1. Home
  2. Stories
  3. The Untitled Confessions - A Foreigner Assigned In Makati pt 1
Filipino Sex Stories

The Untitled Confessions - A Foreigner Assigned In Makati pt 1

By la_polla_loca ·

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Bawal din siyang kopyahin ng walang pahintulot. Please lang.

© Copyright. 2022. la_polla_loca. All Rights Reserved.

___________________________________________________

"Puwedeng bukas na lang dear? I'm dead tired today eh. I'll make it up to you."

"Pesteng buhay naman ito. Minsan na nga lang maglambing, wala pa. I wore his favourite purple silk nighties pa naman, tapos hindi man lang siya nalibugan. Putangina." asar na sambit ni Alina. Sa sobrang asar niya, kumuha siya ng yosi at lighter, at pumunta sa balcony ng kanyang condo.

Ilang buwan na nga bang wala silang sex ni Tom? 3 months? 6 months? Isang taon?

"Either "i'm dead tired today" or "need to wake up early for my meeting eh" na lang ang naririnig ko sa kanya. Nagka-boyfriend ka nga, wala namang kuwenta ang punyeta." gigil na sabi ni Alina habang hinithit ang kanyang yosi.

Pinagmasdan ni Alina ang kanyang repleksiyon sa harap ng kanyang glass door. Umiikot-ikot pa ito ng kaunti, na parang model.

"I don't look bad naman ah" sabi niya. At tama nga naman siya. Maganda ang hubog ng kanyang mukha, pantay ang kulay ng kanyang makinis na kutis, at alaga ng regular na jogging at exercise ang kanyang pangangatawan. Kung hindi nga lang medyo kapos siya pagdating sa height, malamang eh model na siya ngayon.

"Peste, kung ayaw niya huwag niya" asar na sabi na naman ni Alina. Pinatay ni Alina ang hawak niyang yosi sa ashtray, pumunta sa toilet para mag-sipilyo, at tumabi na sa kanina pa naghihilik na kasintahan. Alas-2 na ng madaling araw. Kailangan na niyang matulog para sa trabaho bukas.

________________

7:30 AM

Nagising si Alina na wala na ang kasintahan sa tabi. Tumayo ito, pumunta sa lamesa, at nakita ang isang balot ng pancake meal na may post it note.

"Sorry, need to leave early today. Enjoy your day today, mon cheri! Bon appetit!".

Tinikman niya ang hot chocolate. Maligamgam na ito, parang relasyon lang nilang dalawa. Limang taon na silang magkarelasyon, at tatlong taon na silang nakatira sa iisang bahay. Malambing pa rin sila sa isa't isa. Meant for each other, sabi nga ng mga kaibigan nila. Kung titingnan siya on the surface, walang kahit isang lukot kang makikita sa relationship nila. Dig deeper, you will see that something's missing. Something's lacking. Something's insufficient.

Sa tagalog, may kulang.

Isinalang niya ang pagkain na binili ni Tom sa microwave, tapos nagmamadaling pumunta sa banyo. Dali-dali niyang hinubad ang suot niya na nighties at tumapat sa shower head. Habang tumutulo ang tubig sa kanyang katawan, napasilip si Alina sa salamin ng kanyang banyo. Nakita niya ang hubog ng kanyang katawan. Lumiyad ito para pagmasdan ang hugis ng kanyang dibdib at puwet.

"Fucking hell, Alina, stop. You'll be late for work" natatawang sinasabi niya habang pinagmamasdan ang kanyang sarili.

Itinuloy niya ang pagsasabon sa kanyang katawan. Hindi niya maiwasang isipin tuloy ang mga panahon noong sobrang init pa ang kanilang relasyon nila ni Tom. Noong sinasabayan pa siya ng kaniyang boyfriend sa paliligo. Mga panahong kahit hindi na sila pumasok, okay lang sa kanilang dalawa. "Okay nang hindi pumasok, basta nakapasok" ang madalas na pang sabihin noon. Nami-miss niya rin ang mga panahong wala silang pakialam kung marinig man ng kapitbahay ang kanilang ungol at pagnanasa.

Hindi namamalayan ni Alina na kanina pa pala ang ginagawa niyang pag-haplos sa kaniyang dibdib at kaangkinan.

"Tangina, taglibog 'te?" sabi niya. Napatawa tuloy siya ng malakas.

Dali-daling nagbanlaw na lang si Alina, nagsuot ng robe at lumabas na ng toilet. Pagkatapos niyang kumain, nagbihis na ito at bumaba papunta sa kaniyang sasakyan.

Thirty minutes lang naman ang layo ng bahay ni Alina sa kaniyang opisina sa may Ayala. Pagka-park niya, makikita na naman niya ang dalawang guardia na hayop kung makatingin sa kanya. Iyung tipong hinuhubaran ka na nila sa kanilang isip. Kung hindi nga lang nagbabantay ang mga ito sa building nila, iniisip na ni Alina na ireklamo ang dalawang ito sa kanilang agency.

"Good morning ma'am" sabay na bati pa ng mga ito. Ngumiti na lang si Alina sa dalawa, tapos nagpasalamat nang pinagbuksan pa ng lift ang dalaga.

"Magandang umaga, Alina Mirabel" dinig niya ang pagbati sa kanya ng isang babae pagkabukas ng lift doors.

"Grabe sa pag-ubos ng pangalan ah, Francesca Tatiana" sagot nito sa bumati sa kanya.

"It's Tia for you, bruha" sabay nakangiting yumakap ito sa kanyang braso.

Si Tia iyung tipong puro ganda lang, pero walang "sense" kausap. As in figuratively and literally. Maganda ang mukha? Check. Maganda ang katawan? Check. Malaki ang dibdib at puwit? Check at check. May utak? Cross.

Pero kahit may deficiency siyang ganoon, siya naman ang laging napo-promote sa trabaho. Marami na tuloy asar sa kanya. Idagdag mo pa ang dami ng chismis na kumakalat tungkol sa kanya. Si Alina na nga lang ang nakakasama niyang babae sa opisina nila, bagay na na-appreciate naman ni Tia sa kaibigan.

"Narinig mo na ba?" sabi ni Tia, habang nag-aayos ng kaniyang mga gamit.

"Anong chismis na naman iyan?"

"Anong chismis. Bruha. Iyung trainer niyo na galing US nandito na. Sinundo ko siya galing aiport kahapon."

"So anong nangyari kahapon?" nangugulit na sabi ni Alina.

"Ay wala bru. Parang walang damdamin. Pinapakitaan ko na ng cleavage saka ng legs parang wala lang sa kanya. Kulang na nga lang pati puday ko ipakita ko na e" nagmamaktol na sabi ni Tia.

Tinawanan lang ni Alina ang sinabi ng kanyang kausap. Saglit pa'y pumunta na si Tia papunta sa opisina ng kanilang boss, at si Alina naman bumalik na sa trabaho.

Bandang alas-10:30 nang biglang tinawag sila ng kaniyang manager para sa meeting nila kasama ang kanilang trainer. Tumayo si Alina mula sa kaniyang upuan, nag-ayos ng kaunti at tumungo na sa training room.

"Hello ladies and gents, my name's Joseph Cruz Smith, or Joe for short. I'll be teaching you how to use this brand new program."

Hindi maiwasang pagmasdan ni Alina ang kanilang bagong trainer. Sa totoo lang kasi, 100% pa ang batting average ni Tia when it comes to boys. Kahit nga siya, minsan, natitibo na rin dahil sa bukod sa maganda ay panalong-panalo ang katawan ni Tia. Kahit sinong banal na tao hindi maiiwasang maakit sa kanya.

Nasa 50 na raw siya, sabi niya, pero para kay Alina parang nasa late 50s na ang itsura niya. Fil-Am din daw, pero hindi halata kasi caucasian na caucasian ang features niya. Grayish and buhok, tall saka fit naman ang pangangatawan. Kagalang-galang tingnan, disenteng manamit, parang pastor lang ba sa kung ano mang relihiyon ang dating. "Ah, that explains it" sabi ni Alina sa utak niya.

Fast forward ng isang buwan, natapos ang training nila. Bilang pa-despedida, nag-organise ng isang dinner ang company para kay Joe. Ayaw sana ni Alina sumama pero sinabihan siya ng boss kaya wala siyang choice kung hindi sumama. Pagkatapos kumain, nagpaalam saglit si Alina na lalabas para mag-yosi.

"Can I have a light?" sabi ng isang baritonong boses.

Ngumiti lang si Alina at ibinigay ang lighter niya kay Joe. Nagpasalamat ito at nakipagkuwentuhan na rin.

"Didn't think you smoke, Alina."

"Just a stress reliever. Work has been and will always be stressful, so there you go" sabi ni Alina, matter of factly. Nagtawanan lang silang dalawa.

Madaldal din pala si Joe, sabi ni Alina. Nadiskubre niya na kaka-divorce pa lang nito sa misis niya, na wala silang anak, at freelance work niya lang itong trainer job.

"Enough about me. How about you, Alina? Seeing anyone?"

"Depends on how you define "seeing" eh. I'm in a relationship with a guy at the moment, though" nakangiting sabi ni Alina.

"Overseas?" tanong ni Joe, na sinagot ni Alina ng hindi.

Magtatanong pa sana si Joe kaya lang biglang dumating ang boss at isa sa mga kasamahan niya sa yosihan. Tumagal ng halos 30 mins ang yosi break nilang dalawa, kaya nagpasya si Alina na pumasok na ulit sa restaurant. After 15 minutes, isa-isa nang nagsisiuwian ang mga kasama nila sa party.

Lumalakad papunta ng sasakyan niya si Alina nang biglang may bumusina na sasakyan sa kaniya.

"Hey Alina, before I forget, can I get your phone number?" sabi niya habang nakasilip sa backseat ng kotseng sinasakyan niya. Dahil siguro sa pagkalito or medyo pagkalasing, ibinigay niya ang phone number niya kay Joe. Nagpasalamat ito, at nagpaalam na.

Nasa sasakyan na nang biglang maalala ni Alina ang ginawa niyang pagbibigay ng phone number niya kay Joe. "What the fuck are you thinking?" sabi nito na nakangiti.

_____________________________________

Sa bahay naman, same old shit - different day naman ang buhay ni Alina. Napapadalas na ring umuuwi na ng late si Tom, at ang tanging reason niya ay trabaho. Napapadalas na rin ang business meetings niya, mapa overseas or local. Dahil sa busy din sa trabaho, parang nakasanayan na rin ng mag-kasintahan ang ganoong setup.

"How are you dear? How's work?" sabi ni Tom habang naka-facetime call. Sumagot lang ng parang walang saysay si Alina, tipong "ayos lang, medyo busy kaya pagod".

"Parang ako din dear. Sobrang daming paperworks na kailangang ayusin. Tapos ang signal pa dito"

Putol ang tawag. Nag-desisyon na mag-message na lang sa kasintahan si Alina, para magpaalam na matutulog na lang siya. After 15 minutes may tumawag sa kaniya.

"Dear, I told you I'll sleep na lang muna di ba?"

"Hello Alina, it's not your dear. It's Joe" sabi ng kausap na tumatawa.

"Sorry about that Joe, thought you were my boyfriend calling me. Anyway, how are you?" namumula pang sabi ni Alina.

"Don't worry about it. Just checking if the number you gave me is really yours."

Tumawa lang si Alina.

"Anyway, you're about to sleep so I won't disturb you any longer. Do you have a messenger app where I can send you a message?" Sinabi ni Alina wala, kaya nagsabi si Joe na baka gusto niyang mag install ng isang app, tapos ibinigay ang kanyang handle.

Pinagiisipan pa ni Alina kung magi-install siya ng messaging app na iyon, o kung papatulan pa niya ang pahaging ng lalakeng kanina lamang ay kausap. "Mukhang mabait naman siya" sabi niya sa sarili.

"Ah, shit, it's 2 am na. I need to sleep" sabi niya, at ipinikit na niya ang kanyang mga mata.