1. Home
  2. Stories
  3. The Nerd's Hot Encounter | Chapter 6
Filipino Sex Stories

The Nerd's Hot Encounter | Chapter 6

By theorangeguy ·

CHAPTER 6- I LIKE YOU

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na sa comfort room si Danny. Nabigla na naman ako nang makita siya na nakahubad dahil sa pagkakataong iyon ay nakatapis nalang siya ng towel.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapatitig sa kanya. He's so hot. Kulang na lang ay ilabas ko ang dila ko na parang aso dahil nakakauhaw talaga ang hotness niya, ang chocolate abs niya, ang broad shoulders at ang matigas na dibdib niya. Napalunok pa ako ng mapansin ko ang bakat ng sandata niya sa nakatapis niyang towel.

He's such a healthy man.

Pagkuwa'y tumingin siya sa akin at kinausap ako. "O, ano? Tapos na ako. It's your turn."

"Sige maliligo na ako," sabay tayo ko bitbit ang towel at oversized white t-shirt na baon ko.

Lalakad na sana ako papasok ng comfort room nang biglang pigilan niya ako sa braso.

"D-danny?" nabigla kong sambit.

Then, he pulled me closer to him. Nailapat ko tuloy ang kamay ko sa dibdib niya at nagkatitigan ang aming mga mata. Bumilis din ang tibok ng puso ko.

"B-bakit?"

"Iyong sabon at shampoo, nakalimutan mo," seryosong sabi niya sabay pakita sa 'kin ng mga gamit. Nakatingin pa rin siya ng diretso sa aking mga mata. Para bang may gusto siyang sabihin o gawin na hindi niya magawa.

Kinuha ko naman iyon. "Ah, oo nga pala. S-salamat," sagot ko at kabadong binitawan ko siya. Pagkatapos ay naglakad na ako ng mabilis patungo sa comfort room nang hindi tumitingin sa kanya.

-----

Makalipas ang ilang minuto ay natapos din akong mag-shower, ngunit hindi ko akalain na magtatagal pa pala ako roon dahil sa isang problema.

Gusto ko na sanang lumabas, pero hindi puwede na ang oversized white t-shirt ko lang ang suot ko. Basa pa kasi ang underwear at pantalon ko. Namomroblema tuloy ako na baka magtaka na si Danny dahil sa katagalan kong kumilos. Ayokong makita niya ako sa ganoong ayos. Bakat na bakat ang dibdib ko at kitang-kita rin ang pinkish nipples ko.

"Ano'ng gagawin ko?"

Hanggang sa narinig ko na nga ang footsteps ni Danny mula sa labas. Kinatok niya na ako dahil ang tagal-tagal ko na sa loob ng comfort room.

"Serene, tapos ka na ba?"

"Ha?" pakunwaring tanong ko. "Ah, sandali na lang ito. May kailangan ka bang kunin dito? Hindi pa kasi tuyo ang underwear ko."

"Isampay mo na lang 'yan d'yan. Kahit pa anong gawin mo, hindi 'yan matutuyo."

"H-hindi puwede. Ayokong lumabas na naka-t-shirt lang."

"Ano ka ba? Ayos lang 'yan. Ako nga walang suot na boxers, e. Nabasa rin kasi ng ulan. Takpan mo na lang din ng towel 'yan kung naiilang ka."

Huminga muna ako ng malalim at nagpakawala ng kaba sa dibdib. "S-sige na nga. Lalabas na ako," nautal kong sagot.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad na naman sa 'kin ang hotness ni Danny. Seryosong tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa. Nahiya kaagad ako at mabilis kong ibinalot ang buong towel sa katawan ko.

"You're hot," sabi niya in deep voice na para bang may halong pang-aakit.

Nagkunwari naman akong wala lang sa 'kin ang sinabi niyang iyon at dumiretso na ako sa kama para ayusin ang mga gamit ko na nakapatong doon.

Pagkuwa'y nagtungo na rin siya roon at nag-bukas naman ng cellphone niya.

-----

Nang matapos ko ang pag-aayos ay tumayo na ako at kumuha ng isang unan sa kama. Ngunit pinuna kaagad ako ni Danny sa ginawa ko.

"O, saan mo dadalhin 'yan?"

"Sa sofa, doon ako matutulog. Ikaw, dito ka na lang sa kama."

Naupo muna siya mula sa pagkakahiga at isinantabi ang cellphone niya. "Ang laki-laki nitong kama, doon ka pa matutulog?" Lumapit siya sa akin at inagaw ang bitbit kong unan. "No, dito ka matutulog sa tabi ko."

"Danny…"

Hindi ko inasahan na bigla niyang hahawakan ang braso ko at hihilain ako papalapit sa kanya. Nahulog tuloy ako sa kama at sinalo niya naman ng braso ang ulo ko.

Nagkalapit ang aming mukha. Then, he looked straight to my eyes at nagkatitigan na naman kami sa isa't-isa.

"Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na pag-aari na natin ang isa't-isa. Wala ka nang dapat na ikahiya sa 'kin," he whispered. Naramdaman ko ang mainit at fresh breath niya na lumapat sa aking mukha.

Matagal ko nang gusto na maranasan ang sitwasyon na iyon, pero bakit naduduwag ako?

Para akong nanghihina dahil kulang na lang ay halikan niya na ako sa sobrang magkalapit ng aming mukha. Hindi mawala ang kaba ko sa dibdib. Para bang gusto ko nang tumakbo paalis at takasan ang nangyayaring 'yon.

"Gusto mo ba talaga ako?" seryoso niyang tanong. Bumakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"O-oo, gusto kita. Obvious naman, 'di ba?"

He smiled. Mabilis na umaliwalas ang kanyang mukha nang dahil sa sinabi ko.

"Ako kasi, gusto talaga kita. Hindi ko nga alam kung bakit ang bilis ko na maramdaman ito, pero ang gaan-gaan kasi talaga ng pakiramdam ko sa 'yo. Para bang ang sarap mong mahalin?"

Hindi man ako one hundred percent na naniniwala sa kanya, pero naramdaman ko sa mga mata niya kung gaano siya ka-sincere sa mga sinabi niya. Posible nga ba talagang mangyari ang sinabi niya? Kasi sa 'kin, oo. Unang kita ko pa lang sa kanya ay nagustuhan ko na s'ya.

Ngunit hindi katulad 'yon ng sinabi niya na ang gaan-gaan na ng loob niya sa 'kin. Baka nadala lang ako sa kaguwapuhan niya dahil nasa kanya ang qualities na tipo ko sa isang lalaki.

Ang sa akin lang naman ay baka umasa na naman ako sa wala. Baka kinabukasan ay bigla na lang magbago ang lahat na hindi niya na pala ako gusto. Ilang beses na kasi akong na-hurt sa mga lalaking na-meet ko na naglaho na lamang na parang bula.

Oo sanay na ako, pero hindi pa rin maiiwasan 'yong sakit na pakiramdam ko ay wala nang lalaki na magmamahal sa 'kin. Iyong hindi titingin sa pagiging jologs o old-fashioned ko.

"G-gusto kita, Danny. Kaya nga ako um-oo sa 'yo kanina, 'di ba? Babawiin mo na nga sana, pero sumagot kaagad ako. Natakot kasi ako na pakawalan ka. Natakot ako na baka magsisi ako kapag tinanggihan kita. Ikaw lang kasi ang lalaking nagpakita sa akin ng ganitong atensyon."

"Then, let's prove to each other na gusto natin ang isa't-isa. I'm willing to give my all for you, at wala akong pakialam kung wala pa tayong twenty four hours na magkakilala. We like each other, Serene. Sapat na 'yon at hindi na kailangan pa ng paliwanag. Alisin natin ang lahat ng doubts na nararamdaman natin. Sundin natin kung anong gusto natin."

Sa unang pagkakataon ay may lalaking nangako sa akin ng ganoon. Paano ko ba naman s'ya matatanggihan? Sino ba naman ako para maging choosy, e s'ya na talaga ang pinakahihintay ko? Gustong-gusto niya talaga ako!

Mangiyak-ngiyak na tumango muna ako sa kanya bago sumagot. "O-oo, Danny," at sinundan ko iyon ng pag-ngiti. "Kung alam mo lang kung gaano mo ako napasaya ngayon. Gustong-gusto kita, Danny. Naniniwala ako sa 'yo," dugtong ko.

Then suddenly, dahan-dahan niyang hinawakan ang aking pisngi. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pagkatapos ay unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na lang na lumapat na pala ang labi niya sa labi ko.

Napapikit na lamang ako sa sarap ng halik na iyon.

*****