1. Home
  2. Stories
  3. The Untitled Confessions - Chapter 9 : Mission Failed
Filipino Sex Stories

The Untitled Confessions - Chapter 9 : Mission Failed

By la_polla_loca ·

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Bawal din siyang kopyahin ng walang pahintulot. Please lang.

Please seek permission before copying/reposting. Please lang. Please. Fucking please.

© Copyright. 2022. la_polla_loca. All Rights Reserved

This story was and still is posted on two websites: my wattpad profile and www.filipinosexstories.com. Please do not support any other website that reposts or steals the author's work without their permission. Reposting this story without the written consent of the author is a clear violation of the existing Intellectual Property (IP) code in the Philippines.

Please check my wattpad profile. Link's on my profile. Salamats!
_____

"A delivery for Miss Bella po. Please sign here."

Napapadalas na ang delivery ni Alina the following weeks. Bags, clothes, shoes, jewellery, anything that a woman desires parang nade-deliver na yata sa kanya. Noong una ay okay pa siya sa mga delivery na ito, pero nababahala na rin siya sa mga messages na nare-receive niya recently.

"I can't wait to taste you again, Bella" sabi ng note na dineliver ng postman kanina. He seems like a creep, pero dahil client, wala siya magagawa.

Napansin din ni Samantha ang pagiging madalas na delivery na ito ni Alina. She was looking at her quite suspiciously. Pakiramdam niya, may itinatago na ito sa kanya.

Nagyoyosi silang dalawa ni Samantha after lunch that day. "Saturday bukas, may gagawin ka ba?"said Samantha.

"Wala naman, ate. May ipapagawa ka ba sa akin?"

"Wala naman, I would just like you to join me sa jogging bukas, if you can" sagot naman ni Samantha, her eyes not leaving hers.

"Sure, ate, I could go for a jog na rin siguro" sabi ni Alina, smiling. Walang kaalam-alam ang dalaga sa sasabihin ni Samantha sa kanya bukas.

***

Nagpapahinga na sina Alina at Samantha sa isang bench after 2 hours of jogging. Umiinom si Alina when Samantha suddenly asked "So, napapadalas ang pagsha-shopping mo ngayon ah."

"No, ate. Gifts lang iyon" sabi naman ni Alina, while wiping off her sweat.

"I see. Gifts? From whom?" tanong na naman ni Samantha kay Alina. She just looked at her, and saw Samantha's serious expression. "Am I in trouble?" tanong ni Alina sa sarili.

Samantha keenly looked at Alina. "You can deny or say the truth, Allie. It's up to you."

Hindi naman mapakali si Alina sa pagkakaupo. She considers Samantha as her big sister, tapos she seems to know something. Asking her to "deny or say the truth" adds more sa kanyang pagiging uncomfortable.

"It's from Wency, tama?" said Samantha. Alina just nodded.

"I see" matipid na sabi ni Samantha, while pulling out her cigarette packet mula sa bulsa.

"Tell me, honestly this time, did something happen between you two 3 weeks ago?" tanong uli ni Samantha, this time hindi na nakatingin. Alina then told the truth to Samantha.

"Shit. Fucking shit" sabi ni Samantha, while stomping on her cigarette's butt.

"Sorry, ate Sam" mangiyak-ngiyak na sagot naman ni Alina.

"Papatol ka na nga lang, sa matandang kalbo pa" Samantha murmured, then dialled her telephone. Alina was now crying steadily, nagsisisi sa nagawa niya.

"Jaime, where are you?" sabi ni Samantha sa kausap sa speakerphone.

"Sa bahay. Why?"

"Anong ginagawa mo ngayon?" pagalit pa ring tanong ni Samantha kay Jaime.

"Uhh, feeding your kids? May dementia ka na ba?" sagot naman na puzzled ni Jaime.

"I'll be seeing you at your home then. I'll bring Allie with me"

"Why?" a still-puzzled Jaime asked.

"Basta. See you in 30"

***

They arrived at Jaime's place at exactly 30 minutes. Pagkapark ni Samantha sa dala niyang sasakyan, sinalubong siya ng dalawa niyang anak.

"Mummy!"

"Hello, hello. Kids, meet ate Allie. Ate Allie, meet Celeborn and Cirdan." Alina just bowed and offered her hand to her 2 sons. Nakita ni Alina si Jaime sa may pintuan ng kaniyang bahay, ang gave a slight bow to him na rin.

"So, anong pinakain sa inyo ni tito James?" Samantha asked her kids habang tinitingnan si Jaime.

"He cooked us some spagbol, mummy, tapos Cirdan and I grilled the hotdogs" sabi naman ni Celeborn sa nanay. Samantha then stood up para pagalitan si Jaime.

"At naghanap ka pa ng katulong ah!"

"I was just teaching them how to cook. Cel's 10 years old na, ano ka ba?" nakatawang sabi ni Jaime.

"Papaano kung mapaso sila?" buong pag-alalang sabi ni Samantha.

"Come on Sam, parang hindi ko sila binabantayan ano. Saka ask them if napaso sila kahit kaunti lang" sagot naman nito, sabay pasok sa bahay.

Nag serve ng lunch si Jaime, samantalang si Alina at Samantha naman ay umupo lang sa dining table. Masarap ang pagkakaluto ng spagbol ni Jaime, wala nga lang ganang kumain si Alina. Alam niya kasi na mapapagalitan ito ng dalawa niyang amo.

"Hindi ba masarap, Ina? You want me to serve you something else?" tanong ng nakapansin na host nila.

"No, it's tasty po, sir Jaime. Busog lang po siguro ako ngayon" sagot naman ni Alina.

Pagkatapos nilang kumain, isinalang lang ni Jaime ang mga pinagkainan sa dishwasher niya then asked the kids to go to his gameroom to play his console. He then asked the two to go to his room to talk about things.

Ikinuwento ni Alina ang lahat ng pangyayari na naganap 3 weeks ago. Jaime was just listening keenly, habang si Samantha naman ay napaparami na ng sinisigarilyo. After almost an hour of fessing up, crying, saka hundreds of crumpled napkins, nanahimik na ito habang inaantay ang sasabihin ng mga nakikinig sa kanya.

"I see. Quick one, did you do it with him?" tanong naman ni Jaime kay Alina.

"Wala pong penetration na nangyari, sir, aside from his fingers" sagot naman ni Alina.

"That's good, then" sabi nito, tapos tumayo at nagsindi ng yosi.

"What's good then, Jaime?" galit naman na sabi ni Samantha sa lalakeng kaharap.

"At least, walang iisipin na baka may nabuo sa loob niya, Sam" seryosong sabi ni Jaime. Nanahimik na lang si Samantha nang sabihan siya ng ganoon ng lalake.

"I'm sorry po, sir Jaime" sabi naman ni Alina.

"Nah, wala kang dapat ipagsorry sa akin or kay Sam, Ina. Saka if you think I'm disappointed in you, hindi ako ganoon sa iyo. Kay Sam, on the other hand" sabi naman ni Jaime, habang nakatingin kay Samantha. Nakayuko naman ang babaeng tinutukoy ni Jaime, na parang pinangangaralan niya.

"Ang dapat lang natin ipag-alala nito eh si Wency. I'm betting my bottom dollar na malamang, naikuwento na niya iyan sa mga kaibigan or mga kakilala niya" sabi pa nito uli, habang hinihithit ang sigarilyo.

Natakot naman si Alina sa sinabi ni Jaime na iyon. Bad news spreads like wildfire, sabi nga nila. Papaano kung malaman ni Tom ang ginawa niya?

"Fucking hell, basta talaga kalbo, vocal" pabulong at pagalit naman na sabi ni Samantha. Nanahimik naman si Jaime, nagiisip ng kung anong magandang plano ang gagawin nila, habang si Alina naman ay walang tigil ang ginagawang pagluha.

Biglang tumayo si Jaime, kinuha ang telepono, at may tinawagan.

"Hello, Mia. It's James. Yes, yes. Kumusta ka naman?" sabi nito, habang dahan-dahang lumabas ng lanai ng room niya. Tulala naman at lumuluha si Alina, hindi niya alam kung papaano maglalaho na muna sa paningin ng dati at bagong boss niya.

"Don't worry about it masyado, Allie. Jaime can fix this mess" sabi naman ng medyo kumalma nang si Samantha. Niyakap ni Alina ang kanyang amo, sabay sunod sunod ang paghihingi ng tawad. Bumalik si Jaime sa loob ng kanyang room after 15 minutes, may sine-search sa screen ng kanyang telepono.

"Who was that?" tanong ni Samantha kay Jaime.

"Si Mia, misis ni Wency" sabi naman nito, sabay tawag na naman sa telepono. He was arranging a dinner with a fancy restaurant na malapit sa bahay nila Wency sa Alabang.

"Send me the proposal you presented to Wency, Alina. Ikaw naman, Sam, send me their current contract. If you can send me those within 10 minutes that will help me a lot."

Pagkatapos ma-send ni Alina ang mga papeles na kailangan ni Jaime, tiningnan siya nito sabay sabing "Why don't you go downstairs for a bit, play with the children. Let me discuss a few things with Sam in private."

Kung ano ano ang pumapasok sa isip ni Alina habang binabantayan ang dalawang anak ni Samantha. Mga bagay kagaya ng bakit niya nagawa iyon, dala lang ba ng alcohol iyon, or talagang hinahanap na lang talaga niya ang sex, ano ang pinaguusapan ng dalawa niyang bosses, kung masisisante na ba talaga siya sa trabaho. Higit sa lahat, ang primary concern niya ay kapag nalaman ni Tom ang pinaggagawa niya. Siya nga itong malakas mag-selos, siya pa ang mangangaliwa.

"Shit, tangina. Shit" mahinang usal na lang ni Alina.

After a short while, bumaba na sila Jaime at Samantha sa may sala ni Jaime at kinausap si Alina.

"So here's the plan, Ina" sabi ni Jaime, habang si Samantha naman ay nililibang ang kanyang mga anak. "Ako na ang mag-aayos ng deal mo na ito. I know Mia, Wency's wife, so mas magiging madali siguro kung ako na lang ang aayos nito."

Alina just nodded, hindi makatingin kay Jaime. Lumapit naman na si Samantha sa kanilang dalawa pagkatapos niyang sabihan na bumalik na lang sa game room ang mga ito.

"You need to finish all your pending deals in 2 weeks time din. Sam's going to help you do some of them. I think your mandatory leave's on next month pa, tama?" malumanay na explanation ni Jaime sa kanya.

"Yes sir" sagot naman ng di pa rin makatingin sa lalakeng si Alina.

"You need to take that after 2 weeks na. Knowing Wency, malamang kulitin ka pa rin noon kahit na sabihan ko na to leave you alone."

Alina just nodded again. Para na siyang iyung mga dog toy sa sasakyan kung makatango.

"After your leave, Sam and I will talk to you with whatever we need to talk to na lang."

"Will I get fired, sir?" tanong naman ni Alina.

"No. Just keep what happened between the three of us. Iyon lang ang gusto ko" said Jaime. Humanga naman si Alina kay Jaime. He seems cool and collected, nothing fazes him. No wonder pati mga bosses niya, tiklop sa kanya.

"Is everything clear na ba, Allie?" tanong naman ni Samantha. Isang maikling "Yes" lang ang nasagot niya.

Takip silim na nang makauwi si Alina sa kaniyang condo unit. She's still a bit distressed about what has happened, pero mas kampante na ito ngayon, knowing that she has her ate Sam and sir Jaime to support her.