1. Home
  2. Stories
  3. Laura's Love 9
Filipino Sex Stories

Laura's Love 9

By emiliapsl ·

Laura's POV

"Putangina mo Troy hayop ka! Anong ginawa mo sa anak ko!" Napabalikwas ako ng bangon sa narinig. Nanlalaki ang mata ko at napatulala sa aking ama. Pulang pula sa galit habang pinipigil sya nila mama at ninong

Napayakap ako sa kumot at napatingin sa katabi. Si Troy. Si ninong Troy. Katabi ko sa kama at katulad ko ay gulat din sa nangyayari.

Napapikit ako ng maalala ang katangahan ko kagabi. Hindi naman ako uminom ng alak pero bakit ko yon ginawa?! Inaya ko syang makipag siping saakin! Tangina naman Laura!

"Ahhh! Dad!" Napatili ako ng nakawala ang daddy ko sa mga pumipigil sakanya. Kaagad nyang pinaulanan ng suntok si troy sa tabi ko. Dumagan na sya dito at halos matamaan na ako kung hindi pa ako nailayo ni mama

"Hayon ka! Anong ginawa mo sa anak ko! Gago ka! Papatayin kita!" Patuloy sa pagsuntok ang daddy. Pero si Troy ay hindi sinalag ang mga suntok na binibigay sakanya.

"Rencio tama na! Pag usapan natin to! Nakikiusap ako!" Umiiyak si ninang jessy at pilit pinuprotektahan ang kanyang pinsan

"Daddy please! Tama na dad!" Iyak ko

"Mag uusap tayo Lurencio. Huminahon ka." Pigil ni ninong Glen

"Paano ako hihinahon? Sabihin nyo? Putang ina anak ko yan e!" Napaupo na sa lapag ang daddy at umiyak

"I'm sorry." Nanghihinang bulong ni Troy. Susugurin ulit sana sya ni daddy pero napigilan din nila kaagad

"Mag uusap tayong lahat. O my gosh. Birthday ng anak ko pero ganito ang nangyayari!" Tila nasasaktang sabi ni ninang Pia.

TAHIMIK ang mga bata sa isang kwarto. Doon sila naglagi at binabantayan ng isang dalaga na taga rito lang din sa la union habang kami ay sa isang silid at nag uusap. Katabi ko ang mama at daddy sa isang sofa. Sa tapat namin ay si ninong bert at ninang jessy sa gitna nila ay si troy. At sa dulo naman ng coffee table ay ang ninang pia at ninong glen. Tatlong sofa ang pumapalibot sa maliit na lamesa

Walang nagsasalita ni isa saamin. Hawak ng daddy ang kamay ko at mahigpit ang pagkakakapit nito. Nasasaktan man ay hindi na ako umimik dahil alam kong galit aya sa sitwasyon

Narinig kong humugot ng hininga si Tfoy bago bumaba sa kinauupuan at lumuhod. Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap katulad ng ibang kasama. Tanging ang daddy lang ang hindi natinag at malamig parin ang tungin

"Sorry." Nakatungo ang mga ulo nito

"Isang tanong lang Troy ang kailangan mong sagutin. Ang sagot mo ang maghahatol kung dapat pa ba kitang ituring na kaibigan o hindi." Mabagal at madiin ang pagsasalita ni daddy

"Sasagutin ko ng purong katotohanan lahat ng itatanong mo." Matapang nitong sabi

"Ikaw ba? Ikaw ba ang gumahasa sa anak ko? Ang nagtapon sakanya sa gilid ng bahay namin na parang basura pagkatapos gamitin?" Napapikit ako sa tono ng ama ko. Punong puno ito ng sakit at galit

"Oo. A-ako ang may gawa non. P-pero-"

"Wala na akong pakialam sa idadahilan mo. Kalimutan mo ng magkaibigan tayo. Hinding hindi ko matatanggap ang isang rapist at killer para sa anak ko." Hinigit ng daddy ang kamay ko patayo. Pinigilan ko sya sa paglalakad

"D-daddy wait please. I wanna hear his r-reason." Umiiyak kong pakiusap

"Tanga ka ba Laura?! Kahit ano pang rason! Hinding hindi non mababawi ang nangyari sayo!"

"Lurencio please. Hayaan mo magpaliwanag ang pinsan ko."

"Nakikiusap ako Lurencio. K-kahit dinggin nyo lang ako. Pagkatapos non ay hindi ko na kayo guguluhin. Gusto ko lang malaman ni Laura na hindi ko ginusto ang ginawa ko sakanya." Lumapit saamin si Troy na nakaluhod parin umiiyak na. Ang ninang pia ko ay umiiyak na din at inaalo sya ng asawa

Galit na bumalik sa sofa ang daddy kasama ako. Hawak parin nya ako ng mahigpit. Si ninong troy naman ay pilit pinapatayo ni ninang jessy pero hindi nya ginawa. Nakaluhod at nakababa parin ang tingin nya ng mag simula syang magkwento

"T-troy." Tuloy tuloy ang paghikbi ko ng matapos nyang isalaysay ang nangyari. He was drugged by his ex.

He said they ended their relationship in good terms and still friends that's why he welcomed her in his home. But she drugged the food she cooked for him. Then took advantage of his body.

Ang pinakamalala ay kung hindi daw ako nagpakita ng sandaling iyon ay hindi sana mas lalong nabaliw si Julia. Hindi ko daw napansin ng mga sandaling iyon pero pinainom ulit sya ng droga ng ex nya na lalong nagpabaliw sa katawan nya. Kaya nya yon nagawa. At ang akala ng isip nya noon ay ako iyon at hindi ang dati nyang nobya.

He stabbed his ex girlfriend, right infront of his cousin and cousin in law. He was jailed for months but got bailed out. Just like what I heared from his friends

Nagpunta syang Germany at doon nanirahan at nagpagaling. Gabi gabi itong binabangungot. Sa ginawa sakanya at ginawa sakin. Nagpatingin sya sa doctor doon at nag therapy.

Hindi ako makapaniwala sa mga pinagdaanan nya. Umiiyak kaming lahat pati na rin ang daddy.

Hindi lang ako ang biktima, kundi pati na rin sya. Pareho kaming biktima ng dati nyang nobya

"N-ninong." Bulong ko. Kumawala ako sa hawak ng daddy ko at lumuhod din sa harap ni troy at yumakap ng mahigpit sakanya

"I'm sorry. I'm sorry." Paulit ulit nyang sinabi sakin. Nanginginig ang katawan nya sa pag iyak.

"Lumabas ka muna Laura. Mag uusap kami." Dinig kong utos ni daddy pero hindi ako lumingon sakanya at mas hinigpitan pa ang yakap kay Troy

"Laura lumabas ka kung ayaw mong tuluyan ko kayong paglayuin." Pagbabanta ni daddy. Marahan akong itinulak palayo ni Troy

"S-sige na Laura. Everything will be fine." Bulong nito. Tumayo na ako pero hinatak din sya patayo

"Sasamahan ko sya sa labas. Mag usal kayong magkakaibigan. Huwag kang manakit Lurencio." Sabay kaming lumabas ng mama marga ko. Sumulyap pa ako ng isang beses bago nya isara ang pinto

Pagkalabas ay dumiretso ako sa banyo at naghilamos. Ayokong makita ni Alice ang mga luha sa mata ko. Halata mang umiyak dahil namamaga ang mata ko ay hindi naman siguro mapapansin ng mga bata

"Myy! I wan't chicken!" She screamed as soon as she saw me enter the room where the kids are playing

Sa kusina ay nagluto si mama marga kasama yung dalaga na taga rito. Ako naman ay binantayan ang mga bata sa sala

"Yay! Chicken!" Nagtalunan ang mga maliliit ng lumabas sa kusina ang dalawang nagluluto dala dala ang fried chicken

Masaya silang kumain. Si alice ay sinusubuan pa ako ng manok at nakigaya din si Luis. Ako pa yata ang mabubusog kesa sa mga bata

Habang kumakain ay bumaba na sina dad. Halatang nakapag hilamos at nakapag ayos na sila ng sarili bago bumaba

Nagtakbuhan ang ilang bata sa kanikanilang magulang. Si alice at luis ay kinalimutan na ako at tumakbo kay daddy

Nasalubong ko ang mga mata ni Troy. Mugto rin yon katulad ko. Nakagat ko ang labi ko ng nagiwas sya ng tingin at binuhat ang bunsong anak ng pinsan nya

NAIRAOS ang kaarawan ng anak nina ninang Pia at Ninong Glen. Masaya ang mga bata sa mga palaro at prizes na nakuha.

Sumapit ang huling gabi namin sa La Union. Bukas ng umaga ay uuwi na kami. Nakita ko syang nakaupo sa munting hagdanan sa balkonahe papuntang dalampasigan. Naupo ako sa tabi nya

"Hey." I greeted. Lumingon sya ng kaunti pero bumalik din sa dagat ang mga mata

"Kamusta?" He carefully asked

"I'm doing much better since I've found out the truth."

"I'm sorry for hurting you so much Laura. Babawi ako. Pangako." This time, tumingin na sya sa mga mata ko

"Pwes simulan mo ang pagbawi mo sa pagpansin sakin. Kala mo di ko napansin na iniwasan mo ako?" Pagsusungit ko. Natawa naman sya.

Bigla kaming nanahimik. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya. At isinandal naman nya ang ulo nya saakin. We stayed like that watching the waves.

"Tulog na tayo?" Aya nya ng humikab ako. Tumango ako at kinusot ang mata

Hawak kamay kaming umakyat ng tinutuluyang bahay. Hinatid nya ako sa kwartong gamit ko kasama ang anak namin na ngayon ay himbing na ang tulog.

Oo nga pala. Hindi ko pa nasasabi sakanya ang tungkol kay Alice.

"Goodnight my Laura." He whispered

"Goodnight Troy. See you back home. May sasabihin ako." Yumakap ako sakanya ng mahigpit

"Hmm? Bakit di nalang ngayon?" Pasuyo nyang tanong at yumakap pabalik sakin. Mas mahigpit

"Basta. Pagbalik nalang natin. Tsaka di pa tayo super ok no." Tumawa ako ng tahimik dahil baka marinig kami sa kabilang kwarto

"Alright. Kung yon ang gusto ng baby ko. See you tomorrow and back home then?" He cupped my face and gave me a light kiss on the lips

We said our goodnights. Natulog ako sa tabi ng anak namin na may malaking ngiti sa labi. Niyakap ko ang anak ko at hinalikan sa noo

"Konti nalang anak, makikilala mo na ang daddy mo. I love you."