1. Home
  2. Stories
  3. Sex Note 14
Filipino Sex Stories

Sex Note 14

By adobonglamok ·

Sex Note Guide # 1:

The person (target) whose name is written in this notebook shall feel intense lust towards someone (recipient) whose name is written next to him/her. It will take effect once they make contact.

=======

Katatapos lang ng mainit na bakbakan nila Gerald at Alexandra. Dahil sa labis na pagod at gutom ay naubos ang lakas ng binata at nakatulog sa ibabaw ng dalaga.

Wala namang nagawa si Alexandra kundi hayaan lang ang binata. Tutal ay nasarapan din naman sya.

Pero pilit pa rin nyang iniisip kung bakit bigla na lang syang nagkaganun. Parang pagkakita nya kay Gerald ay bigla na lang syang nakaramdam ng napakatinding libog.

Nasa kalaliman sya ng pag-iisip nang may marinig syang kaluskos sa bandang ulunan nya. Simbilis ng kidlat na bumalikwas sya at may kinuha sa ilalim ng kama. At sa isang kisap-mata ay isang punyal ang tumarak sa may dingding ng kwarto.

"Sino yan?" Sigaw nya.
Agad nyang hinablot ang kumot at ibinalabal sa katawan.

Sa may gawi naman kung saan nya inihagis ang punyal ay nanigas si Asmo sa kinatatayuan nya. Halos walang kalahating pulgada ang pagitan ng punyal sa ilong nya.

Humarap sya kay Alexandra at itinaas ang dalawang kamay.

"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba?" Tanong ng dalaga nang makilala ang demonyo.

"Ah, eh… Hinahanap ko kasi yung banyo…" Palusot ng demonyo.

"Di ako naniniwala sayo! Kanina ka pa ba dyan?"

"Ahm… Inabutan ko nung nasa part na kinakain ka na nya…" Sagot ni Asmo sabay turo kay Gerald na patuwad na nakasalampak sa sahig at nakausli ang hubad na pwet.

"Nyeeee!" Bulalas ng dalaga pagkakita sa itsura ni Gerald.

"Ano bang nangyari? Bakit andito ka Asmo?" Tanong ng binata pagkabangon.

"Ah… Eh…" Di makasagot ng tuwid ang demonyo.

Naningkit sa inis ang mga mata ni Alexandra. Sa isang kisap mata ay nasa harapan na sya ni Asmo, hawak ang punyal na kanina lang ay nakatarak sa dingding.

"Sumagot ka! Sabihin mo yung totoo!" Singhal ng dalaga habang nakatutok ang talim ng punyal sa lalamunan ng demonyo.

"Sige na, sige na… Sasabihin ko na!"

At nagsimula nang magkwento si Asmo.

===

Halos isang oras ang nakakaraan…

Hindi mapakali si Asmodeus. Kanina pa sya palakad-lakad sa kwarto. Hindi nya maalis sa isip nya ang dambuhalang ChocNut na inabot ni Alexandra kay Nuno.

"Kingina! San nya kaya itinatago yung ChocNut na yun? Sigurado ako na marami pa syang nakatagong ganun." Bulong nya sa sarili.

"Nahalughog ko na yung ref at mga cabinet pero wala dun. Malamang nasa kwarto nya yun. Kaya lang hindi ako basta-basta makakapasok dun."

Nakita nya ang pantalon na hinubad ni Gerald at nakalitaw mula doon ang Seiko wallet nito.

Naningkit ang mga ng demonyo na tila nag-iisip ng malalim.

"Hmmm…" Sambit nya habang hinihimas pa ang baba.

Maya-maya ay may lumitaw na bumbilya sa ibabaw ng ulo nya na biglang sumindi.

"Alam ko na!" Biglang laki ang naningkit nyang mga mata at abot tenga ang ngiti.

Kinuha nya ang Seiko wallet ni Gerald at mula doon ay dinukot ang pahina ng Sex Note.

Naghalungkat sya sa mga drawer at nakita nya ang isang ballpen. Dinampot nya ito at tiningnan ang tatak.
Kilometrico.

Inilapag nya sa desk ang papel at nagsulat.

ALEXANDRA TRESE

Pagkatapos ay muling itinupi ang pahina, isinuksok sa Seiko wallet na sya namang ibinalik sa bulsa ng pantalon ni Gerald.

Tapos ay ginising nya si Gerald.

===

At iyon na nga ang nangyari. Ang pilyong demonyo nanaman pala ang may kagagawan ng lahat.

"Sinasabi ko na nga ba! May kakaiba talaga akong naramdaman kanina. Demonyo ka talaga!" Galit na sabi ng dalaga.

"Pasensya ka na, Alexandra. Demonyo talaga yan." Si Gerald na kumakampi sa dalaga.

"Isa ka pa! Sinamantala mo naman yung libog ko!" Si Gerald naman ang binalingan nito.

"Wala akong kasalanan! Biktima lang din ako!" Depensa ni Gerald.

"Biktima? Eh nasa matino kang pag-iisip. Sinamantala mo ko! Enjoy na enjoy ka sa pagkantot sakin! At ang matindi pa, sa loob mo ko pinutukan! Hayup ka! Ang dami mo pang nilabas!" Pinaghahampas ng dalaga si Gerald.

"Sorry… Di ko napigilan…"

"Magsilayas kayo ngayon din!" Taboy ng galit na galit na dalaga.

Wala naman nagawa ang dalawa kundi umalis.

=

Habang naglalakad sa kalsada ay walang tigil ang sisihan ng dalawa.
At dahil si Gerald lang ang nakakakita sa demonyo ay mukha syang siraulo na nagsasalitang mag-isa. Pinagtitinginan na sya ng mga tao pero wala syang pakelam. Hanggang sa sinabi ni Asmo na babalik na lang muna sya ng impiyerno.

"Mas mabuti pa nga! Lumayas ka na!" Singhal ni Gerald.

Nagpatuloy sa paglalakad ang binata kahit pa di alam kung saan pupunta.

Muli syang nakaramdam ng pagkalam ng sikmura.
Kinuha nya ang Seiko wallet at tiningnan kung may pera ba sya. Pero dalawang tig limang pisong barya lang ang laman nun at ilang sentimos.

Lumingon sya sa paligid at naghanap kahit fishball man lang nang may sumitsit sa kanya.

"Pssst!"

Agad syang napalingon sa pinanggalingan nito.

Isang lalaking may katangkaran ang nakatingin sa kanya.

Di nya ito kilala kaya di nya pinansin.

"Pssst!" Sitsit ulit ng lalake.

"Ako ba tinatawag mo?" Tanong ni Gerald.

"Oo. Ikaw nga." Sagot ng lalake.

"Anong kailangan mo sakin?" Tanong ng binata.

"Ako to!"

"Sino?"

"Ako! Si Beelzebub!" Sagot ng lalake.

"Di kita kilala…"

"Ako si Beelzebub! Yung sa warehouse…"

"Beelzebub? Yung kasamang demonyo ni Asmo?"

"Oo! Ako nga! Ibinilin ka nya sakin."

"Si Asmo ibinilin ako sayo?"

"Oo. Sabi nya galit ka daw sa kanya. Iba na lang daw muna ang sumama sayo. Kaya nagprisinta ako…"

"Ganun ba?"

Saglit na nag-isip si Gerald.

"Di ba ikaw yung demonyong matakaw?" Tanong ng binata.

"Makasabi ka naman ng matakaw. Mahilig lang kumain…"

"Ganun na rin yun. May pagkain ka ba dyan? Kahapon pa ko walang kain eh." Tanong ng binata.

"Wala eh. Gutom na nga rin ako kaya ako nagprisinta…" Sagot ng demonyo.

"Pera?"

"Wala rin."

"Eh pano tayo makakakain?"

"Wag kang mag-alala. May plano ako…"

Isang ngising demonyo ang sumilay sa labi ni Beelzebub.

==

"Sigurado ka ba na jan mo lang gustong kumain?" Tanong ni Beelzebub.

Kasalukuyan silang nasa tapat ng isang karinderya.

"Oo. Gutom na gutom na talaga ako eh…" Sagot ni Gerald.

"Sige, ikaw bahala. Basta yung napagkasunduan natin ha…" Si Beelzebub.

"Oo. 20 minutes ha…"

"Sige. Sisimulan ko yung oras mo pag nakapasok ka na."

Tumuloy na si Gerald sa karinderya at agad na umorder.

Sa labis na gutom ay halos lahat ng ulam ay inorder nya at naka limang order din sya ng kanin.

Wala pang beinte minutos ay natapos na sya at hinihintay na lang ang oras na napagkasunduan nila ng demonyo.

Kasalukuyan syang nagtu-toothpick nang pumasok si Beelzebub sa karinderya. May hawak na dos por dos at nagpalinga-linga sa mga taong kumakain.
Napatingin din sa kanya ang lahat ng tao sa karinderya.

Nang makita ni Beelzebub si Gerald ay itinuro nito ang hawak na dos por dos sa direksyon ng binata.

"Ikaw!" Sigaw nito.

Agad namang napatayo si Gerald.

"Ikaw yung nang-ahas sa asawa ko! Walangya ka! Papatayin kita!" Sigaw ni Beelzebub sabay takbo pasugod kay Gerald.

Si Gerald naman ay napatakbo din palayo.

Agad nagkagulo. Nagsipag-iwasan ang mga kumakain. Ang mga serbidora ng karinderya ay nagsipagtilian.

Naghabulan paikot-ikot sa loob ng karinderya ang dalawa.

"Wag kayo dito mag-away! Magsilabas kayo! Kundi tatawag ako ng pulis!" Sigaw ng matandang babae na may-ari ng karinderya.

Agad naman tumakbo palabas si Gerald at kasunod nya ay si Beelzebub.
Direcho silang dalawa sa isang eskinita sa di kalayuan.

"Ano, ayos ba yung plano ko?" Tanong ni Beelzebub.

"Oo. Kaya lang pumutok ata yung appendix ko…" Hingal na sagot ni Gerald.

"Sige. Magpahinga muna tayo sandali tapos ako naman ang kakain."

=

Sa tapat ng isang fine dining restaurant napadpad ang dalawa. Sa itsura pa lang sa labas at sa ambiance ng lugar ay alam na agad na mamahalin ito.

"Jan ka kakain?" Tanong ni Gerald.

"Oo naman!" Sagot ng demonyo.

"Langya. Di ko naisip yun ah."

"Mahinang nilalang ka kasi. Libre na nga lang di mo pa lubusin. Bwahahaha!"

"Sige na, pumasok ka na."

"Sige. Basta yung plano ha. Kagaya kanina."

At pumasok na nga ang demonyo.

Kasalukuyan na itong nakaupo sa mesa at namimili ng kakainin. Lahat ng nasa menu ay masasarap. Lahat din ay mamahalin. Nahirapan syang mamili kaya sinabi nya sa waitress na oorderin nya lahat ng nasa menu.
Napataas ang isang kilay ng serbidora. Tiningnan ang guest mula ulo hanggang paa.

Wala sa itsura nito ang mukhang mapera pero matangkad ito at mukhang may ibang lahi. Naisip nya na baka vlogger ito na nagpapanggap lang.

Matapos kumpirmahin lahat ng orders nya ay naglakad na ang waitress palayo.

Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik ito na may bitbit na isang pitsel ng tubig. Sinalinan ang isa sa mga basong nakalatag sa mesa at naglakad muli palayo.

"Teka miss…" Tawag ng demonyo.

Nilingon sya ng babae.

"Yes Sir? Do you need anything else?" Tanong nito.

"Hindi naman ito order ko."

"Ah Sir niluluto pa po yung orders nyo. It will take a while po. Please kindly wait."

Napatango na lang ang demonyo.

Maya maya ay bumalik ang babae. May bitbit na tray na may nakatalukbong na puting tela.

Nagliwanag ang mukha ng demonyo.

"Yes! Tsibugan na!" Bulong nito.

Inilapag ng serbidora ang isang maliit na basket sa mesa at inalis ang nakataklob dito.
Tinapay lang ang laman nun.
Tapos ay naglapag sya ng isang platitong may butter.

"Complimentary bread po."

Tapos ay muling umalis ang babae.

Nasa labinlimang minuto na ata ang nakakalipas. Ilang minuto na lang ay dadating na si Gerald.

Pinapawisan na ng malamig ang demonyo. Dumampot sya ng tinapay at nginatngat ito.

Ilang minuto pa ay tinawag nya ang serbidora.

"Matagal pa ba?" Tanong nya.

"Malapit na po Sir. Pakihintay na lang po. More bread pa po ba?"

"Ah, sige…"

Nakatatlong hingi na ng tinapay si Beelzebub nang makita nyang papalapit na muli ang waitress. May bitbit ulit itong tray at may mga plato dito ng pagkain na umuusok usok pa.

"Sa wakas! Salamat Lord!" Sa sobrang tuwa ay bigkas nito.

"Ay mali pala. Erase, erase!" Sabay tampal sa bibig.

Ilang hakbang mula sa mesa nya ay napahinto ang babae at napalingon sa gawing pintuan.

Napalingon din doon ang demonyo. At nanlaki ang mga mata nya sa nakita.

Andun na si Gerald. May hawak na dos por dos at pinipigilan ng ilang staff ng resto.

Lumingon ang binata sa direksyon nya at itinuro sya.

"Ikaw! Hayup ka!" Sigaw nito.

Si Beelzebub naman ay maluha luha ang mga mata at umiiling-iling. Sumesenyas ng time out at umalis muna si Gerald.
Pero di ito nakuha ng binata.

Sumugod ito papunta sa kanya.
Panay pa rin ang iling ng demonyo.

Medyo nagtaka si Gerald dahil di pa rin ito tumatayo. Mukhang may mali. Pero wala na syang magagawa. Di na sya pwedeng umatras. Kailangang ituloy ang palabas.
Kaya nang makalapit sya dito ay hinataw nya ang ulo ng demonyo.

Napasigaw sa sakit si Beelzebub at nagtatakbo palabas. Nagsipagtabihan ang mga staff para makalabas ito. Hinabol sya ni Gerald at nang makalayo na sila ay tinanong nya ang kasamang demonyo.

"Ano, ayos ba yung acting ko?"

"Walangya ka! Tinapay pa lang yung nakakain ko! Bakit pumasok ka agad?" Galit na singhal ng demonyo.

"Eh di ba usapan natin bente minutos?" Depensa ni Gerald.

"Eh malay ko din ba na napakatagal nila magserve ng pagkain sa lugar na yun?" Ang demonyo habang hinihimas ang parte ng ulo na hinampas ni Gerald.

"Sorry na."

"Hayup ka! Ang lakas pa ng palo mo! Tingnan mo anlaki ng bukol ko!"

"Akala ko kasi maiilagan mo yun. Di ba may powers ka?"

"Powers mo mukha mo! Jan ka na nga!" Pagkasabi nun ay biglang naglaho ang demonyo.

Naiwang mag-isa si Gerald na di alam kung saan pupunta.

Naupo sya sa tabi ng kalsada at nag-isip.
Inisip kung bakit ba sya nalagay sa ganitong sitwasyon at kung ano nang mangyayari sa kanya.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nya sabay yuko. Pumikit sya at pinilit alisin ang lahat ng gumugulo sa kanyang isip.

Maya-maya ay may naramdaman syang palad sa kanyang balikat…

Tiningala nya ito at isang pigura ang tumambad sa kanya pero di nya ito maaninag dahil napaliligiran ito ng puting liwanag. Basta ang napansin nya lang ay may mahaba itong buhok..

"Lord?" Tawag nya dito.

Di ito sumagot. Bagkus ay may inabot ito sa kanya.
Isang puting sobre.

Nang tingnan nya ang sobre ay may mga nakasulat doon.

SIR/MAM

AKO PO AY ISANG BADJAO NA HUMIHINGI NG KONTING TULONG PAMBILI NG PANGKAIN

SALAMAT PO
BADJAO

Muli nyang tiningala ang pigura at unti-unti na nyang naaninag ang anyo nito. Ang inakala nyang mahabang buhok ay tela pala na nakatalukbong sa ulo nito. Ang liwanag naman na pumapalibot dito ay nagmumula sa ilaw ng poste sa likuran nito.

Ibinalik nya sa Badjao ang sobre.

"Wala akong pera." Sabi nya dito habang umiiling.

Itutuloy….

========

Due to an overwhelming and insistent public demand (mga tatlo), muli kong binalikan ang pagsusulat sa naunsyaming seryeng ito.

Masyado pa rin akong busy sa buhay kaya hindi ko maipapangako sa milyun-milyon kong mga tagahanga at tagasubaybay na magiging regular ang pagpopost ko ng update ng istoryang ito.

Pero isa lang ang titiyakin ko sa inyo. Bukas na bukas din ay sisimulan ko na agad ang pagsusulat ng susunod na kabanata. Sa katunayan ay may naisip na akong title para dito. At nais ko itong ibahagi sa inyo.

Ang title ng susunod na chapter ay "Sex Note 15".

Sa titulo pa lang marahil ay mahuhulaan na ninyong kasunod ito ng Sex Note 14.
Iisa lang ang ibig sabihin nyan. Dahil ang numerong 15 ay napaka espesyal sa mga taong natapat sa 15 ang mga birthday. Espesyal din ito sa mga natapat sa 15 ang anniversary.

Kaya makakaasa kayong lahat na wala ulit kakwenta-kwenta ang mga pinagsasasabi ko ngayon. Gusto ko lang ulit pahabain yung post ko.

At kung hanggang dito ay nagbabasa pa rin kayo, iisa lang ang ibig sabihin nun. Sobrang bagot na bagot kayo at wala kayong ibang maisip gawin sa mga buhay nyo.

Kaya't halina at samahan nyo akong awitin ang bahay kubo…

Bahay kubo
Kahit multi
Ang halaman doon
Ay sari-sari

Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani

Kundol, patola
Upo't kalabasa
At saka mayron pa
Labanos, mustasa

Sibuyas, kamatis
Bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng linga.

Palakpakan!