1. Home
  2. Stories
  3. Road To Redemption VII
Filipino Sex Stories

Road To Redemption VII

By gilfmilflover ·

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ang Nakaraan

Sa isang madilim na kalsada. Nakasandal ngayon si Bato sa isang malaking puno ng acacia. Nakatingin ito sa langit at tila ba naghihintay ng isang senyales.

" Masaya na si Kc…. kitang kita ko ang pagniningning ng mga mata nito na tila ba isang diamante habang kasama niya ang lalaking iyon" ang sabi ni Bato sa kanyang sarili. Habang sinusuntok suntok nito ang lupa sa paligid niya.

" Mga diamante na nasa mga palad ko na pero nasilaw pa akong maghanap ng mas manining na brilyante" habang unti unti ng pumapatak ang mga luha sa mata ni bato. Habang lumalakas ang patak ng luha nito ay lumalakas din ang mga suntok na pinapakawalan nito sa lupa.

" AAAAAAAAAARRRRRRRRRRRRRRRGGGGGGGGGGGGGGGHHHHHHHHHHHH ANG TANGA TANGA MO JAMES ARRRRRRRRRRRRRHHHHHHHHHHHHHHHH" ang sigaw ni bato habang tila ba naging mala waterfalls na ang mata nito sa iyak niya. Dahan dahan itong tumayo sa kanyang kinasandalan puno.

" ARRRRRRRRRRGHHHHHHHHHHHHHHHHHH" ang sigaw ni bato habang pinagsusuntok nito ang katawan ng puno ng acacia. Tila ba hindi nito nararamdaman ang tigas at gaspang ng puno. Ang kamay nito ay unti unti ng nababalot ng dugo kasabay ng pag gugunita nito sa mga pagkakataon na sinayang niya sa buhay niya.

" TANGA TANGA MO ARGGGGGGGGGGGHHHHHHHHHHHHHHHH" ang sigaw ni bato habang patuloy nito na pagsusuntok sa puno ng acacia. Ang kamao nito ay unti unti ng nagkukulay chocolate dahil sa pinaghalong dumi at ang mga makapal na kulay ng dugo.

" ARRRRRGGGGGGGGGHHHHHHHHHHHHHHH KC MAHAL NA MAHAL KO KAYO NG ANAK NATIN" ang sigaw ni bato na tila ba napaluhod na lamang ito sa tapat ng puno na tila ba nagdarasal. Ang dalawang kamay niya nasa harapan nito. Ang kanyang ulo naman ay naka patong sa ibabaw ng kamay nito.

" HUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHU" ang paghikbi ni bato at tuluyan ng bumigay ang naramdaman nito. Ang pnaghalong sakit, pagod , lungkot , pagsisisi at pighati na bumabalot ngayon sa puso niya.

Kasabay ng pagsabog ng damdamin nito ay tila ba nagbibigay ng isang senyales ang kalangitan. Biglang bumuhos ang napakalakas na pag-ulan. Ang langit ay animo nakikidalamhati ngayon kay bato.

Ang mga malaki at malakas na patak ng ulan ay tila ba mga batong tumatama sa kanyang likuran. Mga batong kailangan niyang pasanin.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

" Good morning anak" ang bati ni Mama Flor kay Jc ng sumalo ito sa kanila para almusal. Naka upo na si mama flor sa kabisera habang sa magkatapat nito ang anak na si Kc at daisy mula sa kanan papunta ng kaliwa.

Si Olivia naman ay katabi ng mama niya kaya naman umupo na si Jc sa tabi ni Daisy.

" Good morning ma" ang bati ni Jc at kinuha nito ang tasa ng kape na inabot ng kasambahay nila. Habang si Kc naman ay pinapakain nito ng almusal ang anak niya. Si Daisy naman ay kaharap na naman ang laptop niya pero tumutusok ito ng hotdog sa tinidor niya.

" Balita ko anong oras ka na daw umuwi kagabi" ang tanong ni Mama Flor sa anak niya habang nagbabasa ito ng diyaryo. Kahit kasi na legal age na ang mga ito ay tinitiyak niya pa rin na may curfew ang mga ito ng alas dose ng hatinggabi.

Napalingon naman si Kc sa kanyang ate na may nakakalokong ngiti dito pero sinagot din naman siya ng isang nakakalokong ngiti ni Jc.

" met some friends lang po and napasarap ang kwentuhan" ang sabi ni jc sa kanyang mama flor na nakatingin na ngayon sa kanya. Ang diyaryo ay nakababa na sa gilid ng lamesa.

" Ok" ang maikling sagot ni Mama Flor sa anak niya.

" Ma…… di ako papasok today" ang sabi ni Jc at napatingin na muli si kc sa kanyang ate. Habang si mama flor naman ay tila iniiscan ng kanyang mata ang anak niya.

" Sige….basta ang curfew" ang sabi ni Mama flor at kinuha na nito ang diyaryo na nasa gilid niya at nagbasa na ulit ito. Habang si Jc naman ay sumandok na ng kanyang almusal.

Naging tahimik na ang kanilang almusal. Matapos silang makakain ng almusal ay kaagad na nagpaalam si Jc na maliligo na ito. Sa banyo ay iniisip pa din ni Jc kung tama ba ang gagawin nito. Napagdesisyonan niya kasi na hahanapin nito si James para tulungan ito.

" Bahala na, di ko rin maatim sa akin konsensya kapag may nangyari sa kanya" ang sabi ni Jc habang nasa ilalim ito ng shower. Nangingibabaw pa rin kay Jc ang utang na loob na binigay sa kanya ni james.

Naalala din niya ung mga panahon na si James ang pumupuno sa mga pagkukulang niya kay Kc. Aminado naman ito hindi niya talaga na suportahan ng maayos kapatid lalo na pag dating sa pera.

At si James ang pumuno dito. Siya ang nagpaaral kay Kc pati na rin sa lahat ng pang-araw araw na gastusin. Kaya naman siya naman ngayon ang gagabay sa lalaki para makabangon ito.

Matapos mag shower ni Jc ay lumabas na ito at nagbihis na.Nagsuot na lamang ito ng simpleng black shirt at jeans plus rubber shoes. Alam niya na kailangan niyang magsuot ng comfortable ngayon at ready para sa kung ano man ang pwede niya kaharapin.

" Manang…pasabi na una na ako" ang sabi ni Jc sa katulong nila ng makalabas ito sa kwarto at tanging siya lang inabutan nito. Tumango naman ang kasambahay nila at Kaagad na lumabas ng bahay

Bago ito sumakay sa kanyang sasakyan ay tumingin muna ito sa kanyang telepono. Pinagmasdaan nito ang wallpaper niya. Ang kanyang pamilya.

" Sana tama ang gagawin ko" ang sabi ni Jc at Sumakay na ito sa sasakyan niya. Inistart pa lang ni Jc ang makina niya ng biglang tumunog ang telepono nito. Nakita niya na si Gerard at ang tumawag.

" Hey Jc, balita ko di ka papasok" ang sabi ni Gerard kay Jc. Napailing naman ito dahil mukhang naikwento na agad ni Kc sa kasintahan ang balak nito. Inaatras na nito ang sasakyan sa garahe habang kausap si Gerard.

" oo, doing some personal errands" ang sabi ni Jc sa kasintahan ng kapatid niya. Habang nagmamaneho ito. Parang kinabahan bigla itong si Jc dahil sa mukhang may ipapakiusap na naman itong si Gerard sa kanya.

" Favor, another attache case is on it's way" ang sabi ni Gerard dito at di na rin nagulat itong si Jc. Panay na kasi ang pakiusap nito sa kanya about doon sa attache case na yun. Tila nagkaroon na tuloy ng pagdududa si Jc sa laman ng attache case na laging pinakukuha ni Gerard sa kanya sa pier.

Gusto man sana kunin ni Jc ang package pero mas nanaig talaga ang konsenya niya para mahanap si james. Makakahintay naman yan o may mahahanap naman si Gerard na tutulong sa kanya.

Di tulad ni James na baka hindi kumain o baka nakahiga na lamang ngayon sa malamig na semento. Mas importane ito.

" Sorry, can't make it" ang sabi ni Jc sa lalaki habang palabas na ito ng highway. Rinig naman ni Jc na tila nag-iisip itong si Gerard pero sinabihan naman siya na ok lang daw at binaba na nito ang tawag.

Binagtas na ni Jc ang daan tungo sa lugar na possible pagtambayan ni James.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Habang sa restaurant.

" Good morning po" ang bati ng guard sa pagpasok ni Daisy, Kc at Olivia. Sa likuran nila ay kasunod naman si mama flor. Pinansin namin nila ang guard at pinauna na ni Kc ang kapatid at anak nito habang siya naman ay pinagmasdan muna ang mga staff niya na naghahanda pa sa pagbubukas ng shop.

Kaagad nito napansin ang mga kakaibang mukha at napansin din naman ito ni mama flor. Kaya naman tinawag niya ang isang staff nila na matagal na. Nag mamop ito sa sahig at tumigil ito ng marinig niya na tinatawag siya. Kaagad din naman ito lumapit sa dalawang boss niya.

" Good morning mam" ang bati ng matandang staff. Ito ung staff na binigyan ng pagkain noon ni mama flor sa kusina. Hila hila nito ung de gulong na lalagyan ng mop.

" Good morning manang" ang bati ni Kc sa staff at sinilip naman niya ang mga kakaibang mukha at pinagmamasdan nito muli.

" Sino ung mga yun manang?" ang tanong ni Mama Flor sa matanda sabay turo sa dalawang lalaki na may kalakihan at nakatayo sa gilid na kala mo ay mga statwa. Tinuro din nito ang dalawa pang lalaki na nakatayo sa magkabilang side ng cashier. Mayroon din na dalawa sa pintuan ng kusina.

" Ah, kasama po ni sir Gerard kanina mga yan…ayun po sa kanya mga added security daw sa restaurant" ang sabi ng matanda habang kausap nito si Mama Flor. Napatingin naman si Mama Flor kay Kc at tila nagtataka ito.

" Sige salamat manang… pagpatuloy muna yan" ang sabi nito at tinapik niya sa balikat ang matanda. Bumalik na ito sa kanyang ginagawa at naiwan naman ang mag-ina na tila ba nagtataka pa rin.

" Sinabi ba sa iyo ni Gerard to?" ang tanong ni Mama Flor kay Kc. Tumitig naman ang anak nito sa kanya at sabay umiling iling ito.

++++++++++++++++++++++++++++++++++

Kaagad na binalikan ni jc ang lahat ng pwede pagtambayan at tulugan ni James pero wala itong makita na james. Lahat ata ng pulubi na nakahiga at may saklob sa mukha ay pasimple nitong sinilip.

Sinubukan na din niyang magpunta sa mga istasyon ng pulis para malaman kung may report ng pulubi o mga taong may nangyari. Pero bigo din ito.

" Wala man siya nabanggit pero kausapin ko siya ma" ang sabi ni Kc. Nagpaalam na si Mama Flor na pupunta na ito sa kusina. Ng matapat ito sa pintuan ng kusina ay tinitigan nito ang dalawang bantay sa pintuan na pinagbuksan siya ngayon.

Di na niya ito pinansin at diretso na lamang ito sa kusina. Habang si Kc naman ay umakyat na second floor at diretso sa opisina niya. Kabukas nito sa pintuan ay inabutan niya si Gerard na tila ba may kausap sa telepono niya.

Kaya naman umupo na lang diretso si Kc sa kanyang shivel chair at binuksan nito ang laptop niya. Mabilis lang naman na matapos si Gerard sa kausap niya at pinatay na nito ang tawag.

" Morning love" ang sabi ni Gerard at tumayo ito sa kanyang kinauupuan. Pinuntahan niya ang likuran ng kasintahan at niyakap niya ito mula sa likuran. Hinalikan niya ito sa pisngi at labi.

Gumanti din naman ng halik itong si Kc sa kanya pero parang wala ito sa mood kaya naman agad din nagsalita muli si Gerard.

" Problems love?" ang tanong ni Gerard habang nakayakap parin ito sa likuran ng kasintahan at tila ba nilalambing lambing niya ito.

" Nag add ka pala ng staff… di mo man lang kami sinabihan….tsssskkk" ang sabi ni kc na may singhal na tila ba nagtatampo ito sa paladesisyon na ginawa ng kasintahan niya. Napangiti naman itong si Gerard at umalis likuran ni Kc. Kumuha ito ng isang upuan at umupo sa tabi ni Kc.

" Love…. Sorry na….. Gusto ko lang naman na maging secure tayo…especially sa panahon ngayon… tulad ng nangyari kay Jc" ang sabi ni Gerard habang hinahaplos haplos nito ang kanang palad ni Kc. Napatingin naman itong si Kc sa kasintahan niya at unti unti ng ngumiti.

" Sorry din …. Kung nagtampo ako….." ang sabi ni Kc sa kasintahan at siya naman ang tumayo tsaka hinalikan nito sa labi ang kasintahan niya. Mabilis lang naman ang naging halikan ng dalawa at naghiwalayan din sila.

" one more thing love….. I am carrying my own weapon at all times na din para isecure kayo ni Olivia" ang sabi ni Gerard sabay taas ng suot niya polo shirt. Naka sukbit sa kanyang belt ang holster at isang pistol ang naroon.

" Hopefully….ibang baril ang papatukin mo hehehehe" ang sabi ni Kc sabay himas naman sa nakabukol na ari ng kanyang kasintahan. Napasahinghap naman itong si Gerard dahil sa ginawa ng kasintahan niya pero mabilis din ito nakarekober.

Bumalik na sila kanya kanyang pwesto sa opisina at nagsimula ng magtrabaho muli. Si Kc ay nag simula ng mag-audit ng mga documents nila at nagsimula na din ito na maghanap ng mga review center to start her CPA journey.

Habang si Gerard naman ay panay ang kalikot sa telepono nito na tila ba napakarami ng kanyang mga kausap para sa negosyo.

+++++++++++++++++++++++++++++++++

Ang kaninang madilim na kalsada ay ngayon nasisinagan na ng araw. Nakahandusay sa gilid nito ang tulog na tulog na si James. Ang kanyang katawan at ang kapirasong damit na pumoprotekta sa katawan nito ay basang basa sa ulan na bumuhos kagabi.

Ang paligid nito ay punong puno rin ng maliit na puddle ng tubig ulan. Tirik na tirik na ang haring araw sa katawan ni James pero isang bagay ang kakaiba dito ngayon.

Nanginginig itong si James. Ang init ng katawan niya ay tinalo pa ang init na binibigay ni Haring araw. Inaapoy ito ng lagnat ng mga oras na iyon. Marahil dahil sa pinaghalong lamig, pagod ng katawan at ang sakit ng kanyang magkabilang kamao na halos hindi muna makilala dahil sa sugat na inabot nito.

Sakto naman na padating ang clearing team ng MMDA. Dala nila ang malaking truck nila kung saan ay nilalagay ang mga nakokolekta nilang mga kalat sa mga kalsada. May dala dala din itong mga malalaking maso.

Isa isa nilang sinakay ang mga kalat na nadadaanan nila hanggang sa dumating sila sa tapat ng puno ng acacia. Nakita ng isang mmda si James at kaagad niya itong nilapitan.

" Sir Bong……. May tao dito ……. Mukhang nanghihina" ang sigaw ng tauhan at kaagad na lumapit ang pinuno ng task force nila. Isang lalaki na nakaputing polo shirt at may suot na sunglasses.

" Boss…. Ayos lang ba kayo" ang sabi nito at lumuhod siya para tapikin ang nakadapang si James pero kaagad nito naramdaman ang init na singaw ng katawan niya.

" Shittt….. Inaapoy ito ng lagnat……. Isakay niyo sa kotse ko yan at isusugod ko sa hospital" ang sabi ng pinuno nila na tinawag nilang sir bong. Kaagad naman pinagtulungan buhatin ng dalawang mmda si James at sinakay nila sa pickup na service vehicle nila.

Sumakay naman ang team leader ng mga ito at kaagad silang sinamahan ng dalawang motorcycle unit ng mmda para dalhin si James sa pinakamalapit na hospital.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Habang si Jc naman ay todo effort na sa paghahanap sa lalaki. Kakatapos lang niya na puntahan ang mga inaakala niya na pwedeng pagpalipasan ng gabi ni James pero bigo pa rin ito.

Kaya naman naisipan nya na humingi na ng tulong sa mga kawani ng gobyerno. Mga pulis, dswd at kung pwede pati mmda.

Kaya Heto siya ngayon sa may edsa. Hindi naman ganoong traffic pero nakita niya ang kotse sa likuran niya na unti unti tumatabi sa gilid.

" Wang!!! Wang!!!Wang!!!Wang!!!" ang malakas na tunog ng mga sirena na kanyang naririnig mula sa likod ng sasakyan niya at nakita nito ang mga blinkers ng dalawang motorcycle ng Highway patrol group kasunod ang isang pickup ng mmda at dalawang motor naman ng mmda ang nasa likuran nito.

Mabilis ang takbo ng convoy at tila may importanteng karga ang mga ito. Napailing naman si jc habang tinatabi nito ang sasakyan niya. Tiyak na naman siya na may isang pulpulitiko na naman na sakay ang mga ito na ayaw maipit sa edsa.

Ang hindi alam ni Jc ay ang taong hinahanap niya ang sakay ng mmda at nagmamadali sila dahil sa nagkokombulyson na ang katawan ni James. Kaya naman nagpatulong na si sir bong sa hpg sa malapit para mabilis silang makarating sa hospital at iligtas itong si James sa kapahamakan.

Ng makalampas ang convoy ay mabilis din naman na bumalik si Jc sa kanyan linya at pinagpatuloy na nito ang kanyang biyahe tungo sa crame para manghingi ng tulong.

Mabilis siyang pumasok sa camp crame. Nagiwan naman ito ng id sa guard at dumiretso siya sa opisina ng isang pulis na kaibigan niya.

" Mare….kumusta" ang bati ng isang pulis ng makita niya na binuksan ni Jc ang pintuan ng opisina nito. Isang pulis na sa unang tingin ay kamukha ni paquito diaz ang bumungad kay Jc. Pumasok naman si jc at sinara nito ang pintuan ng opisina ng kaibigan at umupo ito sa tapat ng lamesa.

" Pare…. Ayos lang… si mare" ang bati at tanong ni Jc sa pulis.Asawa ng bestfriend ni Jc noong college ang pulis. Inaanak ni Jc ang isa sa mga anak ng kaibigan kaya naman naging magkumpare sila.

" ayun….. Nasa mga nanay niya sa san simon…. Mare…. kape …… softdrinks….." ang sabi ng police at tumayo ito para pumunta sa malapit na kabinet na kung saan nakalagay doon ang supplies niya ng pagkain para sa mga bisita.

" Softdrinks na lang pare" ang sabi ni Jc at kaagad naman kumuha ng lata ng coke itong pulis tsaka siya kumuha ng tissue at straw sa tabi. Inabot niya ito kay Jc at nagpasalamat siya dito.

" Pare… may hihingin sana akong pabor sa iyo" ang sabi ni Jc ng makaupo na muli ang kaibigan niyang pulis sa upuan nito. Nakangiti naman ang pulis habang nakatitig ito kay Jc.

" Sure mare… basta legal …. Kaya kitang tulungan" ang sabi nito at lumapit ito sa kanyang lamesa para hintayin ang isasagot sa kanya nito.

" Pare….. No worries…legal to… may papahanap lang sana akong tao sa iyo…." ang sabi ni Jc ng may ngiti sa kanyang mukha. Napangiti naman lalo ang kumpare niyang pulis.

" ano ba ginawa niyang tao na yan sa iyo mare?…. May atraso ba sa iyo yan?" ang tanong ng pulis kay Jc.

" Hindi pare….. Actually ako nga ang may utang na loob sa taong ito" ang sabi ni Jc habang kinukuha nito sa bag niya ang larawan ni James na nakuha niya sa facebook nito.

" Ito siya pare…. Kaso pahabain mo lang buhok at balbas…. Tas lagyan mo ng takip sa mata na tulad ng pirata" ang sabi ni Jc sabay abot sa larawan na kanyang naiprint. Pinagmasdan naman nito ng kumpare niya at kaagad nito kinuha ang intercom niya.

" Patawag nga ung artist natin" ang sabi nito sa intercom at wala pang 5 mins ay pumasok ang isang lalaki na may dalang sketchpad at lapis. Maliit lang ito at nakasalamin. Literal na mukhang genius ito sa mga pelikula.

" Drawing mo ito tas dagdag mo ung description na ibibigay ng kumare ko" ang utos ng pulis sa graphic artist nila at nagsimula na itong gumawa ng artist sketch. Matapos ang halos dalawang oras ay nakagawa na sila ng artist sketch ng current look ni James.

" Ganyan nga pare" ang sabi ni Jc ng ipakita sa kanila ng graphic artist ang larawan na nagawa nito. Pinabalik na ng pulis ang artist nila sa pwesto nito at naiwan naman sila ni Jc sa opisina.

" Mare….. Papakalat ko ito sa lahat ng presinto ….. Pati na rin sa mga kakilala ko sa mmda at dswd" ang sabi ng police kay Jc. Nagpasalamat naman si Jc dito at kaagad naman nagpaalam itong si Jc.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Habang sa restaurant.

" Love…. Daan lang muna tayo sa pier at kukunin ko lang ung attache case na kailangan ko……" ang sabi ni Gerard kay Kc habang nag-aayos na si Kc ng gamit para makaalis na sila at makapag 1 on 1 na sila sa condo ni Gerard.

" Ok…….. pero love….ano ba laman noon" ang tanong ni Kc dito at napatigil siya sa ginagawa niya. Si Gerard naman ay busy na sinuot ang coat nito at nilalagay ang phone niya at wallet sa bulsa ng coat.

" ahhhhh…kwan love …… pinasuyo ng kaibigan ….. Bayad sa shipping nila ….." ang sabi ni Gerard sa kasintahan. Bumalik naman agad itong si Kc sa kanyang ginagawa at matapos ito ay lumabas na sila sa opisina.

Pumasok muna sila ni Kc sa playroom at nagpaalam ito sa kanyang anak na si Olivia. Hinalikan niya ito sa labi tsaka lumabas na sila ng playroom. Dumiretso din sila sa kusina at nagpaalam kay mama flor.

Medyo madilim na kaya naman agad na sumakay silang dalawa sa navigator ni Gerard. At tsaka na nila binagtas ang daan tungo sa pier 18.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Habang sa loob ng pnp General hospital.

Kasalukuyan na nakahiga sa isang kama si James. May swero na naka kabit sa kanang kamay nito. Ang kanyang magkabilang kamao ay nakabalot na ngayon sa benda. Ang kanyang katawan ay may mga nakakabit na mga aparato.

Sa labas ng kwarto ay nakatayo ang pinuno ng task force at kausap nito ang isang police na naka-assign sa hospital.

" I want to check if may records kayo sa taong ito…. Any missing person list or what sana" ang sabi ni Bong sa police na nasa harap niya.

" No worries sir bong….. Papa check ko po sa mga tauhan natin yan" ang sabi ng police. Nagpaalam na muna ito sa kausap at bumalik na sa kanyang pwesto tsaka ito tumawag sa crame para ireport ang inuutos ng head ng task force.

Pumasok naman si Bong sa loob ng kwarto at pinagmasdan nito ang lalaki na kanilang napulot kanina. Medyo bumuti buti na ang lagay nito. Ang kanyang hitsura ay medyo maayos na. Na linisan na din ng mga nurse ang mga sugat at katawan nito na sobrang dumi kanina.

Napababa na rin nila ng kaunti ang lagnat nito kaya naman lumabas na muli ng kwarto si Bong. Iniwan niya ang isang tauhan nito para magbantay muna sa pasyente habang wala pa ung police na pinakiusapan nito kanina.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Habang sa pier 18.

Nakatayo sa labas ng navigator ni Gerard ang magkasintahan. Si Kc ngayon ay suot na ang coat ni Gerard dahil sa napakalamig ng ihip ng hangin sa lugar. Kaya naman nakaakap ito sa gilid ni Gerard.

Patingin tingin sa paligid ang lalaki habang hinihintay ang mga kausap nilang tao. At wala pang isang minuto ay bigla na lang dumating ang isang itim land cruiser at isang itim na vios.

Huminto ang mga ito sa likuran ng sasakyan ni Gerard. At bumaba mula sa land cruiser ang apat na lalaking naka suot ng coat na itim. Kasunod naman nila ang isang babae na nakasuot ng dress na itim.

Lumakad ang mga ito palapit kila Gerard.Kaagad naman na inabot ng isang lalaki ang attache case kay Gerard at bumalik na ang mga ito sa sasakyan.

Habang si Kc naman ay nagulat dahil sa parang isang eksena sa pelikula ang kanyang nasaksihan pero binalewala na lang niya ito. Pumasok na sila ni Gerard sa loob ng sasakyan at nagbiyahe na sila tungo sa condo unit ng lalaki.

+++++++++++++++++++++++++++++++++

Habang sa opisina naman ng kaibigan ni Jc na pulis.

Paalis na sana ito ng opisina niya ng biglang tumunog ang intercom niya. Hinahanap ito ng isang police niya kaya naman sinagot niya muna ito.

" Anong meron?" ang tanong nito sa intercom habang nakaupo siya sa kanyang upuan at hinihintay ang sagot ng tauhan.

" Sarge…… ung pinapahanap mo ….. May possible match na… kamukha noong nireport ni dela cruz ng PNP gen hospital" ang sabi ng kausap niya sa intercom. Nagulat naman ito at kaagad na sinagot ang kausap.

" Positive ba yan?" ang tanong nito sa tauhan. Alam niya na pwedeng misleading lang ito kaya naman sinigurado niya muna ito sa tauhan niya.

"Sarge…. Pinapavalidate ko muna kay Dela Cruz" ang sagot ng kanyang tauhan. Napasandal naman ito sa kanyang upuan at tila ba naghihintay ito na dumating ang pasko.

Wala pa halos kalahating araw simula ng ipalabas niya ung artist sketch ay mukhang may positive id na ito. Kitang kita niya kasi sa mukha ng kumare niya ang pag-aalala nito kaya naman gustong gusto niya na masolve agad ito as soon as possible.

" Sige….. Andito lang ako sa akin opisina" ang sabi ng kaibigan na pulis ni Jc at hindi muna ito umuwi para ipavalidate ang report na nakarating sa tauhan niya.

+++++++++++++++++++++

MAGKIKITA NA BA SI JC AT SI JAMES?

MUKHANG ADIK NA ADIK NA SI KC KAY GERARD

PAANO NA SI JAMES?

MUKHANG SOMETHING IS FISHY NA TALAGA SA GALAWAN NI GERARD?