1. Home
  2. Stories
  3. Kaputol (29)
Filipino Sex Stories

Kaputol (29)

By aero.cock78 ·

Continuation…

Deritso si Danny sa pag lalakad, hindi nya alam na nakasunod si Robin sa kanya sa espiritong anyo.. Datapwat si Robin man ay naguguluhan kung saan pupunta si Danny sa mga oras na yun…patuloy lang din sya na nakasunod kay Danny kahit itoy naguguluhan kung saan ito patungo…

Biglang huminto si Danny sa paglalakad ng tumapat sa harapan ng bahay ni Robin..lumingun ito sa balkunahi kung saan nakaupo ang katawang lupa ni Robin na sa mga oras na yun ay parang tulog na tulog dahil wala ang esperito nito sa kanyang katawan..

Napahinto din si Robin at pinag mamasdan si Danny..

Medyo matagal na nakatingin si Danny sa balkunahi ni Robin, tila may inaaninag sya sa madilim na balkunahi na tanging ilaw lang na galing sa poste ang nag sisilbing kunting liwanag doon..

Dahan dahan itong lumapit patungo sa hagdanan ng balkunahi at dahan dahan itong umakyat.. At nang makarating ito sa taas ay nakatayo ito sa harapan ng natutulog sa upuang si Robin…

Dali-dali ding sumunod si Robin at patuloy na pinag mamasdan ang ikinikilos ni Danny na ngayun ay sa harapan ng kanyang walang esperitong katawan na animoy mahimbing na natutulog sa upuan..

"tang ina ka Robin, dito kana natulog sa upuan di kana nakapasok sa bahay mo tarantado ka..".. Kung sakalin kaya kita dito, para makabawi ako sa ginawa mung pagkantot sa asawa ko hayop ka!!! ".. Ang mahina ngunit may galit sa boses nito..

Nabigla si Robin sa kanyang nadinig na usal ni Danny.. Di nya akalaing masama pala ang loob nito sa kanya at alam pala nito ang kanyang ginawa sa kanyang asawa..

Lalong nabigla si Robin ng biglang inilapat ni Danny sa leeg ng kanyang natutulog na katawan ang dalawang kamay nito…

Dahil sa pagkagulat ay akma na sana syang babalik sa kanyang natutulog na katawan ng biglang alisin ni Danny ang kanyang dalawang kamay sa kanyang leeg..

"pasalamat kang tarado ka at may naiwan pa akung kunsensya sayo hayop ka.. Pero di pa ito ang oras para mawala ka sa mundo.. May oras ka din sa akin hayop ka.. Dyan ka lang muna, swerte ka at di ikaw ang punterya ko".. Ang turan nito na may halong galit sa boses nito..

"patawad Danny".. Ang tanging nasambit ni Robin sa kanyang sarili dahil sa pagkabigla.. Natupok sya ng kunsensya sa kanyang nagawa.. Di nya lubos akalain na alam ni Danny ang ginawa nilang dalawa ni Raquel.. Muntik na syang patayin nito.. Nakaramdam si Robin ng hiya sa kanyang ginawa.. Para syang natauhan sa kanyang nagawa sa asawa ni Danny na si Raquel…

Bumalik ang kanyang diwa ng makita nyang lumingun sa lumang bahay si Danny.., naaninag nya sa mukha nito ang medyo nakangiti nitong mukha habang nakatingin sa lumang bahay.. Dahan dahan itong umalis sa harapan ng kanyang katawang natutulog at deritso itong bumaba sa hagdanan patungo sa lumang bahay kung saan tumutuloy si Angelica…

Muli na namang naguluhan si Robin sa ikinikilos ni Danny.. Sinundan nya ito at biglang kinutuban sya sa mga ikinikilos nito..

"parang may gagawin ata tung di maganda ah..".. Ang turan ni Robin sa kanyang sarili habang nakasunod ito kay Danny na nakaharap sa bintana na natatabunan ng kurtina.. Tila nag hahanap ito ng siwang na masisilipan sa nakasaradong salamin ng bintana..

Naka hawak ang mga kamay nito sa salamin ng bintana at gumagala ang paningin, sumisilip na animoy nag hahanap ng kunting siwang sa bintana..

"si Angelica ang puntirya ng tarantado na ito.." ang bulong ni Robin sa kanyang sarili habang nakamasid kay Danny na pasamantalang busy sa kanyang ginagawa…

Biglang nagulat si Robin ng dahan dahang nag lakad ng ingat na ingat si Danny, sinundan nya ito ng tingin at itoy dahan dahang tumungo sa likuran kung saan naroroon ang pintuan ng kusina..

Sinundan nya ito at pinag masdan lang, patuloy lang na nag masid si Robin sa kung anung balak gawin ni Danny.. Nakasunod sya dito at matyagang binabantayan ang mga kinikilos nito..

Nakatayo si Danny sa harap ng pintuan sa kusina, dahan dahang inangat nito ang kanyang kamay at itinulak ang pintuan doon..

Bumukas ang pintuan sa pagtulak ni Danny.. Luminga linga muna si Danny bago tuluyan syang pumasok sa nakabukas na pintuan…

Nataranta naman si Robin ng makitang nabuksan ni Danny ang pintuan ng kusina..

"Angelica, bat di mo sinarado ang pintuan sa kusina?".. Ang pag aalalang turan ni Robin sa kanyang sarili at kasabay nyun ng pag sunod nya papasok sa kusina para sundan si Danny na mabilis na nakapasok matapos ma kumpirmang walang tao sa paligid na makakakita sa kanya sa pag pasok sa nakabukas na pintuan ng kusina sa likurang bahagi ng bahay..

"huhhhh!???".. Ang gulat ni Robin ng tila bumangga sya sa transparent na pader.. Di sya makapasok at tila may harang ito na di nakikitang bakal sa tigas.. Di na nya maaninag si Danny na tuluyan ng nakapasok sa kusina ng bahay..

"bakit di ako makapasok?".. Ang tarantang turan ni Robin habang tinutulak ang animoy pader na nakaharang… Naalala nyang di sya makapasok sa bahay kung nasa esperito syang anyo..

Kaya dalidali syang lumisan doon at dalidaling bumalik sa kanyang katawang lupa…

Dahan dahang nag lalakad si Danny sa madilim na parti ng kusina, dahil madilim ay dahan dahan nyang kinakapa ang sa unahan nya, di nya kabisado ang luuban ng bahay kaya pakapakapa sya habang dahan dahan at maingat sa kanyang bawat pag hakbang na ingat na ingat na makagawa ng anu mang kaluskus at ingay…

Sa isang banda ay biglang nagising si Angelica sa matimding sakit na nadarama sa kanyang tiyan.. Nakangiwi ang kanyang mukha at namaluktot sya sa sobrang sakit.. Napatingin sya sa wall clock na nakasabit sa dingding at insaktong alas dose ng madaling araw.. Halos maputol ang kanyang katawan at namimilipit sya sa sakit… Pawis na pawis sya..

"aray ko po".. Huhuhu.. Ang panaghoy ni Angelica habang nakabaluktot ito sa subrang sakit na nadarama.. Oras nanaman para maging isa syang manananggal, tila ayaw ni Angelica na bumangon sa kanyang pag kakahiga na nakabaluktot…

"kilan matatapos itong sumpa ko?!!.. Kilan ako magiging normal?!!!.. Huhuhu!!!.. Ang turan ni Angelica at umagos na ang kanyang luha sa kanyang mga mata…

" arrraayyyy!!!.. ".. Di ko na kaya..!!!".. Ang tili ni Angelica at bigla syang tumayo at lumabas ng kwarto.. Kilangan nyang lumabas ng kusina sa likod ng bahay na iniwan nyang nakabukas para sa pagkakataung ito..

Pagbukas ni Angelica ng pintuan ay bigla syang lumabas ng kanyang kwarto.. Patakbo sya patungo sa kusina ng biglang nabangga nya si Danny na kasalukuyang ingat na ingat sa paglalakad..

"huhhhh?!!!.. Blagggg!!!.. At bumagsak si Angelica sa sahig dahil sa malakas na pagkabangga sa kanyang harapan..

" arayyy!!… Ang nasambit naman ni Danny na gulat na gulat dahil sa di nya inaasahang bumangga sa kanya…

"sino ka?".. Ang turan ni Angelica nang maaninag ang nabangga, di masyadong klaro sa kanyang paningin ang nabangga dahil sa malamlam na ilaw na galing sa kanyang kwarto…

Di kumibo si Danny at kita nyang naka handusay si Angelica at nakahawak ito sa kanyang ulo.. Naka palda ito at nakalilis sa bandang hita nito.. Kahit na madilim at ang malamlam na ilaw lang na galing sa kwarto na nakabukas ay kitangkita ni Danny ang kaputian ng mga hita ni Angelica na nakabilad dahil sa nakalilis nitong palda..

Akmang hahawakan ni Danny ang binti ni Angelica ng bigla itong napatili, itoy namaluktot at parang may iniindang sakit na nararamdaman.. Mas lalong nalilis sa pag kakabaluktot nito ang palda nito na nag palabas ng puting panty nito na di nakaligtas sa mga mata ni Danny..

Hinawakan ni Danny ang mga buhok ni Angelica at pasabunot nya itong inilapit sa kanya..

"nagkukunwari ka pang halimaw ka? Akala mo di ko alam ang sikrito mo?!!!"..ang nanlilisik na mata na turan ni Danny kay Angelica…

"huuhhhh?!!!".. Da..Danny?!! "ang turan ni Angelica na bakas sa kanyang mukha ang pagkabigla sa kabila ng iniindang sakit na nadarama ng makita ng malapitan ang mukha ni Danny na nanlilisik ang mga mata na naka tingin sa kanya…

Itutuloy…