1. Home
  2. Stories
  3. Hapdi Ng Katotohanan
Filipino Sex Stories

Hapdi Ng Katotohanan

By darkangel1311 ·

Ang kuwentong ito ay hango lamang sa aking malikot na kaisipan, ano mang bagay, pangalan, lugar o pangyayari na nahahantulad sa iba ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.

Dahan-dahan, maingat ang mga paa sa paghakbang upang hindi makalikha ng ano mang ingay habang paakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay, habang papalapit sa pinaka mataas na hakbang ng hagdanan ay lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib na parang sasabog, halos mahilo siya sa dami ng pumapasok sa kanyang isipan.

"Sana mali ako…Lord please sana po mali ako.." Sa isip nya nang marating niya ang ikalawang palapag.

Ilang sandali siyang huminto habang nakatitig sa nakapinid na pintuan, halos hindi niya maihakbang ang mga paa papalapit dito pero nagawa niya, nanginginig ang kamay na kinuha ang sariling susi…dahan dahang ipinasok sa seradura.

Huminga siya nang malalim sabay unti-unti ay ipinihit niya ito para bumukas…at nang may sapat nang espasyo para sa kanyang ulo ay maingat siyang sumilip sa loob ng silid.

Halos panawan siya ng ulirat sa kanyang nasaksihan, nag-unahan sa pag-agos ang kanyang mga luha, kinailangan niya pang takpan ang kanyang bibig upang pigilan ang paghagulgol…parang sasabog ang kanyang dibdib…sapagka't nasaksihan niya ang pinaka masakit na pangyayari sa kanyang buhay.

Kung paanong maingat niyang binuksan ang pintuan ay ganoon din niya isinara ito, kung ano ang ingat niya sa pag-akyat sa hagdanan ay ganoon din niya tinahak ito pababa hanggang sa makarating sa sala, lumabas siya ng bahay, hindi niya na nagawang isara ang pintuan..basta naglakad siya habang patuloy sa pag-agos ang mga luha.

"Bakit…bakit…?" Sa isip niya habang patuloy sa pag-iyak.

Hanggang makarating siya sa isang bahay, sa pintuan ay may nakaabang sa kanya at sa paglapit niya dito ay kusang bumuka ang mga braso nito upang siya ay yakapin. Ginantihan niya ito ng yakap, mahigpit na mahigpit, isinubsob niya sa leeg nito ang kanyang mukha at patuloy na humagulgol.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay patuloy parin siya sa paghagulgol, iniwan siya ng sumalubong sa kanya upang ikuha siya ng maiinom pero huli na dahil isang sigaw ang kanyang pinakawalan at nagdilim na ang kanyang paningin.

Limang taon na ang nakaraan…..

"Des tara na baka ma late tayo..kayo talagang mga babae ang bagal kumilos kainis!" Nag gagalit-galitang sabi ni Dan sa kanyang matalik ba kaibigang babae.

"Oo na heto na kala mo naman mawawala yung jowa mo." Natatawang sagot nito sa binata habang pababa ng hagdanan.

"Ma alis napo kami ni Dan!" Pasigaw na paalam nito sa ina.

Mula sa kusina ay lumabas ang kanyang ina at agad namang nag bless dito si Dan.

"Alis napo kami Tita." Magalang na paalam nito sa matanda.

"O sige mag iingat kayo ha."

"Opo Ma wag ka mag-alala mag iingat kami ng future manugang mo hihi!" Biro ni Des sabay abre-siete sa braso ng binata.

"Landi mo talaga anak! O siya alis na kayo, mag-ingat ha."

"Opo." Sabay na sagot ng magkaibigan at lumabas na sila ng bahay.

"Bagalan mo naman lakad mo Dan baka naman madapa ako." Angal ng babae dahil sa bilis ng lakad ni Dan.

Halata dito ang pagmamadali, halata ang kahalagahan ng pupuntahan, pero inaalalayan niya pa rin ang kanyang kaibigang babae, ang kanyang matalik na kaibigan na kasama niyang lumaki mula pagkabata.

Sa wakas ay narating na nila ang sadya, kita ang magagarang sasakyan na nakaparada sa maluwag na kalsada, marahil ay hindi na nagkasya sa malaking garahe sa loob. Nakangiting pumasok sila sa nakabukas na mataas at malaking gate, dumiretso siya sa guard house at hinanap si Mang Nards.

"Mang Nards kamusta? Nagsimula na po ba?"

"Uy Dan kaw pala, hindi pa pero malapit na tumawag sa'kin si Ma'am dumiretso daw kayo sa likod nandun si Nana Tess." Sagot ng matandang security guard ng pamilya Ferio.

"Sige kuya salamat ha." Sagot ng binata sabay hatak sa kamay ni Des at nagmamadaling nagpunta sa likod ng malaking bahay.

Sa likod, sa bandang kusina ay agad niyang nakita si Nana Tess, ang pinaka matagal na katiwala/mayor doma ng pamilya. Nang makita siya nito ay agad silang hinatak papunta sa maids quarter.

"Bakit ngayon lang kayong dalawa? Bilis magbihis na kayo at malapit nang magsimula ang event!" Natatarantang si Nana Tess habang inaabot sa dalawa ang mga damit.

Isang puting amerikana, puting slacks, at puting sapatos na balat ang para kay Dan,samantalang pink na dress naman ang kay Des.

"Labas kayo agad dun sa garden ha pagkabihis niyo, aasikasuhin ko muna sa labas." Si Nana Tess sabay labas ng silid.

Nagkatinginan ang magkaibigan, wala kasing sariling banyo ang silid kaya wala silang choice kung hindi ang magkasamang magbihis. Agad tumalikod si Dan at hinubad ang lahat ng kasuotan maliban sa brief nito, si Des naman ay hindi agad nakakilos, hindi niya maiwasang panoorin ang kaibigan habang nakahubad ito. Kita niya ang malapad na balikat nito, ang likod, pababa sa matambok na pang-upo.

Natauhan na lamang siya nang magsimula nang magsuot ng pantalon ang binata. Kaya naman mabilis din siyang nagbihis bago pa matapos ang kaibigan.

Matapos makapag bihis ay pareho silang namangha sa mga suot nila, ngayon ay puwede na silang makisabay sa mga bisita sa labas.

Hinawakan ni Dan ang kamay ng kaibigan at sabay silang lumabas papunta sa garden kung saan magaganap ang event.

"Ladies and gentlemen please allow me to welcome the princess of Mr. And Mrs. Roldan Ferio, our debutant Ms. Katelyn Ann Ferio!" Announcement ng MC at kasunod nito ay ang masaganang palakpakan mula sa mga bisita.

Pagkarinig nito ay nagmadali si Dan na halos kaladkarin na ang kaibigan. Napatulala si Dan at unti-unting nabitiwan ang kamay ng kaibigan nang makita niya ang nobya na papalabas sa main door ng mansion patungong hardin habang sa magbilang gilid nito ay ang ama at kapatid na lalake.

Matagal na napatitig si Dan sa napakagandang mukha ng nobya, para itong totoong prinsesa sa suot nito, nang malapit na sa gitna ng hardin ay nagtama ang mga mata nila at napangiti si Kate sabay kindat sa nobyo na halos nagpalambot sa mga tuhod ng binata. Sa kanang banda niya ay nagpalipat-lipat ng tingin si Des sa magnobyo at sa kaliwa naman ay ang kilig na kilig na si Nana Tess.

Nagsimula na ang event at nang si Dan na ang magsasayaw sa nobya ay natuon ng husto ang paningin ng lahat sa kanila, marami ang nag-isip at nakahalata na may relasyon ang dalawa lalo na ang ama at kapatid ng dalaga dahil sa malagkit na tinginan nila, hindi rin maikakaila ang mas malapit na katawan ni Kate sa nobyo. Dahil dito ay kinabahan si Des dahil nahahalata ang kilos ng dalawa. Sikreto ang relasyon ng nila maliban kay Des, Mang Nestor at Nana Tess na siyang tulay ng dalawa para magkita ng pasikreto.

Sa wakas ay natapos ang sayaw, nakahinga na ng maluwag ang dalawang matanda at si Des.

"Loko ka talaga…halata yung kilos niyo kanina…hindi ka nag-iisip, pati si Mang Nestor at Nana Tess kinabahan sa inyo." Pabulong na sermon ni Des sa kaibigan nang makabalik na ito sa kanilang lamesa.

"Sorry Des hindi kami nakapag pigil e, ganun ba kahalata?" Si Dan.

"Oo..next time ingat naman." Inis na sagot ng dalaga.

Nakapag bihis na ng damit si Kate at inaasikaso ang mga bisita, nakipag kuwentuhan ito sa mga kaibigan pero nang lamesa na ng nobyo ang nilapitan nito ay pormal na nagpasalamat lang ito sa magkaibigan sa pagdalo at agad nang lumipat sa iba pang bisita. Pano ay nasermunan din pala ito ni Nana Tess ng palihim habang nagbibihis ito ng damit.

Naintindihan naman ng binata ang ikinilos ng nobya kaya ok lang ito sa kanya. Nang matapos na ang event ay nag siuwian na ang ilang mga bisita maliban sa mga nag iinuman. Dito ay nakatanggap siya ng text message.

Kate: Babe punta ka sa likod bilis ngaun na sa room ni Nana Tess.

Dan: Ok babe.

Pagtapos mag reply sa nobya ay agad na ipinakita nito sa kaibigan ang message ng nobya sabay tayo papuntang likod ng mansion.

Sa labas ng silid ay sinalubong siya ni Nana Tess at agad na pinapasok sa loob. Dito ay nagulat siya nang bigla na lamang siyang halikan ng nobya, nagpalitan sila ng halik, puno ng pagmamahal at pananabik sa isa't isa. Magkahinang ang mga labing unti-unting napalapit sila sa kama hanggang sa napahiga at nakubabawan ni Dan ang nobya.

"Babe nasa legal age nako.." Malambing na bulong ni Kate sa nobyo.

"Sure ka ba babe? Pwede na natin gawin?" Nag-iinit na sagot ng binata.

"Oo babe…mahal na mahal kita…ito ang gusto kong regalo mo sa'kin." Si Kate habang hinahaplos ang likod ng nobyo na nakapatong sa kanya.

Ibinuka niya ang mga hita at iginiya ang nobyo para mapuwesto sa gitna ng mga ito. Si Dan naman ay hindi na nakatiis sa init na nararamdaman kaya automatic na naikiskis nito ang nagagalit na ari sa pagitan ng mga hita ng nobya. Pareho silang napasinghap sa naramdamang sarap kahit pa pareho silang may mga suot pang damit.

Bumaba ang mukha ni Dan para halika ang nobya, at sa pagdampi ng mga labi nila ay tuloy-tuloy ang naging galaw ng kanilangmga kamay, si Dan ay humawak sa dibdib ng kasintahan at marahang piniga-piga ito mula sa labas ng damit, si Kate naman ay gumapang ang kamay papunta sa pagkalalaki ng nobyo na nagpa-ungol dito.

Naghiwalay ang kanilang mga labi at nakatitig sa isa't isang hinubad nila ang kanilang mga kasuotan, walang itinira. Hindi na bago sa kanila ang parehong hubad nilang katawan dahil may mga bagay na silang nagawa tulad ng paghawak, pagkain, at pagsubo sa mga maseselang parte ng kani-kanilang katawan pero hindi pa ang tunay na pagniniig.

Bababa sana si Dan upang kainin ang hiyas ng nobya pero pinigilan siya nito.

"Wag na babe nagmamadali tayo t'saka basa nako 'wag ka mag alala." Bulong nito sa nobyo.

Naintindihan naman ito ng binata, binasa niya ng laway ang kanyang pagkalalake saka itinutok sa hiyas ng katipan. Ikiniskis niya ang ulo sa hiwa ng nobya at dahan dahan ay isinulong niya ito papasok.

Napaigik si Kate nang pumasok na ang ulo ng ari ng nobyo, napahawak siya sa mga braso nito nang mahigpit.

"Ok ka lang babe? Hugutin ko ba?" Nanginginig sa pananabik at sarap na nararamdaman nang tanungin nito ang nobya.

Himbis na sumagot ay hinatak ng dalaga ang batok ng nobyo para maghinang ang kanilang mga labi, habang naghahalikan ay gumawi ang mga kamay niya sa puwetan ni Dan at idiniin ito pababa sa kanya.
Naintindihan ito ni Dan kaya naman unti-unti ay sumulong siya papasok sa hiyas ng nobya.

Lamang sa diin, konting hugot, ganun ang ginawa ng binata hanggang sa wakas ay naisagad niya na ang kanyang pagkalalake sa nobya. Nakagat ng marahan ni Kate ang ibabang labi ni Dan sabay ng pag-agos ng kanyang mga luha.

Hindi alintana ni Dan ang sakit ng kagat ng nobya dahil mas lamang ang sarap na nararamdaman niya. Sa wakas ay naangkin niya na ng tuluyan ang nobya, ito ang pumasok sa kanyang isipan. Naghiwalay sila ng mga labi at magkatitigan na sinimulan ni Dan ang ritmo ng pag-iisang katawan.

Marahang hugo't baon, naroon ang pag-iingat para hindi masyadong masaktan ang pinaka mamahal na nobya. Dahan-dahan hanggang sa umarko na ng kusa ang katawan ni Kate, masakit na masarap ito ang kanyang nararamdaman, pero mas nanaig ang saya sa kanyang puso dahil sa pagniniig nila ng kanyang mahal.

Ang dahan-dahang bayo ay unti unting bumibilis, mahihinang ungol ang namutawi sa kanilang mga bibig, mahihinang malalalim na hininga habang patuloy ang hugpungan ng kanilang mga kaselanan, masakit parin ang nararamdaman ng dalaga pero ginusto niya 'to at alam niyang mula ngayon, paghilom ng sugat sa kanyang kaselanan ay matitikman niya na ang luwalhati sa piling ng katipan.

Ilang hugo't baon pa ay naramdaman na ni Dan ang papalapit na orgasmo, isinubsob niya ang mukha sa leeg ni Kate sabay bulong dito.

"Aaah aaaah…Babe malapit nako…babe mahal na mahal kita."

"Sige lang babe puwede mo iputok sa loob safe ako…mas mahal na mahal kita babe ooohhh!" Paungol na sagot nito. Mula sa narinig ay bumilis ang kilos ni Dan at isang madiing ulos ay narating niya ang glorya.

"Aaaah shit babe….aaaaahhh!" Mahinang ungol niya habang nakasubsob sa leeg ng nobya habang nilalabasan sa kaloob looban nito.

Matapos marating ang rurok ay nanatiling magkahugpong ang kanilang mga kaselanan, hanggang sa unti-unti nang hinugot ni Dan ang sarili mula sa nobya, napaigik ang dalaga nang tuluyan nang humiwalay sa kanyang hiyas ang pagkalalaki ng nobyo.

Tinignan ni Dan ang namamagang hiyas ng nobya, lumabas mula rito ang kanyang katas na may halong dugo, kita niya rin ang dugo sa kanyang ari.

"Mahal na mahal kita babe…hindi ka magsisisi…mamahalin kita habang buhay." Sabay halik sa mga labi ng nobya na ginantihan naman nito.

Matapos magpunas ay nagbihis na sila at lumabas ng silid, may pagmamadali sa mga kilos dahil baka hinahanap na ang dalaga sa labas at kahit hirap siyang gumalaw dahil sa sakit ng unang karanasan ay tiniis niya ito para hindi mahalata ng lahat. Maliban kay Nana Tess at Des na nag-aantay at nagbabantay sa labas ng maids quarter na alam ang naganap sa silid.

Pasipol sipol si Dan habang naglalakad silang magkaibigan pauwi, hindi maitatago sa mga labi ng nito ang ngiti at kasiyahan.

"Congrats hehe!" Biro ni Des sa kaibigan.

"Thank you best friend, now akin na talaga si Kate, mahal na mahal ko siya." Nakangiti paring sagot ng binata.

"I'm happy for you friend bagay naman kayo e, ingatan mo siya sa'yo ibinigay ang perlas haha!" Si Des.

"O sige na nandito na tayo ingat pag-uwi baka hindi makatulog ha hihi!"
Pagpapaalam ng dalaga sa kaibigan nang makarating na sila sa bahay nito.

"Sarap nga malamang ng tulog ko nito e haha!" Si Dan sabay yakap sa kaibigan at nagpatuloy sa paglalakad pauwi.

Nang makarating sa bahay si Dan ay nag usap pa silang magnobya sa cellphone at pagkatapos ay sinariwa nya ang naganap sa kanila ni Kate, halos nararamdaman niya pa sa kanyang alaga ang sikip ng hiyas nito, ang init, ang dulas, ang sarap, at dahil dito ay hindi niya naiwasang magsarili dala sa isipan ang naganap.

Nang makaraos ay ipinikit niya na ang kanyang mga mata at nakangiting nakatulog.

Sa kabilang banda, pagka bihis ni Des ng pantulog ay nahiga na ito sa kama, tumitig sa kisame, isinubsob ang mukha sa unan saka humagulgol ng iyak.

Itutuloy….

Matagal-tagal narin po akong hindi nagsusulat kaya pasensya napo if kinakalawang na hehe!

Salamat po sa pagbabasa.