1. Home
  2. Stories
  3. Ipusta Mo Asawa Mo! (Episode 2)
Filipino Sex Stories

Ipusta Mo Asawa Mo! (Episode 2)

By jailou ·

Suntukan. Basagan ng mukha. Maliban sa pagpapalaki ng katawan, isa iyan sa ipinagmamalaki ni Gado. Na sa kasalukuyang inaasinta ang mukha ng katunggali na si Askad.

THWUMMM!

Daig pa ang maso na humampas sa ginigibang pader ang tindi ng pwersang pinakawalan ni Gado, sapat na upang mapaatras ang nagugulping kalaban.

Hindi inakala ni Askad na mula sa fake na suntok mula sa kanan na papunta dapat sa kanyang mukha, isang matinding kaliwa ang pakakawalan ni Gado na sumapol sa ilalim ng kanyang kanang tadyang.

"Siguradong nabalian ng ribs si Askad sa lakas ng suntok!" sabi ng isa sa mga nakikipagpustaan sa sabong ng mga basagulerong construction workers.

"Putsa mukhang madedehado taya ko dito." pag-aalala ng isa matapos makitang impit na iniinda ni Askad ang sakit.

"Unnggh…taena Gado, gigil na gigil ka yata…he he he." sabi ni Askad habang iniipit ang natamaang tadyang.

"Mas lalo akong gaganahan kung ipupusta mo puday ni Loren, kakainin ko lang he he." patuloy na panunudyo ni Askad habang unti-unting umaatras, kahit hirap na magsalita dahil sa mga tinamong pinsala.

"Kung hindi ka titigil Askad sa pambabastos mo sa asawa ko, huling laban mo na 'to." maangas na sagot ni Gado habang unti-unting lumalapit sa kalaban, naghahandang umatake.

"ULOL! Pambabastos?! 'Yung asawa mo nga halos lumuwa na ang suso habang nagsasayaw sa mga video nya, tapos bakat pa ang puke, 'yun ba hindi nagpapabastos?" sagot naman ni Askad, isinisigaw sa lahat na parang ulam na nakahanda para sa lahat ang maganda at seksing asawa ni Gado na si Loren.

Bagaman natigilan sandali si Gado, alam niyang may bahid ng katotohanan ang mga sinasabi ni Askad. Ilang libong followers ng kanyang mahal na asawa na si Loren ang walang tigil na nagpapadala ng mga messages dito, nahuhumaling sa kaseksihan at kagandahan ng kanyang misis.

Makailang beses na nilang pinagtalunan mag-asawa ang mga video ni Loren na nakapost online.

"Ano ba'ng napapala mo sa mga pinaggagawa mo na 'yan?" galit na tanong ni Gado habang nagkakape, minamasdan si Loren na nakaharap sa cellphone nito at nagrerecord ng sayaw.

"Ano ba'ng masama nagsasayaw lang naman ako?" depensa naman ni Loren nang mapansing kay aga-aga nakabusangot ang kanyang mister.

"Walang masama sa pagsasayaw mo, pero kailangan ba na ganyan ang damit mo habang gumigiling ka d'yan?" tinutukoy ni Gado ang pekpek short na suot ni Loren na kita na ang singit, at ang masikip na tshirt nito na suot na sadyang ipinapabakat ang mabibilog niyang suso na halata namang pinatatalbog kung siya'y gagalaw.

"Nagseselos ka ba?" isang malanding ngiti lamang ni Loren ang isinagot sa kanyang asawa. Napakagat pa ito ng labi na halatang inaakit ang asawa.

Dahil sa ginawa ni Loren, biglang nawala sa isip ni Gado ang selos na nadarama, napalitan ito ng libog at pagnanasa. Bago pa man sila magkakilala ni Loren ay matagal na itong nagpapaseksi sa mga pictures at videos nito online, nagkaiba lang ngayon na mag-asawa na sila at patuloy pa rin itong ginagawa ng magandang asawa. Kaya't masasabing masuwerte si Gado na siya ang pinakasalan ni Loren, sa dami ng masasabi niyang karibal.

At upang hindi mapagdiskitahan sa kanyang trabaho, inumpisahan ni Gado ang fight club sa kanila, para siguradong walang tatalo sa kanya at sa kanyang asawa. Dahil kung alam nilang lahat na halang ang bituka ni Gado wala nang mangangahas na babastos kay Loren.

Maliban kay Askad, na kanilang property custodian, na simula nang makita si Loren ay hindi na nito tinigilan ang kakadiga kahit kaharap pa si Gado.

Ngayon sa ika pitong beses ng kanilang pakikipaglaban, muli na namang patataobin ni Gado si Askad.

Umabante na si Gado upang umatake, nakabwelo na ang kamao at tatapusin na ang bugbog sarado na si Askad.

Napasandal na si Askad sa pader, kakaatras niya hindi niya nalaman na wala na pala siyang matatakbuhan.

THWAAAP!

Napakabilis ng pangyayari. Mula kung saan, isang matinding roundhouse kick ang tumama sa pisngi ni Askad, daig pa ang bola na tinamaan ng hampas ng baseball bat. Homerun. Halos umikot ang mukha nito sa lakas ng pwersa, tirik ang mata. Animo'y estatwa na nanigas at diretsong bumagsak sa lupa.

Knock-out si Askad.

"WoooHOOOH!!! Astig!"

Hiyawan ang mga nanalong tumaya kay Gado, sa isang iglap lang nadoble ang pera nila na maipapadala sa kani-kanilang pamilya. Dahil sa kanilang galak hindi nila napigilang buhatin si Gado at pasanin, para ipagyabang ang nanalo nilang panlaban.

Lugmok naman ang mga tumaya kay Askad, akala nila makakabawi na ang kanilang manok. Ang masakit pa nito, mismong si Askad pa ang nagpautang sa kanila ng pantaya sa pag-aakalang mananalo na ang kanilang "bosing".

Kaagad na lumapit si Engr. Robles upang tingnan ang kalagayan ng na knock-out na si Askad.

"Siguro naman magtatanda na 'yan." sabi ng matandang engineer habang tinitingnan ang unti-unti nang nahihimasmasan na si Askad.

"Sige na dalhin na ninyo sa clinic 'yan." utos ni Engr. Robles sa mga tauhang nakapaligid kay Askad.

"Eh Amo, ano naman po sasabihin namin kapag tinanong kami kung ano'ng nangyari?" tanong ng isa sa bumubuhat sa lupaypay na si Askad.

"Sabihin ninyo natapilok, tanga kasi eh." pagalit na sagot ni Engr. Robles, na siya namang tawanan ng lahat ng mga nakarinig sa sarkastikong sagot ng kanilang amo.

Nang mailayo na si Askad ng kanyang mga tauhan, lumapit naman ang matandang engineer sa nagwaging mandirigma.

"Maraming salamat Boss, kahit na pamangkin ninyo si Askad hindi ninyo kinukunsinti mga kalokohan niya." sabi ni Gado habang siya'y ibinababa ng mga pumasan sa kanya, sa papalapit na matandang amo. Pinaririnig niya sa lahat na kahit kadugo ng kanilang amo ang gumagawa ng mali hindi ito mapalalampas.

"Ginagawa ko lang ang nararapat Gado, nais ko ring matuto ng aral ang suwail kong pamangkin." sabi ng engineer.

"Pero isa lang mahihiling ko sa iyo, sana ito na ang huling beses na magkakaharap kayo ng pamangkin ko, kaya nga idedestino ko na siya sa ibang site para makaiwas na tayong lahat sa mas malaking gulo." iniabot ni Engr. Robles ang kanyang kamay tanda ng pakikipagkasundo.

"Makakaasa kayo Boss." nakipagkamay naman si Gado, na sumasangayon sa sinabi ng kanyang amo.

"YES!!!" "Wooooh!"

Hiyawan ang lahat ng nakapaligid na akala mo ay eksena sa isang pelikula, na nagbubunyi ang lahat at nakikiisa sa selebrasyon. Nakapaikot kina Gado at Engr. Robles. Dahil sa wakas at natapos na rin ang digmaan.

Ngunit hindi lahat masaya.

TSRK!

Isang bente-nuebe na balisong ang tumarak sa ibabang likuran ni Gado.

TWSRK! TWSRK! TWSRK!

Ilang ulit na inundayan ng saksak ang likuran ng nagwaging mandirigma, matindi ang galit. Ang natitira niyang pera na sana ay ipapadala niya sa kanyang pamilya ay naipusta pa niya at naipatalo. Sa pag-aakalang mapapalago ito, pandagdag pa sana sa panggastos sa anak na nasa ospital.

Pinangakuan ba naman na sure money kapag kay Askad tataya, ang pera na literal na naglaho na parang bula.

Kaagad na nakuyog ng mga naroroon ang baguhan na trabahador na sumaksak kay Gado. Halos mabalian ng kamay matapos magpumiglas nang agawin ang patalim sa kanya. Kulungan na nga ang bagsak niya pihadong wasak pa mukha niya.

Si Gado naman nakahandusay sa lupa duguan tadtad ng saksak sa likuran. Sabi nga, kung hindi mo kayang labanan ng harapan, idaan mo sa trayduran. ganoon nga ang nangyari sa kanya.

Ang kanina lang na maalikabok na bahagi ng construction site ay nagmistulang maputik. Sapagkat naliligo na si Gado sa kanyang sariling dugo, walang tigil na sumisirit mula sa kanyang butas-butas na likod. Tuluyan na ngang naghalo na ang dugo at ang lupa.

Samantalang si Gado naman ay unti-unti ng lumalabo ang paningin. At mula sa malayo, nakikita niya ang kanyang mahal na asawa, tumatakbo ito papalapit sa kanya. Humahagulgol. Hindi makapaniwala si Loren sa sasapitin ng minamahal na asawa.

Nakita na lang ni Gado na pilit pinipigilan ang kanyang magandang asawa na makalapit sa kanya. Mahigpit ang yakap. Matindi kumapit. Kahit ano'ng pagpupumiglas ni Loren, nakayakap ang pamilyar na mukha.

Si Architect Danny Robles, anak ni Engr. Robles. Ang kanyang kababata.

Sa kalagayan ni Gado hindi na niya naiisip kung bakit tila magkasabay na dumating ang kanyang asawa at si Danny.

Ngunit wala na itong kwenta. Wala nang halaga. Para na siyang nauupos na kandila. Nasa dulo na siya ng kanyang mitsa.

Suntukan. Basagan ng mukha. Maliban sa pagpapalaki ng katawan, isa iyan sa ipinagmamalaki ni Gado.

Pero hindi niya napaghandaan ang nalalapit na kamatayan.

15 hours ago:

Masyado ka nang nagiging mayabang Gado!

Pinakain ka ng pamilya Robles sa mga kamay nito, pati kami kinakalaban mo.

Daig mo pa ang aso na kumakagat at ngumangata sa kamay ng taong nag-alaga sa iyo.

Ibabalik kita sa lupa, dahil masyado nang mataas ang lipad mo.

Pati ang asawa mo aasawahin ko!

Iyon ang mga katagang nakasulat sa papel na nakita ni Gado na nakadikit sa pintuan ng kanyang kwarto sa barracks. Luminga-linga pa siya upang makita kung may ibang taong nasa paligid na maaaring maglagay ng mensaheng ito, ngunit wala siyang nakita.

Magsisigarilyo pa lang sana siya nang mapansin ang nakadikit na papel, kakatapos lang ng mainit nilang kantutan ni Loren at nais lamang sana niyang magpahangin, pero ngayon kakaibang kaba ang kanyang nadarama.

Ano na naman ang pinaplano ni Askad? tanong ni Gado sa sarili.

Bukas na bukas din ay kakaharapin niya ito, pagagapangin niya ito sa lupa ito na ang ikapitong beses na patutumbahin niya si Askad, at ipinapangako niyang ito na ang magiging huli.

Ngunit bumabagabag pa rin sa isipan ni Gado ang isang katanungan:

Sa pamilya Robles, si Askad lang naman ang alam niyang nakabangga niya…

…meron pa bang iba?