1. Home
  2. Stories
  3. Obra V
PSErotica

Obra V

By jopoc ·

V. Sakit

Lumipas ang ilang araw, at muling di ko nakita o nakausap si Minette. Ngunit isang araw habang papauwi ako galing sa eskwela ay nakasalubong ko si Kadyo. Mukhang may minamataan at may inaabangan. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba o takot, dahil alam ko sa aking sarili na may malaking posibilidad na ako ang kanyang inaabangan. May dalawang kasamang kabarkada si Kadyo, sila Paul at Anthony. Sinubukang kong lumihis ng daan at para makaiwas ng biglang nakita ako ni Paul, hinabol niya ako at hinarangan. Galit na galit na tumakbo papalapit sa akin si Kadyo at umamba na ako ay sasapakin. Iniwasan ko ang suntok at sinipa si kadyo ng patulak para siya ay mapalayo. Nawalan siya ng balanse at natumba paupo, nang biglang hablutin ni Paul ang manggas ng aking uniporme. Hinatak niya ito para hindi ako makatakas kaya ako ay napasandal sa isang puno. Sinuntok ko sa dibdib si Paul para ako ay mabitawan, daglit namang nasuntok ako ni Anthony sa may likod, sapat na ito para ako ay matumba ng paluhod. Bibitiw pa sana siya ng isang suntok ng masalag ko ito at mahawakan ang kanyang kaaliwang braso. Tinulak ako ni Paul at napadapa sa lupa, biglang tinadyakan ako ni Kadyo sa may tagiliran. Pinagmumura ako ni Kadyo at pinagsisigawan, nasira daw ang diskarte niya kay Minette dahil binasted siya pagkatapos ko iabot ang sulat. Malaki ang kutob niya na inahas ko daw siya, napahiya din daw siya sa lahat ng kaibigan namin dahil sobrang ipanag yabang na niya na tiyak na magiging sila ni Minette. Itinayo niya ako sa pamamagitan ng pag hila sa kwelyo ng aking uniporme. Idiniin niya ako sa puno, nakakuha ako ng tiyempo para suntukin siya sa sikmura. Napaatras siya at lalong nagalit sa akin kaya bahala na ang sabi ko sa aking sarili, patay kung patay ika nga. Hinila ko si Anthony para ipang harang kay Kadyo, kaya naman na suntok niya ito. Siniko ko si Paul sa may leeg na naging dahilan ng kanyang pagdura ng dura. Nasapak ako ni Kadyo at napaigtad ako sa lupa. Parang nawalan ako ng malay ng ilang segundo at nalalasahan ko na ang aking dugo sa aking mga labi. Nawala ang sikat ng araw at dumilim ang aking paningin ng makita kong may humahampas ng bag kay Kadyo at sa mga kasama nito.

Di yata ako ay na malik mata, si Loraine ang humampas kila Kadyo. Si Loraine ay ang kabarkada ni Minette at pinsan ni Kadyo. Alam ni Loraine na may topak si Kadyo at siya ang pumipigil dito lalo na kapag napapaaway si Kadyo. Si Loraine din ang nagsusubong sa mga tiyuhin ni Kadyo kapag may nagagawa itong kalokohan o kapalpakan. Pinagsisigawan at pinagsabihan niya sila Kadyo at ang kanyang mga kabarkada. Sa mga pagkakataong iyon ay hindi ko na narinig o naintindihan pa ang kanyang mga pinagsisigaw sa sobrang pagkahilo ko dahil sa suntok na aking natamo. Nakaisang sipa pa sa aking hita si Kadyo at sinampal siya ni Loraine. Nang biglang dumating si Minette at tinulungan ako makatayo nagmumura pa si Kadyo bago sila tuluyang umalis ng kanyang mga kaibigan. Pinagtulungan ako ni Minette at Loraine mailayo sa lugar na iyon. Ang sabi ko ay mabuti na ang aking kalagayan at kaya ko nang umuwi ng magisa. Sinabihan nila ako na hindi pa ako pwedeng umuwi at sahil ako ay marungis at punong puno ng dugo ang aking uniporme at pantalon. Tiyak magagalit sa aking ang aking lola at masusumbong iyon kay lola Ada. Matagal din silang nag isip at dahil hindi nila alam ang gagawin sakin. Sinabi ni Loraine na dalhin daw ako ni Minette sa may tumana. Ang tumana ay isang parte ng ilog sa aming bayan kung saan dati ay may hukayan ng marmol. Abandonado na ang minahan ng marmol at durugan ng buhangin o cemento rito. Inutusan ni Loraine si Minette na labahan ang aking damit sa may ilog at ibabad kaagad iyon doon para hindi manigas ang mantsa ng aking dugo. Kaagad umuwi si Loraine para kumuha gamot, sabong panlaba at pampaligo. Mabilis naming pinuntahan ni Minette ang tumana dahil malapit na matapos ang hapon. Duguan akong naglakad papunta sa tabing ilog nang aming bayan.