1. Home
  2. Stories
  3. Ben Sandobal: Batas Ng Kalibre Dose 10
Filipino Sex Stories

Ben Sandobal: Batas Ng Kalibre Dose 10

By balderic ·

Chapter X: Kalibre Dose
By: Balderic

Baler, Aurora

5am

"Alam nyo sir, kayo lang talaga ang bumibisita sa kanya. Hinde katulad ng ibang pasyente namin na madalas buong pamilya ang dumarating. Pero kay ma'am , kayo lang ho ang nagpapakita." Wika ng isang nurse habang naglalakad sa may dalampasigan kasama si Carding na may tinutulak na babae na naka wheelchair.

Madaling araw pa lang ay pinuntahan na ni Carding ang babaeng binisita nya sa isang health care facility. Pinaalam nya itong ilabas kahit pa nanghihina na ito at may naka lagay na oxygen sa likod ng wheelchair dahil hirap na itong huminga.

"Salamat sa pagsama mo sa amin nurse."

"Wala po yun sir. Tsaka trabaho ko din naman po ito."

"Makikiusap lang sana ako na bigyan mo kami ng moment dito kahit sandali lang." wika ni Carding matapos huminto sa isang parte ng sea wall.

"okay po sir. Bibili lang po muna ako doon sa may tindahan." Umalis ang nurse at iniwan sandali si Carding at ang babae.

Nakatayo si Carding katabi ang babae. Nakaharap sila sa dalampasigan.

"Pasensya na at ngayon lang ako ulit naka bisita. Masyado akong na busy. Pero wag kang mag alala, tapos na ako sa Cerberus. Hindeng hinde na kita iiwan. Tulad ng pangako ko sayo, sasamahan kita hanggang sa huli." Wika ni Carding na medyo naluluha. Tinignan nito ang babae. Lumuhod sya sa harapan nito at hinawakan nya ang kamay ng babae.

"Alam kong nariyan ka parin Loren. Alam kong naririnig mo ako. Patawarin mo ako at hinde kita nagawang mailigtas. Sinubukan kong maghanap ng tulong habang bossman pa ako pero bigo parin ako. I'm sorry."

Tumingin si Loren kay Carding. Mahinang mahina na ito. Nagkaroon ng kanser sa lungs si Loren. Ilang taon nya itong nilabanan pero hinde parin napigilan ang pagkalat nito sa katawan nya. Ang malusog na itsura nya noon ay napalitan ng halos buto't balat nyang anyo ngayon.

Gayun pa man, nagawa parin ni Loren ngumiti. Maganda parin ito. Kakaunti man ang lakas nya, hinawakan nya ang kamay ni Carding. Umiling sya na tila sinasabing wala itong kasalanan.

Dito sumilay ang araw. Dumaan sa kanila na animo'y liwanag ng pag asa. Napatingin ang dalawa sa napakagandang bukang liwayway. Pareho silang napa ngit.

Napahigpit ang hawak ni Loren kay Carding. Napaluha ito pero luha ito ng kaligayahan.

"Salamat" mahinang boses ni Loren. Mahina man ito, dinig parin ito ni Carding.

Ito ang huling beses na narinig ni Carding ang boses ni Loren. Pumanaw si Loren makalipas ang tatlong araw sa loob ng kwarto nya sa Health care facility. Ang tanging naroon lang ay si Carding at ang mga duty na nurses at doktor. Payapa si Loren na namaalam, at ang tanging dasal ni Carding ay sana makita na nito ang pamilya nya sa kabilang buhay at magkaroon na din sya ng kapayapaan.

----------

By: Balderic

Dalawang linggo ang lumipas matapos mailigtas ni Ben si Ashley. Naka uwi na ang dalaga. Naging maayos ang lagay nito kahit pa dumaan ito ng matindeng paghihirap sa kamay ni Leonard.

Binisita ni Karen sa mansion si Ashley. Niyakap ni Karen ang kaibigan.

"Kamusta na?" tanong ni Karen. Napapadalas ang pagbisita nya kay Ashley sa mga nagdaang araw. Hinde lang dahil sa pag aalala kundi dahil na rin sa mas naging malapit nilang pagkakaibigan.

"Eto buhay pa naman. Ikaw kamusta naman sa presinto? Balita ko may nakuha ka raw na awards ah. Congrats."

"ah oo hehe. Salamat. Napadaan lang talaga ako para alamin kung okay ka lang."

"Okay lang ako Karen. Wag ka na mag alala. Talo mo pa si Dad eh."

"Speaking nga pala sa Daddy mo, hinde ba nandun sa ospital nya si Ben? Kamusta na sya?" Tanong ni Karen. Dahil sa mga pinsalang tinamo ni Ben, dinala ito sa ospital para magpagaling. Si Tony na mismo ang nag offer na tulungan ang binata.

"Okay naman. Binisita ko sya kagabi. Natanggal naman na ang bala sa katawan nya at so far mabilis naman recovery nya."

"Bilib talaga ako sa Ben na yan. Alam mo, noon pa talaga, hinde ko malaman kung mesa demonyo yan eh. Ang daming pinagdaanang laban. Ang tibay parin. Ilang beses ka na nyang niligtas di ba?"

"um..I think so."

"Oi Ash…matanong nga kita. Wala ba kayong planong maging mag jowa ni Ben?"

"Ha!? Kami mag jowa?" gulat ni Ashley at bigla itong nag blush.

"Oh para ka nang kamatis agad dyan. Tinatanong lang naman kita kasi sa tagal nyo nang nagkasama, ni minsan man lang walang nangyari?"

Napa lunok ng laway si Ashley.

"..na..nangyari!?"

"I mean, yung panliligaw. Bakit? May iba pa bang mangyayari muna?"

"ah oo nga…ahehehe..ano um..hinde naman sya nanligaw sakin eh."

"so may pag asa ba sya kung sakali?"

"My Gosh Karen na loloka naman ako sa mga tanong mo. Eh ikaw ba, bakit di ka nagjojowa?"

"Aba't binalik sakin ang tanong. Ayos ka ah." Sabay nagtawanan ang dalawa.

"Alam mo, mas mabuti pa kung ituloy natin ang usapang mga ganyan later tonight. Gumimik tayo. Ano?" aya ni Ashley.

"Aba sure! Why not. Hihihi."

"Um..okay lang ba isama ko si Yna?" biglang tanong ni Ashley. Nawala ang ngiti ni Karen. Hinde maganda ang history nila noong nasa college pa. At simula noon ay ni minsan, hinde nagkaroon ng panahon si Yna at Karen na makapag usap.

"She's not the same Yna back in college Karen. She's changed. I can assure you that. Just give her a chance." Wika ni Ashley. Tumango nalang si Karen at ngumiti.

"Great! Sayang di masasama si Ben."

"Oooii…excited syang makasama si kuya Ben!" biglang sabat ni Cyrus. Napatingin si Ashley at Karen sa binata. Naka suot ito ng blue polo at khaki knee length denim shorts.

"Shut up Cyrus. Teka, saan naman ang lakad mo? Mukhang maganda mood mo ngayon ah."

"Syempre ate, umiibig ang bunso nyo ahehehe."

"Wow! Talaga? At kelan mo naman ipapakilala samin ang mystery girl mo?"

"Um…depende. Hehehe."

"Anong depende? Sige ka isusumbong kita kay Dad."

"Ngek, bakit bawal ba ako umibig? Hehehe."

"Bawal kung di mo ipapakilala hihihi."

"Says who?"

"Says me." Sabay kindat ni Ashley.

"Well at least I'm being honest. Unlike someone I know na ayaw pang aminin na may something sya kay kuya Ben."

"Umalis ka na nga!" sabay hagis ni Ashley ng unan mula sa sofa. Tumatawa lang si Cyrus at lumabas na ito ng bahay.

"Binata na kapatid mo sis ha. Sa kagwapuhan nyang yan, I'm sure maraming magkakandarapang babae dyan." Wika ni Karen.

"Ay bahala sya basta wag lang syang manloloko ng babae, kundi ako bubogbog sa kanya."

"Scary hihihi. Bueno, ma uuna na ako Ash. Later nalang ha." Paalam ni Karen. Nagyakapan ang mag kaibigan at umalis na ng mansion si Karen.

----------

By: Balderic

Pumasok si Tony sa kwarto ni Ben sa ospital. Naabutan nya itong nakatingin sa bintana.

"Nakaka isturbo ba ako?" tanong ni Tony. Tumingin sa kanya si Ben at umiling. Lumapit si Tony at chinek ang binata maging ang mga sugat nya.

"Kamusta ang lagay ko sir Tony?"

"Well, mukhang mabilis ang recovery mo iho. It seems hinde ka masyadong napuruhan sa tama ng bala sayo pero maraming dugo ang nawala sayo kaya nanghina ka nung dinala ka dito. But based sa recent results ng vitals at lab tests mo, mukhang 80% recovered ka na."

"Salamat po sir."

"Ako nga dapat magpasalamat sayo eh. Although I said this to you before, sasabihin ko ulit ngayon. Maraming salamat sa pagligtas mo kay Ashley. You saved my life before at ngayon ang anak ko naman. Sa katunayan, ginawa mo na ito dati pa. Hindeng hinde ko mababayaran ang utang na loob ko sa iyo iho. The least I could do is fix you up the best I could." Naglakad si Tony papunta sa may bintana at tumingin din sa labas. Magtatakip-silim na. Makikita ang kulay dalandan na kalangitan at ang dahan dahang paglubog ng araw.

"You know Ben, I've the meaning to tell you this for a long time now. But I have to tell you this to set things straight between us."

"Ano po yun sir?"

"Alam ko ang nangyayari sa inyo ni Jenna."

Hinde naka kibo si Ben. Nagulat sya sa sinabi ni Tony. Animo'y nawalan sya ng boses at nanuyo ang mga labi nya. Tumango si Tony habang nakatingin kay Ben. Walang bahid ng galit sa mukha nito. Inangat nya ang palad at hinarap sa binata.

"Wala kang dapat ipag-alala sa akin Ben. I love Jenna. As imperfect as she is, I love her. I love her so much that I might have spoiled her. She's a very sexual person simula palang noong nakilala ko sya. I know how naughty she can get. And I get it. I get why she went for you. I mean, na examine ko na ang buong katawan mo so I know how big your asset is. As a matter of fact, na iinggit ako sayo. You have everything a man wished for iho. Hehe. But it's fine. Tanggap ko ang lahat. So wag mong isipin na merong bad blood between us. There's none. I just want you to know that."

"Sir…sorry po. Nahihiya ako sa nagawa ko."

"Don't be Ben. Don't be. You know it's weird. Back then siguro magwawala ako. But Jenna opened my eyes. She saw right through me and understood me better than myself. There's no explanation for it pero I don't feel bad about it."

"Pero nagkamali din ako sir. Nagpadala din ako sa tawag ng laman."

"Come on kid. You're a young man and a hot woman like that hitting on you? It's hard to pass by. It's fine Ben."

"Okay po."

Lumapit si Tony kay Ben at tinapik nito ang balikat ng binata.

"Sinabi ko na ang gusto kong sabihin. Rest Ben. Take a rest." Lumabas si Tony sa kwarto. Napa buntong hininga si Ben. Isang mabigat na bagay ang biglang nawala sa likod nya. Napasandal sya sa makapal na unan.

Nag ring bigla ang cellphone nya. Nanlaki ang mga mata nya nang makita nya kung sino ang tumatawag. Sinagot ito agad ni Ben.

"Heather?"

"Ben tulungan mo ako!" nangangatog ang boses ni Heather.

"teka, anong nangyari?"

"Si Dad. Nasisiraan na ng ulo! Simula noong mamatay si mommy, ikinulong nya ako dito sa hideout nya. Ayaw nya akong palabasin."

"Asan ka?"

Sinabi ni Heather ang location nya. Nasa isa itong resthouse sa may Bulacan. Pamilyar si Ben sa lugar. Napuntahan na nya ito ng isang beses. Doon iniimbak ni Oscar ang ilan sa mga droga nya.

Hinde nagsayang ng oras ang binata. Wala na sya nang dumating ang nurse. Sinubukan nyang kontakin si Carding pero hinde ito makontak. Sumakay sya sa isang taxi at kahit walang dalang sandata, nagmamadali syang umalis. Nanganganib ang buhay ng half sister nya. Tila sumagad na ang kasamaan ni Oscar at ngayon ay oras na para pagbayarin ito.

----------

By: Balderic

Maagang nagkita si Karen, Ashley, Yna at Lucas. Medyo naging awkward ang tinginan ni Yna at Karen. Pero tinapik ni Lucas si Karen at napangiti ito.

Pumasok sa isang bar ang apat. May sweet jazz music at singer na nagpeperform sa isang sulok ng bar. Umorder ng tatlong buckets ng beer at mga pulutan ang grupo.

Habang nagkakasayahan, hinde parin kumportable si Yna ay Karen. Halos hinde sila magka usap man lang. Napapansin naman ito ng nobyo ni Yna na si Lucas.

"alam mo, sa tingin ko oras na para e break ang issue. Let the past be the past." Wika ni Lucas. Malayo na ito sa pagiging mahiyain at introvert version nya noon. Tumingin sa kanya si Karen.

"I think tama ka Lucas. Ikaw ang may pinaka maraming karanasan sa bullying noon pero tignan mo ngayon, kayo na ni Yna."

Naghawak kamay si Yna at Lucas. Tumingin si Yna kay Karen.

"alam ko ang ugali ko noon ay inexcusable. Pero araw araw ko na yung pinagsisisihan Karen. For everything, I am sorry. "

"Sa dami ng nangyari Yna, paano nagsimula ang lahat at nag decide ka nang magbago?" tanong ni Karen.

"I uh.." napatingin si Yna kay Lucas. Umiling lang ang binata.

"I think it all started with Carly and David. Pareho silang natutong magmahal. I hated that. I hated her. But Lucas made me realize something. I was wrong. I cannot go into details on this because it is very personal for us pero all I can say is, nagising ako. Nagising ako sa katotohanan na sadyang masama ang ugali ko."

"What about Jade?" tanong ni Karen matapos uminom ng alak.

"Jade got worse. Isa sya sa tumulong kay Leonard para pahirapan ako. I don't know where she is but I hope magbago din sya. She just needed the right person to show her the path."

"Well kasama din sya sa mga hinahanap pa namin. Accomplice sya ni Leonard at dapat din syang managot sa batas." Sagot ni Karen.

"Well enough for that. Masyado tayong seryoso. We are here to have fun remember?" singit naman ni Ashley.

"That's right! Cheers!" wika naman ni Yna.

"Sayang wala si Ben dito. I'm sure maraming kwento yun lalo pa diba sya ang nagligtas sayo Ash? Ano nga pala nangyari sa inyo kasi nahiwalay kayo sa amin?" tanong ni Yna.

"Ah kami? Um…ano…uh…" namumula ang mukha ni Ashley.

"Oo nga, inabot pa ng dalawang araw bago kayo magpakita. E kwento mo naman Ash." Dagdag pa ni Karen.

Biglang napa isip si Ashley. Bigla nyang naalala ang gabing iyon. Ang gabi kung saan, sa ilalim ng napakalakas na ulan at napakalamig na panahon, nasa loob sila ng isang sira sirang gusali.

----

Naging mainit ang halikan ni Ashley at Ben. Ang simula na medyo nahihiya pa sila sa isa't-isa, dahan dahan bumilis ang galaw ng kanilang mga labi. Hanggang sa nagsasalpakan na ang ingay ng labi nila. Maririnig ang mahinang ungol ni Ashley. Nasasarapan ito sa bawat halik ng binata.

Sandali silang tumigil at nagtitigan. Napangiti si Ben. Hinimas nya ng hinlalaki ang pisngi ni Ashley. Tinitigan ang angking kagandahan ng dalaga.

"mahal kita Ashley…..noon pa man….ito na ang nararamdaman ko para sayo."

"Gusto kita Ben. Sa totoo lang, hinde pa ako sigurado kung tama na itong nararamdaman ko din para sayo. Sa dami ng pinagdaanan ko, simula kay Jed, at sa mga nangyari. Hinde ko alam kung talagang naging manhid na ang puso ko sa pagmamahal. Hinde ko alam kung handa na ba ako para buksan muli ang dibdib ko para sa iba."

Kinuha ni Ben ang kamay ni Ashley at hinalikan nya ang palad nito. Nilapat nya ang palad ng dalaga sa pisngi nya.

"Handa akong maghintay Ashley. Kung hinde kapa handa ngayon, okay lang sakin. Maghihintay ako."

Naalala ni Ashley ang nakaraan nila ni Ben. Ang mga sandaling itinatago ng binata ang pagmamahal nito sa kanya. Ang mga sandaling tinitiis nito ang sakit kapag nakikita syang masaya sa piling ni Jed. At ang mga sandaling binuwis nito ang kanyang buhay, mailigtas lamang sya. Mabilis na hinalikan ni Ashley si Ben at tumingin ito muli sa mga mata ng binata.

"Sa tingin ko…tama na ang paghihintay mo Ben….susubukan ko din….susubukang kong buksan ang puso ko para sayo….dahil alam kong hinde ako mali sa magiging desisyon kong mahalin ka."

Niyakap ni Ben si Ashley. Hinalikan ito sa leeg at napa kagat labi ang dalaga. Dinilaan at sinipsip ni Ben ang tenga ng dalaga. Nakiliti ito at gumapang ang kamay pababa sa katawan ni Ben. Tumapat ang kamay ni Ashley sa nakabukol na sandata ng binata. Nagulat sya sa laki nito.

"Ben…malaki nga pala itong sayo ano…"

"Uh…oo…" nag aalangang sagot ni Ben.

Napakagat labi si Ashley.

"Handa na ako Ben. Pero dahan-dahanin mo ako…"

"Sigurado ka ba? Pwede naman tayo umatras."

"Sure ako Ben…"

Binuksan ni Ben ang pantalon ni Ashley at hinubad nya ito. Nagpa ubaya si Ashley. Gumapang ang kamay ng dalaga sa katawan ni Ben at biglang napa daing ang binata nang magalaw ang mga sugat nya.

"Okay ka lang?" tanong ni Ashley. Tumango lang si Ben. Hinalikan ng dalaga sa labi si Ben.

Sinapo ni Ben ang makinis na pwet ng dalaga at hinimas nya ito. Gumulong sila at si Ashley ang tumihaya. Hinubad ni Ben ang panty ng dalaga. Hinalikan nya si Ashley mula sa pusod pababa. Ibinuka ng dalaga ang mga hita nya at hinayaan si Ben sa ginagawa nito. Nagpa ubaya si Ashley.

"ahhhh..Bennn.." ungol ng dalaga nang maramdaman ang mainit at basang dila ni Ben na kumakalabit sa tinggil nya. Sinipsip ng binata ang labi ng pagkababae ni Ashley at patuloy ang pagdantay ng kanyang malikot na dila sa kuntil nito.

Gumapang ang kaliwang kamay ni Ben at inangat ang damit ni Ashley. Kasama na dito pati ang bra ng dalaga. Hinimud nito ang kanang suso ni Ashley at pinisil ang utong. Napa kagat labi ang dalaga. Sinabay ni Ben ang pag kain ng kepyas ni Ashley at ang pag masahe ng suso nito. Halos mapasayaw sa sarap ang katawan ni Ashley. Rumagasa ang katas ng dalaga at malugod itong sinimut ni Ben.

"Oohh Ben..angkinin mo na ako…" sumamo ni Ashley. Tumigil si Ben at inilabas ang kanyang tarugo. Pina kapa nya ito kay Ashley at napa kahat labi ang dalaga.

"Ga..ganito pala kalaki ang ari mo…grabe…"

"Sigurado ka ba?" tanong ni Ben kay Ashley kung sigurado na ito sa desisyong magpapa donselya sa binata.

"Oo Ben..handa na ako."

Kiniskis ni Ben ang dulo ng kanyang malaking sandata sa pekpek ni Ashley. Pa ulit ulit ito hanggang mabalot ng madulas na katas ang burat ng binata. Sinabayan din ito ni Ben ng pakikipaglaplapan kay Ashley.

Habang nasa kalagitnaan sila ng mainit na halikan ay pumasok ang ulo ng titi ni Ben.

"Ahhh!" napa nga-nga si Ashley. Hinugot ulit ni Ben ang titi nito at kiniskis ulit. Makalipas ang ilang segundo ay ipinasok muli ni Ben ang ari nya.

Pa ulit-ulit nya itong ginagawa hanggang lumalalim na ang pasok ng malaki nitong kargada.

"ummgh!! Ummhh!! Ummhh!! Unngh!!!" mga halinghing ni Ashley sa bawat pasok ng napakalaking sandata ng binata na nanunuot sa birhen nyang pagkababae. Hanggang sa…

"AAAHHHHHHHH!!!!" Isang malakas na sigaw ang napakawala ni Ashley nang maramdaman ang napakalalim na pasok ng burat ni Ben na sadyang pumunit sa kaselanan ng dalaga. Hinugot ni Ben ang titi nito at may bahid ito ng dugo. Muling itinarak ni Ben ang burat nya.

"AAAHHHHHRRRGGHHH!!!!" Kinagat ni Ashley ang balikat ni Ben.

"AAHHH AAAAHHHHH AAHH AAAAAHHH AAAHHH AAAAHHHH AAAARRGGHH!!!!" Panay malalakas na mga daing ni Ashley sa magkakasunod pero mababagal na pasok ng brazo de titi ni Ben. Tumigil ang binata dahil nasasaktan na si Ashley.

"ba..bakit ka tumigil?" tanong ng dalaga.

"Baka di mo kaya."

"Ben…nandito na tayo…ituloy mo lang..gusto ko maramdaman ang pagkalalake mo at ang sandata mong nagpaligaya kay Jenna…"

"alam mo ang tungkol sa amin ni Jenna?" Gulat ni Ben.

"Matagal na…hinde ako tanga Ben..isa yan sa dahilan kung bakit nag aalangan akong buksan ng tuluyan ang puso ko para sayo. Pero tapos na yun…kaya pakiusap….ituloy mo lang…tratuhin mo akong parang si Jenna…gawin mo sakin ang ginagawa mo sa kanya."

Hinalikan ni Ben si Ashley at naglaban ang mga dila nila. Muling sinaksak ni Ben ang mala braso nitong burat. Pero dahil sa tinde ng mga pinsala nya sa katawan at kakulangan ng dugo, hinde kasing laki ang titi nya ngayon hinde katulad noong nasa normal na kalagayan sya. Pero sapat parin ito para mapa sigaw ang dalaga. Matapos ang mababagal na bayo, bumilis na ang araro ni Ben.

"AAHH AHHH hhaaaahh!! Bennn ummgh…sige paaa….aahhh…ang sarappp palaaaa…ang sarapp pala nito…ummgghh!! Sige pa Bennn ummghh!!" halinghing ni Ashley habang nakayakap sa binata.

"PLAK PLAK PLAK PLAK PLAK PLAK PLAK!!" Sunod sunod na pasok ng burat ni Ben sa masikip na lagusan.

"Unggh Ashleyyyy…aahh…ang sikip mo…."

"Mas masarap ba pag masikip? Ummhh unnh.."

"Oo..ngayon lang ako naka tikim ng ganito ka sikip…."

"So mas masarap ako?"

"Oo….Ash…ummgh..oo.."

Niyakap ni Ashley si Ben at kumapit ito sa binata. Hinayaan ang bawat sagad na pasok ng burat ng binata. Umaatras abante ang katawan ni Ashley sa bawat bayo ni Ben. Hanggang sa maramdaman na nito ang namumuong sarap at para itong sumabog sa loob ng kanyang katawan na sinabayan naman nya ng malakas na ungol.

"OOHHHHHHH!!!"

Hinugot ni Ben ang burat nya at naka nga-nga na ang dating pikit na puke ni Ashley. Jinakol ni Ben ang burat nito at sumirit ang kanyang tamod sa tyan ng dalaga.

"Ang init pala ng katas mo…ito yung bubuntis sakin…kung nagkataon…." Wika ni Ashley. Humiga si Ben sa tabi nya at mas lalo itong nanghina. Niyakap sya ni Ashley. Kahit malamig ang panahon, mainit ang pakiramdam nilang dalawa matapos ang pag niniig.

"Ben?"

"Hmm?"

"Wag mo 'kong iwan."

"Okay.."

"Promise?"

"Promise."

Isang pangakong pinutol ni Ben dahil sa kanyang responsibilidad nang maging full time member na ito ng Cerberus.

----

"Earth to Ash? Hello?" tanong ni Yna.

"Ha?" lutang na sagot ni Ashley.

"Bakit nawalan ka bigla ng signal? Hihihi ano na? Kwento mo naman ang nangyari." Pangungulit ni Yna.

"uh sensya na….di ko masyado matandaan eh. Tsaka napaka traumatic ng nangyari kaya pilit kong kinakalimutan."

"Sabagay. Pasensya na Ash ha.." hinawakan ni Yna ang kamay ng kaibigan. Ngumiti lang si Ashley.

Sa kabila ng mga nangyari, nalampasan parin ito ni Ashley. Masakit mang isipin na tila hinde sya hinihiwalayan ng masasamang pangyayari, naroyan parin ang mga taong nagmamahal sa kanya at hinde sya pinapabayaan.

Natapos ang gimmick ng grupo at naging masaya naman ang lakad nila. Hinatid ni Ashley si Karen habang magkasama namang umuwi si Yna at Lucas. Bago pa maghiwalay ang grupo, nakipagkamay si Karen kay Yna. Napangiti naman nito si Lucas at Ashley. Hudyat ng pagsisimula ng magandang pagkakasundo ng dalawa.

----------

By: Balderic

Narating ni Ben ang lugar kung saan humihingi ng tulong si Heather. Isang malaking mansion ang resthouse ni Oscar. Pero di ito katulad ng main house nyang mas malaki. May gate din ito at napapalibutan ng mataas na pader. May mga nakabantay sa paligid at may dala pang mga aso. Animo'y isang kampo ang naturang lugar sa dami ng bantay. Medyo mataas ang bahay dahil ginawa ang desenyo nito para di bahain ang buong mansion.

Ginamit ni Ben ang dilim para maka iwas sa mga umaaligid na bantay. Naakyat nya ang pader at muntik pa itong mahagip ng cctv camera na umiikot pero naka talon ito agad pababa. Nagtago si Ben sa malalaking banga sa may hardin at iniwasan ang mga bantay na may dalang aso. Maingat nyang tinawagan si Heather. Sumagot naman ang babae.

"Asan ka? Nakapasok na ako." Bulong ni Ben.

"Alam mo yung room ko dito sa second floor diba? Nandito lang ako."

"Okay. Standby ka lang dyan."

"Sige, maghihintay ako."

Matapos ma clear an mga bantay, inakyat ni Ben ang mansion at gumapang pa ito sa bubong ng first floor at maingat na tinungo ang balcony ng second floor kung nasaan ang kwarto ni Heather.

Narating nya ito at kumatok si Ben ng dahan-dahan. Walang ilaw sa loob ng silid. Pumasok ang binata.

"Heather?"

Bumukas ang ilaw at nagulat si Ben na nasa loob ang anim na armadong lalake at kasama si Oscar.

"Oscar!?"

"Bilib naman ako sa abilidad mo Ben. Mesa pusa ka pala. Akalain mo yun, hinanda ko ang napakaraming bantay pero nalusutan mo parin ang mga ito. Iba ka Ben. Ibang iba ka." Wika ni Oscar.

"Asan si Heather?"

"Nandito ako Ben." Lumabas ang dalaga mula sa banyo. Lumapit ito kay Oscar at niyakap ang ama.

"Anong ibig sabihin nito?"

"Hinde ka naman siguro tanga ano? Pinapunta kita dito para pagbayaran mo ang nangyari kay mommy!" sagot ni Heather.

"Heather nagkakamali ka. Wala akong kasalanan. Si Oscar ang pumatay sa kanya."

"Namatay si mommy dahil sayo. Kung di nalaman ni mommy ang totoo, baka buhay pa sya ngayon. Ikaw ang may kasalanan ng lahat!"

"kung alam mo na ang totoo, bakit ka pa kumakampi kay Oscar? Alam mong sya ang dahilan ng paghihirap ng ina natin!"

"He's my Dad! Of course sa kanya ako kakampi. As horrible as he may be, masaya akong pinalaki ng dad ko. We were happy, until you came in the picture. But don't worry. My Dad made the mistake of letting you escape. But I will correct that mistake. Mark my words, you will pay for what you've done!"

"Heather ano ka ba!? Nasisiraan ka na ba? Si Oscar ang ugat ng problema! Hinde ako!"

Sinusubukan ni Ben na kombinsihin si Heather pero kitang kita sa kanyang mukha ang pagiging desidido nito.

"Nakita mo na Ben? Kami ang tunay na pamilya ni Nora. Hinde ikaw. Bahagi ka lang ng nakaraan ni Nora na dapat burahin! Sige, tapusin sya!" utos ni Oscar.

"KLASH!! "BRATATATATATATTA!!!!!!" Mabilis nag dive palabas ng balcony ang binata bago pa ito napa putukan ng mga tauhan ni Oscar. Gumulong gulong si Ben pababa ng bubong ng first floor at nahulog ito sa ground area kung saan nakita nyang paparating ang tatlong malaking aso.

"RUFF!! RUFFF!! RUFF!!" Umatake ang mga aso kay Ben. Walang dalang baril ang binata kaya sinalo nya ang nag dive na aso at hinagis ito sa pader. Sinipa nya naman sa mukha ang ikalawa at mabilis nyang binuhat ang ikatlo at hinagis din sa pader.

Dumating ang mga tauhan ni Oscar at pinaputukan ulit si Ben.

"Wag nyong patatakasin! Hanapin nyo! Hanapin nyo!" sigaw ni Heather. Nakangiti lang si Oscar na naka upo sa magarang silya at may nagbigay pa sa kanya ng tabacco.

"relax ka lang iha. Hinde makalalabas ng buhay ang lalakeng yun."

"Ayokong bigyan ng chance si Ben Dad. I will hunt him down."

"Hahaha! Anak nga kita. Manang mana ka sakin. Sige, go out there and have some fun. Here, take this. If you catch him alive, make sure to make him suffer first before you kill him." Binigay ni Oscar ang baril nito kay Heather. Lumabas ng silid ang dalaga at sinamahan ito ng dalawang bodyguards.

Sa kabilang banda, naka agaw si Ben ng isang rifle at nakipag barilan na ito sa humahabol sa kanya. Nagtago ito sa corner ng mansion na malapit sa swimming pool. Hinde inaasahan ng mga kalaban ang pagiging asintado ni Ben. Ilan na sa kanila ang napatumba ng binata.

May isang naka lapit kay Ben at binaril ito ng malapitan pero naka ilag ang binata at pinalo nito ng butt ng rilfe ang mukha ng lalake sabay binaril sa dibdib. Nang agaw muli ng sandata ang binata. Nakuha nito ang isang handgun at dalawang magazines.

Lumayo sa pool area ang binata at nakita ang isang gate. Papunta ang gate na ito sa loading area at mga bodega ng mansion. Dito alam ni Ben na mahalaga ang lugar para kay Oscar. Kung magagawa nyang e sabotahe ang mga produkto ng dating amo, baka makatulong pa sya sa pagsugpo ng droga sa bansa.

Nakita sya ng dalawang bantay sa guardhouse. Binanatan nila si Ben pero nag tiger dive ito papunta sa likod ng makakapal na dahom ng hardin
Gumulong ang binata at mabilis tumayo para sumagot ng putok. Tinamaan ang isa pero tumakbo papasok sa compound ang huli.

Mula naman sa pool area ay dumating ang isang grupo ng mga tauhan ni Oscar. Kasama na dito si Heather. Pina ulanan nila ng bala ang kinaroroonan ng binata. Hinde nakasagot si Ben dahil ubos na ang bala ng rifle nya. Gumapang nalang ito at nadaplisan ng bala sa likod at tagiliran. Napadaing si Ben sa sakit pero tiniis nya ito para marating nya ang gate na gawa sa bakal.

Bukas ang gate kaya nakapasok si Ben. Sa guardhouse sya nagtago sandali at gamit ang handgun, binaril nya ang grupo. Dalawa ang tinamaan pero isa lang ang napuruhan.

"Wag nyong tigilan! Banatan nyo!" utos ni Heather at isang barrage ng bala ang tumadtad sa guardhouse.

"itigil na natin ito Heather! Alam mong wala akong kasalanan!"

"Tumahimik ka! Ikaw ang pumatay kay Mommy!"

"Ina ko rin si Nora, Heather! Sa sandaling nakilala ko sya, minahal ko din sya! Pareho lang tayong nagluluksa!"

"Nagluluksa si Satanas dahil wala ka pa sa impyerno! Wag ka mag alala! Bala ko ang maghahatid sayo doon!"

Isa nanamang barrage ng bala ang pinakawalan ng grupo ni Heather. At matapos ang ilang segundo ay nagkatagpi-tagpi na ang guardhouse. Pero wala na si Ben sa lugar.

"Hanapin nyo! Bilis!"

"Hoy mga bulag!" nag dive si Ben mula sa pader malapit sa gate papunta kina Heather. Pinagbabaril nito ang mga na gulat na bodyguards ng dalaga.

Isa lang ang naiwang bodyguard pero sinapak ito ni Ben sa mukha at pinukpok ang batok. Tulog itong bumagsak.

Tinutukan ni Heather ng baril si Ben.

"Hayop ka! Magbabayad kang hayop ka!" Nangigigil si Heather. Nanginginig ang kamay nito habang hawak ang baril. Tinaas ni Ben ang kamay nya.

"Kapatid kita Heather. Ayokong saktan ka."

"Wala akong kapatid!"

"Makinig ka sakin. Ginagamit ka lang ni Oscar. Tulad ng ginawa nya sa nanay natin."

"Mas kilala ko si Dad kesa sayo Ben. Alam ko ang ugali nya at hindeng hinde nya ako gagamitin."

"Hinde mo ba nakikita? Magkapatid tayo pero gusto nyang magpatayan tayo."

"Hahaha! Akala ko pa naman matalino ka. Hinde mo parin ba nagegets? Ako ang nagplano nito!"

Natigilan si Ben sa narinig nya. Hinde nya lubos akalain na mismong si Heather ang gagawa ng paraan para patayin sya. Biglang kumilos si Ben at napa kalabit si Heather pero nakalapit agad ang binata.

"I'm sorry." Binigyan ni Ben ng malakas na palo sa likod ng ulo si Heather at nawalan ito ng malay. Sinalo ni Ben ang katawan ng dalaga at sumabit ito sa braso nya bago pa bumagsak. Pina upo nya ito at pinasandal sa gilid ng pader.

"MASYADO KANG MALAMBOT BEN!" "KRASH!!" Wasak ang pinto na may salamin na malapit sa kinatatayuan nina Ben. Agad sinalubong ng binata ang tuhod ni Oscar. Nasalag ni Ben ang tuhod pero nagulat sya sa lakas nito at napa atras ang katawan nya ng ilang metro.

Nang makita nya si Oscar ay nagulat sya sa anyo nito. Namumula ang katawan ni Oscar, dumudugo ang mga mata at nagsisilabasan ang mga ugat.

"Anong ginawa mo?"

"Hehehe! Hinde mo ba nakikita? Napasakamay ko na ang lakas na kikitil ng buhay mo! Nasa akin na ang kapangyarihan para pigain ang katawan mo at durugin ang mga buto mo!"

"Ginamit mo ang Valkyr drugs?"

"Isang overdose lang pala ang paraan para makamit ko ang ganitong lakas! Hahaha! Humanda ka Ben! Susubukan ko sayo ang buong lakas ko!"

"BOOOMM!!!" Sumugod si Oscar at napakabilis nito. Na iwasan ni Ben ang pagsugod ni Oscar pero nahablot sya nito at hinila.

"Wala kang takas Ben! Masyado ka pang mabagal!" "BLAG!!" "AARRGH!" Tinanggap ni Ben ang malakas na headbutt.

"Hahaha! Masarap ba!? Heto pang iba!" "BLAG BLAG BLAG BLAG BLAG!!!" Sunod-sunod na headbutt ang tinamo ni Ben mula kay Oscar. Nahilo ang binata at binuhat sya ni Oscar.

"Nahilo ka na ba!? Nagsisimula palang tayo!" hinagis paitaas si Ben at tumalon si Oscar.

"BRAGAMMM!!" Sumabog sa ere ang napakalakas na suntok at animo'y bulalakaw na bumagsak si Ben sa may hardin. Duguang tumayo ang binata.

"Buong akala ko, tapos na ang panahon ko sa pakikipaglaban, ito lang pala ang sagot! Dahil sa Valkyr, mas lalo pa akong lumakas! Pero may sekreto akong ibabahagi sayo Ben, hinde lahat ng tao ay hiyang sa serum dahil ang iba ay nilalason lang ang katawan nila at nagiging para silang mgaababangis na hayop. Nakita mo na ito noon pa. Pasensyahan tayo dahil isa ako sa mga pinili ng Valkyr! Hahaha!"

"Ang ingay mo. Para kang bakla." Dumura si Ben ng dugo at pinunasan lang ang bibig. Matalas ang tingin nito kay Oscar. Kahit pa nasa harapan nya ang malakas na pagngangatawan ni Oscar, walang bahid ng takot sa porma ni Ben. Hinanda nito ang sarili. Alam nyang dapat nyang ibigay ang lahat para mapigilan lang si Oscar.

"PHOM!" mabilis na bumaril si Ben at umilag si Oscar pero naglaho ang binata at lumitaw sa kanan ni Oscar. Nakatutok na ang baril nito sa sintido ng drug lord.

"BLAM!" Umikot-ikot ang katawan ni Oscar matapos itong barilin ng malapitan. Ngumiti lang ito at tumulo ang dugo sa gilid ng ulo. Naka ilag ito at daplis lang ang tama nya.

Mabilis ang reaction time ni Oscar kaya umatake ulit si Ben at binaril ang katawan ng kalaban. Tumakbo at nag maneuver si Oscar papunta sa gilid ni Ben pero hinarap sya ng binata at malapitan ulit na binaril. Lumiyad si Oscar at naka ilag. Nagtapon ito ng malakas na uppercut.

"Akin ka ngayon!" sigaw ni Oscar.

"BRAMMM!!" kumonekta ang kamao nya sa siko ni Ben. Isang elbow block ang ginawa ng binata bago pa tamaan ang ulo nya. Nakatutok na ulit ang baril nya sa katawan ni Oscar.

"BLAM BLAM BLAM!!!" "AARRGGH!!" Tinamaan sa dibdib si Oscar.

"GRAAAAAHH!!!" Galit na gumanti ang drug lord. Nasakal nito si Ben at binagsak ang katawan sa pavement. Nabiyak ang semento sa impact. Kasunod nito ang malalakas na mga suntok ni Oscar.

"HINDE MO AKO MAPAPATAY!" Tinadtad ni Oscar ng malalakas na suntok ang katawan ng binata habang nasa pavement. Bawat isang suntok ay parang bayo ng maso sa bigat at lakas. Nabitawan ni Ben ang kanyang sandata.

Buwis buhay na inilag ng binata ang kanyang ulo para di ito matamaan dahil siguradong tulog sya kapag nagkataon. Tinadyakan nya ang kanang tuhod ni Oscar at nawalan ito ng balanse. Tinamaan din ang lalake sa panga ng sundan ni Ben ng suntok. Umalis kaagad sa pagkaka tihaya ang binata. Gumulong sya palayo at tumayo. Nahilo ito at naramdaman ang pagbigat ng kanyang katawan habang tinatakasan na sya ng lakas sa kanyang mga tuhod dahil sa tinde ng panginginig nito.

"Masyado yatang mataas ang expectations ko sayo bata. O sadya lang mas malakas na ako kesa sayo hahaha! Pero wag kang mag alala, dadalhin din kita sa impyerno pag nagsawa na ako sa pagdurog sayo!" sumugod si Oscar. Bumato ito ng mga straight jabs mula sa kanang kamao na inilagan ni Ben. Isang kaliwang hook ang binitiwan ni Oscar pero sinalubong sya ng counter right cross ni Ben at hinalikan ng bibig nya ang full force ng kamao ni Ben.

"BRAKK!" Sabog ang bibig ni Oscar sa lakas ng suntok ni Ben. Isang ngipin sa harapan ang lumipad.

"Hahaha! Naisahan mo ako dun ha. Tignan natin kung makaka isa ka pa!" muling umatake si Oscar. Sinubukan nyang hulihin si Ben pero naka distansya ang binata at bago pa maka recover si Oscar ay binigla ito ni Ben ng dash at nakalapit ito. Isang matalim na smasher punch ang direktang kumonekta sa ilong ni Oscar.

"KRAAKK!!" "AAARRRGGGGGHHHH!!!" Daing ng lalake at napa tingala ito kasabay ng pagsabog ng dugo sa ere. Naka kita ng puti si Oscar sandali.

Sinundan pa ito ni Ben ng kamao sa sikmura at tumiklop ang katawan ni Oscar. Dito napansin ni Oscar na nagbago na ang aura ni Ben. Ang tingin pa pang nito ay tila papatayin na sya.

"Ha ha! Yan ang gusto kong makita. Ang tunay mong pagkatao! Ang tunay mong abilidad! Sayang lang at hinde kita tauhan. Baka ako na ang maghati sa buong pilipinas!"

"Masyado nang mahaba ang buhay mo Oscar. Oras na para putulin yan."

"Masamang damo ang kaharap mo Ben. Hinde ako basta-basta mamamatay! Sinabi ko na yan sayo. Hehehe. At alam mo ba kung bakit hinde agad namamatay ang isang tulad ko? Dahil magiging problema lang kami sa impyerno! Hahaha!"

"Pwes, bigyan natin ng problema si Satanas."

Umatake si Ben at parang naka slow motion ang galaw ni Oscar sa angking bilis ng binata. Magkakasunod na mga suntok sa sikmura at iba't ibang bahagi ng katawan. Tinadtad ni Ben ng malalakas na mga atake si Oscar. Duguan itong napasigaw sa galit.

"YAN LANG BA ANG KAYA MO BEN! NANDITO PARIN AKO AT NAKATAYO!"

Inatake ni Ben ang mga binti ni Oscar at napa luhod ito sa semento. Kaliwa't kanang sapak ang tinamo ng mukha nya habang naka luhod sa harapan ni Ben. Naka ngiti lang si Oscar na parang hinde nasasaktan pero duguan na ang mukha nito sa pinsala.

"AAAAAAHHHHH!!!" Isang huling suntok ang ibinigay ni Ben pero nasalo bigla ni Oscar ang kamao ng binata at tumayo ito.

"NGAYON AKO NAMAN!" Mabilis na nag buga ng serye ng mga suntok si Oscar kay Ben at hirap ang binata sa pagdepensa sa sarili. Napapa atras ito sa malalakas na mga suntok at sipa na kung saan-saan nanggagaling.

Na dislocate bigla ang kanang tuhod ni Ben at napa luhod naman ito. Isang short upper cut ang nagpalipad sa kanya ng ilang metro at tumagos ang binata sa gate ng compound. Naglakad palapit si Oscar at naka ngit. Parang isang mabangis na baliw ang itsura nito at nanlilisik ang mga mata.

Malakas man si Ben, tila hinde nito kinaya ang angking lakas ni Oscar dahil hinde ginamit ni Ben ang Niraya at iniwasan nitong ilabas ang katauhan nyang kayang gumawa ng brutal at walang awang mga estilo ng pakikipaglaban.

Nasa likod ng utak nya ang mga payo ni Carding. Ito nalang ang kinakapitan ni Ben para hinde muling dumaan sa madilim na landas ng kanyang masamang bersyon na pagkatao.

Subalit ang kapalit naman nito ay hinde nya kayang tumbasan ang lakas ni Oscar na ngayon ay tila mas lumalakas pa. Habang sya ay iniwanan na ng tuluyan ng kanyang lakas. Nakalapit na sa kanya si Oscar inapakan ito sa dibdib.

"Kaya ka mamamatay ay dahil masyado kang mabait haha!"

Hinanda ni Ben ang sarili. Isang diin lang ng pagkaka apak ni Oscar ay pwede nitong durugin ang rib cage nya.

Pero biglang napatigil si Oscar.

"Unnghh!!! Aaahhrrggh…anong…nangyayari…?" nanginginig ang buong katawan ni Oscar at napa atras sya. Masakit at pumipintig ang mga muscles nya na para itong may pulso. Nag o-overload na ang katawan ni dahil sa Valkyr at mula nang matanggap nya ang malalakas na mga atake ni Ben ay hinde kinaya ng katawan nya ang mga ito at ngayon ay lampas na sya sa limit.

"Beeennnnnnn!!" dumugo ang mga mata, ilong, tenga at bibig ni Oscar. Nagsilabasan ang mga ugat nya sa katawan at lumubo sya ng todo.

"SSHHAAAAKK!!!" Sumabog ang puso nya at dito nalagutan kaagad ng hininga si Oscar habang nakatayo. Natumba ang katawan nyang parang troso.

Matapos ang matinde nilang laban ay sinunog ni Ben ang mansion kasama na din ang natitirang Valkyr drugs sa bodega. Pa ika-ika ang binata na dinala palabas ng gate ang walang malay na katawan ni Heather.

Ilang minuto pa ay nagkumpulan na ang mga ususero sa paligid dahil sa sunog. Dumating din ang mga fire trucks at mga pulis. Pero hinde sila nakalapit kay Ben nang dumating ang isang grupo na nagpapakilalang myembro ng special task force ng UN na nag iimbestiga sa kaso ni Oscar. Lumapit ang isang lalake kay Ben.

"It's good to finally meet you in person Benjamin Sandobal. I've heard a lot about you from Carding." Wika ng lalake.

"Who are you?" Tanong ng binata.

"Don't be alarmed. I am a member of a private organization that helps different countries against terrorisms and international dangers. You can call us Cerberus. Carding was a long time member of our group until he retired but he did gave us information about you that interests us. Ben we would like to invite you to join our organization and I myself am confident that you will be able to help us in our mission to keep peace and justice in all parts of the globe." Paliwanag ng lalake at nag abot ito ng isang calling card.

"I don't need you to rush into it. But do think about it. We need you Ben. The world needs you."

Umalis ang lalake at nabasa ni Ben ang pangalan nito. Jamal Kshatriya ang naka print.

----------

By: Balderic

Lumipas ang mga taon at bumalik tayo sa kasalukuyan.

PRESENT

Matapos ma meet at maka usap si Mindy Bond, umuwi si Ben sa isang hotel room kung saan tinuloy nya ang paglalasing. May hawak itong bote habang tulala na nakatitig sa tv at may palabas na porn.

"KRASH!!" Nawasak ang bintana nang biglang may pumasok na lalake na naka suot ng dark na combat suit. Malaki ang katawan nito at matangkad. Napa tayo si Ben upang harapin ang hinde inaasahang panauhin.

"ang sama ng timing mo brad! Binitin mo ako sa pinapanood ko." Wika ni Ben.

"BENJAMIN SANDOBAL, YOU ARE SUMMONED BY NEST." Wika ng lalake at nanlaki ang mga mata ni Ben.

"ang…boses na yan..hinde maaari!" nangangatog ang boses ni Ben sa isang pamilyar na boses. Isa nanamang pagsubok ang nagbabadya para kay Ben.

Itutuloy