1. Home
  2. Stories
  3. Sugar Kuya XII : James And Kc's History 2
Filipino Sex Stories

Sugar Kuya XII : James And Kc's History 2

By gilfmilflover ·

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ang nakaraan

" anak, nano? sugar kuya?( anak, ano? Sugar kuya?"" ang tanong din naman sa akin ni Mama flor na ngayon ay nakahiga na kami sa kwarto niya. Dahil sa napagod ako sa kakawento kaya naman naisipan namin na dito na lang ipagpatuloy ang kwentuhan.

" Sabi na nitang kasera ku……. dapat kanu sugar kuya ing sabyan na kaku………oh neng anak ya kanu masyadu i James nya pin sugar kuya namu kanu…..(Sabi ng kasera ko, sugar daddy daw dapat talaga ang sasabihin kaya lang bata pa daw hitsura ni James kaya Sugar kuya na lang daw)" ang sabi ko kay Mama. Napatawa naman ito sa akin sinabi. Tiyak ako na naalala nito na ganyan din siya noon kay kuya Berting. Isang sugar mommy.

"Well balu muna, bat naku ken at gewa kune rin yan…… niya pin eka asisi i james( well, I guess. Been there done that. Di ko masisi si James)" ang sabi ni Mama Flor sa akin. Tama naman si Mama flor. Kung meron isang tao na makakainti kay James. Siya ang perfect na tao para dito.

"At karin me segutan (at doon muna siya sinagot?)" ang tanong nito sa akin. Napangiti naman ako dito at tsaka tumango. Humiga ako sa dibdib nito na tila noong mga bata pa kami. Habang ang kamay ni mama ay hinahaplos haplos ang apo nito sa akin tiyan.

++++++++++++++++++++++++++++

Kinagabihan

Kapasok palang ni James sa amin kwarto ay kaagad ko itong hinalikan sa pisngi. Alam kong pagod na pagod ito sa trabaho kaya naman todo asikaso ako dito kahit na alam kong ayaw na masyado akong nagkikikilos.

Hinalikan naman din ako nito sa pisngi. Kinuha ko ang tsinelas niya at tinulungan ko ito sa pagbibihis niya. Habang nagbibihis ito ay kinakausap ko ito.

" babe, ok na pala ang car natin?" ang tanong ko sa kanyang habang kumukuha ako ng bimpo para punasan ang likod nito. Napatingin naman ito sa akin na may pagkagulat.

" Paano mo nalaman babe?" ang tanong nito sa akin habang tinatanggal niya ang sintas ng sapatos nito at tsaka ito hinubad.

" Sinabi sa akin ni Mama" ang sabi ko naman sa kanya habang pinupunasan ko ang likuran nito. Napangiti naman itong lumingon sa akin tsaka ako nagpatuloy sa pagpunas ng likod niya.

" Ayos na, medyo nagloose lang ung brake pads pero nagawa ko na" ang sabi ni James sa akin. Tumigil ako sa pagpunas ng likod niya dahil tumayo siya at naghubad ng pantalon niya.

" buti naman, ang importante ay safe ka" ang sabi ko dito habang siya naman ay nagsusuot ng shorts niya at sando.

" Tara dinner na tayo" ang aya ko dito. Pero sinabi ni James na pagod daw siya at puyat.Hinayaan ko na lang siya magpahinga at ako naman ay lumabas muna ng aming kwarto para samahan saglit si Mama sa pagtitinda. Napangiti naman si Mama sa akin ng nasa cashier na ako at nagsimula ng manukli sa mga mamimili namin. Pinaupo naman nya ako habang nanunukli at para di daw ako masyadong mapagod.

Naging ganun naman ang takbo ng relasyon namin James sa loob ng ilang linggo. Naiintindihan ko naman ito dahil sa nakakapagod nga naman ang mag maintain ng isang buong resort. Napakalaki pa noong resort kaya naman gets ko kung tila mala construction worker kung maghilik si James at tanging halik sa labi o sa pisngi na lamang ang kaya nito ibigay sa akin.

Di ko na rin masyado napapansin na hindi na humihirit ng blowjob or handjob si James sa akin. Gets na siguro niya na medyo malaki na ang tiyan ko dahil almost six months na ako sa pregnancy.

Naadik naman ako sa pagbabasa ng FSS lalo na ung ganti ng api series. Nandoon na ako sa part na nagloloko na ang James ng storya. Kinakalantari na nito ang nanay ng asawa niya.

Kung sa perspective ng isang lalaki ay gets ko kung bakit nagawa iyon ng bida. Ikaw ba naman ay maging biyenan mo ang mala alice dixson na diyosa. Kahit ako ay iniidolo ko ito dahil sa kanyang forever youthful glow at beauty. Tapos ang misis mo nasa abroad sabayan mo pa ng ganun setup. Ika nga nila sa kasabihan. Hulog ka talaga sa banga. Alam ko naman na natural sa lalaki na mahina sa tukso ng laman

Pero bilang isang babae ay Di ko lubos maisip kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nalaman ko na ang aking james ay nagloloko. Baka maputol ko ung pinagmamalaki niyang sandata. Bukod pa siguro na ipapakain ko ito sa aso para di na niya ito mapakabit pa ulit. Lalo akong naiinis sa ideya na paano kung si Mama Flor ay matulad kay Mommy Alice ng serye.

Baka siguro ay makatay ko sila ni James at isahog ko sila dito sa tinda namin na ulam. Napakagross naman ng ideya na yun pero baka sa sobrang galit ko ay magawa ko talaga yun knowing ung history ni Mama Flor pagdating sa mga batang lalaki.

Pero alam ko na nagbago na si Mama flor at baka tulungan pa ako nito na kapunin si James kung sakali.Napapangiti tuloy ako na tila baliw sa mga idea na ngayon pumapasok sa akin kaisipan.

Ito lang naman kasi ang naging libangan ko dito bukod pa sa pagtulong kay mama sa karinderya namin. Tinigil ko na rin naman ang pagvape ko simula ng mabuntis ako. Di na rin ako masyado nag social media dahil sa naiinggit lang ako sa mga post ng mga batchmate ko na nagpapatuloy ng pag-aaral nila. Third year na sana ako ngayon pero mas binigyan ko ng importansya ang bata na nasa akin sinapupunan.

Di ko tuloy namamalayan na halos nakadami na akong chapter na binabasa. Nandoon na ako sa part na hindi na lang ang biyenan niya ang kinakalantari nito kung hindi pati ung kanyang sister in law.

Napapailing na lang ako dahil sa mga ginawa ng bidang lalaki. Enjoy na enjoy sa kanya ang mga babae dahil sa laki ng kargada nito pero hindi niya ba naiisip na imbes na maayos niya ang gusot ay lalo nitong ginugulo ang sitwasyon.

Dahil siguro sa kakabasa ko sa storyang ito ay naging praning na naman ang ate niyo. Tila ba nagkaroon muli ng duda sa akin kaisipan ang mga kilos ni James. Mga simple bagay ay pinapalaki ko. May naging heightened ang girl's intutition ko. Ang mga panlalamig nito sa akin na noon ay ayos lang sa akin dahil sa gets ko naman na pagod lang siya ay nagiging big deal na.Tulad noong umuwi galing sa trabaho kinagabihan.

" tsup" ang tunog ng paghalik ni James sa akin noo at sabay rektang humiga sa kama. Naiwan akong nakatayo na hinihintay ang halik nito sa akin pisngi o di kaya sa labi pero wala pang dalawang minuto ay parang may isang barko na sa kwarto namin.

" Tssskkkk" ang tanging nasabi ko na lang at lumabas na ako sa kwarto namin para naman samahan si Mama. Naiinis ako sa lalaking ito ngayon. Di man lang nag i love you ang gago.

Di lang ito ang mga pagbabago na napansin ko sa aking kasintahan. Parang nanlalamig na ito sa akin.

Kapansin pansin na maging mas malihim din ito kumpara sa dati. Lagi nitong dala ang telepono niya na noon ay kalat kalat lang sa kama namin. Tulad noong nakauwi ito. Dati ay di man lang niya papansinin ang telepono niya. Kaya naman mas lalo akong naging curios na para hawakan ito at silipin.

Kaya naman noong minsan na malingat ito at pumunta sa banyo ay kinuha ko na ang pagkakataon. Nasa may lamesita ang Iphone 13 niya at kaagad ko ito binuksan.

Kaagad ako nagswipe pataas sa screen pero nagulat ako dahil hinihingan ako nito ng password. Napa iling naman ako.Never naman kasi naglalagay ng password si James sa mga gadgets niya pero ngayon ay tila may kakaiba talaga.

" yes po mama" ang rinig ko na boses ni James mula sa labas ng pintuan ng kwarto namin at kaagad ko na binalik sa pwesto ang telepono nito. Umayos naman ako ng pwesto ko at tila walang nangyari.

" Ayun pala ung phone ko, tatawagan ko kasi si boss" ang sabi ni James at kaagad niya kinuha ang telepono nito at umupo sa aking tabi. Nagdial ito at narinig ko ang pag-uusap ng boss niya. Kilala ko ang boses nito kaya naman sigurado ako na boss talaga niya ang kausap.

Pero kahit anong gawin ni James ay mas Lalo tumibay ang mga hinala ko ng mag-ayos ako ng mga maruming damit namin para ipasabay sa pagpapalaba ni Mama. Gabi kasi kung kumuha ng labahin ang labandera ni Mama.Kaya naman sakto na kakadating pa lang ni James. Tulog na tulog na ito kaya naman dahan lang ako sa pag sort ng mga labahan namin.

Ang mga underwears namin ay ako na ang maglalaba kaya naman hinihiwalay ko ito. Nakakahiya kasi doon sa labandera nila mama kung pati un ay papalaba namin. Kaya naman, iniisa ko ang mga labahan namin.

Binuhos ko ito sa sahig at isa-isang nilagay sa basket ang mga pang itaas at pang ibaba namin damit. Isa isa ko din tsinek ang mga bulsa ng pantalon niya at ng mga polo niya. Alam naman natin ang mga lalaki. Minsan may naiiwan na resibo, pera sa bulsa. Baka importante pa yun lalo na kung resibo sa trabaho.

Kaya naman maingat ako na kinalikot ang mga bulsa nito hanggang sa dumating ako sa isang polo niya blue. Ito ang kakahubad lang niya na pang-itaas. Kinakapkap ko ang bulsa nito sa bandang kaliwang dibdib ng pumukaw sa akin attensyon ang isang bagay sa kwelo nito.

Napansin ko ang mga kulay pink na smudge mark sa kwelo nito. Inaamoy amoy ko ito. Alam na alam ko na isa itong lipstick dahil sa may ganoon akong brand na gamit. Iba lang ang kulay.

Pinagmasdan ko naman ang tulog na tulog na kasintahan ko. Walang kaalam alam nito na nananaig na ang pagduda sa aking kaisipan ngayon. Paano kaya nagkaroon ng lipstick ito sa kanyang kwelo.

Ayaw ko sana isipin ito pero parang may nagtutulak sa akin na sabihin ito kay mama flor. Kaya naman lumabas agad ako sa aming kwarto at nakita ko si mama na nakaupo sa sala

+++++++++++++++++++++++++++

Mama flor's Pov.

Kasalukuyan akong nanood ng balita sa amin sala ng makita ko na lumabas ng kwarto nila ang aking anak na si KC. May dala dalang itong polo shirt ni James. Kaagad itong lumapit sa akin.

" Ma, tignan mo nga ano ito?" ang sabi niya sa akin at sabay pakita sa kwelyo ng polo shirt ni James. Kinabahan naman ako dahil alam ko kung saan pupunta ang usapan na ito. Kinuha ko ito at pinakatitigan ang pink na smudge mark.

" Baka pintura lang ito anak" ang sabi ko kay KC habang pilit na binubura ang marka ng lipstick sa kwelyo. Napatingin naman sa akin si KC habang sinabi ko ito sa kanya. Kita ko sa mukha nito ang kalituhan.

" Ma, if paint ito. Dapat di lang dito mayroon….. Dito din dapat sa manggas… dito din dapat sa laylayan pero malinis eh" ang sabi ni Kc sa akin. Mukhang alam na din ni KC ito pero mas pinili ko na saluhin na lang si James at ayaw ko mastress ang buntis.

" Kc, ako na bahala dito…… ako ang aalam para sa iyo" ang sabi ko sa kanya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa napapayag ko itong si Kc na ako na lang ang magmamatyag kay james.

Pumasok na muli si Kc sa kanilang kwarto habang ako naman ay pailing iling na lang habang iniisip ko ang maaring mangyari sa dalawa. Ayaw ko na si Kc ang sumalo sa mga kalokohan ko noon.

++++++++++++++++++++++++
Kaagad ko sinimulan ang pagmamasid sa lalaking bumihag sa puso ng aking mahal na anak na si Kc. at mukhang ito rin ang dudurog sa nabingwit niya na busilak na puso ng aking anak. Pailing iling ako habang nakikita ko ito sa loob ng bahay matapos ang pangyayari sa amin ni Kc.

Pinagmasdan ko lang ang mga kinikilos ni James kapag nasa bahay ito. Wala naman kakaiba sa mga galaw nito. Masyado itong relax pero parang may mali talaga. Kakaiba ang pagiging relax nito pag kasama namin siya pero iba naman ang sinasabi sa akin ni Kc kapag silang dalawa na lang.

Masyado daw itong malihim ngayon. Tulad ng kanyang telepono. Pilit kong hinahanap ang galaw na magbibigay sa akin ng clue.

Tulad noong mga maling galaw namin ni Berting noon kaya naman nakahalata ang aking mga anak sa lihim namin na relasyon. Ung tipong, madalas kami magkasama at pawisan na lalabas.

Pero mukhang malinis at pulido itong si James kung kumilos. Kaya naman siguro ang alam ni Kc ay never ito ginawa ng kasintahan niya.Yun ay di rin nagtagal ng isang pangyayari ang naging basehan ko para maconfirm ko na may babae nga ito.

Daig ko pa ang isang detective na sinusundan ang bawat galaw at kilos ng aking manugang na hilaw. Kapag lumalabas ito ay pasimple ko siyang pinagmamasdan at sinusundan ang tingin. Nag vape lang naman ito sa gilid ng kalsada at wala naman iba itong kinakausap o tinatawagan sa kanyang cellphone.

Pero kung chat at message ay hindi na ito sigurado. Dahil laging nakalabas ang telepono niya at tila nagscroll ito mula sa mga aksyon ng kamay niya.

" Bingo" ang sabi ko sa akin, ito ang butas na aking hinihintay.Ilang araw ko na itong pinagmamasdan. Madalas na gigising ito sa madaling araw at lalabas ito ng karinderya. Ang akala niya ay tulog na ako at tanging mga staff ko na lang ang nandoon.

" pag linwal ya ing katwangan ning anaku…….. sabyanan yuku ne…….. Tyu kumu king kwartu( Pag lumabas ung kasama ng anak, sabihan niyo ako, asa kwarto lang ako)" ang utos ko sa akin mga tauhan sa kapampangan para kahit marinig kami ni James ay tiyak ako na hindi kami mabubuko.

Kaya naman malakas ang loob nito na lumabas ng bahay kapag nakita niya na nasa kwarto na ako. Di niya alam ay nakatimbre na din siya sa mga staff ko at kapag nakita nila na lalabas ito ay mabilis at pasimple nila akong tatawagin.

" tse, linwal ya ing pabanten mu( Ate, lumabas ung pinababantay mo)" ang sabi sa akin ng isang tauhan ko ng pumasok ito sa kwarto. Kaya naman mabilis din akong lumabas at kunwari may kukunin ako sa kaha.

Pero kahit ganoon ay malinis talaga magtrabaho si James. Kapag dadating na ako doon ay wala na itong ginagawa at panay vape lang sa gilid.

Ayaw kong maniwala na panay vape at scroll lang ito. Ramdam ko na may ginagawa itong mali. Panay naman ang tanong sa akin ni Kc pero sinasabi ko na wala pa akong nakukuha information. Sinasabihan ko ito na magrelax at baka mapano ang apo ko.

Hanggang sa isang araw, dahil sa dami ng customers namin ay di ko natantya ang mga supplies namin. Bigla na lang kami nagkulang ng mga pansahog. Sakto na hindi pa dumadating ung nagdedeliver ng mga pansahog namin na isang trucker mula sa norte. Kaya naman napilitan akong magpunta sa palengke. Sinama ko ang dalawang tauhan ko at sumakay kami sa tuktuk na aking binili.

" anak, bibili lang kami ng mga panahog natin. Biglang naubusan eh….wag ka mag-alala…. Aabot pa naman ung ulam natin hanggang mamaya hapon..para ito sa mamayang gabing putahe" ang sabi ko kay KC ng iniwan ko muna ito sa cashier kasama ang iba pang tauhan ko.

" Osige ma" ang sabi nito sa akin at agad akong sumakay sa tuktuk namin na naghihintay sa labasan. Inistart pa lang ng tauhan ko ung tuktuk ng biglang lumabas si KC at humahangos na lumapit sa akin.

" Oh anak, bakit" ang tanong ko dito. Habang habol hininga siya na napahawak sa tuktuk.

" Ma, bili mo ako ng puto at bagoong" ang sabi ni Kc. Napatawa naman ako dahil sa mukhang di pa tapos ang paglilihi ni Kc. Tumango naman ako at pinaandar na ang tuktuk.

Mabilis naman kami namalengke ng sako sakong panahog. Pinasakay ko na ito sa likod at ibabaw ng tuktuk. Paalis na sana kami ng palengke Ng maalala ko ang pinabili ni Kc na puto. Kaya agad akong lumapit sa may gilid ng isang convinience store. Dito kasi ang nagtitinda ng puto at iba't ibang kakanin.

" Manang, salwanang puto ( Manang pabili ng puto) " ang sabi ko sa tindera na isang matandang babae na nasa edad ng 70. Kinuha ko ung dalawang balot ng puto na nakastyro. May cheese naman ito sa ibabaw.

" trenta na lang balang metung( 30 na lang bawat isa)" ang sagot sa akin ng matanda.Kaagad ko naman ito kinuha at nilagay niya sa isang plastic. Inabutan ko ito ng 1000.

" Ala kang barya( wala kang barya)?" ang sabi ng matanda habang tinataas nito sa liwanag ng araw ang isang libo ko.Matapos ay Nakita ko na kinakalkal nito ang laman ng suot niya parang apron. Nakita ko na panay buo na din ang pera nito. At may mangilan ngilan na bente pero sa tingin ko ay di aabot ito para sa sukli ko

" Ala man pu( wala man po) " ang sagot ko dito habang bitbit ko na ang puto na hiling ng buntis kong anak. Kamot ulo tuloy ako. Mukhang matatagalan pa ako dito.

" agli mune, palibe ko mu ini( Saglit lang, papalit ko lang ito)" ang sabi ng matanda sa akin tumayo ito papunta sa mga kasamahan niya sa di kalayuan. Kita ko naman na nagbibilang na sila ng mga tigbebente at singkwenta. Mukhang mababaryahan nga ata talaga ang pera ko.

pero hindi ko alam kung bakit ako napalingon sa akin likuran. Tila ba may kung ano na pumipilit sa akin na lumingon ngayon. Kusa naman gumalaw ang ulo ko.Sa katapat na drugstore sa kabilang kalsada at biglang parang nanginig ang aking tuhod sa aking nakita.