1. Home
  2. Stories
  3. Little Boy Blue (Isang Synopsis)
Filipino Sex Stories

Little Boy Blue (Isang Synopsis)

By graccubus ·

Gumawa ako ng synopsis sa wikang Tagalog para ibahagi sa inyo ang isang magandang kwento. Ipinaaabot ko ang paggalang at buong respeto sa patnugot ng website na ito at umaaayon ako at nais na sumunod sa mga tuntunin ng website na ito. Kasama na rito ang paghingi ng pahintulot at pagpayag na mabasa dito ang kwentong ito. Ako ay lubos na umaayon na alisin ito ng patnugot na hindi na kailangang magpaalam sa akin kung may nalabag akong tuntunin ng website na ito. Nais ko lamang magpahayag na mas magiging malawak ang kaisipan ng mga mambabasa kung hahayaan natin na mabigyan ng mga makabuluhan at iba pang malayang tema ang minamahal nating website.

Salamat po. Tunghayan natin ang kakaibang kwentong ito at isipin na sana lalo pang pagpapayaman ng isipan ang dulot ng kwentong ito.

Little Boy Blue

May isang pamilya sa isang liblib na lugar sa Texas na gumagawa ng nakakasukang kalaswaan. Ang tatay na si Ray West ay isang beterano sa giyera na tila may sira ang ulo. May asawa siya na ang pangalan ay Cathy at may anak na lalaki na 19 years old. Sa bodega natutulog si Jimmy na nasa labas ng kanilang bahay.

Sa mata ng ibang tao, parang normal na pamilya sila na ngpapatakbo ng isang bar at nagpalaki ng tatlong anak. Minsan sa pag-uwi nila mula sa pagta-trabaho sa kanilang bar ay muling nagpakita ng pagkasira ng ulo si Ray sapagkat pinilit niyang magtalik ang kanyang asawa at anak na si Jimmy sa loob ng kanilang sasakyan. May hawak na baril si Ray kaya napilitang sumunod ang mag-ina. Nag-hubad ang dalawa at nagtalik nga habang pinapanood sila ng galit na galit na si Ray. Tinawag pa ni Ray si Jimmy na "LIttle Boy Blue" at sinasabihan si Jimmy habang katalik ang nanay na "alam kong gusto mo yan Jimmy, alam kong gusto mo yan!"

Si Jimmy ay may girlfriend na mapera na nagngangalang Traci. Sa pag-uusap nila, lumalabas na tinanggihan ni Jimmy ang isang college scholarship dahil sa pag-aalala na baka kung ano ang gawin ng tatay niya sa kanyang maliliit na kapatid na maiiwan. Baka daw ibunton ni Ray ang galit sa kanyang mga kapatid kapag umalis siya. Hindi kaya ni Traci na isakripisyo ang kinabukasan niya kaya napilitan siyang maipag-break kay Jimmy.

May isang lalaki minsan na gustong makipagkaibigan kay Ray na dumalaw sa kanilang bar. Pinagdudahan niya ito na minamanmanan siya kaya pinatay niya ito.

Nagsimula nang maghinala si Jimmy na mamamatay tao ang tatay niya. Minsan, ng puntahan siya ni Cathy, ang nanay niya, sa bodega ay kinumbinsi niya itong iwan ang tatay niya at dalhin ang mga kapatid niya. Subalit, takot ang nanay niya na mamuhay na mag-isa. Ang hindi nila alam nakapasok na pala sa bodega si Ray at huling-huli silang magkayakap. Nagkagulo sila at kinulit ni Ray ang asawa na sabihin na ang totoo kay Jimmy. Napahinahon ni Cathy ang asawa na hindi na nagkulit na sabihin ang totoo kay Jimmy.

Pinuntahan ni Jimmy ang syota niya kinabukasan para sa huling pag-uusap nila. Shock si Traci sa kwento ni Jimmy tungkol sa mapang-abusong tatay na si Ray at sa sinabi ni Jimmy na hindi niya maiwan ang mga anak niya.

Nang umuwi si Jimmy ay nagkasagutan sila ng tatay niya. Ilang araw ang lumipas, hindi na muli nakita si Jimmy. Naniniwala naman si Traci, ang gf ni Jimmy, na tuluyan na nga itong naglayas.

Isang araw, may lumitaw na babae sa bayan na nagngangalang Doris Knight na hinahanap ang inupahan niyang detective na lumalabas na pinatay pala ni Ray kaya nawala. Sa pagtatanong ng mga pulis, nagkwento ng tunay na pangyayari si Doris. Nineteen years ago daw ay naglalakbay sila ng asawa niya ng madaanan nila itong si Ray at nakisakay sa minivan nila. Pinuri-puri pa ni Ray ang anak nila na binabasahan niya noon ng libro na Little Boy Blue, nang bigla na lang ay binaril nito ang kanyang asawa. Tapos itinali siya sa isang puno at tinangay ang minivan nila kasama ang anak niya. Umiiyak siya habang nagkukwento. Wala man lang daw tumulong sa kanila at hindi na niya nakita ang anak magmula noon 19 taon na ang nakakalipas.

Pinatuloy ng pulis si Doris Knight sa isang hotel sa pangamba ng pulis na baka gumawa ito ng marahas na hakbang. Habang kumukuha ng warrant ang mga pulis para matanong si Ray ay umiskapo pala itong si Doris Knight at tumuloy sa mismong bahay ni Ray noong gabing yon. Tyempo naman na nasa labas ng bahay ang mga bata at ang nanay na si Cathy kaya nakapasok ng walang hadlang si Doris Knight. Ginising ni Doris ang natutulog na si Ray habang nakatutok ang shotgun na hawak nito. Sinabi ni Ray na nagkakamali si Doris ng taong hinahanap. Subalit hindi natinag si Doris at pinaputukan si Ray hanggang mamatay ito. Lumabas si Doris sa bahay at pumunta sa bodega. Habang naghahanap, nakita ni Doris ang libro na "Little Boy Blue" na kasamang tinangay noon ni Ray ng tangayin nito ang anak niya. Napaiyak si Doris. Kasabay nito narinig niya ang iyak naman ni Cathy na nagtatago malapit sa kama ni Jimmy. Walang awang pinatay din niya si Cathy.

Sa puntong ito dumating ang mga pulis sakay ng mobile car. Lumabas si Doris hawak ang baril. Pinasusuko siya ng pulis pero imbes ay iniumang niya ang baril sa direksyon ng mga pulis kaya napilitan ang mga pulis na barilin siya. Namatay si Doris sa pamamaril ng mga pulis.

Natulog ang mga kapatid ni Jimmy sa kotse ng mga pulis ng gabing iyon. Kinabukasan nasabi nila sa mga pulis na may ginagawa lagi ang tatay nila sa ilalim ng minivan. Inalis ng pulis ang minivan sa pwesto nito. Sa ilalim ng dating pwesto ay natagpuan nila ang isang pinto patungo sa ilalim. Doon natagpuan nila ang halos wala nang buhay na si Jimmy na nakatali sa isang shelf na kahoy. Dinala ng pulis sa hospital si Jimmy habang nangangarap ito na naging pulis na siya at papauwi sa asawa na si Traci kasama ang mga anak niya sa asawa ni Ray na hindi naman pala niya tunay na nanay kaya walang incest na naganap sa kanila ng nakikilalang nanay.

Sa hospital, ginising siya ng mga anak niya sa kanyang kinikilalang nanay na si Cathy. Sa kwento, alam na pala ni Jimmy na anak niya ang kanyang mga kinikilalang kapatid dahil si Ray pala ay nakita niya na walang kakayahang maging ama dahil sa nadisgrasya ang pagkalalaki nito sa gyera. Iyon marahil ang nagtulak kay Ray na agawin kay Doris Knight ang batang si Jimmy na pinalaki ni Ray na anak niya.

Kredito:
Ang kwentong ito ay hango sa pelikulang Little Boy Blue na gawa ng Jazz Pictures Inc. noong Hunyo, 1997.

Ang mga gumanap ay sina Ryan Phillippe, Nastassja Kinski, John Savage, Tyrin Turner, Jenny Lewis, Shirley Knight at marami pang iba.

Ang Direktor ay si Antonio Tibaldi

Mula sa Panulat ni Michael Boston

Ang Synopsis sa Tagalog ay sinulat ni Graccubus.
2.24.22 12:11am