1. Home
  2. Stories
  3. Pepeng Agimat
Filipino Sex Stories

Pepeng Agimat

By pepeng_agimat ·

Ito ay isang gawa ng fiction. Maliban kung iba ang ipinahiwatig, ang lahat ng mga pangalan, karakter, negosyo, lugar, kaganapan at insidente sa aklat na ito ay maaaring produkto ng imahinasyon ng may-akda o ginamit sa isang kathang-isip na paraan.

Ang anumang pagkakahawig sa mga aktwal na tao, buhay o patay, o aktwal na mga kaganapan ay nagkataon lamang.

Author's Note:

Hi everyone! Ito ang kauna unahan kong paglikha ng mga erotic storya, sana po ay mag enjoy kayo.

Kung ang kwentong ito ay nakatanggap ng pabor mula sa inyo mga mambabasa, ipagpapatuloy ko ang pagsusulat ng buong seryeng ito. Huwag mag-atubiling magpakita ng pagmamahal at mag-iwan ng anumang komento. Enjoy!

Sa isang liblib na lugar ay may nakatayong Treehouse. Kahit na nasa puno ito ay may kuryente at wifi ito.

Nakaupo ang isang lalaki sa parang maliit na terrace sa tabi ng hagdan pababa. At may ka videocall ito.

At dito magsisimula ang ating kwento

" kuya sige na pumayag ka na" ang malambing na boses ng aking matalik na kaibigan na si Lyka.

" Lyka, alam mo naman di ba" ang sabi ko sa kanya

" Kuya please, I'll be leaving in 10 days" ang sabi nito sa akin.

" wait, your birthday is not in days" ang sagot ko dito.

" Oo nga kuya, in 32 days pa" ang sabi nito sa akin.

" how come na aalis ka na after 10 days" ang pagtataka kong tanong dito

" para makuha ko ang green card ko before I turn 18" ang sabi nito sa akin.

" ay teka 18th birthday muna pala, kaya ko 7th birthday eh" ang sabi ko sa kanya habang tumatawa.

" So funny, so you will be my escort kuya" ang hirit nito sa akin.

" Sige, payag na ako" ang sabi ko dito.

" Kuya, kahit itong isang pang request ko na lang ang birthday gift" ang sabi nito sa akin.

" Ano yun?" ang tanong ko dito

" Si mommy" ang sabi ng bestfriend kong si Lyka.

" Napano si tita Isa?" ang medyo pangamba ko.

" Wala kasi siya kasama sa condo"

" Pwede sana if ikaw na lang kunin namin driver body guard niya since kilala mo na rin ugali ni mommy" ang sabi nito sa akin.

" Umalis nga ako sa trabaho dahil ayaw ko sa palakad, ibibigay muna naman ako sa tigre" ang sabi ko sa kanya.

" Mabait naman ung tigre eh, basta naka tali" ang sabi ni Lyka sa akin.

" And hanggang hindi lang siya nakakasunod sa amin" ang pahabol ni Lyka.

" And the timeframe" ang sabi ko dito.

" 6-12 months" ang sabi ni Lyka sa akin

" Nasabi mo na ito kay Tita?" ang tanong ko kay Lyka

" Oo at siyempre wala siya magagawa. Kung hindi di ako pupunta sa America" ang sabi ni Lyka sa akin.

" So All set na pala, Just send me the invitation" ang sabi ko dito at tsaka na namin pinatay ang video call.

Napa buntong hininga na lamang ako. Kahit na gusto ko muna lumayo sa society ay hindi naman niya kayang tanggihan ang pakiusap ng aking Bestfriend na si Lyka.

May pagka tigre kasi ang mommy ng bestfriend ko kaya kailangan nito ng bantay at madalas kasi mapaaway ito

Wala na akong nagawa pa kundi pumayag nalang tutal at pansamantala lang naman ito.

Tumayo ako sa akin pagkakaupo sa terrace at pumasok na ako sa maliit kong bahay.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin na nakasabit sa aking kanan.

Ang makapal na balbas at bigote na bumabalot sa akin mukha. Ang lampas balikat na haba ng aking buhok.

Literal na taong gubat ang ayos at ang pwesto ko ngayon.

Ako si Jose " Pepe" Santos, 23 anyos at taga Sampaloc Manila. May taas akong 5'7 inches. Napaka local ng pangalan ko di ba, Kapag narinig mo siguro ang pangalan ko ay aakalain mo na kayumanggi ang kulay ko.

Pero, mali kayo diyan. Mestiso ang aking kulay.

Graduate ako sa Philippine Military Academy sa Baguio city. Pero sa isang pangyayari ay napilitan akong mag pa honorably discharge.

" Lyka, kung di lang talaga kita kinakapatid eh" ang sabi ko sa salamin at tumalikod na ako dito.

Humiga na ako sa higaan ko sa sahig. Ramdam ko ang ihip ng hangin sa sahig ko na gawa lamang sa bamboo.

Ihip ng simula ng pagbabago sa akin buhay.

********************************

Sinimulan ko ng isecure ang treehouse ko dahil sa mukhang matagal tagal pa akong makakabalik dito.

Sa makalawa na ang debut ng aking bestfriend at kinabukasan naman ay aalis na siya kaya kailangan ko na mag simula mag biyahe papunta maynila mamayang gabi.

Nilagay ko na ang gamit ko sa isang malaking duffel bag. Bumaba na ako sa hagdan kahoy na nakadikit sa katawan ng puno.

Lumakad ako at sa di kalayuan ay nakaparada ang aking lumang toyota vios na itim. Naabutan ko doon ang isa sa aking mga kaibigan na katutubo.

" Apo, ikaw muna bahala sa bahay ko" ang sabi ko dito.

" Sige lakay" ang sabi nito sa akin.

Sumakay na ako sa aking kotse at hinagis ko ang aking bag sa likuran.

" Tabuk to Manila" ang tinype ko sa waze.

" 8-9 hrs" ang nakita kong estimated time.

At sinimulan ko na ang pagbiyahe.

" 10pm" ang oras ng magsimula akong magbiyahe.

*********************************

Kahit pagod na pagod na ako ay tuloy tuloy lang ako sa biyahe. Ang dapat na 8-9 hours lang na biyahe ay inabot ako ng 12 hours dahil sa kailangan ko ipahinga ang katawan at kotse ko.

Kaya heto ako ngayon binabagtas ko na ang Espana Blvd at kumaliwa na ako para humanap ng parking sa gilid ng Grand Residences Espana.

Bumaba na ako sa aking sasakyan at pumunta na sa front desk ng condo.

" Good morning " ang bati ko sa babae sa front desk.

" Ay bawal po ang pulubi dito!! Guard! Guard!" ang sigaw nito at kaagad naman lumapit ang guard mula sa pinto.

" Labas ! Labas!" ang sigaw ng guard sa akin pero wala akong pakialam dito dahil sa kailangan ako ngayon ng aking bestfriend.

" Aba bingi ata ito" ang sabi ng mayabang na gwardya at hahawakan sana nito ang balikat ko.

" Kung ako sayo kuya, di ko gagawin yan. Baka makatikim ka ng krav maga" ang sabi ng isang babae na papasok ng building.

" Mam, may pulubi po kasing nakapasok" ang sabi ng babae sa front desk.

" Anong pulubi? Di niyo ba kilala ang taong yan" ang sabi ng boses mula sa akin likuran. Naramdaman kong palapit na ito sa akin.

Tumabi ito sa akin kanan at pinatong ang kanyang dalang paper bags sa front desk.

Ngumiti ito sa akin at nagsalita muli siya.

" Siya lang naman si retired 2nd LT Jose Santos ng Philippine Army" ang sabi ng babae.

" Boss pasensya na po" ang sabi ng guard at ganun din ang babae sa front desk.

" Makakarating ito kay Daddy dahil siya ay isang Guest namin" ang sabi sa akin ng kaibigan kong si Lyka.

" Tara" ang aya nito sa akin at pumasok na kami sa elevator.

" Kuya, I miss you" sabay akap sa akin ng bestfriend ko.Mas maliit ito sa akin dahil nasa 5'4 lang ang height nito.

" Ang baby girl namin, pwede na mag elementary." ang pang aasar ko dito.

" Bat ganyan ang ayos mo kasi" ang panenermon nito sa akin.

" Malamig sa Kalinga, kaya masarap ang long hair doon" ang sabi ko naman sa kanya.

" Mag clean cut ka, that's an order" ang matapang nitong sabi sa akin.

" yes po" sabay hawak sa ulo nito.

" lagot kay Tiger nyan pag nakita ka niya hahaha" ang sabi ni Lyka sa akin.

" di bale, andyan naman si Tito Beau" ang sagot ko dito at bumukas na ang elevator.

Lumakad na kami at nasa dulong bahagi ng pasilyo ang unit nila Lyka.

Kumatok ito sa pinto at bumungad sa amin ang kanyang daddy na si Tito Beau.

Malaking tao ito, nasa 5'6 din ang height nito. Maskulado at halatang malakas ang hatak sa chicks. Kamukha nito ang actor na Eddie Gutierrez

" Antagal mo ata anak?" ang tanong ni Tito Beau kay Lyka at hindi pa niya ako napapansin.

" May gulo kasi sa frontdesk" ang sabi nito sa kanyang daddy.

" Those guards talaga" ang sabi ni Tito Beau.

" Actually Dad, kasama ko nga ung ginulo nila eh" ang sabi ni Lyka at sabi usog naman nito at tumayo ako ng diretso. Nakabukot kasi ako sa likod nito kanina.

" Pepe! Pepe!" ang sabi ni Tito Beau sabay akap sa akin.

" Musta na ang paborito kong sundalo" ang tanong ni Tito Beau sa akin.

" Ayos lang po ako" ang sabi ko dito.

" Good! Good! Pasok pasok" ang anyaya sa akin ni Tito Beau.

Malaki ang unit nila. Marami din gamit. Kapansin pansin ang tatlong kwarto ng condo. Una ay ang nasa gilid ng pintuan. Nasa tapat nito ang dalawang kwarto naman.

Ang space para sana sa pang apat na kwarto ay ang kitchen at cr ng unit nila.

" Upo ka muna Pepe" ang sabi sa akin ni Tito Beau kaya umupo naman ako sa sala.

" Lyka, kuha nga kami ng maiinom" ang utos nito sa kanyang anak na babae.

" Malu, andito na ang hinihintay mo" ang sigaw ni Tito Beau sabay ngiti sa akin.

" Andyan na" dinig ko ang pamilyar na boses ni Tita Malu. Kaya napalingon ako ng makita ko ito na kakalabas lamang mula sa kwarto nilang mag asawa.

Naka dress ito ng blue si Tita Malu. Hindi halata na medyo nasa early forties na ito. Maliit din si titia Malu. Nasa mga 5'1 lang ito.

Maliit man si Tita Malu ay pinagpala naman ito sa kanyang dibdib, dahil sa mala papaya sa laki ang mga dibdib nito. Nakasalamin din ito na lalong nagbibigay ng masungit look dito.

" Sino ba yan Daddy?" ang sabi ni Tita Malu ng hindi niya pa ako napapansin.

" Si Pepe" ang sabi ni Tito Beau at tumayo ako para makita tska mapansin ako ni Tita Malu.

" Omg Pepe, ikaw pala yan. Kala ko kanina Basurero" ang walang prenong salita ni Tita sa akin.

" Mommy naman eh" ang sabi ni Lyka mula sa kusina at may dala itong Juice.

" Pepe oh" sabay abot sa akin ni Tito ng Juice.

" Nagbibiro lang ang Tita Malu mo" ang sabi ni Tito Beau sa akin.

" Mukha po talaga akong Basurero sa look ko ngayon Tita" ang pagsang ayon ko naman dito.

" Siya nga pala, anak. Turo mo sa kuya mo ang magiging room niya" ang utos ni Tito kay Lyka.

Kaya agad ako nito hinila patungo sa kwarto sa tabi ng pinto. Kapasok namin sa pinto ay kaagad na sinara ni Lyka ang pinto.

" Kuya, ikaw na sana bahala kay Mommy" ang sabi nito sa akin.

" ako bahala diyan, sanay na ako kay Tita" ang sabi ko naman dito.

" Osya maiwan muna kita. Tulog ka muna at malayo din ang tabuk" ang sabi nito sa akin at lumabas na ito ng kwarto ko.

Nilabas ko ang mga damit ko sa aking dalang bag at nilagay ito sa maliit na kabinet sa akin gilid.

Nagbihis lang ako ng Short at sando tsaka ako sumampa sa kama para matulog.

Ilang minuto lang ay inabot na ako ng antok.

***********************************

Mag alas siyete na ng ginising ako ni Lyka para sa hapunan.

Masarap ang hinandang ulam ni Tita Malu. Alam namin na kahit masungit ito ay masarap talaga siya magluto.

Katapos namin maghapunan ay inaya ako ni Tito Beau na mag inuman habang ang dalawang babae naman ay maagang natulog at magbeauty rest daw sila para sa party bukas.

" Pepe, ikaw na sana bahala umintindi sa tita mo" ang sabi sa akin ni Tito.

" sanay na ako tito" ang simpleng sagot ko dito.

" Wag ka sana magsasawa sa pag pasensya" ang sabi ni Tito sa akin.

" Tito, siya nga po pala. Tungkol sa trabaho ko" ang tanong ko kay Tito.

" Close in security ka ng tita mo. Alam mo naman yan. Takaw away pag nainis" ang sabi nito sa akin.

" ako na bahala doon tito" ang sabi ko naman sa kanya.

" ay teka, may ibibigay pala ako sa iyo" sabay tayo at pasok ni Tito sa kanyang kwarto.

Wala pang ilang minuto ay lumabas ito at may dalang attache case.

" For you" ang sabi ni Tito sa akin.

" Graduation gift ko sa iyo. Di ko naibigay kasi nasa state ako that time" ang sabi ni Tito Sa akin.

Pinatong niya ito sa lamesa at binuksan ang attache case.

Dalawang silver na Glock 19 pistol ang nasa loob.

" Salamat tito" ang sabi ko dito.

" Us made yan at tiniyak kong top of the line" ang sabi naman nito sa akin.

" Salamat po talaga" ang sabi ko dito.

" Pakaingatan mo lang ang tita mo" ang habilin nito sa akin.

***************************

Dahil nakakahiya naman sa party kung mukha akong caveman. Nag ahit at nagpagupit ako.

Nag clean cut ako.

Mabilis naman natapos ang party ni Lyka at naihatid na namin sila ni Tito sa airport.

Pagkabalik namin sa unit ay kinausap ako ni Tita Malu.

" Pepe, iho mag usap tayo" ang sabi ni Tita Malu sa akin ng makita niya ako sa sala.

" ano po yun tita?" ang sabi ko dito at pinatay ko ang tv.

" alam ko ang mga hinabilin sa iyo ng tito mo" ang sabi nito sa akin.

" Basta gawin mo lang ang alam mo ay tama. Magkakasundo tayo" ang sabi ni Tita Malu sa akin at tsaka na ito pumasok ng kanyang kwarto.

******************************