1. Home
  2. Stories
  3. Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan [2] - Chapter 27 - Always And Forever
Filipino Sex Stories

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan [2] - Chapter 27 - Always And Forever

By van_themaster ·

Chapter 27

Malapit ng mag-alas singko ng madaling araw ng maalimpungatan si Arman. Masakit pa ng bahagya ang kanyang ulo at nais pa niyang maidlip. Ngunit pagkatapos tingnan ang orasang pambisig ay pilit na siyang tumayo mula sa kanyang pagkakahiga sa sofa.

Tahimik siyang lumakad palapit sa kwarto nilang mag-asawa at saka maingat na binuksan ang pinto. Tumuloy na siya sa loob at iginala ang kanyang paningin. Sa kwartong naging saksi sa ilang taon din nilang pagiging mag-asawa ni Arcelle. Ganap na siyang lumapit sa tabi ng kama kung saan naroong himbing na natutulog ang babaeng naging bahagi din naman ng kanyang buhay.

Malaya niyang pinagmasdan si Arcelle mula sa liwanag na nagmumula sa may lamp shade malapit sa kama. Mula sa maganda nitong mukha hanggang sa maalindog na katawan na nasasapinan lamang ng isang manipis na kamison.

Hanggang sa napansin niya na wala na sa daliri ni Arcelle ang wedding ring na ibinigay niya. Alam niyang tapos na ang pagsasama nilang mag-asawa ngunit bakit kay bigat pa din ng kanyang pakiramdam. Kaybilis nagbago ng lahat na parang naging biro lang ang nakaraan nilang dalawa.

"Maybe it's our fate that we end up like this Arcelle. But I do know for a fact na nagkulang ako sayo at naging makasarili. How could I blame you for everything gayung alam kong ako ang unang nagkamali?" Ang laman ng kanyang isipan at saka siya malungkot na ngumiti.

Ibinaba niya ang katawan at saka marahan na hinaplos ang buhok ng natutulog na si Arcelle. Napakaganda ng kanyang asawa at sadyang kaakit-akit talaga. Naroon pa din ang init na dulot nito sa kanya kasama ang damdaming hindi niya tiyak kung kailan tuluyang mawawala.

"Thank you for everything Arcelle…, kahit alam kong hindi ako naging perfect husband sayo, but it's not a lie that I have love you." ang sabi ni Arman sa mahinang tinig.

Inilapit niya ang kanyang mukha at saka ginawaran ng napakabanayad na halik sa may pisngi si Arcelle.

"And I'm really sorry Hon." ang sunod niyang pag-amin sa katotohanang sinabi ng kanyang labi.

Inilayo ni Arman ang kanyang mukha at inayos ang kumot sa katawan ni Arcelle. Minsan pa niya itong pinagmasdan at saka siya maingat na lumabas na ng kwarto.

Pagkasara ng pinto ay mahigpit na hinawakan ni Arcelle ang kumot na inayos sa kanya ni Arman.

"I'm sorry too Hon." ang mahina ding nasabi ng labi ni Arcelle kasabay ng pagbukal ng luha sa kanyang mga mata. Dahil alam niyang nagkamali din siya at naging mahina sa pagtawag ng tukso. Na dapat ay kapwa nila hinarap ni Arman ang pagkakamali nilang dalawa. Ngunit mas nanaig sa kanila ni Arman ang kanilang kapwa prinsipyo at maling pagtatampisaw na naging sanggalang nila sa kasalanang umalipin sa bawat isa sa kanila..

Hindi na iminulat ni Arcelle ang kanyang mga mata. Tahimik na lamang hinayaan ang mga sariling luha na tumakas mula sa kanyang mga mata habang nakahiga sa kama nilang mag-asawa. Ang lahat ay lilipas din naman at ang bawat umaga ay may dalang bagong pag-asa. Na sana ay mangyari ang kapwa nila ninanais na dalawa. Ang makasama ng tuluyan ang pinili nilang kaligayahan kapalit ng pagsasamang tinapos na nila.

Hindi na niya inayos pa ni Arman ang sarili at nagpasya na siyang lumabas ng apartment. Nagtuloy sa loob ng kanyang sasakyan upang umuwi na pabalik sa Bulacan.

Pagkarating ni Arman sa kanyang flat ay nais na niyang muling maidlip, magulo pa ang kanyang isipan dahil kay Mika at kailangan niya ng pahinga. Ngunit hindi pa siya ganap na nakakapasok sa loob ng bumukas ang pinto sa flat ni Edward.

"I'm tired Ed…" ang matamlay na sabi ni Arman sa kaibigan na alam niyang naghihintay sa pag-uwi niya. Ilang ulit na bang ganito ang sitwasyong nakikita sa kanya ng kaibigan. Hindi na niya matandaan ngunit wala na din naman siyang pakiaalam.

Dahil sa nakitang haggard na ayos ng kaibigan ay hindi na din nagpilit pa si Edward. Hindi na naman naging mabuti ang kapalaran kay Arman ng nagdaang gabi at alam niyang kailangan nito ngayon ng pahinga.

"Go ahead Pare, if you wanna share it later, we can talk about it naman gaya ng dati. May mga stock pa naman ako, so it's on me." ang sabi ni Edward na tipid na nakangiti.

Isang huling tingin ang ibinigay ni Arman sa kaibigan na hindi na niya sinagot bago siya tumuloy na sa loob. Ibinagsak ang kanyang katawan sa kama at saka muling naidlip. Umaasang kahit saglit lang ay maglaho ang lahat ng hapdi na nasa kanyang dibdib.

Naiwan naman si Edward na nakatingin lang nakasaradong pinto. Ang inaasahan niya ay kasama na ni Arman si Mika ngunit mukhang nabigo na naman ang kaibigan sa pakay nito sa dalaga. Magsasabi din naman sa kanya si Arman, ngunit isang palaisipan sa kanya kung bakit labis na nahihirapan si Arman kay Mika gayung madali lang naman dati sa kaibigan ang magpaibig sa babae.

"Something is very wrong here."

Bumalik na si Edward sa kanyang kwarto, nagbukas ng isang canned beer at saka pasalampak na naupo sa sofa. Nasa isip niya si Arcelle, ngunit inaalala pa din naman niya ang komplikasyon ng kanyang binabalak. Naapektuhan na din ang proyekto nilang hawak dahil hindi naka-focus si Arman na alam niyang laging nasa isip ay si Mika.

"You have to settle this soon Arman, before it get's more complicated."

*****

Napangiti si Amanda habang naglalakad palapit sa may veranda kung saan naroong nag-aaral si Christine. Dahil simula ng malaman ni Christine ang nangyari sa kumpanya ng ama ay parang nag-iba ang dalaga pagdating sa pag-aaral. Natutuwa siya sa magandang pagbabagong nakikita sa anak.

Natigil sa kanyang ginagawang pagre-review si Christine ng mapansin ang kanyang ina na palapit sa kanya sa may veranda.

"You shouldn't have bothered yourself Mom, pwede mo naman yan ipadala na lang kay Isay." ang nakangiting si Christine ng mailapag ng kanyang ina ang tray sa lamesa.

"Well Iha, I'm just thinking of that while preparing this since I have some other things to do. But.., as I promised, I want to become a better Mom for you Christine. A Mom who will always be there to care and to support you." ang nakangiting tugon naman ni Amanda sa anak.

Nakaramdam naman ng kakaibang saya si Christine habang nakatingin sa kanyang ina. Dahil malaki na din ang ipinagbago ng kanyang mga magulang pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Brandon. Nawala man sa kanya ang binata ay napalitan naman iyon ng pagbabagong naging dahilan ng kanyang dagdag na kasiyahan. Isang normal na pamilya na ang kapiling niya ngayon.

"Then stay for a while Mama and join me here."

Naupo naman si Amanda sa katabing upuan at masayang nakatingin sa anak na kinuha ang isang balot ng sandiwch at saka iniabot sa kanya.

"So, how was it?" ang tanong ni Amanda na hinayaang maunang mag-meryenda ang anak.

"It tastes a lot better than before."

"Why? Hindi ba ganyan kasarap yung dati?"

Napangiti naman si Christine.

"I mean, mas masarap ang lasa ngayon since it's made with a lots of love." ang may himig pagbibirong sabi ng dalaga.

"Then I should do this often." ang masayang sabi ni Amanda na nagsimula na ding kainin ang hawak niyang tinapay.

Ilang bagay pa ang masayang pinag-usapan ng mag-ina bago mapunta sa paksang lihim na nagpabago sa pakiramdam ni Christine.

"Christine, we want you to focus in getting better results in your upcoming exams. But after your finals is finally over, your Papa and I wants you to be an intern sa firm ni Enrique. Working with him might help you in many ways."

Ibinaba ni Christine ang hawak na baso at tiningnan ang kanyang nakikiusap na ina. Hindi niya masabi ang totoo kaya nauunawaan niya ang punto ng mga magulang.

"Do I really have to do that now Mama? I still have morethan two years left in my studies. Getting experience in a working environment will eventually come naman in the future. And I can even do that sa company ni Papa."

Tiningnan ni Amanda sa mga mata ang anak.

"Christine, do tell me honestly? What's the real reason that you're kind of against the idea of doing that in your semester break?" ang malumanay na tanong ni Amanda sa anak.

"Mama, our semester break is only for two weeks. I want to enjoy it as much as possible. Have plenty of rest, stroll with my friends, something like that."

Muling ngumiti si Amanda,dahil nasa anak na dalaga pa din ang nakasanayan na hindi nito madaling maiwaglit.

"Okay, that's better than what I think. Because I'm starting to think na somehow, you don't like Enrique. I'm quite relieved na that's not the case."

Hindi naman agad nakatugon si Christine, dahil iyon naman talaga ang totoo. Umiiwas siya sa matandang ang tanging pakay ay ang makuha ang kanyang kaangkinan. At alam niyang hindi magiging madali sa kanya ang pag-iwas sa bawat mga advances ni Enrique kapag magkasama na silang dalawa ng sarilinan.

Hinawakan ni Amanda sa kamay ng anak.

"Anyway Iha…, I hope you still considers it. Because I know that you and Enrique will get along fine. He is a fine gentleman afterall, and besides, your Papa and I like him a lot."

"Okay Mama, I'll give it some thought after ng finals." ang nasabi na lang ni Christine para matapos na ang usapan nila kay Enrique.

Tumayo na si Amanda at kinuha ang tray sa lamesa.

"Now, do your thing as a dilligent daughter, okay?" ang nakangiting paalam ni Amanda na bahagyang tinapik ang isang librong nasa harapan ng anak.

Napilitang ngumiti si Christine.

"I will Mama."

Sumandal si Christine sa kanyang upuan habang nilalaro ang hawak na ballpen sa kanyang labi. Iniisip niya ngayon ang suliranin na nais niyang iwasan. Hindi naman siya mapipilit ng mga magulang na gawin ang nais ni Enrique. Ngunit ang pinapangambahan niya ay ang maaaring dulot ng hindi niya pagpayag sa relasyon nito sa kanyang Papa.

"Will this be over after one night of sleeping with him?"

Natigilan si Christine dahil sa naging laman ng kanyang isipan upang matapos na ang suliranin niya kay Enrique.

"Fuck Christine! What the hell are you thinking? You're not even sure if one night is enough to that old lecherous man."

"Not gonna happen. Never." ang madiin niyang nasabi bago napabuntunghininga. Dahil iyon din ang nasabi niya dati sa sarili tungkol kay Brandon. Ngunit naibigay din niya sa binata ang sarili na alam niyang kapwa naging dahilan ng kanilang panandaliang kaligayahan.

"Brandon…" ang mahina niyang nasabi. Ayaw man niyang alalahanin ay muling nasa kanyang isipan ang isang gabing pinagsaluhan nila ng buong init. "Fuck! Do I miss it?"

Mainit ang pakiramdam ni Christine, matagal na din ng huling nangailangan ng kalinga ang kanyang laging sabik ding katawan. Uhaw ang kanyang pakiramdam ngunit hindi sa malamig na tubig na inumin. Umalis ang dalaga sa may veranda at nagtungo sa kanyang kwarto. Pumasok sa banyo at naligo sa malamig na tubig. Nais niyang mawala ang init na kanyang nararamdaman. Hindi pa niya ito nais na makalaya ngayon. Dahil inilalaan niya ang init na ito sa muli nilang pagkakasarilinan ni Dan.

Itinukod niya ang kanyang isang palad sa salamin habang nakatingin sa hubad niyang repleksyon.

"I'm giving you one last chance Dan…, bago magbago sa atin ang lahat. I'll let you make the decision, since it's you started it all. And there's no going back after that."

Tuksong sumagi sa kanyang isipan ang masayang imahe ni Dan at ng kaibigan niyang si Angela.

"Dan.., I love you still, but I have my limits too. Akin pa din ang katawan ko at hindi lang ikaw ang nagnanais na makita ang kahubarang ito."

Minsan na niyang napatunayan sa sarili ang isa niyang kahinaan. Na kahit may lamang pangalan ang kanyang puso ay kaya itong daigin ng paghahangad ng kanyang laman. May pangangailan ang kanyang katawan upang mawala ang uhaw na kanyang nararamdaman. Pagkauhaw na kung hindi na magagawang alisin ni Dan ay alam niyang mahihirapan siyang pigilan ang kanyang sarili na hanapin iyon sa iba. Hindi siya si Angela at magkaiba silang dalawa. Minsan na siyang nadarang sa isang buong magdamag sa piling ni Brandon. Wala ng kaibhan sa kanya kung sa ibang lalake naman siya mapunta.

Ang lahat ay nakasalalay sa huling pagpapasya ni Dan.

"I can still be yours Dan…, all you have to is don't end everything between us. I don't care if we have to hide from Angela, as long as we are still together. But if you dare to let me go, then I'm free to become anyone's bitch if I love to." ang madiin niyang sabi habang matiin na nakatingin sa alindog na alam niyang pinagnanasaan ng marami.

*****

Lampas tanghali na ng magising si Arman, bumangon siya mula sa kama at napansin ang ayos niya sa salamin. Hindi pa din siya nakakapagpalit ng damit at parang matagal siyang hindi nakapagpahinga.

Pagkatapos maligo at ayusin ang sarili ay nag-init siya ng pagkain mula sa loob ng ref. Hindi pa nalalamanan ng kahit na ano ang kanyang sikmura mula kaninang umalis siya sa dating apartment na tinitirhan. Sanay na naman siya ng ganito dahil sa klase ng kanyang trabaho ngunit may kaibhan na ngayon. Dahil sadyang nag-iisa na siya at wala na siyang asawa na dating nag-aasikaso sa kanya.

Kung nangyari lamang sana ang nais niya kay Mika ay hindi ganito ang buhay niya ngayon na walang sigla. Pagkatapos iligpit ang mga ginamit sa kusina ay lumabas na siya ng kanyang flat. Kailangan niya ng kausap na mapagsasabihan ng kanyang mga saloobin. Baka sakaling gumaan ang kanyang pakiramdam kapag nailabas na niya lahat ang nakatago sa kanyang damdamin.

"Ed."

Tumayo si Edward at lumapit sa may pinto. Binuksan iyon ng maluwang at saka tipid na ngumiti sa kaibigan.

"Okay ka na ba?"

"I'm not okay. The truth of it Ed, ang gulo ng buhay ko ngayon ."

"I think you need me for something, so anong magagawa kong tulong sayo?"

""Makinig lang sa mga sasabihin ko. I only need you for that. Not unless may naka set ka ng sched today?"

"Mamayang gabi pa ang lakad ko, you know my routine naman. Pwede ko ding hindi puntahan depende kung gaano karaming can ng beer ang gusto mong itumba natin."

Umalis na si Edward sa harap ng pinto at lumapit sa kanyang ref. Nagtuloy naman si Arman sa may salas at naupo roon. Pagkatapos ilapag ang unang pack ng beer at pangmabilisang pulutan ay naupo na din si Edward kaharap ang kaibigan.

Nagbukas sila ng tig-isa at kapwa uminom muna ng bahagya.

"You can start now Pare, I hope you don't mind sa sasabihin ko. Pero eager talaga akong malaman ang lahat."

"Sa amin ni Mika?"

"Everything, pati yung ngyari sa inyo Arcelle. Kung willing kang i-share?"

Napailing na lang si Arman at saka siya muling uminom.

"Hiwalay na kami ni Arcelle…, alam mo na ang dahilan, si Mika. But I'm not sure kung nasabi na niya sa family niya. Pero wala pa akong pinagsasabihan maliban sayo."

"Is that all?" ang parang nabitin na si Edward.

"That's all that you can get. "

"Arman, be honest with me?"

"About what?"

"Mahal mo pa ba si Arcelle?" ang seryosong tanong ni Edward habang kay Arman.

Hindi naman agad nakasagot si Arman. Hinahanap sa kanyang sarili ang katotohanan sa tanong ng kaibigan.

"I don't know Pare."

"Well…, you need to be sure about that Pare." sabay turo ni Edward sa daliri ng kaibigan kung saan naroon pa din ang wedding ring nito.

Tiningnan ni Arman ang suot na singsing. Ang singsing na siyang tanda ng pagbibigkis nila ni Arcelle para sa isa't-isa.

"It doesn't mean anything now Ed." ang madiin na sabi ni Arman. Nang maalala na hinubad na ni Arcelle ang singsing nito.

"Isa lang ang gusto kong i-confirm sayo. May third party ba? Kay Arcelle?"

Hindi na sinagot ni Arman ang tanong ng kaibigan at inubos na lamang ang laman ng kanyan hawak na beer.

"So, final na ba ang decision nyong dalawa? Hindi biro ang mag-file ng annulment, then there's the shock sa mga partidos nyo." ang muling mga tanong ni Edward. Hindi man sinagot ni Arman ang tanong niya ay may pakiramdam siyang totoo ang nasa isipan niya.

"We're done Ed. We'll settle everything soon para makapag-move on na din kami from all this."

"Could you Pare?" ang isa pang tanong ni Edward.

Napatingin naman si Arman kay Edward pagkatapos na buksan ang isa pang lata.

"May problema ka pa kay Mika diba?"

Napasandal muli sa sofa si Arman at saka itinuloy ang pag-inom.

"There is someone na nauna sa akin. He is the sole reason kung bakit nasa stalemate pa din kami ngayon ni Mika."

"Arman, out of curiosity, hindi ka pa ba talaga nakaka-score kay Mika?"

"Almost…, just that."

"Okay, atleast may mga moments na kayong dalawa."

"But she's still not mine Ed, and I want her so bad. I need her to be there, like everyday and night."

"Anong plano mo ngayon?"

"Yun nga eh. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko." at saka ibinaba ni Arman ang hawak sa lamesa at tinitingnan ng seryoso ang kaibigan. "But I have this feeling na alam kong kaya ko siya Ed eh. Alam kong a little more at bibigay na ulit siya ng tuluyan. I'm just being stupid in those encounters. Nagpakatanga lang ako talaga!" ang gigil na si Arman dahil sa mga pagkakataong dapat ay ganap na niyang naangkin si Mika.

"Calm down Pare." ang sabi ni Edward na nakaramdam ng inggit sa kaibigan. Nakita at nahawakan na ni Arman ang lahat sa dalagang pinagnanasaan din naman niya.

Natahimik naman si Arman, huminga ng malalim at saka ipinagpatuloy ang pag-inom.

"You're almost there diba, wag mong isipin yung boyfriend niya. For sure na walang-wala sayo yun. Kung talagang gusto mong agawin si Mika on which I believe na kaya mong gawin. See her again."

"Isa pa yan sa iniisip ko ngayon. I'm not even sure kung makikipagkita pa siya sa akin."

"Then take a risk, force the encounter ng wala na siyang kawala. You said it yourself, just a little more at nakapag-all the way na kayong dalawa. Hiwalay na kayo ni Arcelle, unfair sayo ang situation. You have to make it even somehow. Otherwise, you'll be stuck in that stalemate while you know…, your ex-wife is probably having her own fun. She's single na din naman, just like you."

May punto naman si Edward at yun ang nasa isipan ni Arman. Kailangan nila ulit magkita ni Mika. Alam niyang kaya niya itong painitin at hindi na siya magkakamali pa. Hindi maaaring hindi niya magagawa ang gusto. Ginawa na niya ang sinabi niya kay Mika at hiwalay na silang mag-asawa. Kailangang tuparin din ni Mika ang pangako nito sa kanya. Ang ganap na ipaubaya ang katawan ng dalaga para tuluyan ng maging kanya.

*****

Bago sumapit ang alas tres ng hapon. Mabagal ang mga hakbang ni Mika habang papalapit sa bar na pinapasukan. Alam na niya ang tungkol sa relasyon ni Dan kay Mam Arcelle at alam na naman din nito ang namagitan sa kanila ni Sir Arman. Kinakabahan siya dahil muli na naman silang magkikita sa sitwasyong hindi niya alam kung ano ang tunay na saloobin ng kanilang manager. Isa lang ang natitiyak ni Mika na nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob. Dahil nasa panig niya ang kaibigan niyang si Alex at alam niyang hindi siya pababayaan ni Dan.

Habang palapit sa may entrance ay napansin ni Mika ang gwardiya na hindi na inalis ang paningin sa kanya. Isang kiming ngiti ang ibinigay ni Mika sa lalakeng nasa may daanan niya.

"Mika."

"B-Bakit po Kuya?"

"Nagpasabi si Mam Arcelle, dumaan ka daw sa opisina niya bago ka mag-start ng shift mo."

"Ah, s-sige po."

Hindi na nagawang magpasalamat pa ni Mika sa mensaheng naibigay sa kanya. Lutang ang kanyang pakiramdam dahil magkakaharap na naman silang dalawa ni Mam Arcelle sa sarili nitong opisina.

Pagkatapos magpalit ng damit at tingnan ang sarili sa munting salamin nasa likod ng pinto ng kanyang locker ay isinara na iyon ni Mika. Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan ng dalaga at saka siya lumabas na. Hindi makakapasok ngayong gabi si Dan ngunit hindi naman siya nag-iisa. Dahil naritong malapit lang sa kanya si Alex na alam niyang lagi din niyang maasahan na handang dumamay sa kanya.

Pagkatapos tingnan ang orasang nasa lamesa ay itinigil na ni Arcelle ang kanyang ginagawa. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at saka sumandal sa kanyang upuan. Ilang sandali pa ay darating na si Mika sa kanyang opisina. Kailangan niyang muling makausap si Mika at umaasa siyang magkakaroon na ng wakas ang masalimuot na sitwasyon na kinasasangkutan nilang lahat. Si Dan ay para sa kanya at si Mika naman ay dapat ng maging kay Arman. Sa ganitong paraan lamang magkakaroon ng solusyon ang suliranin na kinakaharap nila. Hindi na magkakaroon pa ng dahilan para magkita sina Dan at Arman at gayundin naman sila ni Mika. Ang lahat ay magiging maayos na para sa kanilang lahat kung makikinig sa kanya si Mika.

("tok" "tok")

Napatingin si Arcelle sa may pinto at nakita niyang naroon na si Mika sa labas ng kanyang opisina. Sinenyasan niya ang empleyada na pumasok sa loob.

Nakasandal pa din si Arcelle sa kanyang upuan habang nakatingin sa dalagang nakatayo sa harapan niya.

Si Mika naman ay hindi magawang tingnan ng diretso ang kanilang manager na seryosong nakatingin sa kanya.

"Mika."

Napilitan ang dalaga na mag-angat ng paningin.

"M-Mam?"

"Bakit narito ka sa Maynila?"

"P-Para po sa pamilya ko sa probinsya Mam."

"Yan din ang sinabi mo sa akin ng unang beses tayong nagharap sa opisinang ito. Natatandaan mo pa ba?"

"Opo Mam."

Tumayo si Arcelle at umikot sa kanyang lamesa. Ngayon ay sa harapan na ng lamesa siya nakasandal habang nakatingin ng malapit kay Mika.

Isang matalim na paghinga ang pinakawalan ni Arcelle ng mapansin na hindi na suot ni Mika ang gintong kuwintas na bigay ni Arman sa dalaga.

"Sa tingin mo ay maibibigay mo sa pamilya mo ang kaginhawaan habang narito ka sa bar na ito?"

"H-Hindi po Mam."

"Tama Mika, dahil mananatili kang tagasilbi dito at laging kulang ang kahit na anong ipadala mo. Magtipid ka man at umasa sa mga tip na makukuha mo ay walang magbabago sa takbo ng buhay mo. Walang magandang bukas na naghihintay sayo Mika habang narito ka."

Hindi naman tumugon si Mika kung hindi nanatiling nakatingin lang sa kanyang manager habang magkasalikop ang dalawa niyang kamay sa harapan.

"Mika…, mas higit bang importante sayo si Dan kaysa sa pamilya mo?"

"M-Mam?"

"Kung iniisip mo talaga ang kapakanan ng iyong pamilya…, alam mo sa sarili mo kung sino ang dapat mong piliin."

Pinatatag ni Mika ang kanyang loob, alam naman niya na ito ang pag-uusapan nilang talaga.

"T-Tinapos ko na po Mam ang lahat sa amin ni…, ni S-Sir Arman." ang kinakabahang pag-amin ni Mika at saka siya muling nagbaba ng paningin.

"Tinapos? So sa tingin mo ay ganun lang yung kadali kay Arman. Bakit, ganun ba yun kadali sayo?" ang madiin na sabi ni Arcelle dahil sa nakita niyang dulot ni Mika sa dating asawa.

Hindi naman makakuha ng tamang isasagot si Mika. Dahil isang katotohanan na hindi naging madali sa kanya ang pagpapasyang ginawa.

"Mika…"

Muling tiningnan ni Mika ang kanilang manager.

"Nararamdaman kong sincere si Arman sayo. Idagdag pang malaya na siya ngayon. Bakit hindi mo subukan Mika? Bakit hindi mo subukang bigyan siya ng pagkakataon sayo?"

"Ayaw ko na po Mam." ang sabi ni Mika sa mababang tinig.

"Ayaw mo na? So, anong ginawa mo kay Arman? Pinatakam mo lang sa katawan mo? Tapos bigla mong iiwan sa ere. Alam mo bang nararamdaman ngayon ni Arman. May damdamin siyang tulad mo, nasasaktan. Isipin mo Mika, kung sayo kaya ginawa yun? Okay lang ba sayo?"

Sa sandaling ito namuo ang luha sa sulok ng mga mata ni Mika. Dahil inuusig siya ni Mam Arcelle at alam niyang nagsasabi ito ng totoo.

"N-Natukso lang po ako Mam. H-Hindi ko po intensyon na saktan si Sir. N-Natukso lang po talaga ako."

"Babae din ako Mika, at hindi tayo matutukso sa isang lalake kung hindi natin ito gusto. Gaya ng inamin mo sa akin, may namagitan na din kahit papano sa inyong dalawa."

"Mika…" at saka hinawakan ni Arcelle ang mukha ng dalaga at itinaas iyon paharap sa kanya.

"Kaya ka ding paligayahin ni Arman…, at mas higit pa. Dahil kaya niyang iahon sa kahirapan ang pamilya mo. Hindi mo na kailangang magsilbi kung kani-kanino at magagawa mo na ang mga bagay na gusto mo."

"M-Mam, ayaw ko na po tala-"

"Mika…" ang sansala ni Arcelle sa dalaga.

"May relasyon din kami ni Dan!" ang sabi ni Arcelle sa medyo mataas na tinig habang nakatingin ng diretso sa mata ng dalaga.

Hindi naman nagsalita si Mika tungkol sa katotohanang inamin na din sa kanya ni Dan.

"Alam mo na ba ang tungkol sa amin."

"O-Opo. Inamin po sa akin ni Dan."

Minsan pang huminga ng malalim si Arcelle.

"Mabuti kung ganun, mas madali mong maiintindihan ang sitwasyon natin. Kailangan ka ni Arman at kailangan ko si Dan. Kaya mong ayusin ang sitwasyong ito Mika ng mag-isa. Kaya isa lang ang pakiusap ko sayo Mika. Bigyan mo ng pagkakataon si Arman para malamam mo kung talagang gusto mo ng tuldukan ang naging relasyon nyong dalawa. Pagkatapos nun at talagang si Dan ang gusto mong piliin. Hindi na natin pag-uusapan pa ulit ang tungkol dito. Magagawa mo ba yun Mika?"

Napailing naman si Mika.

"Hindi ko po alam Mam…"

Itinaas ni Arcelle ang isa niyang kamay at hinaplos ang luha sa pisngi ni Mika. At saka niya pinagapang ang kanyang isang daliri sa tapat ng labi ng dalaga.

"Nakalimutan mo na ba agad, ang bawat sandaling magkahinang ang labi nyong dalawa." at saka itinapat ni Arcelle ang daliri sa tapat ng malulusog na dibdib ni Mika. "Nang sandaling dinadama nyo ang katawan ng isa't-isa." at saka tuluyan ng ibinaba ni Arcelle ang kanyang kamay.

"M-Mam…" ang parang nakikiusap na sabi ni Mika. Dahil pilit na ipinaalala sa kanya ni Mam Arcelle ang mga sandaling nais na niyang kalimutan.

"Hindi mo man aminin sa akin Mika, alam mong mas higit mong kailangan si Arman. Wala namang malalaman si Dan kung ililihim mo ang tungkol dito. Saka ka magpasya pagkatapos mong bigyan ng pagkakataon si Arman sayo."

Pilit na pinatitino ni Mika ang kanyang isipan dahil sa mga sinabi sa kanya ni Mam Arcelle.

"P-Pero ayaw ko na po talaga Mam."

Ngumiti naman si Arcelle.

"Ikaw ang bahala Mika, kung gusto mong ganito ang sitwasyon natin dito. Na dalawa tayong ikinakama ni Dan. So be it. Naibigay ko na sayo ang pagkakataon na mamimili kung anong mas mabuti sayo at sa pamilya mo. Pagpapasya na lang ang gagawin mo."

Bumalik na si Arcelle sa kanyang pagkakaupo at saka muling tiningnan ang natahimik na dalaga na tinutuyo ang nabasa nitong pisngi.

"Sige na Mika, magsimula ka na sa shift mo."

"Opo Mam."

Hindi na nagawang ipagpatuloy pa ni Arcelle ang kanyang ginagawa sa lamesa kahit mag-isa na lang ulit siya.

"Please Mika, maging matalino ka sana para matapos ng lahat ng ito."

*****

Pagkatapos ayusin ang kanyang sarili ay lumapit si Dan sa kamang kinahihigaan ng natutulog pa ding si Angela. Tiningnan muna niya ang orasan at lampas alas sais na ng hapon.

Ihiniga niya ang kanyang katawan sa tabi ng nakatagilid na himbing na dalaga. Hinawi ang mabango at mahaba nitong buhok upang lumitaw ang maputi at makinis na batok ni Angela.

"Ahm…" ang mahinang masarap na naidaing ng nakatagilid na si Angela sa kama. Nakayakap sa kanyang hubad na katawan si Dan, at kaysarap sa kanyang pakiramdam ang maiinit nitong halik sa kanyang balat.

Paulit-ulit na hinalikan ni Dan sa may batok si Angela habang nakayakap sa hubad nitong katawan.

"Past six na Angela, bihis ka na para sa hapunan." ang sabi ni Dan malapit sa tenga ng kasintahan.

Pumihit naman si Angela at ganap na inilapat ang kanyang likod sa ibabaw ng kama. Saglit na ngumiti sa binata at saka inilagay ang dalawang bisig sa may likod ng batok nito.

"Ang daya mo talaga, you should wake me up dapat para sabay na tayong nagbihis."

"Ang sarap kasi ng tulog ng Baby Angela ko kaya hindi na muna kita ginising."

Muling napangiti si Angela at saka hinila palapit sa kanya ang binata. Hanggang sa muling naglapat ng ilang ulit pa ang labi nilang dalawa. At pagkatapos ay niyakap ni Angela ang matipunong katawan ni Dan.

"Dan."

"Ano po yun?"

"Can I stay until tomorrow afternoon? Sa hapon na lang ako uuwi."

Inilayo ni Dan ng bahagya ang katawan at saka hinaplos ang buhok ni Angela.

"Inaasahan ka ng mga magulang bukas ng umaga at maghihintay sayo si Mang Lando."

Bigla namang nalumbay ang maganda at maamong mukha ng dalaga.

"I want to stay longer lang naman na kasama ka." ang malungkot na sabi ni Angela. Dahil ang isiping maghihiwalay na naman sila ay sadyang mahirap palagi sa kanya.

"Angela, alalahanin mo, finals na natin sa Monday at dapat ay nagre-review tayong ngayong araw."

"I've already done that kaya ."

"Angela, ayaw kong may promise ka sa parents mo na hindi mo natutupad. At saka kailangan ko pang mag-review bukas, alam mo naman na ang ilang oras ko ay nasa trabaho."

"Okay fine na nga." ang matamlay na sabi na lang ng dalaga.

Minsan pang hinalikan ni Dan ang alam niyang nagtatampong kasintahan.

"Kapag natapos na ang semester, during semester break, pwede ka na mag stay ng matagal, okay na ba yun?"

Muling bumalik ang ngiti sa labi ni Angela. Love na love talaga siya ni Dan. Malapit na naman matapos ang semestre.

"Can I stay for a whole week?" ang may halong paglalambing na sabi ni Angela.

"Nope, kung ayaw mong magalit sa akin ang Daddy at Mommy mo. Two days lang, no extension." at saka banayad na pinitik ni Dan sa may noo si Angela.

"Okay na me sa two days." ang masayang sabi ng dalaga na muling yumakap kay Dan.

"I can't wait na. I love it so much kasi yung katabi kitang mag sleep habang naka-hug ka sa akin. Then we share a kiss come morning. And then we stay together pa inside this room."

"Gusto ko din lahat ng sinabi mo…, lalo na yung favorite ng Baby Angela ko." ang tugon ng nagbibirong si Dan na nakayakap din sa dalaga.

"Who's at fault kaya kung bakit naging favorite ko yun?" ang nakalabing ganti naman ni Angela.

"Hayaan mo, mamaya, gagawin ulit natin ng paulit-ulit yung favorite ng aking Baby Angela. Pero sa ngayon…, magbihis ka muna, at kailangan na nating lumabas."

Inalalayan ni Dan si Angela na makababa sa kama. Kinuha ang mga saplot na nahubad dito at nakangiti niyang pinagmasdan ang kasintahan sa ginagawa nitong pagbibihis.

Bagaman nakaramdam ng kaunting pagkailang ay nagpatuloy na din si Angela at hindi na tumalikod pa. Pagkatapos magbihis ay naglalambing na pinisil sa braso si Dan.

"Ikaw talaga…" ang sabi ni Angela.

"Nakatingin lang naman ako ah. Daming beses ko na nakita pero hindi ka pa din masanay."

"There's different feeling kaya. Iba yung before we make love and after. You always tease me with that look kasi palagi."

Nilapitan ni Dan ang kasintahan at saka niya ito niyakap habang nakatayo sila.

"Bakit? Hindi ba pwede?" sabay halik sa leeg ng yakap na kasintahan.

"I didn't say that naman ah." ang masayang sabi ng dalaga.

Ang bawat sandaling magkasama silang dalawa ay puno ng nag-uumapaw na saya. Walang balakid at pagsubok na kayang daigin ang pag-iibigan nilang dalawa. Maghihiwalay man sila ay muli pa ding magkikita. Upang araw-araw na ipadama ang pag-ibig at kahalagahan ng bawat isa sa kanila. Hanggang sa muling dumating ang sandali na ang kanilang kapwa sabik na katawan ay muli namang magiging isa.

*****

"Mika." ang tawag ni Alex sa kaibigan na parang hindi napansin ang paglapit niya.

"H-Ha." ang bahagyang nagulat na sabi naman ng dalaga. Nakatingin sa kaibigan at huli ng mapansin niya ang iniaabot nitong pagkain sa kanya.

Inilapag ni Alex ang isang malamig na juice na inumin at tinapay sa harapan ni Mika.

"Malapit na break mo kaya nagkusa na ako. Pero wag kang masanay ha. Baka kapusin ako, si Dan ang may tungkulin talaga nan. Extra lang ako kapag wala siya." ang nagbibirong sabi ng binata.

Napangiti naman ng tipid si Mika, kahit magulo ngayon ang kanyang isipan at hindi niya kasama si Dan ay hindi naman siya nakakalimutan ni Alex.

"Salamat Alex, pasensya ka na, marami lang akong iniisip."

"Pansin ko nga, pagkagaling mo kay Mam, ni hindi mo ako tiningnan ng kumaway ako sayo. May problema ba Mika?"

Muling ngumiti si Mika, hindi niya nais na bigyan pa ng alalahanin ang kaibigan.

"Wala Alex."

Hindi na naman nagpilit pa si Alex kahit may hinala siyang may pinag-usapan ang dalawa na hindi maganda. Si Dan na ang bahala sa problema ni Mika, ang mahalaga ay nagkaayos na ang dalawa.

"Mika…, wag mo sanang kakalimutan, andito lang ako kapag kailangan mo ako."

"Syempre naman. Kaya nga hindi ako nag-alala kahit hindi natin kasama si Dan. Dahil alam kong andyan ka palagi."

Lalong sumaya ang pakiramdam ng binata. Kahit kaibigan lang ay mahalaga na din naman siya kay Mika.

"At saka ibinilin ka naman sa akin ni Dan, lahat ng ginagawa ko may permiso niya." ang nagbibirong si Alex ng maalala ang minsang napag-usapan nila ni Dan tungkol kay Mika.

"Permiso? Anong permiso?" ang nagtatakang tanong ni Mika.

"Na pwede daw akong magparamdam gaya ng pagbibigay sayo ng mga ito kapag wala siya." ang patuloy na pagbibiro ng binata.

"Sira ka talaga."

"Yan ha, buhay ka na ulit kaya itutuloy ko na yung ginagawa ko. Baka ma-tsismis pa tayo."

"Sige na nga Alex, salamat ulit dito."

Sumaludo si Alex sa dalaga at saka siya tumalikod na masaya ang pakiramdam. Hindi man sa kanya si Mika, ay masaya na din naman siya sa kanyang katayuan sa buhay ng dalaga. Iniibig pa din niya si Mika kahit si Dan naman ang gusto nitong makasama. Ngunit magkaganun pa man ay sapat na iyon sa kanya, dahil nagiging kanya din naman si Mika sa sarili niyang mundo habang nangangarap siyang mag-isa. Kahit alam niyang hanggang doon na lang kanyang ibigay ng tadhana sa kanya, ay hindi niya kailanman pagsisisihan ang araw na nakilala niya ang dalaga.

Ilang customer pa ang pinagsilbihan ni Mika bago sumapit ang oras na pwede na siyang saglit na magpahinga. Ngunit bago pa man siya makapagsabi sa staff na panandaliang papalit sa kanya ay isang lalake ang lumapit sa kaha.

Nakatingin ang lalake sa pangalang nasa tapat ng dibdib niya.

"Para sayo Miss."

At saka inilapag ng lalake ang isang nakatuping kapirasong papel sa harap niya.

"Basahin mo na Miss para makaalis na ako." ang sabi ng parang nagmamadaling lalake.

Muli siyang nakaramdam ng kaba dahil isa lamang ang alam niyang maaaring magbigay noon sa kanya.

"Miss?" ang parang inip na sabi ng lalake.

Napilitan si Mika na kunin ang papel, ibinaba iyon sa may ilalim ng kaha at saka niya binuksan at binasa.

"Salamat Miss." at saka minsan pang tiningnan ng lalake ang malusog na dibdib ng dalaga na nakangisi.

Naiwan si Mika na tulalang nakatingin sa paglayo ng lalake. Ibinulsa niya ang papel at saka nagpaalam na magpapahinga muna sa kapalitan niya.

Nasa locker room na si Mika ng maalala ang pagkaing dinala ni Alex sa kanya. Naiwan niya ang mga iyon sa ilalim ng kaha. Nawawala na naman siya sa huwisyo dahil alam niyang nasa malapit lang si Sir Arman. Naghihintay ito sa kanya sa may likuran dahil nais nitong makausap siya ng sarilinan.

"Nasa likod ako Mika, please mag-usap lang tayo saglit

Miss na kita."

Ito ang nakasaad na mensahe sa munting papel na hawak niya ngayon.

Ngunit natatakot si Mika, hindi niya kayang haraping muli ang lalake. Nais niyang manatiling tapat na talaga kay Dan. At kung makikipagkita siya ngayon kay Sir Arman ay alam niyang muling manganganib ang kanyang sarili. Isang mapang-akit na banta sa kanyang pagkababae si Sir Arman at iyon ay kanyang labis na pinapangambahan.

"Hindi na ulit Sir…, ayaw ko na talaga."

May kasalanan din naman siya sa alam niyang nararamdaman ngayon ni Sir Arman. Dahil hindi niya napigilan ang sarili na madarang sa ginawa nitong kapangahasan. Nalilitong muli ang kanyang puso at isipan dahil sa ipinipilit ng nagmamakaawa niyang katawan.

Bago matapos ang break ni Mika ay umalis na siya sa may locker room. Hinanap ang kaibigang si Alex at saka niya ito nilapitan.

"May kailangan ka ba Mika?" ang nakangiting si Alex na itinigil saglit ang ginagawang paglikom ng mga nasa lamesa.

"Hatid mo ako mamaya. " ang nakangiti ding sabi ni Mika, pilit na itinatago sa kaibigan ang kasalukuyang nararamdaman. Kailangan niya si Alex upang maging hadlang sa nakaambang tukso na hindi niya tiyak kung magagawa niyang muling tanggihan.

"Kahit hindi ka magsabi, magkukusa naman ako." ang tugon ni Alex sa dalaga. Wala ngayon si Dan at maaaring kinakabahan si Mika na umuwing mag-isa dahil sa nangyari ng nagdaang gabi. Wala man dito ngayon si Dan ay hindi niya pababayan si Mika na umuwi talagang mag-isa.

"Salamat Alex, antayin mo na lang ako mamaya sa labas."

"Okay." ang masayang tugon ni Alex dahil muli na naman niyang makakasama ang dalaga.

Pagkatalikod ni Mika ay wala na ang ngiti sa kanyang labi na nagtungo siya sa kaha. Hindi na siya muling makikipagkita pa ng sarilinan kay Sir Arman. Hindi na dapat masundan pa ang dalawang ulit niyang pagkadarang. Dahil baka sa ikatlong pagkakataon ay tuluyan ng bumigay ang kanyang katinuan, at magawa na ni Sir Arman na tuluyang paghugpungin ang kanilang katawan.

*****

Nawala ng kaba ni Mika ng hindi niya makita si Sir Arman sa may labasan. Dahil ang akala niya ay sapilitan na naman itong makikipagkita sa kanya pagkaawas niya sa bar na pinapasukan. Kasama naman niya si Alex kaya wala siyang dapat na ipag-alala.

Mula sa may di kalayuan sa lugar kung saan nag-aabang ng sasakyan papasok si Mika ay naroong naghihintay si Arman. Hindi nakipagkita sa kanya si Mika kanina gaya ng inaasahan na niya. At alam niyang kung susundan naman niya ang jeep na sinasakyan ng dalaga ay maaaring maghinala ito lalo't alam ni Mika na naroon siya.

Kaya mas minabuti ni Arman na dito maghintay sa pag-uwi ni Mika. Malalaman din naman niya kung kasama nito si Dan. Sa isiping ito lalong nagngitngit ang kalooban ni Arman. Dahil hindi lamang si Arcelle ang patuloy na natitikman ni Dan, maging ang kanyang pangarap na makasama na si Mika ay alam niyang lagi ding naikakama ng binata.

Ilang sandali pa ay nakita ni Arman na tumigil ang isang jeep at bumaba doon si Mika kasama ang isang lalake. Kahit hindi malapit sa dalawa si Arman ay alam niyang hindi iyon si Dan kung hindi ang lalakeng kasama ng binata ng gabing dinala niya si Mika sa isang hotel.

"It's not that son of a bitch. I still have a chance tonight." ang lihim na nasabi ni Arman sa sarili sabay hawak ng mahigpit sa manibela.

Nang naglakad na ang dalawa papasok sa kanto ay lumabas na din si Arman sa kanyang sasakyan. Malayo ang distansya ni Arman sa mga sinusundan niya. Hindi na niya ginamit ang kanyang sasakyan dahil sa pag-aalalang baka mapansin siya ng mga ito.

Nang nasa malapit na ng makipot na eskinita sina Alex at Mika ay dito na sila tumigil sa paglalakad..

"Sige na Mika. Antayin lang kitang makapasok at uuwi na din ako." ang sabi ng nakangiting si Alex.

"Salamat Alex, mabuti na lang andyan ka palagi."

"Andito lang naman ako palagi para sayo Mika. Mula noon, hanggang ngayon. Wala namang nagbabago sa akin."

"Alex…"

"At kung papalarin Mika, gusto kong manatiling palaging narito kapag kailangan mo ako."

Nagtama ang kanilang paningin at nais ng bigkasin ni Alex ang mga katagang alam niyang alam na din naman ni Mika. Ngunit ang gawin iyon ay hindi niya kaya. Dahil ang itinitibok ng puso ni Mika ay si Dan at ayaw niyang lampasan ang hangganan nila ni Mika. Dahil si Mika lang din ang labis na mahihirapan kung magbabago ang sitwasyon nilang dalawa.

"Lakad na Mika, kita na lang tayo nina Dan sa Lunes."

"S-Sige Alex, una na ako. Ingat ka sa pag-uwi."

Isang tipid na ngiti ang kapwa nila ibinigay sa isa't-isa at saka tumalikod na si Alex at nagsimulang humakbang palayo. Naiwan naman si Mika na minsan pang tiningnan ang naglalakad na binata. Alam naman niya ang nararamdaman ni Alex para sa kanya. Hindi na kailangan ng salita o aminin iyon sa kanya ng kaibigan. Sapat ng batayan ang lahat ng ginagawa nito para sa kanya. Lihim niyang ipagpapasalamat na hindi nais ni Alex na laktawan ang hangganan ng kanilang pagiging magkaibigan. Ayaw niyang masaktan pa si Alex ng lubusan at alam ni Mika na siya din ay maghihirap ang kalooban.

Pagkatapos ligpitin ang mga nasa lamesa ay ang sarili naman ang inasikaso ni Mika. Pagkatapos magsipiliyo sa banyo ay nais na niyang magpalit ng pambahay. Ngunit hindi pa siya nakakalapit sa kanyang sariling lagayan ng mga damit ng mapatingin siya sa direksyon ng nakasaradong pinto.

("tok" "tok" "tok")

May tao sa labas ngayong dis-oras ng gabi.

"S-Sino po sila?"

Mula naman sa labas ng pinto ay isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Arman. Narito na siya ngayon sa tinitirhan ni Mika at alam niyang nag-iisa ang dalaga.

"Ako ito Mika."

Dahil sa narinig na kilalang tinig ay biglang binalot ng matinding kaba si Mika.

"Mika, please, mag-usap naman tayo." ang pakiusap ni Arman, hirap na hirap na din naman talaga siya sitwasyon nilang dalawa.

Ngunit walang sumagot mula sa loob kahit alam naman ni Arman na naroon si Mika.

"Kailangan ko pa bang magmakaawa sayo at abutin ng umaga dito."

Lumapit si Mika sa may pinto ngunit hindi binuksan iyon.

"S-Sir, pakiusap po, u-umuwi na po kayo."

Hinawakan ni Arman ang nakasaradong pinto at saka siya muling nagsalita.

"Mika, umasa ako sa pangako mo at iniwan ko ang asawa ko. Pinaasa mo lang pala ako sa wala. Sana hindi ka na lang nangako para hindi ako nahihirapan ngayon."

Dahil sa narinig ay nakaramdam ng sumbat sa kanyang puso si Mika. Dahil totoo naman na isang parte ay siya ang dahilan ng paghihirap ngayon ni Sir Arman.

"I-Im sorry po Sir, hindi ko po intensyon yun. P-Pero kailangan na po nating tumigil. Pakiusap po Sir…, sana tanggapin nyo na lang po yung desisyon ko…"

"Ganun ba kadaling tanggapin yun Mika? Hindi ako aalis dito Mika hanggang hindi tayo nagkakausap ng sarilinan. Plese Mika, harapin mo naman ako at mag-usap tayo ng maayos hindi yung ganito."

Nagsimula ng magtalo ang isipan ni Mika. Ayaw niyang pagbigyan ang hiling ni Sir Arman ngunit kailangan ng matapos ang lahat sa kanila. Ayaw din niyang abutin ito ng umaga sa harap ng kanilang tinitirhan gawa ng kanyang Ate Ella.

"Mika…" ang muling pagtawag ni Arman.

Nang marinig ni Arman ang pagpihit ng seradura ay biglang nabuhay ang kanyang dugo. Narito na ang pag-asang hinihiling niya.

"Sir…" ang nasabi na lang Mika ng masilayan ang lalakeng dahilan ng matinding kaba na nakalukob sa kanya.

"Hindi mo ba ako papatuluyin?"

Nag-aalangan si Mika, ngunit nakabukas na ang pinto sa harapan ng lalake.

"S-Sir, mag-usap na po tayo dito. W-Wag na po sa loob." ang pakiusap ni Mika.

"Bakit Mika? Dahil ba natatakot sa akin? O mas natatakot ka sa sarili mo?" ang mga tanong ni Arman sa malamyos na boses.

Hinawakan ni Arman ang pinto at binuksan iyon ng maluwang.

"Sir…, sa labas-"

Hindi na nakapagsalita pa si Mika ng ganap ng inilapat ni Arman ang kanyang labi sa labi ng dalaga. Tuluyang ipinasok ni Arman ang sarili sa loob habang magkahinang ang labi nilang dalawa. Gamit ang isang kamay ay isinara ni Arman ang pinto.

Nang bumalik ang katinuan ni Mika ay kaagad niyang itinulak si Sir Arman palayo.

"S-Sir Arman, please po… A-Ayaw ko na po talaga." ang pakiusap ni Mika na binalot ng takot ang katawan. Natatakot siya ngunit wala naman siyang lakas ng loob para sumigaw.

"Ayaw mo na talaga? Pero hinayaan mo akong halikan ka. Bakit Mika? Magsisinungaling ka na naman ba sa akin? Sa sarili mo?"

"M-May mahal na po ako Sir, ayaw ko na pong magkasala sa kanya. Pakiusap po Sir, umalis na po kayo. Sabi nyo, mag-uusap lang tayo…" ang sabi ng nagsimulang lumuhang dalaga.

"Mag-usap? Alam mo sa sarili mo na hindi lang yun ang mangyayari kapag nasa loob na ako Mika pero binuksan mo pa din ang pinto. Nagiging honest lang ang katawan mo Mika na hindi mo kayang aminin sa sarili mo. Natatakot kang magkasala sa hayup na yun eh alam mo ba ang sikretong tinatago niya sayo ha! Alam mo ba?" ang may halong galit na sabi ni Arman habang nasa isipan ang tagpong inabutan sa sarili nilang kwarto ni Arcelle.

"Dalawa kayo ni Arcelle na tinutuhog ng hayup na yun!"

Nagbaba ng tingin si Mika, hindi magawang salubungin ang matalim na mga mata ng kaharap.

"Papayag ka na lang ba ng ganun Mika. Ginagawa ka lang niyang isa sa parausan niya at pagkatapos ay iiwan ka din naman."

Nag-angat ng luhaang mukha si Mika. Hindi na naman iyon kailangan pang ipamukha sa kanya ng kahit na sino. Tanggap na naman niya ang kalagayan niya noon pa.

"Alam ko po lahat Sir…, pero tanggap ko po. Pero ganito naman po talaga ang magmahal ng totoo. Alam ko pong iniisip nyong nagpapakatanga ako, na ang bobo ko. Hindi naman po ako matalino at mahina po akong mag-isip. Kaya puso po ang sinusunod ko."

Natigilan naman si Arman at nagbago na ang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Mika…"

"Pero isa lang po ang alam ko Sir, sa bawat sandaling magkasama kami. Tunay po akong masaya kapag kasama ko siya. Kaya kung dahil sa pagmamahal ko sa kanya ay magiging bobo at tanga ako sa paningin ng lahat. Tanggap ko na po iyon…"

Nilapitan ni Arman ang lumuluhang si Mika at saka pinalis ang mga luha sa mukha ng dalaga.

"Sa akin Mika, ikaw lang. Walang iba, wala kang kaagaw."

"S-Sir…"

"Ikaw ang palaging una at hindi ka kailanman magiging pangalawa. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na patunayan lahat iyon. At malalaman mong ako Mika…, ako ang lalakeng kailangan mo at hindi siya."

Hinaplos ni Arman ang labi ni Mika.

"Mahal na mahal kita Mika…"

At saka muling hinalikan ni Arman ang nakaawang na labi ng dalaga. Nakahawak na ngayon si Arman sa batok at likod ni Mika habang nakahawak naman ang dalaga sa kanyang damit.

Dahil sa pagganti ni Mika sa kanyang mainit na halik ay naging pangahas ng muli si Arman. Hinawakan ang laylayan ng suot na damit ni Mika at saka iyon itinaas.

Nang maramdaman naman ni Mika ang bahagyang pagtaas ng kanyang damit mula sa ibaba ay muli siyang natauhan. Nais na naman siyang hubaran ni Sir Arman at sa sandaling mangyari iyon ay wala ng balikan ang anumang magaganap sa kanila ngayon.

Pinigilan niya ang lalake at saka inilayo ang kanyang sarili. Kinuha ang twalyang nasa malapit sa kanya at saka pinunasan ang kanyang labing nabasa ng laway ni Sir Arman.

"Mika?"

Tinitigan ni Mika sa mga mata si Arman.

"S-Sir Arman, aaminin ko na po sa inyo, na may mga sandaling nalilito ako. Na gusto ko pong ibigay sa inyo yung nais ninyo sa akin. Dahil babae lang po ako, nadadarang din. Pero sa tuwing tinawag po ako ng tukso, ipinaalala po sa akin ng puso ko kung ano ang dapat kong sundin. K-Kaya po Sir, please lang po…, wag nyo na po akong tuksuhin. Ayaw ko na po…" ang lumuluhang pakiusap ni Mika.

"Mika…" si Arman na lalapit sana sa lumayong dalaga.

"Sir, pakiusap po…"

Ngunit bingi na si Arman, magkasama silang dalawa at kailangang may mangyari ngayong gabi para matapos na ang matagal niyang pananabik na tuluyang maangkin si Mika. Alam niyang bibigay din naman ang dalaga sa sandaling lukuban na ito ng init ng katawan.

Tuluyan ng nilapitan ni Arman si Mika at sapilitang ihiniga ang dalaga sa kama.

"Sir, Sir, wag…, Ahh…" ang nasabi ni Mika ng mabilis na itinaas ni Sir Arman ang kanyang damit at inilabas mula sa kanyang bra ang isa niyang buong dibdib at saka sinupil ang koronang naroon.

"Bakit hindi ka sumigaw Mika?" ang tanong ni Arman pagkatapos pakawalan ang nilawayan niyang utong. "Para mapahamak na ako ng dahil sayo. Ikaw ang nangako sa akin nito Mika, at ginawa ko na ang gusto mo."

"I-I'm sorry po Sir, wala po ako sa sarili ko nun…" ang nasabi na lang ni Mika. Hindi alam kung paano niya pipigalan ang lalake na ayaw din naman niyang mapahamak ng dahil sa kanya. "Pakiusap po Sir.. wag nyo na pong ituloy."

Ngunit muling nagpatuloy si Arman kahit pilit siyang itinutulak palayo ni Mika.

"Sirrr, wagg… Ahhh…"

"Bibigay ka din Mika…"

Pumihit si Mika patagilid upang hindi tuluyang mahubad ni Sir Arman ang kanyang damit. Ngunit sadyang malakas ang lalake at nais na niya talagang sumigaw.

"Wagggg…"

Kinakapos na ng lakas si Mika lalo't nasa loob na ng kanyang suot na short ang kamay ni Arman at nakadakot sa kanyang suot na panloob.

"Sirr, waggg…. Ahhh.., parang-awa nyo na po."

"Sa akin ka maawa Mika, dahil sa ginawa mo sa akin." ang tugon ni Arman na hinawakan sa gilid ang suot na panty at short ni Mika.

("BLAG!")

Napatingin sina Mika at Arman sa marahas na pagbukas ng pinto.

"Putang-ina hayup ka talaga!" ang galit na sabi ni Alex habang nakatingin sa ayos ng dalawang nasa kama.

"A-Alex…" ang sabi ng lumuluhang si Mika na kaagad na tinakpan ang sarili ng kumot upang matago sa paningin ng kaibigan ang kahubaran ng malulusog niyang dibdib.

Tiningnan ng matalim ni Arman si Alex.

"Hanggang kailan nyo ba kami pakikialaman ni Mika?" ang galit na tanong ni Arman na tumayo mula sa kama.

Wala naman inaksayang panahon si Alex, gamit ang naipon na galit sa kanyang dibdib kasamang ang tagpong inabutan ay mabilis niyang naunahan ng isang suntok sa panga si Arman.

Bumagsak naman si Arman sa may semento at tatayo pa sana ngunit nasa ibabaw na niya si Alex.

"Ito ang tikman mo ngayong gabi!" ang galit na sabi ni Alex at saka muling binigyan ng magkakasunod na suntok sa mukha si Arman na pilit na sumasalag.

Mabilis namang inayos ni Mika ang damit at saka siya umalis sa kama upang awatin ang kaibigan niya.

"Alex please, tama na, tama na." at saka niya niyakap ang kaibigang nanlilisik ang mga mata sa galit.

Umalis si Alex mula sa ibabaw ni Arman at tumayong katabi ni Mika.

Naupo naman sa sahig si Arman na hindi agad tumayo.

"Talaga bang gusto mo na akong mawala sa buhay mo Mika?" ang tanong ni Arman na hindi tiningnan ang dalaga.

"O-Opo Sir." at saka nagsimula na namang lumuha si Mika. "Pakiusap po, wag na po sana tayong magkita pa ulit."

Kinuha ni Arman ang panyo sa kanyang bulsa at pinahid ang dugo sa kanyang labi. Masakit ang kanyang mukha ngunit mas masakit ang mga huling salitang binitawan sa kanya ni Mika. Pilit na tumayo si Arman at walang salitang lumabas at hindi na din tiningnan pa ang dalawang magkatabing nakatingin sa paglabas niya.

Hinarap naman ni Alex si Mika.

"Okay ka lang ba?"

Niyakap naman ni Mika ang katawan ng binata at saka siya muling lumuha.

"Salamat Alex…, salamat at dumating ka…"

Tiningnan muna ni Alex ang kanyang namumulang kamao, at saka nag-aalangang hinaplos ang buhok ni Mika.

Habang hinahaplos ang buhok ng umiiyak na dalaga ay isang tahimik na pasalamat ang naiusal ni Alex. Dahil mabuti na lamang at binalikan niya si Mika. Nais na sana niyang balewalain ang nakitang lalakeng nakatayo sa may madilim na parte ng isang bahay na nadaanan niya malapit sa tinitirhan nina Mika. Tiningnan niya ang lalake na parang nag-iwas ng tingin at saka siya umuwi na. Ngunit hindi mawala ang kaba sa kanyang dibdib habang nasa loob siya ng sasakyan. Hindi na baleng magkamali siya ng hinala o mag-aksaya ng oras sa pagbalik. Basta patungkol kay Mika ang lahat ay gagawin niya para sa kapakanan ng dalaga.

Nag-angat naman ng mukha si Mika.

"Alex, isang pakiusap lang. W-Wag na sanag malaman pa ito ni Dan. Please Alex…, ilihim natin ito sa kanya."

"Kung yun ang gusto mo Mika, wala kong sasabihin sa kanya."

Kaibigan niya si Dan at nais niyang maging tapat dito lalo na sa mga pangyayaring tulad nito. Ngunit ito ang nais ni Mika at wala siyang magagawa para pahindian ang dalaga.

Inilayo ni Alex ang katawan mula sa pagkakayakap ni Mika. Naglagay ng tubig sa isang baso at saka iyon iniabot sa kaibigan.

Pagkatapos uminom ng tubig ay kumalma na din si Mika na naupo sa gilid ng kama.

"A-Alex…."

Tiningnan naman ni Alex si Mika.

"Alam kong marami kang tanong. At naghihintay ng paliwanag ko."

"May mga gusto akong malaman Mika, pero hindi kita pipilitan na magpaliwanag. Sapat na sa akin na nasa maayos ka at walang masamang nangyari sayo."

"Salamat Alex…"

Isang tipid na ngiti lang ang iginanti ni Alex.

"Alex…, may isa pa akong pakiusap."

"Kahit na ano."

"Maari bang dito ka na matulog? Na-Natatakot kasi akong mag-isa. Baka kasi…, bumalik siya."

Mainit ang pakiramdam ni Alex, alam niyang mali ngunit lalake pa din siya. At hindi niya kayang tanggihan ang lahat ng pakiusap sa kanya ni Mika. Lalo't ang makasama sa isang buong magdamag si Mika kahit bilang tapat na kaibigan ay isang malaking kaligayahan na niya.

"Sige Mika, pwede naman ako kahit saan. Maglalabas na lang ako ng upuan."

Tumayo si Mika at inilapag ang hawak na baso sa may lamesa at saka nilapitan ang nakatayong kaibigan.

"Alex…, hindi ikaw si Sir Arman. At mas panatag ako kapag nandito kang kasama ko. Bukas pa naman ng umaga ang uwi ni Ate, dito ka na lang matulog sa kama niya."

Nakapikit na si Mika ay gising pa din si Alex. Nais lang niyang pagmasdan hanggang sa kaya ng kanyang mga mata ang natutulog na dalaga. Noon, ngayon at magpakailanman, dumating man ang araw na tuluyan ng lalayo ang kaibigan. Mananatili sa kanyang puso ang pag-ibig at ang lahat ng mga alaala sa kanya ni Mika.

*****

Nakaunan sa matipunong dibdib ni Dan si Angela habang yakap naman niya ito. Lampas ala-una na ng madaling araw at gising pa din silang dalawa. Nakailang ulit din nilang pinakawalan ang lahat ng init nila sa katawan.

"Dan, how much you love me?" ang naglalambing na tanong ni Angela habang nilalaro ng mga daliri ang isang parte ng dibdib ng kasintahan.

Hinaplos naman ng mga daliri ni Dan ang malambot na pisngi ni Angela bago niya pinagtama ang kanilang mga mata.

"Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka Angela. Sa bawat pagmulat ng aking mga mata, gusto kong naroon ka. Sa bawat sandali, lalo kitang minamahal, at parang kulang ang buhay ko kapag hindi kita nakikita. Kaya ipinagpapasalamat ko talaga ang araw na nagkakilala tayo."

"Me too, I always have this feeling na parang I'm looking for someone. That's why I feel so blessed the moment that I've met you."

"Nangyari naman iyon Angela, at magkasama na tayong dalawa." ang nakangiting si Dan.

Ngumiti din si Angela at saka tinanggap ang isang masarap na halik mula kay Dan.

"D-Dan, diba alam mo naman na I love you so much."

"Kahit hindi mo sabihin." ang masayang tugon ni Dan.

"Then, sana hayaan mo yung selfish kong wish."

"Sabihin mo sa akin."

"I love you so much Dan, at kahit iniiisip ko pa lang hindi ko talaga kaya. I can't bear the feeling of not being with you. So when the times come, please hayaan mo akong mauna. I-I know na it will be hard for you pero selfish talaga ako." ang sabi ni Angela na hindi maitago ang nadarama. Labis niyang mahal si Dan at ang maiwang mag-isa na wala sa piling niya ang binata ay hindi talaga niya kaya.

"Angela…"

"Please."

"Okay, pero ayaw ko ng pag-usapan natin yan…, maraming mga taon pa tayong magiging masayang magkasama. Ikaw at ako, yun lang ang isipin mo muna."

"Dan, always and forever… ako lang ang love mo dapat ha."

"Always and forever Angela…"

At muling naghinang ang kanilang labi habang magkahawak kamay sila. Walang-hanggang pag-ibig ang sumpaan nilang dalawa. Ngunit may mga butil pa din ng luha ang naka tadhana sa kanila. Dahil ang isang alipin ng mga tukso ay hindi pa din ganap na nakakalaya. Dahil kung tunay na ang pag-ibig ay wagas at dalisay, hindi ba marapat na tanging sa nag-iisa lamang iaalay.

(Ipagpapatuloy)

Shoutout kina Sir Rick, Raine Sy at Sir Jovz25… Thank you po sa inyo.

A/N 1 : I'm trying hard to provide you an update kahit napaka-hectic ng sched ko. Kaya isang pakiusap lang po, show your appreciation by giving "Likes", "Hearts" and "Comments".

A/N 2: Kindly consider donating to support my writings. SmartLoad or GCash ay tinatanggap ko po.

A/N 3: Please follow me in Wattpad, nasa profile ko po ang link.

Copyright @ 2021 Van_TheMaster ALL RIGHTS RESERVED. FSS