1. Home
  2. Stories
  3. Extra Jump! Ang Mga Hari Ng Basketball (Ep. 8)
Filipino Sex Stories

Extra Jump! Ang Mga Hari Ng Basketball (Ep. 8)

By 9791cloud ·

Extra Jump! Ang mga Hari ng Basketball (ep. 8)
author: cloud9791

Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.

SPG content:This story posted in this page/website might include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the age of 18, or if such material offends you or if it is illegal to view such material in your community, please exit the page or stop reading now….

© 2021 cloud9791.This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

------------------------------------------------------

Kay Glenn Torio…

NAgsimulang pumasok sa gym ang mga estudyante ng school namin! LAlo akong naexcite! Gusto ko nang pumasok para maglaro! Pero pagtingin ko kay coach andun na si MAcario sa tabi ni Coach.

"Coach pasok nyo na ko. Tambak na tayo oh!" Si Rudy MAcario.

"Maupo ka nga! SIT!!" Ang hila naman ni Bea kay Macario.

"Tigilan mo nga ako Bea! Gusto kong maglaro!!"

"UMUPO KAAAA!!" Ang hiyaw ni Bea.

Napa-SHIT!! Ako sa isip ko! Iba talaga ang babaeng to parang dinig sa buong gym ang hiyaw nya! Dun parang natameme si Rudy Macario sa sindak sa hiyaw ng Bea na to! Nakita ko si Jenny… NAkatakip ng dalawang kamay ang bibig nya!

Haay ang ganda talaga nya! Ang maputi at maganda nyang mukha. Ang mapuputing nyang kamay at braso. Ang simpleng pag-ayos nya ng kanyang buhok sa may tenga… ISa akong schoolboy na tulo ang laway nakatingin sa crush nya. Pagtingin ko uli late ko na napansin nakatingin na rin pala sya sakin! PArang umakyat ang lahat ng dugo sa pisngi ko. Bigla sya nag-muwestra ng peace sign sakin. Ano kayang ibig-sabihin nun!?

Secret code to!? Siguro may gusto sya sakin?? TANGA! VICTORY SIGN LANG YUN!! BOBO KA TALAGA! Wag ka na mangarap bhoi! Hindi mo ka-level si Jenny. Ang paglalaban ng mga konsensya ko sa loob ng isip ko!

Nang…

"AAAAYYYYYY!! Ang malakas na hiyawan ng mga chicks sa stands ng gym. Andami talagang babae ng San Gabriel university!

Kaya pala naka-score na naman si Ace ng layup! Ang galing talaga nya! Hiyawan ang mga coeds ng school namin! Sana ako rin ganun din kagaling katulad ni Ace!! Mas marami pang estudyante namin ang papasok na sa gym!

Ang galing talaga!! Ang hiyaw ko sa isip ko. Napatayo uli ako mula sa bench. PAgtingin ko kay JEnny tuwang-tuwa din sya sa panunood. Ang ganda talaga nya. Ang makinis at maputi nyang balat. Mamula na pinkish na mga labi. Kay-itim na shoulder length na buhok. Para akong kinikilig sa pwesto ko na hindi malaman.

TANGINA! Kay Jenny na naman ako nakatingin!? Iwas Glenn iwas bilis! Mamaya mahuli ka na naman nya! Kakahiya! Iniwas ko ang tingin ko galing kay Jenny. Napatingin ako sa isa pang babae sa team namin.

Ang babaeng may malakas na sigaw. Tinalo pa ata ang mga estudyante ng Mariam University sa lakas ng hiyaw. Si Bea yun na nagmamanage ng team namin! Kaliit-liit na babae ang lakas ng hiyaw! Iba naman ang ganda ni Bea cute na malakas ang sex appeal. Okay din sana kaya lang ang sungit sakin!!

Tapos nagtama ang mga paningin… Ay shet!! Yung tingin ni Bea na parang sinasabi nya sakin… Hentai!! Maniac!! Pervert Glenn!! Napayuko nalang ako sabay patay-malisya. Unti-unting binalik ko ang tingin ko sa basketball.

Tama na nga yan Glenn! Mag-concentrate ka sa laro! Nakita ko may mga nagpasukan na ang mga ka-schoolmates namin sa stadium. Dumami na lalo ang mga manunood!! Dahil yun sa ginawa ni Ace! Ang galing talaga niya!! Sana maging ganun din ako kagaling!! Bumalik ang concentration ko sa panunood.

"Sus… Kaya ko rin yun." Ang pagmamaktol naman niRudy MAcario.

Balik sa Mariam ang bola. Lumalakas na naman ang kabog ko sa dibdib. Bakit ba ako ganito kinakabahan na naman ako. Samantalang nanunood lang naman ako. Dumarami na kasi ang mga nanunood!

PAgtingin ko sa scoreboard… 12-10 ang score. Wow dikit na agad kami sa Mariam University!? Ang isa sa mga pinakamalakas na teams sa National LEague!!

"Don't worry guys… Chamba lang yun. Hindi na natin papa-iskorin yang mga yan." Ang ngisi na mayaban nung Marcus na yun habang nagdidribble ng bola.

"Asa pa kayo mga ulol!" Ang malakas na boses ni MArcus ng Mariam University.

Inang to! Anyabang! PAg-ako nakapasok! Ano Glenn!? Anong gagawin mo!? Kala mo naman sinong magaling na!? Tuwing napapatingin ako kay Jenny mas lalo ko pang gustong pumasok! Pasok mo na ako coach!! Tumitingin ako kay Coach Dido pero naka-concentrate sya sa laro.

Napansin ko naka-spread out ang floor. NAsa may gitna si MArcus. Binabantayan sya ni Vice Captain namin Bong Alolor! Sa isip ko kala mo makakalusot ka sa Vice Cap namin ha! Beterano na ata ya…

Nang biglang drumive si Marcus sa gitna!! Nakita ko kung paanong nakasunod si Vice Cap Bong sa mayabang na si Marcus, pero halatang nahihirapan sya. Malaki at malakas ang katawan ni yabang, kahit si Vice Cap Bong napanganga sa lakas at liksi ni Marcus! Hanggan sa tumalsik bumagsaka napaupo sa floor si Vice Kap Bong!!

"CAPTAIN!!" Ang malakas na boses ni Bea nang makitang bumagsak si Vice captain Bong Alolor.

Nakangisi nalang ang gagong Marcus nang papalayup na ito papunta sa ring. Shit makaka-iskor na naman si gago!! NAng makita ko tumalon pagkataas sa ere… Si Ace! Sasabayan nya si Marcus!!

"ACE!!" Ang hiyaw namin parehas ni Rudy.

PRRRRTT!! FOUL! BASKET COUNTED!! Ang narinig nalang namin.

"PUTANGINA COUNTED PA!?" Ang napatayo namang si Rudy Macario.

Tangina! Pasok ang bola! MAgaling nga yata talaga tong mokong na to! Ako agad ang unang hinanap ni yabang at nginisian!! Yung tingin-ngisi na parang sinasabi nya sakin… ANO!? Tapos nakita ko kinindatan nya ang crush kong si Jenny!

GRRRRR!! TANGINANG TALAGA NETO!! Ang hiyaw ko sa isip.

AYYEEEEEEEHHHHH!! Ang hiyawan naman ng mga magagandang girl fans ng Mariam University!! Tangina marami nga ata talagang fans si Gago!!

Pumunta sa may free-throw line si Marcus. HAwak-hawak pa ng isang kamay ang bola nakatingin sa ring. Pumuporma pa ang gago na parang nagpo-pose. Ina mo! Ishoot mo na ang bola! Nakita ko kilig na kilig naman ang mga estudyante coeds ng Mariam sa kanilang magaling na player.

BOOOHHH!! Hindi nya mapapasok yan…. Tangina SHOOT!!

15-10 ang score!! Lumalayo na naman ang score ng mga ugok na to! PEEJ!! Nang matapik ng isang player ng MAriam ang pasa para kay Ace. Binabantayan na nila ng husto si Ace! Steal ng player na si Rex Cotas. NAgdidrible na ito mabilis para atakihin ang ring namin.

Nang malapit na sa ring tumalon ito ng pagkataas… At Dunk!!! Hiyawan na naman ang mga fans ng Mariam University!! Marami din sa mga estudyante namin ang naghiyawan para sa kalaban! Anlakas na ng hiyawan uli sa buong gym!! Hoy! Teka! Bakit sa kalaban kayo nagchi-cheer!!

Ganito pala yun. Ang maka-Slamdunk! Sana marunong din ako mag-dunk… Sana kaya ko rin mag-dunk!! Balik samin ang bola. Si Captain ang nagdadala ng bola. Ang tangkad nya pang-small forward pero sya ang nagdadala ng bola. PAg-tawid nya ng bola sa half-court… May papasalubong na agad sa kanyang dalawang players ng Mariam! Pinasa agad ni Captain Zeb ang bola! Pagsalo ni Vice Cap Bong, pinasa nya agad ang bola kay Ace!Nagrotate agad ang isang player ng Mariam. Pa-double na rin uli ang isang player para bantayan si Ace!!

Pinasa rin naman agad ni Ace ang bola… Papunta kay Jomard Santos. PAra syang nagulat nang pinasa sa kanya ni Ace ang bola. Libre sya!! TIRA NA!! Ang sigaw ko sa isip ko. Ang bantay nya na kay Ace. Tumira sya sa ilang feet nalang mula sa ring… TOGOK!! Mintis!! NAkuha uli ng Mariam ang bola… Hiyawan ang mga fans nila!!

"Aysh… Sayang… Go back to Defense nalang!!" Ang narinig kong nanghinayang na si Bea.

Nakatingin samin si Jonard Santos na parang guilty. Hawak na naman ng Mariam ang bola. Dribble-dribble na naman si Marcus ang isang daliri nya parang naka-senyas. Ano yun? Pumwesto ang matangkad nilang sentro na si Gilbert Cruz. Pagpasa sa kanya ng bola ni Marcus. Nag-low post dribble na ito. Binabantayan sya ng mas maliit naming mejo chubby na sentro na si Sam Locsin.

Kitang-kita ko nag-aalala si Captain Zeb sa sitwasyon. Magaling siguro na player itong si Gilbert.

"Ang isa sa mga top centers sa Senior highschool… 6'11 center… Gilbert Cruz!!" Si Bea.

Pagkasabi nun… Biglang pumunta si Captain Zeb para dumoble kay Gilbert!! Pag-lapit ni Captain kay Gilbert. Pinasa agad ng sentro ang bola sa nalibreng player!! Ang shooting guard ng Mariam university… Yung Vincent ata yun Del Rosario,.. Pagsapo ng bola… Nakahanda na agad ito tumira sa may long 2. SWHOOO!!! Pasok ang bola!!

"NAKU NAMAN OH!!" Si Bea na naman na laging mainitan ang ulo.

Malapit na matapos ang 1st half tambak na naman kami. May naririnig ako mga usap-usapan sa ilang estudyante ng San Gabriel…

"Sabi sayo matatalo pa rin yan… Talunan talaga team natin. Sabi sayo hindi na tayo dapat nanunood."

PAgtingin ko ilang mga junior high na studens, hindi kalayuan sa may stands sa likod namin. Ina tong mga to. Hindi pa tapos ang laban e. Pero ang nakita kong mukhang nasasaktan… Ang anak ng may-ari ng school si Jenny. Sa mukha nya pinipilit lang nya ngumiti, pero halatang nasasaktan sya.

"Ano alis na tayo dito. Sigurado talo yang mga yan." Ang mga ilang naririnig ko pa.

Sabagay hindi ko rin sila masisi. Lalo pang lumaki ang lamang. Nahihirapan sa opensa ang team namin. Minsan nakakalusot si Captain Zeb at Ace para maka-iskor. PEro hirap sila kasi lagi silang bantay sarado ng kalaban. Pati sa defense nahihirapan din ang team namin. Mejo pinanghinaan ako ng loob sa nakikitang score. PEro malaki pa rin ang tiwala ko sa team namin! Biglang nagsenyas ang referee. Nagtimeout pala si Coach!

"Team… Halikayo saglit…" Tawag samin ni Coach.

Nag-instruct samin si Coach ng ilang plays sa defense. Parang pagkakaintindi ko mas galingan namin ang defense. More on one on one defense. Kelangang pigilan ang kabilang maka iscore. Nang patapos na ang timeout namin. Gulat ko ng hinawakan ako ni Coach sa may braso tsaka si Rudy Macario.

"Papasok kayong dalawa… Asahan ko kayo ha…" Ang sabi samin ni Coach.

"SA WAKAS!! BUTI NAMAN COACH! Sabi ko na maiisip mo ring kelangan mo ako eh. Hahahaha!!" Ang laking tuwa ni Rudy.

Sobrang saya ko!! Eto na ang first game ko at first time kong makakalaro! Para akong maiiyak sa pagpasok sakin ni Coach Dido!!

"Tsaka… Nasan na si… Si Tristo Asan…" May hinanap pa isa si Coach Dido.

PUTANGINA!! NAkahiga dun sa likod ng bench si Gago!! NATUTULOG!! Nakita ko kung paanong maggalit ang mukha ni Captain Zeb. Parang kumukulo ang mga ugat nya sa mukha. NAgtayuan ang mga ibang players namin sa bench. PAgpunta ni Captain kay Allan Tristo…

"Ala-Aray Aray ARAY!!" Ang atungal ni Tristo!

Hila-hila ni CAptain si Allan papunta sa harap ni Coach at namin. KAwawa rin naman si mokong. Halos matanggal ang tenga nya sa pagkakahila ni Coach Zeb. Hindi maliit na tao si Allan pero sa laki ng katawan at 6'8 height ni Captain Zeb lahat manliliit sa kanya!! Ayoko gawin sakin ni Captain yun!!

"Aray naman Captain… Physical abuse…" Ang hawak ni Allan sa tenga nya.

"Gusto mo makatikim ng abuse??" Ang mukha ni Captain Zeb nagdilim.

"Aye-aye Captain!" Si Allan ng makita ang mukha ni Captain Zeb.

"Ipapasok ko kayong tatlo. Malaki ang tiwala ko sainyo ha."

"YES COACH!!!" Ang lakas ng boses namin ni Rudy Macario.

"Go Glenn!!" Ang narinig kong pamilyar na boses ng isang babae!

Si Jenny!! Taena halos tumulo ang luha ko. Kahit ibasted na ako ng lahat ng babae. Basta may Jenny ako. Masayang-masaya na ko!! Oh GOD kung may isang dasal lang ako… Itinaas ko ang kanang kamao ko tapat kay Jenny. Ano ka feeling mo si Naruto ka!? Pero laking tuwa ko ng ginawa din yun ni Jenny sakin! OW SHIT!!Jennyyyy…

Okay na sana ang moment eh! Nang makita ko ang nakakatakot na titig ng Grandmaster namin. Nang Beta Tres Sigma. Si Alexa!! Hehehe Napatalikod nalang ako. Pero… Yes!! Makakapaglaro na ako! Ang aking first ever game!!

"Ayan na pinasok na ang mga bangko. Sigurado comedy rin yang mga yan! Hehehe!" Ang dinig ko galing sa mga nanunood.

Inang mga to! Imbes na suportahan kami!

"SINO NAGSABI NUN!?" Ang malakas na hiyaw ni Rudy Macario.

Nagreact kaagad yung isang lalaking studyante. Huling-huli agad sya kasi nasindak sya kay Rudy! Kasama nya ang ilang babaeng taga-school din namin.

"Bumaba ka dyan, ilulubog kita sa lupa animal ka!" Si Rudy pa rin.

Dun ko nakita si Coach nakatingin na samin. Pati si Bea, napapansin ko parang malapit na sya sumabog!!

"Uy! Uy! Rudy tama na yan! Baka tayo palabasin!" Pilit ko hila kay Rudy.

Malakas ang katawan ni Rudy tsaka mas matangkad sya sakin. 6'0 lang ako samantalang 6'10 lam ko si Rudy. Sa rambol na nangyari ilang linggo na nakaraan na kasama ako. Ilang myembro ng kakompetensya naming frat ang pinatumba ni Rudy! Hindi na halos mabilang!!

"Hinde! Masasanay yang gagong ya…" Ang naputol na sasabihin ni Rudy nang…

TAG!! Nang may sumipa sa puwit ni MAcario. NApatalsik sya patumba sa floor.

"Nagde-delay ka ng game… Ungoy! Pumasok ka kung papasok ka. Kung ayaw mo bumalik sa bench!" Si Ace yun!!

Si Ace lang naman talaga ang isa sa mga pwedeng makatapat kay Macario bukod kay Captain. Nakita ko si Captain malapit na rin kay Rudy. Naunahan lang banatan si Rudy.

"PUTANGINA SINO YUN!!" Ang mabilis naman na nakatayong si Macario.

Nakakatakot yung mukha nya. Parang kusang lumalayo ang mga paa ko!

"Ako bakit unggoy?" Si Ace ang walang takot ang mukha.

"HOOOOYY!!! HINDI BA KAYO TITIGIL!? ILALABAS KO KAYONG LAHAT!!" Ang nakakasindak na hiyaw ng isang Bea.

Nanlaki at nagulat ang dalawa sa pinakamatangkad sa team namin. Si Ace Mendoza at Rudy Macario. Alam mo yung nasindak na hayup… Ganun yung itsura nila!! Mukhang tumigil naman mag-away ang dalawa!

Haay buti naman… Ayaw ko bumalik sa bench. Gusto ko na maglaro!! Nagpunta na kaming tatlo sa gitna ng ring para samahan si Captain Zeb Jacinto at Ace Mendoza. Lumabas si Vice captain Bong Alolor na parang iba ang lakad. PAti si center Sam Locsin at power forward Jomard Santos inilabas din. Pumalit kami nila Alan Tristo, Rudy Macario at ako.

Ang new lineup ng Team San Gabriel Kings!!

© 2021 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

--------------------------------------------------------------------------

Kay Bea…

Nang makita ko papasok ang mga bago naming players. Hindi ko mapigilan… NAgiging emotional ako sa mga hayop na to. Si Manyakol Glenn para sa point guard, Shooting guard Alan Tristo, Small forward ang basketball captain Zeb Jacinto, power forward Ace Mendoza at sa center si Tigas-ulo Rudy Macario.

Eto na ba ang pinakamalakas na lineup ng Kings!? Naisip ko sa sarili ko. Hayan na! Dala-dala na ni manyakis ang bola!

"GO SAN GABRIEL! GO KINGS!!" Ang malakas na hiyaw ko ng pag-cheer para sa minamahal kong team!

Napatingin ako kay Torio. Ang galing na nya mag-dribble! Nung una syang nag-tryout lagi tumatama sa paa nya ang bola. PEro ngayon… Bakit?

"Glenn! Kaya mo yan! Fighto!!" Ang narinig kong pamilyar na boses hindi kalayuan sa may likod namin…

Si Jenny!? Siya ba!? Siya ba ang dahilan? Trinaining nya si manyakol!? Kaya lang si manyakol Glenn halatang kinakabahan. Tumama pa rin sa paa nya ang bola!! SUSMARYOSEP LINTEK KA!!! Ang hiyaw ko sa isip ko ng tumalsik ang bola… Parang ang pagkasabik ko… Tumatalsik na rin…

Nang makuha ni Captain Zeb ang bola. Mabilis sumalaksak sya sa puso ng team ng Mariam University!!

Si Captain Zeb ang isa sa mga tinuturing na best players sa buong bansa!! Kaya lang sa halos 2 taon nya sa senior highschool, sya lang talaga ang magaling sa team namin.

Mabilis na pappasalubong ang 2 players ng team Mariam sa kanya!! Eto na naman ba tayo!? Pag nabantayan na si Captain Zeb hirap na kaming maka-iskor!!

CAPTAIN!! HU!HU!!

Nang binehind the batok ang mabilis na pasa nya kay antukin King… Naipasa nya ang bola kay Alan Tristo… AAYYYYY!!! SHIIT!!! Parang inaantok pa si tungaw! Hindi nya ata masasalo ang bola!!??

NASALO NYA!! Thank goodness! Walang siyang bantay… Biglang tumira ng tres ang tungaw na player namin… SHEEEWWW!! PASOK!! PAno nya napasok hindi ko alam parang hirap pa nga imulat ni Antukin king ang mga mata nya pero pumasok!! Three points!!!!

"HYEAAAAAA!!" Ang malakas na tili ko.

25-13 na ang score! Malapit na matapos ang first half… Kaya namin to!! GO TEAM!! GO TEAM!! Bukod sakin at ang mga players sa bench. ISa pang manunood namin ang malakas din ang cheer para sa San Gabriel Kings…. Si JEnny!!

"Nice shoot…" Ang appear ni Captain Zeb kay Alan. Sa itsura nga nya parang hindi pa nya alam na naka-shoot sya.

Balik sa Mariam University ang bola. Halatang hindi naman naapektuhan pa si Marcus ang point guard ng kalaban. Mayabang pa rin ang mukha nya! Balang-araw tatampalin ko to! Itaga mo yan sa bato ha Bea Dela Ven!

Nakita ko magkatapat na si Marcus at si Glenn na kanina lang ay magka-away… Nakita ko pangisi-ngisi lang si Marcus. Nagdidribble sa may top of the key. Anong gagawin mo Glenn!? Ang sabi ko sa isip ko. Bantayan mo maigi yang mayabang na yan Torio!!

Kay GLenn Torio…

"Tayo na pala one-one ang magkatapat ha… Makaya mo kaya ako?" Ang sabi sakin ni yabang ng magkatapat na kami.

Inang to! Napakayabang talaga! Kinakabahan pa rin talaga ako. Lalo na yung nangyari kanina… SHET! Nakakahiya ka talaga Glenn Torio! PAgkakataon mo na sana magpa-siklab sa ultimate crush mong si Jenny… Anong ginawa mo… Sinipa mo yung bola! Buti nalang nakuha uli ni Captain Zeb ang bola… NAka-shoot si Alan. Kundi patay kang bata ka!

"Hoy tumingin ka… Kundi iiwan kita…" Si Marcus yabang na naman..

Pag siya ang kaharap ko nawawala kahit papano ang kaba. Napapalitan ng pagka-asar sa tantadong to. Babantayan kita maigi kala mo!!

Biglang nag-crossover ang bola sa pagitan ng mga hita nya papunta sa kaliwa. Kusang gumalaw ang katawan ko… Biglang… Weehh!? Bumalik ang bola sa may kanang kamay nya… Ambilis!! Triny ko sumunod pero nagkanda-buhol ang mga paa ko! Bigla akong natumba! Nakita ko papalusot na si Marcus, maiiwan na ako… HINDEE!!! Hinayaan mo sya makalusot Glenn!!

------------------------------------------------------

Kay Bea uli…

Glenn!! Anong ginagawa mo!!? Biglang napadapa si manyakol sa floor. Na-ankle break sya sa matinding crossover ni top point guard MArcus Santos!! Hindi na sya makahabol!! Papa-jumpshot na sa may bandang right ng free throw lane si Marcus. OH NO! Puntos na naman to ng kalaban!!

Nang makita ko andun na sa may harapan nya si Alan Tristo!! HWeh!? Ang ambilis!!

"Defense specialist… Naririnig ko na yan si Alan… Kahit ganyan yan… ISa yan sa mga top defensive players sa bansa…" NArinig kong sabi ni Coach.

HUH!? Si Antok King!? Defensive specialist? Hindi ko alam yun ha!? Chineck ko ang mga notes ko sa latest basketball diary ko. Blanko pa ang mga scouting reports ko kay Alan 'Antok King' Tristo!! Kelangan ma-check ko to!!

PEro iba din talaga ang reflexes ng isang perenial top player sa bansa. NAipasa kaagad ni Marcus Santos ang bola sa papa-cut sa lane na shooting guard naman ng Mariam… ang 6'6 SG Vincent Del Rosario… PAgsalo ng bola pumorma ng malayong lay-up ang shooting guard ng kalaban….

NAkupo! Makaka-iskor na naman sila!! HUWAAAAAHHHH!! Ang hiyawan sa loob ng court ng San Gabriel nang ang mataas na layup ni Vincent na halos isusubo nalang sa ring… Sinapal ni-block ni Rudy Macario namin!!! Wow!! Ang taas ng talon ni MAcario para masapal ang bola!!

BAAWSHHH!!! Nang tumalsik ng malakas ang bola sa malayo!! Kahit yung shooting guard ng Mariam si Vincent Del Rosario na kilalang high-flyer nagulat din sa depensa ni MAcario namin!! Muntik na ma-out of bounds ang bola… Sayang ang block ni Macario… PEro mabilis si Captain… NAkuha nya ang bola… sabay pasa kay Ace na nasa halfcourt na!! Pagsalo ng bola, dribble na agad sya ng mabilis para atakihin ang ring ng Mariam… HAH!!? May dalawang players na agad ng Mariam ang nakabalik sa depensa!?

Tuloy pa rin sa pag-drive si Ace!! MAgagawa nya kayang maka-iskor!? Parang napapatayo ang buong school sa gagawin ni Ace… PAghawak nya dalawang kamay sa bola… WEW!!! Euro step… Parang nahawi ang dagat sa lupa… Matangkad sa 6'9 si Ace Mendoza… Layup… PASOK!!!

SCORE NA NAMAN NAMIN!!! Napatalon ako dalawang kamay sa ere!! 25-15 na ang score!!

Dumagundong ang gymnasium sa lupet ng rookie namin!! Yung mga papalabas na estudyante bumalik at umupo na uli!

---------------------------------------------

Sa bench ng Mariam university… Ang coach Tom Chambers… Isang may foreign blood na coach…

"Hmmm… Who are those new players that just came in?" I asked my assistant.

"Rookie nila Ace Mendoza… Ru-rudy MAcario yung nag-block… Yung naka 3 points kanina… Alan Tristo… Yung isa pa hindi ko pa kilala…" Ang sagot ng assistang coach ng Mariam si Kurt Ducot.

Ace Mendoza! I know that name! Kilalang malupit na scorer! Bakit hindi nga ba narecruit namin to? Hindi nakapasok sa university namin dahil sa kilala itong mainitin ang ulo. Hmmm yung isa pang matangkad na nag-block sa dunker namin… Yung RuRudy Macario… Hindi pa sya masyado maasahan sa opensa pero may potential itong maging top blocker at defender! Mas notorious pa kay Ace daw ito pagdating sa basag-ulo!! Yung Alan naman isa pa ring pasaway… Palaging nahuhuli sa klase natutulog.

Na-kickout sa previous school nya ang problem kid na to… Si Alan Tristo, Puro mga patapon ng ibang school. Lahat yung tatlo tinanggap ng San Gabriel Kings!! Ang isa sa pinakamahirap na school! Tapunan ng mga bagsak at mga walang kwentang estudyante ang school na to!! HAHAHAHA!! Wait there is still another one. Yung isa pa… mukha namang lalampa-lampa. Wala akong narinig sa binatang yun na mukha talagang inosente pa.

Pero wala pa ring panama samin tong school na to…

TOGOSSH!! Ang malakas na tunog… NAng tumalsik ang bola sa blackboard sa isang block ni Zeb sa binabantayan nitong small forward namin!! Nakuha pa nito ang bola! SA San Gabriel na naman ang bola!! Fucking Shits!! Anong ginagawa nyo!! Lumalakas na ang hiyawan ng mga student's ng patapong school na to!!

"DEFENSE!!" Ang sigaw ko sa mga bata ko.

Mukhang gumaganda na ang depensa ng poor school San Gabriel. Hindi kagaya kanina na palaging may free man. May defense na kahit papaano ang SAn Gabriel sa mga bagong pasok na rookies!!

Hawak ni Zeb ang bola. Nag-oorchestrate ng play. A new breed of small forward to si Zeb. MAgaling na player. All around sa passing at scoring. Isang point forward!! Bigman na muscular pero may ball handling at passing skills!

Sumenyas na ako sa boys. Hindi ko hahayaan mag-init si Captain Zeb!! Dalawa na agad sa mga bata ko ang makakaharap nya!! Drumive pa rin si Zeb kahit dalawa na nakabantay sa kanya!! Not so bright pala… NAg-pumilit pa ring umiskor ng jumpshot while two of my boys contesting his shot…

"LOOK OUT!!" I shouted when the rookie Ace made a cut to the ring… Zeb quickly passed the ball behind the back!! My two boys were surprised!! But not my star player MArcus. He already rotated to guard Ace!! One dribble… TEEGEEESSHHH!!!

----------------------------------------------------------------

Kay Bea…

TEEGEEESSHHH!!! GEESH!! GEEESHHH!!! Ang malakas na tunog ng idakdak ni Ace ang bola sa ring!! SUPER ROOKIE TALAGA SYA!!

"EYAAAAAHHHH!!!" Ang hiyawan ng mga students sa buong stadium.

NA-posterized pa nya ang sumabay sa kanyang si Marcus! Ang star player ng Mariam University!! Ang mga dalagang students na manunood ng Mariam na-shock!

"ACE!!! ANG GALING MO!!" Ang napahiyaw akong hindi ko napigilan.

Kahit si Jenny nanlaki ang mga mata sa ginawa ni Ace! Malupit talaga to!! Lalo ng dumami ang crowd sa loob ng lumang basketball gym ng San Gabriel! 25 - 17 na ang score!! Dumidikit na kami sa team na palaging nakakapasok sa top 10 sa buong bansa! Hindi ko mapigilan ang sobrang pagkasabik!!

NAkita ko si MArcus nagrereklamo pa sa referee. Sa yabang nya, hindi lang nya matanggap na ma-dakdakan ng isang rookie!

"Charging foul yun eh!" Ang hiyaw nya sa ref.

Pero nakatingin lang sa kanya ang referee. BEH!! Buti nga sayo!! Mayabang ka kasi!!

"ALis na dyan!!" Ang hiyaw ko sa kanya.

Ang mukha nyang frustrated nang mapatingin sya sakin… Mas lalong masarap asarin Putah!!Galit ka na nyarn!? Hanggan sa nilabas na ng isang player ng Mariam ang bola. Si Marcus pa rin ang naghahandle ng bola.

"DEFENSE TEAM!! DEFENSE!! DEFENSE!!" Ang malakas na hiyaw ko para sa team ko. Sa lakas ng hiyaw ko napating ang ibang manunood at ang mga players namin.

Nakakahiya pero wala na akong paki! Basta manalo ang team namin gagawin ko ang lahat!!

"DEFENSE!! DEFENSE!!"

Mukhang mas lalong nabuhayan ang team namin. Ang higpit ng man to man defense ng San Gabriel Kings!! AHEM! Pagdating sa depensa ako ata ang nagsasuggest kay coach ng maaring gawin namin sa defensa! Sa ngayon man to man muna. NAgpasa-pasa ang bola sa mga players ng MAriam. Hanggan sa nabalik din ang bola kay MArcus. Binabantayan sya ni Manyakol Glenn! OH NO! Dito yata ako nagkamali.

Kitang-kita ko kinakabahan pa ang itsura ni Glenn. PEro bakas din ang fighting spirit nya. Ewan ko ba bakit parang may kung anong naka-kaakit sa mukha nyang yun. Ano ka ba Bea!!? Focus sa laro!!

Isang malupit na crossover pakaliwa ni MArcus… Natumba si Glenn!! GLENNN!!!

© 2021 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

--------------------------------------------------------------------------

Kay Rudy…

Naglalakad-lakad ako sa labas. MAs lalo lang ako nalulungkot sa inuupahan kong maliit na kwarto. Gusto kong umuwi sa probinsya para dun sana mag-selebrate ng new year kaso wala na akong pamasahe. Kulang ang pinadala saking pera nila Nanay at Tatay. NAgkasya nalang ako sa panunood ng ibang tao habang naglalakad.

Parang mas nakakalungkot ata dito sa labas ah! Napapanood ko ang mga pamilyang may mga bata. Ansaya-saya habang kasama ang mga magulang nila. Meron ding mga magsyota na magkahawak ang mga kamay habang namimili ng mga prutas.

BWISET! Dapat hindi nalang ako lumabas! Naalala ko tuloy si Denise. Tumulo ang luha ko tangina.

"Mama… MAMA!", Naiyak yung malaking kuya oh.

Tawag ng isang batang lalaki sa nanay nya. Mabilis na pahid tuloy ako. Nakakahiya si Rudy Macario makita ng mga taong umiiyak. Parang gusto kong dalawin si Denise sa bahay nila. Pero ano pa bang maihaharap ko sa kanya. NAgkaroon naman ako ng unting awa sa sarili. Nung minsang pinuntahan ko sya sa bahay nila. Andun ang kanyang mama at papa. Hindi lumabas si Denise kahit kung anu-anong masasakit na salita na pinagsasabi ng mga magulang nya. Tiniis ko lang basta masulyapan ko lang ang mukha nya.

Pero walang Denise na lumabas. AWang-awa ako sa sarili ko habang papalayo sa malaking bahay nila. Siguro nga magkalayo talaga kami. Wala eh mahirap lang kami. Anak ng isang magsasakang pamilya mula sa probinsya. Sina Denise maykaya ang pamilya. Kitang-kita naman sa bahay nila. May dalawang sasakyan pa naka-park sa garahe.

Nang huli na ng maka-titigan ko ng mata si MEndoza. Si supladong Ace Mendoza. Anong ginagawa nito dito sa labas!? Akala ko maykaya ang pamilya nito sa probinsya? Hindi rin sya umuwi!? May pera naman siguro ito hindi katulad ko.

"ANONG!?" Ang sabay pa namin sabi.

PUTANGINA TONG!! Nakaka-gagong moment!! Sapakin ko kaya to ng gumaan naman loob ko!? Nang mapansin ko papunta pala kami parehas sa iisang daan. Papunta sa bahay nila Glenn!?

"Hoy! HOY!! Kanina ko pa kayo inaantay!!" Ang hiyaw ng isang pamilyar na boses.

Si BEA!!

"Tara na!! Inaantay na nila tayo duon!!" Ang hila nya saming dalawa ni Ace.

Ang maliit na babaeng to may malakas na hiyaw… Hila-hila nya kami sa mga kamay. Hindi kaya!? Ah oo nga pala. Niyaya kami ng nanay ni Glenn na sa dun na sa kanila mag-New Year!! Nabalitaan daw nito na mag-isa lang kami sa mga inuupahan nung Pasko. Kaya naawa daw ito samin!!

Hindi ko alam pero naramdaman ko nalang… Excited na pala akong pumunta kina Glenn. NAgkatinginan kami ni Ace habang hinihila kami ni Bea. Nang malapit na kami sa bahay nila Glenn… Nakita namin ang isang dalagang maputi at maganda. Pamilyar ang mukha nya. Si Jenny!! Parang itsura nito kanina pa ito sa labas na nahihiya lang kumatok.

Dun na kami binitawan ni Bea. Tumakbo sya papunta kay Jenny. Si JEnny naman ngayon ang hinila ng Bea na to. Papasok sa bahay nila Glenn. Kitang-kita na sa mga grills ng bakod nila Glenn. Andun sya kasama ang tatay nyang si Mang Reynaldo. Mukhang naghahanda na uminom ang dalawa!

"OH ACE! RUDY!! Kanina pa namin kayo inaantay ah!! Bakit ngayon lang kayo!? Pasok-Pasok!!"

Na-papaluha na naman ata ako. Bukod sa pamilya ko sa probinsya, dito ko lang nafifeel na may pamilya ako sa pamilya nila Glenn. Nagkatinginan pa uli kami ni Ace. Putanginang to!! Sapakin na kita e!! Lagi nalang kami nagkakatinginan hayop!! PEro parehas ko may ngiti rin sya sa mukha nya. Ako may maliit na luha sa kanang mata ko. Masayang-masaya lang talaga ako ngayon. Pero napansin ko si supladong Ace parang ganun din.

Nakita ko sina Jenny at Bea nauna nang pumasok sa loob ng bahay nila Glenn. Si Glenn tumayo pa nung makita si Jenny. Halatang-halata na namula at nahihiya si Gago pagpasok ni Jenny. Kaya mo yan brader!! Hehehe. Ganun din ako dati nung pagdating kay Denise.

Pagpasok namin ni Ace… Dun lumabas si Aling Rosa. Ang nanay ni Glenn.

"Welcome Happy New Year mga anak!!" Niyakap nya kami isa-isa na parang isang nanay talaga namin.

© 2021 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

--------------------------------------------------------------------------