1. Home
  2. Stories
  3. Madrasta 18
Filipino Sex Stories

Madrasta 18

By eroticprince27 ·

Kasalukuyan niyang pinapatulog ang anak ng makitang ang tawag mula sa Pilipinas, wala namang ibang tatawag sa kanya kundi si Rom kaya mabilis na sinagot.

"Hello Marco!"

"Hello Tol!"

"Kumusta?"

"Ayus naman! May balita ba?"

"Hmmm, nagpunta na dito si Ms. Alberto."

"Ms. Alberto?"

Ang unang pumasok sa isipan niya ay si Ms. Alberto na teacher nila, matagal na ding walang balita dito buhat nung nagka-ayos sila ni Coney. Nag-resign ito at ang balita niya ay nag Dubai ata pero wala namang na kwento sa kanya ang nasirang asawa.

"Si Alice, nagpunta na dito."

"Okay!"

"May lead na kami, i-confirm lang naming para concrete ang report at magawan nang action."

"Wala ka bang kahit anong pwedeng sabihin or anything pa."

"Basta tol malapit sayo ang mga gumawa sa asawa mo."

Gustong gumuho nang mundo niya dahil sa ganuong statement ay alam na niya kung sino ang sinasabi ni Rom.

"Okay tol, uwi ka na lang as soon as you can. Bye!"

Pagbaba ng telepono ni Rom ay may isang taong matamang na nakikinig sa usapan nila ni Marco. Agad nag padala ng mensahe sa tatlong tao para magkita sila sa isang resthouse kung saan sila madalas magtagpo.

Naunang dumating ang tatlo sa lugar kaya napagkasunduang uminom at tumira ng drogang ang kausap nila ang nag-susupply.

"Oh babe ang tagal mo naman!"

"Mga gago!"

"Cecille relax, ano ba ang problema?"

Naupo sa isang sofa ang babae, nanakit ang ulo niya sa sobrang pag-iisip. Naging napakasakit sa kanya nang bigla nalang siyang talikuran ni Marco matapos makilala si Coney, kahit na wala silang unawaan at kahit para-usan lang siya ng lalaki ay naging masidhi ang pagmamahal dito.

Para siyang basura na bigla nalang itinapon ni Marco, ni ha o ho ay wala. Basta nalang hindi pumunta sa kanila at pag nagkakasalubong sila ay para lang siyang hangin. Nagtanim siya ng galit at nangakong gaganti kahit na anong mangyari.

Nang mapansin niya minsan na nag-uusap-usap ang magkakaibigan dahil sa inggit kay Marco ay nakakuha siya ng paraan kung paano makaganti sa lalaki. Lihim na nakipaglapit sa mga kaibigan ni Marco. Ibinigay ang sarili kahit na nga ni hindi niya naranasan kahit minsan ang makarating sa climax at pinagamit nang bawal na gamot para mapasunod sa gusto niya.

Nag magkaroon ng pagkakataon ay kasabwat siya at nakabantay sa labas para sabihan ang mga ito kung dadating ang lalaki hanggang mag silabasan ito na tingin niya ay lango sa alak at sa droga. Gusto sana niyang pabalikin ang mga lalaki para patayin na ng tuluyan si Coney pero nakita niya ang ilaw ng sasakyang paparating at alam niyang si Marco ito kaya napilitan silang umalis na.

Nang magpakamatay si Coney ay sinubaybayan niya lalo na nang malamang isang matinik na imbestigador ang hahawak sa kaso. Pumasok siya bilang secretary kay Rom upang magkaroon ng update dahil alam niya na sasabit siya pag nalamang ang kaibigan ni Marco ang mga nagsamantala sa asawa. Ilang beses sinubukang makuha ang mga gamit ni Coney pero mahigpit ang pagkakasecure kaya nang ipakuha sa kanya ay todo kaba siya nang makitang dala na ng isa pang detective ang box.

"Ako na ang magdala."

"Sorry Cecille, di pwede."

"Ah okay!"

Nang matapos ang meeting ay alam na niya na may lead na kung sino ang nang halay kay Coney dahil sa pagtawag ni Rom kay Marco.

"Mga gunggong kayo, alam na ni Marco kung sino ang nang rape kay Coney kaya bilang na ang araw nyo."

"Hahaha! May magagawa pa ba siya, wala na!"

"Ako meron pa!"

Mabilis na pinagbabaril ang tatlo, bulagta at duguan. Walang nakarinig dahil may silencer ang baril na ginamit niya. Mabilis na lumabas para kunin ang gasolina sa kotse, kailangang walang ebidensya sa pagpatay sa tatlo dahil siguradong ma-lilink siya sa krimen.

Ibinuhos niya sa katawan ng mga binaril saka inihanda ang lighter para sindihan na isang maling hakbang. Bago pa niya mahawak ang seradura ng pinto ay nahagip na ni Nico ang paa niya. Pilit niyang sinipa ang lalaki ngunit mahigpit at kapit kaya nang kumalat ang apoy ay nagpanic. Sa pagpipilit makawala ay natapakan ang dugo na naging sanhi para mabuwal at tumama ang ulo sa isang side table.

Unti-unting nilamon nang apoy ang kabuoan ng silid, hanggang ang kabuoan ng resthouse ay maging abo.

Paglapag na paglapag ng eroplano sa airport ay tawag agad ni Rom ang natanggap niya, dahil kinabukasan pa sila makaka-uwi sa San Vicente kaya sinabi nalang dito na kinabukasan magkita.

"Pare andito ako sa Manila, baka gusto mong magkita na tayo mamaya?"

"Sige, sa Sofitel kami."

"Okay dun nalang kita puntahan."

Sa coffee shop nalang sila nag-usap para hindi na hassle pa sa kanya.

"Pare hindi ko alam kung matutuwa ka o hind isa balita ko sayo." Naipadala na niya sa lalaki ang kopyang sulat ni Coney kay Alice.

"Bakit?"

"Siguro sa ngayun alam mo na kung sino ang lumapastangan sa asawa mo."

"Oo pero gusto kong kumpirmahin buhat sayo."

"Si Mark, Nico at Nash."

Nakuyom niya ang kamao sa sobrang galit na nararamdaman, handa na siya para ma-ipaghiganti si Coney.

"Siguro niloob na nang diyos na hindi mo ilagay sa palad mo ang hustisya."

"Pare wala ka na dun, sakin na to."

"Di mo nai-intindihan," pagpapaliwanag nito.

"Ikaw ang hindi nakaka-intindi."

"Pare wala na sila."

"Mga hayup na yun, kahit saan sila magtago!"

"Patay na sila!"

Puzzle ang makikita sa mukha ng lalaki kaya ikinuwento nito ang nangyari at kung sino ang babaeng kasama ng mga ito.

"Ang mga hayup hindi na nahintay ang impyerno para masunog."

"Mainam na din tol at hindi na kailangang mabahiran ng dugo ang kamay mo."

Wala na siyang magagawa kungdi tanggapin ang nangyari sa mga ito kahit na gusto sana niyang siya ang pumatay pero naging panatag siya dahil na din sa anak na siguradong mawawalan ng ama kung sakaling makulong siya.

Pagdating sa bahay nila ay sinalubong siya ng kakaiba, may lungkot pero naduon ang saya dahil sa bahay na kinalakhan niya. Wala ang ama nasa bakasyon daw kasama ang babae nito kaya sila lang ang naiwan sa bahay.

Isang lingo na sila sa bahay saka dumating ang ama o mas mainam sabihin na kinilalang ama. Iba ang aura nito, may sigla at masaya.

"Welcome back son!"

Isang yakap ang isinalubong sa kanya ng lalaki na never pa nitong ginawa sa tanang buhay niya. Naupo pa ito sa sofa na parang gustong makipag kwentuhan na muli ay hindi nangyari kailanman.

"So kumusta ang States?"

"Ayus naman Dad!"

"Great! So tomorrow you will report na sa office?"

"Hmmm, nag report na ako 3 days ago."

"So ready to take over?"

"What do you mean?"

"My son, sino pa ba ang mamahala sa Negosyo natin kung hindi ikaw. Kaya bukas na bukas din ay ipapakilala kita bilang CEO nang Agustin Group of Companies."

"Dad!"

"I'm already old, and I have life to enjoy. As a matter of fact wala naman na akong dapat patunayan at wala namang magmamana pa kahit na magpakahirap ako."

Mukang desidido ang ama sa sinasabi nito, may punto naman siya at tingin niya ay hindi naman siya mahihirapan sa kumpanya. Pero bakit?

"Sige pahinga muna ako at medyo napagod."

Nasa huling baitang na ito ng hagdan nang muling mag-salita.

"Lastly, I will bring my new wife here soon!"

Di na siya nagkaroon ng pagkakataong sumagot dahil diretso na itong umakyat at nawala na sa paningin niya. Napabuntong hininga nalang sa bilis nang pangyayari.

Hindi nga nagbibiro ang daddy niya dahil pagpasok nito kinabukasan ay agad nagpatawag ng board meeting, gulat ang lahat nang -iannounce nito na siya na ang papalit sa posisyon nito. Biente sinko palang siya kaya alam niyang maraming magtataas ng kilay pero ano magagawa nila, ang ama niya ang may ari ng kumpanya.

Wala nang transition na nangyari, matapos ang announcement ay umuwi na ang ama. Sinabihan lang ang secretary nito na iligpit ang mga gamit at ipapakuha sa isang driver. Sunod-sunod ang meeting niya sa ibat-ibang departamento at business partners. Pasalamat nalang siya na likas na matalino at ma-abilidad kaya naging maayos ang lahat.

"Sir pwede nyo na pong gamitin ang CEO's office."

"Okay na ako dito."

"Sir bilin po ni Chairman."

"Okay, hmmmm can you ask someone to help me transfer my things?"

"Yung mga personal nyo nalang sir, the IT will transfer all your files na din."

"Hayyyy, okay. Just give me few minutes and I will be okay."

Napa-upo nalang siya sa swivel chair niya, parang biglang napagod dahil sa dami nang dapat gawin pero hindi niya pwedeng pabayaan ang kumpanya. Nailing na lang nang tumayo at lumipat sa newly renovated CEO's Office.

Ilang lingo pa ay muli siyang kina-usap nang ama.

"We will go to Paris!"

"We?"

"Yeah. My finace' and me."

"Fiance'?"

"Marco matalino ka pa naman din pero parang kulang ka sa vocabulary."

"I mean dad, wala pang isang taon buhat na mamatay si mommy."

"Una, kahit maghintay pa ako ng isang-daang taon ay walang magyayari at kalimutan mo na ang pamahiin o paniniwalang ganyan. Anung siglo na!"

"Dad naman, respeto naman."

"Wag mo akong pangaralan, pasalamat ka at sinasabi ko pa sayo."

Natahimik siya dahil parang wala siya sa posisyon para pagsabihan ito kaya nanahimik nalang siya.

"Duon na kami papakasal kaya pag-uwi namin dito ay dito na din siya titira."

Napa nganga nalang siya sa sinabi nito na parang bombang ibinagsak sa harapan. Pinipigil niyang magalit dahil parang ganoon nalang palitan ang ina, wala ba ito kahit kaunting pagmamahal dito? Ni hindi na niya nakita pa ang lalaki kunabukasan dahil sa maagang flight.

Halos isnag buwan na wala ang ama, patuloy siyang nag-adjust sa lahat pati ang legal documents para ilipat na sa kanya ang kumpanya ay naayos maliban sa mga assets na pag-aari pa din nito.

Ang iniisip niyang matagal na panahon para makuha ang tiwala ng mga tao sa paligid ay hindi nangyari dahil sa ipinakita niyang paraan nang pagdedesisyon at pakikipag negosasyon. Sa dami nang ginagawa ay hindi niya tuloy na monitor pa kung kailan ang dating ng ama at nang bago nitong asawa.

Kasalukuyan siyang kumakain ang pumasok ang lalaki, malaki ang ngiti sa mga labi at ma-aliwalas ang mga mata.

"Marco! Marco! Marco!"

"Dad!"

"I'm glad your already home. Come meet my wife!"

Napatayo siya, mabilis na uminom ng tubig dahil pakiramdam niya ay bumara sa lalamunan ang pagkaing nilulon. Inabot nalang ang table napkin para tuyuin ang labi saka tumayo para sumunod sa ama.

"Hon, meet my only son."

"Ms. Alberto!?"

---
Di ko talaga ipinokus sa revenge kaya nga Madrasta. Kilala nyo na kung sino ang Madrasta.

40 comments for the mext update!