1. Home
  2. Stories
  3. Road To Redemption IX
Filipino Sex Stories

Road To Redemption IX

By gilfmilflover ·

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ang Nakaraan

Kinabukasan ay maaga sila nagising si Mama Flor. Nakita nito na nakatulog pala siya sa kwarto ng anak niyang si Kc. Himbing na himbing naman ang apo nito at nakayakap sa kanyang tabi ang mama nitong si Kc.

Pagtingin nito sa orasan ay alas sais na ng umaga kaya naman tumayo na siya para makapaghanda na ito. Kalabas niya sa kwarto ay nagluluto na ng almusal si Manang kaya naman pumunta muna ito sa kanyang kwarto para maghilamos.

After 10 mins ay lumabas na din ito at naabutan niya ang anak nitong si Daisy na nasa hapagkainan na at nagkakape. Kaagad niya ito hinalikan sa pisngi at tsaka siya umupo sa kanyang pwesto.

" Ang ate mo" ang tanong ni mama flor kay daisy. Tinigil naman ni Daisy ang paghalo sa kape nya at tsaka ito humarap sa kanyang mama.

" sabi ni manang.. Di daw umuwi… wala din kotse niya sa garahe" ang sabi ni Daisy sa kanyang mama flor at nagulat naman ito dahil sa hindi naman nagpaalam sa kanya ang anak na hindi ito uuwi.

Kaya agad siya bumalik sa kwarto niya at kinuha nito ang telepono niya para tawagan ang anak nito. Pero nakailang dial siya ay hindi ito sumasagot kaya naman tinext na lang niya ito.

" saan ka ?" ang maikling mensahe nito sa anak tsaka lumabas na ito. Inabutan niya ang anak nitong si Kc at apong si olivia na nakaupo na rin sa lamesa.

Kumain na lamang sila at nagbaka sakali itong umuwi din ang anak niya bago sila makaalis papunta restaurant. Pero paalis na sila ay wala pa din Jc na dumating o tumawag man lang

+++++++++++++++++++++++++

Sa isang private room sa loob ng st lukes hospital.

Nakahiga na ngayon si James habang inaasikaso siya ng dalawang nag gagandahan dalaga. Ang isa ay nakasuot ng isang nurse uniform at ang isang naman ay nakasuot ng tshirt at jeans.

" Salamat sis sa tulong" ang sabi ni Jc sa kanyang kaibigan na si AJ Serrano( Ang kapatid ni Eros sa Game Ka na ba Story). Nakatayo ngayon ito sa harap ni James at pinapalitan niya ang suero ng lalaki na ubos na.

" Wala yun sis… anything to help you" ang sabi nito kay Jc. Si Jc naman ay nakatayo sa kabilang gilid at inaayos nito ang unan na nasa ulo ni James. Kita mo sa mukha nito ang pagod dahil buong magdamag niya na inayos ang paglipat ng hospital ni james.

Buti na lang at nandyan ang matalik na kaibigan nitong si AJ na isang head nurse dito kaya naman napakiusapan niya na maadmit ang kasama ng kaibigan. Nagkakilala ang dalawang ito noong nasa kolehiyo pa si Aj.

Isang senior student noon si Jc at freshman naman si Aj. Kahit magkaiba sila ng kurso ay naging tutor ni Aj si Jc sa mga minor subjects nito at sa mga ilang major subjects na din.

Kaya simula noon ay naging matalik na silang magkaibigan hanggang sa pagtanda nila. Ninang nga si Jc ng anak ni Aj eh kaya naman close na close talaga ang dalawa.

" alam mo… umuwi ka muna at magpahinga…. Ako na muna dito" ang sabi ni Aj sa kaibigan dahil sa halos makatulog na din ito sa pagod. Halos matumba na kasi ito sa pagod.

" tama ka sis… ihihiga ko muna ito para may lakas ako mamaya" kaya naman pumunta muna saglit si Jc sa banyo para maghilamos at matapos ito ay kinuha na niya ang kanyang bag. Lumabas na ito ng pasilyo ng hospital. Mag alas diyes na din pala ng umaga ng sumakay ito sa sasakyan at nagdrive ito pauwi sa kanila.

Medyo mabagal na ang takbo ni Jc at ayaw niya na maaksidente pa ito. Dagdag alalahanin pa siya kaya naman ang dating lampas kalahating oras lang na biyahe mula st lukes hanggang bahay nila ay inabot siya ng lampas isang oras Inabutan ni Jc si Manang na nagluluto na ng tanghalian nito.

" mam kain na muna kayo" ang aya ni manang sa kanyang among babae. Napatingin naman si Jc sa hinahain nito. Nakaramdam siya ng gutom sa nakitang adobo pero mas nananiig ang pagod nito.

" Matulog muna ako manang pero salamat po" ang sabi ni Jc at pumasok na ito sa kanyang kwarto. Kapasok nito ay nakalimutan na niya ang mga normal na ginagawa nito bago matulog. Dumiretso ito sa higaan

Lumapat pa lang ang likuran nito sa kanyang higaan ay nakatulog na ito. Hindi man lang niya nagawang magpalit ng damit. Kitang kita mo sa mukha nito ang pagod dahil sa lampas 24 oras na itong gising.

+++++++++++++++++++++++++++++++++

Habang sa restaurant.

Si Kc ngayon ay nasa loob ng kusina at tinutulungan ang kanyang mama flor sa pagprepare ng luto nito. Wala kasi si Gerard ngayon dahil may inaasikaso daw ito sa pier.

" Ma… ayos na ba ito" ang sabi ni Kc habang tapos na ito sa paghiwa ng mga carrots na ilalagay sa nilulutong kaldereta ng kanyang mama flor. Tumingin naman si Mama flor sa gawa ng kanyang anak.

" Ayos na yan anak… dalhin mo na dito" ang sabi ni Mama Flor at inabot sa kanya ni Kc ang sangkalan tsaka nito hinulog ang gulay sa kaldero. Hinalo ito ni Mama Flor tsaka niya tinakpan.

" Anak… may tatanong lang ako sa iyo… wag ka sana magagalit" ang sabi ni Mama Flor sa kanyang anak. Napatingin naman si Kc sa kanyang mama na tila ba nalilito ito sa tanong sa kanya ng mama.

" Ano yun ma?" ang tanong ni KC sa kanyang mama at hinila siya ng kanyang mama papunta sa likod ng kusina. Hinabilin naman nila sa isang staff ang niluluto nilang kaldereta. Ng nasa sulok na sila ay tumungin naman si Kc sa kanyang mama.

" Nak…… napatawad mo na ba siya?" ang tanong ni Mama Flor sa kanyang anak na si Kc. Alam naman ni Kc kung sino ang tinutukoy ng kanyang mama flor. Pero hindi pa rin alam ni Kc ang isasagot niya dito.

" Ma….. ayaw kong sagutin yan ngayon" ang sabi ni Kc sa kanyang mama flor at napatingin naman sa kanya ang ina. Hindi na pinilit pang tanongin ni Mama Flor ang anak nito. Alam niyang sa tatlong anak niya. Si kc talaga ang pinakamahirap magpatawad lalo na sa mga taong nakasakit talaga sa kanya.

Narasanan ni Mama flor mismo ito. Halos ilang taon din siya na hindi napatawad ng anak niya. Pero salamat sa tulong ni James ay nagawa siyang patawarin ng anak niya.

" tara na nak…luto na un…pangit ang over cook na gulay" ang sabi naman ni Mama Flor para maalis ang isip ng kanyang anak sa tanong na iniwan nito sa kanya. Tinikman ni Mama Flor ang luto nito at satisified naman ito sa kanyang gawa.

+++++++++++++++++++++++++++

Habang sa St Lukes naman.

Nakaupo ngayon si Aj sa maliit na sofa na nasa kwarto ni James ng bigla na lamang itong gumalaw. Kaya naman agad itong napatayo at nilapitan ang lalaki. Nakamulat na ang mata nito at napatingin sa kanya.

" asan ako? Sino ka?" ang tanong ni james sa kanya. Nakangiti naman itong si Aj. Dahil sa kahit mukha itong ermitanyo sa ayos niya ngayon ay napakagwapo pa din nito.

" Ako si Nurse Aj at nasa St lukes ka" ang sabi ni Aj sa lalaki at kaagad nitong lumabas para tawagin ang doctor on duty nila. Habang si James naman ay napaiisip kung paano ito napunta dito. Ang huling naalala nito ay naliligo siya sa malakas na ulan sa ilalim ng isang malaking puno.

Kaagad naman pumasok ung doktor sa kwarto ni James at tsinek nito ang pasyente habang si Aj naman ay naiwan sa labas para tawagan ang kaibigan nitong si Jc.

Si Jc naman ay kasalukuyan na nasa kasarapan na ng tulog niya ng biglang tumunog ang telepono nito. Kahit na ayaw pa nitong bumangon ay tumayo na siya at kinuha ang telepono nito sa loob ng bag niya na nasa tabi nito.

" Hello" an medyo groggy pa nitong boses sa kausap niya sa kabilang linya.

" Sis… gising na siya" ang sigaw ni Aj mula sa kabilang linya kaya naman parang nabuhayan bigla itong si Jc sa kanyang narinig. Umayos ito ng upo at tsaka niya kinausap si Aj.

" Ano sis…. Pakiulit nga" ang sabi ni Jc sa kanyang kausap habang kusot mata itong naka upo sa gilid ng kama. Pagtingin nito sa kanyang orasan ay halos alas dos na pala ng hapon.

" Gising na si Pogi" ang sabi ni AJ at halos mapatalon naman sa tuwa itong si Jc. Kaagad itong nagpaalam at nagpunta sa banyo. Hinubad nito ang kanyang suot na damit at naligo ito ng mabilis.

Wala pang isang oras ay handa na ito. Nakasuot ng green na dress si Jc ng lumabas ito sa kanyang kwarto. Kaagad ito sumakay sa kanyang sasakyan. Kinuha nito saglit ang telepono para tignan kung may text ba o tawag si Aj ay doon lang niya nakita ang mga missed ng kanyang mama flor.

Kaya naman habang nagmamaneho ito ay dinial niya ang numero ng mama niya.Di agad ito sumagot kaya naman nakailang dial pa ito bago sumagot ang mama niya.

" hello anak….." ang bati ni Mama flor sa kanya. Kinakabahan naman si Jc sa kung ano ang sasabihin ng mama nito dahil sa hindi siya nakauwi kagabi.

" Nak, saan ka…. Bat di ka umuwi kagabi?" Ang sunod sunod na tanong ni Mama Flor sa kanyang panganay na anak. Tumigil muna sa gilid si Jc at pinakalma nito ang kanyang sarili.

" Ma… relax…… mag-isa ka lang ba ngayon diyan?" ang tanong ni Jc sa kanyang mama flor. Napaisip naman ang kanyang mama kung bakit ito tinatanong ng kanyang anak. Napatingin naman ito sa paligid at busy lahat ng staff niya sa kusina.

" Oo anak" ang mahinang sabi ni Mama Flor sa kanyang anak. Mukhang importante ang sasabihin nitong si Jc. Kaya naman hinayaan na lang niya si Jc sa gusto nitong sabihin sa kanya.

" Makinig ka sa sasabihin ko ma" ang sabi ni Jc sa kanyang mama flor at nakinig lang sa kanya ang mama nito. At nag simula na ito si Jc na magsalita. Si Mama Flor namna ay nakikinig lang.

++++++++++++++++++++++++++++++++

Habang sa opisina naman ni Kc.

Kakadating lamang ni Gerard mula sa lakad nito sa pier 18. Naabutan niya si Kc na nakatingin sa mga papeles ng kumpanya. Busy ito kaya naman hindi siya napansin ng kasintahan ng na pumasok na ito.

" Hi Loves" ang sabi ni Gerard sa kanyang kasintahan. Napatingin naman si Kc at nakita nito ang kasintahan na nakatayo sa harap niya . Tumigil naman si Kc sa kanyang ginagawa at tumayo ito para batiin ang kanyang kasintahan. Hinalikan niya ito sa lips at inakap naman siya ni Gerard.

" Miss me" ang sabi ni Kc ng maramdaman nito ang mainit na akap ni Gerard matapos maghiwalay ang kanilang labi. Sobrang sweet ng dalawa na pati langgam ay mahihiya sa kanila.

" Definitely" ang sabi ni Gerard sa kasintahan nito at naghiwalay na ang dalawa sa pagkayakap. Umupo si Gerard sa upuan ni Kc habang ang babae naman ay sa lamesa naisipan umupo.

" Love….. A friend invited me for poker…. Sama ka?" ang pag-aaya ni Gerard kay Kc. Napangiti naman si Kc dahil sa hindi naman siya marunong magpoker. Pero masaya naman siya na makasama ang kasintahan nito. Kaya naman pumayag pa rin ito kahit na hindi niya alam ang laro.

" Sure love……" ang sabi ni Kc at hinalikan nito sa labi ang kasintahan niyang si Gerard. Kaya naman napatingin si Gerard sa orasan at nakita niya na mag alas tres na pala kaya naman nag-ayos na sila para poker night ni Gerard kasama ang mga kaibigan ni Gerard

Sakto naman na bumukas ang pintuan ng opisina na napatingin sila doon at nakatayo si Mama Flor dito at bigla itong nagsalita.

" Nak… iho…mauna na kami at masama ang pakiramdam ko" ang sabi ni Mama Flor at nasa likuran nito ang anak na si Daisy at ang kanyang apo. Nagtinginan naman si Kc at Gerard tsaka ito nagsalita.

" sige ma…ihiga mo na yan…. May ka meet up din kaming friends ni Gerard eh" ang sabi ni Kc sa kanyang mama flor. Nagpaalam naman agad ito. Sinara na niya ang pintuan ng opisina ni Kc tsaka sila naglakad.

+++++++++++++++++++++++++++

Habang sa St Lukes.

Kakadating lang ni Jc at kasalukuyan itong nakaupo sa bench sa pasilyo ng hospital kausap nito ang kaibigan niyang si AJ.

" Are you sure about this?" ang tanong ni aj sa kanyang kaibigan. Titig na titig ito kay Jc habang pasulyap sulyap ito sa dulo ng pasilyo.

" I'm sure…. Kailangan ko sila sa plano ko" ang sabi ni Jc sa kanyang kaibigan at nakita nito ang tatlong tao na kanina pa niya sinisilip silip sa pasilyo. Napangiti naman ito kay Aj at tinapik ang balikat nito.

" Hi Tita Flor" ang bati ni Aj sa mama ni Jc at nagmano ito dito. Habang si Daisy naman ay karga karga ang pamangkin nito na ngayon ay tinuturo turo ang mga ilaw sa paligid.

" Aj….. Jc…. asan siya?" ang tanong ni Mama Flor sa dalawang babae na nasa harapan nito ngayon. Ang mga mata nito ay punong puno ng emosyon.

" Andito po" ang sabi ni Jc at binuksan nito ang pintuan ng kwarto ni James. Unang pumasok si Aj sa pintuan na kung saan napalingon si James. Kita nito ang nurse na nag-aasikaso sa kanya.

" James… kumusta ka na" ang paguusisa ni Aj sa kalagayan ng lalaki. Nagtaka naman itong si James kung paano nalaman ng nurse ang pangalan nito. Pero kahit papano ay nginitian nito ang babaeng nag-aalaga sa kanya.

" Kasama ko ang nagdala sa iyo dito" ang sabi ni Aj at lumabas naman mula sa likuran ni James si Jc. Nakangiti itong si Jc habang kitang kita naman sa mukha ni James ang pagkagulat.

Parang nahiya bigla itong si James dahil sa kilala niya ang babaeng ito. Ang nakakatandang kapatid ng dating kasintahan niya na si Kc. Kung andito si Jc ay tiyak na nandyan din si Kc. Hindi alam ni James kung kaya niyang harapin itong si Kc.

" Kumusta ka James?" ang tanong ni Jc sa kanya habang nakatitig ito sa dating kasintahan ng kanyang kapatid. Titig na titig sila sa isa't isa. Ang isa ay titig na puno ng tuwa habang ang isa naman ay titig ng kahihiyaan.

" Jc……. I'm sorry" ang tanging nasabi ni James sa kanya. Hiyang hiya pa rin ito sa pamilya ng kanyang dating kasintahan. Kahit ilang taon na ay wala pa din itong lakas ng loob na harapin sila.

" anak anong nangyari sa iyo" ang maluluhang sabi ni mama flor ng bigla itong napatakbo ng marinig niya ang boses ng lalaki. Dito ay naawa siya sa kanyang nakita. Nagulat na lang silang lahat ng bigla nitong yinakap ng mahigpit si James na tila ba isang anak na matagal na nawala.

Hiyang hiya lalo si James dahil sa dami ng kasalanan na nagawa nito kay Kc at sa anak nila ay heto ngayon ang magulang nila. Inaakap akap ito na tila ba kapamilya nila. Tila ba wala itong nagawang kasalanan sa kanilang lahat.

Si Jc at Aj naman ay napako na lang sa kanilang kinatatayuan. Ang mga mata ni Jc ay namumugtong na din.

" anak…. Napano ka" ang sabi ni mama flor habang hinahaplos haplos nito ang mukha ni james. Ramdam ni James ang haplos ng isang tunay na ina. Pinikit na lamang ni James ang kanyang mga mata dahil ayaw niya makita ang mga mata ng ina ng babaeng dinurog at sinaktan niya.

" Patawarin niyo po ako tita huhuhuhuhuhuhuhuhuhu" at tuluyan ng bumigay muli ang damdamin ni James dahil sa patuloy na paghaplos ni mama flor sa kanyang mukha. Pumatak na muli ang luha ng lalaking nakilala nila sa kanyang katikasan pero heto siya ngayon at pinapakita nito ang kanyang kahinaan.

" anak……… napatawad na kita…….. Salamat anak" ang sabi ni mama flor kay James habang patuloy lang ito sa pag-iyak. Si Jc naman ay napaupo na lamang sa sofa at kitang kita mo sa galaw ng katawan nito na humahagulgol na din ito.

" nangibabaw sa akin ang galit at inis ko sa iyo….. Pero kinalimutan ko lahat ng mga nagawa mo para sa anak ko at sa apo ko" ang sabi ni mama flor at unti unti na din na tumutulo ang luha nito ng mga oras na iyon.

" Tita…….. Kalimutan niyo na pa iyon" ang sabi ni James sa ina ng babae na kanyang niloko at sinaktan noon.

Habang nagkakaroon ng kalinawan ang lahat sa loob ng kwarto ni James ay kabaligtaran naman ang nangyayari sa isang sikat na village sa makati.

Nasa isang malaking mansyon naman ngayon ang magkasintahan na Gerard at Kc. Nakipagmeetup sila sa mga kaibigan ni Gerard na matagal na hindi nakita ng lalaki.

Maganda, malaki at malinis ang sala na nilalakaran ngayon ni Kc at Gerard. Halata mong mga multimillionaire ang mga nakatira dito .Mamahalin ang mga gamit. Sinalubong silang dalawa ng isang katulong at tinuro sila nito sa may parang garden area malapit sa pool.

Nakaupo sa isang bar ang isang black american, malapit sa Pool. Itinuro ni Gerard kay Kc ang lalaki at sinabi nito na yun ang kameetuo nila

" Hey Chris….. Mah friend" ang bati ni Gerard sa lalaki. At humarap naman ito ng marinig siya nito.

" Gerard mah boy" ang bati ni Gerard sa kaibigan nitong black american. Natakot naman si Kc dati sa nakatitig ito sa kanya at sa tingin pa lang ay hinuhubaran na ito.

Kahit sino naman siguro ay matatakot sa hitsura ng lalaki. Naka suot ito ng white shirt at baggy pants at may nakasabit na dog tag sa leeg nito. ANg buhok naman niya ay kamukha ng buhok ni snoop dog.

" Chris… my girl… Kc" ang pakilala ni Gerard sa kanya. Inabot nito ang kamay niya at mabilis naman ito kinamayan ng lalaki at binitawan din naman agad ito ni Kc.

" Nikita just arrived… there you go" ang sabi ni chris at bigla naman nito tinuro ang likuran nila Kc. Lumingon naman ang dalawa at nakita nila ang isang japanese guy na nasa 5'4 lang ang height pero ang lakas ng dating nito.

" Nikita" ang sabi ni Gerard at kinamayan naman siya ng lalaki. Nakita ni Kc na kulang ang daliri ng lalaki. Kinabahan lalo si Kc dahil mukhang yakuza itong si hapon.

" My Girl…kc" ang sabi ni Gerard at tulad kanina. Inabot naman ni Kc ang kamay nito at mabilis din na binalik sa pwesto matapos kamayan siya ni nikita.

Niyaya na sila ni Chris na umupo sa lamesa sa may tabi ng pool at umupo naman si Kc sa tabi ni Gerard habang ang dalawa naman ay sa magkabilang side naupo. Nakita ni Kc ang napakaraming pika pika at alak na nakahain sa may pool area.

Nagsimula ng maglaro ang tatlo habang si Kc naman ay tahimik lamang na nanood. Nagkakatuwaan na ang mga lalaki dahil sa iba iba ang nanalo. Alam mo naman ang mga lalaki. Basta nananalo sila ay tahimik lang mga yun.

Pero hindi naman ganoon ang nangyari sa buong gabi. Unti unti ng natatalo si Gerard sa sugal kaya naman medyo nakikita na sa mukha nito ang inis. Pilit naman siya pinapakalma ni Kc.

Hanggang sa naubos na talaga ang puhunan ni Gerard kaya naman nagpaalam na sila ni Kc na uuwi na. Iniwan nila ang dalawang kaibigan ni gerard pero ramdam ni Kc ang tila paghabol na tingin nila sa kanya. Hindi na lamang niya ito pinansin dahil pauwi na rin naman sila

Mag alas dose na ng hatinggabi at medyo nakainom na rin silang dalawa kaya naman sa condo na ni Gerard natulog si Kc. Nagtext naman ito sa kanyang mama kaya naman ayos lang sa kanya ito.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Habang sa bahay nila kc.

Kakauwi lamang nilang lahat. Naiwan sa hospital si Aj at kasama nitong nurse para magbantay kay james. Kasalukuyan silang nag-uusap sa sala ng bahay. Kakabalik lamang ni Daisy mula sa pagdala nito sa pamangkin niyang tulog na tulog sa kwarto ng ate Kc niya.

" Naiintindihan niyo naman siguro ang mga napag-usapan natin doon sa hospital?" ang tanong ni Mama Flor sa kanyang dalawang anak. Unang tumingin ito kay Jc tas tumingin din siya kay Daisy.

" Naiintindihan namin" ang sabi ni Jc sa kanyang mama flor habang tinitignan nito ang kapatid niya si Daisy na hawak ngayon ang laptop niya. Tumingin din naman ito sa kanyang ate bago nagsalita muli.

" Makakaasa ka ma……" ang sabi ni Daisy sa kanyang mama flor.Kaya naman nagpaalam na si Mama Flor na papasok na ito ng kanyang kwarto. Naiwan naman ang dalawang magkapatid na tila ba may pag-uusapan pa ito.

" Daisy….ikaw na bahala doon sa mga gagawin" ang sabi ni Jc habang nakatingin ito sa kanyang kapatid na daisy na ngayon ay titig na titig sa kanya. Lumingon muna sa paligid si daisy bago ito magsalita.

" ate…. I have something here" ang sabi ni Daisy sa kanyang ate. Nagtaka naman si Jc sa mga sinasabi ng kanyang kapatid kaya naman napatitig ito ng matagal sa kanya.

" Ano yun?" ang mahinang usal ni Jc dahil mukhang seryoso ang sasabihin sa kanya ng bunsong kapatid nito.

" ate look at this" ang sabi ni Daisy sabay bukas sa kanyang laptop at may pinakita itong isang video. Isang video na babago sa buhay nilang pamilya.

++++++++++++++++++++++

NGAYON GISING NA SI JAMES AT NAGKAKASUNDO NA SILA NG PAMILYA NI KC?

ANO NA KAYA ANG PLANO NILANG NAPAG-USAPAN?

ANO KAYA ANG MANGYAYARI SA POKER NIGHTS DI UMANO NG FRIENDS NI GERARD KASAMA SI KC?

IS IT TOO LATE NA PARA MABAWI NI JAMES ANG MAG-INA NIYA?

PAANO NA SI JC?