1. Home
  2. Stories
  3. SUGO (Kabanata VI)
Filipino Sex Stories

SUGO (Kabanata VI)

By celester ·

***Happy Long Weekend guys! Medyo matatagalan pa ako mag post sa susunod na kabanata dahil may bakasyon kami. Kaya abang2 lang muna kayo. Salamat ulit sa nag follow at nag friend request sa akin.***

Title: SUGO
Author: Celester

Genre: Fantasy, Horror, Action, Adventure, Comedy, Drama, Erotic

KABANATA VI: THE NECROMANTIC WAR – PART II (CHAOS AND INVASION)

Sa pagpapatuloy ng Kasaysayan ng Digmaang Nigromansya…

Makalipas ng kalahating-oras ay muling bumalik sa kolisiyum ang mga manunuod upang panuorin nanaman ang susunod na laban. Ang tagisan ng lakas ng mga heneral laban sa mga higanteng halimaw.

"Tong! Tong! Tong!" Tunog ng tambol na pinapalo ng Berdugo hudyat na magpapatuloy ang paligsahan.

"Mga alugod kong manunuod! Oras na para ipagpatuloy ang ating paligsahan! Kanina ating nasaksihan ang unang laban! Ang heneral ng mga Engkanto ay nagwagi laban sa higanteng halimaw na alimango! Ipinamalas niya ang angking galing sa pakikipaglaban! Samakatuwid ay karapat-dapat talaga ang pagiging heneral ng mga Engkanto na si Hen. Gilthunder!"

Anunsyo ng komentarista tungkol sa unang laban kanina.

"Woooooo!" Hiyawan mga manunuod.

"Pangalawang laban naman ay ang nagwagi kanina ay Heneral ng mga Duwende laban sa higanteng halimaw na Bakulaw! Ipinakita sa atin lahat na ang Heneral ng mga Duwende ay may itinatago pala ng kakayahan na ikinagulat natin! Kaya, ang natutunan natin sa pangalawang laban ay hindi dapat basta-basta maliitin ang manlalaban! Kahit malaki man o maliit!"

Anunsyo ng komentarista tungkol sa pangalawang laban na ikinagulat ng lahat ng manunuod.

"Woooooo!" Hiyawan nanaman ng mga manunuod.

"Tama! Hindi tayo basta-basta maliitin ang manlalaban! Baka masurpresa pa tayo!" Sabi ng isang manunuod.

"Oo nga naman! Ako nga malaki nga ako at malakas pero may mas malakas pala sa akin!" Sabi naman nung isang manunuod.

"Ang susunod na laban ay ang Heneral ng mga Babaylan laban sa higanteng halimaw na makamandag na ahas, Ang Higanteng Kobra! Pinaniniwalaang ang higanteng halimaw na ito ay nagbabantay sa kayamanan na matatagpuan sa Isla ng Limasawa(Mainland Leyte) na malapit sa dakilang karagatan ng Mubius (Karagatang Pasipiko)!"

Anunsyo ng komentarista para sa susunod laban. Tumayo ang Heneral ng Babaylan mula sa kanyang kinauupuan sa gilid ng ring pagkatapos ay lumakad papasok sa ring.

Nang makarating na siya ay hinubad niya ang suot na mahabang damit na may hood. Tumambad sa kanila ang lahat ng manunuod ang napakagandang at maamong mukha ang Heneral ng mga Babaylan na si Heneral Ibyang.

Nakasuot ito na kulay puting kasuotan ng sinaunang Pilipino. May mga suot din siyang gintong pulseras at gintong kwintas. Tila mala-dyosang tingnan ang Heneral ng mga Babaylan na si Hen. Ibyang.

"Wooooooooo!" Lalong naghiyawan ang manunuod dahil sa nakikita nilang napakagandang Heneral ng mga Babaylan. Naglalaway sila.

"Rarararara! Ang ganda! Rararara!" Reaksyon ni Haring Sindri sa kanyang nakikita at naglalaway ito dahil sa kanyang nakitang napakagandang Heneral ng mga Babaylan.

Kaya naman ay bigla itong tumayo pagkatapos ay tatalon sana ito pero nakahanda na pala si Haring Elyedas sa kanyang mahikang lubid. Napigilan niya si Haring Sindri dahil sa kapilyohan niya.

"Hahahahaha! Akala mo Haring Sindri ha. Hahahaha!" Kaya pinagtawanan siya ni Haring Punong Ingkong Andu.

"Rararara! Pakawalan mo ko Haring Elyedas! Rararara!" Pagmamakaawa ni Haring Sindri kay Haring Elyedas.

"Haayyy… Dyan ka nalang para walang gulo ang mangyayari." Sabi ni Haring Elyedas sa kanya.

"Tsk! Tumahimik ka dyan! Baka mabatukan kita sa kapilyohan mo!" Napipikon naman si Haring Hatur kay Haring Sindri.

"Ipinakita narin sa wakas ang angking gandang Heneral ng mga Babaylan na si Hen. Ibyang! Ano kaya ang kakayahan niya?! Malalaman natin yan mamaya!"

Reaksyon ng komentarista kay Hen. Ibyang.

"Wooooooo! Galingan mo Heneral ng mga Babaylan! Kahit matalo ka ay okay lang sa amin!" Sigaw ng isang manunuod.

"Sana makasama kita Heneral kahit mahawak lang ang kamay mo!" Sigaw naman nung isang manunuod.

Pinakawalan na ang Berdugo sa kulungan ang Higanteng halimaw na Kobra. Kalmado naman ang heneral ng mga Babaylan sa kanyang pwesto habang nakapukos siya sa makakalaban niyang higanteng halimaw. Lumabas na sa kulungan ang higanteng halimaw na makamandag na ahas, ang kobra.

"Sssssssssssss!" Ungal niya habang nagtalsikan ang mga makamandag na asidong laway niya sa paligid ng ring.

"Lubhang mapanganib ang mabangis na halimaw na ito! Ano kaya gagawin ng heneral ng mga Babaylan?!"

Reaksyon ng komentarista habang pinoprotekhan siya ng mga Berdugo.

"Tong!" Tunog ng tambol na pinalo ng Berdugo. Hudyat na magsisimula na ang ikatlong laban.

Nagsimula ng sumugod kay Heneral Ibyang ang higanteng halimaw na kobra na nakagapang na mabilis habang ang heneral ng mga Babaylan ay kalmado at nanatiling nakatayo sa kanyang pwesto.

"Sssssssssssss!" Ungal ng higanteng halimaw na kobra pagkatapos ay binugahan siya ng makamandag na asidong laway.

Nakailag agad si Hen. Ibyang sa pamamagitan ng pagtalon niya sa ere.

"Tsk! Simple lang pala to!" Sa isipan niya habang minamaliit niya ang kalabang halimaw.

"Mag-iingat ka Heneral Ibyang!" Sigaw ni Haring Punong Ingkong Andu kay Hen. Ibyang.

"Mukhang matindi tong laban. Ano sa tingin niyo?" Sabi naman ni Haring Elyedas sa napanuod niyang laban ngayon.

"Rararara! Tingnan natin. Rararara!" Sabi ni Haring Sindri kay Haring Elyedas.

"Di niyo alam na ang higanteng halimaw na yan ay napakatalino." Sabi ni Haring Hatur tungkol sa higanteng halimaw na makamandag na ahas.

"Habang bumuga ng makamandag na asidong laway ang higanteng halimaw na kobra, nakailag agad ang heneral ng mga Babaylan!"

Reaksyon ng komentarista sa nakikita niyang laban ngayon.

"Ssssssssssss!" Ungal ng makamandag na higanteng ahas.

Habang nasa ere pa si Hen. Ibyang, hindi niya namalayan na patibong lang pala ang ginawang atake ng higanteng halimaw na kobra sa kanya.

Kaya hinampas siya ng malakas ang higanteng halimaw na kobra sa pamamagitan ng buntot. "Aaaghhh!" Napasigaw siya sa sakit matapos siyang hinampas ng buntot ng higanteng kobra. Kaya bumagsak siya tapos ay sumadsad sa sahig ng ring.

"Ssssssss!" Ungal nanaman ng higanteng kobra.

"Nakakagulat ang atakeng ginawa ng higanteng halimaw na kobra! Ano kaya ang gagawin ng heneral ng mga Babaylan?! Lubhang malakas ang kalaban niyang halimaw!"

Reaksyon ng komentarista sa laban lalo ng ang nakakagulat na atake ng higanteng halimaw na kobra kay Hen. Ibyang.

"Hen Ibyang! Huwag kang susuko! Ipakita mo sa kanila kung gaano ka kagaling na heneral ng mga Babaylan!" Sigaw sa suporta si Haring Punong Ingkong Andu.

"Pambihirang atakeng ginawa ng halimaw na yan!" Reaksyon naman ni Haring Elyedas sa ginawa ng higanteng kobra.

"Rararara! Di lang malakas, mautak pa tong halimaw na yan! Rararara!" Sabi ni Haring Sindri sa kanila habang nakagapos parin sa mahikang lubid ni Haring Elyedas.

"Tsk! Sabi ko sa inyo eh! Mautak talaga yang halimaw na yan." Sabi ni Haring Hatur sa kanila.

Sa gilid ng ring naman kung saan nakaupo sina Hen Gilthunder, Hen. Dougdig na hindi pa rin nagkamalay matapos sa kanyang laban at yung heneral na nakahood.

"Tsk! Mag-ingat ka sa susunod Hen. Ibyang!" Sigaw ni Hen. Gilthunder kay Hen. Ibyang.

"Huwag kayo mag-alala! Nagpapainit pa ako dito! Tsk!" Sagot ni Hen. Ibyang habang tumayo siya uli at napadura ng dugo.

"Hindi ko akalain na mautak pala tong halimaw!" Sa isipan niya.

"Sssssssss!" Ungal nanaman ng higanteng halimaw na kobra na hudyat na aatake uli kay Hen. Ibyang.

Binugahan naman siya ng napakaraming makamandag na asidong laway ng halimaw na kobra.

Umuusok ito sa paligid ni Hen. Ibyang habang muli nanaman niya inilagan ang atake ng halimaw sa kanya. Tumlalon siya sa ere para iwasan ang atake ng kobra pero hinampas nanaman siya uli ng buntot ng kobra. Bumagsak siya sa sahig.

"Puta!" Napamurang sabi niya.

"Nako! Katulad kanina ay ganun din ang nangyari sa kanya! Kumakapal ang usok mula sa makamandag na asidong laway ng halimaw!"

Reaksyon ng komentarista tungkol sa laban nila ngayon.

Ginamitan ng mahika ang Berdugong Engkanto ng harang sa paligid ng ring para ang usok na mula sa makamandag na asidong laway ng kobra ay hindi papunta sa kanila at sa lahat ng manunuod.

"Sssssssss!" Ungal nanaman ng halimaw na higanteng kobra.

"Hen. Ibyang! Galingan mo naman! Sayang ang kagandahan mo!" Sabi ng isang manunuod.

"Bahala na Hen. Ibyang! Ang importante ay maganda ka!" Sabi naman nung isa.

"Tsk! Hen. Ibyang! Pag-isipan mo muna ang galawan ng kalaban mong halimaw! Huwag kang kampante!" Payo ni Haring Punong Ingkong Andu sa heneral niya.

"Nanganganib ata ang heneral ng mga Babaylan." Nagtataka si Haring Elyedas sa labang pinapanuod niya lalo na ang heneral ng mga Babaylan na si Hen. Ibyang.

"Rararara! Huwag kayo mag-alala dahil nararamdaman kong nag-iisip ng estratehiya ang heneral ng mga Babaylan. Rararara!" Sabi ni Haring Sindri sa kanila.

"Huh! Akala kasi tong heneral simple lang ang laban niya." Sabi sa isipan ni Haring Hatur sa napanuod niyang laban.

"Habang binugahan ako ng makamandag na laway itong halimaw, tsaka ako iilag pero bigla niya akong hampasin sa pamamagitan ng buntot niya!" Sa isipan ni Hen. Ibyang habang nag-iisip ng paraan kung paano niya aatakehin ang kalabang halimaw na kobra.

"Hmmm…" Obserbasyon ni Hen. Gilthunder.

"Huh? Nasaan ako? Huh? Haaaaaaaa!" Nagkamalay na si Hen. Dougdig habang katabi niya si Hen. Gilthunder.

"Huh?! Natapos ko na ba ang laban?" Tanong niya.

"Hehehe! Gising kana pala heneral ng mga duwende." Sabi ng katabi niyang heneral ng mga Maligno.

"Panalo ka sa laban kanina lang Hen. Dougdig." Sagot sa kanya ni Hen. Gilthunder.

"Haayy.. Buti naman. Teka?! Haaaaaa! Paano ko siya natalo?!" Gulat na tanong ni Hen. Dougdig.

Hindi niya alam kung paano niya natalo ang kalaban niyang higanteng halimaw na Bakulaw.

"Hahaha! Ikaw talaga Hen. Dougdig. Basta nanalo ka sa laban Hen. Dougdig. Panuorin mo nalang ito ang bagong laban." Sabi ni Hen. Gilthunder sa kanya.

"Haaayy! Hindi ko naman ginusto to eh." Sabi niya. "Aatake nanaman siya!" Sa isipan ni Hen. Ibyang.

"Ayan nanaman ang higanteng halimaw na kobra! Wala na kayang ibang paraan para kontrang atake ni Hen. Ibyang ang kalaban niyang Halimaw?!"

Napatanong ng kometarista kay Hen. Ibyang habang pinagmasdan parin niya ang laban.

Pinag-ikis niya sa harap ang mga braso ni Hen. Ibyang pagkatapos lumiliwanag ang kulay dilaw na katawan niya.

Nagsilabasan ang mga pintados sa kanyang katawan.

"Ako nanaman!" Sabi niya at pinaghanda na niya ang gagawin niyang atake.

"Igawas ang balahibo ni Minokawa! (Ilabas ang balahibo ni Minokawa)!" Nagbanggit siya ng kanyang kapangyarihan.

Pinagwasiwas niya ang mga kamay pataas tapos ibinababa niya papunta sa gilirang bahagi ng katawan niya ang mga kamay at kinamao niya ito.

"Pako ni Minokawa! (Pakpak ni Minokawa!)" Lumabas sa kanya sa likurang bahagi ang nagliliwanag na kulay dilaw na pakpak ni Minokawa.

"Ssssssssss!" Ungal ng higanteng halimaw na kobra para aatake nanaman kay Hen. Ibyang.

Binugahan naman niya ulit ang makamandag na asidong laway papunta kay Hen. Ibyang. Umilag muli si Hen. Ibyang pagkatapos ay napansin niyang ang buntot ng halimaw na kobra ay papatama sa kanya pero alam na niya ang estratehiya ng kalaban niyang halimaw kaya sa wakas ay nailagan na niya ang buntot ng higanteng kobra sa pamamagitan ng pagaspas ng pakpak niya.

"Wooooo! Sa wakas ay nailagan na niya amg buntot mg higanteng halimaw na kobra sa pamamagitan ng kanyang pakpak! Ano kaya ang susunod niyang gawin?!"

Reaksyon ng komentarista tungkol sa ginawa ng heneral ng mga Babaylan.

"Woooooo!" Hiyawan ng mga manunuod sa ginawa ni Hen. Ibyang.

"Ayos!" Tuwang-tuwa si Haring Elyedas sa napanuod niya.

"Rararara! Ang ganda niyang tingnan na nakapakpak siya! Rararara!" Hangang-hanga si Haring Sindri sa ipinakita ng heneral ng mga Babaylan na si He. Ibyang.

"Yan…. Yan! Ipakita mo sa kanila kung gaano kagaling Hen. Ibyang!" Suporta ni Haring Punong Ingkong Andu sa heneral niya.

"Tsk!" Napabagnot naman si Haring Hatur. Habang lumilipad sa ere si Hen. Ibyang ay binugahan siya ulit ng makamandag ng asidong laway.

"Yun lang ba ang kaya mo halimaw ka!" Sa isipan ni Hen. Ibyang sa kanyang kalaban na halimaw.

"Sssssssssssss!" Ungal ng higanteng halimaw na kobra. Pinaligiran niya si Hen. Ibyang sa pamamagitan ng kanyang katawan.

"Tsk!" Reaksyon ni Hen. Ibyang habang pinalibutan siya ng katawan ng higanteng ahas.

"Nako! Hindi natin makikita sa loob si Hen. Ibyang dahil pinalibutan siya ng katawan ng ahas!"

Reaksyon ng komentarista sa ginawa ng ahas lay Hen. Ibyang.

Nakatuon sa kanya ang higanteng ahas habang nasa baba si Hen. Ibyang sa pagitan ng ulo ng ahas sa kanya. Para siyang nakakulong sa chamber.

Binugahan siya ng napakaraming makamandag na asidong laway. Sa nakikita ng lahat ng manunuod ay maraming usok na lumabas sa loob ng pinalibutang katawan ng ahas.

"Ano nangyari sa kanya?" Napatanong si Hen. Gilthunder kung ano mangyari kay Hen. Ibyang dahil nasa loob ito ng pinalibutang katawan ng higanteng ahas.

"Igawas ang himbis ni Bakunawa! (Ilabas ang kaliskis ni Bakunawa!)" Dumipensa si Hen. Ibyang sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

Pagkatapos ay lumipad siya palabas sa pinalibutang katawan ng higanteng ahas.

"Wooooooo!" Hiyawan ng manunuod.

"Woooo! Ayan siya oh!" Sabi nung isang manunuod.

"Ssssssss!" Ungal nanaman ng ahas habang lumingon ito muli sa kanya.

"Igawas ang kurente ni Bakunawa! (Ilabas ang kuryente ni Bakunawa!)" Umatake na si Hen. Ibyang sa pamamagitan ng pagwasiwas ng braso at kamay niya pagkatapos ay tinira niya ang bolang enerhiya patama sa ulo ng higanteng ahas.

Pero hindi niya inakala na napakaliksi ang higanteng ahas na ito kaya umilag ang halimaw na higanteng ahas sa kanyang atake.

"Kaboom!" Tunog ng pagsabog kung saan ang bolang enerhiya ay tumama sa sahig. Nagdulot ito ng pinsala sa ring.

"Tsk! Napakabilis tong halimaw na ito." Reaksyon niya sa kalabang halimaw.

"Ang gandang ipinakitang atake ang heneral mg mga Babaylan pero nakailag naman ang higanteng halimaw na kobra!"

Reaksyon ng komentarista sa kanyang nasaksihan.

"Sssssssssss!" Ungal nanaman ang higanteng ahas.

Gumalaw ang higanteng halimaw na kobra at inalis niya ang katawan na pinalibutan niya ang ring pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang pwesto.

Nagtataka si Hen. Ibyang kung bakit bumalik sa pwesto ang kalaban niyang halimaw.

"Huh?! Bakit kaya bumalik sa pwesto ang higanteng ahas?!" Napatanong bigla si Haring Elyedas sa kalaban ni Hen. Ibyang.

"Rararara! Mukhang may ibang gagawin ang ahas ha. Rararara!" Obserbasyon naman ni Haring Sindri.

"Hmmm… Hen. Ibyang maging alerto ka baka may binabalak ang kalaban mong halimaw!" Payo ni Haring Punong Ingkong Andu sa heneral niya.

"Ano kaya ang gagawin ng halimaw na ito?" Takang tanong naman si Haring Hatur. Nasa ere parin si Hen. Ibyang habang nakatuon parin siya sa kalabang halimaw.

"Bakit kaya bumalik siya sa pwesto ang higanteng halimaw na ito?" Takang tanong niya.

"Ssssssssss!" Ungal ng halimaw na kobra. Iniluwal niya sa loob ng katawan ang napakaraming itlog mula sa tiyan niya.

"Itlog niya?" Sabi ni Hen. Ibyang sa nakikita niya.

"Ssssssssss!" Ungal nanaman ang higanteng ahas. Ang mga itlog niyang iniluwal ay pumisa pagkatapos ay nagsilabasan mula sa itlog ang napakaraming cobra sa loob ng ring. Ilang sandali lang ay napuno ng ahas sa loob ng ring. Kaya hindi pwede lumapag si Hen. Ibyang sa ring baka kagatin siya bigla ng anak ng higanteng halimaw na kobra.

"Ang daming anak ng halimaw na ito! Napuno ng makamandag na ahas ang buong ring! Ano kaya ang gagawin ng Heneral ng mga Babaylan?!"

Reaksyon ng komentarista sa panibagong estratehiya ng halimaw.

"Mukhang napapagod si Hen. Ibyang.. Haring Punong Ingkong Andu." Napansin ito ni Haring Elyedas.

"Rararara! Dahil sa nalanghap niyang mga usok galing sa makamandag na asidong laway ng higanteng halimaw na kobra. Rararara!" Yun din ang napansin ng Hari ng mga Duwende n si Haring Sindri.

"Tsk! Mautak talaga!" Sabi naman ni Haring Hatur sa ginagawang halimaw na ahas.

"Hen. Ibyang!" Napabugnot ang mukha ni Haring Ingkong Andu sa sitwasyon mg heneral niya.

"Haaa… Haaa…. Haaaa…" Hingal na hingal si Hen. Ibyang habang hindi pa niya natamaan kahit ang kapangyarihan niya sa kalaban niyang higanteng halimaw na kobra.

"Hingal na hingal si Hen. Ibyang dahil sa epekto ng makamandag na asidong laway na higanteng ahas. Hindi niya namalayan na unti-unting na niya ito nalanghap papunta sa katawan niya." Obserbasyon ng Heneral ng mga Maligno na nakahood habang pinagmasdan niya si Hen. Ibyang.

"Tsk! Huwag kang susuko Hen. Ibyang!" Sa isipan ni Hen. Gilthunder.

"Waaaaaaa! Si Hen. Ibyang oh! Mukhang napapagod siya!" Sabi naman ni Hen. Dougdig habang tinuro niya sa direksyon ni Hen. Ibyang. "

Haa.. Haa… Haaa… Hinding-hindi ako papatalo sa halimaw nato. Haaaaaaaaa!" Sumugod si Hen. Ibyang papunta sa kalaban niyang halimaw kahit hingal na hingal dahil sa epekto ng lason dumadaloy sa katawan niya.

"Sssssssss!" Ungal ng higanteng halimaw na kobra. Nakahanda narin ang kontra-atake ng higanteng halimaw na kobra.

"Mukhang nanghihina ngayon ang Heneral ng mga Babaylan! Pero hindi siya susuko at nagsimula na siyang sumugod!"

Reaksyon ng komentarista sa nasaksihan niya lalo na ang Heneral ng mga Babaylan na si Hen. Ibyang.

"Delikado ang sitwasyon ang Heneral ng Babaylan ngayon. Kung magpatuloy siya sa pagkilos lalo na ang katawan niya, lalo bibilis ang daloy ng lason sa katawan niya. Kung papunta nato sa utak at puso niya baka katapusan na niya." Obserbasyon ng Heneral ng mga Maligno sa kalagayan ni Hen. Ibyang.

"Tsk! Hindi maaari to!" Napakamao si Hen. Gilthunder sa kalagayan ni Hen. Ibyang.

"Hen. Ibyang! Huwag ka masyadong gumalaw! Lalo bibilis ang daloy ng lason sa katawan mo! Kung magpatuloy ka baka ikapapahamak mo!" Payo ni Haring Punong Ingkong Andu sa kanya.

"Sssssssssss!" Ungal ng higanteng ahas habang muli nanaman itong bumuga ng makamandag na asidong laway patama kay Hen. Ibyang.

"Pst! Pst! Pst!" Tunog ng bumugang laway ng higanteng halimaw.

"Igawas ang himbis ni Bakunawa! (Ilabas ang kaliskis ni Bakunawa!)" Agad naman dumipensa si Hen. Ibyang sa mga tinirang makamandag na asidong laway sa kalaban niya pero lalo siyang nanghihina.

"Haaaa… Haaaaaa… Haaaaaa… Haaaa" Lalong bumilis ang paghingal niya kasabay ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Halos pumikit na ang kaliwang mata ni Hen. Ibyang pero hindi siya susuko sa laban.

Sumugod si Hen. Ibyang papunta sa ulo ng higanteng halimaw na kobra pagkatapos ay itinira nanaman niya ang bolang enerhiya patama sa higanteng halimaw.

"Igawas ang kurente ni Minokawa! (Ilabas ang kuryente ni Minokawa!)" Tumira siya ng pangalawang kakayahan.

Naging hugis na maalamat na ibong si Minokawa ang bolang enerhiyang tinira niya sa kalaban pero hinampas ng buntot ng higanteng kobra ang tinira niyang kapangyarihan at ito'y bumalik sa kanya.

"Ano?!" Nagulat siya sa ginawa ng higanteng ahas sa tinira niyang enerhiya.

"Kaboom!" Tunog ng impak kung saan ay tumama kay Hen. Ibyang ang kanyang kapangyarihan sa kanya.

"Aaaaaaggghhhh!!!!!" Tinamaan siya habang nasa ere.

"Hen. Ibyang!" Napasigaw si Haring Punong Ingkong Andu sa heneral niya.

"Tsk! Putang ina!" Napamura si Haring Elyedas sa sitwasyong nangyayari kay Hen. Ibyang.

"Nako po! Tumama sa kanya ang kapangyarihang dapat sana ay para sa halimaw na kalaban niya pero kinokontra lang ito ng halimaw na kobra!"

Reaksyon ng komentarista sa ginawa ng halimaw na kobra.

Nawala ng parang bula ang nagliliwanag na pakpak ni Hen. Ibyang tapos ay bumagsak siya sa sahig na may mga maraming ahas. Duon ay kinuyog at natabunan siya ng maraming ahas na anak ng higanteng halimaw na kobra.

"HENERAL IBYAAANNGG!" Sumigaw si Haring Punong Ingkong Andu sa sitwasyon ni Hen. Ibyang. Napatayo siya sa pag-alala sa kanyang heneral.

"Hindi maari!" Pati na rin si Haring Elyedas.

"Tsk! Kawawang heneral." Sa isipan ni Haring Hatur.

"Rararara! Hen. Ibyang. Rararara!" Nagulat din si Haring Sindri.

"Ssssssssssss!" Ungal ng higanteng halimaw na kobra.

"Hen. Ibyang! Sana hindi kapa patay! Huhuhu!" Sabi nung isang manunuod.

"Nakakatakot pala tong halimaw! Di lang malakas, mautak rin!" Reaksyon naman nung isang manunuod.

"Hmmmm…" Takang sabi ng Heneral ng mga Maligno.

"Nararamdaman mo ba yun Hen. Gilthunder?" Tanong ng Heneral ng mga Maligno kay Hen. Gilthunder habang ay nakatuon si Hen. Gilthunder sa direksyon kung saan bumagsak sa sahig si Hen. Ibyang.

"Oo nga nararamdaman ko." Sagot ni Hen. Gilthunder sa heneral ng mga Maligno.

"Hmmm… Rarararara! Pagmasdon niyo! Di pa tapos ang laban. Rararara!" Obserbasyon ni Haring Sindri.

"Huh?! Ano?!" Nagulat naman si Haring Elyedas sa sinasabi ni Haring Sindri.

"Hen. Ibyang?!" Pati na rin si Haring Punong Ingkong Andu.

"Tsk! Parang kanina lang nung Heneral ng mga Duwende." Reaksyon ni Haring Hatur kung saan katulad daw kanina ang pangatlong laban ngayon.

Samantala kung saan ay nakalaya na ang Hari ng mga Dyablong Nigromante na si Haring Chrollo…

"Hmmmm… Kay gandang pagmasdan ang lugar na ito. Hehehe! Nararamdaman ko maraming malalakas na nilalang nabubuhay dito. Hahahaha! Maganda to! Magiging alipin ko kayo!" Batid niya habang nakatayo sa pagitan ng nakahandusay na bangkay na pinaslang niyang pamilyang mangingisda na Babaylan.

Binuksan niya ang misteryosong aklat, Ang Aklat ng mga Dyablong Patay o Demon Necromonicon.

"Quaeso revela, princeps tenebrarum! (Magpakita ka, Prinsipe nang Kadiliman!)." Sabi niya habang nakabukas ang aklat.

Lumabas ang itim na usok sa aklat, unting-unti ito naging hugis kalansay nang tao ang aparisyon, nakatayo ito sa harapan niya.

"Ut id libero everti. Quid servies? (Nakalaya kana pala. Ano ang maipaglilingkod mo?)" Sabi nang Aparisyon na bumungad sa kanya.

Tumingin si Haring Chrollo sa mga nakandusay na bangkay kung saan pinatay niya kanina ang pamilyang mangingisda na Babaylan tapos ay humarap uli sa Aparisyon.

"Exercitum constituere volo ut hunc locum occupare possim. Quid faciam principem tenebrarum? (Nais kong bumuo ng hukbo para sakupin ko ang lugar na ito. Ano ang dapat kong gagawin Prinsipe ng Kadiliman?)" Tanong niya sa nagpakitang aparisyon sa kanya.

"Est chrollo simplex rex, videsne iacentem? vivifica eos virtute tua, dum adhuc ibi sunt animae eorum. (Simple lang Haring Chrollo, kita mo yang nakahandusay? Buhayin mo sila sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan habang nandyan pa ang kaluluwa nila.)" Sagot ng aparisyon sa kanya.

"Sige! Sequar mi Princeps tenebrarum (Sige! Masusunod mahal kong Prinsipe ng Kadiliman)." Sagot niya. Bumalik sa loob ng aklat ang Aparisyon na kinausap niya.

Habang lumingon ulit si Haring Chrollo sa nakahandusay na pamilyang pinaslang niya, binuhay niya ito at dinungisan ang mga kaluluwa nila.

Nangingisay pa ang katawan ng mga bangkay at ilang segundo lang ay bumangon ito at lumuhod sa kanya.

"Kamahalan." Sabay sabi ng mga pamilyang binuhay ng hari ng mga dyablong nigromante.

"Maligayang pagbabalik alugod kong kawal." Pagbati niya sa mga binuhay ng pinaslang.

"Sasamahan niyo ko sakupin ang lugar na ito. Araw at gabi hindi tayo titigil hanggat hindi natin masasakop ang buong kapuluan ng lugar na ito. Maliwanag ba mga kawal?" Sabi niya.

"Opo kamahalan! Sasama kami sa inyong hangarin ang sakupin ang buong kapuluan ng lugar na ito." Sabi ng mga kawal niya. Nakangiting demonyo si Haring Chrollo sa mga kawal niya.

"Hehe! Mabuti mga alugod kung kawal! Kung ganun ay tayo na! Hahaha! Hahahaha!" Sabi niya habang humalakhak na mala-demonyong boses. Nagsimula ng sumakop si Haring Chrollo kasama ang mga alugod niyang kawal sa maliit na isla malapit sa Sugbo.

Kada baryong mapapasokan nila ay walang sinayang na oras ang kanilang pananakop. Bata man o matanda ay dinudungisan niya ang mga kaluluwa para maging alipin niya. Lahat ng mahihina ay ginawa niyang alipin habang ang mga malalakas ay ginawa niyang sundalo o kawal. Lalo lumakas ang hukbo niya hanggang sa nasakop na niya ang buong maliit na isla na malapit sa Sugbo.

Pagkatapos niyang sinakop ang buong maliit na isla ay pinagtitipon niya lahat ang mga kawal at alipin. Lumipad siya sa itaas para mag anunsyo sa kanyang mga alugod niyang alipin at kawal tungkol sa kanyang layuning sakupin ang buong kapuluan ng Perlas ng Silanganan.

"Mga alugod kong kawal at alipin! Ngayong oras na ito! Ako na ang bagong niyong Hari sa buong kapuluan na kinatatayuan niyo! Ako si Chrollo! Ang Dyablo ng Nigromante at Ako ay Hari ng mga Dyablong Nigromante! Simula ngayon! Umpisahan natin ng maghasik ng lagim upang makamit natin ang layunin! Ang masakop ng buong kapuluan ng Isla na ito!"

Anunsyo niya sa kanyang pananakop.

"Huraaaaaa!" Sigaw ng mga alipin at kawal na hudyat na sumang-ayon sila sa layunin ng kanilang bagong Hari.

Nakangiting demonyo si Haring Chrollo sa kanyang mga alugod niyang kampon ng Kadiliman.

"Hmmmm…" May naramdaman siyang aura na malakas habang nakalutang siya sa kanyang pwesto.

"Hehehe! May nagaganap palang paligsahan duon. Nararamdaman ko ang kanilang malalakas na spiritwal na enerhiya nila. Hahaha!" Sa isipan niya habang nakatingin sa direksyon kung saan nagaganap ang paligsahan sa Isla ng Sugbo.

"Mga alugod kong kawal at alipin! Susugurin natin ang malaking Isla na yan!"

Anunsyo ni Haring Chrollo sa kanyang mga alugod niyang kawal at alipin para sugurin ang Isla ng Sugbo.

Lumingon ang mga kawal at alipin niya sa direksyon duon sa Isla ng Sugbo. Lumiliwanag ang kanilang namumulang balintataw na hudyat na susugod na sila papunta sa Isla ng Sugbo.

Hindi na nila kailangan gumamit ng Balangay. Lalangoy sila para tumawid sa dagat. Lumiliwanag na kulay ubeng katawan ni Haring Chrollo pagkatapos ay nawala siya ng parang bula. Ginamit niya ang kapangyarihan teleportasyon papunta sa Isla ng Sugbo.

Balik sa nagaganap na paligsahan kung saan kasulukuyan nakikipaglaban si Hen. Ibyang sa higanteng halimaw na kobra…

Nalungkot ang mga manunuod sa sinapit na kanilang iniidolong si Hen. Ibyang.

"Ssssssssss!" Ungal ng malakas ang higanteng halimaw na kobra. "Hen. Ibyang!" Sigaw ni Haring Punong Ingkong Andu sa kayang heneral niya.

"Mukhang ito na ang katapusan ng heneral ng mga Babaylan na si Hen. Ibyang habang kinuyog pari siya mga makamandag na ahas."

Reaksyon ng komentarista sa sinapit ng Heneral ng mga Babaylan.

"Eeeeeeggghhh! Hinding-hindi ako susuko!" Sa isipan ni Hen. Ibyang habang kinuyog parin siya ng mga makamandag na ahas. Kinagat-kagat siya sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.

"Gagamitin ko na ang tunay kung lakas! Igawas ang gahum ni Tala! (Ilabas ang kapangyarihan ni Tala!)" Sigaw niya sa kanyang kapangyarihan. Duon inilabas niya ang kanyang kapangyarihan ng Diyosa na si Tala.

"Boom!" Nagkaroon ng pagsabog sa paligid ng katawan niya dulot ng kanyang inilabas na kapangyarihan kaya tumilapon ang mga makamandag na ahas sa kanya.

Nagulat ang lahat ng manunuod sa kanilang napanuod na laban dahil akala nila ay katapusan na ang Heneral ng mga Babaylan.

"Wooooooooo!" Hiyawan sa tuwa ang mga manunuod.

"Wooooo! Hindi pa tapos ang laban! Inakala natin na wala na ang Heneral ng mga Babaylan! Yun pala ay kitang-kita natin na nakatayo siya at nagiba ang kanyang kasuotan!"

Reaksyon ng komentarista kung saan nasaksihan niya na hindi pa susuko sa laban amg heneral ng mga Babaylan.

"Wooooo!" Naghiyawan lalo ang mga manunuod dahil sa kanilang nakikitang idolo nilang heneral ng mga Babaylan.

"Ayus Hen. Ibyang!" Sigaw sa tuwa ni Haring Punong Ingkong Andu sa kanyang heneral.

"Lalo lumalakas ang Heneral ng mga Babaylan." Obserbasyon ni Haring Elyedas.

"Rararararara! Lalo siyang gumaganda! Rarararara!" Napalaway naman si Haring Sindri sa kanyang nakikita ngayon.

"Tsk! Buhay kapa pala!" Sa isipan ni Haring Hatur at hindi siya natuwa sa kanyang nakikita.

Naging anyong Diyosa ng mga bituin sa umaga at sa gabi na si Hen. Ibyang. Ang kasuotan niya ngayon ay ibang-iba sa mga pagiging Babaylan niya.

Kumikinang pa ang kasuotan niyang damit, may suot siyang korona na hugis bitiuin at sa likurang bahagi niya ay may pakpak na hugis bilog at sa gitna ito ay may bituin rin na umiikot sa pagitan ng bilog na pakpak niya.

"Ngayon! Humanda ka halimaw!" Sabi niya para humanda na siya sa seryosong laban.

"Bituong Sundang ni Tala! (Bituing Punyal ni Tala!)" Inilabas ni Hen. Ibyang ang makabago niyang kapangyarihan na sumulpot sa pakpak niya.

"Itong sayo! Haaaaa!" Tinira niya ng mabilisan ang mga punyal patama sa higanteng halimaw na kobra habang nakatayo siya sa kanyang pwesto at itinuon ang braso at kamay niya sa direksyon ng kalaban.

"Sssssssss!" Ungal ng malakas ang kalaban niyang halimaw at sumugod ito muli sa kanya. Tinamaan ang higanteng halimaw na kobra sa atake ni Hen. Ibyang at sumigaw ito sa sakit.

"Ssssssssss!" Umuungal ito sa sakit sa ginawa ng heneral ng mga Babaylan.

"Woooooo!" Naghiyawan lalo ang mga manunuod.

"Wooooo! Ganyan nga Hen. Ibyang! At lalo kang gumaganda sa itsura mo!" Sabi ng isang manunuod sa kanya.

"Para talaga siyang Diwata ng mga Bituin na si Tala." Sabi naman nung isang manunuod.

"Woah! Ang galing na ipinakitang kapangyarihan ni Hen. Ibyang!" Natutuwa si Haring Elyedas sa ipinakita ni Hen. Ibyang sa labanan ngayon.

"Hahaha! Yan ang tunay na kapangyarihan ng heneral namin. Binigyan siya ng kapangyarihan galing sa Diyosa ng mga Bituin na si Diyosang Tala dahil nilampasan niya ang matinding pagsubok na binigay sa kanya ng Diyosa namin. Ang Nirvana." Paliwanag ni Haring Punong Ingkong Andu kay Haring Elyedas.

"Woah! Kaya pala! Lubhang napakahirap at mapanganib ang pagsubok yan sa inyong mga Babaylan dahil kung hindi mo ito malampasan ang kapalit nito ay ang iyong buhay." Sagot naman ni Haring Elyedas kay Haring Punong Ingkong Andu.

"Tama Haring Elyedas!" Ganting sabi ni Haring Punong Ingkong Andu.

"Haaaaa!" Nagpatuloy parin tinira ng mga Bituing punyal si Hen. Ibyang sa kanyang kalaban niyang higanteng halimaw na kobra.

"Ssssssss!" Ungal naman ang halimaw. Binugahan niya makamandag na asidong laway na pamata kay Hen. Ibyang. Nang napansin ito ni Hen. Ibyang ay agad ito tumalon.

"Igawas ang pana ni Tala! (Ilabas ang pana ni Tala!)" Inilabas ni Hen. Ibyang ang ang kumikinang na kulay dilaw na sandata ang pana. Nakapwesto siya sa ere habang nakatuon sa direksyon ng kalaban niyang halimaw.

"Ssssssss!" Umuungal nanaman ang halimaw na kobra.

"Woooo! Nailagan niya ang binugahan na makamandag na asidong laway! Nasa ere na siya ngayon at nakapwesto na! Inilabas ng Heneral ng mga Babaylan na si Hen. Ibyang ang sandata niyang pana!"

Reaksyon ng komentarista tungkol sa ipinakitang kakayahan ng heneral ng mga Babaylan.

Nakatuon parin si Hen. Ibyang ang pana niya sa higanteng halimaw na kobra pagkatapos ay itinira nya ito.

Habang ang kumikinang na dilaw na palaso na tinira niya ay papatama sa kalaban niyang halimaw ay nagbigkas siya ng makabagong atake.

"Bagakay ni Tala! (Sibat ni Tala!)". Ang palasong tinira niya ay naging mahabang sibat.

"Ssssssssss!" Tinamaan ang higanteng halimaw na kobra ng mahabang sibat sa may ulo niya at ito'y tumama rin sa utak niya.

"Ssssssss!" Ungal nananaman ng halimaw habang nangingisay-ngisay siya sa sakit at nagsitalsikan ang makamandag na asidong laway na sa paligid ng ring. Ilang sandali lang ay natapos ang kanyang buhay.

"Woooooo!" Hiyawan ng mga manunuod.

"Wooooo! Ang galing ng ginawa ng heneral ng mga Babaylan! Tinapos niya ang laban sa pamamagitan ng kanyang makabagong atake! Kaya ang nagwagi ay ang Heneral ng mga Babaylan na si Hen. Ibyang!"

Anunsyo ng komentarisa sa pagkapanalo ni Hen. Ibyang sa laban niya.

"Hahahaha! Ang galing ng heneral ko!" Natutuwa naman si Haring Punong Ingkong Andu sa kanyang ipinakitang malas sa heneral niya.

"Ang lakas niya! Parang diyosa talaga siya!" Paghangang sabi ni Haring Elyedas.

"Rararara! Ayus at ang ganda pa! Rararara!" Sabi naman ni Haring Sindri.

"Tsk!" Hindi naman natuwa si Haring Hatur sa pagkapanalo ng heneral na babaylan.

Lumapag sa sahig si Hen. Ibyang pagkatapos ay bumalik sa dati ang kanyang anyo. Ang mga sugat niyang dulot ng mga kagat ng ahas ay gumaling dahil sa kanyang makabagong kakayahan niya.

Lumuhod siya, niyuko ang kanyang ulo at nagdasal sa kanyang Dakilang Bathala na si Tungkong Langit.

"Mahal kong Bathala! Nagpasalamat ako sa iyong binigay na lakas mo sa akin at lalo narin ang Diyosa ng mga Bituin na si Tala!" Dasal niya pagkatapos ay tumayo ito at bumalik sa kanyang upuan.

"Ang galing ng ipinakita mo Hen. Ibyang." Nakangiting sabi si Hen. Gilthunder sa kanya.

"Ang lakas mo pala Hen. Ibyang." Pati na rin si Hen. Dougdig.

"May itinago ka palang lakas Hen. Ibyang." Sabi naman ng Heneral ng mga Maligno sa kanya.

"Salamat sa inyo mga heneral." Nagpasalamat naman si Hen. Ibyang sa kapwa niyang mga Heneral.

"Mga alugod kong manunuod! Ang panghuling laban ay Heneral ng mga Maligno na si Hen. Drakath laban sa Higanteng Halimaw na Bayawak!"

Anunsyo ng komentarista sa kanyang alugod niyang manunuod para sa panghuling laban.

"Hehe! Ipakita mo sa kanila ang tunay mong lakas Hen. Drakath!" Suporta ni Haring Hatur sa kanyang heneral na si Hen. Drakath.

"Mukhang mabagsik itong Heneral ng mga Maligno ." Sa isipan ni Haring Elyedas.

"Rararara! Mukhang tatapusin niya agad ang laban dahil sa itsura pa lang. Rararara!" Obserbasyon ni Haring Sindri sa heneral ng mga Maligno.

"Hmmm… Maangas siya tingnan pero tingnan natin." Sa isipan naman ni Haring Ingkong Andu.

Hinubad na ang kasuotan na may hood si Hen. Drakath. Tumambad sa kanila ang itsura ng Heneral ng mga Maligno. "Isa palang Tikbalang ang Heneral ng mga Maligno." Sabi mg isang manunuod.

"Nagpakita narin ang itsura ng Heneral ng mga Maligno na si Hen. Drakath! Isa sa pinakamalakas na Tikbalang ang Heneral ng mga Maligno na si Hen. Drakath! Ano kaya ang ipapakita sa atin ang kakayahan?! Malalaman natin yan!"

Reaksyon ng komentarista kay Hen. Drakath.

"Wooooo! Galingan mo Hen. Drakath!" Suporta ng isang manunuod sa kanya.

"Mukhang malakas tong heneral na to." Reaksyon ni Hen. Gilthunder sa kapwa niyang Heneral na si Hen. Drakath.

Nasa loob na ng ring si Hen. Drakath. Maitim at napakakisig ang katawan ni Hen. Drakath. May dala itong mahabang sibat at kumikinang pa sa talas ang dulo ng patalim ng sibat niya.

Binuksan na ng Berdugo ang kulungan at lumabas na ang Higanteng Halimaw na Bayawak na makakalaban ni Hen. Drakath.

"Inilabas na ng Berdugo anv panghuling higanteng halimaw na Bayawak na makakalaban ni Hen. Drakath! Pinaniniwalaan na kumakakn daw ito mg mga itlog ng mga kapwa niyang Bayawak at kumakain ng mga manlalakbay kung sakaling may makapasok sa kanyanh teritoryo niya!"

Paliwanag ng komentarista tungkol sa Halimaw na makakalaban ni Hen. Drakath.

"Tong!" Tunog na pinapalong tambol hudyat na magsisimula na ang panghuling laban.

Seryoso ngayon si Hen. Drakath habang nakatuon sa kalaban niyang halimaw. Hawak niya ang nakatayong sibat tapos ay nanatili siyang nakatayo sa kanyang pwesto.

Kumikulimlim ang langit at unti-unting lumalakas ang hangin.

"Hmmm… Nararamdaman niyo ba yun?" Napatanong si Haring Punong Ingkong Andu sa kapwa niyang kasamang Hari.

"Oo nga." Sagot ni Haring Elyedas sa kanya.

"Tsk! Mukhang ang nararamdan ko ay hindi kalaban niya!" Tumayo bigla si Haring Hatur sa kanyang upuan at nakatuon siya sa direksyon ng heneral niya.

"Rararara! Naramdaman kung may parating na malakas na hangin. Rararara!" Sabi ni Haring Sindri sa kanila.

Nang sumugod na ang halimaw kay Hen. Drakath, bigla lumakas ng ihip ng hangin sa loob ng Kolisiyum.

"Eeeeeggghhhh! Kumapit kayo!" Sigaw ni Haring Elyedas sa kanila habang kumapit siya ng mahigpit gamit ang mahikang lubid habang hawak parin niya si Haring Sindri.

"Ano ito?! Eeegghhhhh! Hindi ito galing sa Heneral ng mga Maligno!" Sabi naman ni Haring Punong Ingkong Andu.

"Eeeggghhhh! Anong pwersa ang nararamdaman natin?! Bakit biglang umihip ng malakas na hangin dito sa Kolisiyum?! Kapangyarihan kaya ito ni Hen. Drakath?!"

Napatanong tuloy ang komentarista sa pangyayari nila ngayon.

"Eeeeeegghhh! Hen. Gilthunder?! May panganib na paparating!" Sabi ni Hen. Ibyang kay Hen. Gilthunder.

"Ano?! Heneral?! Sino?!" Gulat na tanong ni Hen. Gilthunder habang kumapit sila sa gild ng ring.

"Hahaha! Hahahahaha! Hahahahahahaha!" Halakhak na malademonyong boses.

"Eeeeegghhhhh! Kaninong boses yan?!" Pati narin si Hen. Drakath napatanong na rin sa kanyang narinig.

Dahil sa lakas ng hangin ay tumilapon ang kalaban niyang higanteng bayawak sa gilid. Pati narin ang mga iba pang manunuod ay tumilapon at iba ay nakahawak parin ng mahigpit.

Sumulpot ang kulay ubeng enerhiya sa gitnang bahagi ng ring habang patuloy parin ang malakas na rumaragasang hangin.

Unting-unti lumalaki ang kulay ubeng enerhiya hanggang sa sumulpot sa kanila ang misteryosong nilalang.

Nang tumigil na ang malakas na hangin ay duon nakita nila ang sumulpot sa gitnang bahagi ang misteryosong nilalang na nanghimasok sa kanilang paligsahan.

"Sino kang nilalang ka?! Bakit ka dumistorbo sa laban namin?!" Tanong agad ni Hen. Drakath sa misteryosong nilalang na sumulpot sa loob ng ring.

"Hahahaha! Ako si Chrollo! Isang Dyablong Nigromante! At Hari ng mga Dyablong Nigromante! Hahahaha!" Nagpapakilala sa kanila ang misteryosong nilalang na si Haring Chrollo.

"Hoy! Umalis ka dyan! Kakasimula palang ang panghuling laban!" Sigaw sa galit ng isang manunuod kay Hari ng mga Dyablong Nigromante na si Chrollo.

"Umalis ka dyan kundi papatayin ka namin!" Sabi naman ng isang manunuod.

"Ano?! Tama ba narinig?! Isa siyang Dyablo?!" Nahintakutan si Haring Elyedas sa nagpakilala sa kanila ng Hari ng mga Dyablong Nigromante na si Chrollo.

"Tsk! Mapapalaban tayo nito!" Nagulat rin si Haring Punong Ingkong Andu sa nasaksihan niya.

"Rararara! Ganun pala ang itsura ng isang Demonyo o Dyablo. Rararara!" Sabi naman ni Haring Sindri sa kanila.

"Tsk! Putang inang disturbo tong halimaw nato!" Nagalit tuloy si Haring Hatur dahil naabala ang laban ng kanyang heneral.

"Hmmmm… " Lumingon si Haring Chrollo sa isang manunuod na sumigaw sa kanya.

"Ikaw ba ang sumigaw sa akin?" Tanong niya sa isang manunuod.

"Oo ako! Bakit?!" Sagot naman sa kanya ng isang manunuod.

"Hahaha! Ipapakita ko sa iyo kung paano ako magalit!" Sigaw ni Haring Chrollo. Lumiliwanag ang namumulang balintataw niya na nakatuon sa isang manunuod na sumigaw sa kanya.

"Aggh! Agghh! Hu… hu.. Huwag mo…ko.." Di natuloy ang pagsalita ng isang manunuod dahil nabaliukan ito ng mahigpit tapos ay namatay ito.

Nagulat ang lahat ng manunuod lalo na ang apat na hari at mga heneral nila.

"Anong ginawa mo?!" Tanong ni Hen. Drakath kay Haring Chrollo.

"Hahaha! Tinapos ko ang buhay niya." Sagot ni Haring Chrollo kay Hen. Drakath.

"Tsk!" Galit na sabi Hen. Drakath.

"Gusto mo ba ng magandang laban? Pipitsuging heneral? Hahaha!" Hinamon ni Haring Chrollo si Hen. Drakath.

"Anong sabi mo?! Kung yan ang gusto mo tatapusin ko agad ang buhay mo! Haaaaaaa!" Sigaw sa galit ni Hen. Drakath tapos ay sumugod siya kay Haring Chrollo.

Nakatayo at nakangiting demonyo lang si Haring Chrollo sa kanyang pwesto habang pinagmasdan niya lang si Hen. Drakath pasugod sa kanya. Nang malapit na sa kanya si Hen. Drakath, hiniyaan lang niya na sumaksak si Hen. Drakath sa kanya.

"Haa! Pipitsugin pala ha!" Sabi ni Hen. Drakath habang nasaksak na niya sa dibdib si Haring Chrollo.

"Wooooo! Buti yan sayo! Disturbo kasi eh!" Naghiyawan naman ng manunuod sa ginawa ng Heneral ng mga Maligno.

Pero akala ni Hen. Drakath ay napatay niya ang Hari ng mga Dyablong Nigromante na si Haring Chrollo. Nagkakamali siya dahil ay hindi basta-basta ang dyablong kalaban niya.

"Huh?! Diko mabunot ang sibat ko!" Nagulat siya dahil hindi niya mabunot ang sibat niya habang nakasaksak ito sa dibdib ni Haring Chrollo.

"Hehe! Hahaha! Hahahahaha! Akala mo mapapatay mo ko sa simpleng paraan?!" Nagsalita si Haring Chrollo sa kanya.

"Huh? Bi… Bitawan mo kong demonyo ka!" Bigla siyang hinawakan ni Haring Chrollo sa leeg niya pagkatapos ay binuhat siya paitaas.

Nasaksihan ito ng mga heneral at mga hari.

"Heneral Gilthunder at Heneral Dougdig! Tulungan natin siya!" Sigaw ni Hen Ibyang sa kanila para tulungan ang kapwa nilang heneral.

"Sige!" Sabay sabi nilang Hen. Gilthunder at Hwn. Dougdig.

"Tsk! Hindi tama to! Kailangan natin bumaba at kalabanin siya dahil hindi siya katulad sa atin." Napabagnot ang mukha ni Haring Elyedas sa kanyang nasaksihan.

"Tara!" Sagot naman ni Haring Punong Ingkong Andu.

"Rararara! Tanggalin mo ang lubid Haring Elyedas para mapalalaban din ako! Rarara!" Sabi ni Haring Sindri sa kay Haring Elyedas.

"Ano pa hinihintay natin?! Tara na!" Ganun din si Haring Hatur.

"Hahaha! Gusto niyo ba tulungan itong kasama niyo?! Mamatay muna siya sa kamay ko!" Agad binunot ni Haring Chrollo ang nakasaksak na sibat sa kanya gamit ang kaliwang kamay pagkatapos ay sinaksak ito sa bandang baba ni Hen. Drakath patungo sa kanyang utak.

Lalong nagimbal ang lahat na manunuod sa kanilang nasaksihan. Ang walang awang pinatay ni Haring Chrollo na si Hen. Drakath.

"Hiiiiiiiiiiinnnnnnnnddddiiiii! Hen. Draaaaakkkkkaaaattthhhh!" Lubhang nagalit si Haring Hatur sa ginawa ni Haring Chrollo.

Agad tumalon ng mabilisan si Haring Hatur pasugod kay Haring Chrollo. Ganun din sina Haring Elyedas , Haring Sindri at Haring Punong Ingkong Andu.

Sumugod na rin ang tatlong heneral papunta kay Haring Chrollo.

"Hahahahahahahaha! Ganyang nga! Hahahaha! Lumaban kayo sa akin! Hahahaha!" Lalong natuwa ang malademonyong boses na si Haring Chrollo.

Hindi narin nakatiis ang mga manunuod kaya sumugod narin sila para pagtulungan nila kalabanin ang malupit na demonyong sumulpot sa naantala nilang paligsahan.

"HAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!" Sigaw nilang lahat habang sinugod nila si Haring Chrollo.

"Hahahaha! Sige sugod lang kayo sa akin! Hahaha!" Sa isipan niya dahil may plano na pala siya para gamitin ang kanyang kapangyarihan.

Nang malapit na sa kanila kay Haring Chrollo ay bigla ito inilabas ang kapangyarihan niya sa pamamagitan ng pagbukas ng Demon Necromonicon.

"Huh?!" Takang sabi Haring Elyedas. "Anong ginawa niya?!" Ganun din si Haring Punong Ingkong Andu.

"Rararara! Mag-ingat kayo! Gagamit siya ng kapangyarihan! Rararara!" Napansin agad ito ni Haring Sindri.

"Maghanda kayo sa depensa!" Sabi ni Haring Hatur sa kanila.

"Hen. Gilthunder! Hen. Dougdig! Kumapit kayo sa akin!" Utos sa kanila ni Hen. Ibyang habang nag transform muli ito sa maladyosang kakayahan niya.

Agad sila kumapit sina Hen. Gilthunder at Hen. Dougdig kay Hen. Ibyang habang nasa ere pa sila pasugod kay Haring Chrollo.

Walang kaalam-alam ang iba pang manunuod na sumugod sa demonyong lalaban nila.

" Requiem spectris daemonii! (Requiem of Demonic Spectre!)" Gumamit ng kapangyarihan ng Demon Necromonicon si Haring Chrollo tapos ay lumiliwanag na kulay ubeng enerhiya na bumalot sa kanyang katawan pagkatapos ay sumabog ito sa kanila.

"Kaboom!" Sumabog ang malakas ang kulay ubeng enerhiya ginamit ni Haring Chrollo.

Dahil sa shockwave ay tumilapon sila ng malakas papunta sa gilid ng ring.

"Haaaaa!" Sabay sabi nila dulot ng impak. Ilang sandali ay nakita nila na may maraming nagsiliparang dyablong espiritu matapos ang pagsabog na yun.

"Hahahaha!" Halakhak ng malademonyong boses ni Haring Chrollo.

"Putang ina! Di ko akalain napakalakas pala ang demonyong ito!" Reaksyon ni Hen. Gilthunder sa kalaban nilang demonyo na si Haring Chrollo.

"Aggh! Ang lakas nun!" Ganun din si Hen. Ibyang habang nasaktan siya sa impak.

"Waaaaaa! Nakakatakot!" Nahintakutan si Hen. Dougdig sa ginawa ng demonyong kalaban nila na si Haring Chrollo.

Habang nakita nila ang mga lumilipad na nilalang sa ere, muli itong nagsalita si Haring Chrollo sa kanila.

"May kasunod pa yan! Hahaha!" Sabi ni Haring Chrollo sa kanila.

"Ano?!" Reaksyon agad ni Haring Elyedas habang nasa gilid sila ng ring.

"Ano binabalak ang demonyong ito?!" Takang tanong ni Haring Punong Ingkong Andu sa sinasabi ng kalaban nilang demonyo.

"Rararara! Wag na tayo paliguy-liguy pa sugurin natin ulit. Rararara!" Sabi ni Haring Sindri habang nakahanda siya ulit para sumugod sa kalaban nilang dyablo.

"Tsk! Putang ina!" Napamura tuloy si Haring Hatur sa sinapit nila.

"Humanda kayo! Hayan nanaman siya!" Dagdag pa niya sa mga kasama niyang kapwa Hari.

Winawasiwas ang kanang kamay ni Haring Chrollo para gamitin ang susunod niyang atake.

"Missa daemonum possessio! (Mass demonic possession!)" Bigkas niya pagkatapos ang mga lumilipad na dyablong espiritu ay gumalaw papunta sa mga manunuod na sumugod sa kanya.

"Huh?! Haaaa!" Sigaw nung isang manunuod pagkatapos ay sumanib sa kanya ang dyablong espiritu.

"A… Ano?!" Lalong nagulat si Haring Elyedas sa ginawa ng kalaban nilang demonyo.

"Haaaaaaa!" Nagsigawan na yung iba.

"Hahahaha! Ang ginawa ko ay dinudungisan ang kanilang kaluluwa para magiging alipin at magiging kawal! Hahahaha!" Sabi ni Haring Chrollo sa kana.

"Hindi! Ano ba talaga ang pakay mo rito demonyo?!" Sigaw sa galit ni Haring Punong Ingkong Andu kay Haring Chrollo.

"Hahaha! Sasakupin ko ang buong kapuluan na tinitirhan nyo! At pagkatapos nun ay magiging alipin ko kayo at magiging Hari ako dito sa kaharian ninyo! Hahahaha!" Ipinaliwanag narin ni Haring Chrollo sa kanila ang kanyang layuning sakupin ang Perlas ng Silanganan.

"Hinding-hindi ako papayag sa gusto mo! Lalaban kami hanggang sa dulo!" Buwelta ni Haring Punong Ingkong Andu kay Haring Chrollo.

"Tsk! Yun kung mapapatay mo kami!" Hindi naman natatakot si Haring Hatur sa mga pinagsasabi nilang kalaban na demonyo.

"Rararara! Para sa kapayapaan! Ipagtanggol natin ang kaharian! Rararara!" Handa narin si Haring Sindri para lumaban.

"Hahahahaa! Kung ganun ay pagbibigyan ko kayo!" Sagot ni Haring Chrollo sa kanila.

"Mga alugod kung kawal! Sugurin ninyo ang apat na haring nilalang!" Utos ni Haring Chrollo sa mga kawal niya para sugurin sina Haring Elyedas, Haring Sindri, Haring Punong Ingkong Andu at Haring Hatur.

"Mga Heneral! Umalis na kayo dito at bumalik na kayo sa inyong imperyo! Iulat ninyo sa lahat na may panibago tayong banta! Ang kalaban natin mga Dyablo!" Utos ni Haring Elyedas sa mga heneral na sina Hen. Gilthunder, Hen. Ibyang at Hen. Dougdig.

"Pero kamahalan?! Paano kayo?!" Tanong ni Hen. Gilthunder sa kanila.

"Kami na bahala dito!" Sagot naman ni Haring Punong Ingkong Andu sa kanila.

"Hindi ko hahayaang ii…." Putol sabi ni Hen. Ibyang dahil sinumbatan agad sila ni Haring Hatur.

"Umalis na kayo dito! Kung gusto niyo pa mabuhay! Kami na bahala dito! Iulat ninyo sa lahat ang buong kapuluan ng Perlas ng Silanganan! Umalis na kayo dito habang di pa malala ang sitwasyon!" Napasigaw sa galit si Haring Hatur sa kanila.

"Ka… Kamahalan?! Masusunod kamahalan!" Sabay sabi nila. Agad umalis ang mga heneral para iulat sa lahat ang buong kapuluan ng Perlas ng Silanganan para malaman ang lahat na may matinding banta sa kanila. Ang Hari ng mga Dyablong Nigromante na si Haring Chrollo.

"Waaaa!" Ungal ng mga nilalang na nadungisan ang kaluluwa nila. Sinugod na sila ng mga kampon ni Haring Chrollo.

"Maghanda kayo!" Sigaw ni Haring Elyedas sa kanyang kapwa kasama niyang Hari. Inilabas na ni Haring Elyedas ang kanyang kakayahan.

"Apollo's Blade!" Bigkas niya tapos sumulpot sa kanang palad niya ang mahabang talim.

"Rararara! Ako rin! Rararara!" Binunot ni Haring Sindri sa loob ng bulsa niya ang isang tableta pagkatapos ay nilunok niya ito.

Lumalaki ang kalamnan niya at sumisingaw ang mga dugo niya sa katawan.

"Fury Mode!" Bigkas niya.

"Igawas ang gahum ni Mayari! (Ilabas ang kapangyarihan ni Mayari!)" Bigkas ni Haring Punong Ingkong Andu tapos nag-iba ang kanyang anyo at naging mala-dyosang nilalang na si Dyosang Mayari. Ang Dyosa ng Buwan.

"Igawas ang kahayag sa bulang espada ni Mayari! (Ilabas ang liwanag ng buwan ang espada ni Mayari!)" Dagdag pa niya.

"Huh?! Moonlight Cresent Sword?" Reaksyon ni Haring Elyedas sa kapangyarihan ni Haring Punong Ingkong Andu.

"Ayos ba kaibigan? Hehe!" Sambat ni Haring Punong Ingkong Andu kay Haring Elyedas.

"Kahanga-hanga kaibigan!" Ganting sabi ni Haring Elyedas sa kanya.

"Hindi pa oras para matuwa kayo!" Biglang sambat sa kanila si Haring Hatur. Nagtransform si Haring Hatur ng bilang isang higanteng maligno. Ang Bungisngis!

"Hahahaha! Mukhang mapapalaban ako nito pero tingnan natin kung gaano kayo kalakas!" Reaksyon ni Haring Chrollo sa mga apat na Hari.

Itinaas niya ang dalawang kamay tapos ay iniikot niya ito. Muli siyang nagbigkas ng kanyang kapanyarihan. "Daemonum Proelium Furor! (Demonic Battle Rage!)" Bigkas sa mga kawal niya.

Habang pasugod ang mga kawal ni Haring Chrollo sa mga apat na hari, lumalagablab ang kulay ubeng apoy ang mga ulo ng kawal niya.

"Tsk! Lalo silang lumalakas!" Sa isipan ni Haring Elyedas.

"Handa ako mamatay sa laban na ito!" Sabi ni Haring Punong Ingkong Andu habang nakahawak sa kanyang Espada ni Dyosang Mayari.

"Rrrrrrrrrr! Huwag kayo susuko! Rrrrrrrr!" Ungal ni Haring Hatur habang naka anyong Bungisngis siya.

"Rararara! Sige sugos! Rararara!" Nakahanda na rin si Haring Sindri.

Nagkagulo sa loob ng Kolisiyum dahil sa panghihimasok ang Hari ng mga Dyablong Nigromante na si Haring Chrollo. Ang mga Apat na Hari naman ay handang ibuwis ang kanilang buhay para ipagtanggol ang kaharian nila. Ano kaya magiging resulta ng laban nila? Apat na Hari laban sa mga Mananakop na Dyablo. Abangan ang susunod na kaganapan sa Digmaang Nigromansya!

ITUTULOY…