1. Home
  2. Stories
  3. Architect Samantha 1
Filipino Sex Stories

Architect Samantha 1

By unholysaint ·

Kaaalis lang ng huling truck ng Transportify sa bagong bahay ni Gin. Pinamanahan siya ng magulang ng lupain sa Bulacan tatlong taon na nakalilipas sa isang bagong bukas na subdivision sa Bulacan. Malapit lang ito sa expressway exit, kaya wala siyang problema sa pag byahe. Inumpisahan niya na agad ang pagpapatayo ng bahay.

Zen type two storey house ang ipinatayo niyang bahay, na mayroong tatlong kwarto, lahat sa itaas. Ang kanyang master's bedroom, isang kwarto para sa guest at isang kwarto bilang kanyang work room para sa kanyang hobby. Sa baba naman ay nagpalagay siya ng garden sa harap ng kanyang bahay. Sa gilid naman, papunta sa likuran ng bahay ay mayroong maliit na pond.

Pagkapasok ng kanyang gate, ay may ngiting sumilay sa kanyang mga labi ng maalala ang mga nangyari, dalawang linggo na ang nakararaan. Matapos niyang matapos ang mga kailangang ipakabit na utilities ay dumiretso na siya sa bahay, kasama ang kanyang architect na si Samantha. Bata pa lamang ay magkakilala na sila dahil ang ama nito ay kaibigan ng ina ni Gin at siyang nag engineer sa kanilang family house.

Sakay ng kanyang pick up truck, ay nakarating sila sa bahay.

"So here we are Sam. The very house you designed. So I don't think na need pa kitang i-tour." Ang nakangiting sambit ni Gin sa babae habang pumaparada sa labas ng bahay. Manghang mangha naman ang dalaga sa bahay na kanyang nakikita. Di siya makapaniwala na siya ang nag design nito.

"I have never thought na ganito ang kalalabasan ng bahay mo Gin."

"Magtataka ka pa ba eh magaling ang nag design neto hehe.Shall we get inside?"

Medyo namula ang dalaga sa papuri ng binata, ngunit aaminin niya na nakaramdam siya ng pride at satisfaction sa kinalabasan ng bahay. Hindi na bago sa kanya ang pag dedesign ng mga bahay, ngunit lagi siyang nakakaramdam ng satisfaction kapag masaya ang kanyang mga kliyente sa kinalalabasan ng pinatatayo nilang bahay o gusali.

Agad naman pumasok ang dalawa sa loob ng bahay. Medyo maaliwalas pa dahil wala pang kagamit gamit at sa kulay puti na pintura ng motif ang ginamit sa buong bahay. Umakyat sila sa taas upang tignan ang mga kwarto. Namamangha parin si Sam sa mga kwarto at kahit ang mga banyo na gawa sa frameless glass ang mga division na makikita mo sa mga mamahaling hotel.

Muli silang bumaba upang tignan ang kusina at laundry area sa likod. Wala naman ibang makakakita mula sa labas dahil mataas ang bakod nito. Ganun din sa buong paligid ng bahay. Tanging gate lang sa harap ang may puwang upang makita ang loob at garahe. Ngunit sabi nga ni Gin, balak niyang palagyan ng mga halaman para naman meron parin privacy sa loob ng bahay.

Naglakad pa sila sa gilid ng bahay, at naisipan namang buksan ni Gin ang sprinkler upang umangat ang init mula sa baba at magkaroon ng kaunting lamig dahil sa init ng panahon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabasa ng tubig si Sam.

"Aaaaaaayyyyyyyyy" ang tili ng dalaga ng masabuyan siya ng tubig mula sa sprinkler. Agad agad namang pinatay ni Gin ang tubig dahil dito.

"Oops sorry, Sam. Di ko sadya." sabi naman ng binata habang pinupunasan niya ng panyo ang nabasang parte sa dibdib ng dalaga.

"Ay ano ba yan Gin, nakakahiya. Ako nalang ang magpunas. Wala pa naman akong damit. Basang basa ang damit ko."

Noon napansin ni Gin na nakabakat na pala ang pulang bra ng dalaga. Nakasuot lamang ang dalaga ng polo shirt na dilaw at puting shorts. Napalunok ito at pakiramdam niya ay siya man ay namula. Agad agad itong tumalikod at sinabing pupunta siya sa kanyang pick up at bibigyan siya ng damit. Pagdating sa kanyang sasakyan ay tanging ang kanyang hoodie jacket lang ang nandoon. Ibinaba niya pala ang mga gamit niya sa kanyang truck nang mag linis siya ng sasakyan noong isang araw. Pagbalik niya sa loob ay hindi niya mahagilap si Samantha. Kaya naman pumasok siya sa loob ng bahay at doon ay nakita niya nakatayo sa may hagdan ang dalaga, nakatalikod, at isinampay ang basang polo shirt.

Mula sa kinatatayuan ng binata ay aninag niya ang makinis na likod ng dalaga at kanyang pulang bra. Unti unting lumapit binata at hinaplos ang likuran nito na siya namang ikinagulat nito. Humarap ito sa binata at tinitigan siya nito. Tahimik na nakatitig ang binata sa kanya, mga titig na mas mainit pa sa sikat ng araw.

"G-Gin.." ang sambit ng dalaga. Lumapit pa ang binata sa dalaga at napaatras naman ito dahilan upang mapaangat siya ng isang baitang. At dahil dito at halos pantay na ang dalawa. Matangkad ang lalaki sa taas nitong 5'8" samantalang ang dalaga naman ay nasa 5'5".

Walang salita ang namutawi sa kanilang mga bibig hanggang sa humawak ang dalawang kamay ng binata sa beywang ng dalaga. Nagdulot naman ito ng kakaibang kiliti sa dalaga dahilan upang mapakagat labi ito ng hindi namamalayan. Huminga ng malalim ang binata at saka ibinigay ang kanyang hoodie jacket at tumalikod sa dalaga at lumabas ng bahay. Naiwan namang nakatulala ang dalaga.

"Fuck it. Muntikan na yun ah. Buti nalang at nakapag pigil pa ako. Damn that woman, wala pang ginagawa pero napaka hot niya." ang sambit ng binata sa kanyang sarili. Tinawagan nito ang dalaga at sinabing lalabas lang siya at pupunta sa malapit na 7/11 upang bumili ng maiinom, pagkain at iba pang kailangan nito. Nagbilin naman ang dalaga ng ilang kakailanganin din niya.

Makalipas ang kalahating oras ay nakabalik na ang binata. Pagpasok niya ng gate ay nakasarado na ang pintuan ng bahay sa harap ngunit hindi naka lock. Dahan dahan siya muling pumasok, sa isip na baka ay mayroon nanaman siyang makitang kakaiba. Aaminin niya na hindi pa humuhupa ang init na sumilay sa kanyang katawan mula kanina. Nakita niya sa hagdan ang nakasampay na damit ng dalaga, pati na din ang kanyang puting shorts. Napamura ang binata sa nakita. Dahil siguradong naka hoodie jacket nalang ang dalaga. Iniimagine kung ano ang kapares na pulang bra nito. Kung bang kulay puti din ba ang pang ibaba. Anong klase kaya ang suot nitong underwear. Nasa ganito siyang estado ng pumasok ang dalaga mula sa pinto at halos mapatalon siya nang tawagin siya nito.