1. Home
  2. Stories
  3. Obra
PSErotica

Obra

By jopoc ·

Ibabahagi ko sa inyo ang isang yugto na ipinakatatago ko sa aking buhay. Alam ko na kailngan maibahagi ko ito para mabawasan ang aking nararamdamang pagkamuhi sa aking sarili.

I. Probinsyana
Sa isang malayo at maliit na bayan sa probinsya ng Bulacan ako ipinanganak at nagkaisip. Sa piling at pagaaruga ng aking pinakamamhal na lola ako lumaki. Ako sa lahat ng kanyang naging apo ay kanyang pinaka paborito. Sa lahat ng kanyang mga lakad mapa palengke man o libing ako ay ang parati niyang isinasama. At isa sa mga lugar kung saan parati kaming pumupunta ay ang liwasan ng aming munting bayan. Sapagkat doon matatagpuan ang nakagawiang bisyo ng aking lola, at ito ay ang paglalaro ng bingo. Kada araw tuwing tanghali hanggang umabot ang pagkagat ng dilim ay naglalaro ang aking lola ng bingo kasama ang kanyang mga kaibigan at si lola Aida. Si lola Aida o lola Ada kung aking tawagin noong ako ay musmos pa lamang ang pinakamlaapit na kaibigan ng aking lola, sapagkat sila ay magkasing edad o tinatawag nilang magkababata. Sa tuwing isasama ako ng aking lola sa kanyang pagbibingo ay ibinibida niya ako sa kanyang mga kalaro sa bingo at higit na lalo na kay lola Ada. Kung ako ang kasama ng aking lola si ate Minette naman ang parating kasama ni lola Ada sa kanyang pagbibingo. Limang na taong gulang pa lamang ako nuon at nasa edad na siyam si ate Minette nang una ko siyang makita at makilala.

Tuwing maglalaro ang aming mga lola ay at pawang wala kaming magawa sa liwasan ay si ate Minette ang aking kasama at kalaro. Kami dalawa ang nagsasama para maitawid ang ang nakakayamot o nakakabagot na pagiintay sa aming mga taga pag alaga na haling na haling mula sa kanilang bisyo. Buong hapon kaming magkasama ni ate Minette sa alaala ng aking kabataan. Kapag ako ay nasusugatan sa paglalaro ay si ate Minette ang ang naglilinis at gumagamot ng aking sugat. Siya rin ang tanging nagkakapag patahan sa akin kapag ako ay umiiyak. At kung minsan ay pinapatulog din niya ako pag alam niyang kulang ako sa tulog. Inihahatid rin niya ako sa aming bahay pauwi kapag gagabihin ang aming mga lola sa pagbibingo at nagaalburuto na ako umuwi. Kung mapapadaan kami sa palngke ot tindahan ay binibili niya ako ng laruan o minatamis na aming pinagsasaluhan mula sa balato ng aming mga lola. May ilang pagkakataon din na dumarating na pinapaliguan ako ni ate Minette o nililinisan pagkatapos ko dumumi. Kayat kung minsan ay nalulungkot ako kapag hindi kasama ni lola Ada si ate Minette, halimbawa na kung ito ay may sakit o may gawaing pang eskwela. Mahabang panahon at taon ang lumipas nang maging sobrang magkaibigan kami ni ate Minette sa araw araw na ginawa ng maykapal. naging Mapalad ako at nginitian ng tadhana aking aking pagkabata.