1. Home
  2. Stories
  3. Buboy Bataller - Unang Pag-ibig
PSErotica

Buboy Bataller - Unang Pag-ibig

By buboy_bataller ·

Intro pa lang, kaya parang love story po ito(Muna).Sana magustuhan nyo tulad ng The SG Project.. Mabuhay ang mga Pinoy!!!

Bataller!! Ambush… sigaw ng isang CAT Officer ko habang nakaupo sa tabi ng pintuan ng kanilang room kasama ang ilang mga kaklase nyang babae. "Give me 20 push ups Bataller!" sigaw niya ulit. "Mam yes mam!" at nagsimula na akong mag push up.

6:30 pa lang ng umaga, kokonti pa lamang ang mag estudyante sa High School campus na pinapasukan ko. Kahit malayo ang bahay namin sa eskwelahan,
pinipilit ko talagang dumating ng maaga. MOCC Applicant ako noon, 3rd year high school, samantalang mga 4th year students naman ang aming mga opisyal. Bago ako makarating sa aming classroom, madadaanan muna ang hilera ng classrooms ng aming mga officer.

Pag minamalas ka nga naman, mahamog pa nang umagang iyon. Kaya yung suot kong polo ay agad na nadumihan. Wala akong magagawa, pinasok ko ang pag mo MOCC. Hindi ako pwedeng mag quit, may iniingatan din naman akong reputasyon kahit paano.

Natapos ko ang 20 push ups na hiningi ni Mam Taray. Siya si Mam Juvy, officer ko na mataas ang posisyon, no. 4 in rank sya kahit babae. Matalino, matapang, mataray pero napakaganda niya. Bata pa ay magkakilala na kami, pero pagdating ko ng 1st year high school, nagkacrush na ako kay Mam Juvy na noon ay 2nd year na, siguro dahil nagsimula na siya mag ayos di tulad noong bata pa kami.

Bago ako nag applicant, maayos naman ang pakikitungo niya sa akin. Pareho kasi kaming School Govt. Org (SGO) officer, na elect kami kasama ng 5 pang konsehal at isang Chairman. Pero dahil nga sumali ako sa MOCC, nabalewala ang pagiging officer ko. Pag sinabi nilang dapa, dapa talaga. Gulong, gulong naman kami sa lupa.

Akala ko pwede na akong umalis, pinalapit ako ni Mam Juvy sa pwesto nya. Nagtatawanan ang mga kaklase nya, habang nakasimangot naman si Mam Juvy. "Bataller, bakit nakangiti ka?" sigaw niya uli. "Mam, hindi po." sagot ko at sabay pilit mag tiger look. "Umayos ka ha, sige lampas na" sabi niya.

"Buboy, nadale ka na naman. hahaha!!" bati sa akin ni Uweng at ni Jess, mga ka applicant ko. Ngiti lang ako, "paano kayo nakalampas doon sa babaeng yun?".. "boy, 5:30 pa lang nandito na kami" tawanan kaming 3 at magkakasabay na pumasok sa room namin.

Habang nakaupo sa silya, nagiisip ako. Bakit kaya mainit ang dugo sa kin ni Mam Juvy. "Baka crush niya ako, hahaha" Alam kong malabo yun. Unang una hindi ako gwapo. Tapos "itingan" pa ang tawag sa akin ng lola ko at mga ate. Paano ba naman, lahat sila mapuputi at magaganda. Kadalasan nakukuha silang magreyna sa Flores de Mayo sa lugar namin, wala nga lang makaakyat ng ligaw sa bahay namin dahil kilala ang tatay ko na siga sa amin. Samantalang ako, kulay kayumanggi, kayumangging napaligat. Wala namang nagsabi na pangit ako, pero hindi rin ako tinatawag na gwapo. Pogi lang daw ako, nanay ko pa ang nagsabi(Nung high school po ito ha, hehehe)

Maya maya, dumating na rin ang mga kabatch kong babae na applicant din. Sa kanila, isa lang ang aking type. Kung magkaka gf ako, gusto ko sana siya, si Katherine. Kat ang palayaw ng klase sa kanya. Pero may problema ako, simula 1st year hanggang third year high school hindi kami nag-uusap ni Kat. Tandang tanda ko pa noon, simula pa lang ng klase ng 1st year namin sa high school. Galing si kat sa ibang elementary school, ngbibiruan sila ng mga kaklase namin habang nagbabasa ako ng libro. Dahil nga nakafocus ako sa binabasa ko, di ko namalayan na sa upuan nya ako napa upo. "PLAK" may biglang sumampal sa mukha ko. Nagulat at napahiya ako, si Kat pala. Siya lang ang tumatawa, lahat ng classmates namin ay tahimik na nakatingin sa aming dalawa.

Bagama't napahiya ako, nagawa kong tumayo at lumabas ng room. Nagpunta sa isang bench na malayo sa kanila. Napamura ako pero maya maya lamang ay may lumapit sa akin na kaklase kong babae. Nagsosorry para sa ginawa ni Kat. Gusto lang daw ni Kat maging close kami. Sabi ko "ok lang, wala yun. Sige iwan mo muna ako dito". Simula noon, hindi na kami nag-usap. Bagamat may effort ang mga kaklase namin na pagbatiin kami, wala ring nangyari.

Halos isang buwan na pala ako sa MOCC, sinisipat ko ang braso ko. Meron ng masel, ang aking bilbil ay nawawala na rin. At higit sa lahat, gumanda ang aking tindig, tatay ko ang nakapuna noon. Lagi kasi niyang pinapansin ang aking hitsura. Siya ang una kong kritiko. Naaalala ko pa mula elementary hanggang 2nd year high school, madalas kong naririnig sa kanya "Buboy, anu na naman yang pananamit mo, wala kang kaporma porma". Tatay ko talaga, pero nito lang pinupuri na niya ako. Maging sa pagdadala ng damit. Kaya siguro ayaw kong mag quit kahit mahirap. Tiis tiis lang kay Mam taray, na pinaka terror. Ako pa lagi ang pinapahirapan.

Lumipas ang buong umaga ng klase. Nagbabaon na kami ng pagkain para hindi na lalabas ng room kung lunch time. Nagtatago kami sa mga officer. "Buboy, Buboy" tawag sa akin ni Uweng.. "Ano, ano? Bakit, bakit?". sagot ko sa kanya na papalapit sa upuan ko habang nagpupunas siya ng sipon at pawis sa mukha. "Bakit ka lumabas, napahirapan ka tuloy" tanong ko sa kanya. "Hayaan mo na, naiihi kasi ako kaya ako lumabas. Pinapatawag ka pala ni Mam Juvy, punta ka daw sa bench malapit sa SGO Office".."Sabihin mo siya ang magpunta dito kung may kailangan siya" sabay talikod ako para lang ayusin ang gamit ko at sasama na sa kanya palabas. Tawanan naman ang buong klase. Paglingon ko, nakita ko si Uweng na tumatakbo na pabalik sa lugar kung saan nandoon si Mam Juvy " Ay gago, sasabihin nga ata" hinabol ko siya pero masyado siyang mabilis. Natanaw ko ang lugar kung saan nandoon si Mam taray.

Nakatayo sa harap niya si Uweng, nakatikas pahinga pa. Mukhang ngrereport na, patay ako nito. Paglapit ko sa kanila "Bataller, akala ko masakit ang ulo mo, sabi ni Landicho sa akin nasa clinic ka raw" tanong ni Mam. "Ahh yes mam, pero ok na po ako Mam," sabi ko naman. Lihim akong napangiti kay Uweng, brotherhood ika nga. " Landicho, makakaalis ka na" si Mam Juvy at tumakbo na siya palayo.

Naiwan kami ni Mam Juvy. Magsasalita na sana siya ng marinig naming parating ang iba pang mga officer, kasama ang Commander, pinakamataas sa kanila. Dahil ako lang ang nakita nilang aplikante ng oras na yun, napahirapan ako ng husto. Tawanan sila ng tawanan, nakikita ko sa Mam Juvy. Nagtataka ako kasi parang pilit yung ngiti nya habang nakatitg sa akin. Natapos din ang mga kumag "O Juvy, wag mo na pahirapan masyado yang si Bataller, baka bumigay na yan" tawanan uli sila at iniwan kami ni Mam Taray. Pinipigilan ko ang galit, pero di ko lubos maisip kung ano ang nagawa ko sa babaeng ito at sobra naman ata yung physical training niya sa akin. Nakatungo lang ako sa harap niya, ayaw ko siyang tingnan.

"Buboy, sorry ha".. hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin nya. Gusto kong magtanong kung bakit, pero hindi ko ginawa. Nanatili akong nakatayo sa harap niya. "Hintayin mo ako mamaya sa labas ng gate ng campus pagkatapos ng formation". Sabay talikod nya. "Putang ina, pati ba sa labas ng school, slave pa rin ako?" napamura na lang ako sa hangin.

Uwiian na, naglinis lang ako ng dumi sa katawan gamit ang gripo malapit sa room namin, pagkatapos ay masaya akong sumabay sa mga ka M.O. ko. " Hay, salamat nakauwi na din" sabi ni Jess habang inaalis ang tuck-in ng kanyang polo.. "Ay naku pre, bigla kong naalala, nagpapahintay pala si Mam Juvy. Mauna na kayo" sabi ko sa grupo. Nagsilingon sila lahat maging si Kat. Karamihan nakangiti na parang may malisya, pero iba ang reaksyon ni Kat. Nakakunot ang noo nya, hindi ko na yon napagtuunan ng pansin dahil nakita ko na si Mam Juvy na parating. Kasama ng mga ka officer nya din na babae.

Nauna na ang mga kabatch ko, samantalang sina Mam Juvy at ang mga kasama nya ay nagsitigil pa na parang may pinagbubulungan. "Hay naku, mapapagalitan ako nito sa bahay, kelangan ko pang mag igib ng tubig" kinakausap ko ang sarili ko.

"Buboy, tara na" aya sa akin ni Mam Juvy. "Buboy? nawiwili siya sa pagtawag sa palayaw ko, hindi naman kami close" sarili ko na naman ang kausap ko. Naglakas loob ako na magtanong "Mam, saan tayo pupunta?" .. "Ihahatid mo ako, dalhin mo pala itong bag ko, medyo mabigat eh" si mam uli.. Gusto ko sana magreklamo pero sa sobrang ganda nya, di ko na nagawa.

"Buboy, galit ka sa akin ano?" tanong ni mam juvy. "Naku hindi po mam, love na love ko nga po kayo eh" opps! bakit ko nasabi yun, patay.. Magsosorry na sana ako ng naunahan nya ko " Talaga?" si Mam juvy habang huminto pa sa tabi ng daan. "Ahhh ehhh yes mam" bahala na sabi, type ko naman talaga siya. Ako na ang pinakaswerteng lalaki sa campus pag naging gf ko si Mam.

"hahahaha, Buboy Bataller palabiro ka pala, tara na at baka gabihin pa tayo" pang aasar niya sa akin. "Loka to ah, naisahan ako." Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Mga 20 minutong paglalakad ay natanaw na namin ang tahanan ng pamilya ni Mam Juvy. Nagsisibak ng kahoy ang si Ka Pedring, tatay ni Mam. Kakilala ko siya dahil sabungero din siya tulad ng tatay ko.

"O bakit kasama mo si Buboy, pinagbitbit mo pa ng bag mo?" tanong ni byenan este ka Pedring. "Training po ni Buboy yan" sabay ngiti sa akin ni Mam Juvy. Muntik na akong matumba, nakakalambot ng tuhod ang ngiti niya na yon. "O cge Buboy, uwi ka na. Salamat sa paghatid mo dito kay Nene" si ka pedring. "Tay, naman. Juvy po, dalaga na ako eh" si Mam uli. "Asus, hinatid ka lang ni Buboy, naging dalaga ka na?" kasunod noon ay mahabang tawa ng tatay ni mam juvy habang tumalikod ng si Mam at dalidaling pumasok sa bahay. "Buboy, sabihin mo kay pare eh may derby sa Lucena sa Linggo ha, daanan kamo ako dahil sira ang aking jeep."

"Sige ho, makakarating"..

Pagkatapos ng gawaing bahay ay nagreview naman ako ng mga aralin. Nang gabing yon, kahit pagod ang katawan ko ay hindi ako makatulog. Maraming nagliliparang bakit sa aking balintataw. Isa lang ang nasa isip ko, si Mam Juvy. Mahal ko na ata siya, bakit parang gustong gusto ko nang muling magumaga at makita muli si Mam Taray. Ganito ata ang in love na sinasabi nila.

Byernes na, 6:30 ng umaga muli ako nakapasok sa aming paaralan. Inaasahan ko na ang paalmusal na push up sa akin ni Mam Juvy kasi tiyak na naunahan na naman nya ako. Tatakbo na sana ako ng may tumawag sa kin "Buboy, sabay ka na sa akin paglalakad para di ka maambush" si Mam Juvy. "Mam, ikaw pala. Sige, salamat po." Habang papalapit kami sa pathway sa tapat ng room nila, kinawit ni Mam Juvy ang kamay niya sa braso ko. Para kaming magsyota na naglalakad sa park, hehehe. "Bakit Mam" tanong ko. "Ayaw mo ba" sabay ngiti ng matamis sa kin. "Ahh Buboy, wala ka namang girlfriend di ba?"tanong ni Mam. "Wala po mam, pwede ka pang mag apply" medyo kinain ko yung huling linya kaya di nya masyado naintindihan. Pero napatawa ko siya ng malakas, eksakto sa tapat na kami ng classroom nila. "O Sige na nga, deretso ka na.Pero pede mo ba ako samahan sa Linggo, pupunta ako ng Bayan. Wala kasi ako kasama, may lakad si tatay at si nanay. "ahh oo mam, magkasama sila ni Tatay sa derby. Hmmm sige po mam, wala naman akong gagawin sa bahay" sabi ko sa kanya at mabilis na akong naglakad patungo sa room namin.

Natapos ang klase, pagkatapos ay training ulit tulad ng normal na araw. Excited akong umuwi, gusto ko ng mag Linggo para makasama ko si Mam Juvy. Hindi ko alam ang intensyon niya, pero ayos lang basta makita ko siya, na noong nakaraang araw lamang ay kinakainisan ko pero mahal ko na ata ngayon.

9am ng magkita kami ni Mam Juvy sa bayan "Hi Mam" bati ko sa kanya. "Mam ka jan, wala na tayo sa school ano" sabi ni Mam sa akin na lalong gumaganda sa tingin ko. Bagamat maliit pa ay napapansin na ang magandang tindig ng kanyang dibdib. "Hoy san ka ba nakatingin. may dumi ba sa damit ko?" si juvy uli. "Wala naman Nene, nagandahan lang ako sa damit mo" pabiro kong sabi sa kanya.. "Nene? hahaha hmmm pwede na rin, kaw lang ang tumawag sa akin ng ganyan bukod kina Tatay at nanay. Sige, lika na at may bibilin lang akong gamit sa project. Tapos ay uuwi na tayo. Sabi mo wala kang gagawin di ba? Samahan mo ako sa bahay ha" may paglalambing nyang sabi. "Yes mam" mabilis kong sagot sa kanya.

Habang pauwi na kami, magkatabi kami sa jeep. Nasa dulo kami sa huli. Pasimple ko hinawakan ang kamay ni Juvy (sabi nya wala ng Mam di ba). "Bakit" nakangisi niyang tanong. "Mahal na ata kita mam" binulong ko sa kanya. Bigla siyang namula, pinisil niya ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Ang sarap sarap naman ng pakiramdam, bagamat di pa niya ako sinasagot, masayang masaya na ako.

Pagbaba namin ng jeep, hindi ko pa rin binitiwan ang kamay niya "Buboy" tawag nya sa akin. "Nene" tugon ko naman. "Ang kamay ko, pede mo ba bitiwan muna. Natanggal ang sintas ng rubber shoes ko, paano ko itatali yan kung hawak mo ang kamay ko?" si Juvy ulit. Oo nga naman, kala ko pa aamin na rin siya na gusto niya rin ako. Naglakad kami papunta sa bahay nila, habang nasa daan hindi ko na muling nahawakan ang kamay niya. "Pasok ka Buboy, iwan mo sapatos jan sa labas ha, kakalinis lang ni Nanay ng sahig" paalala sa akin ni Juvy. "Ahh uuwi na lang ako, baka may madumihan pa ko dyan bukod sa sahig nyo" pakunwari kong sabi sa kanya sabay talikod. "Plak" tunog ng notebook ng tumama sa ulo ko.

"Aray! anu ka ba naman. Bakit gustong gusto mo manakit?" Kunwari galit ako pero hindi naman. "Ay sorry Buboy, kala ko kasi iiwan mo ko eh, biro lang. Pasok ka na nga dito. Upo ka jan sa sofa, wag kang aalis jan. Magbibihis lang ako." sabi niya habang paakyat ng hagdanan papunta sa kwarto niya. Habang naghihintay ako, nakita ko ang photo album nila. Noon ko nalaman na may kapatid pala si Juvy, babae din kaya lang nasa abroad na ng panahong yun.

"Hoy, sinong may sabi sa yo na pede mong pakialaman yan?" pagtataray na naman ni Juvy pero alam kong hindi seryoso. Nakashort sya ng maiksi at nakadamit na labas ang pusod. Siguro noong elementary pa niya binili yung damit na yun. hehehe… "Nahulog lang, pinulot ko. Ibabalik ko na nga eh" sanay na ko magsinungaling. "Asus, tiningnan mo siguro yung mga baby pictures ko noh" tanong niya sa akin. May kalokohan bigla pumasok sa utak ko. "Ahh meron ba?" Kinuha ko uli yung album at akmang bubuksan "Gago ka talaga, wala jan noh. Hahaha asa ka. Saka bakit ba yung noong baby pa ako ang gusto mo makita" sabi ni Juvy habang nakangiti ng may pagkapilya. Iniwan niya ako nakatulala sa sala. Pagbalik daladala niya ang juice na para sa amin. May kasama pang skyflakes.

"Juvy" tinawag ko siya habang umiinom siya ng juice. "HHmm?" si juvy. "Ang sarap naman ng juice na tinimpla mo, pwede na kitang maging girlfriend". "Hhmmssskk," napabulanghit siya ng tawa. Lumabas pa ang juice sa may ilong at hawak ang tiyan, walang tigil kakatawa. "Ano ka ba Buboy, mali naman ng timing mo." sabi niya sa akin ng mahimasmasan siya. Biglang nagseryoso ang buong sala.

"Tanungin mo ako ng maayos, pwede?" sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Hinawakan ko na ang malambot niyang kamay, libolibong boltahe ang naramdaman ko mula sa sugpungan ng aming mga palad. Kumakabog ng malakas ang aking dibdib. "Juvy" sabi ko habang nakatingin sa kanya. Napakaganda talaga niya, lalo na ngayon. Halos ilang pulgada lamang ang pagitan namin. Hindi pa rin mawala ang kaba ko "Juvy, may juice pa ba?" sa sobrang kaba ko iyon ang lumabas sa aking bibig. Napatungo ako, samantalang si Juvy ay napasubsob sa sofa, inis sa pagtawa. Limang minuto na tumatawa pa rin.. "Hoy, sorry na. First time ko manligaw eh." panay ang paliwanag ko habang pinapanood siya na halos naluluha na sa kakatawa.

Tumayo ako at naglakad palapit sa pinto "Uwi na ako Juvy, baka hinahanap na ko sa bahay" pinipihit ko na ang knob ng pintuan ng yumakap siya mula sa likod ko. "Buboy, sorry na. Wag ka muna umalis. Sige na, boyfriend na kita" halos pabulong na sabi ni Juvy. "Bakit?" tanong ko sa kanya habang pinipilit kong humarap sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinila ako papunta sa room niya. "Sama ka sa akin". Bagamat virgin pa ako noon, kinutuban yata ang aking patutoy at biglang tumigas. Pagpasok namin sa kwarto nya, agad kong naamoy ang halimuyak na pamilyar sa akin. Pamango ata ni Juvy yun o natural na amoy, hindi ko sigurado.

"Bakit mo ako dinala dito?, bata pa tayo, hindi pa ako handang magkapamilya" sabi ko kay Juvy. "Tarantado ka talaga, papakita ko lang ito sa yo" sabi niya habang binaligtad ang picture frame sa tabi ng lamp shade. "Aba, sino yan? Bakit magkamukha kami? at magkakulay din ha.." pabiro ko ulit tanong sa kanya. "Nakilala ko sa Cavite" seryoso niyang sagot. Ako naman ang nagulat "Ha? totoo?" .. "Ikaw yan, ano ka ba.. natatandaan mo ba noong manalo tayo sa school org election? camera ko yung ginagamit kaya halos ikaw lahat ang laman ng film.. O, magtatanong ka pa ba kung bakit mabilis mo akong napapayag maging girlfriend mo?" tanong nya. "Eh bakit ngayon lang, pede naman dati pa." nagtataka kong tanong sa kanya kasi hindi pa rin ako makapaniwala.. "Kasi noong Thursday ko lang napapayag si Tatay na magboboyfriend na ako" natatawa niyang sabi. "Ahh kaya mo ko pinilit na ihatid ka?" tanong ko.

"Oo, kasi gustong makilala ni Tatay kung sinong una kong magiging boyfriend" si Juvy….. "Ok din ang diskarte mo ha, magkasabwat pa kayo ni Tatay Pedring este ng tatay mo pala" di pa rin ako makapaniwala.. Isang mahigpit na yakap at matamis na ngiti lang ang isinagot niya sa akin.

"Ahh, Juvy. Masarap bang humiga sa kama mo… Inaantok ako eh…" :-)