1. Home
  2. Stories
  3. Gaano Kadalas Ang Minsan 4 Finale
Filipino Sex Stories

Gaano Kadalas Ang Minsan 4 Finale

By balderic ·

Episode 4: Kabayaran ng Pagdurusa
By: Balderic

Magdadalawang linggo na ang lumipas simula noong masunog ang aking bahay. Nagkaroon daw ng leak sa lpg namin, yun daw ang dahilan ng pagsabog. Ito ang sinabi ng nag imbestiga. Pero tandang tanda ko na hinde ko ginalaw ang stove. Imposible ding may sira yun dahil regular ko itong chinechek kapag ginagamit ko ito. Sinabi din ng nag imbestiga na nakabukas ang pinto sa likod kaya malaki ang duda ko na may nagsabotahe sa lpg tank.

May gusto bang pumaslang sakin at gustong ipalabas na aksidente ito? Pa ulit-ulit itong dumadaan sa isipan ko at iisang tao lang ang alam kong may motibo. Walang iba kundi si Simon.

Bumalik ako sa presinto para sabihin ang aking hinala. Pero sinabihan lang ako na isasama daw nila sa imbestigasyon ito dahil wala akong ebidensya o patunay sa aking mga hinala. Napapansin ko din na tila walang nangyayari sa reklamo ko.

Bakit ganito? Kapag ba kabaro ng parak, mahirap ireklamo? Sinubukan ko din humingi ng tulong saga social media personalities pero ni isa ay walang nag reply sa akin. Wala na rin akong pera para e forward ang reklamo ko dahil nasunog lahat ng ari-arian ko. Nakatira muna ako ngayon sa isang maliit na apartment na malapit lang sa bahay ng mga magulang ko dahil sa tingin ko ay hinde talaga ako ligtas lalo pa at may pagbabanta si Simon sa akin.

Nabalitaan ng mga kasamahan ko ang mga nangyari. Hinde na nagrereport si Simon bilang bodyguard ng governor. Marami ang nakiramay, marami ang nagbigay ng payo pero ni isa sa kanila ay walang tunay na tulong na maibibigay sakin.

----------
By: Balderic

Natagpuan ko ang sarili kong pumasok sa isang mumurahing bar. Maliit lang ang pwesto pero makikita mo kaagad ang mga babaeng naka suot ng maiksing shorts at kita ang cleavage sa maninipis na sando na nakatambay sa labas ng pinto.

Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang amoy ng sigarilyo ng iilang parokyanong sa tingin ko ay hinde pa naliligo. At ang isa sa mga ito ay kumakanta sa videoke na basag ang sounds at bonus pa ang sintonadong boses ng lalake.

Umupo ako sa isang corner na medyo dim. Lumapit ang isang bading na nagbigay ng menu.

"anong order mo pogi?" tanong nito sakin.

"bigyan mo ako ng bucket ng beer, french fries at isang lomi."

Tumango ito at umalis kaagad. Tumambay lang ako at nag relax. Naka electric fan lang ang bar at talagang pang abot kaya lang ito. Mas malaki pa nga siguro ang sala ng nasunog kong bahay kesa sa buong bar na ito eh.

Dumating ang mga alak at hinde na ako nagsayang ng oras. Gusto ko lang talaga makalimot. Gusto ko lang magsarili. Ang pakiramdam ko ay napaka malas ko nang lalake. Iniwan at pinagpalit sa isang lalakeng walang kwenta. Hinde ko napansin na dalawang bote na kaagad ang aking na ubos.

"Hello." Isang babae ang lumapit sakin. Naka suot din ito ng maiiksing shorts at sando. Amoy ko kaagad ang cologne nya. Tinignan ko ang mukha nya. Hinde ko gaano maaninag pero mukhang maganda naman. Naka lipstick lang ito at naka ponytail ang buhok.

"Hi." Bati ko din sa kanya.

"Bakit nag iisa kalang dyan? Gusto mo ng kasama?"

"Ah eh, di ko alam magkano ang kalakaran ng table dito eh."

"Wag mo nang isipin yun. Bored lang ako. Walang bayad ito. Gusto ko lang ng me kausap." Umupo kaagad ang babae sa tabi ko.

"Bakit ako pa napili mo?"

"Tignan mo nga yun ibang mga costumers dito." Sabay turo nya sa mga lasenggero sa paligid.

"Mukha bang matino kausap ang mga yan?" tanong nya ulit na may ngiti. Mukhang matalas ang isipan ng babaeng ito. Praktikal sya at alam ang sitwasyon. Napa tango nalang ako sa kanya.

"Okay ka din ha." Sagot ko at napa ngiti ako.

"Ako nga pala si Maya. Ikaw? Anong name mo?"

"Dexter." Sagot ko at nakipagkamay ako sa kanya. Malambot at malamig ang kamay ni Maya.

"Nice to meet you Dexter. Mabalik nga ako sa tanong ko kanina. Bakit ka nag iisa?"

"Bored lang din." Sagot ko ulit.

"Pwede ba ako maki inom?" tinuro ni Maya ang isang bote.

"Sure, go ahead."

"Thanks."

Binuksan nya ang tansan at tinungga ang isang malamig na beer.

"Alam mo, dalawang bagay lang ang dahilan ng mga lalakeng pumupunta dito eh. Una, ang maghanap ng ligaya tulad ng mga lalakeng nasa paligid natin. Pangalawa, ang lalakeng may problema." Paliwanag nya sakin.

"So sa tingin mo may problema ako, ganun?"

"Ano pa nga ba."

"May magagawa ka ba kung may problema ako?"

"Aba meron. Marunong ako makinig. Alam mo bang nakakabawas ng problema ang sasabihin mo sa isang tao?"

"Teka, psychologist ka ba o GRO?" tanong ko at biglang natawa si Maya at pinalo ako ng mahina sa balikat.

"Eh baka pareho na rin yun. So ano na? Kwento ka na."

"Mamaya na kung lasing na ako."

"Hay naku. Hinde ka malalasing ng isang bucket lang. Gusto mo ako umorder?"

"Oi oi teka. Style mo din ano. Para tumaas bill ko ganun? Wala ako pera Maya."

"Edi magkwento ka na nga."

"Kulit mo din ano."

Dito ko nilahad ng dahan-dahan kay Maya ang lahat. Sinimulan ko talaga sa simula. Nakinig lang sya sakin. Bakit ganun? Ang sarap magkwento kapag alam mong nakikinig ang tao. Hinde na namin namalayang mag aalas onse na pala ng gabi at naka tatlong bucket din kami ng alak.

Lumabas ako sa bar na medyo magaan ang loob kahit pa mabigat ang ulo ko dahil sa kalasingan.

"Kaya mo pa bang umuwi?" tanong sakin ni Maya.

"Oo naman."

"Samahan mo na yan Maya. Mukhang nagkakamabutihan na kayo eh." Tukso ng isa sa mga GRO na nakatambay sa labas. Agad nag tawanan ang iba. Ano ba yan, medyo nahiya tuloy ako. Pumara si Maya ng tricycle at sinakay nya ako. Sumakay din sya at umakbay sakin. Hiniga ko ang ulo ko sa balikat nya. Ang bango nya talaga. Dito ko tinitigan sya ng maayos. Maganda nga si Maya at mukhang bata pa.

Dumating kami sa apartment na nirerentahan ko. Nahihilo akong binuksan ang pinto at inalalayan ako ni Maya makapasok. Pina upo nya ako sa kama pero humiga na ako kaagad. Inaantok na din ako.

"Okay pala itong apartment mo ha. Hinde mainit at maluwag pa. Magkano renta mo dito?"

"Medyo mahal din. Salamat sa pagdala mo sakin dito Maya."

"Anong salamat, may utang ka sakin, kala mo lang. Ako kaya nagbayad ng tricycle. Tsaka nag effort pa ako na isama ka dito ng libre ha."

"Pasensya na Maya. Wala ako ngayon eh. Pero babawi ako sayo. Iba ka talaga sa mga GRO sa bar na yun. Di lang maganda, maaalalahanin pa."

"Sus nambola pa. Sige matulog ka na dyan at uuwi na din ako."

"Teka, bibigyan kita ng pamasahe."

"Next time nalang Dexter. Hihi." Tumayo sya at inayos ang sarili. Ang sexy ni Maya at ang puti ng katawan. Kung di lang ako inaantok, baka pinatulan ko na talaga itong si Maya.

"Maya teka lang…" sinubukan ko umupo kahit nahihilo pa ako. Huminto sya at humarap sakin.

"Oh bakit? Kala ko ba matutulog ka na?"

"Bakit mo pala ginagawa ito?"

"Bored nga ako di ba? Tsaka nag enjoy naman ako sa usapan natin."

"Salamat sa pakikinig mo sakin Maya. Tama ka, gumaan nga ang loob ko."

"Anyway, sana naman maging okay ka na din Dexter. Hinde pa ito ang katapusan okay? Lumaban ka."

Medyo napa tawa ako sa sinabi nya.

"Oh anong nakakatawa dun?"

"Wala. Sayo ko pa talaga maririnig ang ganyan samantalang sa pagkaka alam ko kapag nag GRO kana, lugmok ka na din sa problema at hirap."

"Sus. Oo lugmok din ako at marami din akong problema Dexter. Pero di ibig sabihin nun, wala na akong karapatang mag encourage ng iba. Lugmok man ako, lumalaban parin ako. Kaya ikaw, maswerte ka parin eh. Maayos trabaho mo at maayos din ang kalusugan mo."

Napa isip ako sandali at tumango nalang. Tama nga si Maya. Nagpaalam sya sakin matapos nya ibigay ang cellphone number nya. At nangako naman akong kokontakin ko sya ulit.

----------

By: Balderic

Araw ng myerkules at bumisita ako ulit sa presinto. Naka leave daw ang chief. Under investigation parin daw ang nangyari sa bahay ko. Okay daw sana kung may naka video o may nakasaksi sa nangyari.

Dito ako biglang may naisip. May cctv sa lugar malapit sa amin. Nagmamadali akong umuwi. Kinausap ko ang barangay ukol sa request ko at pinagbigyan naman ako ng kapitan. Ipinakita sa akin ang video feeds ng cctv ng gabing iyon.

Walang tao sa lugar. Mga aso lang ang nakikita ko. Hanggang sa biglang may dumaang isang motor. Nakilala ko kaagad ang motorsiklo. Hindeng hinde ako nagkakamali. Ito ang motor ni Simon. Wala itong sakay at dumaan sya malapit sa bahay namin kung kelan ang oras na magkakasunog na sa bahay.

Tinanong ko ang kapitan kung sapat na ba itong ebidensya. Pero sinabi nyang hinde pa ito ganun ka konkreto. Kailangan ko parin ng mas konkretong ebidensya.

Idinulog ko ang aking natuklasan at sinabi din ng kapulisan na alam na nila ito pero kulang parin daw ito. Sadyang napabuntong hininga nalang ako sa aking narinig. Ang hirap naman mag kaso. Ang hirap magreklamo. Pero yung mga taong nang aagrabyado ay malaya sa kanilang ginagawang kasamaan.

Gabi ng byernes at bumalik ako ulit sa bar kung saan nagtatrabaho si Maya. Pagpasok ko ay may naka table sa kanya. Tatlong mga lalake at dalawa silang babae na table. Naka kandong si Maya sa isa. Nagkatinginan kami at parang nakaramdam ako ng selos. Hinayaan ko nalang ito dahil wala namang namamagitan samin at trabaho nya din ito.

"Oi sensya na may nauna na kasi. Okay ka lang dyan?" text ni Maya sakin. Ngumiti ako at nagreply din na okay lang naman. Wag daw ako mag alala kasi di naman daw pwede sa bar nila yung nilalabas ang babae unless kung magpapa vip ito. Sinabihan ko sya na hihintayin ko nalang sya.

Uminom lang ako hanggang alas nuebe at lumabas muna sandali. Bandang alas onse nag text sya na lalabas na sya ng bar. Sinundo ko sya at naka ngiti si Maya nang makita ako.

"Mukhang naka rami ka ng inom ah." Wika ni Maya sakin.

"Hinde naman. Sakto lang. Gusto mo kumain sa labas?" aya ko sa kanya.

"Sure, saan naman tayo?"

"May masarap na pares dining dyan sa kabilang kanto."

"Date ba ito?" Biro nya sakin. Umiling lang ako at ngumiti. Magaan ang loob ko kasama si Maya. Makwento sya at hinde boring kasama.

Nalaman kong 20 years palang pala sya at may dalawang anak sa magka ibang lalake. Mukhang maaga syang namulat sa totoong mukha ng buhay. Tanging sya lang ang bumubuhay sa mga anak nya matapos syang itakwil ng kanyang pamilya dahil nabuntis ito ng magkaibang lalake pero iniwan lang.

Ala una ng madaling araw sumama sya sakin papunta sa apartment. Pinag shower ko muna sya sa banyo para maka refresh sya. Lumabas sya ng banyo at nagulat ako nang makita kong naka panty nalang sya at naka sando pero walang bra.

"oh bakit ang seryoso ng titig mo dyan?"

"Wala, ang sexy mo kasi kahit may dalawang anak ka na."

"Asus. Usog ka nga dyan." Utos nya sakin at sumampa sya sa kama at tumabi sakin. Niyakap nya ako at para kaming bagong kasal.

Sa puntong iyon ay wala na kaming masyadong usapan pa. Alam namin kung saan papunta ang lahat. Natagpuan namin ang isa't isa na magkayakap at nagpapalitan ng mainit na halikan. Ang bata pa ni Maya pero ang sarap nya humalik. Ang galaw ng labi nya sa labi ko ay nagpapadagdag ng init sa aking katawan. Gumapang ang aking mga kamay sa makurba nyang katawan. Halos wala syang taba sa balakang. Gumulong kami at umibabaw ako sa kanya. Nagpatuloy ang aming halikan at walang humpay na lambingan. Matapos ito ay sya naman ang nasa ibabaw. Hinubad namin ang aming kasuotan.

Inangkin ko si Maya ng gabing iyon. Mainit ang aming pagniniig. Magaling talaga si Maya sa pagpapaligaya sa lalake. Eksperyensyado na ito. Ang kanyang bewang at katawan ay matinde kung gumiling at umatras abante. Napapa ungol nalang ako sa tinde ng kanyang ginagawa sakin. Kamuntik pa akong matapos kaagad dahil sa galing nya. Pinahinto ko muna sya sandali at nagbago kami ng pwesto.

Pinadapa ko sya sa ibabaw ng kama at ako naman ang umararo sa kanya. Nag aatras abante ang kama sa tinde ng aking pag kayod. Panay ungol lang si Maya at sinasabunutan ang buhok ko.

Tinapos ni Maya ang aming matindeng eksena nang isubo nya ang aking pagkalalake at nilunok ang nailabas kong katas.

Matapos ang gabi ng ligaya, ay naisip ko din at nag alala ako sa sarili ko na baka magkaroon ako ng sakit dahil na din sa klase ng trabaho ni Maya. Kaya napagdesisyunan kong magpa check up na din. Mabuti naman at negatibo ang resulta ko. Baka kailangan ko na gumamit ng proteksyon sa susunod na may mangyari sa amin.

----------
By: Balderic

Isang buwan ang lumipas at naging nobya ko si Maya. Alam ko ang hirap ng sitwasyon nya kaya ginawa nalang naming lihim ang lahat. Tanging si Maya ang nagbigay sakin ng ligaya na pinagkait sakin ni Megan.

Sa kabila nito, tuloy parin ang pagsampa ko ng kaso sa misis ko sa pangangaliwa nito. Na forward ang kaso at nagkaroon ng hearing. Hinde sumipot si Megan at Simon. Sadyang matigas ang mga ito kaya nagpadala ng sulat para ipatawag silang muli sa susunod na hearing.

Dito ako nakatanggap ng tawag mula kay Megan. Bago ang number na ito kaya di ako nakapaghanda at nasurpresa akong si Megan ang tumatawag.

"Dexter bakit hinde nalang natin pag usapan ito ng maayos para hinde na tayo napupunta sa kahihiyan? Pwede naman tayong magkita sa barangay nalang at magkaroon tayo ng kasunduan?" wika ni Megan.

"Naisip mo pa pala ang kahihiyan sa kabila ng ginawa mong kataksilan Megan? Iisa lang ang maipapayo ko sayo, harapin nyo ni Simon ang kaso. Para hinde na mas lumala ang sitwasyon nyo."

"Hayop ka Dexter! Pinagkakait mo talaga ang maging maligaya ako?"

"Maligaya? Bakit? Naging maligaya ba ako sa ginawa mo!? Pagbabayaran mo ang lahat Megan. Pagbabayaran ninyo ni Simon."

"Hinde pa tayo tapos Dexter. Hinde mo pa kilala si Simon."

"Pagbabanta ba yan? Hinde pa ba sapat na sinunog ni Simon ang bahay ko?"

"Wala kang ebidensya na si Simon ang nagsunog ng bahay. Masyado ka lang talagang pabaya kaya nagkaganyan ang nangyari sa bahay. Palibhasa, hinde mo nga ako nagawang alagaan ng maayos, ang bahay pa kaya. Kaya iniwan ka na din ng bahay tulad ng pag iwan ko sayo. Wala kang karapatang maging maligaya kasi pabaya ka at walang kwentang lalake!" Dito pinutol ni Megan ang tawag. Hinagis ko ang cellphone sa pader sa sobrang galit. Mabuti at hinde ito nasira.

Nang gabing iyon ay kinuwento ko kay Maya ang nangyari. Kita ko ang pagka irita nya.

"Babe, siguro mas mabuti pang pabayaan mo nalang sya."

"Bakit naman? Sinaktan nila ako Maya. Kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila sakin."

"Nandun na ako pero malaki din ang kapalit nyan sayo. Stressed ka palagi at gumagastos ka lang. Alam mo paano ko nagagawang tumayo kahit mag isa lang ako? Nag momove on ako babe. Hinde ako umaasa sa mga ama ng mga anak ko. Ginagawa ko ang lahat para sa mga bata at nakakadagdag lang ng sakit sa ulo kung hahabol pa ako sa mga ex ko. Kaya kung ako ikaw, why not ituon mo nalang sa trabaho ang buhay mo. Mag ipon ka at magsimula ulit. Hayaan mo nang ang Diyos ang humusga sa kanila."

Napa isip ako sa mga sinabi ni Maya. Ang sakit ng ginawa sakin ni Megan at ang hirap talaga mag let go. Parang inaamin mo na din na talunan ka. Pero maganda ang oportunidad na minungkahi ni Maya sakin. At least babalik sa katahimikan ang lahat at makaka simula akong muli.

"Susubukan ko babe. Salamat at nandyan ka. Ang hirap pala mag isa." Wika ko at hinalikan ko sa nuo si Maya. Niyakap nya lang ako.

----------
By: Balderic

Sinunod ko ang sinabi ko kay Maya. Sinubukan kong kalimutan si Megan. Sinubukan kong humarap sa kinabukasan. Tinuon ko ulit ang sarili sa trabaho. Naging busy ako. Nag ipon.

Hanggang lumipas ang tatlong buwan. Naging tahimik nga ang aking buhay. Ni minsan ay hinde na ako nakatanggap ng tawag o panggugulo kina Megan. At naging mas malalim na ang pagsasama namin ni Maya.

Sinabihan ko na si Maya na tumigil na sa kanyang trabaho sa bar. Sinabihan ko din syang ako na din ang tatayong ama ng kanyang mga anak. Nagulat si Maya sa aking sinabi. Pero pinakita kong seryoso ako. Mahal ko si Maya. Sya ang pumuno ng nagkulang kong puso.

Tulad ko, nagrerenta lang din si Maya kaya pina alis ko na din sya sa kanyang tirahan. Maliit lang iyon at marumi ang paligid. Isang lugar na hinde na aangkop sa pagpapalaki ng mga bata. Pinatira ko na sya sa apartment.

Pero may isang problema. Hinde pa maka alis si Maya sa kanyang pinagtatrabahuan dahil may utang ito sa may ari. May kalakihan din iyon at patingi-tingi lang ang pagbabayad nya. In short, nagpa alila sya sa bar. Nangako akong ako mismo ang tutubos sa kanya. Kaya nanatili pa sa bar si Maya pero hinde na ito magpapa galaw sa iba. Exclusive lang ito sa pag te-table at dahil hinde naman talaga sila pinapayagang e take out unless may malaking bigay ang costumer, ligtas sa sakit si Maya.

Gabi ng byernes at sinundo ko si Maya sa bar. Ito ang gabi na hinde ko makakalimutan. Dahil pagpasok ko sa bar ay nagulat ako nang makita ko si Simon kasama ang dalawa pang pulis at may table sila. Si Maya ang table ni Simon. Walang hiya. Umusok kaagad ang tenga ko. Kumulo ang dugo ko at nanginginig ako sa galit.

Nakita ako ni Simon na papalapit sa kanila at napatigil sila sa usapan nila.

"Aba! Di ko alam na dumadayo ka na pala sa ganitong lugar Dexter." Wika ni Simon at naka ngiti ito.

"Nandito ako para sunduin ang kasintahan ko. Maya halika na."

Nanlaki ang mga mata ni Simon at natawa ito.

"Seryoso!? Itong putang ito ang syota mo? Hahaha! Walang hiya, nag bago ka na talaga Dexter! Di ko alam pati ganitong uri ng babae pinapatulan mo na."

"At least tapat mag mahal si Maya kesa sa babaeng inagaw mo sakin."

Dito na realize ni Maya na si Simon ang lalakeng tinutukoy ko noon na umagaw sa misis ko. Tumayo sya at lumayo kaagad kay Simon. Pumunta sa likod ko si Maya.

"Di pa ako tapos sa pag gamit nyang puta mo Dexter. Sayang bayad ko dyan. Kailangan sulitin ko muna. E tetable ko lang sana yan kaso ngayon nag bago na isip ko. Mas okay siguro kung e take out ko na lang para mas sulit ang gabi ko hehe." Tumayo si Simon at sumenyas sa bading na waiter. Lumapit ito at binigyan ito ng limang libo.

"Take out ko na tong chicks nyo ha." Sabay turo ni Simon kay Maya. Hinde naka kibo ang bakla. Alam nyang mga parak at mga armado ang mga ito. Maging ako ay natatakot din. Mga lasing na pulis ang kaharap ko ngayon.

Sinubukan lumapit ni Simon pero humarang ako.

"Tumabi ka dyan kung ayaw mong mapasama! Baka gusto mo maranasan ulit ang ginawa ko sayo noong highschool. Mga pre! Itong si Dexter, ilang beses itong napa ihi sa takot. Di mo na kailangang sapakin. Ma iihi na agad pag lalapit ako hahaha!"

Nagtawanan man ang mga kasamahan nya, hinde ako natitinag. Tapos na ako sa pag iwas. Tapos na ako sa pagiging biktima.

"TABI!" Tinulak ako ni Simon kaya gumanti ako ng suntok. Tinamaan sa panga si Simon at nabuwal ito. Napasigaw ang bading sa takot. Tumayo ang mga kasama ni Simon at hinimas ang baril nila.

"Wag! Akin ito!" wika ni Simon. Umaksyon ito.

Dahil lasing, kung saan saan ang mga suntok ni Simon. Ilang beses kong tinamaan ng sapak ang pagmumukha nya. Binigyan ko din sya ng mga suntok sa sikmura bago sya bumagsak ulit.

Napahiya si Simon sa kanyang mga kasama. Hinde nila inaasahan na mapapatumba ko sya. Para akong nasa alapaap. Napaghiganti ko ang sarili ko simula pa noong kabataan ko. Ang sarap sa pakiramdam. Pero bigla itong naglaho nang bumunot ng baril si Simon.

Tinulak ko si Maya at yumuko ako. Walang tinamaan sa unang putok.

"pre tama na!" away ng kasama ni Simon at hinawakan sya.

"Wag nyo akong pakialaman! Bitawan nyo ako!"

"Dexter tumakbo ka na!" sigaw ni Maya at agad akong tumakbo.

"Tang ina! Duwag ka pala eh! Bumalik ka dito!" sigaw ni Simon at hinabol nya ako palabas ng bar. Sa bilis ko ay nakatawid ako agad sa kalsada. Nagpaputok pa ulit si Simon at nadaplisan ako sa binti.

Natumba ako at nang harapin ko si Simon ay papalapit na ito at nakatutok ang baril.

"Dapat pala ikaw nalang sinunog ko noon eh!" wika ni Simon.

Biglang dumaan ang isang pampasaherong jeep. Sa sobrang bilis nito ay nasagasaan si Simon. Tumilapon ng ilang metro ang katawan ni Simon at di na ito gumagalaw.

----------
By: Balderic

Isang linggo akong nanatili sa ospital matapos akong mabaril. Nagkaroon ulit ng imbestigasyon at kitang kita ang pagtatangka ni Simon sa aking buhay.

Dadagdagan ko pa sana ang ikakaso ko kay Simon pero nang malaman ko ang kalagayan nya ay tila nagbago ang isipan ko.

Paralyzed si Simon mula leeg hanggang paa. Hirap itong huminga at hinde makapagsalita. Walang ibang pwedeng sisihin sa nangyari kundi sya lang. At maswerte pa daw itong nabuhay. Pero para saan pa? Baldado na si Simon.

At walang ibang mag aalaga sa kanya kundi ang taksil kong asawa na si Megan.

"Na karma din sila Dexter." Ito ang sinabi ni Maya sakin. Nakarma nga ba sila? Hinde ako sigurado. Pero ngayon, hindeng hinde na talaga ako guguluhin ng lalakeng yun.

Sa wakas ay matatahimik na din ako. Tila bumawi ang tadhana at itinama ang isang kamalian. Tatlong linggo matapos ang lahat ay biglang bumisita si Megan sa apartment ko. Wala akong pasok sa mga oras na iyon at naka yakap sakin ang isa sa mga anak ni Maya. Nasa bayan si Maya at namamalengke. Nabigla ako sa pagbisita ni Megan. Ibang iba na ang itsura nito. Para itong walang ligo at mukhang stressed.

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Umiyak nalang si Megan at lumuhod sa harapan ko.

"Pakiusap Dexter…patawarin mo sana ako…patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko. Hinde ko na kaya ang pinagdadaanan ko."

"Kung kapatawaran lang ang hinihingi mo sakin Megan, matagal na kitang pinatawad. Pero kung gusto mong bumalik sa akin, yan ay hinde ko na magagawa. Tahimik na ako kasama si Maya. Kasal man tayo, matagal nang tapos ang pagsasama natin. Mas pipiliin ko pang maging asawa ang isang babaeng mababa ang lipad pero tapat mag mahal. Kaya pakiusap lang Megan, kalimutan mo na ako at wag ka nang babalik pa dito. Kung nahihirapan ka sa kalagayan mo kay Simon, bakit di mo iwan? Hinde naman kayo kasal? Iniwan ni Simon ang pamilya nya para sayo, iniwan mo din ako para sa kanya. Ngayong nagkaletse letse na ang buhay ninyong dalawa, babalik ka sakin? Wag na. Mas mabuti pang magsimula ka nalang ulit para sa sarili mo. Walang hawak si Simon sayo. Anytime pwede mo syang iwan. Yan lang ang maipapayo ko sayo Megan." Tumalikod ako sa kanya at tulad ng ginawa nya sakin noon, sya naman ang iniwan kong nakaluhod sa lupa. Pumasok ako sa apartment at sinara ang pinto. Sinilip ko pa sya sa bintana. Nagtagal pa ng halos sampung minuto si Megan na nakaluhod at panay ang iyak bago ito umalis. Sa totoo lang, naaawa din ako sa kanya. Kahit ano pa, asawa ko parin sya. Siguro kung wala si Maya, baka bumigay na ako sa pagmamakaawa ni Megan. Pero iniisip ko din kung mapagkakatiwalaan ko pa ba sya sa ginawa nya?

Sa tingin ko mas okay pa ang disesyon ko ngayon. At least, mas kampante ako at mas tahimik. Kung sino pa ang babaeng sinasabi nilang marumi, sya palang may busilak na puso at handangag mahal ng totoo. Sadyang mapaglaro ang tadhana.

Naging maayos ang pagsasama namin ni Maya. Hinde man kami pwede ikasal, at least nagmamahalan kami. Lumipas ang dalawang taon at may sarili na din kaming anak ni Maya.

Hinde na bumalik pa si Megan. Ang balita ko ay iniwan nga nito si Simon. Naka hanap ito ng bagong asawa at tumira sa malayo. Habang si Simon naman ay pumanaw na mag isa.

Dito na magtatapos ang kwento ko. Maraming salamat sa iyong pagsubaybay.

End