1. Home
  2. Stories
  3. Hunks Over White Roses: Sweet Surrender 150
Filipino Sex Stories

Hunks Over White Roses: Sweet Surrender 150

By yowhan13g ·

Chapter 15

Nagising si Red kinabukasan na magaan ang pakiramdam. Mataas na ang araw sa oras na 6:30 am. Pagkatapos na masigurong maayos na ang higaan ay nagpunta siya ng banyo upang maligo at mapreskuhan ang sarili. Nagbabad siya sa shower dahil maligamgam ang tubig na binubuga ng dutsa. Nang magsawa ang katawan sa pagbababad sa tubig ay nagdesisyon na siyang lumabas ng shower room. Hanggang sa ngayon ay nalulula pa rin siya sa gara ng silid. Nagulat pa siya dahil paglabas niya ay mayroon ng pagkain na nakahain sa isang maliit na lamesang de gulong. Isang platong vegetable fried rice, sunny side up na itlog, dalwang hotdogs, tapa, isang mangkok na sopas, four slices of garlic loaf bread, cheese spread at isang basong gatas.Grabe namang almusal ito! huling breakfast ko na ba? nangingiting tanong niya sa sarili. Natawa pa siya ng mahina nang lumiyok ang kanyang sikmura palatandaan na ginutom siya sa nakita.

He just finished brushing his teeth when someone knocked at the door. Lumabas siya ng comfort room.

"Come in." aniya.

Ang matabang babae kahapon ang bumulaga sa pintong nabuksan.

"Tapos na po ba kayong mag breakfast, Sir?"

"Ah eh oo. Im already done."

"Kukunin ko na po ang pinag kainan."

"Yeah sure."

Namula talaga ang pisngi niya nang may pagkamanghang tiningnan ng katulong ang mga pinagkainan tapos ay tinapunan siya ng tingin. Naubos kasi niya ang lahat ng nasa maliit na table. hindi kumibo ang babae at halatang pinipigil lang ang ngiti na papalabas ng silid. Nainis si Red sa sarili.

"Bilin nga pala ni Sir Munjal na bumaba daw kayo pagkatapos niyong mag almusal. May pupuntahan daw po kayo."

"Sinabi ba niya kung saan?"

"Hindi po. Pero sa malamang po Sir, sa niyugan. Yun pong nadadaanan pag papunta na dito."

"Ah. Sige salamat."

Hindi niya maitago sa sarili ang excitement dahil talaga namang gustung gusto niyang puntahan iyon. Dali dali niyang binuksan ang closet na pinaglagyan ng mga gamit kahapon. He chose to wear a light brown walking shorts and a tight fitting white shirt. Nag sandals lang siya dahil malapit lang naman ang pupuntahan nila. he left the room soon after spraying a small amount of perfume.

Luminga linga siya sa paligid para hanapin si Munjal. Sa sobrang lawak ng akuran ay hindi niya alam kung saang direksyon siya unang tutngo para maghanap. Nakaka ilang hakbang pa lamang siya nang may tumawag sa kanya.

"Good morning baba."

Napigil niya ang paghinga dahil paglingon niya'y naroon si Munjal, napakaguwapo sa suot na checkerd long sleeves na nakatupi hanggang siko, nakabukas ang ilang butones sa harapan, faded jeans and leather boots! Kulang na lang ay ang sumbrero at mukha na itong cowboy sa tindig at porma. Sa tabi nito ang tangan tangan na kulay pulang lupang kabayo na malaki sa karaniwan.

"Good morning Munjal."

Red was realy stunned as he saw Munjal walking close to him. Para itong commercial model. Parang laging mabango sa anumang oras. Hindi niya mapigilan ang magngiti.

"How was your sleep?" tanong ni Munjal.

"You look gorgeous…" sa halip ay sambit niya.

"I have known it for the longest time, baba. No need to stress the obvious." sinundan nito ng tawa ang pagkasabi.

Dumako ang tingin niya sa kabayo. Just the same with the man standing beside him, mukha naman itong maamong hayop. Hinaplos niya ang leeg nito at nang mapansing walang violent reaction mula dito ay pulit ulit niya itong hinimas.

"Do you like him?" si Munjal.

"Yeah. He seems nice naman. What's his name?"

"HIs name is Jagg. At siya ang sasakyan natin papunta sa lugar na papasyalan natin."

Namilog ang mga mata niya. Hindi maipagkaila ang excitement.

"Talaga?"

"Yeah. Tara, iaangkas kita sa kanya." ani Munjal at hinawakan ang baywang niya upang itaas paupo sa kabayo.

Munjal did it as if he held a twelve year old kid. At talaga namang nakaramdam siya ng kilig. Nang makasampa sa kabayo ay ito naman ang sumakay. He immediately closed his eyes as he felt Munjal against his back. Heto na naman siya, nag pi feeling prinsesa. Nagmulat siya ng mga mata nang maramdaman ang isang braso nitong pumalupot sa baywang niya. Nilingon niya ito at sa pagkagulat niya'y muntik nang magtama ang kanilang mga labi sa sobrang lapit ng mga ito. Langhap niya ang mabangong hininga ni Munjal na lalong nagpa unease sa kanya. Suablit bagkus na ihitin ng sobrang kaba ay mas pinili niya ang kapilyuhan. Ngumiti siya dito ng ubod tamis at tapos ay kagat labing tinitigan niya ang mga labi ni Munjal na bahagya ring nakaawang.

Munjal noticed that Red was staring at his lips longer than usual at lihim siyang napa iling. Lokong 'to ah! aniya sa sarili. Lumapad ang ngiti sa mga labi niya at bigla na lang kinagat ng marahan ang ilong ni Red. Nagulat si Red at muntik ng mahulog sa kinasasakyang kabayo kundi lang siya yapos ng mahigpit ni Munjal. Sabay silang nagtawanan sa mga kalokohang ginawa.

"Ready?" asked Munjal.

"Yap." nakangiting wika ni Red.

Napapikit siya nang magsimula ng tumakbo ang kabayo.

+ + + + +

Masakit ang ulong nagising si Ahmed. Hawak ang ulong bumangon sa kama. Naupo siya sumandali at hinigop ang mainit na kapeng barako na nakalatag sa lamesang de gulong kasama ng iba pang pagkain para sa kanyang almusal. Hindi na niya pinagkaabalahang tikman ang almusal matapos ubusin ang kape. Dumiretso siya ng banyo pagkatapos. Hustong nagsesepilyo siya nang mataman niyang napagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Wala pa rin namang nagbago sa hitsura niya. Gwapo. Walang makakatanggi sa katotohanang iyon.

Mukhang kinababaliwan ng maraming babae. Kinatatakutan naman ng karamihan sa kanyang mga nasasakupan at mga kaaway. Ngunit sa loob ng kanyang pagkatao ay alam niyang may bahagi siya na unti unting nagbabago. Ngayon lang niya na nalaman na may kahinaan pala ang isang notorious na kagaya niya. Si Red. Ang silahis na kauna unahang nakapagpagawa sa kanya ng mga bagay na kahit kelan ay hindi iya sukat akalain na magagawa niya -- ang magpakumbaba at manuyo. Napabuntunghininga siya nang maalala ang naganap kagabi….

Mahinang katok ang narinig ni Red mula sa kanyang silid. Tiningnan niya ang suot na relo. 11:30 ng gabi. Gising pa naman siya dahil nanonood pa siya ng pelikula sa tv at kumakain ng fruit salad na dinala ni Chase sa kwarto niya, midnight snack daw. Atubili man ay tinungo ni Red ang pinto at binuksa iyon habang karga karga si Kieron -- ang dambuhalang teddy bear na binigay ni Munjal. HIndi na siya nagulat nang mabungaran si Ahmed pagbukas ng pinto. Hindi ito nagsasalita ngunit nakatingin sa kanya ng matiim.

"May kailangan ka ba?" tanong niya sa pilit na pinatitigas na tinig.

Ahmed didn't bother to answer his question and instead, he walked himself staright inside the room while staring at him. That made him unease.

"What's up with that giant gorilla at lagi mo na lang hawak?" parang asar na tanong nito.

Napatingin siya sa hawak na teddy bear. Naiiling na tinungo niya ang kama at binaba ito saka muling humarap kay Ahmed. Napapatda siya nang makitang ini lock nito ang pinto. Nilabanan niya ang kabang naramdaman.

"Kung sinabi mo lang na gusto mo ng ganyang gorilya, bibilhan kita kahit ilang dosena pa gusto mo."

Pinigil ni Red ang matawa sa sinasabi nito. Bakit ba ang init ng dugo ni Ahmed sa teddy bear niya?

"Hindi ko naman kailangan. And besides, I already had a gorilla even before I received this cute stuff toy." si Red na nangingiti.

"Ha?" si Ahmed na tila naguguluhan.

"Ikaw." diretsong sagot niya at hindi na napigilan ang mahinang tawa.

Awang ang mga labi ni AHmed habang nakatitig sa kaharap na pinagtatawanan siya. Siya? Mukha siyang gorilya? Lintik, pinaglololoko siya ni Red! May halong gigil na sinungaban niya ito at kinulong sa mga bisig.

"You, little tease!" akusa ni Ahmed.

HIndi pumalag si Red habang nakakulong sa mga bisig ni Ahmed. Tumingala lang siya dito at pinasilayan ito ng matamis na ngiti.

"Bakit ba nagagalit ka kay Kieron?" nangingiti niyang tanong kay Ahmed.

"So you really tagged that name to your gorilla huh?"

"It was Munjal who gave him that name--"

"Munjal again. Munjal, Munjal, Munjal. Everything is about that Indian." inis na sambit ni Ahmed.

Ahmed freed him from his embrace and walked towards the television and changed the channel unconsciously. Walang patid na palipat lipat ng istasyon. Red took a deep breath as he watched him getting irritated. Minabuti na lang niyang alukin ito ng fruit salad na nilalantakan niya.

"Wanna have some fruit sald Ahmed?"

Lumingon si Ahmed at nagtatanong ang mga mata. Nagtataka marahil kung saan niya galing ang ensaladang kinakain.

"Chase gave this to me. Midnight snack ko daw." ani Red.

"It's a good thing na magkasundo pala kayo." si Ahmed.

"I don't know him that well but I think he's nice."

"Yeah. I should know." said Ahmed.

"Part ba siya ng group ninyo? He seems to be the youngest."

"No. And I am so glad that he isn't. Such a pain in the ass"

"Then bakit siya nandito? A family acquaintance, right?"

"He's my cousin."

"Pinsan?" Red was a little bit shocked…

"Yeah. My mom and his mom are cousins so that makes us second cousins."

"Ohh," iyon lang lumabas sa bibig ni Red.

"Chase is such a nice and sweet guy no doubt about it. But he's also an ass.Siya ang sakit ng ulo naming apat. He never stops until he gets what he wants." Ahmed explained.

"Oh! just like his Kuya…" Red concluded.

"Yeah right, it runs in our blood." Ahmed exclaimed as he approached Red little by little.

Napalunok si Red nang mapansing lumalapit na naman si Ahmed. Dali niyang kinuha ang isang platito ng fruit salad. Inunahan niya ng alok ng pagkain ang anumang nasa isip ni Ahmed.

"Taste it. Masarap siya."

Ahmed shook his head. Iba ang gusto niyang kainin.

"Sige na kahit isang spoon lang please…." alok ni Red at ibinaba ang platitong hawak.

Hawak niya ang isang kutsarita ng salad at nakaumang ito sa nakapinid na bibig ni Ahmed. Hinawakan niya ang ilalim ng baba ni Ahmed upang kumbinsihing kainin ang inaalok niyang matamis. Nangangawit na siya dahil parehong nakataas ang mga braso niya.

"Ahhh," ani Red na pinapabuka ang bibig ni Ahmed.

The hunky arab was left with no choice but to open his mouth and consume the food. Nakatingin sya ng matiim kay Reb habang nginunguya ang pagkain.

"Di ba masarap siya? Sabi na sa yo eh." si Red na tuwang tuwa na parang nagpakain ng bata.

Ahmed nodded as an approval. Masarap nga naman. Nagulat pa siya nang abutin ng palad ni Red ang gilid ng kanyang bibig upang pahirin ang gatas na nagmantsa. Dagli ang pag ragasa ng init sa kanyang katawan sa ginawang iyon ni Red.

"W-why?" nagtatakang tanong ni Red nang mapansin ang pamumula ng tainga ni Ahmed.

Nang hindi sumagot at tumitig lang si Ahmed ay tumalikod siya upang kunin ang platito ng salad at sumubo ng isa. Habang ngumunguya ay napatingin siya sa nakatayong si Ahmed.

"May gatas ka pa dito." ani Ahmed at tiniuro ang sariling labi.

"Oh," ang tanging nanulas kay Red.

Then Red unconsciously licked his upper lip. Not knowing na malaki ang naging epekto niyon kay Ahmed. That made the hunky arab lost his control. The sight of Red licking his lips right in front of him was indeed a torture. Inilang hakbang nito ang pagitan nila at muling kinulong sa matitipunong bisig ang nasorpresang si Red.

"Damn you, little tease!"

"A-ahmed…" Red said as he tried to free himself from his tight embrace….