1. Home
  2. Stories
  3. Kinky Kittens' Chatroom Series 14: Sa Lingkis Ng Kamandag
Filipino Sex Stories

Kinky Kittens' Chatroom Series 14: Sa Lingkis Ng Kamandag

By takiyomi ·

Ang aking kwentong inyong matutunghayan ay gawa ng malikhaing kaisipan at hango sa malikot na imahinasyon at may halong kaunting katotohanan. Anuman ang pagkakahalintulad ng aking gawa sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lang. Nawa'y maibigan ninyo.

Ako si Hazel, 19 y/o, 5'11', morena, lean body, curly hair, color brown narrow eyes, cup size B, so hindi ako eksaktong taga-Africa though hindi katangusan ang aking ilong, hindi naman din ako pango. The say i look like Zendaya with the face of Patricia Tumulak but I said it's too much to be compared by them. Ako ang kontesera sa kinky kittens at Amazona daw dahil marunong ako sa taekwondo. Kaya panatag sila kapag ako ang kasama.

Ang Nakaraan: Dinala ni Vernon si Hazel sa kwarto na parang isang interrogation torture room. Isiniwalat ni Vernon ang malupit na sinapit noong siya'y bata pa hanggang sa lumaki sa kondisyong pasasakitan siya gamit ang ibinigay na flogger kay Hazel. Kumuha naman si Hazel ng kandila at sinindihan niya iyo upang ipalit sa flogger na ginagamit niya sa pagpaparusa kay Vernon. Naging epektibo ito matapos malaman ni Hazel na takot sa apoy si Vernon. Muli nilang napag-usapan ang planong gumanti kay Urbano na dating boyfriend ni Hazel.

Sa pagpapatuloy ng kwento…

Makalipas ang ilang araw matapos ang fiasco sa harap ng tarangkahan sa bahay ng mga Solis. May tumatawag sa smart phone ni Hazel at sinagot niya ito sa loudspeaker.

Hazel: Uhhhm! Hello?

Bumulaga kay Hazel ang tinig ni Urbano.

Urbano: Hazel, kumusta ka?

Hazel: Ohh! Bakit ka tumatawag?

May napansing kakaiba si Urbano sa boses ni Hazel.

Urbano: Bakit para kang humahangos?

Hazel: Nag-eexercise kasi ako.

Urbano: Alas onse ng gabi?

Hazel: Ahh! Bakit? Nagpapaantok lang ako. Ohh! Anong problema doon?

Urbano: Wala naman.

Hazel: Hmm! I-ikaw? Bakit ka tumatawag… ng ganitong oras?

Urbano: Naniniwala ka pa ba sa akin?

Hazel: Shit! Ahh! Sorry? Oo naman. Sasagutin ko ba ang tawag mo kung hindi ako naniniwala sa iyo?

Urbano: Napamura ka. Anong nangyari sa iyo.

Hazel: Ano kasi… sumabit ang tela ng damit ko sa treadmill. Teka hubarin ko na tutal ako lang naman ang nandito.

Urbano: Talaga? Pwede ba tayong mag video call.

Hazel: Bukas na lang. Magdya-jogging ako bukas nang umaga. Sabayan mo na lang ako kung gusto mo. Ohh! Ahh!

Urbano: Paano tayo magkikita?

Hazel: Fuck! Ohh! Mga alas sais hanggang alas siete. Uhhmm! Paikot ikot lang ako sa subdivision.

Urbano: Bakit napamura ka na naman?

Hazel: Iyong paborito kong damit kasi… Ohh! Nasira!

Urbano: Gano'n ba? Video call na tayo. Gusto kitang makitang mag treadmill.

Hazel: Sa ibang araw na lang. Matutulog na rin ako pagkatapos nito. Sprint na ako. Bye! Aah! Ohh! Hmm! Uhhm! Hoh! Aah!

In-off na ni Urbano ang kaniyang tawag kay Hazel. Napaisip si Urbano matapos marinig ang ungol at halinghing ni Hazel, "Parang hindi nagte treadmill si Hazel? Kung hindi siya nagpaparaos sa sarili, maaaring may kumakantot sa kaniyang iba."

Kinabukasan, alas sais n.u. sa loob ng subdivision

Mag-isang nag-jogging si Hazel suot ang kaniyang hoodie sweat jacket na kulay bubble gum blue at dark blue na jogging pants na may puting linya sa gilid nito na may suot ding rubber shoes na Sketchers na kulay light blue with silver linings. Nakataklob lang ang hood nito sa ulo niya at suot naman ang buckled straps sa kaniyang bewang na may nakasukbit na water sports canister sa magkabila nito.

Sumisilang pa lang ang araw noon at may kalamigan pa ang simoy nang hangin. May iilang tao na rin ang gising at nag-uunat lang sa tapat ng kanilang mga bahay. Ang iba naman ay abala na rin sa pagwawalis ng kanilang bakuran. Dahil ngayon niya lang ulit nakikita ang mga taong iyon, wala rin silang alam na siya si Hazel, ang apo ng dating mayor nilang si Mercurio Solis.

Mamaya pa'y may sumabay sa kaniyang isang lalake na mag-jogging, suot ang berde na may halong puti na singlet mula sa huling sinalihan niyang fun run marathon. May suot din siyang maikling red shorts at itim na Reebok rubber shoes na may mahabang medyas na halos abot hanggang tuhod na may linyang kulay pula at asul sa dulo nito.

Natawa nang kaunti si Hazel matapos makita ang mahabang medyas na suot ng sumabay na lalake. Tinanggal ni Hazel ang nakataklob na hood sa kaniyang ulo. Nasanay na siyang naka braid ang kulot niyang buhok dahil sa astig nitong porma. Matapos matawa ay itinago niya ang mga ngipin bago tignan ang kausap at nagwika, "Ayos ang porma mo ngayon, Ban 'ah? Nirarayuma ka ba? Bakit ang taas ng medyas mo?"

Sumagot naman si Urbano, "Madalas kasing magpawis ang mga binti ko saka hindi ako sanay sa ginaw. Ngayon lang ako nagising nang ganitong kaaga dahil sa iyo."

"So, kasalanan ko pala dahil inaya kitang mag-jogging nang ganitong kaaga?, taray na sabi ni Hazel kay Urbano na patuloy pa rin sa pagtakbo.

"Hindi naman. Medyo hindi lang ako nakatulog kagabi kakaisip sa iyo.", turan ni Urbano.

Iniba na ni Hazel ang usapan at kung ano ano na ang pinansin sa suot ni Urbano katulad ng singlet nito, "Nagmamarathon ka pala? Ibig sabihin malakas kang tumakbo?"

"Hindi naman. Nakuha ko lang ito dahil may sinuportahan akong fun run. Alam mo na, para daw sa kalikasan.", bulalas ni Urbano.

"Maniwala ka sa mga fun run, fun run na iyan. Pera lang habol ng mga iyan. Pwede ka naman mag-jogging katulad ng ginagawa natin. Libre pa.", wika ni Hazel.

"Ano nga pala, Hazel. Paano ang usapan natin na magtatanan tayo?", nahihiya pang tanong ni Urbano.

"Usapan? Pumayag na akong maging tayo ulit pero hindi natin napag-usapan ang tungkol doon.", kunot-noong sabi ni Hazel.

"Nabanggit ko kasi noong nandoon tayo sa harap ng gate ng daddy mo. Sinabi ko sa iyo na magsama na tayo ng anak natin at iwan na natin ang pamilya mo.", ani Urbano.

Huminto si Hazel sa pagdya-jogging at namewang. Taas-kilay na kinausap si Urbano, "Sa tingin mo, napapayag mo ako? Sinabi ko lang sa iyo na mag-uusap pa tayo matapos n'un."

"Akala ko kasi malinaw na sa iyo kung bakit ako naroroon?", wika ni Urbano.

Mula sa buckled strap sa bewang na suot ni Hazel, nakakabit din doon ang kaniyang smart phone at kumuha ng wireless earphones sa bulsa ng kaniyang jogging pants at isinuot ito sa magkabilang tainga niya.

Muling nagpatuloy si Hazel sa pagdya-jogging at ganoon din ang ginawa ni Urbano na nakasabay lang sa phasing ni Hazel.

"Look, sinusubukan ko pa kung magwo-work pa ang relasyon natin. Pero mukhang minamadali mo ako. Gaano ka ba kabilis?", inis na tanong ni Hazel habang lumiliko sila sa kanto.

"Sa lalong madaling panahon sana. Gusto kong makasama ka sa pagpunta ko ng Canada at doon na tayo mamumuhay nang tahimik at masaya.", ang nais na mangyari ni Urbano para sa kanila ni Hazel.

Napansin ni Hazel na walang gaanong tao sa kalyeng nilikuan nila kaya pinindot ni Hazel ang speed dial sa smart phone habang binababa ang zipper ng suot niyang hoodie sweat jacket.

Sumagot ang tinawagan niya sa smart phone at nagsabi si Hazel dito na, "Sige, papunta na ako sa usapan natin."

Nagtaka si Urbano sa sinabi ni Hazel, "Huh? Anong sabi mo?"

Minali ni Hazel ang narinig ni Urbano. Sa halip ay muli niyang tinanong ito ng, "Ang sabi ko, gaano ka kabilis?"

Pagkasabi'y mabilis niyang hinubad ang suot na sweat jacket at ibinato sa mukha ni Urbano. Nahinto si Urbano sa pagdya-jogging matapos itapon sa mukha niya ang sweat jacket ni Hazel. Nang matanggal niya ang naturang jacket sa mukha ay nakita niyang nakalayo na si Hazel na walang pang-itaas na suot. Hubad na likod na lang ni Hazel ang natanaw niya sa 'di kalayuan. Kaya pinilit pa niyang habulin ito at malakas na tinawag ang umiwan sa kaniya, "Hazel! Sandali lang. Hintayin mo ako. Hindi pa tayo tapos mag-usap!"

Natatawa lang si Hazel matapos kumaripas nang takbo at iwan nang ilang metro si Urbano. May nasalubong pa siyang ale na nagwawalis sa sidewalk, binati pa niya ito at kumaway sa ginang. Natulalang kumaway pabalik sa kaniya ang ginang matapos siyang makitang nagdya-jogging na walang suot pang-itaas. Sa suso nitong may cup size B, umaalog naman ito at dala rin ng lamig ng umaga, matitigas ang mga utong nito na may nakakabit pang piercings katulad din sa pusod niya.

Kumaway din siya sa isang matandang lalake na nagkakape at naibuga pa nito ang iniinom na kape matapos siyang makitang half naked.

Nakasalubong pa niya ang mag nobyo na katulad niya ring nagdya-jogging at titig na titig sa kaniya ang lalake na lumuluwa na ang mga mata kakatitig sa kaniyang umaalog na boobs. Natawa din si Hazel matapos takpan ang mga mata ng lalake ng kaniyang girlfriend at hindi na niya narinig ang sigaw at mura ng girlfriend sapagkat nakasalang sa wireless earplugs niya ang musika ni Avril Lavigne na may pamagat na 'Girlfriend'.

Muling lumiko si Hazel sa kanto at doon na niya nakita ang nakaparadang Black Ford SUV Explorer. Agad siyang nagtungo roon at binuksan ang pinto sa harap nito.

Nang makita si Vernon sa driver's seat ng naturang SUV, binati niya ito, "Maayong buntag, gugma ko."

"Wow! Half naked ka? Hindi ka ba giniginaw?", pag-aalalang tanong ni Vernon.

"Nagbato ulit ako ng souvenir kay Urbano saka ako kumaripas nang takbo.", bulalas ni Hazel.

Binalabal ni Vernon ang tuwalya sa hubad na katawan ni Hazel at nagsabi ito, "Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Giginawin ka niyan sa ginagawa mo."

"Alam ko kasing aabutan ako ni Urbano kapag hindi ko tinabunan ang panget niyang mukha para huminto sa pagdya-jogging.", paliwanag ni Hazel.

Napansin ni Hazel na paparating na si Urbano at huminto sa may kanto. Yumuko ito at hinawakan ang mga tuhod habang nagpapahinga dala nang hingal sa pagtakbo.

"Speaking of impakto, ayan na siya. Tara alis na tayo, Vernon.", aya ni Hazel subalit si Vernon ang nagpaandar ng sasakyan at tuluyan na ngang umalis ang SUV sa lugar na iyon.

"Maiba nga pala tayo. Pumayag na ang Papa mo na maging bise alkalde ng Tatay ko matapos ang pag-uusap nila noong isang gabi.", bulalas ni Vernon.

"Talaga? Lalong maglalapit ang mga pamilya natin, Vernon.", tuwang sabi ni Hazel sabay angkla at halik sa braso ni Vernon saka inunan ang balikat ni Vernon.

"Oo, at ayaw na nilang maupong muli ang mga Conde at Raymundo bilang pinuno ng bayang ito. Kapag nanalo na ang mga tatay natin, Hazel. Pakasal na tayo.", pahayag ni Vernon.

Bumitiw sa pag-angkla si Hazel sa braso ni Vernon. Tumingin ito sa kaniyang bintana at nagkrus ng kaniyang mga braso at tumanggi ito sa alok ni Vernon, "Ayoko pa muna, Vernon. Hindi pa nga natin naisasakatuparan ang paghihiganti natin kay Urbano. Ayokong magmadali."

"Naiintindihan ko, Hazel. Smile ka na. Huwag ka nang masungit. Sige ka, papangit ka tulad ko.", panakot na biro ni Vernon.

"Isang pang dahilan iyan. Ayokong masunog ka kapag pumasok ka ng simbahan.", pabirong asar ni Hazel.

"Siraulo! Hahaha! Sa tingin mo ba, balak kong ikasal sa simbahan? Sa beach tayo kung sakali.", ani Vernon.

"Mangyayari naman lahat iyan. Basta magtapos muna tayo ng college, okay?", wika ni Hazel na nagbigay ng kundisyon kay Vernon.

"Kahit ikaw lang ang makatapos. Ako na lang mag-aasikaso ng mga negosyo natin.", sabi ni Vernon.

"Sige sana dumami pa ang tattoo art shops mo.", hiling ni Hazel para kay Vernon sabay balik ulit ng kaniyang ulo sa balikat ni Vernon.

Biglang may nag-ring sa kaniyang smart phone. Kinuha ni Hazel ito sa kaniyang baywang at sinilip kung sino ang tumatawag. Nang makita ang pangalang 'Nognog', kinansel niya ito. Tuwag ulit si Urbano subalit kinakansel lang ulit ni Hazel. Hanggang magpadala na ito ng mensahe.

Urbano: Pinaglalaruan mo ba ako? Kapag hindi ka ulit nagpakita sa akin, mag-eeskandalo ako sa harap ng gate niyo.

Sumagot naman agad si Hazel.

Hazel: Alas sais ng gabi sa Playgroundz Gym.

Pagkatapos magbigay ni Hazel ng mensahe. Binalik niya ito at sinukbit sa kaniyang buckled strap sa baywang.

Nahalata ni Vernon na kausap ni Hazel si Urbano sa messenger dahil bumubuka ang bibig ni Hazel habang nagta-type ng message at binanggit ni Vernon ang lugar na pagtatagpuan nina Hazel at Urbano, "Playgroundz? No play, no game?", natatawa pa si Vernon pagkatapos sambitin ang pangalan ng gym.

"Di ba dapat, no pain, no gain 'yun?", tuyang tanong din ni Hazel.

"Parang ganito raw 'yan sabi ni Tito Dalton, 'no basket, no ball, no basketball'.", paliwanag pa ni Vernon.

"Walang mangyayari kung walang magaganap. Potential to kinetic if you know what I mean.", dagdag pa ni Vernon na ginagaya pa ang boses ng kaniyang Tito Dalton.

"Para pala siyang si Asiancutie na may sense. Sinabi ba talaga ni Tito Dalton iyon?", tanong ni Hazel.

"Hahaha! Ang hilig mong manood ng vlog. Oo, sinabi niya iyon. Nakakatawa lang kasi, napaka-defensive niya kasi sa pagbibigay niya ng pangalan sa kaniyang gym, ang dami niyang kuda.", natatawang sabi ni Vernon.

"Don't stop dreaming, keep sleeping.", birong sambit ni Hazel.

"Di ba believing iyon? Hahaha.", tawa ni Vernon sa biro ni Hazel.

"Basta kung ako iyan, ipapangalan ko, Serpent's Lair.", dagdag pa ni Vernon.

"Bakit palaging tungkol sa ahas? Kung si Tito Dalton, baduy magpangalan. Ikaw naman obsessed na sa mga ahas.", wika ni Hazel.

"O baba na. Itapis mo na iyang tuwalya at magbihis. Sabayan nating mag almusal si Lolo Rio.", wika ni Vernon matapos iparada ang SUV sa garahe sa bahay ng mga Solis.

Alas sais n.g. sa Playgroundz Gym

Nagsimula si Hazel na mag-inat para sa kaniyang warm-up exercise. Suot ang black tube bra kasama ang kaniyang paboritong black fish net tank tops, black yoga leggings at black Sketchers rubber shoes. Nakatirintas pa rin ang kaniyang buhok na parang si Hillary Swank sa pelikulang Million Dollar Baby.

Kahit studio type ay may kalakihan ang gym. Puno ng malalaking salamin ang bawat dingding nito. Kumpleto sa gym equipments pati timbang ng mga dumbbells mula 2.5 lbs. hanggang 30 lbs. na nakadisplay sa mga racks. Steel bars sa ilalim ng racks at nakatabi ang mga steel plates mula 5 lbs. hanggang sa pinakamabigat nilang 50 lbs. May steel lockers din sa dulo para sa mga miyembro. At nakalapag naman ang rubbber mats sa sementadong pulang sahig.

Habang nasa harap ng salamin, inunat ni Hazel ang mga braso pataas daan para makita ng iba pang kalalakihan na naroon ang kaniyang bagong ahit na kili-kili. Tanging si Hazel lang ang nag-iisang babae kasama ng iba pang mga lalake na nagdyi-gym din tulad niya. Kaso lang, talagang distracted ang iba lalo nang bahagya niyang ibuka ang mga hita niya at yumuko upang abutin ang magkabilang dulo ng mga paa niya nang salitan.

Habang nakatuwad siya, pinag-uusapan na siya ng tatlong magtropa kung may panty ba siyang suot o wala. "Pare, wala akong napapansing panty line sa p'wet niya.", puna ng isa. "Tol, mabilog at malaman ang p'wet ni miss beautiful.", susog naman ng pangalawa. Kaya hindi na natiis ng pangatlo, "Mamaya lang makikipagkilala ako d'yan para malaman natin kung may panty ba siyang suot o wala."

Patuloy pa rin sa pag-inat si Hazel kahit nakakahalata na siya ang pinag-uusapan ng tatlong nasa likuran niya. Malalaki ang mga katawan nito at matatangkad kaya medyo kabado si Hazel kapag napagkaisahan siya ng mga ito. Subalit hindi siya nagpahalata bagkus ay tuloy lang siya sa kaniyang warm-up exercise.

Inunat niya ang kaniyang braso kasama ang kaniyang tadyang pakaliwa at ganoon din sa kanan habang nakabuka pa rin ang kaniyang mga hita. Pagkatapos ay nag jumping jacks pa siya ng sampung beses. Tumatalbog ang kaniyang p'wet subalit hindi ang kaniyang dibdib sa sikip at hapit ng kaniyang suot na tube bra. Doon na lumapit ang pangatlo na naka skinhead ang pagkakalbo nito.

"Miss, napansin ko wala kang kasama.", puna ni kalbo.

"May hinihintay ako, mamaya parating na iyon.", sabi ni Hazel.

"Gusto mo alalayan kita habang hinihintay ang kasama mo?", prisenta ni kalbo.

"Okay lang naman basta huwag mo akong pwersahin.", pagpayag ni Hazel.

"Sige kung ano lang ang kaya mo.", pagtiyak ni kalbo sabay senyas ng okay sa dalawang kasama. Nag-apiran naman ang dalawa habang nanonood lang sa diskarte ni kalbo.

Hindi pa man nagsisimula ang kalbo kay Hazel nang biglang dumating si Urbano suot ang iniwan nitong hoodie sweat jacket. Maikling pulang shorts at black Reebok rubber shoes gaya n'ung suot niya matapos ang jogging nila kaninang umaga.

Nang makita ni Urbano si Hazel agad niyang tinanong ito nang may mataas na tono, "Bakit mo naman ako iniwan?"

Nagtanong si kalbo kay Hazel, "Heto ba iyong sinasabi mong hinihintay mo?"

Umiling si Hazel, "Hindi pa iyan. Kakilala ko lang iyan. Mayroon talaga akong hinihintay. Stretching muna ako sa legs habang nakahiga ako. Tulungan mo akong iunat…", turan ni Hazel habang hinihintay na sabihin ang pangalan ng kausap.

"Howard, ma'am.", pakilala ni kalbo.

"Hazel, pleased to meet you.", pakilala naman ni Hazel sa sarili. At nakipagkamay siya kay Howard.

"Coward, ako naman si…", sabat ni Urbano.

"Sinong coward?", kunot-noong tanong ni Howard kay Urbano.

Lalapitan na sana ni Howard si Urbano nang bigla siyang hawakan ni Hazel sa bisig nito. "Hayaan mo na siya hindi naman kasi lalaban sa iyo iyan. Dati ko siyang friend na beki.", awat ni Hazel kay Howard.

"Ganoon ba? Kaya pala ganyan ang suot niya pambabaeng sweatshirt.", sabi ni Howard pansin ang suot nitong hoodie.

"Hazel, pinapunta mo ba ako para insultuhin mo? Iyang kalbo ba ang ipapalit mo sa akin.", galit na binulyawan ni Urbano si Hazel.

"Ang sabi mo, gusto mo lang akong makita. O ayan nakita mo na ako. Kung gusto mo panoorin mo ako habang nagdyi-gym o kung wala kang kailangan dito, umalis ka na.", ani Hazel na nakakapit pa rin sa bisig ni Howard.

"O, narinig mo. Kung wala kang gagawin dito, bakla. Lumayas ka na!", taboy ni Howard.

"Sino sa tingin mo ang bakla? Hindi ako natatakot sa iyo, Coward!", dilat-matang sabi ni Urbano kay Howard.

Sumabat ang isa sa kasamahan ni Howard, "Gusto mo, 'tol, sa labas na namin pagtulungan ito.", sabay na tumayo ang dalawa na nakaupo kanina sa bench na may nakasalang na 200 lbs. na barbell.

Natameme si Urbano matapos malamang may dalawang malaking kasama si Howard. Bahagya siyang humakbang paatras.

"Guys, pakiusap. Hayaan niyo lang si Bunny mag-stay dito. Kung hindi ka magdyi-gym, Bunny, hintayin mo na lang ako matapos saka tayo mag-usap.", pagsamo ni Hazel.

Tumango lang si Urbano at kumalma ngunit nagyabang pa rin ito sa tatlo, "Pasalamat kayong tatlo, kung hindi dahil kay Hazel, pinagbuhol-buhol ko na kayo."

"Gago, ikaw ang pasalamat. Kung hindi kay miss beautiful, manghihiram ka ng mukha sa aso. Sandali, parang nakahiram ka na 'ata?", tuya ng isa sa kasama ni Howard.

"Nagbibiro lang iyan. Huwag niyo nang pansinin. Hihiga na ako at nasayang na ang warm-up ko.", wika ni Hazel habang humihiga sa rubber mats.

Nang makahiga si Hazel, lumuhod naman si howard at hinawakan ang kaliwang hita ni Hazel. Hinimas niya ito hanggang binti saka nito inangat upang unatin.

"Ituwid mo lang ang tuhod mo, Hazel.", sabi sa kaniya ni Howard. Sumunod naman si Hazel at itinulak pa ni Howard ang binti ni Hazel pababa hanggang sa kaya lang ni Hazel. Naramdaman ni Hazel na dumikit ang matigas na uten ni Howard sa kaniyang pigi na nakabakat na sa shorts nito.

Samantala, hinubad na ni Urbano ang sinuot nitong hoodie at ang panloob na lang black tank tops na lang ang suot nito. Minabuti na ni Urbano na mag-work out na rin habang hinihintay na matapos si Hazel sa kaniyang work out. Sumalang ng tag 50 lbs na steel plates sa pagitan ng barbell bar at humiga sa bench upang simulang gawin ang bench press.

Habang sumunod namang inunat ni Howard ang kanang hita naman ni Hazel. Bumilang si Howard ng sampu. Tumingin si Howard sa dalawa at ngumingiti lang sa kaniya ang mga ito sabay senyas ng okay.

Pagkatapos mag-inat, inipit ni Howard ang mga paa ni Hazel at madiing hinawakan ang mga tuhod nito. At sinimulan ni Hazel mag crunches habang bumibilang naman hanggang sampu si Howard. Nakatingin lang si Howard sa kili-kili ni Hazel habang nakahawak ito sa batok nito. Bawat bangon ni Hazel ay ninanamnam ni Howard ang pagtitig sa magandang morena. Kahit na tumatagaktak na ang pawis ni Hazel ay mabango pa rin itong tignan na halos gusto nang idikit ni Howard ang mukha niya sa tuwing lumalapit ang mukha ni Hazel.

Matapos ang crunches, tinanong ni Howard si Hazel kung anong fitness program ang isusunod nito subalit nagpaubaya na lang si Hazel, "Hindi ko alam, sir. Ikaw na lang bahala kung ano pang gagawin ko."

Tumingin si Howard kay Urbano na patuloy pa rin ang ginagawang bench press nito. Kaya nagmungkahi na lang na, "Leg program na lang tayo tutal nakapagstreching ka naman sa hita mo. Kaya mo ba ang barbell squats?"

"Paano iyon?", usisa ni Hazel.

Nagbigyan ng halimbawa si Howard at agad na pumuwesto sa squat racks. Pinanood naman ni Hazel ang ginagawa ni Howard buhat nito ang barbell na may bigat na 200 lbs.

Pinuri ito ni Hazel, "Ang lakas mo pala , kuya?"

Taas-noo namang sinabi ni Howard na, "Pang unang set ko lang ito. Pinakamabigat na nagawa ko umabot ng 500 lbs."

Sumabat naman mula sa 'di kalayuan si Urbano, "Pasikat ka naman masyado, Coward. Mamaya kapag sinalangan ka ng 500 hindi mo mabunot kahit isa."

"Wala akong kailangan patunayan sa iyo, bunny girl. Baka hindi mo nga mabunot itong 200 na minamani ko lang.", yabang pa ni Howard kay Urbano.

"Tama na iyan. Gusto kong subukan, kuya. Kaso hindi ko kaya ang binubuhat mo.", wika ni Hazel.

Kaya naman, sinalangan na lang ni Howard ng tag 25 lbs ang magkabilang dulo ng barbell bar. At pumorma na si Hazel sa squat racks na nakaharap sa salamin.

"Subukan mo lang ang timbang nito, kapag magaang sa iyo, dagdagan natin. Huwag kang mag-alala, nandito lang ako para umalalay sa iyo.", pagtiyak ni Howard.

Sinimulan na ni Hazel ang pag squat habang nakalagay ang bars sa kaniyang balikat. Masayang pinagmamasdan ni Howard mula sa salamin si Hazel. Dahil nakaangat na naman ang kili-kili nito habang buhat ang barbell.

"Iyong hinlalaki mo, huwag mong ipasok sa bar, dapat nakalabas lang para hindi ka mapilayan. Iyong paghinga mo, dapat tama. Kapag binababa mo ang barbell, inhale, kapag paangat, exhale. Kapag nakasampu ka na, pahinga.", abiso ni Howard kay Hazel at natapos naman ni Hazel ang unang set sa barbell squats.

"Tama ba ang ginagawa ko?", tanong ni Hazel. Sumenyas naman ng okay si Howard. Ngumiti naman si Hazel.

Sa pangalawang set ng barbell squats, dinagdagan pa ng tag 25 ni Howard ang magkabilang dulo ng barbell bar kaya umabot na sa 100 lbs ang bigat ng steel plates.

Nangamba si Hazel, "Baka hindi ko mabuhat iyan."

"Subukan mo lang, ganda. Aalalayan kita sa likod.", pagtiyak ni Howard.

Pumorma na si Hazel sa squat racks. Hinawakan naman ni Howard ang baywang ni Hazel. Pasimpleng hinaplos ni Howard ang pigi ni Hazel gamit ang magaspang niyang kamay. Nahalata naman ni Hazel iyon ngunit hinahayaan niya na lang at nakikiramdam kung napapansin ito ni Urbano.

Bumuka ang bibig ni Howard sa dalawang kasama at binabasa lang ng mga ito ang kaniyang mga labi na ang sabi'y, "Parang walang panty." Nanlaki naman ang mga mata ng dalawa matapos pilit na inintindi ang walang tinig na bibig ni Howard.

Sa tuwing tumutuwad pababa si Hazel, tumatama ang matigas na uten ni Howard sa kaniyang puwitan habang nakaalalay naman ang mga kamay ni Howard sa mga siko ni Hazel. Lalong tumitigas ang kargada ni Howard na parang gusto na niyang ipasok sa malamang p'wet ni Hazel.

Nang matapos ni Hazel ang set sa squat racks, hinarap niya si Howard at nagtanong, "May isang set pa 'di ba?"

"Okay na iyon. Bumuhat ka na ng mabigat, baka mapwersa ka. Mag bench press na tayo.", turan ni Howard.

Eksakto namang natapos si Urbano sa kaniyang pangatlong set na may salang na 120 lbs sa kaniyang barbell. Kaya nagpahinga muna at umupo habang pinagmamasdan si Hazel mula sa squat racks.

Nang mapansin ni Howard na tapos na si Urbano sa pagamit ng bench. Inaya na niya si Hazel para lumipat sa naturang bench. Nang mapansin ni Hazel na bumababa ang kaniyang suot na black leggings, hinatak niya ito paangat. Lumuwa ang mga mata ng tatlo nang humapit ang leggings sa matambok na puke ni Hazel na kinain pa ang tela ng suot nitong leggings. Kaya bumakat dito ang matambok niyang puke na parang cameltoe. Subalit nag-alangan sila sa sinabi ni Howard na wala itong panty matapos maaninag ang larawan ng pusa sa bandang puke nito.

"Punta na tayo sa bench. Sabihin mo kay Bunny na gagamitin mo ang bench para makapag bench press tayo.", utos ni Howard kay Hazel.

Tumalima naman si Hazel at agad na lumapit kay Urbano habang nakaupo ito sa bench at nagpapahinga. Malambing naman na nakiusap si Hazel, "Ban, gagamit ako nito. Okay lang?", patungkol sa inuupuhang bench ni Urbano.

Dala nang pakiusap ni Hazel, tumayo naman si Urbano at lumayo sa bench upang magbigay daan kay Hazel. Nakutuban ni Urbano na hindi maganda ang binabalak ng mga ito matapos mabanaag sa mga mukha nito ang malagkit na titig sa kaniyang girlfriend.

Kaya minabuti ni Urbano na obserbahan ang kinikilos ng mga ito ngunit nakahalata sa kaniya si Howard at sinabi, "Hoy, bakla? Huwag kang nanonood sa amin. Maghanap ka ng pagkakaabalahan mo."

"Bakit, coward? Naiilang ka ba na hindi mo magawa ang kamanyakan mo?", patol ni Urbano kay Howard.

"Hazel, ako na lang ang aalalay sa iyo. Wala akong tiwala sa mga mokong na ito.", prisenta ni Urbano kay Hazel.

Tila parang walang narinig si Hazel kaya naman sinabihan niya si Howard na, "Spot mo na lang ako kapag hindi ko kaya, kuya. Wala namang gagawin si bunny kaya hayaan niyo na lang siyang manood."

"Pasalamat ka, bunny girl. Kung hindi dahil kay miss beautiful, binuntalan ka na naming tatlo.", tuya ni Howard kay Urbano habang nagtatawanan naman ang kaniyang dalawang kasama.

"Ganoon ba? Magkamali lang kayo ng galaw kay Hazel, kayo ang bubuntalin ko.", banta ni Urbano.

"Tapang nito. Kasasabi lang ni miss beautiful, wala ka namang kayang gawin sa amin.", sabi ng isa sa kasama ni Howard.

"Kung ako sa iyo mananahimik na lang ako. Kawawa ka lang sa amin.", sabi naman ng isa pa.

Bumulong si Urbano sa sarili, "Tignan na lang natin." Sumandal sa pader si Urbano at kinurus ang kaniyang mga bisig habang pinanonood lang si Hazel sa kaniyang bench press.

Nang mahiga na si Hazel sa bench, ininat pa niya ang kaniyang mga braso upang ihanda ang sarili sa pagbuhat. Si Howard naman ay pumunta naman sa uluhan ni Hazel at kinalas ang mga steel plates na nakasalang at pinalitan ito ng tag 25 lbs sa magkabilang dulo.

Pagkatapos maisalang, binigyan pa ni Howard ng tips si Hazel kung ano ang tamang gagawin, "Basta labas ang hinlalaki sa bar, inhale kapag bababa, exhale kapag aangat. Ready ka na?" Tumango at ngumiti lang sa kaniya si Hazel.

Dahil malapit na sa mukha ni Hazel ang harapan ni Howard, hindi niya maiwasan na tumitig sa nakabukol nitong alaga. Nangiti lang si Hazel dahil may hinala na siya kung bakit tumigas ang nakabukol nitong kargada.

Binunot na ni Hazel ang barbell sa rack at bahagyang umalog ito. Umangal si Hazel, "Mabigat, kuya."

""50 lang iyan. Hindi bale, nandito lang ako. Spot kita.", pagtiyak ni Howard na aalalayan si Hazel kaya naman inilagay niya ang mga kamay sa ilalim ng barbell bar at dahan-dahan binababa ni Hazel ang barbell sa tulong ng spot ni Howard. Hanggang umipit na ang kamay niya sa pagitan ng barbell bar at dibdib ni Hazel. Lalong bumukol ang kaniyang ari sa suot niyang shorts. Kaya pasimple rin niyang dinidikit sa noo ni Hazel ang kaniyang burat.

Samantalang ang dalawa naman ay nakatitig sa matambok na puke ni Hazel at curious pa rin sila kung ito nga ay may suot na panty o wala. Kaya gumawa na rin ng paraan ang isa upang makatyansing sa hita ni Hazel at nagsabi ito na, "Dapat miss beautiful, hindi umaangat itong tuhod mo habang bumubuhat ka." Kaya diniinan niya ang hita ni Hazel at may kasama pang pisil dito.

Binalik na ni Hazel ang barbell mula sa rack at saka umupo upang makapagpahinga nang saglit. Nagpatay-malisya lang si Hazel hanggang matapos niya ang unang set niya sa bench press at sinabi na, "Whoa! Ang hirap naman pala nito." Kinausap naman ni Hazel ang lalake na humipo sa kaniyang hita, "Kuya, kailangan bang hawakan mo ang hita ko? Wala kasi akong buwelo."

""Oo para mag concentrate lang ang buhat mo sa dibdib mo.", palusot ng lalake.

Tumingin naman si Hazel kay Urbano hanggang magtama ang kanilang mga mata at ngumisi lang siya na parang nakakaloko.

Sabi naman ni Howard sa isang lalake na walang boses na binuka ang bibig at tumuro siya sa baba, "Pare, game 'to.", patungkol ang usapan kay Hazel. Tumango at ngumiti lang ang lalakeng kausap niya.

Humiga ulit si Hazel at binunot ang barbell sa rack. Sa pagkakataon na ito, mas lalo pang dinikit ni Howard ang kaniyang bukol sa mukha ni Hazel habang binababa ni Hazel ang barbell na umipit ulit ang mga kamay ni Howard sa suso ni Hazel. Dinama niya nang mabuti ang utong ni Hazel at napansin ang tigas nito. Sinalat nang maigi hanggang napansin niya na, "May hikaw ang utong nito.", mahinang sabi ni Howard sa mga kasama.

At dahil nakadagan kay Hazel ang barbell, wala siyang kapalag palag habang sinasabi nang malakas ng kasama ni Howard na, "Uy, pare. Totoo nga! Walang panty 'to. Basa ang puke nito."

Sumabat na ang isa sa kanila, "Hindi ako naniniwala, may pusa akong nakita kanina."

Umangal na si Hazel, "Teka, anong gagawin niyo?"

"Mabuti pa, hubarin ko na ito para matigil na ang agam-agam nating tatlo.", sabi pa ng isa habang akmang huhubarin na ang suot ni Hazel na black yoga leggings.

Biglang may dumapong suwelas ng black rubber shoes sa mukha ng lalake. Sinipa pala ito ni Urbano. Bumagsak ang lalake sa rubber mats sa lapag.

Agad na inangat ni Urbano ang barbell na nakadagan kay Hazel. Tumayo si Hazel at sinampal si Howard. Napaatras sina Urbano at Hazel palayo sa bench at ibinalabal ni Urbano ang hoodie sweat jacket sa likod ni Hazel.

Sumigaw ang isang kasama ni Howard, "Ang lakas ng loob mong makialam sa amin."

Sinumbatan ni Urbano si Hazel, "Hindi mo ba nahahalata na kanina ka pa minamanyak ng mga ito? Pasalamat ka't nandito ako para ipagtanggol ka.", sabay yakap kay Hazel.

"Miss, bakit mo naman ako sinampal? Akala ko game ka sa aming tatlo?" turan ni Howard habang hinihimas niya ang pisngi kung saan siya sinampal ni Hazel.

Magsasalita pa lang sana si Hazel upang ipagtanggol ang sarili nang may marinig silang sigaw mula sa bungad ng gym, "Sa amin kayo makipaglaro!"

Lumitaw sa kanila ang isang lalaki na malaki rin ang katawan at may taas ito na 5'9" suot ang white sando na may logo ng Playgrounz Gym, nakapulang jogging pants ito at slippers na pula.

Nagimbal si Howard nang makita ang pinanggagalingan ng tinig, "K-kamandag?!"

"Bakit po kayo narito, Kamandag?", tanong naman ng isa.

Nagulat si Hazel dahil inakala niya na si Vernon lang ang pupunta sa gym para sunduin siya ngunit kasama niya pala si, "Tito Dalton, Vernon, magkasama kayo?" Ngiti lang ang tugon ni Vernon.

"Bakit sa gym ko pa kayo nambabastos? Ano ba ang sinabi ko na igagalang ang mga babaeng nagdyi-gym dito dahil para sa lahat ito?", sigaw ni Dalton sa tatlo.

Humingi ng paumanhin ang tatlo, "Sorry po, Boss Dalton. Sorry, Kamandag."

"Dipende iyan sa kung anong ginawa ninyo kay Hazel. Malalaman ko rin kay Hazel iyan mamaya.", sabi ni Vernon.

Nagulantang si Hazel matapos ibulalas ng tatlo kung sino ang kinatatakutan nilang Kamandag, "Teka muna? Si Vernon ba ang tinutukoy niyo na Kamandag?" Tumango lang ang tatlo patunay sa kanilang bulalas.

Muling nagyabang si Urbano at minaliit niya ang kinatatakutan ng tatlo, "Heto ba ang tinutukoy niyong Kamandag? Alam niyo bang ginulpi ko ito noong isang araw?"

Inamin din ni Howard ang ginawa nila noon kay Vernon, "Ganoon din kami, hinayaan niya kaming bugbugin siya. Hanggang isang araw, dinala niya kami sa isang madilim na lugar na may malaking ahas."

"Eh bakla ito. Paano kayo tinalo nang isang bakla?", patuloy na pangmamaliit ni Urbano kay Vernon.

"Gusto mo ng tunay na laban? Tito Dalton, ihanda mo ang ring.", bilin ni Vernon kay Dalton patungkol sa boxing ring.

"Sige, bakla. Hindi kita uurungan kahit kampon ka pa ni Satanas.", tanggap na hamon ni Urbano.

Binuksan ni Dalton ang pinto ng kabilang silid na may boxing ring sa gitna nito at binuksan din niya ang ilaw nito upang makita ang kabuuan ng boxing gym. May mga punching bag sa gilid nito at may mga bangko rin kung saan pwedeng manood ng laban sa ring habang nakaupo.

Hindi mapigilan ni Hazel magtanong kay Vernon habang hinuhubad nito ang itim na t-shirt, "Vernon, bakit Kamandag ang tawag nila sa iyo?"

Sinagot naman niya si Hazel habang hinuhubad naman ang mga sapatos at medyas nito hanggang pantalon at dog chain na lang ang natirang suot ni Vernon, "Hindi ko na ikakaila, ako ang founder ng Guarida de Serpientes." At nagtungo na siya sa boxing ring habang hinihintay siya ni Urbano.

"Para mas maganda ang labanan, Nognog. Magkasundo tayo sa isang usapan.", pahayag ni Vernon habang pinulupot ang mahabang tirintas niyang buhok sa kaniyang leeg.

Sumama rin sa loob ang tatlo upang saksihan ang laban nila Urbano at Vernon. "Kahit wala na si Mayor Solis sa pwesto, malakas pa rin ang pamilya nila lalo't deputy director ang tatay ni Kamandag.", tsismis ng isa.

"Balita ko nga tatakbo naman ang tatay ni Kamandag bilang mayor sa susunod na eleksyon. Kaya tuloy tuloy ang paghahari nila rito.", dagdag naman ng isa pa.

"Hindi iyan ang pinangangambahan ko, si Kamandag mismo. Ang lupit niyan. Alam niyo ba na ang sikreto niya ay binabatak niya ang mga paa't kamay niya upang humaba nang husto. Kaya kahit malalaki sa kaniya, kaya niyang patumbahin.", sabi naman ni Howard.

"Kaya nga gusto kong malaman kung hanggang saan ang yabang ni bunny girl.", sabi ng isang kasama ni Howard.

"Malamang bunny snacks na siya ng isang ulupong.", wika naman ng isa habang nagbi-video gamit ang smart phone.

"Anong gusto mong pagkasunduan natin, bakla?", tanong ni Urbano na patuloy pa rin sa pag insulto kay Vernon.

"Bakla ba ako kung hihilingin ko na kapag nanalo ang isa sa atin, girlfriend na niya si Hazel?", pahayag ni Vernon.

"Ah ganoon? Hazel, okay ka ba sa ganito?", sigaw na tanong ni Urbano kay Hazel.

"Go, Bunny! Alam ko kaya mo siya. Natalo mo na si Vernon kaya huwag kang magpapatalo.", cheer ni Hazel kay Urbano.

Dumapa si Vernon at nag-inat upang paghandaan ang laban niya kay Urbano ngunit nagmistula itong isang pakitang-gilas matapos niyang ipatong ang mga paa sa kaniyang ulo na parang walang gulugod. Namangha ang lahat kasama si Hazel nang makita na nagagawa ni Vernon na maibaluktot ang katawan nito.

"Anong ginagawa mo? Freak show sa circus? Huwag na nating patagalin 'to!", insulto ni Urbano kay Vernon sabay sumugod ito habang nag-iinat si Vernon. Ngunit laking gulat ni Urbano nang ituwid ni Vernon ang mga braso at nag backflip. Tumama sa dibdib ni Urbano ang kaliwang paa ni Vernon matapos ang backflip nito.

"Iyon na 'ata ang tinatawag nilang 'scorpion kick' ni Kamandag. Bihasa si Kamandag sa estilo ng Yaw Yan. At talaga namang malakas ang sipa niya.", wika ni Howard habang pinanonood ang laban.

"Nakakainip kapag walang music 'no, Hazel?", sabi ni Dalton kay Hazel kaya pinatugtog nito ang musikang 'Down with the Sickness' ng Disturbed.

Nakabawi naman si Urbano matapos bumitaw ng suntok sa sikmura ni Vernon. Subalit tumindig si Vernon at pinagpag lang ang tinamong suntok kay Urbano at minaliit niya ito, "Sa totoo, lang, mas malakas pang bumigwas sa iyo si Hazel. Para kang babae sumuntok, masyadong malamya."

Nagpantig ang mga tainga ni Urbano sa insulto ni Vernon kaya naman sumugod ulit si Urbano. Sumikwat paikot ang sipa ni Vernon at tumama sa batok ni Urbano ang sakong ng paa ni Vernon. Sinamantala ni Vernon ang pagkakataon na hilo si Urbano matapos sumubsob ito sa sulok ng boxing ring. Sinunggaban ni Vernon si Urbano at kinapitan niya ang leeg ni Urbano sabay ipit sa kaniyang bisig upang hindi makawala si Urbano sa pagkakalingkis nito. Sinigurado pa niya na hindi na makakawala si Urbano matapos ikapit ni Vernon ang mga binti sa tadyang ni Urbano.

"Paano ba iyan? Talo ka na. Ganito rin ang ginawa ko sa tatay mo matapos niyang tangkain ang buhay ni Lolo. Huling babala na ito, huwag mo nang guguluhin si Hazel.", babala ni Vernon kay Urbano at lalo pa niyang diniin ang pagkakakapit niya sa leeg ni Urbano. Tumatapik na ito tanda ng pagsuko subalit hindi siya binibitawan ni Vernon hanggang sa mawalan na siya ng malay.

Hanggang sa maiwan na lang si Urbano at binuhusan siya ng tubig gamit ang balde ni Dalton. Tanging sila na lang ni Dalton ang natira sa boxing hall. Agad na nagising si Urbano.

"Umuwi ka na. Magsasara na ako.", sabi ni Dalton. At umalis na nga si Urbano sa naturang gym.

Gabing gabi na at wala nang tao sa kalye habang naglalakad mag-isa si Urbano. Umiyak ito na parang bata at kinausap ang sarili, "Akin ka lang, Hazel. Hindi ako papayag na kay Vernon ka lang mapupunta. Babawiin ko kayo ni Nikki."

Itutuloy…