1. Home
  2. Stories
  3. Alab Ng Puso (Final Chapter)
Filipino Sex Stories

Alab Ng Puso (Final Chapter)

By estellal ·

TATLONG PUTOK. Umalingawngaw ang tunog ng baril sa apat na sulok ng dingding kasabay ng tatlong putok ng tamod na pinasabog ni Miguel sa loob ng aking puwet. Kasabay ng pagsabog ng mainit at malapot na tamod ni Rigor sa aking puke.

Bumagsak ang baril sa sahig. Napaupo na lamang si Anthony sa lapag. Hapong hapo. Nanginginig ang buong kalamnan. Habang nanigas kaming tatlo sa aming pwesto. Hindi makagalaw pagkatapos ng mga nangyari.

Kaagad hinugot ni Miguel ang kanyang burat sa aking puwet. Napaupo na lamang ito sa kutson. Itinulak naman ako sa gilid ni Rigor upang mahugot ang titi nito sa aking puke.

"Hindi mo kaya Anthony. Wala kang bayag!"

"Hindi ko sasayangin ang buhay ko ng dahil lang sa inyo! Salamat sa pag-amin mo!"

Biglang pinindot ni Anthony ang telepono. Kaagad namang tumunog ang recording. Dinig na dinig ang lahat ng mga salitang binitawan ni Miguel.

Ginahasa ko si Joyce!

Ako ang pumatay sa tatay mo!

"Bahala na ang korte humatol sa mga kasalanan niyo!"

***

BULUNG BULUNGAN. Ingay na bumabalot sa loob ng korte habang naglalakad ako patungo sa harapan. Lahat ng mata ay nakatingin sa akin kabilang ang mga mata ni Miguel at Rigor na magkatabi at nakaposas ang mga kamay.

Pagtungtong ko sa harapan katabi ng judge ay kaagad akong pinanumpa na tanging katotohonan lamang ang aking sasabihin. Napalunok ako ng malalim habang pinagmamasdan ang aking pamilya. Nakatitig lamang si Joyce sa akin habang katabi ang abogado nito.

"Misis Madrigal, nakikilala mo ba ang mga gumahasa sa iyong kapatid?"

"Hindi namin kaapelido yan! Walang asawa ang kapatid ko na pokpok!"

"Order in the court! Order in the court!"

Biglang nagkagulo sa loob ng korte. Kaagad pinalabas ng mga gwardiya ang kapatid ni Anthony. Muli akong binalot ng hiya habang nakaupo sa harapan ng madla. Ramdam ko ang pamumula ng buo kong katawan.

"Inuulit ko misis Madrigal. Nakikilala mo ba ang mga gumahasa sa iyong kapatid?"

"Opo."

"Maari mo bang ituro sa hukumang ito ang mga taong sangkot sa panggagahasa sa iyong kapatid?"

Tumingin ako kina Miguel at Rigor. Itinaas ang aking kamay at itinuro ang dalawang lalaki ng walang pag-aalinlangan. Kaagad binalot ang silid ng bulungan ng mga tao.

"Paanong napunta sa condo ng nasasakdal ang iyong kapatid?"

"Dinukot po nila si Joyce. Itinali sa kama at piniringan."

"Hindi ba't nandoon ka din sa condo ng mangyari ang krimen?"

Biglang nagtindigan ang aking balahibo. Nanuyo ang aking lalamunan. Hindi ko malaman kung paano sasagutin ang tanong. Napatingin ako sa mga tao. Lahat ay tahimik. Naghihintay ng aking isasagot. Napatango na lamang ako at yumuko.

"Kung gayon, alam mo na dudukutin ng mga nasasakdal ang iyong kapatid."

Nagsimulang pumatak ang aking luha. Tumango na lamang muli ako bilang sagot sa tanong ng lalaki.

"Nandoon ka din habang ginagawa ng mga nasasakdal ang kahalayan sa iyong kapatid?"

Tuluyan ng bumigay ang aking katawan. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Bumaha ng luha mula sa aking kinauupuan. Naninikip ang aking dibdib.

Kailangan ko ng sabihin ang totoo.

"Ako! Ako po ang nagpadukot at nagpa-rape sa kapatid ko. Patawarin mo ako Joyce!"

Nagkagulo sa loob ng korte. Kitang kita ko ang pagluha ng aking ina. Habang yakap ng aking ama. Nakatingin lamang sa akin ang aking mga magulang. Walang sinasabi ngunit tagos sa aking puso ang kanilang galit.

Halos humilahod na ako sa aking kinauupuan. Kandatulo ang aking sipon at luha. Umiikot na ang aking paningin. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay anumang oras.

***

IKALAWANG PAGDINIG. Natagpuan kong muli ang aking sarili sa harapan. Nanumpang muli na lahat ng aking sasabihin sa mga oras na ito ay pawang katotohonan lamang. Ngunit matapos marinig ang ipinagagawa sa akin ng abogado ay mas gugustuhin ko pang mamatay na lamang.

"Misis Madrigal, maari mo bang ikwento sa hukumang ito kung paano nagsimula ang iyong relasyon kay Miguel."

Kaagad sumilip ang luha sa gilid ng aking mga mata. Napatingin ako sa mga taong nakaupo sa aking harapan. Kaagad kong nakita si Anthony. Katabi nito ang aming anak. Ang kanyang ina at mga kapatid.

Sa kabilang banda ay ang aking mga magulang. Kasama si Joyce at ang asawa at anak nito. Lahat ng mga mata ay sa akin nakatuon. Napalunok ako ng laway. Hindi ko akalaing ang lihim na napakatagal kong itinago ay sa ganitong paraan masisiwalat.

"Bumisita si Miguel noon sa bahay. Isinama siya ni Anthony para maghapunan. Malungkot ako noon. Pakiramdam ko ay wala ng oras sa akin ang aking asawa. Hanggang sa magkita kami ni Miguel sa grocery at inaya niya ako sa condo niya."

"At sumama ka naman?"

Tumango lamang ako habang patuloy sa pag-iyak.

"May nangyari ba sa inyo kaagad noon?"

"Wala po. Pinigilan ko po ang aking sarili at umuwi. Sinubukan ko pong makipagsiping kay Anthony ng gabing iyon kaya lang po ay tinanggihan niya ako. Hindi ko po alam kung bakit naisip ko na bumalik sa condo ni Miguel kinabukasan. At nangyari po ang hindi dapat mangyari."

Malandi talaga!

Dinig na dinig ko ang kapatid ni Anthony matapos kong ikwento ang simula. Ngunit hindi doon natapos ang lahat. Para akong sinusunog sa impyerno ng buhay ng tanungin sa akin ang nangyari sa resort.

"Hindi ko po alam kung paano akong napapayag ni Miguel at Rigor. Pinakiusapan po nila akong paligayahin ko ang matandang bisita nila. Ang sabi po nila sa akin ay malaking kliyente po nila. Inilagay po nila ako sa malaking kahon. Ginawa po nila akong parang regalo.

Nagulat na lamang po ako paglabas ko ng kahon ng makita ko si… papa ni Anthony. Naka maskara po ako noon kaya hindi ako nakilala ni Papa."

"May nangyari ba sa inyo ni Mr. Madrigal?"

Napatingin ako sa ina ni Anthony. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. Hinihintay ang mga susunod kong sasabihin.

"Opo. Hanggang sa biglang hilahin ni papa ang maskara ko kaya niya ako nakilala. Doon po siya inatake."

"Hayop ka Jade! Ikaw ang pumatay sa asawa ko! Hayop ka! Mamatay ka na sanang malandi ka!"

Pinigilan ni Anthony ang kanyang ina. Sinamahan nitong lumabas ng silid upang kumalma. Pakiramdam ko ay unti unting sinasaksak ang aking puso. Iniikot sa loob ang talim upang maramdaman ng bawat ugat ko ang sakit ng aking mga nagawa.

***

IKATLONG PAGDINIG. Nakatingin ako kay Joyce habang nakaupo ito sa harapan katabi ng judge. Habang ako naman ang nakaupo katabi ng aking abogado. Dinig ko ang lahat ng mga masasakit na salita na usapan ng mga tao sa aking likuran tungkol sa akin.

"Misis Joyce Alegre, naniniwala ka ba na ang kapatid mo mismo na si Misis Jade Madrigal ang nagpadukot at nagpagahasa sa iyo?"

"Opo."

Tinignan ako ni Joyce sa mata matapos itong sumagot sa tanong ng abogado.

"Pero naniniwala akong hindi niya alam ang kanyang ginagawa ng mga panahon na iyon."

Umaagos ang luha ng aking kapatid sa kanyang pisngi habang patuloy ito sa paglalahad.

"Biktima din ang aking kapatid. Napilitan siyang gawin ang mga iyon dahil may hawak sila Miguel na ikakapahamak niya kaya naging sunud sunuran siya sa mga iyon. Sila Miguel at Rigor ang dapat mabulok sa kulungan. Hindi ang kapatid ko!"

Lumikha ng malakas na ingay sa loob ng silid sa madidiing salita na binitawan ni Joyce.

"Order in the court! Order in the court!"

Nang matapos ang mga tanong kay Joyce ay kaagad na itong bumaba at naglakad papalabas ng silid. Kaagad ko itong tinawag at huminto naman ito at humarap.

"Salamat Joyce! Maraming salamat!"

"Hindi ka sa kulungan magbabayad ng ginawa mo sa akin ate. Sa akin ka magbabayad. Habang buhay mong pagbabayaran!"

Nagpatuloy ito sa paglalakad matapos bitawan ang mga salita. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig sa aking kapatid. Tila maiihi ako sa takot.

***

KATAHIMIKAN. Kay tagal na panahon simula ng huli akong makapasok sa simbahan. Madilim sa loob nito at ang tanging liwanag lamang ay nanggagaling sa harapan. Tila sinag na nagmumula sa kapirasong kahoy na korteng krus sa altar.

Napalingon ako sa paligid. Walang ibang tao kundi ang mga nakaukit na anghel sa bawat haligi ng simbahan. Ang mga mata nito ay tila sinusundan ako saan man ako magpunta. Tila may malakas na pwersa na humahatak sa akin papalapit sa harapan.

Lumuhod ako. Hindi ko alintana ang tigas at lamig ng semento na dumadampi sa aking tuhod. Kay bigat ng aking dibdib. Tila bulkan na sasabog anumang oras. Napatitig ako sa krus. Hindi man ako nagsasalita ay ramdam ko ang pangungusap nito sa akin.

Hindi ko napigilang lumuha. Ibinuhos ko ang lahat ng galit at poot sa aking sarili. Tila bumabaligtad ang aking sikmura. Parang lalabas ang aking puso sa aking dibdib sa lakas ng bawat pintig nito.

"Patawarin mo po ako! Nakikiusap po ako sa inyo. Patawarin mo po ako sa mga nagawa ko. Naging mahina po ako. At pinagsisisihan ko po ang lahat ng iyon. Ano man po ang magiging hatol sa akin, malugod ko pong tatanggapin. Kayo na po ang bahala sa akin."

***

BUMUKAS ANG PINTO. Pumasok ang huwes at dumiretso ito sa kanyang upuan.

"Magsitayo ang lahat!"

Kaagad namang sumunod ang lahat hanggang sa pukpukin ng maliit na martilyo ng huwes ang maliit na kahoy sa kanyang lamesa. At nag upuan na muli ang lahat maliban sa akin.

"Basahin ang hatol!"

Para akong lumulubog sa aking kinatatayuan habang hinihintay ang magiging parusa sa akin. Nanunuyo ang aking lalamunan. Kahit may laway akong nilulunok ay balewala ito. Nanghihina ang aking mga tuhod. Pinagpapawisan ng malamig ang buo kong katawan.

"Matapos ang paglilitis, ikaw, Jade Madrigal, ay pinawawalang sala sa kasong panggagahasa."

Para akong nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan. Nakahinga ako ng maluwag ngunit hindi pa tapos ang laban. May isa pang naghihintay sa akin na pagbasa.

"Matapos ang paglilitis, ikaw, Jade Madrigal, ay napatunayang nagkasala sa kasong pakiki-apid, at hinahatulan ng hukumang ito ng pagkakakulong ng anim na taon."

Gumapang ang luha sa aking pisngi kasabay ng pagtunog muli ng martilyo ng huwes sa kanyang lamesa. Napatingin ako kay Anthony na nakaakbay sa aking anak. Nakatitig lamang sa akin ang mag-ama habang inakay na ako ng dalawang pulis palabas ng silid.

***

LUMIPAS ANG TATLONG TAON. Napalaya ako sa pamamagitan ng parole. Nanganak ako sa loob ng kulungan. Ngunit hindi ko nakita ang aking anak kahit isang saglit dahil kaagad itong kinuha ng DSWD. Hindi ko man lamang nalaman kung sino ang ama ng aking anak.

Nahatulan naman ng habambuhay na pagkakabilanggo sina Miguel at Rigor sa patong patong na kaso ng pagpatay at panggagahasa. Napag-alaman ko na may inupahan sila na manggagawa sa ospital para patayin ang aking byenan kapalit ng malaking halaga.

Hirap man ay nagpipilit bumangon mula sa pagkakadapa. Lumabas ako ng kulungan na wala man lang sumundo sa akin. Ngayon ko lang natanggap sa sarili na simula sa araw na ito, ay ako na lang mag-isa.

Nawala ang lahat sa akin ng dahil lamang sa isang pagkakamali. Nagsimula sa maliit. Ngunit habang tumatagal ay hindi ko namamalayan na palalim na ng palalim ang hukay na aking kinalalagyan.

Namasukan ako bilang waitress sa isang chinese restaurant. Maliit man ang kita ay libre naman ang tulugan. Naging mabait sa akin ang mag-asawang intsik na kumupkop sa akin. Hindi nila ako hinusgahan sa aking nakaraan.

Sadyang mabait ang Diyos. Hindi ko man makuha ang ikalawang pagkakataon sa sarili kong pamilya, binigyan naman ako nito ng ikalawang pagkakataon para ituwid ang aking sarili. At gumamit ito ng ibang tao upang makamit ko ito.

***

MALAMIG ANG SIMOY NG HANGIN. Pagkagaling ko sa trabaho ay naisipan kong maglakad lakad. Bigla akong natigil ng makasalubong ko ang isang pamilyar na mukha. Para akong nakakita ng isang multo.

"Anthony?"

"Jade? Ka… kamusta ka? Kelan ka nakalaya?"

"Ah… may 2 months na din. Nabigyan ako ng parole. Ikaw kamusta? Ang anak natin? Kamusta siya?"

"Ok naman kami. Ok naman kami ng anak natin."

"Ah mabuti naman kung ganun. Uy mas gumagwapo ka ha!"

"Haha! Hindi naman. Ikaw din! Blooming ka!"

"Bakit nag-iisa ka? Saan asawa mo?"

"Ah… hindi na ako nag-asawa Jade. Ok na kami ng anak natin."

"Ganun ba? Ah… sige… mauna na ako. Baka naistorbo ko na ang lakad mo."

"Sige. Mag-iingat ka Jade."

Hindi ko maintindihan kung ano ang aking mararamdaman. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa hangin ng mga oras na ito. Bago pa man tuluyang lumayo si Anthony ay tinawag kong muli ito.

"Sorry ulit sa lahat Anthony. Pinagsisisihan ko ang lahat ng mga nagawa ko."

"Matagal na kitang napatawad Jade."

Matapos ay tumalikod na ito at nagpatuloy ng paglalakad. Nanatili akong nakatayo. Pinagmamasdan si Anthony habang naglalakad ito papalayo. Umaasang titingin at babalik ito. Ngunit nabigo ako. Nagpasya akong tumingin na lamang sa langit. Huminga ng malalim. At nagpatuloy maglakad patungo sa naghihintay kong bukas.

WAKAS

Hi guys!!! Maraming marami pong salamat sa lahat ng sumubaybay ng kwento ni Jade. Alam kong maraming naiwang katanungan sa kwentong ito na tanging si Anthony lamang ang makakapagbigay linaw. Sabi nga nila, there are 2 sides of the same coin. Kaya kung gusto niyo po makita ang kabilang kwento nito, kung maari ay icomment niyo lang po sa ibaba. Love you all!