1. Home
  2. Stories
  3. Biringan City
PSErotica

Biringan City

By reginleif ·

Chapter 1: Pagdating sa Samar

Tahimik ang gabi, ang tunog lamang na maririnig ay galing sa engine ng sasakyang mabagal ang takbo at ang pag daan ng mga gulong nito sa lubak-lubak na lupa. Sa loob ng sasakyan maririnig ang malutong na pag nguya ng taong nakaupo sa passenger seat at ang familiar na amoy ng Chippy.

Sa dashboard ng sasakyan may camera. May kulay green na ilaw ito, ibig sabihin ay naka record. Ang camera ay naka focus sa driver - isang Amerikanong lalaki na mga nasa early thirties ang edad - at sa babaeng nakaupo sa passenger seat - Pilipina, mga nasa 25 anyos.

“So…” nagsalita ang lalaking driver. Malalim ang boses niya at malutong ang American accent.

“Evening YouTubers, I’m Sam and this is Rizza,” itinuro ng lalaki ang katabi niyang babae, na siya namang ngumiti at kumaway sa camera. “We’re on our way to Samar to find this rather curious fabled Biringan City.”

Dalawang taon ng kasal ang mag-asawang Vloggers na sila Sam at Rizza. Mga nasa 200 thousand din ang subscribers nila sa YouTube, at ang usual na videos nila ay about sa mga haunted areas sa Pilipinas at United States or kaya naman kumakain sila ng mga snacks or fastfood ng ibang bansa at magbibigay sila ng opinyon tungkol sa lasa nito.

Nagkakilala sila sa Los Angeles noong nag OFW dun si Rizza ng isang taon. Uber driver noon si Sam at naging pasahero niya si Rizza.

Pareho silang single noon; madaling nagkasundo ang dalawa, nagpalitan ng mga flirtatious lines, at nagbigayan ng numbers at Facebook account. Mabilis lang ang mga pangyayari at makalipas ang isa pang taon ay naging mag syota na sila. Dumaan ang ilang taon at nagpakilala sila sa isa’t-isang pamilya at nangyari na rin ang kanilang kasal.

“Narinig niyo na ba yun?”

Tanong ni Rizza habang nakangiti sa camera. Nakakaintindi naman ng Tagalog si Sam kaya walang problema na magsalita si Rizza sa sarili niyang wika.

“Eto hah, para dun sa mga hindi nakakaalam! Yung Biringan kasi mythical siya na city daw sa Samar. Based sa mga nabasa namin na articles online, kailangan mo daw ng invitation ng Engkanto para makapasok dun sa city. Tapos yung city daw out of place siya kasi laging madilim, puro black yung mga building, tapos ang high-tech. Oh diba parang science fiction?”

Dinugtungan ni Sam ang pag introduce sa topic ng Biringan City, “Others claim that you may enter through a waypoint… or… some sort of portal that leads you into that city or realm.” Medyo natawa si Sam sa kanyang sinasabi dahil medyo outlandish yung topic. “These waypoints may be marked by a certain rock or tree which acts as the portal.”

Mukhang may sasabihin pa sana si Sam pero bigla siyang tumigil sa pagsalita.

“Hold on, I think we’re here.”

Nilamukos ni Rizza ang balat ng Chippy na wala ng laman at nilagay ito sa plastic na puno ng mga balat ng pinagkainan nila. Kumuha siya ng tissue para punasan ang mga daliri at nag hand sanitizer din siya.

“Yeheeeyyy Samarrr! Ang dilim, katakot. So ganito… stop muna namin yung recording kasi… well, may relative kasi ko na taga dito sa area around here. So makikitulog muna kami sa kanila. May dala rin kami mga foods siyempre. Update na lang namin kayo bukas ng umaga. Good niiight!”

“Good night,” bati rin ni Sam.

Chapter 2: Nawawala si Rizza

Sa YouTube, umabot ng mga 80,000 ang views ng video na ni-upload nila kagabi. Iba-iba rin ang comments ng mga tao. Yung iba natatakot, yung iba excited, yung iba naman kala mo biglang mga expert at nagsasabing hindi naman daw totoo yung Biringan.

Kagaya ng sinabi ni Rizza, nag-upload nga ulit sila ng video kinabukasan. Ang title nito: “Rizza is Missing (Nawawala si Rizza!)”

Sa unang shot ng video, makikita na umaga na, at si Rizza ay naglalakad sa magubat na lugar kasama ang ilang locals ng Samar. Maririnig na nag-uusap sila tungkol sa Biringan, na papunta daw sila dun sa portal or sinasabing lokasyon nung city.

Ang balat ni Rizza ay maputi at makinis. Medyo matangkad siyang babae, petite ang katawan pero halatang sexy, mabilog ang pwet, nakaka takam ang hugis ng hita, medyo mahaba ang makikinis na binti, at mga nasa size C ang boobs. Naka ponytail ang itim niya na buhok. Ang ilong niya medyo matangos at nakaka-akit ang mga labi. Artistahin ang itsura at pwedeng pwedeng maging model si Rizza kung gugustuhin niya.

Nakasuot siya ng fitted na puting t-shirt; kitang-kita tuloy yung hugis ng katawan niya na sobrang sarap. Naka shorts siya na maong, nakakanakaw atensyon tuloy yung pwet at legs niya. Siya yung tipo na pag nakita mo titigasan ka talaga.

Umikot ang focus ng camera sa mukha ni Sam. Kulay brown ang buhok ni Sam, medyo mahaba hanggang sa balikat niya. Naka black siya na t-shirt.

Sa video nagsasalita si Sam, binibigyan pa ng maraming info ang viewers nila tungkol sa Biringan.

Nag cut ulit ang video. Sa scene naman na ito, nakaupo na silang lahat at nag memeryenda sa gubat.

Si Rizza naman ang may hawak ng camera. Ipinakita ni Rizza ang pagkain nilang pancit at longanisa na nasa styro.

“Sino nagluto nito,” tanong ni Rizza. Tinuro ng isang matandang lalaki ang katabi niyang binata at nakangiti ang dalawa. “Ang saraaap. By the way yung longanisa dito siya galing sa Samar. Delicacy nila kasi talaga to. Ang sarap, my god.”

Nag cut na naman ang video. This time naka focus na sa mukha ni Sam na pawis na pawis at mukhang nag-aalala.

“Umm, we’re looking for Rizza at the moment. The locals say she went with two men somewhere to check out a nearby ‘weird’ rock formation. When they got there, they just said Rizza disappeared out of nowhere.”

Lumapit si Sam sa isang dalaga at nag Tagalog. “Ahnoh nguh uleet nhungyuhree?” Medyo awkward pakinggan ang Tagalog ng Amerikano pero naiintindihan naman ito.

Sumagot ang dalagang babae habang nakatingin sa camera, “Sinamahan po siya nila kuya dun sa mga bato. Pag punta dun, nawala daw po bigla si Ate Rizza. Bumalik sila dito tinanong kung nandito si Ate Rizza pero hindi nga natin siya nakita.”

Nag cut ang video sa iba’t-ibang Pinoy na kasama nila para ma-interview ni Sam. Karamihan kasi ng viewers nila sa YouTube ay Pinoy, so para mas maintindihan ang nangyayari, ginamit niya ang mga Pinoy para ipaliwanag ang nagyayari.

Nag cut na naman ang video pinapakita na nag-uusap ang mga Pinoy.

“Nakita na ba si Rizza?”
“Wala pa din.”
“Hindi ba naligaw?”
“Kasama lang namin. Nasa likod namin siya. Kinakausap namin tapos biglang ayaw na sumagot. Pag tingin namin wala na.”

Chapter 3: Biringan City

Binuksan ni Rizza ang phone niya at nakaramdam ng lungkot, takot, at pagkalito dahil wala pa rin itong signal. Ang nakalagay na oras sa phone niya: “3:32 PM” pero sa lugar kung nasaan siya ngayon ay makikita na madilim ang langit. Para bang alas-otso na ng gabi.

Dahan-dahan siyang naglalakad habang tumitingin sa paligid niya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita.

Napaliligiran siya ng matataas na gusali. Kulay itim lahat ng pintura. Ang bangketa, mga upuan sa tabi, mga tindahan, mga basurahan, mga waiting shed, mga sasakyan na dumadaan - lahat ng makikita mo kulay itim ang pintura.

May mga neon signs na nakapaskil sa matataas na building. May malalaking billboards at malalaking TV na nakakabit sa mga buildings. Para bang Times Square sa New York at Shibuya ng Japan ang itsura.

Hindi lang ito ang kakaiba sa lugar: una ang mga mga sasakyan na dumadaan. Mukhang ordinaryo pero ang mismong modelo at itsura nito ay sadyang kakaiba. Wala itong kamukha sa kahit anong brand ng sasakyan na makikita sa panahon natin. May mga mukhang ordinary na sedan, pero mas marami yung mukhang sports car.

Pilit iniisip ni Rizza kung Lamborghini ba ang mga ito o Ferrari, pero hindi talaga. Sadyang out of this world ang itsura. Hindi naman sobrang futuristic na lumilipad, apat pa rin ang gulong, pero halatang advanced ang mga itsura. Tinted ang mga salamin at walang usok na lumalabas sa mga tambucho.

Kakaiba rin ang itsura ng mga tao sa paligid niya. Mapuputi ang mga balat, ang iba naman sa sobrang puti para bang naligo sa Boysen na puti. Ang mga mukha nila ay para bang pinaghalong mestizo na British na Asian. Hindi maintindihan ni Rizza kung anong nationality ba ang mga ito. Pati ang wika nila kakaiba. Wala itong kahawig sa mga language sa kahit anong bansa.

Pero isang bagay lang ang nakakasigurado si Rizza: kasalukuyan siyang nasa Biringan City.

“Psst.”

Isang tunog mula sa isang madilim na eskinita ang nag nakaw sa attention ni Rizza. Tumingin siya sa kanyang kaliwa at nakaramdam siya ng saya sa kanyang nakita: doon sa eskinita ay may nakatayong Pilipino na mga nasa 40 anyos ang edad.

“Lika dito!” Abot tenga ang ngiti ng lalaki, halatang masaya rin siya na makita si Rizza.

Nakangiti si Rizza at nagmadaling lumapit sa lalaki.

“Hello po,” bati ni Rizza na medyo naiilang.

“Pilipina ka ba,” tanong ng lalaki. Halatang alam na niya ang sagot pero nililinaw lang niya.

“Opo…? Pinoy po ako,” halata ang pagkalito at pagkailang ni Rizza sa usapan nila.

“Ako si Julius. Ikaw po ba?”

“Rizza po.”

“Kakarating mo lang dito, ano?”

Hindi makasagot si Rizza. Halos alam na niya kung ano ibig-sabihin ng lalaki, pero ayaw lang tanggapin ng utak niya ang katotohanan.

“Ibig ko sabihin bagong dating ka lang dito sa Biringan?” dugtong ng lalaki.

Tila ba nawala bigla ang puso ni Rizza sa narinig niya. Totoo nga. Nasa Biringan nga yata siya. Hindi siya naka droga, hindi siya namamalik mata, hindi ito panaginip. Totoong nasa Biringan siya. Totoo ang mga sabi-sabi.

“…huh…” natameme si Rizza.

“Baguhan ka nga. Huminahon ka lang, huminahon ka.”

Tinapik ng lalaki si Rizza sa balikat at pinakalma ito.

“Tatlong taon na ko rito sa Biringan. Hindi na ko nakalabas. Lika, sama ka sakin, magkape tayo para kumalma ka. Marami kang dapat malaman.”

ITUTULOY.