1. Home
  2. Stories
  3. Collared - 11
Filipino Sex Stories

Collared - 11

By thedementedprince ·

Sa pagpapatuloy…

Unang nagising ang babae upang mag-handa ng almusal nilang mag-anak. Si Mark naman ay pupungas-pungas na nagpuntang banyo ng master's bedroom upang mag-ayos ng sarili. Makailang minuto ay kinatok siya ng babae sa banyo at naabutan nitong nagsisipilyo na ang lalaki.

"Babe, naligo ka na ba?"

Niluwa muna nito ang toothpaste foam sa bibig. "Hindi pa. Maliligo pa lang din ako."

"Sabay na tayo pero kailangan nating bilisan kasi sisimulan na natin kaagad yung project"

Naunang nag-basa ng katawan ang dilag at habang naglalagay na ito ng shampoo sa buhok ay doon pa lamang sumali ang binata sa pagligo. Malipas ang 20 minuto sa loob ng banyo ay natapos na ring maligo ang dalawa. Nagbihis na ang dalawa at sumabay sa pag-almusal kasama ang mga chikiting.

Matapos nito ay nagtungo na sila sa site nina Mr. Stripper. Tinuro ni Sheena at Shantel ang gagawin kay Mark. Pinakilala din nina Sheena si Mark sa mga trabahador nila at kay Mang Tonyo na foreman nina Sheena simula't sapul pa lang sa pagtaguyod nila ng kanilang construction business.

Inumpisahan na nina Mark at ng mga construction boys ang pagbubungkal upang masimulan na kaagad ang pundasyon ng bahay bakasyunan.

Natapos ang buong araw at maganda naman ang kinalabasan ng pagbubungkal nila ngunit ang katawan ni Mark ay sumuko sa pagod.

Iba talaga pagod pag construction' ang naturang sambit sa sarili. Nang makauwi ay kumain, naligo, at natulog na lang dahil sa pagod. Tinabihan ito ng nobya sa higaan at pinuno ng halik ang mukha ng kanyang nobyo. Nahiga ang dalaga paharap sa binata at yumakap ito hanggang sa makatulog.

Makalipas ang isang linggo, natapos nila ang pagbubungkal at makakapag-simula na silang mag-lagay ng pundasyon.

Sa pagkakataong ito, nagkaroon ng diskusyunan ang 3. Si Sheena, Shantel, at Mark. Ang kanilang pagdidiskusyunan ay may kaugnayan sa kurso ni Mark upang matutunan ni Mark ang tunay na buhay sa construction sites kesa sa theoretical knowledge lang sa loob ng silid paaralan. Natuwa ang magkapatid dahil bukod sa nasasagot ni Mark ang kanilang katanungan. Pinakita ni Shantel ang disenyo ng bahay-bakasyunan na gagawin at hahayaan si Mark na mag-mando ng gagawin sa paglalagay ng bakal at pagsesemento. Hindi masyado napagod si Mark sa ginawa mag-hapon kaya may lakas ito…

Pagka-uwi sa bahay ay kaagad itong dumiretso sa kusina upang ipagluto ng hapunan ang kanyang nobya at soon to be step-daughters niya. Hindi naman ganoon kagaling magluto si Mark at naisipan na lamang nito magluto ng Adobong baboy na may deep fried na patatas.

"Ang sarap naman ng luto mo babe" matapos kumuha ng isang kutsara upang tikman ang niluto nito.

"Babe, bigyan si ate at kuya nitong niluto kong Adobo at baka wala pa silang nilulutong hapunan"

"O sige babe, paki-abot nga yung lalagyanan diyan sa ibabaw"

Inabot ni Mark ang isang plastic container upang pag-lagyan ng ulam na niluto nito. Nilinis ng dalaga ang paglalagyan at sumaktong tapos na din ang pagluluto nito. Nag-tungo si Sheena sa bahay ng kanyang ate at ini-abot ang ulam. "Ate, si Mark nagluto niyan."

"Ay siya nga? Sige ito na lang kakainin namin at ng mahusgahan ang luto niya. Salamat kamo"

Alas otso ng gabi ng simulang mag-hapunan.

"Girls, luto ni tito Mark yan ha. Kainin niyo at masarap yan panigurado" ang nakangiting sambit ni Sheena.

"Oo nga mummy, masarap magluto si tito Mark" sambit ng bunsong anak na si Sophia. Tango lamang ang sagot ng Ella o ang buong pangalan na Mariella. Matapos ang 20 minutong hapunan ay nagtungo na si Sophia sa lababo upang hugasan ang pinag-kainan nilang lahat. Nag-tungo si Mark sa lababo upang tulungan si Sophia na maglinis ng kanilang pinag-kainan.

Habang naka-upo si Sheena sa dining table ay naka-ngiti lamang pinagmamasdan ang nobyo niya at ang kanyang bunsong anak na napakaganda. 'Nakakatuwa naman itong dalawang ito, mukhang magkasundo at parang magkapatid lang din' ang nasa tingin ni Sheena sa dalawa. Samantalang si Ella naman ay nakahiga lamang sa sofa at nanonood ng TV.

"Mommy, pwede ba kaming magdagat tomorrow with ate Ely?" ang pagtatanong ni Mariella sa kanyang nanay.

"I don't know anak, busy kasi kami since sunod-sunod ang projects at wala kayong makakasama bukas. Is it okay kung si tito Mark ang makakasama niyo bukas?"

"I guess so" ang sagot ni Ella.

"Sige mommy, si tito Mark na lang kasama namin bukas" ang galak na galak na tugon ni Sophia. Matapos nito ay nag-text ito sa kanyang ate at ito'y pumayag rin.

Pinatulog na ni Sheena ang dalawa niyang magagandang anak at sumunod naman ang mga ito.

Umakyat si Sheena sa kanilang kwarto at nakita na lamang ang kanyang nobyo na nakadapa at mahimbing ang tulog na may mahinang halik tanda ng pagod nito sa construction.

Alas kwatro ng madaling araw ay nagising si Sheena ng nakayakap ang kanyang nobyo sa likuran niya. Naramdaman nito ang bahagyang katigasan ng ari na tumutusok sa pagitan ng pisngi ng puwet nito. Nag-iinit na rin ito. Lumalalim ang paghinga sa kadahilanang gusto na rin niyang ma-angkin muli. Tulog pa rin ang kanyang nobyo at pinatihaya niya ito at sumunod naman ang katawan nito.

Matapos nito ay ibinaba ng bahagya ang suot na shorts nito at hinawakan ang medyo matigas na ari nito. Ang buong kamay nito ay nakahawak sa katawan ng pagkalalaki at ang hinlalaki naman nito nakahawak sa ulo na nilalaro-laro nito paikot. Habang ginagawa ito ng babae at nakatitig lamang ito sa mukha ng kanyang nobyo, kagat labi at bahagyang napapalunok.

Tuluyang nalango sa kalibugan si Sheena at naisipan na nitong dilaan ang hiwa ng burat ng kanyang nobyo. Nalalasahan na nito ang matamis na maalat na likido mula sa ulo ng burat ng kanyang pinakamamahal. Pumuwesto na ang dalaga at dumapa ito sa pagitan ng hita ng nobyo na siyang nag-buka. Itinutok nito ang kanyang maliit na bibig at sinubo ang alaga nito.

Naisubo ng babae lagpas kalahati ang alaga ng nobyo. Matapos noon ay hindi nito ginalaw ang mga labi bagkus hinayaan lang ang dila nito na maglaro paikot-ikot sa katawan ng ari ni Mark. Nagising si Mark sa sarap na sensasyon mula sa pagitan ng kanyang hita. Ang dila na naglalaro sa kanyang ari, ang malambot ngunit mainit na palad ng kanyang irog na nasa kanyang hita, ang mahalimuyak na amoy ng buhok, at ang mga impit na ungol habang siya'y kinakain. Naitukod ng lalaki ang magkabilang siko sa kama at iniakyat ang katawan upang mapagmasdan ang kanyang nobya na nilalaro ang kanyang pagkalalaki.

Tuluyang tumayo ang alaga nito dahil sa sarap na nararanasan at nahiga mula siya. Ang kanang kamay naman ng lalaki ay dumako sa ulo ng babae at hinahaplos-haplos nito ang likuran ng ulo na tanda ng nasasarapan ito sa ginagawa sa kanya.

Bumaba ang bibig ng babae at nag-tungo ito sa bayag ng lalaki at sinimulan nitong halikan ang paligid habang hawak ang burat. Nagpipigil lamang na umungol si Mark dahil ang sensasyong nararamdaman sa pinaghalong mainit na laway at hininga ng kanyang pinakamamahal.

Hindi masyado nag-tagal ang ginagawa ng chinitang babae sa pag-kain sa itlog nito at ito'y umibabaw sa kasiping. Inilapit nito ang mukha at magkatitig lamang sila. Ang kamay ng babae ay nagtungo sa kanyang hiyas at iginilid ang pundyal ng panty na yar isa seda. Hinawakan nito ang katawan ng tarugo at itinutok nito sa kanyang lagusang patungong langit.

Si Sheena na ang kusang nagpapa-pasok sa alaga ni Mark sa kanyang lagusan. May kasikipan ang kanyang hiyas kaya naman ay panay bomba nito.

"Ahhh…. Ahhhh….." Napapa-ungol ang babae sa unti-unting pag-sakop ng kanyang pagkababae sa alaga ng kanyang nobyo.

Kalahati pa lamang ang naipapasok pero lupaypay itong nahiga sa dibdib ng nobyo. Ang ulo ay nabaling sa leeg ng katalik at hinahalikan ang leeg nito.

Hinawakan ng lalaki ang likuran ng babae malapit sa pwetan at ito na ang tumuloy sa pag-ulos. Mula sa ilalim ay binobomba niya ang pagkababae ni Sheena na siya namang napupuno sa bawat sentimetrong pag-sakop sa lagusan patungong langit.

Kung makikita lamang ni Mark ang kahabaan ng kanyang ari, siguradong matutuwa ito dahil sa ilang beses na narating ni Sheena ang langit dahil sa gatang galing sa kanyang pagkababae.

Banayad na pag-kantot ni Mark ang ginagawa nito mula sa ilalim pero ramdam nito ang maya't mayang pagsakal sa kanyang alaga. Hindi mabilang kung ilang beses ng munting orgasmo ang babae.

"Malapit na ako babe" pabulong na sinabi ni Mark sa kapareha.

"Sa loob mo iputok."

Habang papalapit na ang napipintong pagsabog ng kanyang semilya ay pabilis ng pabilis at palalim ng palalim ang pag-bomba nito.

Napayakap ng mahigpit si Mark sa nobya habang pinuputok nito ang masasaganang tamod sa kanyang sinta. Hinihingal ang lalaki matapos masaid nito ang kanyang tamod at ang kaselanan naman ng babae ay pinipiga ang kanyang ari na para bang naninigurado na dapat said.

Makalipas ng 2 minuto ay lumalambot na burat ni Mark at tuluyang nahugot sa hiyas ng babae at naramdaman rin nito ang pag-tagas ng kanyang tamod mula sa kaselanan ng kanyang mahal. Iniabot ni Sheena ang tissue na nasa bed side shelf upang ipang-punas sa likidong rumaragasa papalabas ng kanyang pagkababae.

Matapos noon ay naghalikan ang dalawa.

"Good morning. I love you, Sheena."

Halik lamang ang ginanti ng babae sa kanyang sinta.

Nagtungo ng CR si Mark upang linisin ang katawan. Nauna na itong bumaba at nag-tungo sa kusina upang mag-luto ng pagkain nilang apat. Matapos magluto ni Mark ay naupo na ito sa upuang yar isa mamahaling kahoy sa dining area at lumapit si Sheena sa kanya at naupo sa hita nito at yumakap. Kahit siyam na taon ang agwat nila ay hindi mo masasabing isang ulirang ina na ang kanyang kaparehas dahil sa sobrang maalaga nito sa katawan at mamahalin ang gamit nitong produkto para sa kanyang balat. Kahit hindi ito maglagay ng produkto para sa kanyang balat ay parang nakadikit na ito.

Magkayakap lang ang dalawa at walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Ninanamnam ang bawat sandaling magkasama. Ang isinisigaw ng kanilang mga puso ay ang pagmamahalan nila sa bawat isa. Yun lang at wala ng iba pa.

'Ting'

Ito ay senyales na luto na ang sinaing. Sabay na nag-almusal ang dalawa.

Matapos noon ay si Mark na rin ang nag-hugas ng pinagkainan nilang mag-kasintahan at inayos na rin ang mga babauning pagkain sa dagat. Si Sheena naman ay nagtungo sa kwarto ng kanyang mga dalagita upang gisingin at ayusin ang mga dadalhin nito sa dagat.

Naunang bumaba si Sophia at binati kaagad nito ang tinuturing niyang bagong tatay.

"Good morning tito Mark." At yumakap ito sa tagiliran.

"Good morning din Sophia." Nakangiting binati ang bunsong anak ng kanyang nobya.

Sumunod naman si Mariella na walang imik at dumiretso sa dining table at dumiretso na sa pag-kuha ng kanin at ulam upang maka-kain na din. Sumunod na rin si Sophia sa kanyang ate.

"Babe, maligo ka na. Ako na muna diyan"

Umakyat na si Mark sa kinaroroonan ng nobya at kinuha ang mga bag ng dalawang bata at ikinarga sa trunk ng sasakyan at si Sheena naman ay nagtungo sa kusina at tinuloy ang pagtutuhog ng mga hotdog iniayos din ang mga dadalhing pagkain na iihawin. Matapos maligo ni Mark ay inayos na nito ang kanyang dadalhing pamalit sa dagat. Bumaba na ito at ikinarga na rin ang kanyang bag at ang mga bibibitbiting pagkain sa dagat.

Makalipas kwarentang minuto ay nakagayak na ang lahat pati si Ely at sumakay na sila sa sasakyan. Si Sophia ang naupo sa tabi ng driver's seat. Ang dalawang dalaga ay nasa likuran lamang at nakamasid lamang sa kanilang bintana habang si Sophia ay masayang nakikipag-kwentuhan kay Mark.

Wala pang dalawampung minuto ay narating na nila ang lugar kung saan sila mananatili. Inayos ng lalaki ang kanilang paligid. Tinayo ang tent at inayos ang lugar kung saan mag-i-ihaw. Matapos noon ay kinuha niya ang folding chair at naupo. Nakatitig lamang ito sa dalampasigan at onti-onting sumasara ang mga mata at nakatulog na sa tunog ng alon.

Nagising ito makalipas ng isang oras at sinimulan na nitong pabagain ang uling. Matapos noon ay inihaw muna nito ang liempo, tapos ang pusit, at huli ang hotdogs.

Tinabihan ni Sophia ang kanyang tatay-tatayan at sinabayan sa pag-kain ng tanghalian. Nagpaturo si Sophia kung papaano kumain ng naka-kamay lamang at tinuruan naman ni Mark. Masasabing mayaman ang mga bata dahil bukod sa pagsasalita ng wikang Inggles ay hindi rin ito marunong kumain ng kain ng simpleng mamayang Pilipino.

Maraming natirang liempo at hotdog para maging meryenda ng mga dalagita.

Bandang alas-tres ng hapon ay nagkayayaan ng umuwi ang mga dalagita. Pagkarating sa bahay ay iniayos na niya ang mga gamit.

Ang mga bata naman ay dumiretso na sa kani-kanilang mga kwarto upang matulog dahil napagod sa pagtatampisaw sa dagat ng Batangas. Si Mark naman ay naka-upo lamang sa sala at nanonood ng TV.

Itutuloy…