1. Home
  2. Stories
  3. Hunks Over White Roses: Sweet Surrender 20 (Finale Ending)
Filipino Sex Stories

Hunks Over White Roses: Sweet Surrender 20 (Finale Ending)

By yowhan13g ·

Chapter 20

Dagling naghiwalay ang katawan nila ni Munjal. Halo hindi na siya makahinga sa takot na kung ano ang pwedeng mangyari smantalang si Munjal naman ay parang walang anuman na tumayo at sinalubong ang titig ni Ahmed.

"L-let me explain Ahmed--"

Naputol sa sigaw ang anumang sasabihin niya dahil si Ahmed ay inilang hakbang lang ang distansiya nila at dinaluhong si Munjal. ISang malakas na suntok sa panga ang pinakawalan nito kay Munjal na nakapagpataob dito sa sahig. Hindi ito nakuntento at kinuwelyuhan ang nakahandusay na lalaki at pilit na itinayo saka inundayan uli ng suntok sa kanang pisngi. Kung hindi naitukod ni Munjal ang mga kamay sa salamin ng malaking cabinet ay baka nabasag ito sa pagtama ng mykha niya. Napaubo ito at hinimas ang gilid ng labing siniritan ng dugo. Hindi magkandatuto si Red sa pag awat sa malaking katawan ni Ahmed na nagwawala.

"Tama na Ahmed please…" sumamo ni Red habang yakap ang katawan ni Ahmed.

Matalim ang tingin na pinukol nito si Red saka binaklas ang mga bisig niyang nakapalupot na umaaawat dito.

"You're dead Munjal!" sigaw muli nito sabay sugod.

Sa pagkakataon na ito ay napaghandaan ni Munjal ang atake ni Ahmed at naiwasan ang unang suntok na pinakawalan nito. Umilag siya payuko at pag angat ng katawan niya ay binigyan niya ito ng upper cut sa ilalim ng baba. Kundi nakahawak sa silya si Ahmed ay baka bumagsak siya pahandusay sa malamig na sahig.

"Baba, that's enough!" awat ni Red at akmang yayakapin si Munjal upang pigilan ito sa pagsugod.

Subalit siya mismo ay hinila ni Ahmed palayo. Nahablot nito ang manggas ng kanyang shirt at malakas na hinila pasalya palayo.

"Huwag kang makialam Red!" hiyaw ni Ahmed.

Muling sinugod ni Ahmed si Munjal at sinuntok ito subalit naiharang nito ang dalawang braso. Bumawi ng unday ng kamao si Munjal at sapol sa kaliwang panga si Ahmed. Lalong naghimagsik si Ahmed dahil sa nadalawahan siya ni Munjal. Sa sobrang galit ay nagpakawal ito ng mataas na sipa na tumama sa dibdib ni Munjal. Napasigaw ng malakas si Red sa nasaksihan. Malakas ang tadyak na tinamo nito kaya bumalandra ang likod nito sa may pasimano ng isang sink. Kita din niya kung paano sumalpok ang likurang ulo ni Munjal nang mataob ito sa sahig.

"My God! Munjal!" sigaw ni Red habang malbils na sinaklolohan ito.

Hawak ni Munjal ang sariling ulo habang bumabangon sa pagkakalugmok. Nakaramadam siya ng pagkahilo sa sinapit. Ipinilig niya ang mukha saka humandang umatake kay Ahmed. Tinabig niya ang mga kamay ni Red at muling lumapit kay Ahmed.

"You can't screw me Ahmed!" anito at nang makalapit ay siya naman ang nagpakawala ng sipa.

Tumaob ang arabo sa natanggap na sipa sa sikmura. Hindi malaman ni Red kung sino ang hahawakan at pipigilin dahil parang parehas na wala sa sarili ang dalawang barakong nagtutunggali. Pumagitna ang katawan niya nang bumangon si Ahmed habang sapo pa rin ang sikmura.

"Tama na please…. tama na…"

Ngunit sadyang bingi na yata si Ahmed dahil akma muli itong dadaluhong kay Munjal na hawak pa rin ang likuran ng ulo. Tinabig nito ang mga braso niyang nakatukod sa malapad na dibdib nito at saka malalaking hakbang na sinunggaban si Munjal.

"Ahmed!" sigaw ni Red nang makitang mauundayan ng suntok si Munjal.

Hustong nagpakawala ng suntok si Ahmed nang may matigas na kamay ang pumigil sa braso niya. Lumingon ang nanlilisik na mga mata ni Ahmed at natunghayan ang mukha ni TJ.

"Pare that's enough." awat ni TJ.

"Huwag kang makialam!" galit na saad ni Ahmed at sinubukang ikinawala ang braso sa mahigpit na hawak ni TJ.

Hindi pumayag si TJ at sa pagkakataon na iyon ay iniyakap ang mga braso sa katawan ni Ahmed saka ito inilayo. Nagpapapalag man ang arabo ay hindi na ito nakakawala pa dahil na rin sa sakit at pagod na naramdaman sa tunggalian nila ni Munjal. Samantalang si Jaime naman na kahit naguguluhan sa mga nangyayari ay pilit na inihaharang ang sarili sa ginagawang pagwawala ni Munjal.

"Stop it Munjal!" gigil na sinambitla ni Jaime ang mga braso nito.

Taas-baba ang dibdib ni Munjal na hinihingal rin sa nangyari. Matalim pa rin itong nakatingin kay Ahmed.

"My goodness, Kuya Ahmed! What the hell is this?" ang natitilihang wika ni Chase nang makababa at makita sila na halos duguan ang mga labi.

Umikot ang mga mata ni Chase sa loob ng dirty kitchen at nagsambulat lahat ng mga kasangkapan at taob ang ilang silya. Nagbibihis na siya nang marinig niya ang malakas na sigaw kaya nagdudumali siyang lumabas ng silid. At iyon nga ang kanyang nasaksihan, ang rambulan ni Munjal at ng kanyang pinsan. Nahagip ng tingin niya si Red na nangangatal ang katawan. Dali dali niya itong nilapitan at niyakap.

"Are you alright, Red?" ang nag aalalang tanong ni Chase at hinimas ang likod nito.

Hindi nakuhang sumagot ni Red sa sobrang tensyon na nagaganap. Tutop ng isang nanlalamig na palad ang kanyang bibig at patuloy na nangangaligkig sa takot. Tuluyan ng lumawig ang pag aalala ni Chase kay Red at inis na binalingan ang dalawang lalaking nagpambuno.

"What's wrong with the two of you? My God! Gusto niyo bang magpatayan?" gigil na akusa ni Chase.

"Siya ang nag umpisa ng gulo, hindi ako." matatag na wika ni Munjal.

"Dahil pinuno mo 'ko gago ka!" malakas na sabat ni Ahmed.

"Ikaw ang gago Ahmed!" ganting sigaw ni Munjal.

"Tama na guys--" si TJ

"No! He started it at talagang tatapusin ko 'to! No one can stop me--" si Ahmed na nanggagalaiti.

"Stop behaving like a kid Ahmed! Hindi na kayo mga bata para--" si Jaime na parang mapuputol ang pisi ng pasensiya sa nagaganap.

"Ano ba kasi ang pinag aawayan niyo? Masyado bang big deal yon para magpatayan na kayo?" naiiinis na tanong ni Chase habang patuloy pa rin ang pag aalo kay Red na hindi hinihintuan ng panginginig ng katawan.

"Do you wanna know why?" tila nang iinsulto ang tinig ni Ahmed at lumgid ang mata sa mga taong nasa paligid.

"Oo." ani Chase.

Nagulat pa si Chase nang kumuwala si Ahmed sa pagkaka awat ni TJ at inilang hakbang ang distansiya nila ni Red. HIndi niya nakahuma nang tabigin siya nito palayo kay Red na muntik pa nga niya ikatumba. Nagulat silang lahat nang walang anu ano ay haklitin nito ang baywang ni Red.

Tumingin si Ahmed sa mga nakapaligid at huling dinapuan ng tingin si Munjal saka tumaas ang isang sulok ng labi para sa isang nakakainsultong ngiti.

"I believe this is the reason why…" si Ahmed.

Lumarawan ang pagkamangaha sa mukha nilang lahat nang hapitin nito si Red. Lalo silang nagulantang nang walang babalang haklitin pa nito papalapit ang katawan ni Red na napatingkayad. Nanlaki ang mga mata ni Red nang sa harap ng mga ito ay bumaba ang mukha nito sa kanya at siilin siya ng mariing halik sa labi! Napaawang ang mga labi niya sa sobrang pagkabigla. Masakit at mapagparusa ang mamalim na halik ni Ahmed ngunit hindi iyon ang kanyang iniinda knudi ang katotohanang nasa harap sila ng maramimg tao! Tumukod ang mga palad niya sa malapad na dibdib nito upang itulak ito palayo subalit hndi siya nito binigyan ng pag asang makakawala.

Patuloy niyang tinanggap ang mapagparusang halik hanggang sa kusang maghiwalay ang mga labi nila sa kakapusan ng oksihena. Nagtama ang kanilang paningin at nasa mga mta ni Ahmed ang pagnanasang mapang angkin at ang sa kanya naman ay ang bukas loob na pagpapaubaya. Nang mahimasmasan ay saka lamang niya napagtanto na nasaksihan na ng mga tao sa paligid ang kung anuman ang meron sa pagitan nila ni Ahmed. Napayuko siya at tuluyang napahikbi sa tinamong kahihiyan. Napasubsob na lamang siya sa malapad na dibdib ni Ahmed upang itago ang mukha sa kanila.

Awang ang mga labi ng lahat ng mga nakasaksi sa pangyayaring naganap. Lahat ay parang binuhusan ng suka. Wala ni isa na gustong magsalita. Si Munjal ay tiim bagang na nakamasid sa mga nangyari.

"Now all of you know." tila nagmamalaking tinig ni Ahmed.

HIndi makapagsalita sina Jaime at TJ samantalang si Chase ay parang hindi pa mahimasmasan kahit tapos na ang kumpirmasyon ng kanyang pinsan.

"This guy is mine. All mine." seryosong wika ni Ahmed habang iginagala ang tingin sa mga nabiglang kaibigan.

"Not until he confirms he's yours." matigas na sagot ni Munjal.

"There's nothing you can do but to embrace the fact that Red can never be yours, Munjal." si Ahmed na matalim na nakamata kay Munjal.

"Not if I can help it." determinadong wika naman ni Munjal na sinalubong ang tingin ni Ahmed.

"Matagal na bang nangyayari 'to?" tanong ni Jaime na hindi makapaniwala.

"I never thought that the two of you would end up screwing each other over one guy." napapailing na sabi ni TJ.

"Huwag kang magsalita as if ang linis mo Tuck." sabat ni Chase na talagang nainis dito dahil sa nakitang lalong paghikbi ni Red sa narinig.

"Hindi ako ang pinag uusapan dito Chase--"

"TJ, it's enough." pigil ni Jaime.

"Why don't you just let go of Red, huh Munjal? Obvious naman na ako ang panalo." asik ni Ahmed.

"I don't have any bad intentions on him. Ikaw ang dapat na lumayo sa kanya." si Munjal.

"Hindi ikaw ang gusto niya, so don't push yourself too much towards someone na alam mong may gustong iba."

"I told you, wala akong ibang intensyon at malinis ang hangarin ko sa kanya. I just want to protect him from you."

"Superman, huh? Wala kang dapat ipagtanggol dahil hindi ko naman siya sinasaktan--"

"You already did. And you've done it so many times. At alam kong kailangan ako ng kaibigan ko."

"Kaibigan?" napaismid si Ahmed.

"Oo. At mahal ko siya. Handa ko siyang ipaglaban sa 'yo."

"Mahal? Let me ask you something. Kakainin mo pa ba ang isang mansanas na puro laway na ng iba?" naghahamon na tanong ni Ahmed.

"Anong--"

"Sa tingin mo ba, hindi ko titikman ang isang mansanas na alam kong masarap? Na hahayaan ko na lang kahit alam kong gusto niyang magpakain sa'kin?"

Napaangat ang ulo ni Red sa pagkakayupyop sa dibdib ni Ahmed at awang ang mga labing napatingin sa mukha nito. Samantalang tumulo naman ang pawis ni Munjal sa noo dahil sa narinig. Nagtatanong ang mga matang inuusig si Ahmed. Naganap na pala ang kinatatakutan niya para kay Red. Ang mahulog kay Ahmed.

"Tama ka sa iniisip mo Munjal. It already happened at maraming beses na. In fact, the latest was last night…. and we did it until the wee hours in the morning."

Tila bombang sumabog ang mga katagang binitiwan ni Ahmed sa harapan nilang lahat. Subalit si Red nang mga sandaling iyon ay tila binuhusan ng kung anong napakalamig na tubig ang buong katawan. Talagang napanganga siya dahil ibinunyag ni Ahmed maging ang mga bagay na dapat ay sila na lamang ang nakakaalam.

"Stop it, Kuya…." ani Chase.

"Well, what else do you want to hear? We had sex, we screwed, we fucked or whatever you may want to call it. Now tell me, do you still want me to enumerate all the details how we did--"

PAK!

Isang malakas na sampal sa kanang pisngi ang pinadapo ni Red kay Ahmed. Nanginginig ang mga kalamnan niya habang may pait sa mga mata na nakatitig dito.

"H-how dare you…" tuluyan ng napahagulgol si Red sa labis labis na humilisasyon na natanggap.

Hindi na niya nakuha pang makapag salita dahil sa paulit ulit na pagsinok. Sumasakit ang dibdib niya na parang sasabog sa sobrang bigat na nararamdaman. hindi siya makapaniwalang magagawa nito ang gayon ng hindi isinasa alang alang ang magiging damdamin niya. Talagang wala itong ibang alam gawin kundi ang saktan ang damdamin niya.

"Baby…" si Ahmed na tila natauhan nang makitang humahagulgol si Red sa harapan niya.

"Good heavens, Kuya! That was uncalled for! Hindi na dapat sinasabi 'yan!" galit na sabi ni Chase habang hinila si Red at niyakap upang amuin at patahanin sa pag iyak.

"I- I'm sorry baby…" sabi ni Ahmed at akmang hahawakan si Red.

"Don't touch me!" mahinang tanggi ni Red.

"Baba…" akma ding aaluin siya ni Munjal at humakbang palapit sa kanya.

"No, Munjal…. not now please…." pakiusap ni Red.

"But baba… I--"

"Kuya Munjal please…. ako na ang nakikiusap…. iwan nyo muna kami ni Red." si Chase.

HUminto si Munjal sa paglapit at pinagmasdan ang wala pa ring patid na pag iyak ni Red.

"Kuya Jaime… Tuck… please… ako na ang bahala kay Red… Ilayo ninyo muna silang dalawa dito." tukoy ni Chase kaina Munjal at Ahmed.

Sumubsob si Red sa dibdib ni Chase at doon binuhos ang lahat ng sama ng loob. Hinimas naman siya nito sa likod at binubulungan ng mga encouraging words para tumahan siya sa pag iyak.

Tinangkang alalayan ni Jaime si Munjal subalit tinabig nito ang kamay niya. Sapo pa rin ang likod ng ulo ay laglag ang balikat na lumakad ito palayo sa lugar na iyon matapos tapunan ng huling sulyap ang umiiyak na si Red. At si Ahmed naman ay sa kabila ng gustong pananatili sa tabi ni Red ay hinila na ni TJ paalis para na rin sa ikatatahimik pansumandali ng sitwasyon.

"Come on bro…." aya ni TJ.

+ + + + +

Masama ang loob… mabigat ang pakiramdam….masakit ang mga kalamnan at medyo nahihilo si Munjal nang tunguhin ang garahe. Ibinagsak niya ang pagal na katawan sa driver's seat at saka mariing pumikit at huminga ng malalim. Parang gustong sumabog ng kayang utak. He lost Red to Ahmed. Wala naman siyang kung ano talagang hinahabol kay Red… alam niyang mahal niya ito…bilang isang mabuting kaibigan…and the feeling is mutual. Pero ang hindi niya matanggap ay ang katotohanan na natalo siya sa laban nila ni Ahmed. Him trying to protect Red and Ahmed trying to own Red.

Red is such a sweet and too innocent guy to match Ahmed's agressive personality. Ngunit anuman palang pilit niyang proteksyunan ito ay sa malupit na kamay din pala ito ni AHmed mapupunta. At damang dama niya…. Red loves Ahmed… but he aint sure if the feeling is reciprocated. Ahmed maybe likes Red…. or wants him to be precised. Pero hindi iyon kasiguruhan kung mamahalin bang talaga nito si Red o hindi.

Sumakit lalo ang sintido niya sa mga naiisip. Ano nga ba ang pinaghihimutok niya? Ang katotohanang napasuko na ni Ahmed si Red… o ang kabiguan niya na muling maprotektahan ang isang taong malapit sa kanya? Gaya ng nangyari kay Yael…. na hindi niya naproteksyunan laban sa pananakit ng masamang bahagi ng pagkatao niya….Hindi man tamang isipin… si Yael talaga ang nakikita niya habang kasama ito… at sa pamamagitan ni Red, ay naiibsan ang pangungulila at matinding guilt na nararamdaman kapag maaalala ang mga pangyayaring naganap sa pagitan nilang dalawa… Yael…. mahinang bulong niya.

Kalalabas pa lang niya sa malaking gate ng hacienda ng mauli niyang maramdaman ang pagkahilo. Pumikit siya at hinimas muli ang bahagi ng ulo na nasaktan kanina. Ngunit sa muling pagmulat niya ay mas lalong tumindi ang pag ikot na paligid. Hindi naiwasan ang pag gewang ng mga gulong ng kotse niyang minamaneho. Hinigpitan niya ang paghawak sa manibela at tinatagan ang loob dahil ramdam niya anumang sandali ay may mangyayaring hindi maganda. Sinubukan niyang ihinto ang sasakyan ngunit huli na ang lahat dahil sa muling pagbilis ng pag-inog ng kanyang paningin ay hindi niya namalayan at naiiwas pa ang sarili sa paparating na malaking sasakyan na makakasalubong. Ipinikit niya ng mariin ang mga mata.

Screeeeeeeeccccchhhhhhh!!!!!!

Wakas…..

+++++++++++++++

Epilogue
"How is he?" tanong ni Red sa kabilang linya.

"He's a total mess… pinabayaan na niya sarili niya…"

"My God…"

"Walang makalapit sa kanya dahil parati siyang nagwawala…. hindi ko na alam ang gagawin ko…." humihikbing pahayag ni Chase.

Unti unting dumudurog sa puso ni Red ang bawat katagang naririnig kay Chase mula sa kabilang linya. Si Munjal, matapos ang isang malagim na aksidente, bagaman at hindi binawian ng buhay ay nagmistula na rin itong walang gana pang ipagpatuloy ang paghinga dahil sa pinsalang tinamo. Ayon sa doctor na nakausap niya at sa pagkakaalam nilang lahat ay may nadurog daw na buto sa magkabilang tuhod nito na nging sanhi ng pagkakalumpo nito… at hindi lang iyon… ang mas masaklap pa ay pagkawala ng paningin nito dahil sa mga bubog na pumasok sa loob at matinding puminsala ng mga mata nito.

Hustong tatlong buwan na magmula ng maaksidente si Munjal ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito magawang makita ni Red sa kabila ng pagpipilit niya. Gaya ngayon sa ikinuwento ni Chase, ayaw daw nitong humarap maski kanino. Walang makalapit ng basta basta maski ang mga kaibigan nito. Laging nagwawala… ayaw magkakain…ni hindi na raw ata naglilinis ng katawan. Tumulo ang luha niya sa hinagpis sa sinapit ng kanyang mahal na kaibigan. Maging siya ay ayaw din nitong makita dahil makailang beses na niya itong sinubukan na lapitan o pasukin at bisitahin sa loob ng silid na ito ngunit puro sigaw at pagtataboy ang naririnig niya. Ang lahat ng mahawakan ay ibinabato sa kung saan.

Walang makatagal na nurse na magbantay dahil sa pagiging bayolente nito. Lahat ng mga hinahagilap nilang mag aalaga dito ay hindi tumatagal ng dalawang araw dahil sa sindak na masaktan kahit pa inaalok nila ng malaking halaga. Gusto niyang sisihin ang sarili sa lahat ng mga nangyari. Kung hindi dahil sa kanya… sa kanyang katangahan nung unang araw ng eskuwelahan ay di sana nangyari ang ganito kalalang sitwasyon. Wala sanang gulo sa pagitan ng matalik na magkaibigan… wala sanang napahamak…

Pinahid ng kanyang likod ng palad ang luhang nagmalabisbis sa kanyang pisngi. Ngayon higit kailanman ay kailangan niyang magpakatatag at huwag sumuko sa kinakaharap na sitwasyon. Handa niyang ibigay ang lahat ng pang unawa, pagkalinga at pagmamahal sa taong hindi siya tinuring na iba sa halip ay minahal siya bilang isang espesyal na kaibigan. Nagpakawala siya ng hangin sa dibdib at pinilit na ngumiti. Marami pang araw na darating kaya tuloy ang buhay…tuloy ang pag asa. Wala siyang dahilan para bumitaw gaano man kaliit ang pag asang nasa kamay niya.

Saglit niyang nalimutan ang mga dinadala sa dibdib nang maramdaman ang masuyong paghaplos ng tubig alon sa kanyang mga paa. Nasa isang beach resort siya ngayon na pinagdalhan sa kanya ni Chase para naman daw ma irelax at pahinga niya ang pagod na isip at katawan. At kahit nga papaano ay nalilibang siya habang pinagmamasdan ang malilit na alon na humahampas sa dalampasigan. Sa kanyang paglalakad sa aplaya ay nakakita siya ng sea shell sa pampang. Napangiti siya at pinulot ito. Hindi ito kalakihan marahil ay kasing liit lang ng kanyang kamao ngunit napakaganda at puting puti ang kulay na may maliliit na batik batik na orange at itim.

Pinili niyang maupo kahit mabasa ang kanyang suot na shorts at sando dahil sa hampas ng tubig. Masusi niya itong tiningnan. Naalala tuloy niya nung mga bata pa sila, sa tuwing mag a outing ang pamilya sa isang resort ay namumulot silang magkakapatid ng mga ganito ring sea shell bagama't hindi iyon kasing ganda ng hawak niya ngayon. At pagkatapos nilang mangolekta ng mga kabibe ay isa isa nila itong itatapat sa tainga at pakikinggan ang ugong doon na sabi ng mga nakakatanda ay alon daw ng dagat. Tuluyan siyang napangiti at inilapit ang hawak na sea shell sa tenga at pakinggan ang mahinang bulong ng dagat doon.

"Baby…"

Bigla ang naging paglingon ng kanyang ulo sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Si Ahmed na nakatayo ng ilang dipa mula sa kanya. Bagama't bakas pa rin ang kakisigan sa suot nitong summer shorts na kulay dark blue at sky blue na fitted sando ay kapuna puna ang pagiging matamlay nito. Bumuntung hinnga si Red. Ilang liggo na rin o higit sa isang buwan na rin yata nang huli niya itong makita. Desisyon niya na lumayo muna dito at huwag munang makihalubilo kahit sa kaninong miyembro ng barkada ng mga ito (maliban na lang kay Chase) dahil gusto niyang makatikim ng sinasabing peace of mind. Kahit pa sabihing nangungulila siya sa presensya nito lalo na tuwing sasapit ang gabi ay tiniis niya upang malayang makapag isip. Ngunit heto at dumating ng 'di inaasahan ang pagkikita nilang muli at parang gusto niya itong sugurin ng yakap at halik. Subalit nagpigil siya.

"How's my baby?" masuyong tanong ni Ahmed.

"I-i'm good." matipid na sagot niya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo ngunit hindi na muling ibinaling ang tingin dito at ipinokus ang konsentrasyon sa hawak na kabibe. Nilaru laro ito ng kanyang mga kamay.

"Galit pa ba ang baby ko?" nag-aalangan na muling tanong ng arabo.

Hindi siya sumagot bagkus ay tumingin siya sa malayo. Malaya niyang pinaglaro ang mga paa sa mga maliliit na alon na humahampas sa kanya.

"So this crazy guy is still unforgiven…." malungkot na tukoy ni Ahmed sa sarili.

"A few months ago, I met this young guy…. walang muwang na naglalakad sa school. Unaware na may makakasalubong na apat na naguguwapuhang lalaki…" natatawa pang saad ni Ahmed.

"….hindi ako umiwas kahit alam kong mababangga niya ako dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya. From afar, alam ko kasing may hitsura ang taong makakabunggo ko but I was mistaken. Dahil ang lalaking hawak ko sa baywang ay isang magandang lalaki. At that moment, my heart pounded fast and I didn't know why… or I should say, I didn't want to know the reason why. I felt the guy's weakness as he gasped in pain when I dragged him up to the very last floor of a building. But then, when I looked into his eyes… I even felt much weaker. There was something unexplainable in his eyes that made me lose my sanity and control. I felt like something had taken control over me and that was unacceptable on my part. Hindi ko matanggap na may taong kaya akong pasunurin at paamuin. So that time I thought to fight the weird feelings that slowly breaking my barriers into pieces…and that was by giving you physical and emotional pain. I thought that after the pain that I've caused you, you would just go and disappear from nowhere… but I was totally wrong because you stayed…"

Napapikit si Red sa mga naririnig kay Ahmed. Nanginginig ang mga kamay niya na pinagsalikop niya sa harapan. Kung nananaginip siya ngayon ay ayaw na niyang magising.

"….I've bedded so many women in my life. Hindi ko na nga mabilang kung ilan. But when I came to know that young guy… I stopped flirting around with those girls. Nawalan na ko ng interes sa kanila. Ang atensyon ko ay nasa taong mailap na ayaw magpa angkin sa akin. I even used force just to pull him closer but he kept on denying me….at hindi ko iyon matanggap. Na ang guwapo, mayaman at makapangyarihang tao na katulad ko ay tatanggihan at iiwasan ng isang pangkaraniwang tao lang. Ang mas masakit pa, nakikita kong mas nahuhulog ang loob niya sa isa kong kaibigan. But I'm the type of guy who never takes a 'no' for an answer… So I decided to lay my last card. I used my charm and sex appeal over that guy and I succeeded. I had him…. physically at least. I thought that some sort of physical release would give me enough satisfaction but then again, I was wrong. Because I began craving for something more…"

"Ahmed…."

"…. naalala ko pa na sinabi ko na isa lang siyang play thing para sa 'kin. I could clearly remember that pain and sadness that flashed his eyes when I said that. But now, I guess the tables are turned. Karma na nga yata ito sa akin. All the emotional stress that I have given that guy are bouncing back to me now. Bakit? Dahil ngayon, handa akong maging sunud sunuran sa kanya… ang gawin lahat ng maisipan niya… ang lumuhod para lang makuha ang kapatawaran niya…at gawin kahit ano basta mabawi ang pag ibig niya…. Masakit mang sabihin… I'm your toy now, baby…"

"Ahmed…" hindi alam ni Red ang sasabihin.

"I love you baby…. mahal na mahal…" ang madamdaming wika ni Ahmed na nakapagpalaglag ng luha ni Red.

Nabitiwan ni Red ang sea shell na hawak at patakbong sumugod ng yakap kay Ahmed. Sumubsob siya sa malapad na dibdib nito at tuluyan ng napaiyak. Subalit ngayon, ang pag iyak na iyon ay dahil sa sobrang kaligayahan na nararamdaman. Walang pagsidlan ang saya sa puso niyang nag uumapaw ngayon sa matinding damdamin para sa lalaking yakap yakap. Niyakap din siya nito ng mahigpit at kinintalan ng magaan na halik sa sintido. Isang halik na puno ng respeto at pagmamahal.

"Ssssshhhh, don't cry baby." alo ni Ahmed.

Tinaas nito ang baba ni Red upang magtama ang kanilang paningin. Buong pagsuyo niyang hinalikan ang mga luha nito sa mata at pagkatapos ay puno ng pagmamahal na hinalikan ito sa mga labi.

"I am just so happy, Ahmed…." cried Red.

"Same here, baby."

"I love you so much Ahmed. Mahal na mahal kita."

"I love you more…"

* **THE END***