh start. I want to get over this feeling, this emptiness inside me, I need to fill myself with something."

"Take it one step at a time Lance, it's not going to be easy and you know that. It will come eventually, yung something na hinahanap mo."

Napabuntunghininga na lang si Lance sa pag-alala kay Angela at sa mga sandaling masaya silang magkasama.

"I miss her." ang malungkot na sabi ni Lance.

"I feel the same Lance."

At saka sila kapwa napangiti ng tipid sa isa't-isa at itinuloy ang kanilang pag-inom. Sabado naman bukas at kapwa sila walang klase.

"So Lance, is it done? Yung gusto mong i-settle bago ka umalis?"

Umiling naman si Lance.

"Not yet, but I'm going to settle it soon. Ayaw kong umalis na hindi ko iyon nagagawa, I owe that to myself."

"Goodluck with that."

Ngumiti lang si Lance at inubos na ang laman ng kanyang baso.

"Sa comfort room lang ako." ang paalam ni Lance.

Tumango lang si Brandon at muling sinalinan ang baso ng kaibigan na nagtungo na sa banyo.

Mula naman sa kanyang pagkakaupo ay tumayo si Vivian at lumapit sa lamesa nina Brandon.

"Still angry with me Brandon?" ang malambing na tanong ni Vivian.

Tiningnan naman ni Brandon ang dalagang nakatayo sa harap niya.

"Is stalking you're new hobby now?" ang nang-uuyam na tanong ni Brandon.

Napa-giggle naman si Vivian.

"I'm here with a friend too."

"Whatever Vivian, just leave me alone."

"Okay fine, but before that, how's Christine? Is she doing well?"

"She is not part of your concern now Vivian." ang malamig na sabi ni Brandon habang matalim na nakatingin sa nakangiting dalaga.

"I'm preparing a very nice gift for you Brandon, and I'm sure you'll love it."

"Please Vivian, I don't care about any of that. Just leave me alone before I lose my temper here." ramdam sa tinig ni Brandon ang galit na nasa kanyang dibdib.

"Fine Love. But I do miss that temper of yours…, when we are together in bed." ang mahinang sabi ni Vivian saka ito lumakad na palayo sa binata.

"Just wait for it Brandon, because my gift for you is something to behold." at saka siya muling masayang napa-giggle habang naglalakad na palabas ng bar. "I wonder what is Enrique doing right now? Silly me, I can't believe I'm missing that old geezer's big cock already."

Nakuyom ni Brandon ang kanyang kamay, sobrang nasasabik na siya kay Christine ngunit hindi naman niya magawang makipagkita sa dalaga dahil sa alam niyang malalaman iyon ng kanyang ama.

"Damn it!"

*****

Nang sila na lamang dalawa ni Dan ang nasa loob ng Locker Room ay saka kinausap ni Alex ang kaibigan.

"Mukhang sablay ang naging pag-uusap ninyo kanina ni Mika. Para bigla kayong hindi naging magkakilala."

Napailing na lang si Dan habang nagpapalit ng kanyang damit, hindi masabi kay Alex ang totoong dahilan sa pagbabago ni Mika.

"Magpapahatid pa ba si Mika?"

"Tingnan na lang natin Alex." at saka tinapik ito sa balikat. "Tara na."

Paglabas nila ng pinto ay siya namang pagpasok ni Mika.

"Mika, antayin ka namin sa labas." si Dan na nakatingin sa dalaga.

"S-Sige…" ang matipid na sagot ni Mika na hindi na nagawang tingnan si Dan.

Pagkatapos magpalit ng damit sa may Locker Room ay nagtungo si Mika sa banyo. Naghilamos at nag-ayos ng bahagya ng sarili. At saka niya inilabas ang kuwintas na dala at isinuot iyon. Dahil ang lalakeng nagbigay niyon sa kanya ay maaaring naghihintay sa kanya ngayon.

Hinaplos niya ang suot na kuwintas habang nakatingin sa kanyang sarili sa harap ng salamin.

"Wala na akong dapat na itago sayo Dan." ang malungkot niyang sabi, tanggap sa sarili ang kanyang desisyon na ginawa.

Mabigat ang mga hakbang ni Mika habang naglalakad palabas ng bar.

Kaagad niyang nakita sina Dan at Alex na kapwa nakatingin sa kanya. Hinawakan niyang saglit ang kuwintas na suot at saka tumingin sa direksyon ni Dan at saka siya nagsimulang lumakad palapit.

Nang mapansin naman ni Arman ang naglalakad na si Mika papunta sa direksyon ng dalawa nitong kasama ay kaagad niyang binuhay ang makina at ilaw sa kanyang sasakyan. At saka siya lumabas ng kanyang kotse at tiningnan ang dalagang pinanabikan niya.

Natigil sa paglalakad si Mika, mas malapit siya kay Dan ngunit sa direksyon ni Sir Arman siya nakatingin.

Nagsimula na siyang humakbang papunta kay Sir Arman at alam niyang mauunawaan siya ni Dan.

"Mika."

Muling natigil sa paglalakad si Mika at tiningnan ang nakalapit na sa kanyang si Dan. Nang napadako ang paningin ni Dan sa kuwintas na suot ni Mika ay bahagyang nagbaba ng mukha ang dalaga.

"Hindi mo na ako kailangan Dan." ang malungkot na sabi ni Mika na ngayon ay muling nakatingin sa binata.

"Alam ko na nagiging makasarili ako, ngunit kailangan din kita Mika."

Pilit na nilakasan ni Mika ang kanyang loob, ayaw niyang padaig sa emosyong nais kumawala sa kanyang dibdib. Kung matatapos ang sa lahat sa kanila ni Dan ay ngayon na ang sandali. Dahil kahit mawala man siya kay Dan, alam niyang kapiling pa din ng binata ang mga babaeng makakapagbigay dito ng mas higit sa kaya niya.

"Walang bukas na naghihintay sa akin sa piling mo Dan. Alam mo yan, ngunit may pangako siya sa akin. Isang bukas na pangarap lang ng katulad kong nasa lupa ding tulad mo. Kaya hayaan mo na ako Dan."

Pinagmasdan ni Dan si Mika habang nakatitig sa nangungusap nitong mga mata.

"Minahal kita sa paraang kaya ko Mika, at ipinakita ko iyon sa bawat sandaling magkasama tayong dalawa, sa bawat sandaling kailangan mo ako…, sa mga sandaling iisa tayong dalawa. Alam kong wala sa akin ang bukas na pinapangarap mo, at wala kong karapatang pigilan ka, pero narito ako ngayon Mika.."

Isang tipid na ngiti ang nasa labi ni Mika. Minsan pang tiningnan ang maamong mukha ng binatang mahal niya talaga.

At saka siya tumalikod at nagsimulang lumakad palapit kay Sir Arman na naghihintay sa kanya.

"Mika…" si Arman na sinalubong na ang dalaga at niyakap. Napakasarap sa kanya ng sandali dahil narito na ngayong yakap niyang muli ang batang katawan ni Mika. "Hindi ka magsisisi Mika…" ang banayad na sabi ni Arman habang hinahaplos ang mahabang buhok ng dalaga.

Namalayan na lamang ni Mika ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata habang yakap siya ni Sir Arman.

Napatingin si Mika sa itaas at kanyang naalala ang unang gabi ng pagtanggap sa kanya ni Dan bilang katuparan ng inaasam niya. Saksi din noon ang maliwanag na buwan maging ang mga bituin sa madilim na kalangitan sa kaganapan ng pag-ibig niya kay Dan.

Hindi na niya kailangang muli pang tanungin ang kanyang sarili. Dahil iisa lamang ang dahilan ng kanyang tunay na kaligayahan. Kayhirap talagang pigilan at dayain ng sarili niyang damdamin.

Inilayo ni Mika ang katawan mula sa pagkakayakap sa kanya ni Sir Arman.

Lumuluhang napailing si Mika kay Sir Arman at saka hinawakan ng mahigpit ang suot niyang kuwintas.

"Mika?" ang nagtatakang sabi ni Arman.

Ngunit hindi na nagsalita pa si Mika, gamit ang buong lakas ay hiniklas niya sa kanyang leeg ang kuwintas at binitawan iyon sa lupa. At saka siya nagmamadaling tumakbo papunta sa binatang iniibig at mas higit na kailangan niya. Panay ang daloy ng mga luha sa mga mata ni Mika habang palapit kay Dan.

Binuksan ni Dan ang kanyang dalawang bisig at kaagad na niyakap ng mahigpit ang dalagang umiiyak sa dibdib niya.

"I'm sorry Dan.., I'm sorry.., wala pang nangyayari sa amin Dan, maniwala ka sana." ang sabi ni Mika habang lumuluhang nakayakap kay Dan.

"Naniniwala ako sayo Mika…, naniniwala ako…"

Nakangiting naglabas naman ng isang sigarilyo si Alex, sinindihan iyon at saka ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang paningin.

Ang sayang nararamdaman ni Dan ay wala siyang pagsidlan habang yakap ng mahigpit si Mika.

"Mahal na mahal kita Dan…"

At gaya ng minsan niyang naihiling, isang lihim na pakiusap ang ngayon ay nasa puso ni Mika. Na ang gabing magkasama silang dalawa ni Dan ay huwag na sanang matapos pa.

(Ipagpapatuloy…)

Author's Note 1 : I'm trying hard to provide you an update kahit napaka-hectic ng sched ko. Kaya isang pakiusap lang po, show your appreciation by giving "Likes", "Hearts" and "Comments".

Author's Note 2: Kindly send me a PM if you have something to discuss or if you want to thank me personally.

Optional: Sa mga gusto pong tumulong, mag PM lang po. Maraming salamat.

Copyright @ 2021 Van_TheMaster ALL RIGHTS RESERVED. FSS