1. Home
  2. Stories
  3. 2nd Chance : Chapter 4 " Wala Pa Man Break Na?"
Filipino Sex Stories

2nd Chance : Chapter 4 " Wala Pa Man Break Na?"

By gilfmilflover ·

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Ang Nakaraan.

" Hi Janelle" ang bati ni Jana kay Janelle ng makapasok muli ito sa bahay. Nasa baba na kami ni Jana. Nasa Kusina ako habang ang dalawa ay naguusap sa sala.

" I'll buy the property. Juan made me libot sa property and turo me the cleanest part of this house" ang sabi ni Jana.

Kaya nagpirmahan na ng papeles ang dalawa. Nagpaalam na kami ni Janelle.

Habang nakapili kami sa Toll gate ng Sctex.

" Salamat Juan" ang sabi ni Janelle sa akin.

" Salamat sa saan?" ang pakunwari ko na walang alam

" Sa pagkumbinse kay Jana about sa bahay" ang sabi nito sa akin.

" Walang anuman" ang sabi ko dito at hinawakan ko ang kamay nito.

Hinawakan din niya at pinisil pisil.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Matapos ang kliyente niya sa subic ay mas naging close din kami ni Janelle.

Lucky charm na kasi ang tawag nito sa akin dahil sa dami ng deal na naisara ni Janelle kapag kasama nito ako.Lalo kapag medyo tagilid ang laban ay magugulat na lamang ito at biglang bibili ang mga kliyente niya.

Lalo kapag babae ang kliyente.Wala itong kaalam alam na binibenta ko na ang sarili ko para sa kanya.

Napansin din nito ang kakulangan ko sa edukasyon lalo na sa salitang english. Kaya kapag wala kami magawa ay tinuturuan niya ako.

" Friday" ang sabi nito sa akin habang nakaupo kami sa sala.

" Priday" ang sabi ko naman.

" Bigyan mo ng lambing ung F" ang sabi nito sa akin.

" Fri Friday" ang sabi ko habang pilit na nilalambingan ung letter f.

" Yehey, kuya galing muna" ang sabi ni Kobe sa akin habang nanood ito ng tv.

" Salamat Kobe" ang sabi ko dito.

" Muntikan ko na sabihin na biyernes na lang hahaha" ang sabi ko naman kay Janelle.

" Subukan mo" ang sabi nito sa akin at sabay kuha ng unan tska akmang hahampasin ako nito.

" Biyernes" ang pang aasar ko naman dito.

" Ah ganun ba" ang sabi nito sa akin at sabay hampas nito sa akin ng unan.

Kiniliti ko naman ito at sumali na rin si Kobe sa pangingiliti sa akin.

" Ah talagang pinagtulungan niyo ako ah" ang sabi ko sa kanila at kinuha ko si Kobe kiniliti ito.

" hihihihihih kuyaaaaa juuuuaaaannnnn taaammaaa naaa ppoooo" ang hindi nito mapigilan hagikgik dahil sa pangingiliti ko dito sa tiyan. Si Janelle naman ay sumali na din at kiniliti naman niya ang anak nito.

" Kuyyyyaaaa, siii moooommmmyyyy naammmaaaannnnn" ang sabi ni Kobe sa akin at pinakawalan ko na ito. Kiniliti naman namin ang mommy niya.

" hahahahahahahaha" ang malakas na tawa ni Janelle habang pinagtutulungan namin ito ni Kobe.

" Parang one happy family kayo" ang sabi ni Nanay sa amin at tumigil naman kami dahil dito.

Parang isang awkward na sitwasyon ang nangyari kaya pumasok na si Janelle sa kanyang kwarto habang kami naman ni Kobe nanood na lamang.

++++++++++++++++++++++++++++

Naging tahimik naman si Janelle simula ng biro na iyon ng kanyang ina. Hindi ko na lamang ito binigyan ng pansin. Patuloy pa rin naman ang pagsama sama ko dito at paghatid sundo sa anak nitong si Kobe.

Hanggang sa isang pangyayari ang mukhang tuluyan sisira sa imahe ko kay Janelle. Kakababa ko lang sasakyan at papasok ako ngayon sa school ni Kobe para sunduin ito. Naka simple tshirt at maong shorts lang ako ngayon.

Nasa tapat na ako ng kanyang classroom at inabutan ko ang kanyang guro na naglilinis na ng room nila. Walang katao-tao na dito.

" Mam, si Kobe po?" ang tanong ko sa guro ng tumingin ito sa akin. Kilala na ako ng guro niya kaya naman ngumiti muna ito sa akin.

" Ay nasa playground po sir, kasama mga klasmeyt niya" ang turo nito sa akin at kaagad ko naman pinuntahan ang playground.

Maingay ang kabataan at parang nakapalibot sila sa paanan ng Slide. Parang naglalaro ang mga ito pero ng palapit na ako ay parang iba ang aking pakiramdam. Sa tingin ko ay mga nasa grade 6 or grade 5 na mga ito

" Si kobe, si kobe ,Jollibee " ang pangangatyaw ng mga kaklase nito sa alaga kong si Kobe

" Si kobe, si kobe ,Jollibee "

" Si kobe, si kobe ,Jollibee "

" Si kobe, si kobe ,Jollibee "

" Si kobe, si kobe ,Jollibee "

" Si kobe, si kobe ,Jollibee "

" Si kobe, si kobe ,Jollibee "

" Si kobe, si kobe ,Jollibee "

Kita ko naman tahimik lang na nakaupo si kobe at naka duko ito habang nakaipit ang mukha nito sa kanyang legs. Mabilis naman ako tumakbo sa akin alaga.

At sinigawan ang mga kabataan

" May Problema kayo kay kobe" ang matikas kong sabi at napalingon naman sila sa akin. Bakas mukha nila ang gulat at takot.

" ahhh wala wala po sirrrr" ang sagot ng isa mabilis nag piglasan ang mga loko. Kaagad ko nilapitan si Kobe. Humihikbi ito ngayon.

" Kobe, dito na si kuya Juan" ang sabi ko dito at lumuhod ako sa harapan niya. Mabilis nitong inangat ang mukha niya at kita ko ang pulang pula mata nito dahil sa kakaiyak. Mabilis itong tumakbo sa akin at inakap ako nito.

Ramdam ko sa bata ang sakit ng nararamdaman niya. Sakit na dulot ng pambubully dito. Tulad ko din nabubully dahil sa akin nakaraan.

" Ayos lang yan kobe, hayaan mo sila. Di ko hahayaan na may mambully pa sa iyo" sabay himas ko sa likod nito.

" huhuhuhuhuhuhuhuhu!!!!!!" ang patuloy na pag-iyak ni kobe.Binuhat ko ito tungo sa isang bench tsaka ko siya inupo sa tabi ko.

" matagal ka na ba nilang ginaganito?" ang tanong ko sa kanya. Awang awa ako sa bata. Di niya deserve ang pambubully sa murang edad niya. Tumango si Kobe. Nilabas ko ang isang lumang panyo sa akin bulsa at pinunas ko ito sa mukha ni Kobe.

" Si kuya juan ang bahala sa iyo kobe. Kaya smile ka na" ang sabi ko dito. Unti unti na itong ngumiti.

" Sakto kobe, nagsweldo si kuya juan. Ano gusto mo? Ice cream?" ang tanong ko dito habang patuloy ko pa din na pinupunasan ang mukha niya. Hinubad ko ang suot nitong puting polo at naiwan nalang ang puting sando.Pinunasan ko ang likuran nito gamit ang bimpo niya.

" opo" ang mahina nitong sagot sa akin at napangiti naman ako din.

" Tara na" ang sabi ko sa kanya at pinasakay ko ito sa likuran ko. Kaagad ko din nakita ang gamit niya at pumunta na kami sa sasakyan.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Dumaan muna kami sa isang convenience store at nilibre ko ito ng ice cream. Kinain na namin ito doon para malinisan ko na din si Kobe dahil sa dumi ng tuhod nito sa kakalaro niya sa playground.

Matapos ay umuwi na din kami ni Kobe at inabutan namin si Nanay Lyka at Janelle na naghahain na ng lunch. Kaagad naman kami niyaya ni Nanay Lyka habang si Janelle naman ay hindi pa rin ako nito pinapansin. Pumasok ito sa kwarto ni Kobe kasama ang anak para bihisan.

Dinedma ko na lang ito at ako nagbihis na din para makakain na.Naabutan ko na sinusubuan na ni Janelle ang anak nito. Ako naman ay umupo sa tabi ni Nanay lyka at nagsimula ng kumain.

Katapos ay mabilis din na pumasok sa kwarto niya si janelle kasama ang anak niya at naiwan naman kami ni Nanay lyka.

" Iho, may tampuhan ba kayo ng anak ko?" ang tanong nito sa akin habang naghuhugas ito ng aming pinagkainan. Ako naman ay pinupunasan ang lamesa.

" Wala naman nay, bakit po?" ang tanong ko dito. Lumingon naman ito sa akin at ngumiti.

" Pansin ko kasi na parang hindi ka niya pinapansin" ang sagot nito sa akin habang nakaharap na ito ngayon.

" Hindi ko alam nay, simula noong magbiro ka sa amin ay naging ganyan na siya sa akin" ang sabi ko dito habang umupo na ako ngayon.

" Anong biro yun iho?" ang tanong ni Nanay lyka sa akin. Habang umupo na din ito sa upuan sa akin harapan.

" ung sa happy family po" ang sagot ko dito.

" ah yun ba, bagay naman kasi kayo ng anak ko" ang sabi nito sa akin. Di ko alam kung mapapangiti ako sa kanyang mga sinabi.

" Iho, bat di mo ligawan si Janelle?" ang tanong ni Nanay sa akin habang hindi pa ako nakakareact sa kanyang mga sinabi.

" Po?" ang tanong ko dito ng may gulat sa akin boses..

" Hay nako juan, wag ako. Kilos mo pa lang. Alam ko na ang tunay mong feelings" ang sabi nito sa akin.Lihim akong napangiti sa akin sarili.

" Di ba alangaan nay" ang sabi ko dito.Alam ko ang gulo na idudulot nito sa buhay ni Janelle at ni Kobe.

" Anong alangaan?" ang tanong nito sa akin at umupo na ito sa akin tabi.

" nay, ganito si Janelle oh" ang mwestra ko sa akin kamay na nasa ulo ko.

" at ganito ako" mwestra ko muli na nasa talampakan ang kamay ko.

" Mahina ka pala eh, di pa ba obvious sa mga kinikilos niyo kanina" ang sabi ni Nanay sa akin.

" Basta iho, andito lang ako. Kung kailangan mo suporta. Sabihan mo lang ako".

" Sana nga nay" ang sabi ko dito at nagpaalam ako na papasok lang muna sa akin kwarto

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Janelle's Pov.

Nagising ako ng alas siyete na ng gabi mula sa pagkakatulog namin ng anak kong si Kobe. Kita na nakahiga ito sa akin tabi pero parang may kakaiba dito. Malalim ang kanyang paghinga at napakabilis ng pagtaas baba ng kanyang dibdib.

" Nak, ayos ka lang?" ang tanong ko kay Kobe pero hindi ito sumasagot sa akin. Lumapit ako dito at ramdam ko ang init ng singaw nito sa katawan.kinapa ko ang noo at leeg ng aking anak.

" Shiitttt" ang sabi ko sa akin sarili at mabilis akong lumabas ng aking kwarto. Naabutan ko si Juan na nanood ng tv sa sala.

" Juan!!!! Juan!!! Si Kobe!!!!" ang halos magtatalon na ako sa kakasigaw. Napansin naman agad ako nito at mabilis itong lumapit sa akin.

" Janelle!!! Kumalma ka!!! Napano si Kobe" ang sigaw nito sa akin habang niya ang aking balikat. Dito ay kumalma naman ako at nakita ko na din si Nanay Lyka na nasa likuran na ni Juan.

" Inaapoy ng lagnat" ang sagot ko kay Juan at mabilis naman na kumilos ito at pumasok sa aking kwarto. Si Nanay Lyka naman ay inayos na nito ang bag ko at hila hila ako nito palabas ng unit habang si Juan ay bitbit ang anak ko.

Buti na lang at wala man sampong minuto sa amin ang ust hospital at kaagad nadala namin sa emergency ang kobe ko. Si Nanay Lyka na ang nag-asikaso sa lahat habang kasama ko si Juan sa Hallway at nakaupo sa bench.

" Janelle, relax. Magiging okay din si Kobe" ang sabi ni Juan sa akin. Napatingin naman ako dito at imbes na marelax ako ay naiinis ako dito.

" paano mo nasasabi sa akin na mag relax ako, eh ung anak ko nasa emergency room pa" ang sigaw ko dito at nakita ko na nagtinginan ang tao sa paligid.

" Sorry" ang mahinang sabi nito sa akin. Bigla naman ako naawa dito dahil sa gusto lamang nito na kumalma ako.

Ng biglang lumabas si Nanay Lyka kasunod ang doctor sa emergency room.

" Dok, kumusta po si Kobe?" ang pangungulit ko sa kanya habang nasa harapan namin ito.

" Misis, initial findings po namin is may tonsilitis ang anak niyo" ang sabi ng doktor sa akin. Napatingin naman ako kay Nay Lyka at tumango ito sa akin.

" Ho, di naman po namin pinapakain si Kobe ng Chocolates kasi yan din ang habilin ng pedia niya" ang sabi ko naman sa doctor.

" Initial findings pa lang naman po yun misis, will conduct further test pa po. Pero need maconfine ni baby" ang sabi ng doctor sa amin.

" Nay, iwan ko po muna kayo at asikasuhin ko lang pag lipat ni kobe sa room niya" ang sabi ng doctor kay Nanay Lyka at umalis na ito.

Napaupo naman ako muli sa bench pati na rin si Nanay Lyka.

" Nay, paano nakakakain ng bawal si Kobe? Alam niyo naman na mabilis mamaga ang tonsils niya" ang tanong ko sa akin nanay lyka.

" Nak, di ko din alam" ang sagot ni Nanay lyka sa akin. Pero laking gulat ko ng magsalita si Juan.

" Janelle, sorry!!!" ang sabi ni Juan sa akin habang maluluha ito.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Juan's Pov

" Janelle, sorry!!!" ang sabi ko kay Janelle habang unti unting namumuo ang luha sa akin mga mata.

" So ikaw!!!!?" ang galit na tanong ni Janelle sa akin. Tumango na lamang ako.

" arrrggggggggggghhhhhhhhhhhh"

" pak!!!!!!!!!" ang malakas na sampal na tumama sa akin mukha. Rinig na rinig ko ang pag malalim at galit na galit na paghinga ni Janelle sa akin harapan.

" Di ko alam kung bakit ko pinagkatiwalaan ang isang kriminal na tulad mo!!!!!!!!" ang sigaw ni Janelle sa akin. Nakapikit na lamang ako at tinanggap lahat ng sigaw at mga masasakit na salita na galing kay Janelle.

" Anak, tama na yan" ang saway ni Nanay lyka kay Janelle.

" No Nay, Deserve niya ito for endangering my son's life" ang sabi ni Janelle sa kanyang ina. Kahit hindi ko maintindihan ito. Alam ko na masakit ang mga sinasabi nito sa akin.

" Pagmasdan niyo ang lalaking ito, pinagkatiwalaan ko" ang sigaw ni Janelle. Kahit na hindi ko nakikita ang mga tao sa aking paligid. Ramdam ko ang mga maiinit na tingin nila sa akin.

" Isang kriminal na buong buo kong pinagkatiwalaan pero alam niyo ba ang sinukli sa akin" ang patuloy na pagsigaw ni Janelle. Rinig ko ang patuloy na pagsaway ni Nanay Lyka pero hindi siya pinakikinggan ng anak

" NIlagay niya sa panganib ang buhay ng anak ko!!!!!!!!" ang sigaw ni Janelle at tinapik ako ni Nanay lyka at sinabihan na umalis na ako. Kaya naman mabilis akong umalis.

Tama naman si Janelle, pinagkatiwalaan ako nito pero nilagay ko sa panganib ang anak niya. Tama rin si Nanay Lyka, alis na ako. Aalis na ako sa buhay nilang tatlo.

Napakatanga ko kasi, nagpapaniwala pa ako sa kasabihan na habang may buhay, may pag-asa. Isang napakalaking kasinungalingan ito. Dapat ang kasabihan ay " Habang buhay ka, pinapatay ka nila".Ito ang mga litanya ko habang nilalakad ko ang papunta sa condo nila Janelle.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Nanay lyka's pov

Sa loob ng kwarto ng aking apo na si Kobe. Nakaupo ako ngayon sa maliit na sofa habang ang anak kong si Janelle ay galit na galit pa din ako.

" nak" ang mahinang tawag ko dito

" Nay, wag ngayon please" ang sabi ni Janelle sa akin.

" nak, kailangan mo malaman ang katotohanan, bakit nagawa ni juan yun" ang sabi ko sa aking anak.

" nay, ano pa bang katotohanan ang gusto mo malaman ko?" ang tanong nito sa akin habang pinagmamasdan ako nito.

" Nagawa ni Juan dahil" pero bago pa ako makapagsalita ay sumagot na naman ito.

" Dahil sa gusto niya talaga mapahamak ang kobe ko, kriminal talaga siya" ang sagot ni Janelle sa akin.

" Nak, ginawa lang ni Juan yun para mapasaya ang anak mo" ang mabilis kong sabi habang hindi nakakareact.

" Mapasaya? Bakit nay? Nalulungkot ba ito sa akin? Sa atin?" ang tanong ni Janelle sa akin.

" Anak, ang apo ko ay binubully sa school "

" at yung lalaking tinawag mo na kriminal ay siya lang naman ang nagtanggol sa apo ko. Sa anak mong si Kobe at kaya niya binili siguro ang apo ko ng chocolate ay para pasayahin ang bata." ang sagot ko dito. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa akin mga sinabi.

" Paano niyo nalaman ito?" ang tanong niya sa akin. Ang boses ay mas kalmado na.

" Sinabi lahat sa akin ito ni Juan kanina" ang sagot ko dito.

" pero bakit hindi sinabi sa akin ni juan ito?" ang tanong ni Janelle sa akin. At dito ay sinabi ko na sa kanya ang masakit na katotohanan.

" nak, paano mo ma eexpect ang isang tao na magsabi sa iyo kung hindi mo ito pinapansin" ang sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya sa akin mga sinasabi.

" Anong pinagsasabi mo nay?" ang tanong niya sa akin.

" Simula ng biruin ko kayo ni Juan ay napansin ko na napapalayo na ang loob mo sa kanya" ang sabi ko sa aking anak.

" Nay, masisi mo ba ako na lumayo sa kanya. Kasi takot akong tuluyan na mahulog ang loob ko dito" ang sabi ni Janelle sa akin at tumayo naman ako tsaka nilapitan ang anak ko.

" Nak, nakakatawa kayong dalawa" ang sabi ko sa akin anak.

" bakit nay?" ang tanong ni Janelle sa akin.

" Kasi parehas naman pala kayong may nararamdaman sa isa't isa pero mas pinili niyo manahimik at itago ito" ang sabi ko sa akin anak. Naramdaman ko na lang na isang mainit na yakap ang binigay sa akin ni Janelle.

" Nay, sinaktan ko ang taong tanging hangarin lang ay ang kaligayahan namin ni Kobe. Ang taong mahal ko ay mahal rin pala ako pero mas pinili ko itong ipahiya." ang sabi ni Janelle sa akin likuran.

" Nak, hindi pa huli ang lahat, itama mo ang lahat. Habang may buhay may pag-asa" ang sagot ko naman kay Janelle.

" nay,ikaw muna bahala kay kobe. Hahabulin ko lang ang taong ayaw kong tawagin na " Da juan who got away" ang sabi ni Janelle sa akin at mabilis nitong kinuha ang bag niya at lumabas ng kwarto.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Juan's Pov

Mabilis akong nagimpake. Inayos ko ang lahat sa kwarto. Tiniyak ko na kung paano ko ito nadatnan noon ay ganoon rin ko ito iiwan. Ayaw ko naman na isipin nila na ex convict na nga ako, balahura pa ako. Ayaw ko ng masira pa ang aking imahe sa babae na minahal ko kahit sa sandaling panahon man lang.

Naisipan ko din na ibalik ang lahat ng naitulong ni Janelle sa akin. Binalik ko lahat ng sweldo na binigay sa akin ni Janelle at iniwan ko na din lahat ng pera ko na naipon sa bilibid. Nilagay ko ito sa loob ng isang envelope at pinatong ko ito sa aking unan.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Janelle's Pov.

" beeeppppppppp beepppppppppppppp!!!!!!" ang busina ng aking sasakyan dahil sa naipit ako ngayon sa trapik sa may tapat ng terminal ng florida. May lumalabas kasing bus ngayon.

" Shiitttttt, bilisan niyo!!!!!!!!!!!" ang sigaw ko habang pinupukpok ko ang manibela sa sobrang inis ko. Para naman na nananadya pa ang tadhana, di lang pala isang bus ang lalabas. Kung hindi dalawa pa. Napatiyempo na napakarami kotse sa daan kaya hirap itong mag maniobra

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Juan's Pov

Dala dala ko ang duffel bag ko habang pinagmamasdan ko ang sala. Ang mga alaala namin ni Kobe habang naglalaro kami ng Construction at kabayo kabayohan doon.

Ang mga masasarap na putahe ni Nanay Lyka sa kusina at mga tulong na binigay ni Janelle sa akin.

Ganito pala kasarap ang magkapamilya pero hindi ko dapat ito inenjoy dahil panandalian lamang pala ito.

Tuluyan na akong lumabas ng condo unit ni Janelle.

+++++++++++++++++++++++++++++++