1. Home
  2. Stories
  3. The Nerd's Hot Encounter | Chapter 5
Filipino Sex Stories

The Nerd's Hot Encounter | Chapter 5

By theorangeguy ·

CHAPTER 5- HE'S SO HOT

Ilang beses kong tinanong sa sarili ko kung ganito na ba talaga akong kadesperada na magka-boyfriend. Oo, type ko s'ya, but I didn't expect na gano'n kabilis ang katuparan sa aking mga pangarap.

Mukhang hindi naman ako nabubudol. Chineck ko pa ang mga gamit ko at wala namang nawala. Hindi rin naman s'ya mukhang rapist. Naramdaman ko na he's a good man, so bakit ko nga ba s'ya tatanggihan?

"So ano? Dito na ba nagtatapos ang first date natin?" tanong niya habang naglalakad kami sa tabing kalsada.

"Date?" ulit ko. "First date na ba natin 'to?"

"Oo. Ano ba pa bang dapat na itawag natin dito? Ke-pasyal o gala ito, date pa rin ang nangyari ngayon."

"Sige, sabi mo e," nag-agree na lang ako.

Maya-maya'y hinawakan niya ng kanang kamay ang kaliwang kamay ko. Magka-holding hands kami habang naglalakad sa tabi ng kalsada. Ewan ko ba, pero kilig na kilig ako sa sandaling iyon. Feeling ko ay nagba-blush na ang pisngi ko at panay pa ang smile ko. Nahihiya rin ako na tumingin sa kanya.

"Hayaan mo, from now on palagi na kitang hahawakan ng ganito," sabi niya.

"I-ikaw ang bahala," nautal kong sagot.

Then suddenly, bumuhos ang malakas na ulan. Nagtakbuhan ang mga taong kasalubong namin sa tabing kalsada. Hinigpitan naman ni Danny ang pagkakahawak sa aking kamay at patakbo niya akong dinala patungo sa waiting shed. Basang-basa kaming dalawa ng ulan.

"Paano ako makakauwi nito? Wala akong payong. Doon pa naman sa kabilang kanto ang bus stop," pag-aalala ko habang nagpupunas ng panyo sa aking katawan.

"Gustuhin man kitang ihatid pauwi, pero nasa parking lot ng mall ang sasakyan ko," sabi ni Danny.

Then, sumilip siya sa kalangitan. "Sa lakas ng ulan na 'to, mukhang hindi kaagad 'to titila."

"Ano'ng gagawin natin?"

Nang tumingin si Danny sa likuran ay saktong nasa tapat pala kami ng isang motel. Napatingin din ako roon. Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin sa 'kin at nagkatinginan kami. Tila nabasa ko kaagad kung ano ang nasa iniisip niya sa sandaling iyon.

"Huwag mong sabihing…"

Bigla akong kinabahan. Naisip ko tuloy na baka may balak siyang ituloy iyong nangyari sa sinehan doon sa motel.

"Wala na tayong magagawa kundi mag-check in sa hotel. Magpalipas muna tayo roon ng oras. Magkakasakit tayo kung hihintayin pa natin na tumila ang ulan."

Napabuntong-hininga na lang ako. Kunsabagay, hindi naman masama na mag-check in kami sa motel. Hindi naman kami siguro magsasama sa iisang kuwarto.

Pumayag na lang ako sa kagustuhan niya.

Nang makapasok kami sa loob ay dumiretso kaagad kami sa reception. Isang lalaki na may katandaan na ang nakausap ni Jeffrey roon.

"Manong, mag-overnight stay po kami until morning," sabi ni Danny.

"Sir, tamang-tama. May promo po kami ngayon para sa love birds na katulad nyo. Four hundred ninety nine pesos for twelve hours. Ano po sa tingin nyo?"

Love birds? Pigil-tawa na may halong kilig akong kumubli nang marinig 'yon. Hindi ako makapaniwala na mukha pala kaming love birds sa mata ng receptionist na iyon.

"Gano'n ba? Mura lang naman pala. Sige, 'yan na lang," at tumangu-tango siya. "Tig-isa kami ng room, ah?" he added.

"Ay naku, sir!" bulalas ng lalaki. "Sorry, pero isang room na lang ang available ngayon. Marami kasing nag-check in two hours ago. Kung maaga-aga lang kayo, makakakuha pa sana kayo ng dalawang room."

"Ano!?" biglang sambit ko. Ibinaling ko ang tingin kay Danny. "Teka, Danny. Ano'ng gagawin natin?"

"Sigurado ka bang wala na?"

Biglang tinapik ng lalaki si Danny sa balikat at binigyan siya ng mapaglarong ngiti. "Kayo naman, sir. Isa na lang ho ang kunin n'yong kuwarto. Nagkakahiyaan pa kayo, e obvious naman kung anong ipinunta nyo ritong magkasintahan."

Umapela naman kaagad ako. "Hoy, Manong! Ang dumi ng utak mo, ah! For your information, nagpunta kami rito para---" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang biglang takpan ni Danny ang bibig ko.

"Sige ho, kukunin na namin," biglang sabi ni Danny. Pilit akong nagpumiglas, pero ayaw niya pa rin akong bitawan. Pagkuwa'y bumulong siya sa 'kin. "Kunin na natin. Kanina ko pa talagang gustong mag-shower."

"Here's your key and receipt, sir. Sa room twenty five po kayo," sabi ng lalaki, at saka naman ako binitawan ni Danny para kunin 'yon.

Hindi ko na nagawang makatanggi pa. Ano pa nga bang magagawa ko, e 'yon na nga lang ang available na kuwarto roon.

Ang kulit ko, ano?

Pagkakuha ng susi ay hinawakan ni Danny nang mahigpit ang kamay ko at nagmadali na hinila ako patungong elevator.

Akala niya siguro ay magpupumiglas pa ako, pero hindi ko na ginawa at hinayaan ko na lamang siya. Halatang concern siya na baka magkasakit kami. Basang-basa pa rin kasi ang kasuotan namin.

"Enjoy the night!" pahabol na sabi lalaki. Kinawayan pa niya kami habang sumasara ang pintuan ng elevator.

-----

Makalipas ang ilang saglit ay nakarating na rin kami sa kuwarto. Maganda ang loob nito. Malinis, may malaking kama at nalanghap ko kaagad ang napaka-bangong amoy ng detergent na ginamit sa mga punda at kobre-kama roon. Maliit lamang iyon at tamang-tama lang para sa 'ming dalawa.

Pagkuwa'y kinuha ko ang towel na nakapatong sa kama at ginamit iyon na pampatuyo ng aking buhok. Gano'n din naman ang ginawa ni Danny at nagpunas din ng kanyang katawan.

Ngunit hindi ko inasahan na maghuhubad siya sa aking harapan. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa 'kin ang mauumbok niyang abs at muscles. Napaka-sexy and hot niya. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong towel habang nakatitig sa kanya.

"Serene, ayos ka lang ba?" tanong niya habang kinakaway-kawayan ako.

Napapitlag ako sa pagkakaupo at saka palang natauhan. "O-okay lang ako!" sagot ko sabay lihis ng mukha ko sa ibang direksyon.

Hindi ba't iyon naman ang gusto ko? Madalas ko ngang isipin 'yon sa fantasies ko, pero bakit tila nanghihina ako nang nandoon na ako sa sitwasyong 'yon?

"Your towel," sabi niya pagkapulot ng towel.

"Thanks," iniabot ko 'yon na hindi pa rin nakatingi sa kanya.

Hanggang na nahalata niya na nga ako. "Sandali, nahihiya ka ba sa 'kin?" tanong niya.

Nang tumingin ako sa kanya para sagutin siya ay nabigla ako nang makitang mas malapit na pala siya sa harapan ko. Konti na lang ay puwede nang sumubsob ang mukha ko sa pundilyo ng jeans niya dahil nakaupo ako sa kama at nasa tapat ko siya.

Ibinaling kong muli ang mukha sa ibang direksyon. "Hindi ba obvious? Bakit ba kasi naghubad ka sa harapan ko? Alam mo bang hindi ako sanay sa ganyan?"

Ngunit lumuhod siya sa harapan ko at ipinaling ang mukha ko sa kanya. Nagkatitigan ang aming mga mata. "Ngayon pa lang ay masanay ka na. Boyfriend mo na ako. Madalas mo na akong makikitang ganito."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sumabay din ang unti-unting pag-akyat ng lebel ng init sa katawan ko.

"From now on, I'm yours and you're mine. Kahit ano ay puwede mong gawin sa 'kin…" then, inilapit niya ang bibig sa tenga ko and whispered. "…at gagawin ko naman ang gusto kong gawin sa 'yo."

"D-danny…," nautal na sambit ko.

Ngumiti muna siya bago muling magsalita, "Shower muna ako, ah?" sabi niya sabay tayo niya at lumakad na siya patungo sa comfort room.

Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Sa mga sinabi niyang iyon, para bang nagpahiwatig siya na may gagawin kaming kamunduhan sa gabing 'yon.

Napaisip tuloy ako kung ano ba ang nakain ng lalaking 'yon at nagustuhan niya ako.

Sa dinami-rami ba naman ng naggaguwapuhang lalaki sa mundo, siya lang ang sumeryoso sa 'kin at walang halong pandidiri na dinala ako sa motel. Ginastusan niya talaga ako ng bongga! E, sa mga lalaking nakaka-meet up ko, ni hindi man lang ako mailibre ng tokneneng sa kanto.

Sinabi ko tuloy sa sarili ko, kung totoo man na gusto niya ako, ako na yata ang pinaka-masuwerteng babae sa mundo.

*****