1. Home
  2. Stories
  3. Hunks Over White Roses: Sweet Surrender 11
Filipino Sex Stories

Hunks Over White Roses: Sweet Surrender 11

By yowhan13g ·

Chapter 11

Ilang araw ding hindi nagpakita ni anino ni Ahmed kay Red simula nang araw na huli silang nag usap. Batid niyang nasaktan ito sa mga nasabi niya ngunit alam niyang sa ikabubuti niiya ang nangyari. Malungkot man ang mga araw na nagdaan ay pilit niyang aliwin ang sarili at ibalik sa normal ang simple niyang pamumuhay. Walang Ahmed na makulit na pinipilit ang sarili… walang nananakit…walang nagpapaluha. Ayos na sa kanya ang ganoong set up ng buhay, at least nandyan pa rin si Munjal. Wala man itong maiinit na atensyon na ibinibigay sa kanya katulad ng kay Ahmed na aminin man niiya't hindi ay kinasasabikan niya, alam niyang masaya siya dahil sa respeto at pagmamahal na natatanggap niya mula dito.

Kasalukuyan siyang naglligpit ng pinaghugasang kainan nang may kumatok sa pinto. Tiningnan niya ang suot na relo. Limang minuto bago mag alas nuwebe ng umaga. Sinadya niyang mag gumising ng mataas na ang araw gaya ng sinabi niya kay Munjal four days ago ay hindi na siya papasok pa. Hindi na niya ipagpapatuloy pa ang huling taon sa kolehiyo sa kabila ng naging pagtutol nito sa desisyon niya. Naisip niyang si Munjal ito at marahil ibibigay sa kanya ang pangakong partial refund ng kanyang naging tuition fee. Pinunansan niya ang kamay saka tinungo ang pintuan. Pagbukas niya'y ang pigura ni Ahmed ang bumulaga sa kanya. Taliwas sa madalas na espresyon ng mukha nito na parang laging galit at mananakit ng tao, ngayon ang kanyang nasa harapan ay malamlam ang mga matang nakatunghay sa kanya.

"Can I come in?" tanong nito.

Talagang nagtaka siya at nanibago sa ikinikilos nito ngayon subalit nagpatay malisya na lamang siya kahit naguguluhan. Kinakabahan man sa iniisip na may balak na naman ito ay pinagbuksan na rin niya ng pinto.

"Tuloy ka."

"Thank you."

Pumasok ito ngunit nanatiling nakatayo at nakatingin lamang sa kanya. Hindi siya napakali sa mga sandalinhg iyon sa ginagawa nitong pag titig sa kanya. Binasa niya ng dila ang natutuyong labi at napako doon ang tingin ni Ahmed. Matagal nitong pinagmasdan ang kanyang mga labi.

"Ah--eh-- have you had your breakfast na ba?" basag ni Red sa nakakatensyong katahimikan.

"Thanks but no. I'm not hungry." tanggi nito at hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.

Naglakbay ang mga mata nito sa kabuuan niya. Ang suot niya ay isang pinutol na jeans na itim at white shirt na pinutol ang manggas. maaliwalas siyang tignan sa simpleng kasuotan bukod sa siya'y nligo kanginang pagkagising. Hindi siya lalo napakali sa paggala ng paningin nito sa kabuuan niya.

"Ahm-- h-how about drinks? Do you want some coffee or tea?" alok niya at pilit na iniiwas ang tingin.

"How about a kiss?" nakatitig ito sa mga mata niya nang tanungin iyon.

Napalunok si Red sa tanong na iyon. Hindi siya nakakibo at napatingin lamang sa kaharap na parang namamalikmata. Sinimulan na naman siyang kabahan at unti unting tumahip ang dibdib.

"I--I'll just get you a glass of cold water." aniya at tumalilis papuntang kusina.

Nakakailang step pa lang siya nang tawagin siya nito.

"Baby." tawag nito sa kanya.

Napapikit siya sa tinawag nito sa kanya. Baby. Pakiramdam niya'y napaka espesyal siya para tawagin nang ganoon. Ngunit pinigilan niya ang sariling bumigay. Heto na naman siya… natutukso sa mga salita nitong walang kasing tamis. Huminto siya sa paglakad pero hindi lumingon. Napapikit siya uli at nahigit ang paghinga nang maramdaman ang paglapit nito sa kanyang likuran.

"I'm just asking for a kiss. Is that too much too ask? I missed you." mahinahong wika nito.

Humarap siya dito at tumingala. Bumuka ang bibig niya pero walang katagang namutawi dito. Napatingin muli si Ahmed sa nakabukang labi niya at hindi na nito napigilan ang sarili. Binigyan siya nito ng isang magaang na halik sa labi. Nakaramdam siya ng pagkagulat dahil iba ang naramdaman niya sa halik na iyon. Parang may halong respeto at… pagsuyo? Ipinilig niya ang ulo. Ayaw niyang umasa. HIndi man nakangiti si Ahmed ay nagliwanag ang mukha nito. At ngayon lang niya napansin, bagong ahit ito at ang preskong presko tingnan. Kung hindi lang niya naalala ang nangyari nung isang gabi ay malamang naihi siya sa kilig.

"This is for you, baby." anito at ibinigay sa kanya ang isang tangkay ng puting rosas.

Napaawang ang labi niya sa nakita. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya kinakabahan o natatakot pag nakakakita siya ng sa puting rosas dahil ano pa ba ang mas titindi pa sa nangyari sa kanya nung isang gabi? Parang gusto niyang mangaligkig. Nahihiyang tinanggap niya ang inabot nito.

"Para saan ito?" namumulang tanong niya.

"Nanliligaw." diretsong sagot nito na halos ikatumba niya sa gulat.

"Ha?"

"I want to make up for everything I've done."

Hindi siya nakaimik sa tinuran nito. Si Ahmed, nanliligaw? Bakit, babae ba siya? Kinilabutan siya sa narinig. At isa pa, mayroon bang nanliligaw ng saksakan ng aga? ganito ba manligaw ang mga arabo? Lihim siyang napangiti sa naiisip na mga tanong. At hindi iyon nakaligtas sa matalas na pakiamdam ni Ahmed.

"What's funny?" kunot noong tanong nito.

"Ah -- eh, wala naman."

Mayroon bang nanliligaw na mainitin ang ulo at maigsi ang pasensya? Tumingin siya sa mukha nito at nakita niya ang may kaunting inis na naman na lumarawan doon. Naiinis marahil dahil alam na pinagtatawanan niya.

"Maupo ka muna Ahmed. Ikukuha lang kita ng--"

"I need to know your answer." ang bulalas ni Ahmed na ikinamangha niya.

"Ha?" naguguluhan siya.

"Your answer. I just told you na nanliligaw ako, so what's the answer?"

Namangha talaga siya sa narinig. Anong gusto mangyari ni Ahmed? Sagutin agad niya ito kung oo o hindi? Pinagmasdan niyang muli ang ekspresyon ng mukha nito. Tila apurado na naiinip sa sagot niya. Paano niya, sasagutin eh hindi naman siya sinasabihan ng "I Love You"?

"Masyado ka naman yata nagmamadali." aniya.

"All I need to hear is either yes or no. Mahirap bang sagutin ang tanong ko?" naiinis na talaga ang arabo.

Naphinga si Red ng malalim sa igsi ng pasensyang pinamamalas ni Ahmed. Bakit ba lahat ng bagay ay kinukuha nito sa pilit? Tinatanong siya pero hindi nagbibigay ng choices. Malungkot siyang napailing sa inasal ni Ahmed.

"Then my answer is 'no'." sagot niya sa pinatatag na tinig.

"What?" gilalas ni Ahmed. Hindi makapaniwalang tinanggihan siya.

"You heard it right. My answer is 'no'."

"How could that be? Nakuha na kita." asar na sumbat nito sa kanya.

Nanlumo si Red sa nanrinig na katwiran ni Ahmed. Maliwanag pa sa sikat ng araw na gusto siya nito mapasakanya 'di dahil sa pagmamahal kundi sa katotohanang nakuha na nito ang katawan niya.

"Iyon lang ba ang magiging basehan mo?" malungkot niyang tanong.

"What else? Nakuha ko na ang gusto ko sa 'yo ano pa ba ang kailangan para maging akin ka?" anas nito na tila nauubos na ang pisi ng pagpipigil.

"Ang panliligaw ay isang mahabang proseso. Kailangan mo ng paghirapan ang mga bagay na gusto mong mapasa'yo at hindi yung kinukuha mo sa pilit. Alam kong nasanay ka na ikaw ang hinahabol ng lahat. Pero may mga bagay na sadyang hindi makukuha kung gagamit ka ng dahas. At hindi lang sex ang pundasyon ng isang relasyon." mahabang paliwanag ni Red.

"Are you asking for commitment?" tanong ni Ahmed.

"Yes." tuwid ang mga matang nakatingin siya kay Ahmed.

"I can't give it." maagap na sagot naman ng arabo.

"Alam ko. Kaya iyon ang hinihingi ko sa'yo." hamon niya at binigyan pa ng kaunting tatag ang sarili upang 'di bumigay.

"I can give you steamy nights…. a hot and wild hardcore sex.You'll never haver an empty bed." ang sagot ni Ahmed na ikinalungkot niya ng husto.

"Ang baba talaga ng tingin mo sa 'kin." malungkot ang ngiting gumuhit sa labi ni Red.

Ahmed was speechless for a moment when he saw that sadness in Red's eyes. Heto na naman ang tila sipa sa sikmura niya pag nakikita niya ang sakit sa mga malamlam nitong mga mata. Tinalikuran niya ito at tinungo ang pinto at tinukod ang isang kamay sa may hamba nito. Nagtatagis ang bagang sa nangyayaring wala sa plano. Bakit ba ang hirap niyang kunin ang loob ng taong ito? ganoon ba siya kasama para tanggihan? Hindi siya sanay ng tinatanggihan at lalo na ng inaayawan. Sa buong buhay niya'y wala siyang hindi nakuha. Pero bakit sa isang to'y tiklop lahat ng tapang niya? Handa ba siyang ibigay ang hinihingi nito na hindi ibinigay kahit kangino? Huminga siya ng malalim at nag isip ng mabuti. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at may tinawagan.

Kitang kita ni Red kung paano magtaas baba ang malapad na balikat ni Ahmed. Alam niyang abut abot ang pagpipigil na ginagawa nito. Dahil hindi ito sanay ng piinaghihintay lalong hindi sanay ng pinahihindian. Ang lahat ay nakukuha sa isang pitik ng kamay ng walang kahirap hirap. Hindi niya maitatanggi sa sarili na gusto niya si Ahmed. Ngunit ang pagiging mainitin at temparamental nito ang pader na tila humaharang sa pagtan nila. Dahil alam din niya na kung sakaling makuha nito ang buong pagkatao niya'y wala itong ititira sa kanya maging ang respeto sa sarili. Naputol ang kanyang pagninilay nang tapusin ni Ahmed ang pakikipag usap sa telepono at bumaling paharap sa kanya.

"Fix yourself. I'm gonna take you somewhere."

"S-saan?"

"Sa hacienda. Bring some of your clothes. We'll be staying there for a week." pahayag nito.

Nabigla siya sa narinig. Ni hindi man lang siya tinanong muna kung gusto niyang sumama o hindi. Nagdesisyon ito nang 'di man lang sumasangguni sa kanyang opinyon.

"Pero--"

"Alam kong wala ka ng balak pumasok sa school. So there's no reason for you to reject my invitation."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Nalaman kaagad nito ang desisyon niyang ihinto ang pag aaral? Pero paano? Si Munjal lamang ang napagsabihan niya ng bagay na yon. Nahulaan naman ni Ahmed ang katanungang tumatakbo sa isip niya.

"Lahat ng nangyayari sa school, alam ko. Pag aari ko iyon kaya walang nakakapagtaka."

Napa 'O' ang bibig niya pero walang katagang lumabas doon. Oo nga pala, bakit hindi niya naisip agad 'yon? Pumalatak si Ahmed nang mapansing hindi siya tumitinag.

"I'll give you ten minutes." sabi nito at lumabas ng bahay upang magpahangin.

Mabigat ang mga paang tinungo niya ang kuwarto. Wala siyang magawa kundi magpatinaod na lang sa gusto nitong mangyari. Tumutol man siya o hindi, ganoon pa rin naman ang magiging resulta. Isasama at isasama pa rin siya nito. Susunod pa rin siya sa gusto nito dahil hindi siya nito binibigyan ng anumang rason para tumutol o mamili ng desisyon. Laglag ang balikat na naupo siya sa kama. Napabuntung hininga siya habang isinusuksok sa travelling bag ang ilang piraso ng mga kasuotan. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya magiging ganito. Ang palaging nakadepende ang desisyon sa kamay ni Ahmed…. ang pagiging laruan nito. Sinadya niyang bagalan ang kilos. Ayaw niyang sumama.Ano naman ang gagawin niya doon? Dito nga sa sarili niyang bakuran ay hindi siya ligtas sa malupit na kamay ni Ahmed, sa teritoryo pa kaya nito?

"What's taking you so long?" naiinis na bungad ni Ahmed sa pinto ng kanyang kuwarto.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" yamot din niyang sagot dahil talagang napaangat ang puwit niya sa gulat.

HIndi sumagot si Ahmed bagkus ay inilang hakabang siya at ito mismo ang kumuha ng bag niya.

"Let's go."

Hindi siya nito nilingon nang lumabas ng pinto ng silid. Napairap ang mga mata niya na tumayo at kumuha ng susuot na pamalit panlakad. …