1. Home
  2. Stories
  3. Gaano Kadalas Ang Minsan
Filipino Sex Stories

Gaano Kadalas Ang Minsan

By balderic ·

Author's Note: I made a short break on my current story Ben Sandobal but no worries, I won't stop on its update. Isisingit ko lang itong munting kwento na shinare ko na sa isang youtuber. If you like the audio narration, you can check Miss Kalye (Titled: Bumigay si Misis). She has a sexy voice. Lol She also has a different version of my Ben 12 series. (By different, it means, hinde nag e-exist si Gabriel, nasa college timeline lang sya, walang Sting, wala masyadong action scenes at walang connection sa HoH series). This story is light on erotica so, pasensya sa mga mahilig dyan hehe. More focused on story sya.

Chapter 1
Ang Pagpukaw

By: Balderic

Maaga akong nagising para makapag handa sa trabaho. Lunes na lunes pero feeling ko weekend parin. Bakit ba ambilis matapos ng weekends? Nakakabitin din ang dalawang araw na pahinga. Ngayong lunes, parang naka fast forward ang galaw ko. Minsan nauuna pa ang kilos ko kesa sa isip ko kay may mga nakakalimutan ako.

Ang pangalan ko ay Dexter. 32 years old na ako ngayon. Nasa 5'6 ang tangkad at medyo chubby. Dad body ika nga pero wala pa kaming anak ng misis ko. Nagtatrabaho ako sa Capitol building kaya nagmamadali talaga ako kasi baka ma huli ako sa flag ceremony. Alam mo naman kapag government employee ka.

Hinde na ako kumain ng agahan, nakikita ko ang orasan. Ang bilis ng galaw. Tatambay kalang sandali tapos parang kalahating oras na pala ang lumipas. Ganun kabilis ang orasan kapag nagmamadali ka.

"Hon asan ang uniporme ko?" tanong ko kay misis. Lumabas sya sa kwarto at dala ang polo shirt ko na kulay light blue.

"Sensya na hon natagalan ang pamamalantsa ko. Ang tagal kasi uminin ng plantsa eh." Paliwanag pa ni misis.

Ang pangalan ni misis ay si Megan. 28 years old sya at nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga damit. Simple lang ang ganda ni misis pero ma appeal. 5 flat ang tangkad at medyo malaman ang body build. Parang yung artistang si Bea. Tatlong taon na kaming mag asawa pero di parin kami nabiyayaan ng anak dahil sa kondisyon ni misis na uterine polyps. Pero umaasa parin kaming magkakaroon kami ng supling.

Pero dahil sa pagiging busy naming pareho, hinde na ganun ka init ang aming mga gabi. Dahil sa pagod sa trabaho, nawawalan na ako ng gana at hinde ko maitayo ang bandera sa laban. Minsan ay nagtatampo si misis sa akin dahil dito. Kesho daw di ko na sya mahal.

Sa totoo lang, mahal na mahal ko si Megan. Isang taon din akong nanligaw sa kanya bago nya ako sagutin. Relehiyoso si Megan at wala talagang nangyari sa amin bago ang kasal. Pinalaking tama at strict ang misis ko.

Ayoko magkulang sa kanya kaya nag iipon kami para makapag pa opera si misis at kapag wala na ang kondisyon nya, eh sana naman magkaroon narin ng bunga ang aming pagsasama.

----------

Mabilis lumipas ang mga oras at dahil na traffic din ako sakay ang tricycle, na late na nga ako sa flag ceremony.

"Pang limang late mo na yan Dexter. Ano ka ba naman. Magpakita ka naman ng kasipagan. Isang beses lang sa isang linggo ang ceremony. Kulang kana sa attendance." Wika ng senior ko. Ibang seremonya tuloy ang inabot ko. Umagang umaga stressed na ako agad. Napaka gandang simula sa trabaho.

"sorry sir di na mauulit." Wika ko na parang pinalo na aso.

"Di na mauulit? Yan palagi ang sinasabi mo eh. Gawin mo. Di pwede dito ang mabagal."

Tumango lang ako. Sipsip kasi itong senior namin eh. Kala mo kung sino umasta. Malakas lang naman ito kay Gov kaya may pwesto. Pero na una lang sya ng isang taon sa akin. Iba talaga kapag malakas ang kapit.

Nagtimpla ako ng kape at sinimulan ko na ang pagbabalat ng buto.

Naka uwi ako nang alas syete ng gabi. Pagdatinf ko sa bahay, nasa sala si misis.

"Oh kamusta ang araw mo?" panimula ni Megan. Napa buntong hininga ako.

"Ayun na late ako. Pinagalitan. At ngayon pagod. Hays. Ikaw?"

"Okay lang. Aircon sa pabrika eh hehe. Oo nga pala. May prinito akong isda sa lamesa. Ikaw nalang ang kumain. Kumain na kasi kami sa labas kasama mga katrabaho ko."

Kumain na ako mag isa. Nanood sandali ng tv kasama si misis at nagpahinga na din para ulitin ang routine ng buhay.

Kinabukasan, maaga akong nakapasok. Dahil dun, tumahimik ang sipsip naming senior.

Ginagawa ko ang trabaho ko nang nabigla ako sa pagdating ni Gov Caballero. Huminto kami at tumayo para batiin sya. Habang binabati namin si Gov, sinusundan naman sya ng mga bodyguards nyang pulis. Dito ako nasurpresa nang makita ko ang isang lalake.

Nakita ko si Simon.

Si Simon ay kaklase ko noong highschool. Sya ang dahilan kung bakit naging masalimuot ang buhay highschool ko. Isang bully si Simon. At isa ako sa madalas nyang mapagtripan. Ilan sa mga hinde ko makakalimutan ay ang ipahiya nya ako sa mga kaklase ko nung sapilitan nyang ibaba ang pantalon ko. Minsan naman ay binabawasan nya ang perang baon ko. At kapag minamalas pa, minsan ay sinasaktan nya ako kapag hinde maganda ang timpla ng utak nya.

Tulad noon, malaki parin ang katawan ni Simon. Mas malaki pa nga ngayon dahil isa na syang alagad ng batas. Napa ngiwi ako sa realization na ang isang taong nang aapi ang sya ngayong nanumpa bilang taga pagtanggol ng mga inaapi.

Si Simon ay may tangkad na 5'9 at matanda lang sakin ng tatlong taon. Sa pagkaka alam ko, may pamilya na sya at may tatlong anak. Ang panganay nya ay nag aaral na sa mismong highschool na pinasukan namin noon.

Nasagi ang mga mata nya nang mapadaan sa may lamesa ko. Ngumiti sya sakin pero iniwas ko ang mga mata ko. Walang hiya, nagawa nya pang ngitian ako.

Sandali lang ang pagdaan nila pero para sakin parang ang bagal ng oras. Matapos silang dumaan ay bumalik na kami sa aming mga trabaho.

Tanghali ng ako nalang ang naiwan sa opisina. Mau tinatapos pa akong mga papeles na ina arrange. Lumapit sa akin si Simon. Agad bumigat ang pakiramdam ko. Bumilis ang pintig ng puso ko at para akong naka survival mode.

"Dexter ikaw pala yan. Di kita agad nakilala ah. Tumaba ka kasi eh." Wika nya na may ka angasan ang tono. Parang lumabas ang ugat sa ulo ko sa inis. Hinde ko sya kinibuan.

"Lam mo tol, unang una sa lahat. Pansensya na ha sa mga inasal ko noon. Sa totoo lang, isa yun sa mga dahilan kung bakit ako nag pulis. Gusto kong makabawi sa kalokohang ginawa ko. Sorry Dex."

Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya. Dito ako tumingin sa kanya ng diretso. Nakikita ko sa mukha nya ang sinsiredad. Ngumiti sya nang tumango ako.

"Alam mo tol, ano kaya kung mag inuman tayo sa labas mamaya? Sagot ko." Aya nya sakin.

"pag iisipan ko pa."

"Naku wag mo nang pag isipan. Gusto ko lang naman bumawi sayo. Pagbigyan mo na ako. Hehe. Ano?" sabay akbay sakin ni Simon. Tumango nalang din ako dahil di ako sanay sa may nangungulit sa akin.

Alas syete ng gabi nang dumating kami sa isang bar. Mukhang kilala sya dito dahil may mga kalalakihang bumabati sa kanya. Likas na mabarkada si Simon, mataas ang kompyansa nya sa sarili at may dating talaga sya kaya hinde mahirap sa kanya ang makisama.

Naghanap kami ng pwesto at sya na din ang umorder. May live band din sa corner ng bar kaya medyo maingay pero sakto lang ang antas ng ingay na pwede kapang makipag usap.

"Mukhang madalas ka dito ah." Wika ko.

"Haha hinde naman. Minsan kapag araw ng sweldo, dito kami nadadaan ng tropa. Alam mo na, bago mahawakan ni misis ang pera, syempre dapat mapakinabangan mo din ang pinaghirapan mo."

"Hinde ba napapansin ng misis mo na may bawas?"

"Haha alam naman nya kaya nga madalas magalit yun sakin eh pero walang problema kasi handle ko naman ugali nya. Ako pa!" pagmamalaki ni Simon sabay tapik sa braso ko. Feel ko tuloy sa sarili ko, isa akong batang yagit na may kasamang matanda. Ang layo ng agwat ng kompyansa naming dalawa.

Matapos akong mag highschool, sinubukan kong buohin ang kompyansa ko. Ilang taon ko ding sinanay ang sarili ko na magkaroon ng lakas ng loob pero kung ikukumpara sa katauhan ni Simon, walang wala ang pagkalalake ko. Sa tono palang ng pananalita nya, sa kilos nya at sa porma, para syang isang action star na lapitin ng mga chicks.

"Hi sir, buti nakabalik ka." Wika ng isang seksing babae na mukhang estudyante ng kolehiyo. May mga kasama itong mga babae.

"Oi, pumunta si Toper dito kagabi hinahanap kayo." Wika ni Simon at mukhang kilalang kilala nya ang grupo ng mga babae. Nag usap sila sandali at para akong na out of place.

Pinalo ni Simon ang pwet ng dalaga bago lumabas ng bar ang mga ito.

"Sikat ka sa mga chicks dito ah." Wika ko.

"haha diskarte lang yan tol. Kahit sinong babae, bibigay sayo yan kung marunong kang dumiskarte. Teka, virgin ka pa ba?"

"Hinde na oi."

"hahaha di, biro lang. Alam ko namang madiskarte ka din eh. Pero tol, kung bored ka, pwede kitang e reto sa mga yun. 500 lang yun tol. Swak na swak sa bulsa hehehe."

"puro ka naman kalokohan eh."

"Hinde ah! Seryoso pre. Murang mura lang mga yun. Pero syempre kailangan mo din ng diskarte. Lam mo na yun. Budget meal lang ang mga yun, may ticket ka nang byaheng langit hahaha!" sabay halakhak ni Simon.

Umiling lang ako at naka ngiti. Dumating ang mga alak at pulutan. Nag inuman kami ni Simon at tuloy lang ang usapan.

Bandang alas dose ng gabi nang ihatid na ako ni Simon sakay ang motor nya. Sa bilis nya magpatakbo, di ko na namalayang pinapasok na pala ako sa bahay.

Narinig kong nagka usap si Simon at si misis. Pero malabo ang usapan nila. Nakalutang ang isipan ko at agad akong dinala ng agos ng antok. Nakatulog ako ulit at umaga na nang magising ako.

Pagka gising ko ay nasa sofa pala ako nakatulog. Medyo masakit pa ang ulo ko. Hinde talaga ako sanay uminom. Pumasok ako sa kwarto namin ni misis at nadatnan kong tulog sya. Bakit parang mas napagod pa sya sakin? Ginising ko si misis pero sadyang malalim ang tulog nya.

Naligo ako at nagbihis para sa pagpasok ko sa trabaho. Kumuha nalang ako ng perang baon mula sa bag ni misis at umalis na ako.

----------
By: Balderic

Ilang araw din ang lumipas. Araw ng linggo at naghahanda kami para magsimba. Si misis ang madalas mangulit sa akin sa pagsimba dahil sadyang tinatamad talaga ako kapag linggo at gusto kong matulog mag hapon. Pero ngayon napapansin kong mas mabagal pa sakin kumilos si misis.

"hon ano ba? Natapos na akong makaligo pero ikaw nandyan ka parin sa kama." Angal ko kay misis dahil naka higa parin ito at nag cecellphone.

"Oo sandali."

Iniwan ko sya at naghanda na ako ng breakfast namin. Pagbalik ko sa kwarto ay naroon parin si misis at gamit ang cellphone nito.

"alam mo, napapansin ko panay cellphone ka nalang." Wika ko. Tumango lang sya at halatang preoccupied sa paggamit ng cellphone nya.

"Hon anong oras na!?" sa puntong ito ay talagang na iinis na ako. Tumingin sya sakin na parang sya pa ang galit. Hinde ito kumibo at dumiretso lang sa banyo pero dala ang cellphone nya.

Sa mga nagdaang mga araw ay madalas nang nasa cellphone si misis. Hinde ko maisip kung bakit. Sinubukan ko syang tanungin pero iniiwas nya ang topic. Iisa lang ang sagot nya. May kaibigan daw syang matagal nya nang hinde naka usap at nagkaroon sila ng panahon magkita sa social media.

Sa tuwing umuuwi ako ay naaabutan kong gising pa si misis. At kapag sa umaga naman ay ako na ang nauunang magising kesa sa kanya. Tila malaki ang pinagbago ng asawa ko na hinde ko maipaliwanag.

Isang araw ay nagkaroon kami ng pagtatalo. Late nanaman ako dahil hinde nilabhan ni misis ang uniporme ko.

"Ano ka ba Hon!? Di ba sinabi ko sayo na labhan itong mga damit ko kahapon? Alam mo namang maaga ako ngayon eh. Tignan mo, nakatambak parin sa labahan. Ano nang isusuot ko ngayon?" wika ko sa tulog ko parin misis.

"Ano ba, ang ingay ingay mo. Natutulog yung tao."

"Megan tanghali na! May pasok ka ngayon di ba? Anong oras na!?"

"Di ako papasok ngayon di maganda pakiramdam ko."

"Yan ang resulta sa pagpupuyat mo sa cellphone mo eh! Ano bang nangyayari sayo? Di ka naman ganyan dati ah!"

"Jusko Dexter para kang bakla! Umagang umaga ang ingay ng bibig mo!" tinakpan ni Megan ng unan ang ulo nya habang naka higa.

"Megan tignan mo nga sarili mo!"

"Ano bang kailangan mo sakin?"

"Kailangan ko ang asawa ko." Sagot ko sa kanya at natahimik si Megan.

Umabsent ako nung araw na yun. Dahil wala akong maisuot na uniporme at ako nalang ang naglaba ng mga damit ko. Si Megan ang madalas maglaba noon. Pero kapag weekend ay ako na. Ganito ang routine namin noon.

Hirap ako mag adjust sa biglang pagbabago ni misis. Madalas mainit ang ulo nito sakin kapag kinakausap ko kahit pa alam kong wala akong ginagawang masama sa kanya.

Isang beses na nakalimutan ni misis ang cellphone nya habang nasa banyo sya. Hinde ko matiis na buksan ito. Nagulat ako sa natuklasan ko.

May password na ang cellphone nya. Bigla akong kinabahan ng di ko maipaliwanag.

Pumasok ako sa trabaho na ito ang laman ng utak ko. Hinde ko namalayang nasa harapan ko na pala si Simon.

"Oi pre, tulala ka na dyan? May problema ka ba?" tanong nya sakin at naka ngiti sya.

"Wala ito. Ano nga pala kailangan mo?"

"Byernes ngayon tol. Alam mo na ibig sabihin nun di ba?"

"Friday nights?"

"Ding ding ding ding! Bingo! Tagay tayo mamaya ha."

"Saan naman? Wala pa akong pera ngayon eh. Tsaka medyo pagod pa ako."

"Wag ka mag alala tol. Akong bahala sayo. Alam mo tol, maganda naman ang ginagawa mong trabaho at bahay lang eh. Pero bigyan mo din sana ng panahon ang oras mo para magpakasaya."

"Sa totoo lang, mas masaya akong nasa bahay lang eh kapag walang pasok."

"KJ naman nito. Sige ganito nalang. Dun nalang tayo sa bahay nyo magtagay. Sagot ko na inumin pre. Para mas relax at mas kumportable ka? Ano?"

Napa isip ako sandali. Hinde ako komportable makasama si Simon sa totoo lang. Pinakikisamahan ko nalang sya. Ugat ang pagiging bully nya sa akin kung bakit hinde ko pa makita ang sinasabi nyang pagbabago nya. Dahil na oobserbahan ko parin sa kanya ang pagiging mayabang at astigin. Siguro na iinggit lang ako o sadyang malaki ang galit ko sa kanya kaya ganun.

"Okay sige." Ito ang sagot ko. Gusto ko subukang mag open up na din.

"Cool! Daanan kita dito mamaya ha." Sabay alis ni Simon. Hinde ko alam kung sensero ba sya sa pagbabago nya at pagbawi sa mga kalokohan nya noon. Dahil iniiwasan naman nya ang topic tungkol sa past namin dalawa at mostly ang topic nya ay ang tungkol sa buhay nya at yung pagiging astig nya sa babae at kung ano-ano pa.

Tinuon ko ang oras ko sa trabaho. Hinde ko na namalayan ang pagdating ng gabi. Pagkalabas ko ay nasa gate si Simon sakay ang motor.

Umangkas ako at pinaharurot nya ang motor papunta sa bahay namin. Pagdating namin sa bahay ay naroon na si misis at mukhang nagluluto.

"Ang bango naman ng niluluto mo. Mechado ba yan?"

"Oo paborito mo hihi. May kasama ka pala."

"Oo si Simon. Kaklase ko. Simon si Megan asawa ko."

"ah nagka kilala na kami ng misis mo pre." Wika ni Simon.

"oo hon. Naalala mo ba yung umuwi kang lasing? Si Simon ang naghatid sayo dito."

"Ahh oo nga ano. Bueno, pasok ka Simon. Pasensya kana at maliit lang bahay namin."

"Wala yun tol."

Pumasok si Simon at napansin kong nakatitig ito kay Misis. Ngumiti si Megan at naglakad patungo sa kusina.

"Ah tol, ako na bibili ng tagay natin." Wika ni Simon.

"Hinde. Ako na. Bisita ka dito."

"Ah okay sige. Ito 500 pre. Ikaw na bahala kung anong alak basta malamig hehe."

Dumiretso ako sa tindahan para bumili ng isang case ng beer. Sinakay ko ito sa tricycle at pagbalik ko, wala si Simon sa sala. Pumunta ako ng kusina at wala din si misis. Biglang bumukas ang pinto ng banyo malapit sa kusina at lumabas si Simon.

"oh pre. Nakabalik ka na pala." Wika nya.

"Asan si misis?" tanong ko.

"Ah nasa likod yata. Di ko napansin eh." Naglakad si Simon papunta sa sala at binuhat ang case ng alak. Dumiretso ako sa likod bahay. Pagkalabas ko ay madilim sa likod at walang tao. Bumalik ako sa loob at pumunta ako ng sala. Inaayos ni Simon ang ilang bote sa mini table.

Biglang lumabas ng kwarto si Megan. Nagsusuklay ito ng basang buhok.

"Nasa kwarto ka lang pala. Yun niluluto mo baka masunog." Wika ko.

"Ay oo. Sorry hihi." Agad dumiretso si Megan sa kusina.

Matapos maghapunan ay diretso kami sa inuman. Tumabi sa akin si Megan habang nag iinuman kami. Maraming kwento si Simon. Bidang bida ito. Dahil sa pagiging adventurous nya, marami itong experiences. Tuwang tuwa naman si Megan sa mga biro ni Simon na parang close na close na sila. For some reason, nasa bahay ako at kasama ko ang misis ko pero bakit parang ako pa ang na O OP? Dahil ba hinde ako kasing active sa love life ko di tulad ni Simon? Feel ko tuloy ang daming kulang sa buhay ko na di ko manlang na experience.

Nagpatuloy ang inuman hanggang sa makaramdam na ako ng pagkahilo. Hinde parin ako sanay sa matagalang inuman. Kanina pa nagpaalam si misis para matulog at kami ni Simon nalang talaga ang nasa sala. Hinde ko maintindihan pero hinde nagpapakita ng kalasingan si Simon. Parang normal parin ito di tulad kong kinakalaban ko na ang mga mata ko na gusto nang pumikit.

"Pre, mukhang di mo na kaya ah." Wika ni Simon.

"Di pre. Kaya ko pa…"

"Pahinga kana tol. Ubusin ko lang itong bote ko at uuwi nalang ako."

"naku pre…dito kana magpalipas ng gabi. Delikado sa labas."

"pulis ako tol. Kaya ko ang sarili ko. Relax. Alam ko naman pa uwi eh. Tsaka nakakahiya naman sa inyo ni Megan."

"Sige ikaw bahala….pipikit lang muna ako ha."

"Okay pre." Nilagok ni Simon ang alak nito at dahan dahang dumilim na ang paligid ng tuluyan na akong nadala ng antok.

----------
By: Balderic

Naalimpungatan ako. Ambigat ng dibdib ko. Tumayo ako at talagang nahihilo pa ako. Di ko alam kung anong oras na. Madilim parin ang paligid. Wala na si Simon sa sala at nakapatay ang mga ilaw bukod sa ilaw sa labas.

Nangangapa akong pumunta sa banyo. Nasuka pa ako sa bowl at umihi na din. Habang nasa kalagitnaan ako ng aking pagbabawas ng tubig ay nakarinig ako ng ingay.

Para itong mga ungol ng isang babae. Para itong naghahabol ng hininga. Maliit ang boses pero humahalinghing ito. Naisip kong baka nagkakamali lang ako ng naririnig kaya matapos ako magbanyo, bumalik ako sa sofa at natulog.

Tanghali na nang magising ako. Weekend kaya narinig ko ang musika sa radio habang nagwawalis si misis. Umupo ako kaagad.

"Mabuti naman at gising ka na. Itapon mo nga yun mga basura natin sa trash can sa labas hon."

"Okay sandali. Masakit pa ulo ko."

"eh kasi naman nag iinom ka ng magdamag."

"sensya na. Ngayon lang naman ito."

"oh sya sya, itapon mo na ang mga basura at may nakahanda nang tanghalian dun sa lamesa."

Tumayo ako at medyo nahihilo pa. Para akong zombie. Pinulot ko ang dalawang malaking plastic bags na kulay itim at lumabas ako ng gate. Mga sampung metro ang layo ng malaking trash cans ng barangay. Nang ihagis ko ang mga basura ay napunit ang isa at kumalat ang basura. Nagulat ako nang makakita ako ng ilang gamit na condom. Bigla akong kinabahan.

Itutuloy