1. Home
  2. Stories
  3. Alpha II Chapter 16
Filipino Sex Stories

Alpha II Chapter 16

By razel22 ·

Alpha II Chapter 16

By: Razel22

Matapos na e salaysay ni Rc ang nangyari noong nakaraang gabi ay parang hindi makapaniwala ang kanyang mga kasama lalo na si Tegs na hawak-hawak ang can ng softdrinks.

Agad lumapit si Makoy kay Rc na mukhang nagdududa. " Tsk pre joker ka rin eh. Imposible namang magagawa mo yun sa bahay nila ate Sofia haha. Tsaka yaya niya na parang Korean nakantot mo din? threesome?? Weee patingin nga likod mo." sabi nito kaya tumayo si Rc at tumalikod sabay hinawakan ang tela ng kanyang damit sa ilalim.

Nang itaas niya na ang damit niya ay nakita ng mga kasamahan niya ang napakaraming pasa na dulot ng latigo. Nasugatan pa sa ibang perti ngunit nang humarap siya sa mga ito ay ang maraming chikinini ang makikita sa kanyang dibdib.

Di makapaniwala si Tegs sa nakita. Hindi dahil sa pasa at chikinini kundi sa solidong katawan ng bata at may mga peklat pa na di niya alam kung saan nanggaling. Batak na batak na parang nasa wastong edad na ito.

Agad tumayo si balbi at hinampas ang palad sa likod ni Rc kaya napangiwi ito sa sakit. " Idol!!! good job my boy hahahha. Galing ah. . Pre baka naman pweede mo din kaming e reto doon haha. " natatawang saad nito kaya napahawak na lang si Rc sa nasaktang likod ng biglang mahagip ng kanyang mga mata ang isang babae sa malayo na nakatitig sa kanya.

"Si Natasha yun ah. .Hmmm ilang beses ko na siyang nakitang nagtatago sa malayo. Sinusundan niya ba ako? o gusto niya lang makipagkaibigan samin?" bulong ng isip ni Rc at nang magtama ang mga mata nila ay agad nagtago ang babae sa likod ng kahoy at biglang tumakbo

Napailing na lang siya at nagpasyang lumabas ng unibersidad para makapagpahinga. "Mga pre parang di ko ata kayang pumasok ngayon. Masyado akong lutang eh hehe. Mauna na ako sa apartment " saad nito at nakipagfistbump sa mga barkada niya at nag lakad na palayo.

-------

Samantalang sa malaking pintuan sa unibersidad malapit sa canteen ay nakayukong hapong hapo si Natasha matapos tumakbo ng mabilis ng magtama ang piningin nila ng kanyang kinamumuhiang lalaki . "Masyadong mayabang, Akala mo kung sinong gwapo! Hmmp pero in fairness ang ganda ng katawan niya. . . " bulong ni Natnat sa sarili at agad namula ang mukha. . ."EEssshhhh!!! Hindi! Lampa yung kupal na yun! " sagot nito sa sarili niya.

Nang akma na siyang aalis sa harap ng canteen ay biglang may narinig siyang tumawag sa kanya. Agad siyang kinabahan at nanigas ang katawan . Alam niyang nasa likod na niya ito hanggang sa hawakan ng tumawag sa kanya ang kanyang balikat.

"KYYAAA!!! RAAAPPPEEEEE!!!!" sigaw niya sa gulat kaya agad lumabas ang mga estudyante sa loob ng canteen at nakitang nakahawak si Rc sa kanyang pesnge matapos makatikim ng isang sampal kay natasha.

Natulala si Rc sapagkat di niya inaasahan ang nangyari at napahawak na lang sa kanyang nasaktang pesnge. " Nat naman. Nakita kitang nakayuko dito at akala ko may nangyaring masama sayo kaya kita tinawag. Tutulungan sana kitang tumayo pero bigla mo na lang akong sinampal. " malungkot na saad niya kaya nagsisi ang babae na nakatitig sa maamong mukha ni Rc.

"I'm sorry Julian . Di ko alam na ikaw pala yun. Akala ko ibang tao eh. Tsaka bigla ka na lang nang hahawak! hmp." sabi niya pero naaawa pa rin sa lalaki kaya hinawakan niya ang balikat nito. " Haist ok sorry na Julian Rc. Para makabawi treat kita ng lunch mamaya. ok ba yun?" Saad nito kaya lumiwanag ang mukha ni Rc.

"Hmmm Chicken Nuggets?"

"Sure ! Chicken Nuggets!"

"Eh kaso nat magpapahinga muna ako ngayon kasi masyadong lutang ako at pagod. Kita na lang tayo mamaya sa labas ng unibersidad ok lang ba? mga lunch time hintayin kita sa guardhouse?" saad niya kaya nakangiting tumango si Natasha. " Ahh eehh btw mauna na pala ako Julian ha. May aasikasuhin pa kasi ako. See yah mamaya ha. " sabi ni natasha at nauna nang maglakad.

Halata ang saya sa mukha ng babae dahil parang lutang ito maglakad at nabangga pa sa pader. Napailing na lang si Rc habang tinititigan ang paalis na babae hanggang sa unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Natasha"

-------------------

Samantalang naiwan sina Balbi,Boysong at Makoy sa Puno ng balete kasama si Tegs habang nanonood sa mga gumagawa ng kanilang rest house ng biglang nag ring ang telepono ni Tegs.

Agad niya itong kinuha at sinagot ." Yow! Pre! . . . Ang aga ng tawag ah. Anong atin ?" tanong nito sa tumawag. " Pre may meet up mamaya. Natatandaan mo ba yung chikas sa Bigo?" saad ng tumatawag. " Ah yun ba? hanggang tingin lang naman tayo dun eh hhaha" sagot nito

"Tae ka pre meet up nga di ba? May kasama siya. Apat daw sila. " saad ng lalaki sa tawag kaya parang gulat si Tegs sa narinig. " Tangina totoo ka? Yung hotbabes na yun? Natawagan mo na rin ba kasama natin ? " tanung niya.

"Hahaha oo . Dito kami ngayon sa labas ng Paradize University. May matanda dito sa labas at bata. Puntahan mo na kami dito. Btw magsama ka ng isa. Apat yung chix na yun eh. So pano hintayin ka namin dito" saad ng sa tawag tsaka pinatay na.

Lumiwanag ang mukha ni tegs sa excitement kaya tinawag niya ang contractor at pinagsabihan ng mga gagawin at binigay na ang planong guhit. Napatingin siya sa tatlong magbabarkada sa harap niya " Oh pano mga kiddos. Labas muna ako at may sasalubungin lang. " sabi niya pero lumapit si Balbi sa kanya.

"MangPeks kung sa saya iiwan mo kami? alam kong may trip kayo, Sama mo naman ako oh. Nabobored na ako eh" saad nito kaya nag isip muna si tegs bago tumango.

Magkasama silang apat na naglakad patungo sa Main Gate ng Unibersidad. Medyo bumibilis ang lakad ni Tegs sapagkat takam na takam siya sa babaeng ka chat nila sa Bigo Apps na ma meet up pa nila .

Nang nakarating na sila sa gate ay nakita nila ang gwardyang nagbabantay dito. Agad lumapit si Balbi sa gwardiya " Pre bulakbol muna kami ha. Boring kasi ngayong araw. Ayaw din naming umakyat sa pader para makaalis dito." saad ni Balbi kaya napasimangot ang gwardiya.

"Boss naman. Pangalawang araw niyo pa lang dito bulakbol agad? Ngapala may nag hahanap kay papa mo. " saad ng gwardya sabay turo sa maglola na nakatayo sa labas ng guardhouse. " Sinabihan daw sila ng papa mo na pumunta dito dahil pag aaralin niya ang batang yan. " saad ng gwardiya kaya tumango si Balbi.

"Pssst! Toy! Lika dito!" tawag niya sa bata kaya napatingin ang bata sa lola niya bago nag lakad palapit kay Balbi. " Anong pangalan mo? " agad niyang tanong. " Ahh ehh Bo. . Borlo po kuya" saad ng bata kaya napatango si Balbi.

"Pag aaralin ka daw dito ni papa? Lola mo ba yun?" sabi niya sabay turo sa matanda. " Opo kuya . Kahapon kasi namin nakilala si Uncle Russ at sabi niya pumunta daw kami dito ng alas dyes. " sabi ni Borlo kaya lumapit si balbi sa matanda at nagmano muna. " lola pasok kayo sa unibersidad. Samahan kayo ng kuya ko na pagenrolen si Borlo. " sabi niya at magkasama na silang pumasok sa guardhouse.

Nilapitan ni Balbi si Boysong . " Kuys. . ahh hatid mo sila kay sir Dize. Sabihan mo na pag aaralin ni papa ang batang yan. Tsaka si Lola dalhin niyo sa canteen at kumain kayo doon. Sagot ko lahat. Sama kayo ni Makoy." utos niya sa kanyang kuya. "Tsk parang ikaw nakakatanda kung makapagsalita ka Balbs ah. " reklamo ni Boysong.

"Minsan lang naman to kuys eh. Tsaka di kita lalaitin o kukulitin sa loob ng isang linggo. Deal? " saad niya kaya napakamot na lang si Boysong sa ulo at tinawag si Borlo. Magkasabay na sumama ang maglola kina makoy at Boysong papasok sa unibersidad kaya napatingin si Balbi sa gwardiya na nakatingin din sa kanya.

"Ano?!" maagas niyang saad kaya napatawa na lang ang matanda

"Sige na bulakbol na! Habang maaga pa. Tsk matinding bata to" saad ng gwardya kaya napangisi si Balbi at lumabas ng unibersidad.

Naabutan niyang kausap ni Tegs ang dalawang bagong dating kaya lumapit siya kay Tegs at nakinig sa pinag-uusapan ng tatlo.

Tinitigan ni Balbi ang dalawang kausap ni Tegs. Ang isa ay nakasando lamang na puti at may mga tattoo sa katawan . May hikaw rin at parang siga tignan. samantalang ang isang kasama niya ang may Reading glass at nakapolo na hanggang leeg ang butones. Parang Nerd

" MangPeks. Sino sila? Sasama ba sila satin mamaya?" tanung niya kay Tegs

"Haha mga kaibigan ko sila . itong isa ay si Ace at yung nakasalamin ay si Joseph." saad ni Tegs kaya napatingin si Balbi kay Ace. " Hmmm Siga ka ba? Kung mabait ka edi Goodace. Pero pag siga BadAce na yan di ba?" agad na tanung ni Balbi kaya natawa si Ace at nakifistbump sa bata.

"Ayos tong kasama mo Tegs ah. Ito ba isasama natin mamaya? Wala bang problema to? Baka hanapin ng nanay niya to mamaya o baka mag hanap ng Gatas hahaha" natatawang saad ni Ace ng biglang lumapit si Balbi sa kanya at tinulak ang kanyang dibdib. " Ano? May angal kaba?" Sagot!" galit na saad ni Balbi ngunit natawa lang si Ace sa inasal ng bata.

Kinabahan agad si Tegs sapagkat alam na alam niya ang magulang nito at mga kakayahan kaya inawat nya agad. " Bata pagpasensiyahan mo na mapagbiro lang tong kaibigan kong si Ace. Nga pala ito si joseph . " pakilala niya sa isa kaya ang galit na mukha ni Balbi ay kumalma at humarap siya kay Joseph at nakipagfistbump. " Balbi Pre" Pakilala niya at napabuntong hininga na lang si Tegs

-------

Maayos ang naging takbo ng araw na yun at tumambay sila sa labas ng Unibersidad hanggang sa magsapit ang alas-sais ng gabi. Agad kinuha ni Ace ang cellphone at nakipagchat sa e memeet up nila.

Ilang minuto ang lumipas ay masayang humarap siya sa tatlo. " Pre doon sa bar malapit sa Fss Building. Yung bago ba. Tara" saad ni Ace at umalis na sila.

Sumakay sila sa sasakyan ni Joseph at sa boung byahe ay nagkukulitan ang tatlong magkaibigan. Parang na OP si Balbi kaya napansin ito ni Ace." Uy Pre sorry kanina ha. Di ko sinasadya mga sinabi ko. Nga pala yung isang chix na kasama nila mamaya sayong sayo yun." saad niya kaya tinignan siya ni Balbi na sumaya ang mukha.

"Talaga Pre? May litrato ka ba niya?" tanong ni Balbi ngunit umiling si Ace . " Mas mabutng sa personal mo makita pre. Para mas ganahan ka" sabi nito at napatango na lang si Balbi.

7:00pm na ang grupo nakarating sa Bar. Malapad ang loob nito at maraming bakanteng mesa. Sa dulo nito ay may stage kung saan tumutogtog ang banda ng acoustic music. Pang Chill talaga na lugar at swabeng ambiance.

Pinili ng Grupo ang sa dulong mesa at nag order na nang tatlong bucket ng beer at mga pagkain. Ilang minuto ding nag antay hanggang sa tumayo si Ace " Pre anajn na sila!. Puntahan ko na sa labas para ma meet niyo din!" saad niya at dali - daling lumabas ng bar.

Agad kumuha ng salamin si Joseph sa loob ng kanyang pitaka at suklay. Naglagay din ng pamada habang inaayos ang salamin. Natawa si Tegs sa gawi ng kaibigan. " Clark Kent ikaw ba yan? hahaha Superman pormahan natin ah. Duda ako sa loob ng pitong polo na yan pag binuksan mo may Letrang S ano?" saad ni Tegs kaya natawa si Joseph at binuksan ang butones .

Agad natawa si Tegs ng tama nga ang hinala niya." puta pre ang tanda tanda mo na di ka pa rin nakamove on kay superman? hahaha" saad ni Tegs at natatawa na talaga ng biglang makita ang tulalang mukha ni Joseph. Kahit si Balbi na katabi ni Joseph ay di rin nakapagsalita sa nakikita nila.

Nang lumingon si Tegs ay apat na nag gagandahang dalaga ang kasama ni Ace papunta sa kanila.

Patayo pa lang siya nang nagulat nang naglakad si Jospeh palapit sa mga ito .

Nakatingin lang si Tegs sa gagawin ni Joseph at nang malapit na ay sadyang nagpapatid ng paa para kunwaring matumba.

Derektang tumama ang mukha ni Joseph sa Malaking Clevage ng matangkad na babae. Medyo nagtagal pa dun ang mukha ni Joseph bago umalis.

"Ayy!!! Sorry miss di ko sinasayda. Natapilok kasi ako eh. Di ko nakita dinadaanan ko kasi parang malabo na tong reading Glass ko. " rason ni joseph sa magandang babae pero natawa lang ang babae sa kanya.

Nagkatinginan naman si Balbi at Tegs.. "Superman nga"

"SUPERMAN-YAK"

------------------

Sa Loob ng Eternal Chamber sa ilalim ng pulang langit ay matinding digmaan ang nagaganap.

Pwedeng magwala ang tatlong bayani sa loob nito pero may isa silang problema. Walang kamatayan ang mga halimaw sa loob nito.

Habang nakikipaglaban sina Russ at Marcus sa maraming halimaw ay nasa lupa naman si Sting at nakatingin sa nakangising si Berto. Di niya alam kong paano ulit nabuo ang katawan nito pero mas lalong nadagdagan lang ang galit niya nang malamang nakabawi ito ng lakas.

Nakabukas ang mga kamay ni Berto at may itim na aurang pumapalibot sa kanyang katawan.

" Ohh? Aso? Parang nagulat ka ata ah. hahaha. salamat sa ginawa niyo kay haring Guillermo at nawala ang bisa ng kanyang kapangyarihang hindi makapag regenerate ang mga nilalang dito. Pero ang mas papasalamatan ko ay dinala niyo mismo dito ang isa sa pinakapaborito ko. Bwahahahahahaha" sigaw niya at tawa ng tawa .

Sa gitna ng tawa niya ay biglang sumulpot ang galit na si Sting sa kanyang harapan na paikot na ang katawan . Isang napakatinding sipa ang pinamalas nito hanggang sa

"BBBOOOGGGGSSSHHHH!!!" sabog ang lugar kung saan siya sinipa ni Sting.

Ngunit nagulat ang Alpha ng makitang may Matinding itim na barrier ang promotekta sa katawan ni Berto.

Ngunit nagkalamat agad ito at naapektuhan si Berto sa impact ng sipang yun . Di makapaniwala ang kalaban ni Sting na kahit gaano kalakas ang barrier ay maaari pa rin itong masira.

"Putangina ka Aso! Ikaw ang unang may kasalanan saakin! Bumabawi lang ako!" sigaw ni Berto sa galit at naging itim na ang mga kamao. Sa isang iglap lang ay nawala ito agad sa ere at sumulpot sa gilid ni Sting.

Pero nakangisi lang ang Alpha at pinikit ang mga mata. Isang napakalakas na suntok ang pinakawalan ni Berto at siguradong wasak ang Alpha pagtinamaan siya nito.

Ilang pulgada na lang ang lapit ng kamao niya sa sentido ni Sting ng biglang humakbang ang Alpha pa atras kaya lumagpas ang suntok ni berto.

nahawakan ni Sting ang kamay niya at boung lakas na iwinasiwas hanggang sa ihagis niya si Berto sa dagat ng lava kung saan milyon milyong nilalang ang umaahon paalis dito.

"KAABBOOOOMMMM!!!!!" Parang nuclear bomb na sumabog sa gitna ng dagat ng lava kung saan bumagsak ang katawan ni Berto.

Di pa nakontento si Sting dahil alam niyang hindi sapat yun para tapusin ang traydor na kalaban kaya agad siyang tumalon papunta sa dagat ng lava at nakita si berto na gumagapang sa bato paalis sa lava.

Sumisigaw sa sakit at init ngunit unti-unting naghihilom ang mga sugat nito. Napakuyom sa galit si Sting at tumalon ng pagkataas-taas. Nakailang ikot pa ang katawan nito sa ere at inihanda ang isang axekick pababa .

saktong nakaakyat si Berto sa bato ng maramdaman ang napakalakas ng killing intent ng Alpha sa likod niya kaya ng napalingon siya ay ang umaapoy na sipa ng Alpha ang sumalubong derekta sa kanyang mukha.

Wasak ang ilong nito at parang hinampas lang ng napakalaking maso kaya parang mawawalan na nang malay si Berto ngunit nakapagpalabas ito ng anino sa baba at nakapasok siya agad dito.

galit na galit si Sting ng nawala na naman si Berto sa harapan niya kaya akmang tatalon na sana siya pabalik sa bundok kung saan ang trono ng hari ng kadiliman pero biglang nanginig ang kanyang tuhod at natumba.

Nakita niya rin ang limang clones niya na nagagapi na sa laban kaya nalaman niya napakatinding chakra ang nawawala sa kanya sa pagpapatuloy na paggamit ng mga ito kaya sumenyas siya sa kanyang mga daliri hanggang sa nawala na parang bula ang mga clones ni Sting at bumalik sa kanya ang dating lakas.

Agad siyang tumalon papunta sa bundok at nakitang maraming halimaw na ang nakaakyat at nakikipaglaban na rin si Maria at boss yul.

Nang makita siya ni Maria ay ang mukhang nag aalala ang nakikita niya sa mukha ng magandang asawa kaya agad niya itong nilapitan ngunit agad nagsalita si Maria

"Mahal! Si Ana! May nangyayari sa kanya! Di ko alam pero Di ko siya mapakalma !" Sigaw ni Maria kaya napatingin si Sting sa walang malay na si Ana na nanginginig ang katawan nito habang nakahiga sa matigas na lupa.

May isang halimaw ang nakalapit dito kaya mabilis siyang nagdash at sa isang iglap ay nagkaputol putol ang katawan ng halimaw. Agad umihip ang malakas na hangin hanggang sa lumitaw ang isang napakalaking buhawi.

Napalingon si Sting kay Maria at nakitang nakalutang na ito sa ere at nakataas ang dalawang kamay. Puti na ang mga mata ni Maria hanggang sa unti-unting . .

KRRAAAKKKOOOOMMMMMMMM!!!!!!!

isang napakalakas na kulog at kidlat ang gumuhit sa pulang langit. at tumingala ang milyon milyong nilalang na nagulat sa lakas ng kulog.

Sa isang iglap ay biglang bumuhos ang napakaraming kidlat mula sa pulang langit pababa " AARRGGGGHHHHHHHHH!!! GRAAAAHHHHHHH!!!!

"GGRRRRGGGGGGKKRRAAKKOOOMM!!!!!"

sigawan ng mga natamaang nilalang na ang iba ang nagiging abu pag natamaan.

Ang malakas na hangin ng buhawi ni Maria ay unti-unting nagiging pula sa pinaghalong dugo at nagkawasak na katawan ng mga halimaw na matamaan nito. hanggang sa ang buhawi ay unti unting nagiging isang napakalaking ipo-ipo na apoy.

Sa sobrang init nito ay napaatras sina Russ at Marcus para hindi matamaan ng kapangyarihan ni Maria.

Nagtagal ang delobyong pinalabas ni Maria hanggang sa maubos ang nilalang na malapit sa bundok.

halos nagkalat ang mga patay at wasak na katawan ng mga halimaw hanggang sa bumagsak ang walang malay na katawan ni Maria .

Agad sinalo siya ni Sting at ibinigay kay boss yul. "Boss pakibantay muna kay Maria. Marami rami pang kalaban at parang walang katapusan na yata to" saad ni Sting nang marinig ang sigaw ni Marcus

"Pre! Kunin mo na sila! aalis na tayo dito! Bilisan niyo habang malayo pa ang ibang halimaw!" sigaw ni Marcus at dali daling umakyat sa hagdan para kunin si Ana .

Agad nilang kinarga ang dalawang babae at bumaba ng hagdan ng biglang

KKSSSSSKKTTTTT!!!!!

Isang napakatalas na hangin ang pumukol sa kanila na agad ding nasangga ng pinalabas na berdeng kristal ni Marcus.

Si Berto! Nakalutang na naman sa Ere. mas lalong lumalakas habang tumatagal ngunit nakaramdam sila ng nakakatakot na aura hanggang sa mapalingon sila kay Sting.

Pula na ang mga mata nito at galit na galit ang mukha. Ipinahiga muna si Ana sa hagdan at biglang nawala sa kinatatayuan.

Huli na para kay Berto ng malamang nasa taas niya na si Sting. Umaapoy ang kamay nito at humaba na ang buhok at lumabas ang maraming tattoo sa katawan. Walang maisip na gagawin si Berto ng biglang. .

SSHHHKKKKKKK!!!!!!!!!!

Isang tunog ng nabutas na katawan at bumulwak ang masaganang dugo na nag patulala kay Sting .

Kahit si Berto ay di makapaniwala sa nangyari at unti unting napaatras. Alam na alam niyang wala soyang kalaban laban sa Alpha kaya mas minabuti niyang lumayo dito habang tulala ito at di makagalaw dahil sa nangyari.

Kahit ang mga kasamahan ni Sting ay di makapaniwala hanggang sa hinila ni Sting ang kamay na nakabaon sa mismong dibdib ng kanyang asawa.

Si Ana

ITUTULOY