1. Home
  2. Stories
  3. Taong Grasa Chapter 19
Filipino Sex Stories

Taong Grasa Chapter 19

By cockadoodle ·

Chapter 19

Kuma-kabog pa rin ang dibdib ko sa tuwa. Sa wakas ay muli ko na namang mayayakap at mahahalikan ang tanging lalaking aking minahal, maliban sa aking tatay. Panay ang bati sa akin ni Weng nang malamang papa-uwi na ang aking asawa sa susunod na linggo.

Naka-tayo si Andoy sa may bintana at kausap pa rin si Bryan. Naka-talikod siya sa amin at ang makisig niyang likuran at pwet ang pinag-uusapan namin ni Weng. Dadapa pa kami sa kama upang masilip ang naka-biting sawa na natatabingan ng dalawang itlog.

Matikas na talaga si Andoy. Wala ka ng hahanapin pa pero bakit parang laging bigo sa pag-ibig ang lalaking ito. Mula kay Yona hanggang sa pinakahuli, si Aubrey. Hindi ko nga pala alam kung ano ang nangyari sa kanila ni Yona. Hanggang sa pag-donselya na lang sa babae ang na-ikuwento sa akin ni Andoy. Hindi ko alam kung paano sila nag-hiwalay o baka, pinag-hiwalay?

Masaya at malakas ang boses ni Andoy pati na rin si Bryan. Halatang gusto na nilang mag-kita ng mata sa mata dahil sa tagal nilang pag-kakalayo. Pero alam kong malungkot si Andoy. Kahit anong tago ang gawin niya ay nakikita ko ang kalungkutan sa kanyang boses.

Dahil doon ay nalungkot na rin ako. Dati ko pa namang sinasabi sa aking sarili na hindi mag-tatagal ang karnal na relasyon namin ni Andoy. Kaya't ginagawa ko ang pakikipag-siping kay Andoy dahil alam kong darating din ang oras na hindi na namin pwedeng gawin ang mga masasaya at masasarap naming pag-tatalik.

Pero hindi ko pa lam kung ano ang mangyayari. Ayaw kong pangunahan ang aking kapalaran kung ano ang magiging sitwasyon namin ni Andoy kapag dumating na ang aking asawa. Si Bryan ang mag-dedesisyon at susundin ko kung ano man ang nais niya. Maliban na lang sa hiwalayan ako, syempre.

Natapos ang pag-uusap ng magkapatid. Muling ibinigay sa akin ni Andoy ang aking cp. Tumayo ako mula sa kama at nag-punta sa silya kung nasaan ang aking mga damit. Kausap ko pa rin si Bryan.

Habang ako'y nag-bibihis ay narinig ko ang maingay na halikan ni Andoy at Weng. Bigla ang nginig sa aking katawan. Ewan ko kung bakit. Lumingon ako at nakita ko ang dalawang nilalang na mag-kasugpong ang mga bibig at malilikot ang mga kamay na humahawak sa parte ng katawan ng isa't-isa.

Nag-seselos ba ako? Bakit parang bigla na lang akong kinalimutan ni Andoy?

Lumabas ako ng silid kahit pa nga sinasabi sa akin ni Bryan na itutok ko ang cp sa dalawang nag-roromansahan sa kuwarto. Sa sala ay nag-hubad ako ng damit at yun ang ipinakita ko sa aking asawa. Ipinatong ko ang cp sa may lamesita. Tama lang ang taas upang makita akong naka-upo sa sofa. Ibinuka ko ang aking hita at ipinakita sa aking asawa na pina-liligaya ko ang aking sarili.

Ganoon lang naman kami dati. Sapat na sa amin na kaming dalawa lang ang nasa eksena. Pero mula nang dumating ang taong grasang si Andoy ay nadagdagan na ang mga karakter sa buhay sekswal naming mag-asawa. Hindi naman ako nag-sisisi bagkus ay natuwa pa nga ako dahil naranasan ko ang mga bagay na hindi pa naranasan o hindi na mararanasan pa ng ibang babae.

Naka-labas na rin ang pagkalalaki ni Bryan. Ang kargadang pumilas ng aking pagka-babae. Ang titing lubos na nag-papaligaya sa akin noon at kinasasabikan ko ngayon.

Nabibingi ako sa mga ungol at halinghing ni Weng. Bakit kanina'y ang sarap sa aking mga tenga ang kanyang ingay? Bakit ngayo'y nakaka-irita?

Panay ang bigkas ni Bryan ng mga maduduming salita. Natatangay na rin ako sa kanyang mga kilos. Lalo pa't naririning ko rin ang mga ungol ni Andoy sa silid. Ipinikit ko ang aking mga mata upang lasapin ang sarap ng paglalaro ng aking mga daliri sa aking kepyas. Ang salitang binibitiwan ni Bryan habang taas-baba ang kanyang mga kamay sa kanyang nag-huhumindig na pagka-lalaki.

Naririnig ko rin ang pag-sasalpukan ng mga katawan sa silid. Hindi ko alam kung talagang pinapa-rinig sa akin ni Andoy o sadyang lumakas lang ang aking pang-dinig. Na-alala ko na naman kung paano ako paligayahin ni Andoy kanina at sa mga nag-daang buwan.

Dahil siguro sa biglang pag-layo ng dating akin lang ay na-iingit ako sa bagong kalaro ni Andoy. O baka naman kay Andoy ako na-iingit?

Dahil sa kalikutan ng aking isip at ng aking mga daliri ay napapa-ungol na naman ako at nalalapit na naman akong makarating sa langit na ilang beses ko nang napuntahan sa araw na ito. Idinilat ko ang aking mga mata dahil nalalapit na rin ang pag-sabog ng aking asawa. Isa sa pinaka-gusto kong makita ay ang pag-sabog ng tamod ni Bryan.

Gustong-gusto kong pina-panuod ang pag-buga ng likido mula sa maliit na butas ng tarugo ng aking asawa. Na-aaliw akong makita ang mga nektar na tumatalsik sa ere habang pilipit ang mukha at katawan ni Bryan. Sinabayan ko siya habang mabilis niyang sinasalsal ang kanyang titi. Mabilis ko ding hinihimas ang aking tinggil at sandali na nga lamang ay halos sabay kaming naka-raos ni Bryan.

Pareho kaming naka-ngiti ni Bryan nang matapos na ang aming orgasmo. Ang guwapo talaga ng aking asawa. Kini-kilig akong parang teenager lang.

Halos mamatay naman sa sarap si Weng habang binabayo ni Andoy. Sa bawat salita, hiyaw at ungol ni Weng ay talaga namang sarap na sarap siya sa ginagawa sa kanya ng aking bayaw. Ayaw ko na silang tingnan dahil alam kong makiki-sali pa ako.

Nag-paalam na si Bryan sa akin at sinabi ang schedule ng kanyang flight. Panay ang "I love you" naming dalawa. Panay ang kiss sa screen ng cp na parang mga tanga.

Nag-punta na lang ako sa kusina dahil naka-ramdam din ako ng gutom. Hindi pala sapat ang protina kapag mas maraming enerhiya ang nawala. Hinanap ko ang pagkain sa ref at ininit sa microwave. Ilang minuto lang ay nag-uumpisa na akong kumaing mag-isa. Naka-taas pa ang isang paa habang dinadakot ng aking kamay ang kanin at ulam.

Napa-WTF na lang ako ng lumabas sa silid ang dalawa. Naglalakad si Weng ng dahan-dahan habang kina-kadyot ng nakasunod na si Andoy. Humawak sa may railing ng hagdan si Weng. Umaalog ang malaking suso nito habang inu-ulos ni Andoy.

Napa-iling na lang ako't kinuha ang cp upang i-record ang kabalbalan ng dalawang ito. Walang galang sa grasya. Kumakain ang tao eh.

Binilisan ko na lang ang pagkain. Tumayo ako't kumuha ng tubig sa ref saka ako lumabas ng bahay. Patay ang mga ilaw sa kalsada at sa may hardin. Madilim na ang paligid. Nagpa-hangin ako sa may maliit na hardin. Dinig na dinig pala sa labas ang mga ungol ng dalawa. Paano pa kaya kanina? Siguro nama'y hindi dahil naka-sarado ang pintuan ng sikretong silid.

Napa-luhod ako nang may nakita akong mga kabataan na nag-uusyoso sa ingay na kanilang naririnig. Panay ang tawanan nila nang mapag-tanto nila ang dahilan ng ingay na iyon. Gusto pang umakyat ng isa sa bakod kung hindi lang siya pinigilan ng kanyang mga kasama.

Natatawa ako sa nang-yayari. Kung mas malakas pa pala ang loob ng mga kabataan iyon ay siguradong makikita nila ako sa hardin na naka-luhod. Doon ko lang na-alala na wala pala akong suot na damit. Sa inis ko sa dalawa'y bigla na lang akong lumabas ng bahay ng walang anumang saplot sa katawan. Ano kaya ang iisipin nila? Na isa rin akong manyak na naninilip ng mga taong nagka-kanaan at hubad pa? Kakanain din kaya nila ako? Magpapa-kana kaya ako? Hahahaha Baliw na nga ako.

Ilang minuto pa'y natigil na rin ang ingay. Naka-upo lang ako sa may damuhan na parang batang inagawan ng laruan. Hindi naman ako umi-iyak at wala pa ring balak na pumasok ng bahay.

Ilang sandali'y lumabas si Andoy at ako'y hinahanap. Wala pa ring damit ang damuho at nangingintab ang katawan dahil sa pawis. Ewan ko ba bakit ang kanyang espada ang malinaw sa aking paningin. Kumikinang kasi ito mula sa pinaghalong tamod nilang dalawa ni Weng.

Humihingal siyang umupo sa aking tabi at ako'y inakbayan.

Andoy: Sorry, baby. Nabigla lang ako.

Me: Sorry saan? Saan ka nabigla?

Andoy: Na uuwi na pala si Yan-yan. Akala ko kasi matatagalan pa siya.

Me: Bakit ayaw mo ba siyang makita?

Andoy: Gusto. Kaya nga lang kapag nakita ko siya mapapa-layo ka na sa akin.

Me: Nasa bahay lang ako. Hindi naman ako aalis.

Andoy: Minsan ang sarap mong batukan eh. Panira ka sa drama ko.

Me: Hahaha Sorry. Nag-enjoy ka ba kay Weng? Nasaan na siya?

Andoy: Pinahiga ko sa kama. Lantang-gulay na eh. At oo, nasarapan ako.

Me: Eh di maganda. May kalaro ka na.

Andoy: Hindi ko naman mahal.

Me: Sabi ko sa iyo humanap ka na ng pwede mong mahalin. Hindi na ako pwede.

Andoy: Pero mahal mo rin ba ako?

Me: Hindi!

Andoy: Talaga?

Me: Hindi ko alam.

Bigla na lang kaming naluha ni bayaw. Alam kong hindi ko pa mahal si Andoy. Malapit lang siya sa akin. Sobrang lapit kaya't pati ang hindi dapat mag-dikit ay nag-didikit.

Me: I can't love you, Andoy. Hindi na ako pwedeng mag-mahal pa ng iba.

Andoy: Then, just let me love you.

Me: You can, but is it worth it?

Andoy: It is. I'll talk to Yan-yan. Basta hayaan mo lang akong mahalin ka.

Me: Sayang lang ang oras mo, Andoy. Hindi na tayo bumabata. Dapat nag-hahanap ka na nang ipapalit mo kay Aubrey at mag-tayo ng sarili mong pamilya.

Andoy: Bakit kasi ang malas ko sa pag-ibig.

Me: Swerte ka naman kay dayunyor.

Andoy: Sira. Swerte ang babae.

Me: Tama na nga ang drama. Asikasuhin mo na ang kalaro mo at baka hinimatay na naman.

Andoy: Can we still make love before dumating si Yan-yan?

Me: Ang sabi ng kapatid mo ay palayuin muna kita ng isang linggo at baka ma-ubusan siya kapag inaraw-araw mo ako.

Andoy: Hmph! Damot.

Me: Gago. Ma-swerte na nga tayo dahil pumayag ang kapatid mo tapos madamot pa ang sasabihin mo.

Andoy: Let's do it here.

Me: Hindi na! Pagod na ako. Wala na akong maramdaman sa pepe ko. Manhid na.

Andoy: Hahaha Sige, pero one last request.

Me: Ano yun?

Andoy: Blowjob mo ako dito.

Me: Gago.

Andoy: Hahaha Sige. Tingnan ko muna si Weng. Sunod ka na at baka lamukin ka diyan.

Me: Oo. Sige.

Mabuti na lang at hindi na ako pinilit ni Andoy. Madali na akong masyadong bumigay sa kanya. Kung isang salita niya pa ng blowjob ay siguradong gagawin ko.

Nasa sala na ang dalawa ng pumasok ako ng bahay. Natawa ako sa itsura ni Weng. Ang kaninang sopistikadang babaeng hahabulin ng kahit sino sigurong lalaki'y parang lantang gulay na sa pagod dahil sa ginawang pag-kasta sa kanya ni Andoy. Nawala ang class at parang refugee na naka-upo sa sala at umi-inom ng kape.

Weng: Wow! Naked kang lumabas?

Me: Nakalimutan ko lang na wala akong damit. Grabe kasi ang show ninyo kanina. Hindi ko ma-take. Kumakain pa naman ako.

Weng: Sorry, girl. Ang tindi kasi ng stud natin. Nawala ako sa katinuan kanina.

Me: How's your experience with Andoy?

Weng: Perfect!

Sabay halik sa hangin papunta kay Andoy.

Weng: But still…

Me: Huh?

Weng: I want to talk to my husband. Hindi ko pwedeng gawin ito ng gawin without knowing kung ano kami ng asawa ko.

Me: Anong plano mo?

Weng: I want my marriage to continue.

Andoy: That's good. Ayusin mo ang pamilya mo before anything else.

Napatingin ako kay Andoy. Kilala ko na si Andoy. Ilang beses na nga bang pumasok ang kanyang charger sa aking device. Ilang ulit na bang nag-halo ang aming katas. Ilang beses na nga bang ginawa kong juice ang kanyang dagta, ganun din siya sa akin. Malungkot siya kahit anong ngiti o pag-bibiro ang kanyang gawin ay hindi niya na ito ma-itatago sa akin.

Weng: I am happy to meet you, Andoy. I really do. I want this fucking sex relationship with the two of you to continue. Kaso, I need to fix myself first. My relationship with my husband. You see, after that wonderful sex, bigla kong na-isip na mahal ko pa rin ang aking asawa. Na hindi lang pala sex ang kailangan ko sa kanya. Susubukan kong ayusin ang aming pagsasama.

Me: Good for you. I wish you well.

Andoy: Nandito lang ako, Weng.

Weng: Andoy, you can only be happy if you will be true to yourself. Nakikita kong may pag-tingin ka kay Rosie pero, deep inside you, ay may nakatirang ibang tao. You either get rid of that person or find her.

Medyo nagulumihanan ako sa sinabi ni Weng. Ngayon niya lang nakilala si Andoy pero parang mas kilala niya pa ito kaysa sa akin.

Me: Anong ibig mong sabihin, Weng?

Weng: May ibang taong pumipigil kay Andoy para lubos na lumigaya.

Andoy: Huy! Wala ha. Mahal ko si Rosie. Kahit hipag ko siya, mahal na mahal ko siya.

Weng: It's your call. Mahal mo nga si Rosie pero may isang taong mas mahal mo.

Muli akong tumingin kay Andoy.

Me: Si Yona ba ito, Andoy?

Yumuko lang si Andoy tapos ay marahang tumango.

Weng: See?

Me: Huwag mong ibuhos sa akin ang pagmamahal mo. May resources ka. Hanapin mo si Yona.

Andoy: I'm afraid.

Weng: Bakit?

Umiyak si Andoy. Iyak na pang-Oscar ang dating.

Andoy: I'm not sure kung buhay pa siya. I don't want to know.

Lumapit kaming dalawa ni Weng sa kanya. Dito lumalabas ang pagiging mahina ni Andoy. Para lang siyang isang batang nasaktan at kailangang aluhin ng ina upang mapatigil sa pag-iyak.

Me: Bakit mo nasabing "kung buhay pa siya?".

Andoy: Baby, kaya ako umalis ng bahay nila tatay at nanay dahil nawala na lang si Yona.

Me: Anong nangyari?

Andoy: Ewan ko. Masaya naman kami. Ang sabi sa akin ni Yona ay may sorpresa pa nga siya sa akin pero isang araw ay bigla na lang silang nawala ng ate niya.

Weng: I don't know the story pero, guys, I need to go home now.

Me: Sorry, Weng.

Weng: It's ok. Sana maayos ninyo ang lahat.

Me: You too. Sana maayos mo rin ang problema mo.

Weng: I have your number Andoy. I'll call when I can. Be safe, stud.

Andoy: Salamat sa masarap na experience, Weng.

Weng: No. No. Ako ang dapat mag-pasalamat sa napaka-sarap na ginawa ninyo para sa akin. I will never forget this. Salamat, Rosie.

Me: Thank you din.

Nag-bihis kaming tatlo upang ihatid si Weng sa main road. Gusto sana siyang ihatid ni Andoy ngunit umayaw si Weng.

Pag-uwi sa bahay ay muli kong kina-usap si Andoy tungkol kay Yona.

Me: Bakit ngayon mo lang sinabi na bigla pala ang pagkaka-layo ninyo ni Yona.

Andoy: hindi mo naman tinanong eh.

Me: This is not the right time to make a joke.

Andoy: Hindi naman kailangang sabihin.

Me: Anong nangyari ba?

Andoy: Bigla na lang silang nawala ni Brenda.

Me: Any reason?

Andoy: Wala akong alam. Kahit si nanay ay walang sinasabi sa akin. Kahit anong paki-usap ko'y wala siyang sinasabi.

Me: Kaya kayo umalis ni Ante Salve ng bahay ninyo?

Andoy: Oo. May pera si nanay at binigyan niya ako para ma-ituloy ko ang aking pag-aaral. Si Ante Salve na ang naging guardian ko.

Me: Bakit kayo umalis?

Andoy: Dahil alam kong may kinalaman si tatay sa pag-kawala ng mag-kapatid.

Me: Katulad ng?

Andoy: Baka nagalit ng malamang ako ang naka-una kay Yona.

Me: Nalaman niya ba?

Andoy: Hindi ko alam. Pero naging mainitin ang ulo ni tatay sa akin. Kahit wala akong ginagawang masama ay parang laging galit sa akin.

Me: So, hindi mo alam ang totoo?

Andoy: Hindi. Pero yun lang ang nakikita kong dahilan.

Me: Okay. Hindi mo ba na-isip na kaya nag-luko si Aubrey ay dahil naramdaman niya ring may iba kang babaeng mahal?

Andoy: Hindi. Malibog lang talaga si Aubrey.

Me: Pero naramdaman ni Weng yun kahit ngayon ka lang niya nakilala? Si Aubrey pa kaya na matagal mong naka-sama?

Andoy: Ewan ko. Hindi ko alam. Ikaw ba naramdaman mo rin?

Me: Hindi eh. Pero mahal mo pa rin si Yona?

Andoy: Sorry, baby. Pero, oo. Mahal na mahal ko si Yona. Ang alam ko'y mahal din kita.

Me: Hindi kaya utang na loob lang ang naramdaman mo sa akin dahil sa ginawa ko?

Andoy: Hindi. Kahit tanga ako alam kong mahal kita.

Me: Naniniwala ka bang may masamang nangyari kay Yona at sa ate niya?

Andoy: Base sa ugali ni tatay, oo. Masamang magalit si tatay. Dahil maraming kilalang malalaking tao yun kaya malakas ang loob.

Me: Mabuti't pinabayaan kayo ng tatay mo.

Andoy: Hindi kami importante sa kanya kaya siguro ganoon. Paano na tayo, baby?

Me: Andoy, asawa ako ng kapatid mo. Si Bryan ang nagmamay-ari sa akin. At ako ang nagmamay-ari sa kanya. Hindi pwedeng dalawa ang magiging asawa ko.

Andoy: Kahit kabit lang ako.

Me: Sira ulo ka talaga. Hindi na biro ito.

Andoy: Kaka-usapin ko si Yan-yan. Papayag yun. Alam ko. Basta saling-pusa lang ako.

Me: Hindi ko alam, Andoy. Mahirap ang sinasabi mo.

Andoy: Sabihin mo na lang kasing mahal mo ako. Kahit konti lang.

Me: Mahal ko si Bryan, yun ang sigurado ako. Sa iyo, libog lang siguro.

Andoy: Okay na sa akin yun. Basta mahalikan kita. Mayakap. At…

Me: At?

Andoy: Makantot.

Bigla akong gininaw sa sinabi niya. Kahit isang beses ay hindi niya sinabi ang ganitong kataga. Bastos ang dating pero nakaka-libog talaga.

Bago kami umalis ng bahay ni Andoy ay hiniram ko ang strap-on dildo na ginamit namin. Alam na ni Andoy kung kanino ko gagamitin ang laruang iyon. Dahil sa kapatid niya, ay bagong dildo ang binigay niya sa akin. Panay na rin ang kanyang ginagawang panunukso sa aking ideya. Hindi ko alam kung magugustuhan ni Bryan ang aking plano. Hindi ako sigurado kung katulad din siya ni Andoy na pagbibigyan ang aking gusto.

Hinatid ako ni Andoy sa bahay. Hindi na siya tumuloy upang masanay niya ang kanyang sariling malayo muna sa akin. Para sa kanyang kapatid ay titikisin daw niya muna ang kanyang sarili. Alam kong mahal na mahal ni Andoy ang kanyang kapatid. Si Bryan nga lang yata ang taong kaya niyang paka-tiwalaan maliban kay Ante Salve.

Ilang araw bago dumating si Bryan ay gumawa ako ng mga sulat sa ilang pirasong papel. Naka-saad dito ang mga wild experience namin ni Bryan. Katulad ng minsang nag-bakasyon kami sa Thailand. Sa isang beach kung saan walang takot niya akong fini-finger habang maraming tao sa paligid ng beach. At sa elevator na puno ng tao ay nag-lalaro ang kanyang mga daliri sa aking pwerta.

Meron din akong sinulat kung gaano ko siya kamahal kahit wala ang mga wild experience na aming narananasan. Kung gaano ako nagpapa-salamat sa lahat ng ginawa at pinadama niya sa akin. Mga lovely ek-ek namin.

Nilagay ko ang mga pirasong papel sa mga lugar na hindi madali o mahirap hanapin. Bahala na si batman kung makikita niya ito. Isa ito sa aking paraan upang lalo ko lang ma-ipakita kay Bryan na siya ang taong nasa aking puso at puson.

Ilang araw na ring hindi ko nakikita si Andoy. Hindi naririnig ang kanyang boses. Ang kanyang kakulitan. Ang kanyang mga joke na nakakatuwa ngunit madalas ay nakaka-inis. Ang kanyang pag-lalambing. Ang kanyang katawan. Halik. At halimaw.

Binuksan ko ang aking laptop upang tingnan kung may e-mail ba ako. Natuwa ako dahil may e-mail sa akin si Andoy. Wala namang sinabi. Link lang ang naka-lagay. Binuksan ko ang link at napa-ngiti ako ng makita ang video naming tatlo ni Weng sa kanyang bahay.

Bigla ang init ng aking katawan. Kahit ilang araw pa lang akong walang dilig ay parang tuyot na tuyot na ako. Humiga ako sa kama at nilapag din ang laptop sa aking tabi.

Ang walang tigil na aksyon naming tatlo at ang ingay namin ay nakaka-bingi sa aking tahimik na silid. Ang ginawang pag-ulos ni Andoy sa aking bunganga ang lalong nagpa-libog sa aking katawan. Hindi ko lubos ma-isip kung papa-ano kong nagawang tanggapin sa aking bunganga ang malaking karne ng aking bayaw. Lubos ang aking tuwa at bilib sa aking sarili.

Nag-umpisang gumalaw ang aking mga kamay habang pina-panuod ang pag-deepthroath ko kay Andoy. Ang aking mga naninigas na mga utong ay napaka-sarap kalikutin habang bumabayo si Andoy sa aking bunganga. Ang aking mga hita'y kusa nang bumukaka kaya't pumaroon na rin ang aking isang kamay upang ang aking nag-lalaway na kepyas naman ang asikasuhin.

Para na akong porn star sa aking ginagawa kay Andoy. Isa ito sa mga gustong-gusto kong panoorin sa internet. Bilib na bilib ako sa mga babaeng kayang-kayang isubo ang malaking kargada ng lalaki na parang sword swallower sa circus. Ay ngayon nga'y pinapanuod ko na ang aking sarili na sumali na rin sa mga elite hahaha.

Hindi ko na nga mapigilang labasan dahil sa aking nakikita sa video. Umangat na ang level ko sa pag-blowjob. Siguradong masisiyahan sa akin si Bryan oras na gawin ko na rin sa kanya ang mga nagawa ko sa kanyang kapatid. Sana'y maging maganda ang kanyang reaksyon tungkol dito.

Humihingal ako habang patuloy na nagha-hide and seek ang aking daliri sa aking lagusan. Sobrang dulas ng aking pwerta na kay sarap pasakan ng malaking laman. Sayang nga lamang at wala ni isang titi sa bahay na ito sa ngayon. Ang aking laruan na lamang ang aking na-isip kaya't bigla ang aking bangon upang kunin ang gomang kasing laki ng kay Andoy.

Ni minsa'y hindi ko sinubukang gamitin ang dildong iyon. Nakaka-takot naman kasi. Itim pa naman hahaha. Pero sa libog ko ngayon at sa karanasan ko na rin kay Andoy ay siguradong kaya ko na ito. Marahan ko itong nilalaro sa aking lungga. Sumisimot ng katas upang mapadulas ang laruan. Dahan-dahan ko itong pina-pasok sa butas at napapa-nganga ako sa aking nararamdaman.

Parang si Andoy nga kung hindi nga lamang malamig ang goma. Kahit ang mga design na ugat nito sa palibot ay parang mga galit na galit na ugat ng kargada ng aking bayaw. Nag-zizigzag ang aking puwitan sa sarap na aking nadarama sa matabang laruang naka-pasak sa aking pwerta. Sadyang nami-miss ko tuloy si Andoy.

Dumating na ang parte kung saan pinaliligaya ni Weng si Andoy. Kung saan may naka-pasok na dildo sa puwitan ng aking bayaw. Noong panahong nakikita ko ang ginagawang pag-barurot ni Weng sa tumbong ni Andoy ay talaga namang kinikilig ang aking buong katawan. Kaka-iba sa aking pakiramdam na makita na ang isang lalaki'y pinapasok ng isang babae.

Nawala na ako sa aking sarili dahil sa malaking laruang pina-pasok ko sa aking pwerta. Ang sarap-sarap ng aking pakiramdam habang nakikita kong binabayo ni Weng si Andoy at ang aking ulo'y nakihiga sa matigas na tiyan ng aking bayaw. Naka-tutok ang aking mukha sa kanyang kobra na kahit anong segundo'y pwede akong tuklawin. Ngunit iba pala ang nangyari dahil ako ang kumain sa kobra ng ito'y dumudura na ng kamandag. Ang ingay ni Andoy na dinig na dinig ko sa video habang sinisipsip ko ang kanyang tarugo at nilalantakan ang kanyang dagta.

Pabilis tuloy ng pabilis ang galaw ng laruan sa aking butas. Hindi ko na alintana na basang-basa na ang aking bedsheet dahil sa dami ng katas na lumalabas kasabay ng pag-hugot ko ng matabang laruan sa aking kepyas.

Kahit pa nga naliliyo na ako sa sarap ay hindi ko magawang ipikit o alisin ang aking mata sa screen upang makita ko lang ng buong-buo ang aking ginawang pag-suso sa halimaw ni Andoy. Parang nalalasahan ko pa sa aking bibig ang sarap ng tamod ng aking bayaw. Ang dami nito na halos magpa-lunod sa akin.

Kasabay ng impit kong mga ungol at hingal sa pag-kawala ng aking hininga'y patuloy pa ring nag-lalabas masok ang dildo sa akin. Hindi ko magawang itigil kahit pa nga nangingilo na ako sa sarap. Gusto kong sabayan ang bawat nangyayari sa video kahit pa nga nangangawit na rin ang aking kamay sa aking ginagawa.

Heto pa ang eksenang lalo pang nagpa-libog sa akin ng ako naman ang may pagkakataong bumayo sa puwitan ni Andoy. Ang pakiramdam kong mas mataas ang estado ko sa aking bayaw na walang magawa habang naka-higa lamang. Ang pag-hawak at pag-salsal ko sa kanyang tarugong kahit nilabasan na'y matindi pa rin ang galit sa mundo. Ang taba nito na kailangang dalawang kamay pa ang aking gamitin upang mahawak ko lang siya ng buo. At ang aking pag-yuko't pag-subo muli rito habang panay ang galaw ng aking puwitan.

Ang mga ungol at hiyaw ni Andoy ay nananatili sa aking isipan habang siya'y aking inu-ulos. Hinding-hindi ko na ito malilimutan. Ang kanyang muling pag-sabog at ang aking muling pag-lunok sa napaka-sarap na nektar ay lagi nang nakatatak sa aking isipan.

Natapos ang video. Natapos na rin ang aking kahibangan. Pinilit kong tumayo upang malinis ko ang aking katawan at ang aking hihigaan. Siguro'y ito na ang huling beses kong gagawin ang kabaliwang ito. Darating na si Bryan. Ang aking asawang isinumpa kong mamahalin hanggang sa aking huling pag-hinga hahaha, charot.

Maganda ang aking gising kinabukasan. Isang araw na lang ay darating na si Bryan. Sa tuwing na-iisip kong muli kaming mag-kikita'y parang laging kinikiliti ang aking tinggil.

Ginawa ko na lang ang aking laging ginagawa sa bahay. Linis, luto, kain, tulog.

Dumating ang araw ng pag-dating ni Bryan. Hindi ko naman siya sinusundo kapag darating siya dahil siya na mismo ang may ayaw. Ma-papagod lang daw ako at ma-iinip sa kahihintay sa kanya sa airport. Pwede naman siyang mag-taxi.

Pero mas nakaka-inip ang mag-hintay sa bahay. At least sa airport, excited kang naka-tingin sa arrival section kung lalabas na ba ang hinihintay mo. Sa bahay, waley! Ang tanging aabangan mo'y ang sasakyan na hihinto sa harapan ng bahay ninyo.

Dahil sa sobrang excitement ay bigla ang pag-hilab ng aking tiyan. Letseng tiyan ito, ngayon pa gustong magpa-labas.

Sa cr ay panay ang dasal kong matapos agad at baka bigla ngang dumating si Bryan. Ngunit kapag mina-malas ka talaga'y puro buga lang ang ginawa ng aking puwet. Yun bang akala mo'y buo pero hindi pala hahaha.

Naka-ilang minuto rin akong naka-upo sa trono bago natapos ang aking ginagawang pagpapa-sabog ng lagim. Nag-hugas ako ng husto. Hinubad ko na rin ang aking panty at sigurado naman akong mahuhubad din ito pag dating ni Bryan.

Pagl-labas ko ng cr ay nagulat ako nang makita ko ang aking naka-ngiting mister sa may pintuan. Alam kong may sarili siyang susi pero hindi ko alam na dala-dala niya pala ito sa kanyang pag-uwi.

Bigla ang pag-tugtog ng musika sa background. Kahit ilang dipa lang ang layo nami'y slow motion kaming tuma-takbo na para kaming nasa dalampasigan upang yapusin ang isa't-isa.

Maririin ang aming halikang ginawa ng mag-tagpo na ang aming mga labi. Dama naming pareho ang pagka-sabik sa isa't-isa. Ang pagmamahal. Ang init ng katawan.

Tumalon ako upang masalo niya ang aking puwitan habang patuloy kaming nag-hahalikan. Naka-yakap na ang aking mga binti sa kanyang puwitan. Walang kasawaan ang aming mga bibig sa pag-sipsip sa dila't labi ng isa't-isa. Ang mumunting pag-iyak dahil sa wakas ay magkasama na ulit kaming dalawa. Kahit na kung sino-sinong mga tao ang aming naka-talik ay hindi pa rin iyon sapat upang ma-puksa ang aming pananabik.

Walang salitaan. Puro galaw lang ng katawan. Titigan minsan kapag nag-hiwalay ang aming mga bibig upang suminghot ng hangin upang mabuhay at muli'y mag-lalantakan ng bibig na parang wala ng bukas.

Ibinaba ako ni Bryan. Magka-dikit ang aming mga noo. Pana'y ang higop namin ng hangin. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong dapat gawin. Naka-tingin lang siya sa akin at ako'y ganoon din sa kanya. Naramdaman ko na lang ang kanyang kamay na hinihila ang laylayan ng aking daster.

Bigla ang kilabot ng aking katawan ng maramdama ko na ang kanyang daliri sa aking talop na talop na kaselanan. Napa-tingala ako ng dumikit ang kanyang daliri sa aking sensitibong parte. Parang si FPJ ang walanghiya na ginawang gatilyo ang aking tinggil sa kanyang ginawang pagkalabit dito.

Libo-libong boltahe ng kuryente ang umalagwa sa aking buong katawan. Hindi ko mapigilang mapa-kadyot dahil sa kiliting dulot ng malikot na daliri ng aking asawa. Kumunyapit ng husto ang aking kamay sa batok ni Bryan. Lumaylay sa likuran ang aking ulo at napa-bilog ang aking bibig.

Sumubsob naman si Bryan sa aking dibdib at pilit hinahanap ang aking korona na natatakpan pa ng aking daster. Hindi naman siya nahirapan dahil parang burol na umusbong ang aking mga utong dahil sa kiliting dulot ng kanyang mga daliri sa aking tinggil.

Papalit-palit ng lugar ang kanyang mga daliri. Minsa'y lulusong ito sa aking nag-lalawang butas at minsa'y mag-lalagi sa aking sensitibong kuntil. Kahit saan pa man ito tumambay ay matinding kuryente lang sa aking katawan ang aking nararamdaman.

Hindi ko na mabilang kung naka-ilan ako. Hindi ko rin alam kung gaano katagal kaming ginagawa ang aming ginagawa. Pero katawan ko ang nag-desisyong baguhin ang aming puwesto. Libog versus ngawit. Ngawit wins.

Kumawala muna ako saglit kay Bryan. Hinawakan ko ang kanyang mukha't sinubsob ko ang aking mga bibig sa kanyang mapulang labi. Back to tounge jousting na naman kaming dalawa. Ang kanyang mga kamay ay nakapaloob na sa aking daster at minamasa ang aking dibdib. Ako nama'y ang kanyang harapan ang nilaro.

Mabilis kong hinubad ang kayang pantalon. Lumuhod upang bigyang atensyon ang kanyang alagang matagal ko na ring hindi natikman. Tirik na tirik ito. Kulang na lang ay sumabog dahil sa sobrang dami ng dugong dumadaloy sa mga ugat nito. Sabik na sabik ko itong sinubo at dineretso sa aking lalamunan. Natuwa ako ng marinig ang matinding ungol na umalagwa sa bibig ni Bryan.

Mabagal na atras-abante ang aking ulo. Mula dulo ng kanyang burat hanggang sa dumikit ang aking ilong sa kanyang puson. Napapa-hingal ang aking asawa sa aking ginagawang pag-subo sa kanyang kargada. Sa bawat pag-labas ng kanyang titi sa aking bunganga'y malalakas na tunog ang aking nagagawa dahil sa matinding pag-sipsip na ginagawa ko dito.

Ilang beses ko itong ginawa hanggang si Bryan na mismo ang pumigil sa akin dahil hindi niya na raw kakayaning pigilan pa ang nalalapit na pag-sabog. Hindi ko naman siya pinakinggan at patuloy lang ako sa aking ginagawa sa kanya. Kilala ako ni Bryan kaya't pinabayaan niya na lang ako sa aking ginagawa.

Hindi na rin nga nag-tagal ay nalasahan ko na ang unang tamod na aking natikman. Ang dagta ng pagmamahal ni Bryan sa akin. Hawak niya ang aking ulo habang nangingisay ang kanyang katawan dahil sa orgasmong kanyang natikman mula sa aking bibig. Ilang minuto ko pang sinipsip to the last drop ang titi ni Bryan.

Tumayo ako at nag-titigan kami ng aking asawa. Panay ang galaw ng aking dila sa aking mga labi at sinisimot ang mga likidong pinawalan ni Bryan sa aking bunganga. Medyo nagulat ako ng halikan ako ni Bryan. Hindi ko ina-asahang gagawin niya ito pero lubos ang aking tuwa. Ilang saglit ding tumagal ang aming pag-hahalikan bago kami kumawala sa isa't-isa.

Bryan: Hi, pot.

Me: Hello, potpot.

Bryan: How you doin?

Natawa ako. Kuhang-kuha niya talaga ang accent ni Joey sa Friends. Isa ito sa dahilan kung bakit ako nagka-gusto sa kanya. Mapag-biro si Bryan pero seryoso sa buhay. Malibog pero mapag-mahal. Parang yung isang kilala ko rin, ang kanyang kapatid.

Buong araw kaming magkadikit ni Bryan. Kahit ang time-out sa banyo ay mag-kasama pa rin kami. Para lang kaming bagong kasal na nagpupulot-gata at walang kasawaan sa katawan ng isa't-isa at sa mga aming ginagawa.

Wala ng ibang tao sa aming mundo sa ngayon. Kaming dalawa lang ang nakatira sa hardin ng Eden at kahit ang ahas ay walang puwang sa mundong aming ginagalawan. Buong araw kaming nag-tatalik at walang paki-alam kung pagod na ang aming mga katawan.

Subalit ang libog ay nagagapi rin ng hapo. Katawan ang naliligayahan sa bawat pag-susugpong ng katawan ngunit katawan din ang mag-dedesisyon kung kailan ito dapat tapusin. Pareho kaming lupaypay sa pagod. Tulog upang mabawi ang lakas na aming ginamit sa makamundong ligaya na walang kasing sarap lalo pa't ang iyong pinaka-mamahal ang iyong kasiping.

Nagising na lang ako dahil may nararamdaman akong masarap sa aking katawan. Si Bryan ay nakasuosob sa aking harapan at nilalantakan na naman ang aking pwerta.

Me: Pot, hindi pa ako nag-huhugas.

Umangat ang mukha ni Bryan.

Bryan: Okay lang pot. Ang sarap mo.

Me: Loko. May tamod mo pa yan.

Bryan: Eh di masarap din ako.

Lalo lang akong nalibugan sa kanyang sinabi. Ewan ko ba bakit ang sarap-sarap ng aking nararamdaman kapag ganito ang ginagawa sa akin ng lalaki. Kahit si Andoy na pinapapak ang aking lagusan kahit alam niyang pinuno niya ng kanyang dagta ang aking sinapupunan ngunit walang patumangga niya pa rin itong kakainin.

Ilang minuto niya rin akong pinapak bago niya ako pinasok. Matindi ang enerhiya ng aking asawa ngayon. Naka-ilang palit din kami ng posisyon bago niya ulit pinuno ang aking lagusan.

Bagsak sa kama si Bryan matapos ang matinding mga sigaw ng kanyang huling pag-putok sa aking loob. Parehon kaming hunihingal sa aming huling pag-bubuno.

Tunagilid ako ay yumakap sa kanya. Nag-hihintay ng kanyang sasabihin sa kung ano man ang mangyayari sa aming tatlo ng kanyang kapatid. Ayaw ko siyang pangunahan at baka masabi niyang gusto kong laging maka-sama si Andoy.

Subalit wala akong narinig mula sa kanya na may kaugnayan sa kanyang kapatid. Panay lang ang kwento niya sa kanyang trabaho, mga kwento niya sa kanyang ka-trabaho tungkol sa akin at sa kanyang mga plano sa hinaharap.

Gusto kong malungkot dahil wala pa akong naririnig tungkol kay Andoy. Pwede niya naman akong pigilan na huwag ng makipag-talik kay Andoy. Karapatan niya iyon. Siya ang nag-dikta noon at siya rin ang pwedeng mag-dikta ngayon.

Ibig bang sabihin nito'y pwede pa ring ipag-patuloy ang aming mga ginagawa ng kanyang kuya? Hindi. Ayaw kong pangunahan si Bryan. Si Bryan ang aking mahal, hindi si Andoy. Tawag lang ng (malaking) laman para sa akin si Andoy.

Napigil lang ang aming pag-tatalik nang makaramdam na ng gutom ang aming sikmura. Naligo kami ni Bryan at nag-bihis upang makisalamuha muna panandalian sa ibang tao sa earth. Kumain kami sa labas. Namili ng kung ano-ano. Namasyal. Tipikal na ginagawa ng mag-asawa.

Pag dating sa bahay ay balik na naman kami sa mala-hayop naming gawain. Hindi nga lang katulad ng mga hayop na nag-sisiping upang magparami. Kami ay purong sarap lang ang nais na makamit.

Ilang araw kaming ganito hanggang sumapit ang bisperas ng araw ng mga puso. May dumating na delivery para sa akin galing kay Andoy. Panay ang tukso sa akin ni Bryan. Gusto kong ma-inis sa kanya dahil hanggang ngayo'y wala pa rin siyang sinasabi sa kung anog ang kanyang gagawin sa mga nangyayari sa amin ng kanyang kapatid. At sa mangyayari sa aming tatlo.

Binuksan ko ang box. Akala ko'y mga sokoleyts. Ulo ng litson ang walang hiya.

Binasa ko ang sulat na kalakip ng kahon.

"Happy balentayms, baby. Itinabi ko talaga ang ulo ng litson. Alam kong paborito mo ang part na yan. Love you. Your kabit, Andoy."

Binigay ko ang sulat kay Bryan. Hinintay ko ang kanyang reaksyon.

Me: Ano ang masasabi mo, potpot.

Bryan: Alam niya pala na paborito mo ang ulo ng litson?

Me: Ano ka ba? Wala ka bang sasabihin tungkol sa mga nangyari sa amin ng kuya mo?

Bryan: Meron, pot. Pero hindi muna ngayon. Bukas, pag-uusapan natin ito.

Me: Pero Valentines bukas. Wala ba tayong gagawin?

Bryan: On the contrary, marami. Please, be patient.

Natutunaw ako kapag ganito ang sinasabi sa akin ni Bryan. Na-alala ko noong medyo nahihirapan kami sa buhay dahil sa sunod-sunod na mga trahedyang nangyari sa amin kasama na doon ang pagkamatay ng aking mga magulang. Si Bryan lahat ang gumawa ng paraan upang makaraos kami sa hagupit ng punyetang buhay.

Ano nga ba ang dapat kong katakutan. Nandito ang aking mahal na asawa at alam kong alam niya ang dapat gawin at kung ano ang ika-sasaya naming dalawa. Lalo lamang napapa-mahal sa akin si Bryan kapag ganito ang kanyang ginagawa.

Muli'y nag-tampisaw kaming mag-asawa sa sarap ng dulot ng sex. Wala kaming kasawaan sa pag-lalaro sa katawan ng bawat isa. Pareho naming alam kung ano ang gusto ng katawan ng isa't-isa.

Payapa kaming natulog na puno ng ligaya. Bukas ay panibagong araw at mas masaya dahil araw ito ng mga puso. Kahit pa nga mag-asawa na kami'y para pa rin kaming mga single na kinikilig kapag dumating ang Valentine's Day.

Ano nga kaya ang mangyayari bukas. Kahit tulog na ako'y nag-lalaro pa rin sa aking isip kung ang kahihinatnan ng araw ng mga puso para sa aming mag-asawa. Ang kung ano ang mangyayari sa gagawin naming pag-uusap tungkol kay Andoy.

Maaga akong nagising kinabukasan. Mapayapang nahihimbing si Bryan. Hindi ko pag-sasawaan ang mukha ng aking asawa. Pero, kinginang yan, bakit nakikita ko ang mukha ni Andoy. Oo nga pala, kapatid niya pala si Andoy.

Bumaba ako sa kusina upang mag-luto ng makakain. Panay pa ang aking pag-kanta nang may marinig akong kuma-katok sa aming gate. Tanga lang, may doorbell naman.

Mabilis akong ang-suot ng roba dahil feeling Eba ako kanina. Sumilip ako sa may bintana upang tingnan kung sino ang nasa gate. Medyo nagulat ako dahil nakita ko si Nat na kumakaway. Mabilis kong binuksan ang pintuan at hangos ako sa gate. Subalit wala ng tao ng mabuksan ko na ito.

Tama nga ba ang nakita ko? Panay ang tingin ko sa kalsada. Hindi naman siya siguro si Flash para maka-takbo ng sobrang bilis upang makalayo sa aking paningin. O baka siya si invisible man?

Hindi! Alam kong si Nat ang nakita ko. Pero bakit wala? Multo? Grabe na ang technology ngayon, bakit pa ako maniniwala sa multo? At bakit magiging biglang naging si Casper the friendly ghost si Nat? Wala namang na-kwento si Bryan tungkol kay Nat kung may nangyari mang masama dito.

Siguro na-miss ko lang. Siya pa lang kasi ang nagpunta sa aking lugar na wala pang ibang lalaking nag-punta hahaha.

Pero sinisiguro kong mamaya'y may pupuntahan ako sa lugar ng aking asawa na ngayong ko lamang pupuntahan.

Pag-pasok ko ng bahay ay nasa sala na si Bryan. Parang si Adan ang loko na walang hiya-hiya na pinapakita ang ganda ng pagkakalilok ng kanyang katawan. Para tuloy akong fan girl na napapatakip ng bunganga ng makita ang kanyang ini-idolo.

Bryan: Sino yun, pot?

Hindi ako makasagot dahil nakatutok ako sa nakalambitin na ahas sa pagitan ng kanyang hita. Nakalimutan ko nang sabihin ang tungkol sa aking nakita.

Lumapit sa akin si Bryan at hinandugan ako ng napaka-tamis na halik.

Bryan: Happy Valentine's, pot.

Nangingilid ang aking luha. Ang sarap-sarap pakinggan ng mga katagang iyon mula sa taong iyong pinaka-mamahal.

Me: Happy balentayms, potpot.

Ugggh!!! Letseng Andoy. Napa-gaya tuloy ako sa sinabi niya sa akin sa sulat.

Napatawa si Bryan.

Bryan: Mukhang nami-miss mo na si kuya ah.

Me: Hindi no. Sorry sa sinabi ko.

Bryan: It's alright, pot. I know what you meant.

Me: Happy Valentine, potpot. I love you, oh so much!

Bryan: I love you more.

Muli'y ang walang kasawaang paglalantakan ng bibig ang nangyari sa amin sa loob ng ilang minuto. Kahit ramdam ko na naman ang pag-tigas ng ari ni Bryan at lubos naman akong magpapa-ubayang ibigay ang aking katawan at kaluluwa'y kumain na lang kami ng agahan.

Nag-punta kami sa kung saan-saan. Kumain kami sa turo-turo sa kung saa'y gustong-gusto namin ang pagkaka-luto ng aming mga paboritong pagkain. Nanunod ng sine. Nag-punta sa spa.

Napagod na ako sa dami ng aming pinuntahan.

Madilim na nang dumating kami sa bahay. Nagulat ako dahil may liwanag na nang-gagaling sa loob. Alam kong wala akong iniwang ilaw na nakasindi bago kami umalis. Sinabi ko ito kay Bryan.

Bryan: Pupunta ako sa likod bahay at baka doon pumasok. Mag-hintay ka lang dito.

Ewan ko ba kung bakit ko ginawang ipasok ang susi sa door knob at binuksan ang pintuan.

Nagulat ako na makita ang aming sala. Punong-puno ng bulaklak. Ang paborito kong tulips ang bumulaga sa akin. Amoy na amoy din ang mga scented candles na Amber and Vanilla blossom. Ibang-iba ang ambiance ng aming sala. Naka-sapin ang mga satin sheet sa aming sofa. Ang musika na nang-gagaling sa aming mp3 player.

Pumasok ako at isinara ang pintuan. Grabe talaga ang asawa ko sa ginawang sorpresa para sa akin. Natutuwa ako't nalilibugan dahil na rin sa alam kong mangyayari pati na rin sa tunog at amoy ng aming bahay.

Napatili ako nang may yumakap sa aking likuran at hinalikan ang aking leeg.

**** I'm grateful for my friends and relatives. Without them, I wouldn't have friends or relatives.