1. Home
  2. Stories
  3. Arranged Marriage 2 - Another Milf Episode
Filipino Sex Stories

Arranged Marriage 2 - Another Milf Episode

By mr_perfect69 ·

Sumapit ang araw ng paglipad ko sa America at hinatid pa ako ni Daddy sa kanyang pinsan na aking titirhan. Excited ako na nakarating sa lupa na akin pinangarap mapuntahan.

Una namin ginawa ay ang bisitahin si Ma'am Sandra na "magpapakasal" kunyari sa akin upang maging madali ang legal na paninirahan ko sa America. Subalit wala pa siya sa kanyang bahay.

Sa sumunod na araw at tiyempo na Linggo ay ako na lang ang nagtungo kina Ma'am Sandra. Kabadong kabado ako habang naglalakbay patungo sa kanyang bahay.

Lakas loob na pinindot ko ang door bell at hindi naman nagtagal ay lumabas agad si Ma'am Sandra. "Good morning po Ma'am", ang pagbati ko.

"Ikaw ba si _________?", tanong agad niya. Nakangiti na tumango ako. Dali dali na binuksan agad ang gate at pinapasok ako.

Pagpasok sa bahay ay niyakap niya ako at hinalikan sa magkabilang pisngi. Pumintig ang alaga ko dahil damang dama ko ang malalaki niyang suso.

Pinoy style na nag offer ng kape sabay kuwentuhan na. Nagsosolo lang siya sa bahay dahil pamilyado na ang apat niya anak. Sinabi rin na ang panganay na anak ay anak sa pagkadalaga. Naanakan siya ng pamilyado na. Ang 2 ay anak sa unang asawa na Kano at ang bunso ay sa ikalawang asawang Kano.

Naikuwento rin ang hospital na pinapasukan niya bilang nurse at sa tuwa ko ay tutulungan niya ako na maka pasok doon. Lihim ako nagdiriwang dahil makakasama ko siya sa trabaho at posible sa iba pa .

Habang nag uusap kami ay inamin niya na hindi niya inaasahan na ganito ako kakisig at well mannered, hanga daw siya sa akin. Ganon din ang sinabi ko sa kanya. Medyo namula sa sinabi ko na napakaganda niya at malayo sa tunay na edad.

Natuwa pa ako sa tinuran niya na welcome na welcome ako sa pamamahay niya anytime at kung nanaisin ko ay puwede raw ako tumira doon. Muling kumislot ang alaga ko.

Ipinakita sa akin ang kabahayan niya na simple pero elegante pero kulang na kulang sa pagliligpit. Napansin ko rin ang lawn na naghahabaan na ang mga damo at bermuda grass, kulang din sa alaga ang mga garden.

Nasabi niya na problema talaga pag nagsosolo sa America at wala basta matatawag para mag ayos, ang lahat ay babayaran para meron kumilos.

Itinuro din ang kotse niya sa garahe na matagal nang hindi naandar. Kumislap ang mga mata niya nang sabihin ko na tutulungan ko siya maayos ang lahat ng dapat ayusin sa pamamahay niya.

Marunong ako kumilos sa mga gawain sa bahay at marunong din ako magmaneho at troubleshooting. Sabi niya, "Baka naman mahal ang serbisyo mo na sisingilin sa akin?" Sinabi ko na wala siya iintindihin sa akin.

"Ituring nyo na lang na ako ay naninilbihan tutal ay kakasalin tayo", ang sabi ko na nagpahagalpak ng tawa niya.

Sinuri ko muna ang kotse niya at napansin ko na pundido na ang baterya at marumi na rin ang langis. Sa loob ng dalawang oras ay na change oil ko ang makina at napaandar agad pagkapalit ng baterya.

Tuwang tuwa si Ma'am Sandra at muli ako nayakap at nagyaya na mag road test. Hindi ako pumayag dahil kailangan din ayusin ang preno na akin agad ginawa.

Kita ko ang kasiyahan sa facial expression niya habang minamaneho ang kotse niya. Napapahawak minsan sa akin kamay habang nagbibiyahe kami. Malayo din at matagal ang pasyal namin na inabot ng takipsilim.

Pinakain muna ako bago umalis at nagsabi ako na trimming ng bermuda grass sa garden niya ang isusunod ko. Nang magpaalam ako ay dumampi ang lips niya sa akin mga labi.

Natuwa naman si Daddy at si Tito pagbalik ko. Sa amin kuwentuhan ay problema talaga sa America na wala agad matatawag na tao sa mga oras ng pangangailangan at per oras ang bayad sa tao.

Maaga ako gumising at nagtungo agad kina Mam Sandra na inabutan ko nakaporma na ang kotse.
Muli ko nadama ang kalambutan niya nang yakapin ako. Ibinigay sa akin ang susi ng bahay at umalis na siya.

Nagtungo agad ako sa bodega at inilabas ang lawn mower. Saglit lang at trimmed down na ang bermuda grass. Binunot ko rin ang mga ligaw na damo at inayos ang flowering plants.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at napuna ko agad ang mga damit at underwear na kailangan labhan at isinalang agad sa washing machine. Pinalitan ko rin ang bed sheet at kumot sabay salang ng mga pinalitan.

Mahirap talaga ang solong katawan sa America dahil wala agad basta dadamay sa emergency. Iniligpit ko rin ang mga nakakalat na bagay at inilagay sa garbage bin ang mga dapat ibasura.

Sa huli ay nilampaso ko ang flooring at pinakintab. Nangiti ako sa aking sarili, puwede na pala ako maging dh, he he.